Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 48

INAGAW ni Andrew ang stick ng bbq na kakagatan na dapat ni Juan. "Mauubos n'yo na iyang paninda n'yo pero wala pa ring bumibili sa inyo." Pinaningkitan siya ni Juan ng mata at binilisan na lamang ang pagpapaypay sa mga iniihaw na bbq sa harapan nito.

"Sino bang may sabi sa'yo Andeng na binibenta namin 'to?" sagot sa kanya ni Simon. Ito ang may idea na magtayo sila ng maliit na bbq stall malapit sa pier. Andrew did not agree with this plan, but it's a win of two against one. Ano pa bang magagawa niya? "Pinapakailaman ka ba namin na nakasuot ka pa rin ng salakot kahit may buwan na?"

Tumawa nang malakas si Juan. "Maliwanag ang buwan—"

Tinakpan ni Simon ang bibig nito. "Shs. Huwag kang magsalita, pepe ka." Ibinaba nito ang kamay. Juan did the "zip-your-mouth" hand sign.

Kinagatan na lamang ni Andrew ang hawak na bbq. Iginala niya ang tingin sa paligid. Mahangin sa banda kung saan sila. May mangilan-ngilan ding mga tao na napapatingin sa gawi nila. Most of them are probably curious about the distinct meat aroma that come along with the smoke. Hinihintay nilang dumaan ang grupo ng mga nagbabantay sa lagakan ng mga naiwang gamit dito malapit sa daungan. Nauna na si Andris doon para makapagmasid kung paano sila makakapasok doon mamaya.

He doesn't think someone will find them familiar lalo na't malaki na ang kinaibahan ng mga hitsura nila noon. Humaba na nang bahagya ang mga buhok nila at tumubo na rin ang mga barbas sa kanilang mukha. Nakaayos bilang negosyanteng Tsino sina Simon at Juan. Dinagdagan lamang ng bigote ni Juan ang itaas ng bibig nito—mas nagmukha itong si Mang Kepweng doon sa isang palabas na pinanood ng assistant niyang si Lychee sa oras ng trabaho. If his memory serves him right, the actor was Vhong Navarro.

"Sa tingin mo, Drew, may bbq na sa panahon na 'to?" tanong maya-maya ni Simon.

"Malay ko."

"Ay, mali iyan." Simon chuckles. "Dapat alam mo."

"I don't think I have to know everything," kaswal niyang sagot.

"Seryoso natin a," puna na nito. "May problema ba, Drew?"

Ibinaling niya ang tingin sa dalawa. "Nothing." Nagbaba siya ng tingin sa karatolang idinikit ng mga ito sa maliit na kawayang mesa. "Pero diyan sa pangalan ng tindahan n'yo meron."

Ang lakas ng tawa ng dalawa. "Ah, iyon lang pala? Maliit na bagay. Walang anuman," sagot ni Simon. "Tuhugin Mo Ako Sa Ilalim Ng Iyong Pagmamahal." Lalo pang lumakas ang tawa ni Juan, isang maling galaw lang ay kakalas ang baga nito kakatawa.

Kumunot lang ang noo ni Andrew. "Saya ka na diyan?"

"Oo naman," sagot nito tawang-tawa pa rin. "Speaking of business. Alam n'yo naisip ko na rin magtayo rito ng kapehan. Alam n'yo iyong uso ngayon sa panahon natin na 39 coffee?" Ngumisi si Simon. "Don Juanchiato."

Tawang-tawa na naman si Juan. "Gagu!" hindi napigilang mura nito.

"Sa tingin mo ay magsasayang silang ng treynta y nuebe para lang sa isang kape?" bwelta ni Andrew kay Simon.

Napaisip si Simon. "Oo nga, 'no? Ginto na iyon sa panahon na ito."

"You don't even have a nearby commissary."

"Andrew," tiningnan siyang seryoso ni Simon. "Puwede ba, huwag kang magmura."

"I'm not cursing you. I just said you would need a commissary—"

"Hindi siya nagmumura," singit ni Juan. "Bobo ka lang talaga—" Biniglang sakal ni Simon gamit ng isang braso nito si Juan na tawa lang nang tawa.

"Hoy, Juanito, itikom mo iyang bibig mo."

"Don't you miss home?" pag-iiba niya. Natigilan ang dalawa at natuon ang atensyon sa kanya. "Sa dami ng mga nangyayari rito ay minsan. . . nakakaramdam na ako ng pagod. . . at takot." Lumamlam ang ekspresyon nila Simon at Juan. Natigilan man ang mga ito sa pagiging matapat niya sa sariling emosyon ngunit walang hatol na panghuhusga sa mukha ng mga ito.

"Sabik na rin akong umuwi," may ngiting sagot ni Simon. "Kaya dapat, isagad na natin ang pagtulong sa MatChi para sabay-sabay na tayong makauwi. At don't worry, Andeng, your feelings are valid. Sabi nga ni Doc Vier, natural sa tao ang makaramdam ng lungkot at takot. Yakapin lang daw natin at bigyan ang sarili ng ilang oras para damahin ang mga iyon. At kapag okay na tayo ulit, magluto na ulit tayo ng pancit canton na may nilagang itlog, at panulak na iced Milo."

"I don't think he would say the last part."

Simon chuckles, "Hindi nga. Pero iyon ginawa namin noong last session. Iyan ang bonding—" Natigilan si Simon nang mapansin nakayakap na pala si Juan dito. "Nak nang—ano ba naman iyan, Ryuu Juan Song?" Tinawanan lang ito ni Juan.

Napailing na lamang si Andrew, pasimpleng iniwas ang mukha upang hindi makita ng dalawa ang kanyang pagpipigil ng tawa. Natigilan lamang siya nang mamataan niya ang pigura ni Andris, tumatakbo patungo sa kanila.

"Si Andris," usal niya para kunin ang atensyon nila Juan at Simon.

Hinihingal na tumigil sa harapan nila si Andris. Damn, kamukha talaga ito ng kuya niya na may malaking hawig din sa kanya.

"Anong problema?" tanong niya.

"K-kanina. . . pa. . . ako. . . naghihintay sa inyo doon. Kanina pa. . . nakaalis ang bantay." Kunot na kunot ang noo ni Andris. Sa hitsura nito ay naalala niya ang Lolo Pedro niya, ang tatay ng ama nila. At marahil ang magiging anak ni Andris pagtanda nito. "Hindi n'yo ba sila nakita?"

"Walangya, tara na," salita ni Simon. Aalis na sana si Simon nang maalalang hindi nila puwedeng iwan ang mga bbq na ideya nito. "Juan, lima sa'yo." Inabot ni Simon ang limang bbq na nakatuhog sa stick kay Juan. "Akin itong lima. Ubusin mo iyan." Pinagsabay ng dalawa ang pagkain at paglilinis ng mga gamit. Pansin ni Andrew na hindi lang siya ang namangha sa dalawa pagdating sa pagkain, pati na rin si Andris. "Tapos na," lumunok muna si Simon, "tara!"

Andris shook his head as if to clear his mind. "Sumunod kayo sa'kin." Nauna ito at sumunod sila pero narinig pa niya ang sinabi ni Simon.

"'Langya, kakasabi lang natin kanina na gagalingan natin pero ang tanga nating sundalo rito. Kaya siguro tayo napiling disipulo ni Iesus kasi alam niyang tayo ang magpapabagsak sa kanya nang walang kahirap-hirap." Mahinang natawa ito pagkatapos na sinabayan pa ni Juan. "Ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin, Sus. Bawi na lang tayo sa next life ulit."

"Gago."



PASADO ala una na nang makabalik sina Simon sa mansion. Magkatulong ang apat sa pagbaba ng mga gamit na matagumpay na naipuslit ng mga ito. Napawi ang kaba at pag-aalala niya sa apat nang ligtas at buong nakabalik ang mga ito sa mansion. Hindi siya makatulog kanina kakaisip sa apat. Pati tuloy si Mathieu ay hindi nakapagpahinga.

Dineretso na ang tatlong malalaking kahon sa silid ni Mateo. Siniguro na walang makakapansin na ibang katiwala, mabuti na lang talaga at tahimik na at nagpapahinga na ang mga tao sa bahay. Sina Julian at Noah na lamang ang sumalubong sa apat kanina sa labas. Hindi na rin ginising sina Tiyo Jose at ang kanyang ina.

Inalalayan niyang makatayo mula sa kama si Mateo. May sapat na lakas na ito upang makatayo pero kailangan pa rin ng alalay.

"Salamat sa tulong n'yo," simula ni Mathieu. "Alam kong hindi biro ang pinagdaanan n'yo para makuha ang aking mga pag-aari."

"Wala hong anuman iyon, Senyorito," sagot ni Simon.

"May mahalaga bang laman ang mga gamit na iyan, Mateo?" seryosong tanong ni Julian. Simula nang huling pag-uusap nila Julian kanina ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Iniiwas din nito ang tingin sa kanya. Halatang-halata ang pagkabuwisit nito sa kanya. Luh. "Bagay na maaaring makatulong sa iyo upang malaman natin kung sino ang nagnanais na pumatay sa'yo rito sa Pueblo."

"Hindi pa ako sigurado, ngunit baka may mahanap nga ako."

"Mabuti pa, Julian, ay hayaan na muna natin si Mateo. Malalim na rin ang gabi, magpahinga na tayong lahat," suhestiyon ni Noah. Tumango ang apat na lalaki. "Priscilla, magpahinga ka na at bumalik sa iyong silid."

"Susunod ho ako, Kuya."

Tumango si Noah. Tinapik nito sa isang balikat si Julian. "Halika na." Tumango si Julian at sabay na lumabas ang dalawa. Naiwan ang apat.

"Andris, salamat sa tulong, maaari ka na ring magpahinga." Tumango si Andris kay Mathieu. "Pag-usapan na lamang natin ang lahat kapag may araw na."

"Sige po, Senyorito. Mauuna na ho ako."

Lumabas si Andris at mabilis na sinarado ni Juan ang pinto. "Buksan na natin ito," basag ni Simon. "Unless gusto n'yong matulog muna?" Agad na sumalampak ito ng upo sa sahig malapit sa mga kahon.

"Matutulog tayo?" nakatawang balik tanong ni Juan.

"Chi, go back to bed," baling ni Mathieu sa kanya. "You're pregnant. You need to rest." Marahas na napatingin ang tatlo sa kanya. Napakurap tuloy siya.

"Buntis ka?" sabay ng tatlo.

Naglapat muna ang kanyang mga labi bago siya bumuntonghininga. "OA ng mga reaksyon n'yo a. Correction lang, buntis si Maria Priscilla. Hindi si Chizle Priscilla."

"What's the difference?" kunot ang noong tanong ni Andrew. "You're still Priscilla. . . and Mathieu is Mateo. You're still carrying his child."

"Ang difference, Andeng ay katawan ito ng nakaraan ko at hindi katawan ko sa present. Okay na tayo? Huwag mo nang pagdikitin ang mga kilay mo nagmumukha kang si Red sa Angry Birds." Humagalpak ng tawa sina Simon at Juan. Malamang, na-imagine ng dalawa. "Dios ko, Andeng, baka maging kamukha mo pa ang bata sa tiyan ko." Naidantay niya ang isang kamay sa umbok ng kanyang tiyan. "Maging masaya ka muna kahit for nine months."

"Puro kayo away, nabuksan ko na," basag ni Juan, nakangisi. Napakurap silang apat dahil nabuksan nga ni Juan ang tatlong kahon na hindi nila napapansin. Sira na ang kandado, pinampukpok nito ang hawak na martilyo sa kamay. "You're welcome."

Hindi maka move on si Simon sa pagkamangha. "Ikaw ba'y sumasideline ng akyat bahay, Ryuu Juan Song?"

Tawang-tawa si Juan. "Skills," proud pa nitong sagot. Manghang-manghang napailing na lamang si Simon. Natawa naman siya. Kaloka!

"Okay, what do we need to find?"

"I couldn't remember where I've secured it," sagot ni Mathieu. "But it must be there. Buksan n'yo na lang lahat ng kahon na mayroon diyan. May larawan iyon ng lolo ni Mateo at ang Lolo Jose Remegio de Dios n'yo, Chi."

Natigilan siya, ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo niya sa katawan. "Si Lolo Jose Remegio?"

Tumango si Mathieu. "Oo, magkasama sila ng lolo ni Mateo doon sa larawan na nakita ko."

"Kung ganoon, maaaring magkaibigan ang mga lolo n'yo noon?" hula ni Simon.

"Maaari nga," sagot ni Mathieu. "Kaya lang ay hindi ko napagtuonan ng pansin ang larawan na iyon dahil dumating ang ama ni Mateo. Hindi ko na nabalikan pa dahil sunod-sunod ang naging problema at biglang tumalon ang oras at nagkahiwa-hiwalay tayong lima."

"Ito ba?"

Sabay-sabay silang napatingin kay Juan, may hawak itong maliit na kahon na nabuksan na nito. Sa isang kamay ang isang larawan na sakto sa binanggit na deskripsyon ni Mathieu kanina.

Napabuga ng hangin si Simon. "Juan, iyong totoo?"

"Ang bagal n'yo kasi, nagkusa na ako."

Itong ba si Juan ay magnanakaw noong nakaraang buhay niya? Ang bilis ng kamay e.

Tumayo si Andrew. "I'll get you a chair, Math." Tumungo ito sa pinakamalapit na silyang nakita nito at dinala ito palapit sa kanila. "Here."

"Thanks, Drew." Magkaalalay na pinaupo nila si Mathieu sa silya. Sunod namang inabot ni Juan ang maliit na kahon kasama ang larawan kay Mathieu.

Sinilip niya ang black and white na larawan, nakangiti nga roon ang batang bersyon ng mga lolo nila. Kapansin-pansin ang kakaibang sigla sa ngiti ni Lolo Jose Remegio doon, buhay na buhay. Ibang-iba sa mga larawan nito sa hinaharap na punong-puno ng matinding kalungkutan. Sa tingin niya ay nasa mid or late thirties na roon ang lolo niya. Kuha ang larawan na iyon marahil sa daungan dito sa Liloan noong panahon na iyon.

"Sa tingin mo, na sa lolo ni Mateo ang isang missing item?" hindi niya napigilang tanong.

"Maaaring kinuha niya."

Alam ni Chippy na hindi lang siya ang na curious sa bagay na iyon. Kasama na rin sina Juan, Simon, at Andrew. Lalo na't tila ang ipinapahiwatig ni Mathieu na tinraydor ng lolo ni Mateo ang lolo nila ni Priscilla noon upang makuha ang mga mahihiwaga at makapangyarihang bagay na pag-aari ni Jose Remegio de Dios.

"Paano mo nasabi?" Andrew asks.

"Naalala n'yo ang kwento ni Lolo Nonoy doon sa isla? Na inilibing ni Jose Remegio de Dios ang mga makapangyarihang bagay dito sa lupain niya pero isa-isa iyong hinukay ng mga tao rito sa Pueblo habang wala siya." Tumango sila. "Nabanggit din ni Lolo Nonoy na may pinaghihinalaang pamilya ang mga de Dios kung sino-sino sa Pueblo ang maaaring trumaydor kay Jose Remegio."

"At isa. . . ang pamilya n'yo?" prolong niyang tanong.

Isa-isa silang tiningnan ni Mathieu, ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay at talampakan sa antipasyon. Pati ang puso niya ay nag-uunahan sa pagkabog.

Tumango si Mathieu. "Nakumpirma ko lamang kanina, nang magkausap kami ni Julian. Nagbakasali ako na may makuha akong impormasyon. Hindi niya naman itinanggi ang katotohanang hinihingi ko sa kanya. May listahan daw ng mga pamilya ang lolo n'yo Chi. At isa ang mga Valdevielso sa nakasulat doon."

Lalong nanindig ang mga balahibo niya sa katawan. "K-kung ganoon. . . alam ni Lolo Jose Remegio sino-sino ang mga kumuha ng mga inilibing niyang bagay?" Tumango si Mathieu.

"Hindi ba natin puwedeng hingin ang listahan mula kay Julian?" tanong ni Simon.

Umiling si Mathieu. "Hindi. Dahil hindi niya rin ibibigay. Sa tingin ko ay si Julian ang Iesus sa panahon na ito. Siya rin ang magmamana ng mga lihim at sekreto ng pamilya nila Chi."

"Na maaaring manahin din ni Lolo Xersus sa panahon niya," dugtong niya.

"At ni Iesus sa panahon natin," dagdag ni Simon.

Lalong tumindi ang pananaas ng balahibo niya sa mga nalaman. Tila mas lalong lumamig ang hanging pumapasok sa silid. Mukhang may dahilan nga kung bakit napunta sila rito sa 1935. Pakiramdam niya ay nasa 1935 ang mga sekretong pilit na itinago ng Lolo Xersus nila sa kanila. Mga lihim na dapat makuha nila para matulungan ang pinsan niya sa hinaharap.

"Can't you use your ability here?" she asks. "Hindi ba't may nakikita kang memories sa mga lumang bagay? Baka may makita ka riyan sa larawan na nakita natin?"

"You also have powers?" ulit ni Simon. "Kagaya nila Ser?"

"It's a long story, I'll tell you the rest once we're back in our time. But to answer you, Si, yes. I see glimpses of memories when I touch or trace old items."

"What the heck—"

"But this," itinaas nito ang larawan sa harapan nila, "I can't. Sa tingin ko dahil hindi ko katawan at panahon ito kaya hindi ko magamit ang kakayahan ko na iyon."

"Shit."

"I'm sorry. I did try, but it was no use."

"Tsk. Sinasaid talaga tayo rito sa 1935. Ngayon, hindi pa natin magamit ang kakayahan mo dahil walang kakayahan na iyon si Mateo."

"We have to make our own investigation if we want to know the truth," komento ni Andrew. "We have confirmed the involvement of the Valdevielso in stealing one of the cursed items. Now, we need to figure out where they hide that item."

"I need to go home."

"Mathieu." Napahawak siya sa braso nito. Umiling siya. "Delikado. Baka mapahamak ka."

"Chi, walang mangyayari kung hindi ako gagalaw."

"Gets ka naman namin, Math. Pero hindi pa gumagaling iyang sugat mo. Baka mapahamak ka pa."

"Juan and I will go with him," segunda ni Andrew. Tumango naman si Juan. "I don't think Dimitreo will allow someone to hurt his brother. We will have his protection."

"Hindi ka sigurado roon, Drew," kontra ni Simon.

"I know him, Si. He's a good man," Mathieu assures them.





HINDI siya binigyan ng tahimik na gabi ng mga plano ni Mathieu. At nang magising siya ay naabutan pa niyang isa-isang ibinababa nila Juan at Simon ang mga gamit ni Mateo. Naghihintay sa labas ng bahay si Andrew na inaayos ang pagkakapatong ng mga gamit sa likuran ng sasakyan ni Noah. Mas malaki ito sa pangkaraniwang sasakyan.

"Math," pigil ni Chippy sa isang braso nito. Nag-aalala talaga siya sa pinaplano ni Mathieu. Alam niya rin namang walang mangyayari kung magtatago lang sila rito. Lalo na siguro si Mateo, gagawa at gagawa ito ng paraan katulad ni Mathieu para matulungan siya.

Hinawakan ni Mathieu ang mga kamay niya, nakababa ang tingin nito sa mga kamay nila bago nag-angat ng tingin upang hulihin ang kanyang mga mata. Binigyan siya nito ng magaang ngiti.

"I will be fine."

"Hindi ko lang maiwasang mag-alala sa'yo. Lalo na't, pare-pareho tayong lahat dito ang nangangapa."

"Alam ko. Pero pareho rin nating alam na hindi tayo makakaalis sa panahon na ito kung hindi tayo uusad. I have to follow Mateo's instinct, Chi. I have to trust myself in this timeline. And I want you to do the same. Trust Priscilla."

Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata sa sinabi nito. She's too scared of Priscilla and Mateo's future because she already knew that it will not end well and she could no longer do anything to prevent it from happening.

"I'm scared, Math." Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. "I'm scared. . . that if I follow the desire of my heart it may lead me to our end."

"We can't change the past, Chi. It is done."

Lalong naglandas ang mga luha niya mula sa mga mata. "Alam ko."

"I'm scared, too." Binitawan nito ang mga kamay niya upang punasan ang mga luha niya sa kanyang mukha. "But you have to trust me." He smiled with encouragement at her. Natigilan siya dahil tila naririnig niya si Mateo kay Mathieu. "I'll come back safe."

"Math—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang siilin siya ng halik ni Mathieu sa mga labi. Marahan siya nitong hinapit sa katawan nito dahilan upang mailapat niya ang mga palad sa dibdib nito. Siniguro niyang hindi niya matatamaan ang sugat nito. Lumalim pa ang halik nila sa isa't isa, parehong may ungol na kumawala sa mga labi nila. Kaya nang maglayo ang mga labi nila ay parehong habol nila ang mga hininga habang nakatingin sa isa't isa.

"Habang wala ako ay ingatan mo ang sarili mo at ang anak natin." Bumaba ang tingin nito sa kanyang bandang tiyan. Hindi na siya nagdalawang-isip na hawakan ang isang kamay nito upang idantay ang palad nito sa kanyang tiyan. Nakangiting ibinalik nito ang tingin sa kanya. "I don't want to be sentimental, but if I could change one thing in the past. I'll do everything to save you and our child."

Bumalik tuloy lahat ng tumahan na niyang mga luha. "Mathieu naman e. Pinapaiyak mo na naman ako."

Hinalikan nito ang kanyang noo. "Pwede kayang isama na lang natin ang anak natin sa hinaharap?"

"Kung puwede lang, isasama ko talaga."

He chuckles, "We'll gamble on that." Muli nitong inilayo ang mukha sa kanya. "But for now, let's find that damn curse item."





NAABUTAN ni Chippy si Xersus na nag-iisa sa sala. Nakaupo sa mahabang sofa at cute na nakalawit ang mga binti nito dahil hindi nito mailapat ang mga paa sa sahig. Napangiti siya. Nagpasya siyang lumapit at tabihan ito.

"Mag-isa ka?"

Halatang nagitla ito nang maiangat ang mukha sa kanya. "Tiya."

"Na saan ang ama mo? Iniwan ka na naman?"

Naglapat ang mga labi ni Xersus at ilang beses na ikinurap-kurap ang mga mata sa kanya. Looking at Xersus, may hawig nga talaga ito kay Iesus noong bata pa ito. Lalo noong mapisngi pa iyong pinsan niya.

"Umalis po siya Tiya. Sinama niya po si Pol."

Kumunot ang noo niya. "Si Pol? Bakit niya naman sinama si Pol?"

Xersus shrugs his little shoulders. "Hindi ko po alam. Pero narinig ko pong tinanong ni Papa si Pol kung alam niya po kung na saan ang bahay ni Ate Amara."

Napaisip siya. Teka, mukha ngang nabanggit ni Amara sa kanya na magkapitbahay lang sila ng pamilya ni Pol. Napasinghap siya bigla. Huwang mong sabihing—

"Tiya, bakit po kayo nagulat?"

Napatitig siya kay Xersus. "Pupuntahan ba ng Papa mo ang Ate Amara mo?"

"Nag-away po ba sila, Tiya? Sabi n'yo po ay nagbakasyon lang po si Ate Amara at babalik po?" Tumango siya. Iyon nga ang sinabi niya sa bata pero pinaalalahan niyang huwag iyon banggitin sa ama nito dahil sekreto lang nila iyon. "Kaarawan na po ni Ate Amara bukas, Tiya. Hindi po ba siya uuwi bukas? May regalo po kasi akong ginawa para po sa kanya."

Namilog ang mga mata ni Chippy. "Birthday niya?"

'Langya, 'di ko alam. Alam mo Chippy, magtaka ka kung may alam ka.

Sunod-sunod na tumango si Xersus. "Opo."

"Oh?" I see. Hindi nakatiis ang Lolo Julian at talagang isinama pa si Pol para puntahan si Amara. "Umalis ang Papa mo pero hindi ba't may bisita siya?"

"Tiya, sabi po ni Lolo, siya raw ang magiging bagong Mama ko. Magpapakasal po ba si Papa sa kanya, Tiya?"

"Bakit? Ayaw mo ba sa kanya?"

"Hindi naman po. Pero po kasi, hindi ko naman po kailangan ng bagong Mama, Tiya. Masaya na po ako kay Ate Amara. Siya lang po ang Mama ko." Napansin niya ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ni Xersus. Nahabag siya sa lungkot sa mga mata ng bata. "Kaya po, hinayaan ko po si Papa na umalis para po iuwi niya si Mama Amara ko."

"Mama Amara?"

Tumango si Xersus. "Opo, iyon po talaga ang tawag ko po sa kanya. Kapag po sa ibang tao ay ate dahil baka po magalit sina Papa at Lolo." Niyakap niya si Xersus. "Gusto ko po siya maging Mama, Tiya. Hindi po ba ako makasarili kapag gustuhin ko po iyon? Puwede po bang si Mama Amara na lang ang pakasalan ni Papa?"

"Xers—"

Hindi na napigilan ng bata ang pag-iyak nito. "Uuwi naman po si Mama Amara, 'di ba, Tiya?"

"Oo naman, babalik ang Mama Amara mo. Ibabalik siya ng Papa mo. Kaya tahan na." Hinaplos niya ang buhok ng bata. "Magiging buong pamilya kayo."

Nag-angat ng luhaang mukha si Xersus. "Talaga po?"

Nakangiting tumango siya. "Oo, alam mo kung bakit? Kasi napaginipan ko ang hinaharap. . . at doon sa hinaharap na iyon. . . nakita ko kayong naging apat."

Kumunot ang noo ni Xersus, namumula ang mga pisngi at ilong. "Po?"

"Ikaw, ang Papa mo, ang Mama Amara mo, at kapatid mong babae." Ngumiti pa siya lalo rito. "At malay mo, magkatotoo ang panaginip ko na iyon." Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Xersus. "Kaya huwag ka nang umiyak."

Dahil kapag hindi nauwi ni Julian si Amara mamaya o bukas ay tatanggalan ko siya ng apdo. Pero bago iyan.

"Xers."

"Po?"

"Wala bang nabanggit ang Papa mo tungkol sa isang underground museum? Kasi kapag, oo. Gusto mong puntahan natin?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro