Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43

GULAT na napalingon si Chippy sa direksyon ng pinto, bumukas ito bigla at alam niyang huli na ang lahat para itago ang hawak na diary ni Priscilla at ang kanyang luhaang mukha. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng puso pero bahagyang kumalma ito nang makitang si Amara lang pala iyon.

Bumakas agad ang pag-aalala sa mukha ni Amara at lalo lamang siyang naiyak. Wala siyang naalala sa mga nangyari sa nakalipas na apat na buwan at hindi niya alam kung alam ba ni Amara ang kalagayan niya. Gulong-gulo na siya. Wala na siyang naiintindihan sa mga nangyayari.

"Shsh," alo ni Amara sa kanya. Maingat na isinarado nito ang pinto sa likuran nito at sinigurong naka-lock ito bago lumapit at sumalampak ng upo sa tabi niya. Niyakap siya nito. "Umiiyak ka na naman. Tama na, alam mong makakasama sa iyo iyan at sa bata."

Kung ganoon ay alam nga ni Amara ang kalagayan niya. Hindi na rin nakapagtataka dahil mahirap itago ang kondisyon niya na mag-isa lang siya. Hinawakan ni Chippy sa pupulsuhan si Amara at hinuli ang mga tingin nito.

"May balita na ba kay Mateo?" tanong niya, patuloy lang sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi niya mapigilan ang sarili kahit gusto niya. Talagang napakabigat ng dibdib niya nang mga oras na iyon. "May narinig ka bang usap-usapan ng mga tao sa sentro?"

Malungkot na umiling si Amara. Lalo siyang naiyak. "Shsh." Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito. "Tumahan ka na."

"Ama—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil naramdaman na naman niya ang pagbaliktad ng sikmura. Tinakpan niya ng isang kamay ang kanyang bibig para pigilan ang pagkasuka at mariing itinikom ang mga labi.

Nasusuka ulit siya.

"Pri—"

Mabilis siyang tumayo at iniwan si Amara para tumungo sa direksyon ng banyo. Parang mas lumala ang pagsusuka niya sa pagkakataon na ito kaysa kanina. Dumiin nang sobra ang mga kamay niya sa magkabilang bahagi ng lababo.

Sumunod si Amara at may suyong hinagod ang likod niya. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat ay magpatingin ka na sa isang doktor. Ang lagi pa namang sinasabi sa akin ng aking ina ay talagang masilan ang unang pagbubuntis."

Ramdam niya ang pag-anghang ng mga mata na sinabayan pa ng mga butil ng mga luha habang nagsusuka siya. Tila bibigay na ang kanyang mga binti dahil sobrang nanghihina siya. Patuloy lang sa paghagod sa kanyang likod si Amara at hinahawakan ng isang kamay nito ang kanyang mahabang buhok upang hindi makasagabal.

Naipikit niyang mariin ang mga mata nang bahagyang mahimasmasan. Kung hindi lang nakaalalay sa kanya si Amara ay pakiramdam ni Chippy ay tuluyan na siyang matutumba. Kahit nakapikit ay tila ba umiikot ang mundo sa paligid niya.

"Sa tingin ko ay nakakahalata na ang pinsan mo."

Naimulat ni Chippy ang mga mata. "Si Julian?"

Mula sa salamin ay nakita niyang tumango si Amara. "Pati na rin ang ibang katiwala," pagpapatuloy nito. "Lalo na noong si Ate Antonia na ang naglalaba ng mga gamit mo. Iniisip nila na may inililihim kang ayaw mong ipagkatiwala sa iba. Halika." Inalalayan siya ni Amara palabas ng banyo at dinala sa kanyang higaan. Naupo silang dalawa sa gilid ng kama. "Hindi na namin maitatago ni Ate Antonia ang lahat ng ito, Priscilla. Lalaki at lalaki ang iyong tiyan, sa kalaunan ay magtataka ang iyong pamilya kapag humiling ka ng mga bagong damit."

Kung ganoon ay alam din ng inay ni Lolo Pol ang kalagayan ni Priscilla. Ang dalawa ang tumutulong sa kanya para maitago ang pagbubuntis niya.

"Pri, apat na buwan na ang lumipas. Wala na tayong narinig pa tungkol kay Senyorito Mateo. Kahit isang liham ay wala siyang pinapadala sa iyo." Naramdaman na naman ni Chippy ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. She could feel Priscilla's longing and desperation in her heart—that same pain pierces through her soul, tormenting her. "Kaya tama na. Kaya mo naman mag-isa, 'di ba? Malakas at matapang ka. At saka hindi ka pababayaan ng pamilya mo. Maiintindihan nila." 

"Alam ko, pero kailangan kong malaman kung na saan siya, Amara. Ayaw ko ng kalagayan ko ngayon. Hindi ko kakayanin ang buhay na ganito. Gusto kong umuwi na kami," iyak niya sa harapan nito. Halatang hindi na siya nito naiintindihan. "Ayaw ko na." Yumugyog nang husto ang mga balikat niya sa pag-iyak.

"Pri—" Hindi nito alam paano siya patatahanin.

"Amara, pakiusap." Hinawakan ni Chippy ang mga kamay ni Amara. "Tulungan mo akong mahanap ang mga tauhan ni Mateo. Kilala mo sila, sina Andres at Juanito. Matutulungan niya tayo."

Malalim itong bumuntonghininga. "Susubukan ko, ngunit hindi ko maipapangako na makikita ko sila o makakalapit ako sa hacienda ng mga Valdevielso."

Maya-maya ay pareho nilang narinig ang malakas na pagkatok ng kung sino man sa labas ng pinto. Halos sabay silang napatingin doon.

"Priscilla." Boses iyon ni Julian.

Mabilis na pinunasan ni Chippy ang mga luha. Inayos naman ni Amara ang pagkakalugay ng kanyang buhok at inabot ang kanyang balabal mula sa sandalan ng silya sa desk table ni Priscilla at ibinalabal sa kanya.

"Priscilla." Kumatok ulit ito. "Priscilla, pakiusap, buksan mo ito," may awtoridad pero malumanay na pakiusap ni Julian.

Napalunok si Chippy. Naisip niyang hindi magandang ideya na makita siya sa ganoong estado ni Julian lalo na't ramdam niya ang pamamaga ng kanyang mga mata sa sobrang pag-iyak kanina. At mukhang ganoon din ang tumatakbong ideya sa isip ni Amara nang magkasalubong ang kanilang mga tingin.

"Mapapansin niya," pabulong niyang sabi rito.

Muli itong kumatok. "Priscilla."

"Ako na." Tumayo si Amara mula sa kama. "Sasabihin ko na lang na tulog ka pa. Dito ka lang, huwag kang lalabas." Tumango si Chippy.

Iniwan siya ni Amara at naglakad patungo sa pinto. Humawak lang muna ito sa seradura nang ibaling ang tingin sa kanya. Sumenyas ito na bumalik siya sa kama at magkunwaring natutulog. Sumunod siya at humiga. Itinaas niya ang kumot hanggang sa kanyang dibdib at ipinikit ang mga mata. Narinig na lamang niya ang pagbukas ng pinto at yabag ng mga paang pumasok sa silid.

"Senyorito—"

"Si Priscilla?"

"Natutulog pa ho."

"Natutulog pa?" Kahit hindi nakatingin si Chippy ay ramdam niya ang pagbaling ng tingin ni Julian sa kanya. "Kung ganoon, ay sino ang narinig ni Lita kanina?"

"Ni Ate Lita?"

"May narinig siyang nagsusuka kanina rito kaya ako ay tinawag niya. Pumunta ako rito upang alamin kung masama ba ang pakiramdam ni Priscilla."

"Wala ho. Baka ho guni-guni lamang ho iyon ni Ate Lita, Senyorito. Kanina pa ho ako rito, nilinis ko lang ang mga gamit ni Senyorita."

"Bakit basa ang iyong mga kamay?"

Kumunot ang noo ni Chippy kahit nakapikit nang marinig ang pag-iba ng tono ng boses ni Julian. Naging mas malumanay kahit na nabobosesan niya ang pagkunot ng noo nito.

"Ikaw ba ang narinig ni Lita kanina? Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Senyorito—" Nag-iba rin ang tono ng boses ni Amara—may halong taranta. "S–Sa labas na lang ho tayo mag-usap at baka ho magising natin si Senyorita."

"Amara." Narinig ni Chippy ang pagsarado ng pinto. Sandale! Anong nangyayari rito? Biglang napalitan ng kuryusidad ang mga hinaing niya kanina. "May inililihim ka ba sa akin?"

"Senyorito, sa labas na lang ho tayo mag-usap—"

"Hindi tayo lalabas sa silid na ito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Tingnan mo ako sa mga mata, Amara. Ikaw ba ay nagdadalang-tao?"

Syet! Mariing naipikit lalo ni Chippy ang mga mata at pinaglapat nang husto ang mga labi. Muntik na siyang mapasinghap kanina, mabuti na lamang at napigilan niya. Huwag niyo akong binibiting dalawa at ang dami ko nang problema.

"Senyorito, gaya ho ng pangako ko sa iyo, ikaw ho ang unang makakaalam sa oras na dumating ang sandaling iyon. Ngunit sa ngayon, hayaan muna nating makapagpahinga si Senyorita."

"Umiiwas ka ba sa akin, Amara?"

What is this attitude Julian? Kating-kati na si Chippy na imulat ang mga mata para silipin ang dalawa pero hindi niya puwedeng gawin.

"Ho? Hindi ho. May trabaho lang ho ako, Senyorito. At saka, amo ko ho kayo."

"Amara—"

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. "Gigisingin ko na ho si Senyorito Xersus. Kung wala na ho kayong ipag-uutos ay maiwan ko na ho kayo, Senyorito."

Pagkatapos niyang marinig ang pagsara ng pinto ay wala na siyang narinig pa.

Nang hapon ay hindi mahagilap ni Chippy si Amara, ang sabi ng isang katiwala ay umalis raw muna at may bibilhin daw sa merkado. Kinamusta lang siya ni Julian pero napansin niyang wala sa kasalukuyan ang isip nito at may kung anong gumugulo rito. She didn't press on it further because she was also avoiding sitting with him over a long conversation. Kaya nang magpaalam siyang pupunta siya ng kusina para uminom ng tubig ay hinayaan lang siya nito.

Wala si Kuya Noah, may inaasikaso raw kasama ni Tiyo Jose. Ang mama naman ni Priscilla ay nasa silid nito at nagpapahinga.

Dumeretso pa rin siya ng kusina, hapon na at kapag ganitong oras ay halos tahimik ang buong bahay. Rinig na rinig niya ang mga huni ng ibon sa labas na sumasabay sa marahang paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno. Bukas ang lahat ng bintana kaya't maaliwalas na maaliwalas ang buong loob ng bahay.

Maingat pa rin siya sa kanyang kilos at sinisiguro niyang hindi mapapansin sa suot niyang mahabang bestida ang umbok ng kanyang tiyan. Kaya dala-dala niya ang diary ni Priscilla para may pangtakip siya sa kanyang tiyan.

Naabutan ni Chippy ang isang katiwala roon at mabilis ang matanda na nagbigay galang sa kanya sa bahagyang pagyuko ng ulo.

"Senyorita, may ipag-uutos po ba kayo?"

"Isang basong tubig lang ho, Manang."

Tumango ang matanda. "Ipaghahanda ko ho kayo, sandali lamang po." Dumulog si Chippy sa mesa pero hindi siya humila ng upuan at umupo roon. Nakatayo lamang siya at nakatuon ang tingin sa malaking bukas na bintana. Tanaw mula roon ang malawak na dagat sa malayo, at may natatanaw siyang mga bangka at barko. Bigla niyang naisip si Mathieu.

Saan kaya dinala ng parola sa Mathieu? Sina Juan, Andrew, at Simon? Ayaw niyang isipin na iniwan na siya ng tatlo at si Mathieu naman ay nasa bansa kung na saan ngayon si Mateo. Kasi posible na nakabalik na sina Juan, Andrew, at Simon sa kasalukuyan at silang dalawa na lamang ni Mathieu ang nandito.

Naibaba niya ang tingin at nailapat ang isang kamay sa kanyang tiyan. It feel surreal to believe that there's already a baby growing inside Priscilla's body. Hindi niya maloloko ang sarili o magkunwari na hindi totoo ang mga pinag-iisip niya dahil ramdam niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan. At sa tuwing nararamdaman niya ito ay nagdadala ito ng luha sa kanyang mga mata. It was painful to think that this child will never have the chance to be born in this world.

Kumarap si Chippy para huwag matuloy ang mga pagbabanta ng mga luha sa kanyang mga mata sa paglandas. Ramdam niya ang muling paninikip ng dibdib. Ni hindi man lang nalaman ng buong angkan nila na nabuhay na ang anak ni Priscilla sa panahon na ito. That it was not just her that died that day, kasama na rin ang anak nila ni Mateo.

"Senyorita, ito na ho ang tubig."

Tipid na ngumiti si Chippy sa matanda at nang hahawakan na niya ang baso ng tubig na inabot nito sa kanya ay bigla itong dumulas sa pagkakahawak niya at dumeretso sa sahig. Napasinghap siya sa gulat nang mabasag ito sa kanilang harapan. Bigla na lamang kumabog nang mabilis ang kanyang puso sa hindi niya malamang kadahilanan. Mateo's image flashes before her eyes.

Mathieu?




NABIGLA si Amora nang bigla na lang nag-flatline ang heart rate monitor ni Mathieu. Hindi! Nag-panic siya kaya mabilis na pinindot ni Amora ang emergency call button para tawagin ang mga nurse at doctor. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot pero nagawa pa rin niyang lumabas para tawagin si Iesus.

"Boss!" umiiyak niyang sigaw, agad na bumaling ito sa kanya kahit na may kausap pa ito sa cellphone. "Si Chef... Si Chef—" Hindi na niya alam kung paano siya nito nahila paalis sa pintuan nang dumating ang mga nurses at doctor. Humahagulgol na siya habang yakap siya nito. "Boss, Si Chef... h-huminto ang p-puso... n-niya... a-anong ga-gawin natin?"

"Shs." Hinagod ni Iesus ang isang braso niya. "He will be alright. Stay here." Yumuyog pa rin ang mga balikat ni Amora sa kakaiyak. Okay pa naman ito nang bantayan niya kanina. Pero bigla na lang nag-flatline ang puso ni Chef Mathieu.

Sinundan niya ng tingin si Iesus, kumunot ang noo nito nang lapitan ito ng nurse para palayuin sa pinto dahil isasara nito iyon pero pinigilan ito ni Iesus.

"I'm his family, let me in."

"Sir, sa labas na lang po muna kayo—"

"What the hell is happening?"

"Hayaan na lang po natin si Dok, pasensiya na po talaga."

Bahagyang itinulak ng lalaking nurse palabas si Iesus at isinirado ang pinto. Pati ang mga tao sa labas ay halatang nakikiusyuso sa nangyayari. Napansin ni Amora ang mariing pagkuyom ng mga kamao ni Iesus at pagtatagis ng mga panga nito sa pagpipigil ng emosyon. Ano nang nangyayari? Hindi pa rin nakakabalik sina Sir Balti, Sir Thad, at Sir Vier simula nang pumasok kanina sa parola. Umalis na lang muna sila ni Iesus dahil walang magbabantay sa ospital at busy rin ang ibang mga kaibigan ng mga ito.

At ngayon naman, bigla na lang huminto sa pagpintig ang puso ni Chef Mathieu. Gulong-gulo na talaga siya. Kahit anong paglawak niya sa kanyang isipin ay talagang nahihirapan na talaga siyang intindihin ang mga nangyayari rito sa Faro. Nakakaramdam din naman siya ng pagod at madalas ay gusto na rin niyang sumuko pero hindi niya kayang iwan sa ere si Boss Iesus. Hindi lang dahil sa kontrata na pinirmahan niya noon, may iba pang puwersang pumipigil sa kanya na iwan si Iesus.

Lalo na ngayon, bumakas na sa mukha nito ang pag-aalala at pagkalito. Para na naman itong batang nawawala sakabila ng katapangan na lagi nitong ipinapakita.

Humakbang si Amora palapit kay Iesus at inabot ang isang nakakuyom nitong kamay. Hindi natunaw ang kunot ng noo nito sa mukha nang ibaling nito ang tingin sa kanya pero tipid siya nitong binigyan ng ngiti.

"Everything will be fine," he assures her. Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak sa pupulsuhan nito upang marahang alisin ito at ibaba saka umangat muli ang mukha sa kanya. "Don't cry." Pinunasan nito ang mga luha niya sa ilalim ng kanyang mga mata gamit ng mga hinlalaki nito bago siya hinawakan sa magkabilang balikat. "I'm here."




"KANINA pa tayo paikot-ikot dito sa gubat pero hindi pa rin tayo nakakalabas," reklamo ni Balti. "Akala ko ba ay alam mo ang daan palabas at papasok sa gubat na 'to, Arki?"

Thad knew, but it seems like they were only walking in circles. Lahat ng palatandaan niya ay dinaanan na nila pero hindi pa rin sila nakakalabas. Sa halip, bumabalik lang sila sa palatandaan niya. Sa tantiya niya ay isang oras o mahigit na silang naglalakad sa gubat. Hindi rin gumagana ang suot niyang relo. Wala ring signal ang mga cellphone nila na siyang sobrang ipinagtataka nila dahil sa ilang beses niyang pagpasok sa gubat na ito ay hindi pa iyon nangyayari.

Unless we're inside a time loop created by Niño himself?

"Hindi mo ba sauludo ang gubat na 'to, Dok?" tanong ni Balti kay Vier.

"Not that good in direction, so I didn't attempt."

Hindi na pinagtuonan ng pansin ni Thad ang sunod na pinag-usapan ng dalawa sa kanyang likuran. Sa halip, binalikan niya ang mga salita ng batang Niño kanina.

Ang mga kasagutan ay nasa panahon kung saan kayo nanggaling. Malamang ay ang sagot ng paghahanap nila ay nandito sa kasalukuyan. Hanapin ang mga nawawala at imulat ang mga naipikit na mga mata. At marahil nasa kagubatan na ito ang hinahanap nila. Imulat ang mga mata at maaaring dapat ay igala ang tingin sa paligid.

"Hayaang manatili sa buhangin ang mga lagda ng mga paa," Thad murmurs to himself. "Foot prints? Traces?"

"Thad?" It was Vier who called.

Huminto siya sa paglalakad para ibaba ang tingin sa bahagyang maputik na lupa at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapansin ang isang pares ng mga bumaong yapak ng mga maliliit na paa na hindi niya napansin kanina. Kahit hindi niya lingunin ang dalawa ay huminto rin sa paglalakad ang mga ito at tiningnan ang mga yapak sa kanilang harapan na tila nagbibigay direksyon.

"You've gotta be kidding me," ni Balti.

Nabigyan si Thad ng pag-asa. So Niño was indeed giving them signs, and they've been ignoring it all this time.

"Huwag mangamba na ito ay aabutin ng alon at hihipan ng malakas na hangin," dugtong niya. "Is he referring to a structure?" Kumunot lalo ang noo ni Thad. He's trying to figure out the riddle by comparing its description to a structure. "A house built mere meters away from the ground that could stand tall in a tropical environment."

"Bahay kubo?" Balti answered in a guess.

Marahas niyang nilingon si Balti. "It could be. A bahay kubo is usually built 2 meters above the ground for good ventilation, to avoid wild animals and flooding... they're made in nipa grass, wood, and bamboo fit to survive in a tropical environment. In pre-colonial, those types of houses were considered typhoon-resistance homes. Like a bamboo, its structure will sway with the wind."

"Huwag mangamba na ito ay aabutin ng alon," Vier uttered, "At hihipan ng malakas na hangin." Nagkatinginan silang tatlo. "What if?"

"Let's follow the foot prints," suhestiyon ni Balti.

Nauna na nga ito sa kanila, at tumakbo pa. Kaya wala silang nagawa ni Vier kundi ang sundan ng takbo si Balti hanggang sa napansin ni Thad na may pagbabago na sa daan na tinatahak nila nang mga oras na iyon. Beads of sweats starts dripping down at both sides of his face, it wasn't a mere distance run because they couldn't see anything yet.

Not until Balti shouted, "I'm seeing something!"

"What?!" sigaw na tanong ni Thad.

"A house! Wait. Fudge! It's a nipa hut."

Nag-uunahan na sila sa pagkatakbo sa natitirang distansiya nang bumungad na sa kanilang tatlo ang bahay kubo sa gitna ng gubat. Thad couldn't believe it. All his assumptions were right. Humihingal na huminto sila sa harapan ng kubo. Bahagyang yumuko si Balti para ihawak ang mga kamay sa mga tuhod habang hinahabol ang hininga. Sinipat naman niya ang paligid at ganoon din si Vier.

"I...d-didn't know... there's a house here," basag ni Vier.

"Let's look inside," aniya nang bahagyang makabawi na siya.

Iniwan niya ang dalawa at nauna siyang umakyat sa maliit na hagdan ng kubo. The nipa house looks old, but it wasn't eerie. Hindi sila magkakasyang tatlo sa landing kaya nasa ibaba lang muna sina Balti at Vier. Bahagyang sirado rin ang harapang bintana pero napansin niya kanina na hindi sarado ang ibang bintana kung saan walang mapapatungan. Kaya ang paraan lang para masilip ang loob ay sa pagbukas ng pinto.

"I'll open the door now," imporma niya.

Walang kandado o tali kaya matutulak lang niya ito ng walang kahirap-hirap at tama nga siya. Lumikha nang kaunting langitngit na tunog ang pagbukas ng pinto at nang tuluyan na itong bumukas ay bumungad kay Thad ang tatlong katawan na tila mahimbing na natutulog sa lapag na higaan.

And damn, it was Simon, Juan, and Andrew.




PABALING-BALING na sa higaan niya si Chippy. Hindi na naman siya makatulog kahit gusto na ng katawan niya. Simula nang mabasag ang baso kanina ay hindi na siya natahimik.

OA na kung OA pero kapag may ganoong nangyayari sa palabas ay nagpapahiwatig iyon ng masamang pangyayari. Maaring aksidente o kamatayan na huwag naman sana dahil mababaliw na talaga siya kapag nakatanggap siya ng mensahe na may nangyaring masama sa tatlo o kay Mathieu bilang Mateo sa panahon na ito.

Lalo na't, umuwi si Amara kanina na wala pa ring magandang balita. Wala raw sa hacienda ang pinapahanap niyang mga tao.

Na saan na ba kasi kayo?

Marahas siyang napabuga ng hangin at bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw ng lampshade sa itaas ng mesita at sinuot na lamang niya agad ang pares ng tsinelas sa sahig sabay hila ng makapal na balabal na ipinatong lamang niya sa sandalan ng silya ng desk table.

Lumapit siya sa bintana at binuksan ito, agad na yumakap sa kanya ang malamig na hangin ng gabi. Hinigpitan niya ang balabal sa kanyang katawan. Sakabila ng lamig ay bahagya siyang nakaramdam ng kapanatagan nang malanghap ang sariwang hangin. Doon pa lamang niya napansin ang malaking buwan sa madilim na kalangitan—it was full moon. Dumako ang tingin niya sa nangingislap na liwanag na nagmumula sa parola. Kalmado naman ang dagat pero bakit parang may ipinapahiwatig sa kanya ang ilaw ng parola?

Ilang segundo niya munang pinag-isipan kung lalabas ba siya o hindi pero sa sobrang lakas ng puwersang nagtutulak sa kanya na puntahan ang parola ay mukhang hindi siya nito patatahimikin buong gabi kapag hindi niya ito pupuntahan.

"Ah, bahala na."

She has the keys anyway. Hindi na siya mapapansin ng mga tao dahil masyado nang malalim ang gabi. Hinanap niya muna ang jacket ni Mathieu sa cabinet at iyon ang isinuot para hindi siya lamigin nang husto. Saka siya tahimik na lumabas dala ang lampara na madali lang niyang masisindihan mamaya. Maingat niyang isinarado ang pinto at dahan-dahan lamang siya sa paglalakad lalo na sa pagbaba ng hagdan, halos nakaalalay sa kanyang tiyan at sa hawakan ng hagdanan.

Ang laki ng ginhawa niya nang tuluyan na siyang makalabas ng malaking bahay at naglalakad na siya patungo sa gate na ang lampara lang ang gabay niyang liwanag. Hanggang sa nakarating siya sa parola. Kahit na makapal na ang tela ng jacket ni Mathieu ay nanunuot pa rin ang malamig na hangin, pati ang mga kamay niya ay nanlalamig na.

Ibinaba muna ni Chippy ang lampara para maipasok ang susi sa knob ng pinto para mabuksan ito. Madilim ang paligid pero nang patamaan niya ng ilaw ng lampara ang loob ay bumungad sa kanya ang ilang envelopes ng mga liham na mukhang sinadyang itabi sa pinakagilid para hindi matapakan ng kung sino mang nagpapa-ilaw ng parola tuwing gabi.

Kumabog nang sobrang bilis ang tibok ng puso ni Chippy. Marami siyang tanong at kung bakit hindi pinapakialaman ng bantay ng parola ang mga liham na iyon pero mas nangingibabaw sa kanya na ipunin ang mga ito at basahin lahat. Kahit walang pangalan ang katawan ng sobre ay alam niyang mga sulat iyon ni Mateo.

Pumasok siya sa loob at isa-isang pinulot ang mga sobre, nabilang niyang sampung sobre ang mga ito. Tuluyan na siyang napasalampak ng upo roon at binuksan ang unang sobreng nahawakan niya. Chippy unfolded the paper and saw the date. It was written four months ago—the 27th of May, 1935. In Spanish kahit na halos ng mga edukado at mamayamang tao sa panahon na ito ay nagsasalita na ng Ingles.

At hindi alam ni Chippy kung bakit naiintindihan na niya ang bawat mga salitang nakasulat doon. 

Ako ay patuloy na umaasa na mababasa mo ang lahat ng aking mga sulat ngunit sakabila ng hindi mo pagtugon ay ipinagdadasal ko na kahit ang sulat na lamang na ito ang mabasa mo. Mahal ko, ako ay aalis na ng Pueblo de Liloan at marahil ay hindi na ako babalik sa bayan natin. Ngunit, alam kong hindi magiging masaya ang pag-alis kong ito dahil alam kong maiiwan ang puso ko sa iyo. At marahil ay magbibigay ito ng kalituhan sa iyong puso't isip gayo't ako naman ang nagpasyang iwan ka at huwag ituloy ang ating kasal. Maniwala kang, ginawa ko iyon para sa kaligtasan mo.

Mahal ko, nais kung pagsisihan na isinulat ko pa ito ngunit kung didinggin ng Dios ang aking dasal na mabasa mo ito bago ang ika-30 ng Mayo ay tatanggapin kong iyon ang sagot ng Dios sa akin.

Sumama ka sa akin, Priscilla.

Aalis ang huling barko sa Pueblo de Liloan sa ika-30 ng Mayo sa ganap na alas singko ng umaga. Maghihintay ako, mahal ko.

Laging Sa'yo

Tuluyan nang napahagulgol si Chippy sa mga nabasa. Mateo did not forget about Priscilla. He did love her genuinely.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro