Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49

A/N: I'm back. Enjoy! Pakinggan n'yo rin ang kanta ko for Mathieu and Mateo. (T_T) I will try to update more often now. Thank you for always waiting.

* * *

"U-UNDERGROUND museum po?" kunot na kunot ang noong ulit na tanong ni Xersus sa kanya.

Tumango si Chippy. "Oo." Inayos niya ang pagkakaupo, tumagilid nang bahagya upang mas matingnan sa mukha si Xersus. "Katulad lamang din iyon sa isang library pero mas maliit." Gamit ng mga kamay ay sinukat niya ang pagkakaiba ng dalawa. Sinuguro rin niyang hindi malakas ang boses niya habang nagsasalita upang walang makarinig. "Mga lumang gamit ang nandoon. Imbakan ng mga gamit na hindi na nagagamit dito sa bahay," pagpapatuloy niya.

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Xersus. "Imbakan ng mga lumang gamit po. . ."

Sunod-sunod na tumango ulit si Chippy. "May nabanggit ba ang ama mo tungkol doon?"

"Tiya," hinuli ni Xersus ang mga mata niya, "katulad din po ba ito sa imbakan ng mga alak ni Lolo Jose?"

Natigilan si Chippy. "Imbakan ng mga alak? Mayroon ba tayo niyan sa bahay?"

Sa pagkakaalala niya ay wala nang imbakan ng mga alak sa hinaharap. Nabanggit siguro noong bata siya pero hindi na naman niya pinagtuonan ng pansin kung saan ito banda. Hay naku, Chizle! Napangiwi siya sa kanyang isip. Gusto niyang kutusan ang sarili. Gagi! Kaya pala nabanggit ni Amara na may susi ito ng imbakan ng mga alak ni Julian. Doon pala galing iyon. Akala ko sa mga wine cabinet lang.

"Opo, Tiya."

"Saan banda? Kailangan ng susi?"

"Ang alam ko po Tiya e nasa likuran po ng bahay ang pintuan. Nakita ko ho kasi si Mama Amara noon na pumupuslit po doon. Pero Tiya, huwag n'yo po sabihin ah. Baka po magalit si Papa kay Mama Amara."

"Hay naku, hindi aabot sa ama mo. Ako ang nag-utos kay Amara na pumuslit doon." May ngiting ginulo niya ang buhok ng bata. "Anyway, alam mo kung na saan ang susi doon?"

"Nasa silid po siguro ni Papa, Tiya."

Iginala niya muna ang tingin sa paligid. Clear, walang tao. Binalikan niya ng tingin si Xersus. "Xers, gusto mo sumama sa'kin?" Namilog ang mga mata nito pero may may naaaninag siyang excitement mula roon. "Babain natin. Pero kunin mo muna ang susi sa silid ng ama mo. Ano game ka?"

Hindi malabo na may daanan papunta sa underground museum doon. Hinalughog na niya ang buong bahay, wala pa rin siyang makitang lagusan papunta sa underground museum ni Iesus. Pero paano kung may daan nga roon? Sa reklamo pa ni Amora sa kanya, bantay-sarado ni Julian ang wine cellar.

"Tiya, hindi po pa tayo mapapagalitan?"

"Hindi iyan. Akong bahala sa'yo."

Pero sa isip niya. Takte, huwag lang talaga tayo mahuli at baka mahati na rin ang dagat dito sa 1935 dahil sa'kin.






"K-KUYA?" Natigilan si Dimitreo nang makasalubong si Mathieu sa labas ng bahay. "Kuya!" Sakabila ng pagkagulat ay sumilip ang ngiti sa mukha nito, mula sa bukas na pinto ay mabilis itong bumaba sa harapang hagdan ng bahay upang makalapit sa kanya. Ngumiti siya rito. "Kuya, nagbalik ka." May pananabik na niyakap siya nito.

"Dimitreo," ganting yakap niya, napangiwi nang bahagya nang humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Damn. Natatamaan na ang sugat niya. But he had to endure it. Hindi dapat malaman ng mga ito ang nangyari sa kanya. Or else, it will ruin his plans. "Kapatid," bahagya siyang lumayo rito, "Kumusta? Ang Mama at Papa?" nakangiti niyang tanong.

Lumapad ang ngiti ni Dimitreo. "Maagang umalis. May pinuntahan, ngunit sa tingin ko ay makakabalik na sila bago magtanghalian." Titig na titig pa rin ito sa kanya, tila hindi makapaniwala. Lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Andris."

"Magandang umaga, Senyorito," narinig niyang bati ni Andrew kay Dimitreo.

Naigala ni Dimitreo ang tingin sa paligid. "Hindi n'yo kasama si Juanito?"

"Nasa isla ho, Senyorito. Sinamahan na ho muna ang aming ina."

"Ah, ganoon ba?"

"Mabuti pa't pumasok muna tayo," nakangiting suhestiyon niya. "At ako ay napagod sa b'yahe, nais ko munang magpahinga kung maaari, Dimitreo."

"Patawad aking kapatid. Nawala sa aking isip na ikaw ay nagmula pa sa Pransiya. Mang Hulyo, pakitulungan po si Andris sa pagbaba ng mga gamit," tawag nito sa matandang kawaksi sa malapit. "Ingatan n'yo lamang po ang pag-akyat ng mga ito sa silid ng aking kapatid."

"Masusunod po, Senyorito."

Iniwan nila si Andris kasama ni Mang Hulyo at isa pang kawaksi. Magkaagapay na naglakad silang dalawa ni Dimitreo papasok ng bahay.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang bumalik ka rito, Kuya. Ang buong akala ko'y pinal na ang desisyon mong umalis ng Pueblo de Liloan at manatili na lamang sa Pransiya."

"May kailangan lamang akong balikan."

"Si Maria Priscilla ba?" Natigilan si Mathieu, huminto rin sa paglalakad si Dimitreo. Nagtama ang kanilang mga mata. "Hanggang ngayon ay isang palaisipan pa rin sa akin kung bakit pinili mong umalis at iwan si Maria Priscilla. . . gayon tunay naman ang nararamdaman mo sa kanya."

"Kumusta na siya?" pag-iiba niya, sa halip na sagutin ang tanong nito.

"Si Priscilla? Walang nakakaalam." Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa bahay. "Lumalabas lamang siya tuwing Linggo, kasama ng kanyang pamilya upang magsimba. Usap-usapan ngayon ang bisita ng mga de Dios, isang dalaga na nagmula sa isang marangyang pamilya mula sa Maynila ang napipisil ni Don Jose de Dios para kay Julian. Sa takbo ng kwento ng pamilya nila, sa tingin ko ay wala pang ibang binata ang umaakyat ng ligaw kay Priscilla dahil tutok ang lahat kay Julian."

"At alam mo ang lahat ng ito kahit nandito ka lang sa hacienda?"

Natawa si Dimitreo. "Maliit lang ang Pueblo de Liloan aking kapatid. Walang usok na hindi napapansin agad dito sa atin. Kaya maniwala ka sa akin, kung si Priscilla ang binalikan mo. Natitiyak kong wala ka pang kalaban sa kanya."

"Hindi ako nagbalik dito para kay Priscilla, may ibang bagay akong hinahanapan ng sagot. Ako'y aalis din kapag nahanap ko na ang hinahanap ko—" Natigilan si Mathieu nang hawakan siya ni Dimitreo sa magkabilang braso. Napilitan siyang harapan ito. Nasa sala na sila ng bahay.

"Aalis ka pa rin?"

Tumango si Mathieu. "Wala nang dahilan upang manatili pa ako rito sa atin. May ilang bagay na lamang akong aasikasuhin bago ako bumalik sa Pransiya."

"Hindi mo ba talaga babalikan si Priscilla?"

Umiling siya. "Matagal nang nagtapos ang aming relasyon, Dimitreo." Ngumiti siya rito. "At huwag mo na akong alalahanin pa. Unahin mong isipin itong hacienda para sa asawa at magiging pamilya n'yo."

"Hindi ko maiwasang isipin na kaya mo piniling iwan si Priscilla ay dahil sa matinding pagtututol ni Papa sa pag-iisang-dibdib n'yo."

"Hindi mo na dapat iniisip ang mga bagay na iyan. Nakaraan na iyon, at nakapagpasya na kaming dalawa." Maingat na ibinababa niya ang mga kamay nito saka niya ginulo ang buhok ni Dimitreo. He reminded him of his younger brother Alexandyr. They used to be so close growing up. "Aakyat na ako. Kapag dumating ang ating mga magulang nay huwag ka nang mag-abalang gisingin ako."

Naging malungkot ang ngiti nito. "Kuya—"

"I will be fine." Tinapik niya ito sa kaliwang braso. "Don't worry about me."

Dimitreo sighs. "Kapag may kailangan ka, Kuya, katukin mo lamang ako sa opisina ko." Tumango si Mathieu. "Hindi ka ba nagugutom? Papahatiran kita ng pagkain sa silid mo."

"Tubig na lamang."

Tumango ito. "Iyon lamang ba?"

"May isa pa."

"Ano iyon?"

"Naalala mo ba kung saan—" Hindi niya naituloy ang sasabihin. Sa tingin niya ay hindi nito alam. Umiling siya kay Dimitreo. "Hindi na bale. Hahanapin ko na lamang."

"Ang alin?"

"Wala." Ngumiti siyang muli. "Saka na lamang."

NATIGILAN si Mathieu nang makasalubong niya sa pasilyo ang ina ni Mateo. Halatang natigilan din ito na makita siya. Ramdam niya ang biglang bilis ng tibok ng kanyang puso nang masilayan ang mukha ng ina. Nais niyang ilapat ang isang kamay sa kanyang dibdib upang hindi nito mapansin ang kabang unti-unting yumayakap sa kanyang puso. He felt the familiar throb of pain and longing in his heart. One that he had been trying to heal for the past years. His desperation for his family to accept him.

He swallows hard. "Mama," bati niya rito.

Mateo's parents do not resemble his present parents' faces, but Mateo's pain is vividly identical to his.

"Nabanggit nga ni Dimitreo na nagbalik ka." Tumango lang siya. "Hanggang kailan ka naman mamalagi dito?"

"Mga ilang araw o linggo ho. Ngunit huwag ho kayong mag-alala, hindi rin ho ninyo ako mapapansin dito sa bahay." Words that Mateo would say to his mother. His mother who had begged him to leave this family for good.

My mother did the same to me.

"Mateo—"

"Hindi ho ako gagawa ng dahilan upang malagay na naman sa matinding kahihiyan ang pamilya natin." May respetong ngumiti pa rin siya sa ginang. "Maiwan ko na ho kayo." Nilagpasan niya ang ina ni Mateo ngunit lalo lamang tumindi ang sakit sa kanyang puso. Hindi pa siya nakakalayo nang huminto siya. Naikuyom niya ang mga kamay, ramdam niya ang pagtatagis ng mga panga. "Mama." Hindi niya napigilang lingunin muli ito. Pakiramdam niya ay pareho sila ng nasa isip ngayon ni Mateo.

Nakatingin na ito sa kanya bago pa man niya ito nilingon.

"May. . . pagkakataon ho ba. . . na minahal n'yo ako bilang anak?" hindi niya mapigilang tanong. Halatang natigilan ang ina sa naging tanong niya. Hinintay niya itong sumagot ngunit tinitigan lamang siya nito. She looked at him with such guilt in his eyes. Mapait siyang ngumiti. He get it. "Hindi n'yo na ho ako kailangang sagutin. Alam ko na ho ang sagot."

Naglapat ang mga labi nito.

He slowly gulp, hoping it could clear the heavy feeling in his chest, but it did not. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "I would have appreciate a lie."

"Mateo—"

He blinks the tears welling up in his eyes. "Mauuna na po ako." Tinalikuran niya ang ina at dire-diretsong naglakad patungo sa library ng bahay. Pumasok siya roon at isinarado ang pinto sa kanyang likuran at sumandal doon. His lips trembled as he clutches on the front of his polo, but the throbbing pain was too much to bear. Napayuko siya at hinayaang isa-isang maglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

Mathieu smiled bitterly at the diploma and medals on his hand. Dumating ang mga magulang niya pero umalis din ang mga ito pagkatapos ng program. Simula pa noong bata siya at ngayong nagtapos na siya ng high school, his parents still see him as a mistake they must conceal from public scrutiny. The secret of his birth will not only ruin their so-called perfect family, but it will destroy the reputation of his father. And despite his humble efforts to earn his father's trust, his parents will see him as an irrevocable mistake for the rest of their lives.

Making him a Brandaeur is his mother's ticket to spare herself from humiliation and tribulation. This last name makes him legally a child of his mother's husband, but in his father's eyes, he will remain a product of his wife's betrayal. He was not his eldest son. He was a fraud. Without his father's last name, he was a nobody.

Even if he dies today, his father will never mourn his death.

"Mathieu," narinig niyang tawag ng kanyang Lolo Dimitrio kaya nilingon niya ito. His smile was genuine this time. "Apo."

"Lolo."

Kasama ng kanyang lolo ang kanyang Lola Mara, nakahawak sa isang braso nito, at parehong may matamis na ngiti sa mga mukha.

"Halika na," aya ng lolo niya.

Mabilis siyang lumapit sa dalawa at niyakap ang mga ito. "Salamat po." Hindi niya na napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Humigpit ang yakap niya sa dalawang matanda. "Sa pagmamahal at pagtanggap. . ." Lalong bumigat ang dibdib niya nang sabihin ang mga salitang iyon.

Naramdaman niya ang marahang pagtapik ng kanyang lolo sa kanyang likod. "Hanggat nabubuhay kami ng iyong lola ay mamahalin ka namin nang buong-buo, Mathieu." Lalo lamang siyang naiyak sa mga salitang iyon.

"Mahal na mahal namin ang aming Mat-Mat," dugtong ng kanyang lola. Dahan-dahan silang kumalas sa isa't isa. Bahagya siyang yumukod para mahawakan ng kanyang Lola Mara ang kanyang mukha na hilam ng mga luha nang mga oras na iyon. "Sisikapin naming punan ng lolo mo ang kakulangang nararamdaman mo riyan sa puso mo, apo. Kaya, tahan na."

Sunod-sunod na tumango si Mathieu. "Salamat po."

"Lagi mong tandaan, Mathieu." Hinawakan niya ang mga kamay ng kanyang lola para marahang ibaba ito upang makatayo siya nang maayos at maharap ang lolo niya. "We're always proud to have you as our grandson." Parang batang humikbi siya sa harap ng mga ito. He had always been dreaming of hearing those words from his parents again, but he knew it will remain as a wistful dream in this lifetime.

P R E S E N T

"Louise Veronica sinasabi ko talaga sa'yong babae ka, kapag ikaw nahuli rito ay bahala ka na talaga sa buhay mo."

Kilala na siya ni Manong Ben, isa sa mga magiliw na guard dito sa Faro kaya pinapasok siya. Galing na siya boardwalk, umakyat ng rooftop, pero ni inino ng magaling niyang kaibigan ay hindi niya mahagilap. Chippy gave her the spare key, but damn that woman. Hindi niya mabuksan ang litseng pinto gamit ng spare key na bigay nito. Ang magaling, malamang nagpalit ng door knob na hindi nagsasabi. Paano ko bubuksan ngayon ang pinto? Bibigwasan ko? Pambihira!

Mag-iisang linggo na siyang walang balita sa babae. Pati kay Engr. Simon, wala ring paramdam. Hindi pa sinasagot ang mga tawag at text niya. Nag-sorry na nga siya pero ang lalim ng galit sa kanya. Gustong-gusto na niyang isumbat dito ang mahigit apat na taong pagsakop ng mga Hapon sa kanila pero mali iyon dahil siya ang may kasalanan dito.

Nakarating na siya sa pinakataas ng puting mansion ni Iesus. Ingat na ingat siyang hindi makaagaw ng atensyon mula sa mga tao sa loob. Paalis na sana siya kanina nang makita niyang lumabas si Amora at nakalimutang isarado ang gate. Matagal na siyang curious talaga at naghihinala na siya. Baka sakaling tinatago ng aburidong pinsan nito ang kaibigan niya at kailangan niyang sagipin ito through "bff instinct" dahil pareho silang bobo sa morse code.

Shit! Ay, sorry, hindi pala ako nagmumura.

Nagtatago siya ngayon sa mga puno, tinatanaw niya ang malaking bahay sa harapan niya. In all fairness, maganda ang mansion sa malapitan. It reminded her of those national treasure ancestral houses only that the white mansion of de Dios has a victornian exterior. Kaya ang ganda ng combination ng Filipino and Victorian design sa bahay.

Maliwanag pa naman sa paligid, may isang oras pa siguro siya bago ang paglubog ng araw. Hindi siya puwedeng maabutan ng gabi dahil sa mga litseng horror stories ni Chizle Priscilla sa kanya.

Bumuga siya ng hangin.

"Okay, LV, isang ikot lang sa bahay. Sisilip ka lang at aalis ka na," paalala niya sa sarili.

Para siyang akyat bahay sa ginagawa niya. Palipat-lipat ng puno na matataguan. Tumitingkayad para masilip ang mga bintana. May parte na bukas ang ilaw lalo na sa ibaba. Patay naman ang mga ilaw sa itaas. Wala siyang mahagip na anino o naglalakad sa loob. Hinugot niya ang cellphone at kinunan ng picture ang bintana at in-zoom ang screen pagkatapos. Wala ring tao. Ibinalik niya na lang sa bulsa ng slacks niya ang cellphone.

Nagpatuloy siya hanggang sa makalapit siya doon sa lumang tree house. Tumingala siya roon, halatang matagal na ito roon at hindi na naalagaan. Although it does look sturdy and well built despite its desolate state. Ibinaling niya naman ang tingin doon sa balon. Nagdadalawang-isip siyang lumapit doon. Kaloka, baka ano pa makita niya roon. Pass!

Nagpasya siyang umikot pa hanggang sa makarating siya sa pinakalikod. Namilog nang husto ang mga mata ni LV. Nakikita niya naman ang puting buhay mula sa rooftop pero hindi niya inasahan na may malawak pa rin itong likuran. Tila isang hardin na may mga pababang sementadong hagdanan na putol-putol dahil hindi pantay ang lupa. The path could lead her to the trail of forest that connects the mansion and the whole Faro de Amore. Baka nga rin may daan din doon palabas sa parola.

"Wow," she uttered in pure awe. Kitang-kita rin sa puwesto niya ang dagat at iilang mga bangka na pumapalaot nang mga oras na iyon. Lalo na ang parola. Hinawakan na niya ang maikling buhok dahil ramdam na sa parteng iyon ang malakas na hangin. "Ayon lang, maganda pero eerie pa rin. Anyway—"

Saktong paglingon niya ay may humawi ng kurtina sa isa sa mga malalaking bintana roon. Shit! Shit! Shit! Mabilis siyang umupo upang makapagtago. May taooooo, LV! Dumikit siya sa pader sa kanyang likuran pero takte iyan nang biglang bumigay ang pader at kinain siyang buo. Nalunon niya ang tili nang tuluyan siyang mapaupo nang tuluyan sa sementadong sahig. Nakatakip ang dalawang kamay sa bibig niya. Napangiwi siya nang sobra sa isip.

Ito na nga ba ang sinasabi ko Louise Veronica. Walang nagagawang maganda sa buhay mo ang pagiging pakialamera.

Ibinaba niya ang mga kamay at kinalma muna ang sarili. Hinugot niya muli ang cellphone sa bulsa ng slacks niyang suot at pinailaw ang flashlight ng cellphone niya. Pinatamaan niya ang bawat sulok, may nakikita siyang iilang mga lumang wine barrel at wine rack na may mga bote ng wine pero wala nang laman. Maalikabok na rin at marami nang bahay ng mga gagamba. Inilapat niya ang isang palad sa sahig pero parang hindi malamig na semento ang nararamdaman niya kaya pinailawan din niya ito. Napakurap siya sa pagkamangha dahil tila ang parte lang na iyon ang yari sa kahoy na sahig.

"Ano ito?" mahinang tanong niya sa sarili.

Tumayo muna siya saka niya sinipat ang bahaging iyon. Parang isang maliit na pinto sa sahig. Muli niyang pinatamaan ng ilaw ang paligid, naghahanap siya ng ibang pinto na maaaring puwedeng daanan niya papasok ng bahay. Kaso mukhang wala.

"Ser!"

Nagitla si LV nang marinig ang boses sa labas. Takte iyan! Mabilis siyang lumapit sa pinto at dahan-dahan itong isinarado para hindi siya makita.

"Sigurado ka bang dito mo iyon nakita?"

"Oo nga."

Huli ka ngayon, LV! Magtago ka riyan. Hindi niya masirado nang tuluyan ang pinto dahil parang sira ito. Gagi! Hinayaan na lamang niya ito at lumuhod siya malapit sa floor hatch. Nagpa-panic na kinapa-kapa niya ang maaaring umusling sahig para maiangat ito. Beads of sweat started forming on her forehead and dripping on both sides of her face. Lumalakas pa lalo ang dalawang boses ng mga tao sa labas. Damn it! Halos pigil na niya ang kanyang hininga nang makapa niya ang nakausling parte. Thank God! Mabilis niyang iniangat ito at ganoon na lang ang gulat niya nang bumukas ang ilaw sa ibaba. There was a steep stairs going down, hindi naman mahaba, sakto lang.

"Oy bakit bukas 'to?" narinig niyang tanong sa labas.

Kaya bago pa siya mahuli ay bumaba na siya tutal may ilaw naman. Dahan-dahan habang inaalalayan ang pinto pasarado sa ulo niya. Gusto niyang saktan ang sarili nang mga oras na iyon. Kapag talaga hindi siya nakalabas dito ay mumultuhin niya lahat ng nakatira sa Faro para mahanap ang katawan niya. Kainis!

Nagawa niyang makababa at kakaibang lamig naman ang naramdaman niya sa paligid na hindi niya alam saan galing. Maliwanag sa buong silid pero wala siyang makitang switch ng ilaw. Pero may mga wall mounted lantern lightbulb ang maluwag na silid. Mas marami ang wine barrels dito kumpara sa itaas. Kung hindi siya nagkakamali, may sensor siguro ang floor hatch na kapag umangat baba ito ay automatic na bumubukas ang ilaw sa ibaba.

"Walangya, hindi nga scam nang sinabi mo Chizle na tumubong escape room ang bahay ng pinsan mo." Wala siyang ibang masabi kundi wow.

Mas malaki at maluwag ang silid sa ibaba, it reminded her of a wine cellar. The traditional European wine cellar na madalas niyang nakikita sa mga travel shows sa Barcelona, Spain. Pahaba, parang tunnel. May natatanaw siyang wooden door mula sa dulo kaya naglakad siya patungo roon. This time may door handle na pero hindi pang push and pull, kailangang i-slide papunta sa kaliwa. Hindi naman siya nahirapan doon. Hindi niya lang binuksan nang malaki dahil natigilan siya sa isa pang liwanag sa pinakadulo ng kadugtong na tunnel kung na saan siya. Hindi naman malayo sa kanya, mga ilang lakad pa.

Dapat ay kinakabahan na siya pero tila hinahatak pa siya ng liwanag na lumapit doon. Hindi niya maintindihan pero parang may bumubulong sa kanya na puntahan ang parte na iyon ng lagusan. Dahan-dahan siyang naglakad doon at habang papunta siya ay tila ba may naririnig siyang malakas na hampas ng alon, ingay ng mga tao na tila ba nasa isang matao siyang lugar o palengke, sumabay sa mabining ihip ng hangin ang ugong na tunog ng isang barko. Lumalakas ang mga boses ng mga tao na tila mga nagmamadali sa kanyang tainga hanggang sa makarating siya doon sa may liwanag. Ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya nang bumungad sa kanya ang nakaparaming lumang gamit na tila ba kinolekta ng napakaraming taon.

"Veronica."

Napasinghap siya at marahas na napalingon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro