Kabanata 41
Madam: I'm sorry it took me a long time to update. The past two months were dark, but I found my way back and I'm writing again. I'm still in the process of healing, but I'm already okay. Your support in my stories has helped me regain my strength and confidence in doing what I love the most—writing stories. :) Let's finish and enjoy FDA 5 together. No more 600 comments goal, but your comments will be a great help and will be appreciated.
Thank you for patiently waiting for me, Weirdas. Love you all. <3
***
"WHAT were you thinking?!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Don Porforio kay Mathieu. "Ikaw ba'y tuluyan nang nasiraan ng bait, Mateo? Umalis ka ng hindi nagpapaalam sa pamamahay na ito. Ngayon nama'y may kumakalat na balita rito sa atin na ikaw ay nakipagtanan sa pamangkin ni Jose de Dios!" Lumapit ang matanda kay Mathieu, nanatili naman siya sa kanyang puwesto. "Hanggang kailan mo ako bibigyan ng kahihiyan?!"
"Papa," awat ni Dimitreo sa ama sa paghawak sa kanang braso nito.
"Bitawan mo ako, Dimitreo." Marahas na inalis ni Don Porforio ang kamay ng anak nito. "Kailanman ay hindi mo na binigyan ng kapayapaan ang bahay na ito," pagpapatuloy pa rin ng matanda.
Unti-unti namang bumabalik kay Mathieu ang memorya ng kabataan niya. Naikuyom niya ang mga kamay sa magkabilang panig sa pagpipigil ng sarili na sagutin ito. Bagama't magkaiba ang mukha ng kanyang ama sa ama ni Mateo pero magkatulad naman ang buhay nila ni Mateo. He was also an outcast from his family. He was a product of mistake. A child whose real identity was hidden in secrecy to save his mother from shame.
And so was Mateo.
"Binihisan at tinanggap kita sa pamamahay na ito. Ibinigay ko sa'yo ang pangalan ko ngunit anong nakuha kong ganti mula sa'yo? Kahihiyan, Mateo! Kahihiyan."
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Dimitreo. "Anong ibig niyong sabihin, Papa?" Lumipat ang tingin nito sa kanya. "Kuya?" Mathieu knew Mateo's brother had no idea about the truth of his birth. Itinago rin ng mga magulang ni Mateo ang totoong pagkatao nito. Kagaya ng pagtago ng mga magulang niya sa katotohanan ng pagkatao niya.
Nanatiling seryoso ang mukha ni Mathieu. Pilit na kumakawala ang mga emosyong hindi na kayang supilin ng pagtitimpi niya bilang Mateo. He was damn tempted to talk back. Pero kilala niya si Mateo. Hindi nito ugaling salubungin ang galit ng ama nito.
"Papa," may diin at bahagyang nakasigaw nang tawag ni Dimitreo sa ama. "Sagutin niyo ako. Anong kahulugan ng mga sinabi mo kay Kuya kanina?"
Marahas na bumuntonghininga si Don Porforio. "Gawan mo ito ng paraan, Mateo." He didn't answer Dimitreo. "Hindi ako makakapayag na maikasal ka sa isang de Dios. At kung patuloy mo akong susuwayin ay ilalagay ko sa kamay ko ang kapalaran ng babaeng iyon... at hindi mo iyon magugustuhan."
Nagtagis ang mga panga ni Mathieu, nandilim nang husto ang tingin niya sa Don. Hindi lamang siya ang nagpupuyos ang damdamin sa galit pati na rin si Mateo. Subukan lang nitong gawan ng masama si Priscilla at hindi rin nito magugustuhan ang gagawin niya bilang Mathieu.
"Ano bang problema kay Priscilla, Papa?" tanong ni Dimitreo. "Kung tunay naman ang pagmamahalan nila ng aking kapatid ay hindi ba't dapat hayaan na lamang natin sila-"
"Hindi ko gusto ang mga de Dios," marahas na baling ng Don kay Dimitreo. "At huwag mo na akong kulitin pa, Dimitreo. Ang mabuti mong gawin, bigyan mo ang sarili mo ng silbi bilang anak ko at ituon mo ang iyong atensyon at panahon sa nalalapit niyong kasal ni Pearlina."
Ibinalik ng Don ang tingin sa kanya.
"Tuldukan mo na ang lahat ng mga usap-usapan ng mga tao rito sa lalong madaling panahon. At huwag ka na ulit makipagkita sa babaeng iyon." Tinalikuran siya nito at tuluyan nang lumabas ng kanyang silid.
Lumapit si Dimitreo sa kanya. "Kuya, anong ibig sabihin ni Papa tungkol sa sinabi niya sa'yo? Bakit tila ipinapahiwatig niyang hindi ka niya anak."
Mathieu sighs. Lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya. "Mas makakabuti na wala kang nalalaman, Dimitreo," mahinahon niyang sagot. "Hayaan mo na lang ang mga bagay sa kung saan sila nararapat. Maiwan na muna kita." Iniwan niya si Dimitreo at lumabas siya ng silid. Diretso siyang naglakad palabas ng bahay. He heard Mateo's mother called out to him but he ignored her. Tinungo niya ang dalampasigan sa hacienda.
Naupo siya sa isa mga lilim ng puno roon. Marahas na nagpakawala ng buntonghininga at pinasadahan ng kamay ang buhok.
He couldn't calm himself. He was damn frustrated with everything. He and Mateo shared the same dejected feeling. Inabot niya ang isang bato at may galit na binato ito sa kumikinang na dagat dahil sa sikat ng araw na tumatama roon.
He wondered what grave sin he committed in his first life that made his life miserable in all the timelines he had lived.
October 8, 1999
"You lied to me, Diana! You made me believe Mathieu is my son." Mula sa bahagyang bukas ng pinto ng silid ng mga magulang ni Mathieu ay tahimik na nakasilip siya mula roon. Tapos na siyang bihisan ng kanyang Yaya Marie dahil paalis na sila papunta sa pagdadausan ng pangsampung kaarawan niya. "All along, Diana. All along-"
"Please, Mat, kahit ngayon lang," umiiyak na pakiusap ng Mama niya sa Papa niya. Nakaluhod na ito sa sahig habang nakakapit sa braso ng kanyang Papa. "Huwag mo namang sirain ang araw na ito ng anak natin-"
"Who's the father?! Sino ang ama ng batang iyon?"
"Mat, pakiusap. Ako lang ang nagkamali... huwag mong idamay si Mathieu. Mahal na mahal ka niya. At alam kong mahal na mahal mo rin siya-"
"He's not my son, Diana!"
Nakita ni Mathieu kung paano marahas na itinulak ng Papa niya ang Mama niya. Kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang nangyayari ay kusa na lamang tumulo ang mga luha sa mukha ng batang si Mathieu. Dumiin ang hawak ng maliliit niyang kamay sa seradura ng pinto.
"At hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang ama ng anak mo ay wala ka ring maasahan sa akin. Kaya pag-isipin mo ito nang mabuti at baka dalawa kayong palayasin ko sa pamamahay na ito."
Nanginginig ang mga kamay na binitiwan ni Mathieu ang hawakan ng pinto at humakbang palayo. Patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha sa kanyang mga mata. Tumakbo siya palabas ng bahay, humahagulgol ng iyak. Kahit sa murang edad ay alam niya ang ibig sabihin ng mga narinig niya. Hindi siya totoong anak ng Papa niya.
"Mathieu!" Napatigil sa pagtakbo si Mathieu nang maramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanang braso niya. Bumungad sa kanya ang kanyang Lolo Dimitrio. Hindi napigilan ng bata ang lalong maiyak nang makita ang lolo niya. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda. "Apo, bakit ka umiiyak?"
"A-Ayaw ko na pong...mag-birthday, L-Lolo," hagulgol ni Mathieu. "Isa...ma...niyo...na po...a-ko... Lolo." Lalong tumindi ang hikbi ni Mathieu kaya lumuhod ang lolo niya para yakapin siyang tuluyan. "Lolo...I think I made...a mistake..."
"Shsh, apo, huwag mong sabihin iyan."
"Papa is angry...at me..."
"Hindi. Hindi galit ang Papa mo." Inalo at hinagod ng lolo niya ang buhok ni Mathieu. "Huwag mong isipan iyan."
RAMDAM na ni Mathieu ang panlalamig ng trato ng papa niya sa kanya. His father was no longer happy to see him in the house. Hindi na rin siya nito pinupuntahan sa silid niya tuwing gabi upang guluhin ang buhok niya at halikan siya sa noo bago matulog. Napansin niyang ibinaling na ng kanyang ama ang buong atensyon nito sa nakababata niyang kapatid na si Alexandyr.
Lalo lamang nararamdaman ng bata ang kalungkutan at di-pagkatanggap ng papa niya sa kanya. Gayunpaman ay hindi pa rin siya sumusuko.
Naabutan ni Mathieu ang ama na nagbabasa ng dyaryo sa living room ng bahay nila. Hawak niya sa dalawang kamay ang report card niya at letter mula sa teacher niya na dahil first honor ulit siya. Invitation letter iyon para sa mga magulang niya.
Kahit na kinakabahan ay lumapit siya sa ama, hindi siya nito napansin pero nagpatuloy siya hanggang sa na nasa harapan na siya nito.
"P-Papa," tawag ni Mathieu. Naglapat ang mga labi ng bata nang hindi man lang ibinaba ng ama ang binabasa nitong dyaryo. "Papa, f-first honor po... a-ako... sabi ng teacher ko." Hindi pa rin nagbaba ng dyaryo ang ama. Ramdam na ni Mathieu ang mga luha sa kanyang mga mata. "Papa, s-sorry po." Naglandas na nang tuluyan ang mga luha niya. "I'm sorry, Papa. Can you forgive me po? I promise I'll be a good boy."
Hindi pa rin nagbaba ng dyaryo ang ama ni Mathieu. Lalo lamang napahikbi ang bata sa harapan nito.
"Papa, I miss you. Papa, I love you." Lumuhod si Mathieu sa harapan ng ama. "Papa, hindi mo na po ba ako mahal? Hindi ka na po ba proud sa akin?"
Tumayo ang ama ni Mathieu, hindi siya tiningnan habang tinutupi ang dyaryo. "Papuntahan mo ang Mama mo at siya ang kumuha ng medalya mo. Marami akong gagawin ngayong linggo." Iniwan siya ng ama.
"Papa..." yumugyog nang husto ang mga balikat ni Mathieu dahil sa pag-iyak.
"DAMN IT!" mura ni Mathieu, nagtagis nang sobra ang kanyang panga, at ramdam niya ang pagbaon ng kanyang kuko sa nakakuyom niyang kamay. Hanggang sa panahon na ito ay nakikilimos pa rin siya ng pagmamahal.
Marahas na pinunasan ni Mathieu ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. He had been trying to forget that part of his life. If he could erase his existence, he might have done it a long time ago. He hated the day he was born. At some point, he had wished, his mother had been selfish. Raising him was her biggest mistake. She should have known better.
"Senyorito!"
Napalingon si Mathieu sa kanyang balikat nang marinig ang boses ni Andrew. Muli niyang pinunasan ang mga natirang luha sa kanyang mukha at tumayo.
"Andrew!" sagot niya kahit hindi pa nakikita ang kaibigan. Mula sa mga nagtataasang mga dahon ay lumabas mula roon si Andrew na may seryosong ekspresyon. Nakapatong sa kaliwang balikat nito ang asul na ibon na si Ate Kim. Agad na pumasok sa isipan niya si Chippy. Niyakap siya ng kaba at pag-aalala para sa nobya. "What happened?"
"Chi found a letter inside the lighthouse." Lumapit si Andrew para iabot sa kanya ang sulat na sinasabi nito. Binasa niya ito at ganoon na lang ang gulat niya.
We got your message. I only have limited time so I can't stay longer. Hope you're all fine there. Now, pick a date and time. Write that at the back of this paper and leave it again here. Magkita tayo sa araw at oras na isinulat mo.
"Thad?" usal niya sabay angat ng mukha kay Andrew.
"May iniwan na sulat si Chizle sa parola bago siya umalis kasama natin. It seemed like Thad had been here while we were at the other island."
Napalunok si Mathieu, hindi pa rin makapaniwala. Of course, Thad might have used his ability to travel through time.
"Paano sina Juan at Simon?"
"Iyon din ang iniisip ko."
"We can't leave them, Drew."
"Alam ko, that's why I'm thinking."
"You have something in mind?"
Andrew looks at him straight in the eyes. "We'll send them a message, but we'll have to meet with Thad while we wait for their return. We can't do this alone, Math. We need to hear Iesus' plans."
Tumango si Mathieu. Andrew is right. Mas alam ni Iesus ang gagawin sa sitwasyon nila.
"But we have to get out of here now." Biglang hinawakan ni Andrew ang braso niya at hinatak siya sa kabilang direksyon. Hindi papunta sa mansion kung hindi ay daan papunta sa kung saan nakagarahe ang mga sasakyan ng pamilya ni Mateo. At kung makahatak ito sa kanya ay para siyang batang hinihila nito palabas ng toy store.
"Bakit?"
"I saw Noah and Julian."
"Shit!"
"You damned kissed Chizle earlier, Brandaeur. What do you expect? A divine intervention?"
"Fuck, Drew." Kung ganoon ay may nakakita sa kanila roon sa dalampasigan? "Who saw us?"
"Julian the grumpy."
PAKIRAMDAM NI CHIPPY ay isang taon na ang lumipas habang naghihintay siya sa pagdating nila Andrew at Mathieu sa nag-iisang kubo sa masukal na gubat malapit sa parola. Pinauwi na niya ang dalawang bata at siya na lamang ang pumunta sa kubo at delikado.
Maya-maya pa ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na tunog ng yapak ng mga paa na tumatapak sa mga tuyo na dahon sa paligid. Tanda na may mga tao na sa labas. Agad siyang lumabas ng kubo at tuluyan nang nakahinga nang maluwag.
"Math! Drew!" tawag niya, maingat siyang bumaba sa kawayang hagdan. Kamuntik pa siyang masubsob noong nasa huling baitang na siya mabuti na lamang at mabilis na nakalapit sa kanya si Mathieu at nasalo siya.
"Careful," agap nito, inalalayan siyang makatayo nang maayos.
"Salamat."
"We sent Kim to the other land," basag ni Andrew. "She'll look for Juan and Simon."
"Kung ganoon ay hindi na ba natin tutulungan si Priscilla?"
"That was the first plan," sagot ni Mathieu sa kanya. "But if Juan and Si could make it on time before the second date-"
Kumunot ang noo ni Chippy. "Second date?"
"Ngayon natin kikitain si Thad," seryosong sagot ni Andrew. "We still have time."
"Teka. Nalilito ako. At isa pa, hindi pa ako nakakapag-reply sa petsa at oras-"
"We already got that settled. We already left a note before coming here." Hinawakan ni Mathieu ang kamay niya. "We can't waste time. Noah and Julian will surely realize I'm not at home. We can't let them catch us." Hinila na siya nito papasok muli sa masukal na gubat. Nagpahila siya, sinasabayan ang mabilis na paglalakad nila Mathieu at Andrew. Naririnig sa paligid ang tunog ng naapakan nilang mga tuyong dahon at maliliit na sanga sa paligid.
"Hindi ko maintindihan? Hindi tayo mahuli? Bakit iiwan ba natin sina Si at Juan? Mauuna ba tayo?"
"It depends."
"Anong depende?" Bigla siyang na-frustrate sa naging sagot ni Mathieu sa kanya. "May matino ba kayong plano ni Drew? Kasi ang dating sa'kin ay mauuna tayo at susunod na lang sina Juan at Simon."
"If we must go first, then we will," sagot ni Mathieu sa kanya.
"Andrew!" may inis na tawag niya rito. Binawi ni Chippy ang kamay mula sa pagkakahawak ni Mathieu. Pareho silang dalawa na napahinto sa paglalakad. Pati si Andrew na nauuna na ng ilang lakad ay huminto rin upang lingunin sila. "You agreed to this? Akala ko ba ay walang mauuna at mahuhuli? Bakit ngayon ay mauuna tayo?"
"Chizle."
"Andrew, hindi natin puwedeng iwan iyong dalawa."
Mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanila si Andrew. Seryosong-seryoso ang mukha. "You can't stay here," he uttered those words grimly. "Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon nila Mateo at Priscilla sa panahon na ito? Kahit anong gawin natin ay hindi na natin mababago ang nakaraan ng dalawa. We have to leave before things are no longer out of our control."
"Pero paano si Priscilla kung pababayaan ko lang siya? Mamamatay siya-"
"She's already dead, Chizle."
"Andrew!" hindi niya napigilan na pagtaasan ng boses ito. Hindi niya alam pero nasaktan siya nang sobra sa sinabi nito. Sa kaibuturan niya ay hindi niya matanggap na namatay siya sa panahon na ito nang hindi man lang nalalaman ang katotohanan ng kamatayan niya.
Kumurap siya at sumama ang mga luhang bigla na lamang namuo sa kanyang mga mata.
Andrew sighs, and his expression softens a little. "I'm sorry."
"You think, I didn't know that?"
"Chizle-"
"Alam kong naging miserable ang buhay namin ni Mathieu sa panahon na ito. Hindi mo na kailangang ipamukha iyon sa akin, Drew." Chippy could vividly see regret in Andrew's face despite its impassive expression. "Gusto mong mauna tayo? Sige! Mauna tayo. Pero kapag hindi nakasunod sina Juan at Simon sa atin ay habambuhay kong isisisi sa'yo ang lahat."
His expression now shows no remorse. "If that would make you feel better."
"It will make me feel better, Drew!"
Iniwan niya ang dalawa.
Damn it! Sana pala hindi niya muna ipinaalam sa dalawa. She hated their plans!
"Chi!" tawag sa kanya ni Mathieu, ramdam niya ang paghabol nito sa kanya. Hindi siya tumigil at lalo pang binilis ang paglalakad.
PRESENT
May 20, 1935.
12:00 noon, lighthouse
-Andrew
"You can't come with us, Sus." Bahagyang itinulak ni Balti sa magkabilang balikat si Iesus. Masama ang naging tingin nito kay Balti. Napag-usapan na nilang tatlo ito kanina na sila lang munang tatlo nila Balti at Vier ang pupunta sa panahon na binanggit ni Andrew.
"You can't tell me what to do-"
"Sus, nothing will happen to us," Thad assured. "Just trust me. We're not going to alter the time. The watch is with you."
"Susubukan naming madala sila pabalik dito," dagdag ni Balti.
"It's not that easy."
"We will try," segunda ni Vier. "If it's dangerous we will not push through with the plan."
Saktong dumaan si Thad kanina sa parola at nakita niya ang sulat ni Andrew. They didn't inform everyone yet. Napag-usapan naman na itong plano kasama ng iba at napagbotohan na rin ng lahat na silang tatlo ang pupunta kapag natugunan ang sulat niya kay Chippy.
"Boss." Napatingin silang tatlo kay Amora, nakatayo lamang ito ilang hakbang ang layo kay Iesus. Lumapit ito kay Iesus sa pagkakataon na ito. "Hayaan niyo na po muna sila Sir Thad. At magagalit po talaga ang mga kaibigan niyo kapag nagmatigas pa po kayo."
"Amora-"
"Magagalit din po ako," may inis sa boses ni Amora. Hindi naman maiwasan ni Thad ang matawa nang mahima. Gayon din sina Balti at Vier. "Gusto niyo po bang magalit ako?"
Kunot na kunot ang noo ni Iesus na ibinaling ang mukha kay Amora.
"Uuwi po ako ng kumbento kapag nagmatigas pa po kayo. Sige po kayo. Ma-e-stress na naman kayo mag-isa."
Ang lakas ng tawa ni Balti. "Sister, igapos mo na nga itong boss mo at nang makaalis na kami."
"Teka." Iginala ni Amora ang tingin sa paligid, tila naghahanap ng lubid pero wala itong makita. Sumuko ito at kinulong na lang sa mga bisig nito si Iesus. "Wala akong lubid, yakapin ko na lang."
Lalo silang natawang tatlo. Hindi naman maipinta ang mukha ni Iesus na pilit na kumakawala sa yakap ni Amora.
"Amora!" sita nito.
Halatang hinigpitan pa ni Amora ang yakap kay Iesus. "Sige na, umalis na kayo. Ako nang bahala kay milord. Kaya ko na ito. Goooo!"
Tinapik ni Thad sa braso si Balti. "Let's go."
"Vier," tapik din ni Balti kay Vier.
Iniwan na nila ang dalawa at tuluyan nang pumasok sa parola. Abot ng liwanag mula sa itaas ang ibabang bahagi ng parola kaya hindi sila buong binalot ng kadiliman. Nasa likuran niya ang dalawa. Sa kaliwa niya si Vier. Sa kanan niya si Balti. At kahit sa loob ay naririnig pa rin ni Thad ang pag-aaway ng mag-amo sa labas. Kaya muli niyang binuksan ang pinto.
"Mor, do me a favor. Make him shut up."
"Okay, Sir Thad!" Nagulat siya nang sikuhin ni Amora sa tagiliran si Iesus. "Sorry! Sorry! Trabaho lang, Boss."
"A-mora!!!" namimilipit sa sakit na sigaw ni Iesus, nakabaluktot nang bahagya ang katawan. Hindi pa nakuntento si Amora at tinakpan nito ng dalawang kamay ang bibig ni Iesus.
"Okay na po ba ito, Sir Thad?"
Narinig ni Thad ang tawa ng dalawa na nakasilip na rin pala. "Okay na, salamat." Nag-angat siya ng kamay at nag-peace-sign. "Sorry, Sus." Saka isinarado ang pinto. Humugot siya nang malalim na hininga at kinondisyon ang emosyon at isip niya. "You guys, ready?"
"Kanina pa," sagot ni Balti.
"You can start anytime, Thad," segunda ni Vier.
Tumango si Thad. "Let's do this." Hinawakan niya ang knob ng pinto. Hawak niya sa isang kamay ang sulat mula sa 1935. "Hawakan niyo ako sa magkabilang balikat." Vier and Balti followed his instruction. "Let's bring them home."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro