Kabanata 47
A/N: Comments n'yo lang masaya na ako. Enjoy!
***
MAINGAT NA isinarado ni Chippy ang pinto sa kanyang likuran. Nakasunod ang tingin ni Mathieu sa kanya, giving her that suspicious look. Sanay na siya sa kahina-hinalang tingin ni Mathieu sa kanya kapag nauuwi siya sa rooftop at nandoon na ito.
"Anong klaseng tsismis na naman ang nadiskubre mo, Chizle Priscilla?" basag nito.
Hinawakan ni Chippy ang ibabang tela ng mahaba niyang saya at iniangat ito nang bahagya at kanina pa siya natitisod. Sagabal sa pagmamadali niya at ganitong ingat na ingat siyang huwag madulas dahil sa baby nila.
"Math, hindi ka maniniwala sa nakita ko," aniya nang makalapit. Mathieu gave her a little space of the bed so she can sit down. "As in." Naupo siya roon na hindi inaalis ang tingin kay Mathieu. Pigil nito ang matawa sa kanya kaya pinaglapat na lang nito ang mga labi na tila ba nagpipigil lang ito ng tawa.
"Buhay na buhay ka talaga kapag may nahahanap kang tsismis. Malalim na ang gabi pero heto ka't may bedtime stories pang hatid sa akin."
"Seryoso ako."
"Sinabi ko bang nagbibiro ka lang?" he softly chuckles this time. "Okay, tell me. Ano na naman ang nadiskubre ng aking prinsesa?"
"Okay, para hindi ka ma-confuse. I'll start from the very beginning." Attentive at parang batang excited matututo na tumango si Mathieu. "So ito na nga." Sinimulan muna ni Chippy doon sa eksena kung kailan nalaman niyang buntis si Priscilla at nagkunwari siyang tulog para makaiwas kay Julian. Word by word niyang ikinuwento kay Mathieu lahat. "Doon pa lang sa nagtanong si Julian kung nagdadalang-tao ba si Amara, alam ko na agad na may nangyari na sa dalawa."
Ilang segundo munang ipinroseso ni Mathieu ang lahat ng impormasyon. Pero halata sa madalas na pagpapalit ng ekspresyon nito ang magkahalong gulat, pagkamangha, at kuryusidad.
"O, ta's?" he asks.
"Hello, hindi naman ako ipinanganak noong unang panahon—"
"Actually, ipinanganak talaga tayo noong unang panahon."
"Mathieu." Hinawakan ni Chippy sa magkabilang braso nito. "Focus. Okay? Makinig ka lang sa akin. Saka ka na mag-comment. Importante ang mga susunod kung sasabihin dahil baka nga may pasabog na mangyayari sa bahay na ito sa mga susunod na araw."
Napakurap-kurap na lamang si Mathieu sa kanya.
Binitawan na niya ito at siya ay nagpatuloy, "May nangyari sa kanila. Kasi bakit magbibitaw nang ganoong mga salita si Julian? May mabubuo bang bata sa sinapupunan ni Amara kung walang nangyari?"
"You have a point. O, ta's?"
"Ta's ito pa. Hindi mo kakayanin 'to."
"Try me."
"Nakita kong hinila ni Julian si Amara patungo sa silid niya."
Namilog ang mga mata ni Mathieu sa pagkagulat at bahagyang napasinghap. "O, tapos?"
"Malamang magse-sex sila—" Gamit ng libre nitong kamay ay mabilis na tinakpan ni Mathieu ang bibig niya. May inis na tinampal niya ang kamay nito para alisin iyon. "Teka lang—"
"Bibig mo."
May puwersa niyang inalis ang kamay ni Mathieu. "E, bakit ba? Totoo naman, a. May naniniwala pa ba kapag sinabi ng lalaki na mag-uusap lang sila tapos papunta silang kwarto? Ano gagawin nila doon? Magpe-prayer vigil?"
Naglapat na naman ang mga labi ni Mathieu sa pagpipigil ng tawa. "Chizle."
"Alam mo, Math." Hindi niya pinansin ang pagsaway nito. "Feeling ko ay hindi matutuloy ang kasal nila ng babaeng ipinagkasundo sa kanya ni Tiyo Jose."
"If my memory serves me right. It was indeed mentioned in the history of your family."
Sinamaan niya ng tingin si Mathieu. "Huwag ka ngang spoiler." Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. "Basta."
Nabanggit nga niya iyon kay Mathieu dito sa 1935. Kaso hindi pa niya ma-point kung sino ang stepmother ni Lolo Xersus noong mga unang araw niya rito. Aside sa sobrang dami ng mga pangalan na kailangan niyang tandaan sa family tree pa lang ng mga de Dios, nag-decide na ang utak niya na i-archived ang mga ito for good. Kahit ang mukha ni Amara ay hindi na niya masyadong matandaan kahit na may pahapyaw na alaala sa utak niya kung saan nakikita niya ang batang sarili na nakatanaw sa mga lumang larawan ng pamilya nila noon sa mansion ding ito.
"Hindi mo ba naalala kung kailan kinasal sina Julian at Amara?"
Napaisip siya. Nanatili siyang tahimik, naglalakbay ang utak niya sa nakaraan, partikular doon sa mga alaalala noong limang taong gulang pa lamang siya at kasama niya ang kanyang Lolo Xersus. Her memories were blurred and fragmented. Kaya ipinikit niya ang mga mata upang mas makapag-focus siya. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa kanyang isip, sinusuyod ang bawat sulok ng lumang mansion sa Faro noong bata pa siya. Walang matinong direksyon ang tinatahak niya sa kanyang isip at madaming pintong sunod-sunod na bumubukas. Nagliliwanag ang buong bahay dahil sa nakasisilaw na liwanag na pumasok mula sa mga nakabukas na bintana.
"Chippy?"
Nagtaas siya ng isang kamay. "Shsh."
Napunta siya sa isang silid at tila bumilis ang paggalaw ng oras doon. Parang palabas na biniglang suyod ng camera ang lahat ng mga nakasabit na mga lumang larawan sa silid na iyon. Ang tanging malinaw lang dahil malaki ang larawan na iyon ay ang litrato ng magkapareha na bagong kasal. Bumagal ulit ang oras at dinala siya ng kanyang panangin sa malaki at makapal na lagdaan ng kanilang family tree. May napansin siyang kamay na bumuklat doon at huminto sa isang pahina at biniglang punit iyon.
Napasinghap si Chippy dahil pakiramdam niya ay nandoon siya noong malakas na pinunit ang pahinang iyon.
"Chizle." Naramdaman niya agad ang paghawak ng mga kamay ni Mathieu sa kanyang magkabilang balikat. Napansin pa niya ang pagngiwi nito dahil sa biglaang pagkilos. "Are you okay?"
Napakurap siya. "Someone tear a page in our family logbook."
"Huh?"
Napalunok siya, nagawa niyang mai-focus ang tingin kay Mathieu. "Math, someone tear a page in our family logbook. Kaya siguro hindi naikuwento ang tungkol kina Mateo at Priscilla at ang baby nila." Ramdam ni Chippy ang malakas na kabog ng kanyang puso. Nanlalamig ang mga kamay at talampakan niya. "I don't know why I have those memories, Math. Pero ang linaw niya. What if. . . what if . . . totoo nga iyon? Paano kung may pumunit ng pahina sa family logbook namin?"
"Iesus would know—"
"What if hindi niya rin alam? Or kung alam niya, baka napagsabihan na rin siya ni Lolo Xersus na huwag sabihin sa iba."
"But why would that someone tear a page from your family's logbook?"
"I-I don't know."
"How much do you know your Lolo Xersus, Chi?" seryosong tanong ni Mathieu. Bahagya siyang natigilan doon kaya siya ay napatitig nang husto dito. "I don't want to be skeptical with your grandfather, but he seemed like he is hiding a lot of things from all of you."
She gave it a moment before speaking again, "I remembered him to be a happy man." Mapait siyang napangiti. "Mapagbiro. Mapagmahal. Maraming kuwento. At mas kinakampihan kami ni Lolo kaysa sa mga anak niya."
"And yet, he hid this past from his family."
"Hindi naman siguro lahat. Siguro ay masyado pa lang akong bata para kuwentuhan niya ng malulungkot na bagay. Nabanggit niya siguro kay Iesus kasi matandang bata iyon e."
Kumunot ang noo ni Mathieu. "Matandang bata?"
She nods her head. "Bata na may pag-iisip na matanda. Hindi lang naman ako ang nakapansin noon. Even Vier, Sep, at ang kuya ko. At kahit si Lolo Xersus ay napansin na rin iyon kaya nga ay parang mas naka-focus siya kay Iesus noon. Hindi naman ako nagtatampo sa pagkakaalala ko. Siguro dahil naipaliwanag iyon ni Lolo sa akin kung bakit, pero hindi ko na malala kung ano eksakto ang sinabi niya sa akin."
"Maybe your Lolo Xers knew Iesus would be different among his grandchildren."
"Siguro. Lalo na noong unti-unti nang lumalaki si Iesus, mas nagiging kamukha na niya si Lolo Remegio."
Pareho silang natahimik ni Mathieu, tila pareho rin na nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Now that Mathieu brought up her grandfather, tila pinukaw rin nito ang ideya na marahil ay may malaking papel na ginampanan ang Lolo Xersus niya sa pamilya nila na hindi kailanman naisiwalat at nandito siya upang hanapin ang nawawalang alaalala sa nakaraan.
"Math," basag niya muli, may determinadong tiningnan niya sa mga mata si Mathieu. "Sa tingin mo, mahahanap natin dito ang underground museum?"
"Sa tingin ko ay hindi naman imposible. Bakit?"
"Matagal ko na ring hinahanap iyon. Kaso wala pa noong secret shelf ni Iesus sa panahon na ito. Hindi ko rin mahanap sa library ang family logbook namin. Sa tingin ko ay sinadya talaga nilang itago iyon."
"Naitanong mo na ba kay Julian? O sa kapatid mo?"
"I attempted, pero hindi seryoso ang naging sagot nila. Feeling ko ay wala ring alam si Priscilla tungkol doon."
Mathieu sighs. "If that's the case, we must also find Iesus' underground museum."
Tumango si Chippy. "We must. Hanapin na natin lahat ng puwede nating mahanap sa panahon na 'to."
"I'm only agreeing because I find it useful, but that does not mean, Chi, that I am allowing you to roam around this house alone." Seryoso ang ekspresyong ibinigay ni Mathieu sa kanya sa pagkakataon na iyon. "Not when you're pregnant with our child."
Nag-init ang mga pisngi niya sa huling sinabi ni Mathieu. May kakaibang kilig siyang nararamdaman at saya. The child was Priscilla and Mateo's, but it's just them in another time. Kahit pa siguro isiksik niya sa isipan na hindi niya anak ang dinadala niya sa katawan ni Priscilla para lang hindi siya ma-attach at masaktan ay hindi oobra sa kanya. Not when she could feel the baby inside her growing day by day. Hindi man literal na gumagalaw, but the mere fact that she's expecting already gave her a motherly instinct—protectiveness to the unborn child.
Ito na yata ang laging sinasabi sa kanya nila Aurea, Mari, at Niña sa kanya noon. Iyong magkahalong stress at saya sa pagbubuntis. And Sanna, she may not remember those nine months when she met her, but her love for Art was unconditional and courageous.
"I know you. You will always have your way, but please, don't plan things you haven't consulted with me. I swear to God, Chizle. If in case something bad happens to you and our child. I will cross the borderline of hell and heaven just to find you."
"You're not going to hell," she corrected him. May tipid na ngiting sumilay sa labi ni Mathieu. "Mas mabait ka pa nga sa'kin."
"You don't know that."
"And so as death . . . and your life after death. No one knows. . . except that Man above. At huwag kang mag-alala. Hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakapahamak ng anak natin . . . at nating lahat." Ikinulong ni Chippy ang mukha ni Mathieu sa kanyang mga palad at magaang ginawaran ito ng halik sa mga labi. "I have already learned my lesson the hard way," aniya na may ngiti nang magkalayo ang kanilang mga labi.
Pero hindi nakuntinto si Mathieu at muli nitong pinagdikit ang kanilang mga labi na maalab at may pag-iingat naman niyang tinugon. She wanted more than that kiss and it was making her damn mad pero wala siyang magagawa dahil sa sugat nito.
Kaya nang maghiwalay muli ang kanilang mga labi ay sinabi niya, "Kung hindi ka lang injured ay hinubaran na kita."
Bigla itong natawa at napamura nang gumuhit ang sakit ng sugat nito sa biglang pagtawa. "Damn this wound."
"Damn that fucking bastard who stabbed you. I swear, kapag nalaman natin kung sino sila. Lintik lang walang ganti. Toothpick isasaksak ko sa kanila."
"Sweet naman."
Nawala ang inis niya at napalitan ng tawa. "Alam mo ba, may kuwento pa ako." Chippy made herself comfortable beside Mathieu. "Related pa rin kay Julian at Amara, siyempre."
"Spill the tea."
Chippy chuckles. "Iyan gusto ko sa'yo e. Tsismoso ka rin."
"Sino ba naman ako para tumanggi?" Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong. "Tao lang din naman ako. Nangangalaingan din ng motibasyong mabuhay."
Tawang-tawa si Chippy, naidantay niya tuloy ang isang kamay sa kanyang umbok na tiyan. Pakiramdam niya ay mailuluwal niya nang wala sa oras ang anak sa lakas ng tawa niya.
"Gage!"
"Okay, I'm ready. So what did I miss?"
"So ito na nga."
KAILANGAN MUNANG huminga ni Chippy at pakiramdam niya ay hinihigop ang buong lakas niya sa mga ganap sa bahay. Hindi naman siya stress kay Mathieu dahil bumubuti na ang kondisyon niya at nandiyan naman si Doktor Javier para tingnan ang sugat niya. Tinuruan na rin siya nito paano linisin at lapatan ng gamot ang sugat ni Mathieu para ano mang oras ay mai-check at mapalitan niya ito ng benda.
Sa ngayon ay wala pang nakakaalam na nandito sa kanila si Mateo. Mahigpit din na pinaalalahanan nila Julian at Noah ang lahat ng mga katiwala patungkol doon. Kaparusahan ang naghihintay sa kung sino mang magpapakalat sa labas na nasa de Dios si Mateo. Lalo na't hindi ligtas ang buhay ni Mateo kapag may nakaalam na buhay pa ito.
Dumagdag pa sa stress niya ang mga bisita ng Tiyo Jose niya. Hindi talaga niya gusto ang tumanggap ng mga bisita. She hated family gatherings. Inuman with barkada at chill-chill sa rooftop, go siya. Pero family gatherings? Tangina, umay! At hindi niya rin alam kung bias lang siya kay Amara pero hindi niya bet ang babaeng gustong ipakasal ng Tiyo Jose kay Julian. Gusto niyang sikuhin at sikmuraan si Julian lalo na sa tuwing natatanaw niya si Amara sa malayo. Anong nangyari sa pag-uusap ng dalawa kagabi? Hindi ba naging successful? Dahil ramdam ko at nakikita ko ang sakit sa mga mata ni Amara na ikinukubli lamang niya sa isang ngiti.
Marahas at malalim siyang bumuntonghininga habang nakaupo sa kawayang upuan sa likod bahay. May lilim ng malaking puno roon at mahangin din. Kahit papaano ay nababawasan ang stress niya sa luntiang tanawin at preskong hangin.
"Lalim n'on ah?" Napaangat ng tingin si Chippy. Naupo si Juan sa kanyang tabi, may dala-dala na namang isang basket ng tinostadong mga tinapay. Malamang dinikwat na naman nito sa kusina ang mga iyon. "Gusto mo?" alok nito sa dala.
Kumuha siya ng kaperaso at kinagatan iyon.
"I have a question," hayag nito.
"Ano?"
"May relasyon ba sina Amara at Julian?" Marahas na naibaling ni Chippy ang tingin kay Juan. "I'm just curious. I saw her went out Julian's room around four in the morning."
"At bakit gising ka na ng alas kwatro ng madaling araw, Ryuu Juan Song?"
"I'm a morning person," kaswal nitong sagot. Sumubo na naman ito ng biscuit. "Most of the time," dagdag nito. "Except for those days that I am tired."
"Sure kang madaling araw nang lumabas si Amara sa kwarto ni Julian?" mahina niyang tanong sa pagkakataon na iyon. Iginala pa niya ang tingin sa paligid.
If madaling araw nang lumabas, meaning something happened pero nauwi lang sa hindi magandang desisyon ang dalawa. Kaya ba hindi na nag-iinarte ang pinsan niya? Pero halata namang nasasaktan si Amara. So anong nangyari? Julian realized he couldn't disobey his father?
Tumango si Juan. "Sigurado ako."
Napabuga ulit siya ng hangin. "It's complicated ang sitwasyon ng dalawang iyon."
"I see."
"At huwag ka nang makitsismis at may ibang trabaho ka pang gagawin." Juan chuckles, at muling kinagatan ang biscuit sa kamay. "Wala kayong ganap ngayon?"
"Meron, naghihintay lang gumabi para walang makapansin."
"Sasama si Andrew? Tahimik ng isang iyon ngayon. Pansin mo?"
Tumango si Juan. "Pero sa akin siya sasama. He seems to be avoiding his great-great-grandfather. Simon is closely working with Andris. Nakakuha sila ng impormasyon kung saan dinala ang mga gamit ni Mateo."
"At ngayong gabi n'yo na pupuntahan?"
Tumango ulit si Juan. "Yup. If all things goes well, uuwi kaming dala ang mga gamit ni Mateo."
"Hay naku! Ang daming stress sa 1935. Hindi na natatapos. Feeling ko isang taon na tayo rito. Wala na yata akong uuwiang online business pagbalik ko—" Natigilan si Chippy nang makita niya si Amara na lumabas ng bahay. Sunod-sunod na tinapik niya ang isang balikat ni Juan at pilit na pinihit sa direksyon ng tinitingnan niya ang mukha nito. "Gage, si Amara," aniya.
Noong unang ay mabilis lang talaga ang paglalakad nito pero biglang tumakbo si Amara sa direksyun ng kagubatan. Mukhang papunta ito sa dalampasigan.
Tumayo si Juan. "Hahabulin ko." Hinila niya pabalik ng upo si Juan gamit ng isang braso at siya ang tumayo. "Dito ka lang. . . and behave," she warned.
Sinundan niya si Amara at tama nga siya ng hinila, nagtungo nga ito sa dalampasigan. Nakaupo sa lilim ng isang puno, umiiyak. Parang dinudurog ang puso niya sa paraan ng pag-iyak ni Amara. Tila ba kanina pa nito pinipigilan ang emosyon at mga luha. Kaya hindi na muna siya lumapit. Binigyan niya ito ng oras para mailabas lahat ng mga kinikimkim nitong hinanakit.
Naupo siya sa buhanginan, may tatlong punong layo kay Amara pero hindi naman sobrang layo. Hindi lang talaga siya nito napansin lalo na't natatabunan ng marahang hampas ng alon ang bawat kilos niya. Pero nang maibaling nito ang tingin sa gawi niya ay napasinghap ito sa gulat at napaurong pa yata niya ang mga luha nito.
"S-senyorita!" Natatarantang pinunasan nito ang mga luha sa mukha. "K-kanina pa ho ba kayo riyan?"
Malungkot na ngumiti si Chippy. "Wala akong intensyon na masama. Hinayaan lang kitang umiyak dahil nakikita kong kailangan mo iyon."
"Wala ho ito. Napuwing lang ho ako."
"Ayos lang, huwag mo nang itago," malumanay niyang sagot. "Naiintindihan ko. At saka, alam ko ang pakiramdam na iyan. Hindi ko lang alam ang rason ng sa iyo pero sa tingin ko ay magkasingbigat lang din naman ang mga pinagdadaanan natin."
Napayuko si Amara. "Hindi ho ba kayo nagtatampo sa akin?"
"Bakit naman ako magtatampo sa'yo?"
May ingat na ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Dahil sa paglilihim ko."
"Alam mo, lahat naman ng tao may inililihim. Hindi naman kasi porke't matalik mong kaibigan ang isang tao ay alam mo na lahat ng tungkol sa buhay nila. May mga bagay talaga tayong gusto nating sa atin lang. At bilang kaibigan ay hindi ko naman inaalis sa iyo ang karapatan na iyon."
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Amara sa mga mata. "Patawad."
"Hindi mo kailangang humingi sa akin ng patawad dahil wala ka namang kasalanan sa akin."
"Sinubukan kong pigilan ang sarili kong damdamin dahil alam kong wala namang patutunguhan ito. Masyado kong pinagbigyan ang aking sarili kahit na sa huli ay alam kong masasaktan lamang din ako." Naibaba ni Amara ang tingin sa mga kamay nito. "Ngunit ang hirap palang umibig sa isang taong hindi ko kailanman. . . m-maaabot." Yumugyog ang mga balikat nito. Pigil ni Chippy ang mga luha ngunit ramdam niya ang paninikip ng dibdib at pag-iinit nang husto ng mga sulok ng kanyang mga mata.
Muli nitong inangat ang mukha sa kanya, hilam pa rin ng mga luha.
"Nilagay ko lamang sa komplikadong sitwasyon ang buhay ko, Pri. Nakakulong ako sa buhay na hindi ko naman ginusto. Gustuhin ko mang umalis ngunit nakatali pa ang buhay ko sa pamilya n'yo at ng taong pinagkakautangan ng aking ina. At hanggang. . . h-hindi ko pa. . . n-nababayaran ang mga pagkakautang na iyon. . . ay hindi ako makakaalis sa bahay na ito. . . hindi. . . a-ako makakalayo kay Julian."
Hindi na niya napigilan ang mga luha, sobrang dinudurog ng iyak ni Amara ang kanyang puso. She didn't know. She didn't know how hard life was for her Lola Amara in the past. She had to endure this kind of pain all by herself.
"Pero. . . kahit na gusto kong umalis. . . ay inaalala ko naman si Xersus." Lalong tumindi ang iyak ni Amara. "Paano siya kapag umalis ako? A-alagaan kaya siya ng mapapangasawa ng papa niya? M-mamahalin kaya siya nang totoo? Paano kapag kumulog at kumidlat nang malakas sa gabi? Pupuntahan niya kaya si Xersus? Aaluhin kaya niya hanggang sa tumahan siya sa pag-iyak? M-mahal. . . na m-mahal ko ang batang iyon, Pri. At hindi ko alam. . . h-hindi ko alam. . . kung kakayanin ng puso kong iba na ang mag-aalaga at magmamal sa kanya."
Tumayo si Chippy at pinuntahan si Amara. Lumuhod siya sa harapan nito at niyakap ang kaibigan. Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Tumindi pa ang pag-iyak nito sa kanya.
"Pri, p-paano. . . paano kung makalimutan na ako ni Xersus? P-paano kong. . . t-tuluyan na akong mawalan ng halaga sa buhay nila? K-kakayanin ko kaya iyon?"
Tumindi lang lalo ang iyak niya. Nasasaktan siya nang sobra para rito. Gusto niyang magalit kay Julian. Kasi hindi naman aasa nang sobra si Amara nang ganito kung hindi ito nagbigay ng pag-asa kay Amara.
"Tahan na," umiiyak na alo niya. "Tahan na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
"Pri," iyak nitong lalo. "Natatakot ako. . . h-hindi ko na alam ang gagawin ko. . . "
"Shsh." Marahan niyang hinagod ang buhok nito. "Magiging okay lang ang lahat. Nandito lang ako. Hinding-hindi ako mawawala sa'yo. Pangako ko iyan."
Now I know why Lolo Xersus loved you so much. He was indeed blessed to have a mother like you, Amara.
NAPANSIN NI Chippy na kanina pa pabalik-balik sa sala si Julian. Aligaga at tila may hinahanap. Naririnig niya itong binubuksan at sinasarado ang pinto sa itaas ng bahay. Halatang may hinahanap. Kaya nang bumalik ulit ito sa sala ay hinuli niya ang atensyon nito.
"Hinahanap mo ba si Amara?"
Natigilan ito, huminto at ibinaling ang tingin sa kanya. "Nakita mo ba siya?"
Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Umalis na siya."
Kumunot ang noo ni Julian. "Umalis?" Bumakas ang kalituhan at frustration sa mukha nito. "Bakit siya aalis nang hindi nagpapaalam sa akin?"
"Hindi mo naman siya pag-aari. Nagtatrabaho siya sa pamilya natin, nakatuon lang ang atensyon niya sa pag-aalaga kay Xersus."
Umigting ang panga nito. "Priscilla—"
"At pinalaya ko na siya." Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Nagsubukan sila ng tingin ni Julian. "Mula sa pamilyang ito. . . at mula sa'yo. At alam mo kung bakit? Dahil bilang kaibigan niya ay gusto kong piliin niya ang sarili niya, maging malaya siya, at makatagpo ng lalaking mamahalin siya nang buong-buo, walang takot, at totoo. Pagmamahal na hindi niya kailanman makukuha mula sa'yo."
Natigilan nang husto si Julian at bahagyang napaatras. Hindi siya nagbawi ng tingin dito. She want to see that regret mirrored in his eyes. And I will shove that damn lesson in your throat the Chizle Priscilla way, Julian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro