Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 45

PRESENT

"SINABI ko na sa inyo noon na walang mauulit," may gigil na sabi ni Balti, walang pasensiya nitong binuklat ang pahina ng hawak nitong journal. "Each missing items has distinct powers. I just have to find the right item... to...to figure these things out—Mathieu's missing item."

Thad knew it was the other journal of Balti of his black book translations. Nasa library sila ngayon ng mansion ni Iesus. Jude is with them right now. Sumama si Vier sa ambulansiya kung saan isinakay sina Juan, Andrew, at Simon. Only Vier could pass through the medical interrogations and he has connections in that hospital. Having him there would make things easier for all of them. Sumunod naman sina Sep at Jam sa ospital.

Hayme and Tor are on their way here. Tumawag naman si Iesus na malapit na raw ito sa Faro, mag-isa itong uuwi dahil hindi maaring walang magbabantay sa dalawa sa ospital kaya nagpa-iwan si Amora. Earlier, while they were lost in the forest Mathieu's heart stopped. The doctors were able to revive him and but he's still under observation. Ang balita ay ang tatay ni Vier na ngayon ang nagbabantay, hinihintay ang anak nito.

"Hindi ba't iyong pearl?" basag ni Jude.

Nag-angat ng mukha si Balti sa kanila at tumigil sa paglilipat ng pahina ang kamay nito. "There are no mentions of specific item." Inayos nito ang salamin sa mata. "I only assumed it was a pearl—"

Biglang bumukas ang malaking pinto ng library at magkasabay na pumasok sina Hayme at Tor. Parehong seryoso ang ekspresyon ng dalawa. He didn't expect Iesus will follow soon after, mukhang nagpang-abot ang tatlo sa Faro kaya nagkasabay-sabay. Iesus looks calmer than the two, but he had always been calm in most situations. But Thad doubts it, Iesus may look calm in the outside, but his mind is trying to still a storm.

"What part did we miss?" basag ni Tor.

"We haven't discussed it yet," sagot niya.

"Sit down everyone," kalmadong sabi ni Iesus. Doon lang napansin ni Thad na kanina pa pala siya nakatayo. Jude had the same reaction as his, he probably didn't notice it too.

"How's Math, Sus?" tanong ni Jude nang makaupo. Tor and Hayme sit beside him on the long sofa on Iesus' right. Iesus is sitting on the one-couch seat.

Naupo si Thad sa isa pang pang-isahang sofa. Nanatili namang nakatayo si Balti, hawak pa rin ang journal nito.

"He's fine, for now." Tipid itong ngumiti.

"Walang cause kung bakit biglang tumigil sa pagtibok ang puso ni Math?" he asks.

Umiling si Iesus. "They couldn't determine the reason. They did some tests and everything seemed normal. The moment Mathieu started breathing again, he seemed peacefully asleep—again."

"I don't think Science can help him now," dagdag ni Hayme, tila may ipinahihiwatig.

"We were wrong with our assumptions," segunda ni Tor. "I don't think it's another time travel phenomenon."

"Iyon din ang sabi ni Ser," salita ni Jude. "Although, he did mention before that no missing item will share the same power. What is happening now is already beyond our knowledge and understanding."

"And Niño." Natuon ang atensyon ng lahat kay Thad. "We saw him in 1935 and here in our time."

"The kid Niño," Balti confirms.

"The kid?" Kumunot ang noo ni Jude. "You mean the kid in Mari's childhood? Ang inalagaan ng Mama niya noon sa Liloan?" Tumango silang dalawa ni Balti. "May kinalaman na naman siya rito?"

"He might have involved himself again or he might have not," sagot ni Thad. "But he helped us this time." Hindi mapigilan ni Thad na pansinin ang pagbakas ng kuryusidad sa mukha ni Iesus sa sinabi niya. Iesus' seem amused at the idea Niño is helping them this time.

"Through a riddle," Balti added in full sarcasm.

"Nang maubos ang oras namin sa nakaraan ay bumalik kami sa loob ng parola para makabalik sa panahon natin, pero sa tunnel kami dinala ng parola." Direktang tiningnan ni Thad sa mata si Iesus. "The tunnel that connects to the underground museum and the borderline of Faro from outside." 

There is no point in keeping it hidden now. Thad was sure that even if their friends were not talking about this secret tunnel, they already have their own assumptions in mind. Talagang si Iesus lang ang laging umiiwas na i-detalye ang tungkol sa lugar na iyon.

Juan finds out about that tunnel. Mathieu also and he even leads Simon there. Andrew on the other hand had no idea about the tunnel because he passed through the main door that night. He figured out everything by himself because he knew about the secret tunnel. At naririnig din niya ang mga kaibigan niyang sinusubukang pagkonektahin kung bakit napunta roon si Simon ng gabing iyon—saan ito dumaan?

"There's a secret tunnel under this mansion," sa wakas ay salita ni Iesus. "It was built discreetly by the first de Dios, Jose Remegio. No one in Liloan knew about the tunnel, but there were already legends that resurfaced during his time, but no one could prove its existence—only the head of the family knew where it could be found."

"So the tunnel already exists even in 1935?" Jude curiously asks. "And the underground museum?"

Iesus nods his head. "Discreetly hidden."

"Legends?" Kumunot ang noo ni Balti. "Do you mean, this tunnel is somehow relative to the etymology of the Kugtong fish and the cave at the back of San Fernando Rey whom people believed is a passage that will lead them to the alleged hidden gold of treasures."

"Folktales." Iesus pauses as if he's sorting information in his mind, but not directly answering Balti. "There were a lot of it before, but only a few were being talked about until today. I wondered why these tales about our family vanished—as if they didn't happen in their respective time. Hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin ang mga kwento ng Lolo Xersus noon. I thought it was just one of his goodnight tales. He was quite a storyteller, but my grandfather never confirmed if those tales were true."

"Do you still remember every tale your grandfather had shared with you, Sus?" tanong ni Tor.

"I could recount some, but not as detailed as you would want it to be."

"Is there a tale that happened in 1935?" he asks. Iesus gives it a thoughtful moment as they patiently waited. Maya-maya pa ay muling naibaling nito ang atensyon sa kanilang lahat. "There was one."

"Ano?" tanong ni Balti.

"The Tale of the Hidden Old Love Letters."


1935


Napaangat ng mukha si Chippy nang marinig ang mahihinang katok mula sa labas ng pinto. Pamilyar siya sa katok, mukhang si Xersus ang nasa labas. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha sa mukha at umayos ng upo sa gilid ng kama.

"Bukas iyan," malumanay niyang sagot.

Maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ni Xersus. May sumilay na malungkot na ngiti sa mukha ng bata. "Tiya, maaari ba akong pumasok?" malambing nitong tanong.

May ngiting tumango si Chippy at tumango. "Oo naman. Halika."

Pumasok nang tuluyan ang bata at bago lumapit sa kanya ay maingat na isinarado muna nito ang pinto sa likuran nito. Nang makalapit ay agad na yumakap ito sa kanya, napangiti siya nang sobra. The warmth in Xersus' hug always reminds her of her Lolo Xersus' hugs when she was a child. Napagaan ang kalooban niya pero nangingilid ang mga luha niya. Maikli man niyang nakapiling ang Lolo Xersus niya pero ramdam niya ang sobrang pagmamahal nito sa kanya at sa mga apo nito. And she now understand why her lolo insisted to name her Priscilla despite her father's objection. She's glad her mother listened to her father.

"Tiya, mahal po kita."

Naninikip na naman ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng kanyang iyak. "M-mahal...mahal din kita..." Lolo, "Xersus." Humigpit ang yakap ng bata sa baywang niya at ganoon din siya rito. I missed you, Lolo. I wish you were older enough so I you can help me. I really don't know what to do right now.

Tumingala ito sa kanya, bahagyang niluwagan lang ang yakap sa kanya. "Tiya, huwag ka na pong umiyak. Nalulungkot po ako."

Ngumiti si Chippy kahit patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. "Tatahan din ako, huwag kang mag-alala." Namilog ang mga mata niya nang abutin ng dalawang kamay ni Xersus ang mukha niya at ito na mismo ang nagpunas ng mga naglandas niyang mga luha sa mukha.

"I prayed to Papa God, Tiya. Sabi kasi ni Papa, ipagdasal ko raw po na maging masaya ka lagi para hindi na po kita makitang umiiyak at malungkot." Paano ko na ito pipigilan ang mga luha ko ngayon? "I prayed last night. I said God, please heal Kuya Mateo. Wake him up because my Tiya Pri loves him and I love Tiya Pri and I want her to be happy." Lalo lamang nangilid ang mga luha niya.

"Xersus..."

Lumapad ang ngiti ni Xersus, it was full of hope. "Wala daw po kasing imposible sa Dios sabi ni Lola."

"And you believe in that, baby?"

Sunod-sunod na tumango si Xersus. "Opo. Hindi po ba kayo naniniwala?"

Hinawakan ni Chippy ang mga kamay ni Xersus na nakahawak sa kanyang mga pisngi. Pinisil niya ang mga iyon, ibinaba, at hinalikan.

Ngumiti siya. "I do believe." Bumitaw ang isa niyang kamay para haplusin ang kanang pisngi ni Xersus. "And I want you to keep believing in Him even if you no longer understand the things around you. Can you promise me that?"

Because you will always tell me that, Lolo.

Naglapat ang mga labi ni Xersus, nagdikit ang mga kilay, at tila hindi nito masyadong naintindihan ang mga sinabi niya. But despite him not being able to fully understand what she had said, he nods his head and smile.

"Opo, Tiya Pri."

Niyakap niya uli si Xersus. "I love you."

"Mahal na mahal din po kita, Tiya Pri." Napangiti siyang lalo, nagawa na niyang punasan ang mga luha sa pagkakataon na iyon. "Tiya, nakita niyo po ba si Papa?" Kumunot ang noo ni Chippy. May ingat na inilayo niya si Xersus sa kanya pero nanatiling nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang braso nito.

"Nasaan ba ang papa mo?"

"Hindi ko po alam. Kanina po ay tinanong niya po ako kung na saan si Ate Amara. Hindi ko rin po alam kung na saan. Umalis po yata."

Bumalik ang kuryusidad niya sa dalawa. Kung maghihirap man siya rito sa 1935 ay sasagarin na niya ang pangangalap ng tsismis.

"Speaking of your Papa Julian and Ate Amara. Wala ka bang napapansin sa dalawa? Magkaaway ba sila? O galit ba ang papa mo kasi may kasalanan ang Ate Amara mo?"

Sandaling nag-isip si Xersus, kumibot-kibot ang mga labi nito, at napahawak pa ang isang kamay sa baba. Pigil niya ang tawa, ang cute-cute nito sa ganoong posisyon.

"Mayroon po, Tiya Pri." Bumalik ang direktang tingin ni Xersus sa kanya. "Nito pong nakaraan ay lagi na lang pong hinahanap ni Papa si Ate Amara. Tapos po, kapag po naglalaro kami ni Ate Amara sa library o hindi po kaya sa hardin ay madalas ko pong nakikita si Papa na nakadungaw sa bintana at nagbabantay po sa amin. Hindi naman po kasi ganoon si Papa noon. Hinahayaan lang po niya kami ni Ate Amara. Ngayon po Tiya Pri... lagi po siyang nakatingin sa amin."

Nakatingin kay Xersus o nakatingin sa yaya ng anak niya? Hmm.

"At ang Ate Amara mo naman. Anong napansin mo?"

"Wala naman po masyado, Tiya. Ganoon pa rin naman po. Pero po kapag may pagkakataon ay tumatakas po kami kay Papa. Sinasama rin namin po si Pol, naglalaro po kami sa dalampasigan." Lumapad ang ngiti ni Xersus nang banggitin si Lolo Pol. "Masaya po pala na may kaibigan, Tiya. Hindi na po ako nalulungkot sa bahay."

Nakangiting ginulo niya ang buhok ni Xersus. "Masaya, 'di ba?" Sunod-sunod na tumango ang bata sa kanya. "Lalo na kapag dumami pa ang mga kaibigan mo—at lahat sila ay totoong mga kaibigan."

"Totoo po?" Kumunot ang noo ni Xersus. "May hindi po ba totoong kaibigan, Tiya?"

Tumango si Chippy. "Oo." Lalo lang nalito ang bata. "Pero hayaan mo't, kapag may oras pa ako'y ikukuwento ko sa'yo ang tungkol sa isang babaeng nakatagpo ng totoong mga kaibigan pagkatapos siyang talikuran ng mundo."

Sumilay muli ang ngiti sa mukha ni Xersus. "Gusto ko po ng mga kuwento, Tiya. Kuwentuhan niyo pa po ako ng marami."

"Sige kapag—"

"Tiya, tumaba po ba kayo?" Biglang inihit ng ubo si Chippy. Hindi niya alam kung ano ang ire-react sa mahinang pagsundot ni Xersus sa kanyang umbok na tiyan. Mabuti na lang at makapal ang tela ng suot niya.

Talaga naman, Xersus. Distracted ka ring tulad ko. Namana ko talaga 'to sa'yo, Lolo.

"Ahm—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makarinig ulit sila ng katok mula sa labas. Halos sabay silang napatingin ni Xersus sa nakapinid na pinto. Imbes na magtanong ay bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang kabadong si Amara. Halata sa mukha nito na may kung ano itong importanteng sasabihin sa kanya.

"Xersus," mahina ngunit may gulat na tawag nito sa pangalan ng bata.

"Ate Amara!" Mabilis na tumakbo ito patungo kay Amara at yumakap sa baywang nito. "Hinahanap po kayo ni Papa. Saan po kayo galing?"

Pasimple naman siyang senenyasan ni Amara sa mata. Nakuha niya agad na may importante itong balita sa kanya at hindi puwedeng marinig ni Xersus. Nagbaba ito ng tingin sa bata pagkatapos at ngumiti.

"Anak, namalengke lang ako sa bayan kasi may sakit si Aling Lita. Bakit na naman ako hinahanap ng papa mo?"

"Hindi ko po alam."

Nagbawas siya ng bara sa lalamunan at tumayo. "Xersus," malambing niyang tawag sa bata. "Maaari mo ba kaming iwan muna ng Ate Amara mo?" Ngumiti siya. "Magpapatulong lang akong magligpit ng ibang gamit dito."

"Sige po, Tiya."

"Salamat."

Ibinalik ni Xersus ang tingin kay Amara. "Sa library lang po ako." Tumango naman si Amara. "Iniwan ko po kasi si Pol doon. Hindi pa raw po siya tapos sa kanyang pagbabasa. Paalam po." Masayang lumabas si Xersus. Mabilis namang isinarado ni Amara ang pinto at sinugurong na i-lock ito bago lumapit sa kanya.

"Saan ka galing?" bungad niya agad. "At anong sasabihin mo?"

"Pri, nakita ko na sila."

Biglang kumabog nang malakas ang tibok ng puso niya. Gusto niyang magsaya. Alam niya kung sino ang mga tinutukoy ni Amara. "N-Nahanap mo na sila?"

Sunod-sunod na tumango si Amara. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "At hinahanap ka rin nila. Dinala ko sila rito dahil gusto ka nilang makausap."

"Amara, na saan sila?"

"Nasa kuwadra ng mga kabayo, doon ko muna sila iniwan."




MABILIS na nagpasama si Chippy kay Amara papunta sa kuwadra ng mga kabayo. Sa awa ng Dios ay wala sa bahay sina Julian at Noah, mukhang umalis. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwadra ay sabay na napalingon ang tatlo sa kanya, pare-parehong may gulat na reaksyon sa una pero napawi rin nang makita siya. Hindi niya napigilan ang emosyon at naluha siya sa sobrang saya.

"Mga gago!" tawag niya sa tatlo. Tinakbo niya ang maikling distansiya na mayroon silang tatlo at niyakap niya sina Juan, Andrew, at Simon. "A-akala ko... akala ko iniwan niyo na ako..." hikbi niya. Naramdaman naman niya ang mahigpit na pagyakap ng tatlo sa kanya at pagtapik ng isa sa kanila sa kanyang likod. "Isusumpa ko... talaga kayo... h-hanggang sa susunod kong buhay." Narinig niya ang pagtawa ng tatlo. "Seryoso ako, huwag niyo kong tawanan."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa tatlo. Ang saya lang niya talaga na makita na nandito pa sina Juan, Andrew, at Simon kaya ayaw matigil ang mga luha niya.

"Senyorita." Marahas na napalingon si Chippy. Namilog ang mga mata niya. Shuks, muntik ko nang makalimutan si Amara. "Sa labas lang ho ako, magbabantay." Ngumiti ito.

Tumango si Chippy. "Sige, salamat."

Tumakbo si Juan patungo kay Amara at tinulungan ito sa pagsara ulit ng malaking pinto ng kuwadra. Nakangiting nag-thumbs-up pa ang loko kay Amara pagkatapos. Close kayo? Anyway. Ibinalik niya ang atensyon sa dalawa. Nakabalik na rin si Juan.

"Anong nangyari sa inyo?"

"Hindi rin namin alam, Chi," sagot ni Simon. "Bigla na lang nagkaroon ng ipo-ipo sa dagat noong papunta na kami sa kabilang isla ni Lolo Nonoy. Paggising namin ni Juan ay nabalik na kami rito sa Liloan. Hindi na rin namin makita si Lolo Nonoy kaya hindi namin alam kung anong nangyari pagkatapos noon."

"I was with Mathieu before we got separated." Sunod na nagsalita si Andrew. "Pabalik na ang barko sa Pueblo de Liloan at malapit nang dumaong ng gabing iyon. Iniwan ko siya sa upper deck ng barko saglit dahil may tiningnan ako sa silid namin doon sa barko. Pagbalik ko ay wala na siya sa kung saan ko siya iniwan. I tried to look for him, but no one was willing to help me because our names were not in the list of passengers. Wala akong nagawa, tumalon ako mula sa barko para makatakas dahil ikukulong nila ako."

Namilog ang mga mata ni Chippy. "Mateo's name was not in the passenger's list? Paano nangyari iyon? I mean, if wala ang pangalan niyo, paano kayo nakasakay sa barko?"

"Iyon nga ang pinagtataka ko. May sariling silid si Mateo sa barkong iyon pero nang ilabas ang listahan ay wala ang pangalan niya. Maiintindihan ko pa kung wala ang pangalan ko pero imposible na wala ang pangalan ni Mateo. Bumalik ako sa hacienda ng mga Valdevielso, nagtanong ako kung nakauwi na ba siya roon pero kahit si Mang Leo ay nagtataka kung bakit ko hinahanap ang senyorito. Wala namang balita na babalik siya dahil ang alam ng lahat ay hindi na."

"Kahit ang pamilya niya?" Kaya ba walang naghahanap sa kanya? Dahil sa pagkakatanda niya sa narinig niyang usapan nila Julian at Noah kaninang umaga ay wala raw naghahanap na pamilya kay Mateo.

Tumango si Andrew. "Kahit ang kapatid niya ay walang alam. I don't like that guy but he's the only person in that house that treats his brother with respect. I doubt if Dimitreo will be that calm if he knew Mateo's going home, but has gone missing."

"Kaya nandito kami para sabihin sa'yo na nawawala si Mathieu," dagdag ni Simon.

"Alam ko." Bumakas ang gulat sa mukha ng tatlo. Isa-isa niyang tiningnan sa mukha ang mga kaibigan. "He's with me," pag-amin niya. "Pero hindi maganda ang kalagayan niya ngayon dahil sa malalim na sugat na natamo niya roon sa barko."

Bumakas ang pag-alala sa mukha ni Andrew, ganoon din ang dalawa. "What happened to him?" he asks.

"Sinaksak siya... at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising."



"PRISCILLA—"

Agad na itinaas ni Chippy ang isang kamay nang magsalita si Julian. Dinala niya sina Juan, Andrew, at Simon sa mansion. Hindi niya naman inakalang nakabalik na pala sina Julian at Noah at nandoon din sina Andris at Javier. Kaya nagkita-kita silang lahat sa sala at parehong natigilan nang makita ang isa't isa. Sabagay, papalubog na rin ang araw sa labas at pumasok na ang kulay kahel na sinag ng araw sa loob ng mansion.

Pansin niya ang pagtitig ni Andrew kay Andris, nakatayo ang binata sa kaliwa ng kuya niya. Si Javier naman ay sa tabi ni Julian. Nahuli pa niyang kinusot nila Juan at Simon ang mga mata nang makita sina Andris at Javier. May hula na siya sinong lolo ang mga ito, pero saka na niyang kukumpirmahin o baka hahayaan na lang niyang ang tatlo ang kumausap sa dalawa. Family tree pa nga lang ni Priscilla ay hilong-hilo na siya. Paano pa kaya sa mga Alquiza at mga Gutierrez?

"Please lang, Kuya Julian, huwag ngayon." Isa-isa nitong tiningnan ang mga kasama niya. Kasama rin niya si Amara na katabi lang ni Juan lagi. Ewan kung paano nagkakaintindihan ang dalawa at natatawa ito kay Juan habang papunta sila sa mansion. Pansin niyang matagal nanatili ang titig nito kina Juan at Amara. Ibinalik lang nito ang tingin sa kanya nang magsalita ulit siya. "Mga kaibigan sila—namin ni Mateo. Pinagkakatiwalaan namin sila. At minsan na rin nila tayong tinulungan noon."

"Andres at Juanito, tama?" pagkumpirma ni Noah sa dalawa. Tumango naman sina Juan at Andrew. "At may bago kayong kasama." Natuon ang atensyon ng kapatid kay Simon sa pagkakataon na iyon. "Ano ang pangalan mo, Ginoo?"

"Doming po, Senyorito. Doming Sy."

Mariiing naipikit ni Chippy ang mga mata at naglapat nang husto ang mga labi niya saglit para pigilan ang tawa. This is supposed to be a serious matter, but she can't help it. Tanginang pangalan naman kasi iyan, Simon! Humugot siya nang malalim na hininga at pasimpleng nagbawas ng bara sa lalamunan saka muling pinaseryoso ang mukha. Chizle, umayos ka.

"Hindi ho ako nagtatrabaho kay Senyorito Mateo pero kasama ho nila ako noong pumunta kami sa kabilang isla. We're friends—este—magkababata ho kami nila Andres at Juanito mga senyorito. At marunong din po ako nang kaunting Ingles—kaunti lang naman po. Mga one-port."

Simon, itigil mo na iyan. Shuta ka!

"Basta, mga kaibigan sila, Kuya. Hindi nila ipapahamak si Mateo—tayo." Nagpalitan ng tingin sina Julian at Noah. Hindi niya tuloy mabasa ang ekspresyon ng dalawa. "Kaya nga sila nandito kasi gusto nilang humingi ng tulong sa akin para mahanap ang amo nila."

"Totoo ho iyon, mga Senyorito." Nabalik ang tingin nila Julian at Noah sa kanila nang magsalita ulit si Andrew. "Magkasama ho kami sa barko noong gabing nawala siya. Pumunta na rin ako sa hacienda ng mga Valdeveilso ngunit wala hong nakakaalam na pauwi ang Senyorito."

"At wala rin ang pangalan ni Mateo sa listahan ng mga pasahero ng barko, Kuya Julian at Kuya Noah." Kumunot ang noo ng dalawa sa idinagdag niya. "Kamuntik nang mahuli at makulong si Andres nang hingin niya ang tulong ng mga ospisyal doon dahil wala ang mga pangalan nila. Mabuti na lamang at nakatalon siya mula sa barko."

"Nagkataon na nagkita-kita ulit kami at sinubukan ho naming hanapin ang Senyorito," dagdag na kwento ni Simon. "Ngunit hanggang ngayon ho ay hindi pa namin siya nahahanap. Kaya naisip ho naming puntahan rito si Senyorita Priscilla. Nagbabakasakali lang ho."

"Sinabi niyo ba kamong walang alam ang pamilya ni Mateo na uuwi siya ng Pueblo de Liloan?" tanong ni Julian. "Ganoon din ba ang kapatid niya?"

Sabay na tumango ang tatlo. "Opo, Senyorito," sagot ni Andrew.

"Kung ganoon." Nahulog sa malalim na pag-iisip si Julian. "Maaaring planado ang pagpatay sa kanya roon sa barko. At may taong nag-udyok sa kanya na bumalik dito para maisagawa ang malagim na planong iyon."

"O marahil." Naibaling ni Julian ang tingin kay Noah nang magsalita ito. Lahat sila ay napatingin na rin sa kapatid niya. "Hindi sinabi ni Mateo na siya'y uuwi at may nagmamatiyag sa kanyang makapangyarihang tao na siyang gustong pumatay sa kanya."

"Ngunit sino naman?"

"Hindi kaya dahil sa akin?" singit niya. Sa kanya naman ngayon natuon ang atensyon ng lahat. "Hindi natuloy ang kasal dahil may malaking dahilang itinago sa akin si Mateo. Dahilan na magpapahamak daw sa akin."

"Hindi rin ho kaya dahil sa bagay na hinahanap namin noon sa mga kweba?" segunda ni Simon. "May nalaman si Senyorito Mateo tungkol sa mga taong nag-iimbak ng mga dinamita na siyang dahilan kung bakit matumal ang huli ng mga isda dito sa atin—"

Nabasag ang namumuong tensyon sa pagitan nilang lahat nang biglang bumaba mula sa hagdan si Pol, humahangos at natataranta.

"G-gising..." Huminto ito sa huling baitang ng hagdan. Napasinghap si Chippy nang kamuntik nang madulas ang bata mabuti na lamang at nakahawak ito sa handrails. Lumunok muna ito bago nagpatuloy. "Gising... gising na po si Senyorito Mateo!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro