Kabanata 39
"LOLO!" SIGAW NI Chippy.
Humahangos na naabutan pa nila Chippy at Mathieu sina Lolo Nonoy at Mang Epifanio sa labas ng bahay. Parehong natigilan ang dalawang matanda nang makita sila. Hindi naman agad sila makapagsalita ni Mathieu dahil nga tinakbo nila mula sa dalampasigan ang bahay ni Mang Epifanio na medyo may kalayuan sa kubo nila.
"Lo –" Napalunok si Mathieu at muli na namang hinabol ang hininga.
"O, bakit ganyan ang mga mukha ninyo?" kunot ang noong tanong ni Lolo Nonoy sa kanila. Pati si Mang Epifanio ay nagtataka na rin nang husto. "Para kayong nakakita ng multo."
"Lo, tulungan n'yo po kami," sa wakas ay sabi ni Mathieu. "Saka na ho namin ipapaliwanag ang lahat... pero kailangan ho kayo ng mga kabigan namin."
Nagkatinginan ang dalawang matanda, halatang naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Mathieu. Siya naman ay hindi mapakali at ramdam na niya ang panginginig ng mga kamay niya dahil sa sobrang panlalamig, kaba, at tensyon.
Seryosong ibinalik ni Lolo Nonoy ang tingin sa kanila. "Ano bang nangyari?"
"May grupo ho ng mga mangingisda ang sumugod sa kubo," sagot ni Mathieu. "At hindi ho nila puwedeng malaman na nandito kaming dalawa." Ibinaling ni Mathieu ang tingin sa kanya at ibinalik lang din agad sa matanda. "Mahabang kwento pero wala na ho tayong oras. Sa ngayon ho ay pagkatiwalaan n'yo ho muna kami. Pangako at ipapaliwanag namin sa inyo kung sino kami at anong pakay namin sa inyong isla."
"NA SAAN ANG Senyorito ninyo?"
Tatlo silang humarap sa limang lalaki na bigla na lamang sumugod sa kubo nila. Andrew void with no emotion remains unbothered and calm. Nasa kaliwa niya si Simon na kalmadong binabalatan ang mga lansones na hawak nito.
Juan on his right, arms crossed over his chest at may masamang tingin sa lima. Nakabalik na ang ibon nitong si Ate Kim at nakadapo sa kaliwang balikat nito.
"Anong pinagsasabi mo?" kunot-noong balik tanong niya sa tumatayong lider ng lima.
Dinaan lang sila nito sa laki ng katawan at tangkad pero alam ni Andrew na mabilis lang nila itong mapapatumba.
"Huwag ka nang magmaangmaangan, kulot." Pumitik ang sintido niya sa itinawag nito sa kanya. Patience, Drew. Patience. Pero isang kulot pa at hahalik itong kamao niya sa mukha ng walangya. "Alam naming kasama n'yo rito ang senyorito ninyo."
"'Di kayo sure doon," singit ni Simon.
"Anong pinagsasabi mo insek?!" singhal nito.
Ibinaling ni Andrew ang tingin kay Simon. Imbes na mainsulto ay mapang-asar lang na ngumisi ito.
"Woah, kalma lang. Gusto n'yo ng lansones?" alok pa nito sa lima. "S'yempre akin lang 'to." Isinubo nito ang nabalatan nito. "Hanap kayo ng sa inyo."
"Wala kaming oras para makipaglokohan sa inyo. May nakakita sa inyo na kasama ang amo ninyo. Wala sa Pueblo de Liloan ang panganay na anak ng mga Valdevielso kaya malamang ay nandito siya, kasama ninyo. Kaya huwag n'yo na siyang itago."
Bumuntonghininga si Andrew at napakamot sa kanyang noo. "Kami lamang ang umuwi rito sa isla," kaswal niyang sagot. "Sa susunod na araw pa ang balik namin sa hacienda kaya paano namin malalaman kung na saan ang senyorito? At bakit naman niya sasabihin sa amin kung saan siya pupunta gayo't isa lamang kaming hamak na trabahador sa hacienda ng mga Valdevielso."
Itinaas ni Juan ang sulatang papel nito.
ಥ ͜ʖ ͡ಥ SENYORITO? SENYORITO? KUNG NANDIYAN KA AY KAUSAPIN MO KAMI.
Nasamid si Andrew sa sarili niyang laway.
Kahit kailan, Juan.
Napaangat si Andrew ng ulo nang haklatin ng lider ng mga ito ang harapan ng damit niya. He didn't budge. Sinalubong niya ang naupos na pasensiyang bumakas sa mga mata nito. Andrew look at the man with bored eyes. Dahil doon ay mas lalong nainis sa kanya ang lalaki.
"Ilabas n'yo na ang amo n'yo kung gusto n'yo pang sikatan ng araw," the man warns with gritted teeth.
Kalmadong itinaas ni Andrew ang isang kamay para alisin ang kamay ng lalaki sa suot niya. Ramdam niya ang paghigpit lalo ng hawak nito pero nagawa pa rin niya iyong maialis ng walang kahirap-hirap. Bumakas ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya.
Don't test my patience.
Simon chuckles. "Kami ba talaga ang hindi sisikatan ng araw o kayo?"
"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko," aniya. "Maniwala man kayo o hindi, walang kinalaman si Senyorito sa pagpunta namin sa isla. Nandito kami dahil –"
"Dahil pinauwi ko ang mga apo ko."
Marahas na napalingon si Andrew sa nagsalita. Namilog ang mga mata niya nang makita si Lolo Nonoy. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Nakasunod dito si Mang Epifanio.
Lumapit si Lolo Nonoy sa direksyon niya. "Sino kayo at bakit ninyo ginugulo ang mga apo ko?" seryosong tanong pa rin nito sa lima nang makalapit sa kanya.
"Apo mo 'tong tatlo, Tanda?"
"Oo, apo ko silang tatlo."
Tumawa ang lider. "Pambihira."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, hijo. Matanda lamang ako sa iyong panangin ngunit kayang-kaya kitang kalabanin. Kaya mag-isip-isip ka."
Matalim at masama ang tingin na ibinigay nito sa matanda. Bahagyang hinarang ni Andrew ang katawan sa matanda dahil napapansin niyang mas lalong napipikon ang lalaki.
"Hoy, pagsabihan mo iyang lolo n'yo –"
"Ikaw ang pagsasabihan ko!" sigaw na ni Lolo Nonoy. "Huwag na huwag mo akong ginagalit, hijo."
"Lo –" Bahagya siyang itinulak ng matanda.
"Isang beses lang kitang pagsasabihan. Upusin mo ang pasensiya ko't sisiguraduhin kong sa iyo na magtatapos ang lahi ninyo."
"Aba't –" Akmang susuntukin nito ang matanda nang saluhin ni Andrew ang suntok dito ng kanyang palad. "Umalis ka riyan!"
"Pati matanda ay pinapatulan mo."
Lumapit sina Simon at Juan at katulad niya ay hinarang din ng dalawa ang sarili para kay Lolo Nonoy.
"Mapapalagpas ko pa kung ako lang ang binastos mo pero huwag ang lolo namin," ni Simon.
"Uulitin ko," aniya. "Hindi namin kasama si Senyorito Mateo at kung sino man ang nagsabi sa inyo niyan ay halatang nagsisinungaling lang."
"O baka dahil may itinatago kayo rito sa isla kaya ganoon na lang ang takot ninyo na matunton ni Senyorito Mateo ang isla na 'to?" dagdag ni Simon.
"Tuluyan na natin ang mga 'yan –"
Iniharang ng lider ang isang kamay sa lalaking nasa kaliwa nito. "Hindi na kailangan."
Isa-isa nitong tinignan ang mga kasamahan nito. At kahit na walang mga salitang lumabas sa bibig nito ay agad namang naintindihan ng mga kasamahan nito ang ibig nitong ipahiwatig.
Ibinalik ng lider ang tingin kay Andrew. Lumapit ito sa kanya pero lumagpas ang ulo nito at huminto sa kanyang kaliwang tainga.
"Hindi lang ito ang una at huling beses na magkikita tayo," bulong nito. Naikuyom ni Andrew ang mga kamao. "Hindi alam ng inyong Senyorito ang kinakalaban niya. Mag-ingat siya."
Ibinalik nito ang tingin sa kanya, umangat ang sulok ng labi nito sa isang mapang-asar na ngiti. Pigil na pigil ni Andrew ang sarili. Gusto niyang basagin ang ilong ng gago.
"Umalis na kayo," asik niya.
"Pag-isipan ninyo ang mga pinaggagawa ninyo," pahabol pa nito bago tuluyang umalis kasama ng apat pa nitong kasama.
"Mga gago iyon, ah!" narinig pa niyang sabi ni Simon.
"Nais kong marinig ang mga paliwanag ninyo," basag ni Lolo Nonoy.
Tila doon bumalik kay Andrew ang lahat. Marahas na naibaling niya ang tingin sa matanda na walang kangitingiti sa mukha.
"Lolo –"
"Sino kayo at anong ginagawa ninyo sa isla na ito?"
TAHIMIK LAMANG SI Chippy habang pinapakinggan si Mathieu na i-explain lahat kay Lolo Nonoy at Mang Epifanio ang lahat. Ikinuwento nito mula sa simula at kung sino-sino sila. Hindi nito binanggit ang tungkol sa pag-time-travel nilang lima. Only Mateo and Priscilla's story and why it led them here.
Seryoso naman ang mukha ni Lolo Nonoy habang pinapakinggan si Mathieu. Napapansin din ni Chippy na nahahalata na nila Juan, Simon, at Andrew na hindi na si Mateo ang nagsasalita, si Mathieu na.
Hindi na sila sumunod pa kina Lolo Nonoy, naghintay na lamang sila sa bahay ni Mang Epifanio. Pagbalik ng dalawang matanda ay kasama na ng mga ito ang tatlo at hindi na rin siya nabigyan ng pagkakataon na banggitin ang tungkol kay Mathieu.
"Kung ganoon ay hindi talaga kayo mag-asawang dalawa?"
Umiling si Mathieu. "Hindi po, Lo."
"At nandito lamang kayo sapagkat may hinahanap kayong kweba? Kung saan maaring itinago ng grupo ng mga sumugod sa inyo kanina ang isang mapanganib na kasangkapan na siyang sumisira ngayon sa dagat ng inyong lugar?"
Tumango si Mathieu. "Opo, Lo. Isang dinamita. Delikado ho iyong gamitin sa pangingisda. Hindi lamang sa taong gagamit no'n pati na rin ang mga iba't ibang hayop sa ilalim ng dagat at ang mga tirahan ng mga ito. Ang patuloy na paggamit ng dinamita ay maaring magdulot ng kasiraan sa likas na yaman sa ilalim ng dagat at maging dahilan upang wala nang mahuling isda ang mga tao. Maari hong magsilipat ang mga ito sa ibang lugar o tuluyang maubos sila."
"Mabilis ngang paraan iyon para makapanghuli pero hindi 'yon nakakabuti sa dagat at sa mga hayop na naninirahan sa ilalim," seryosong dagdag ni Juan. "At hindi lahat ng tao ay alam ang masamang epekto no'n."
"Na siyang pinaghihinalaan naming dahilan kung bakit wala nang nahuhuling isda sa Pueblo de Liloan," salita na rin ni Simon. "Iyong mga sumugod sa'min kanina Lo ay mga tao iyon nila Temyong. Sila ang pinaghihinalaan naming utak ng kamalasan na nangyayari ngayon sa bayan namin."
"Na isinisisi nila kay Priscilla ngayon," dugtong ni Mathieu.
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. Tipid itong ngumiti para kahit papaano ay pagaanin ang kalooban niya. Dahil sa totoo lang, kinakabahan pa rin siya nang mga oras na iyon. Hindi na dahil doon sa mga lalaki kung hindi sa mga mangyayari sa kanilang dalawa ni Mathieu pagbalik nila ng Liloan.
She couldn't explain it, but her gut feeling never betrays her. Alam niyang may naghihintay sa kanila ni Mathieu bilang Priscilla at Mateo na siyang tuluyang babago sa buhay nila. And it scares her, because what if she'll ruin Priscilla more than helping her?
Lalong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Lolo Nonoy. "Hindi na bago sa akin ang kwentong iyan." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Bagama't dito na ako isinilang at tumanda sa isla ay kilala ko ang mga de Dios."
Namilog ang mga mata ni Chippy. Pati sina Mathieu, Juan, Simon, at Andrew ay nagpalitan ng mga tingin sa isa't isa. Shocking iyon para sa kanilang lima sa totoo lang.
"K-Kilala n'yo ho ang Lolo Jose Remegio ko?"
Tumango si Lolo Nonoy. "Nakilala ko siya sa mga kwento-kwento ng mga taga Pueblo de Liloan. Noong bata ako'y madalas kaming pumalaot sa bayang iyon at nanatili roon ng ilang araw. Sa tahanan ng aking yumaong Lolo Julio. At mula sa dalampasigan kung nasaan ang kubo ng aking lolo ay natatanaw namin ang liwanag ng unang parola at ang malaking puting mansion ng mga de Dios. Hindi pa tapos ang malaking parola noong mga panahon na iyon."
"Narinig ko rin ang kwento niya," bigla ay basag ni Mang Epifanio.
"Anong tungkol sa kanya?" Simon ask curiously.
"Tungkol sa mga makapangyarihan at isinumpang bagay na inilibing niya sa labas ng kanyang parola," sagot ni Mang Epifanio. "Iyon din ang sinasabi ng mga tagaroon na dahilan kung bakit sakabila ng karangyaang tinatamasa ng unang de Dios ay binabawi sa kanya ang mga taong mahahalaga sa kanya."
"Naabutan n'yo ho ba siya, Lolo?" tanong ni Chippy.
If her estimation is right, malaki nga ang posibilidad na naabutan ni Lolo Nonoy si Lolo Remegio. Mas matanda ito kay Tiyo Jose at sa naalala niya ay nabanggit sa kanya ng ina ni Priscilla na naabutan ni Tiyo Jose si Lolo Remegio dahil fourteen years old si Tiyo nang mamatay si Lolo Remegio.
Lolo Remegio lived a long life.
Hindi naman naabutan ng ina ni Priscilla ang unang de Dios dahil nasa taong 1888 ito ipinanganak at namatay si Lolo Remegio noong April 6, 1883. Chippy hates remembering dates and numbers kaya nga mababa grado niya sa History. Pero alam niyang hindi na niya puwedeng kalimutan ang mga events na iyon lalo na kung history iyon ng pamilya niya.
Tumango si Lolo Nonoy. "Ang bahay ng aking Lolo Julio ay malapit lamang sa parola na ipinagawa niya."
"Iyong sinabi n'yo ho kanina," pagkompirma ni Mathieu.
Tumango ulit si Lolo Nonoy. "Nasa masukal na bahagi ng kagubatan, malapit sa dalampasigan."
Bahagyang kumunot ang noo ni Chippy. Agad na pumasok sa isipan niya ang lumang kubo sa pinakamasukal na bahagi ng kagubatan sa likuran lamang ng parola. Naisip niyang, hindi kaya iyon ang kubo na sinasabi ni Lolo Nonoy? Ang bahay ng Lolo Julio nito?
Hindi na niya naisatinig ang gusto sana niyang kumpirmahin dahil mukhang may idadagdag pa si Lolo Nonoy.
"Kilalang mangangalakal ang unang de Dios. Sinasabing malakas ang impluwensiya nito sa iba't ibang daku ng mundo. Lalo na sa hari ng Espanya noong nasa kapangyarihan pa lamang tayo ng mga Espanyol. Ang lupain kung saan nakatayo ang malaking bahay ay bigay ng hari sa kanya. Sinasabing may nagawa raw itong malaking pabor sa hari noon at bilang ganti ay hiningi ni Remegio sa hari na tulungan siyang makakuha ng lupain dito sa Pueblo de Liloan.
"Nabanggit din ng aking Lolo Julio ang labing-dalawa nitong mga tauhan sa barko. Ilan sa kanila ay may mga pamilya at anak na kasama sa malaking galyon na laging nakadaong noon sa Pueblo de Liloan. Hindi kalaunan ay kumalat ang mga balibalita tungkol sa mga isinumpa at makapangyarihang bagay na kinukoleta ni Remegio. Maraming prayle ang nagbigay ng negatibong komento tungkol doon dahil taliwas ang mga bagay na iyon sa itinuturo ng simbahan.
"Iyon daw ang dahilan kung bakit inilibing ni Remegio ang mga bagay na iyon sa kanyang lupain. Inilibing niya lahat bago umalis ang unang de Dios kasama ng mga tauhan nito upang maglayag. Nagpaiwan naman ang asawa nito kasama ng nag-iisang anak nilang lalaki sapagkat, hindi naman daw magtatagal ang unang de Dios. At habang nasa malayo ito ay may mga taong naghukay at naghanap sa mga bagay na iyon."
"Kung ganoon ay ninakaw ang mga iyon at hindi naiwala?" biglang tanong ni Simon.
Tumango si Lolo Nonoy. "Napunta ang mga bagay na iyon sa kamay ng ibang tao at nagdulot ng kaguluhan sa Pueblo de Liloan. Nang bumalik si Remegio ay mag-isa na lamang ito at lulan pa ng ibang galyon. Nakatagpo ng malakas na bagyo ang galyon ng mga ito at tanging si Remegio lamang ang nakaligtas."
"Anong naging aksyon ni Remegio nang malamang nawawala ang mga bagay?" ni Simon.
"Walang naging tugon ang unang de Dios. Nanatili lamang ito sa kanyang mansion. Sa kwento pa ng aking Lolo Julio, sinugod ng mga taga Pueblo de Liloan ang de Dios ng mga sulo at pilit na binuksan ang harang ng malaking mansion ngunit dumating ang mga gwardiya sibil upang pigilan ang mga tao. Simula noon ay naging tahimik na ang mga de Dios at naging mailap na sa mga tao.
"Hindi na naibalik ang mga nawawalang bagay na ninakaw sa lupain ng mga de Dios. Maraming kuro-kuro kung na saang mga kamay na ang mga iyon ngunit kainlaman ay hindi nahanapan ng pruweba. Wala rin namang nakakakita sa hitsura ng mga bagay na iyon. Bigla ring nawala ang asawa ni Remegio at walang nakakaalam kung na saan ito o kung buhay pa ba ito."
Ilang segundo silang natahimik lahat nang hindi na dugtungan ni Lolo Nonoy ang kwento. Kahit siya ay iginugol ang katahimikan sa pag-iisip. Lolo Remegio didn't lose it. It was taken from him.
But why is he collecting these powerful items? Anong maibibigay ng mga iyon sa kanya maliban sa may mga kapangyarihan ang mga iyon?
Ang dami pang tanong sa isip niya pero pakiramdam niya ay maloloka na siya kapag dinagdagan na naman iyon.
"Kaya iniisip nilang malas ang unang de Dios dahil sa sunod-sunod na kamalasan nito sa buhay," basag ni Mathieu, seryoso ang mukha.
Tumango muli si Lolo Nonoy. "Kaya naiintindihan ko kung bakit tinutulungan ninyo ngayon ang dalagang de Dios."
"Lolo, hindi ho ba kayo naniniwala sa kamalasan ng Lolo Remegio ko?" she asks curiously.
Wala siyang mabasang panghuhusga o takot man lang sa mukha ng matanda. Tila ba sigurado itong mabuting tao ang kanyang Lolo Remegio kahit pa may mga nakadakit na mga negatibong kwento tungkol dito.
"Mabait si Iesus," imbes na sagutin si Simon ay iyon ang isinagot ni Lolo Nonoy.
Hindi lamang siya ang natigilan, pati na rin sina Mathieu, Simon, Juan, at Andrew. Kinilabutan siya nang banggitin nito ang pangalang Iesus.
"Iesus?" ulit ni Simon.
Tumango ang matanda.
"HINDI KA NA BA babalik bilang Mateo, Math?"
"Hindi na." Umiling si Mathieu kay Andrew. "I've successfully regained my 1935 and present self. I can now control it."
"Kung ganoon ay makakapagsalita na ulit ako," singit ni Juan, nakangisi.
Natawa si Mathieu. "Kapag kausap ako pero kapag bumalik ka sa mansion nila Mateo ay itikom mo ulit iyang bibig mo." Ang lakas ng tawa ni Juan. Lumapit ito kay Mathieu pagkatapos at niyakap ang kaibigan.
Parang nakakatandang kapatid na ginulo ni Mathieu ang buhok ni Juan bago ito kumalas sa kanya.
"Kulit mo," pahabol pa ni Mathieu rito na tinawanan lang ni Juan.
"Tangina, Chef!" Marahas na niyakap ni Simon si Mathieu. "You're back."
"Minura mo pa ako."
Tawang-tawa si Simon. "Dami nating problema e."
Tinapik-tapik ni Mathieu sa likod si Simon. "Tangina, ang dami nga." Marahas na napabuga ng hangin si Mathieu. Kumalas naman sa pagkakayakap si Simon. "Marami akong ikukwento sa inyo pero bago iyan. Sa tingin ko ay kailangan na naming bumalik sa Liloan ni Chi."
Ibinaling ni Mathieu ang tingin sa kanya. Pati sina Juan, Andrew, at Simon ay napatingin sa kanilang dalawa.
"Nakatunog na ang grupo nila Temyong. Alam kong hahanap ang mga iyon ng paraan para mapahamak si Mateo at madiin si Priscilla sa sumpa na tinutukoy nila."
"Kung ganoon ay kami na muna ni Juan ang magpapatuloy," sagot ni Simon. "Isama n'yo si Andrew sa pagbalik para may kasama ka sa hacienda ng mga Valdevielso." Bumaling ito kay Andrew. "Drew?"
"I'm fine with it. Mathieu will need me there."
"Kaya na namin 'tong dalawa ni Juan."
"Don't mind us, guys," segunda ni Juan. "I'll talk with Ate Kim and instruct her on how she can help you. Isama n'yo siya pabalik." Sunod-sunod naman na tumango ang ibon sa kanang balikat ni Juan.
Inabot ni Mathieu ang kamay niya, give it a little squeeze. "You okay?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Napansin siguro nito ang pag-aalala sa mukha niya. Sa totoo lang ay kabado siya sa pagbabalik niya ng Liloan. Wala nga siyang binago sa nakaraan dahil sumama rin naman talaga si Priscilla kay Mateo. Ang ikinatatakot niya ay ang consequence ng pagtakas ni Priscilla sa mansion. She's sure by now that Julian and Noah have found out that Mateo is also missing.
At hindi niya alam kung ang naiisip niya nang mga oras na iyon ay produkto ng pag-o-overthink niya o nakikita na niya ang hinaharap ni Priscilla at Mateo. Isa lang ang naiisip niya, ipapakasal silang dalawa dahil iniisip ng pamilya niyang nakipagtanan siya kay Mateo.
"Iniisip ko ang magiging reaksyon ng pamilya ni Priscilla kapag iniuwi mo ako sa amin," pag-amin niya.
"Let's expect for the worst."
Mapait ang ngiti niya rito. "Natatakot ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang mga susunod na mangyayari sa atin dito, Math. I know, everything is done and we can't undo the past... but it still scares me."
"We'll be fine. We'll do our best to be fine." Isa-isa silang tinignan ni Mathieu. "Tayong lima lang ang nandito, so let's help each other so we can go back safely."
"Tama si Math," segunda ni Andrew. "Every puzzle game has to be resolved first before we see the bigger picture. Let's solve the mystery of Priscilla and Mateo in 1935, prove her innocence, and find the missing item."
"Kami na ang bahala sa grupo nila Temyong," ni Simon. "Kayo naman ang bahala sa missing item. Malakas ang kutob ko na ang missing item na hinahanap natin ay nasa pamilya lang nila Mateo."
"Iyon din ang kutob ko," dagdag ni Andrew.
"Isang kweba na lang naman ang pupuntahan," ni Juan. "Kaya na namin iyon ni Si."
"It would be better if we work simultaneously to avoid another suspicion," Andrew suggests. "We'll try to blend in and just go with the flow."
Tumango silang apat kay Andrew.
Inangat ni Simon ang isang kamay. "If I may add one."
"Ano 'yon Si?" ni Mathieu.
"Let's not ignore Lolo Nonoy's story about the old Iesus. It will surely help Sus discover his past if we manage to remember all of these things in the present."
Isa-isa nilang tinignan ang mukha ng isa't isa. Halos hindi nila namalayan na magkakalapit na sila at hugis bilog na ang porma ng mga posisyon nila. They all managed to show a determined smile at each other.
"So who's with me?" He extends his hand on the center, nakaharap ang palad sa ibaba.
"I'm always in." Nakangiting ipinatong ni Mathieu ang kamay sa likod ng kamay ni Simon.
Marahas na napabuntonghininga si Chippy pero ipinatong pa rin niya ang kamay sa kamay nila Mathieu at Simon.
"Makauwi at matapos lang 'to, push." Ngumiti siya pagkatapos.
Sunod na ipinatong ni Juan ang kamay. "I'm in." Juan smiles, siniko nito si Andrew sa tabi nito.
"Let's do this." Huling inilagay ni Andrew ang kamay, finally sealing their agreement.
PRESENT
NAPANSIN NI AMORA na bahagyang nakaawang ang pinto ng library. Lumapit siya roon para sana isara iyon pero natigilan siya nang masilip mura sa siwang na pinto ang amo niya. Nakaharap ang likuran ni Boss Iesus sa kanya dahil nakatayo ito at nakatitig sa harapan ng portrait painting ng great-great-great-grandfather nitong si Don Jose Remegio de Dios.
Si Doc Vier ang nagbabantay ngayon sa ospital kaya nandito siya sa bahay. Inutusan din siya ni Doc Vier na bantayan si Boss kahit hindi niya talaga ma-gets kung bakit kailangan niyang bantayan itong amo niya. Naisip niyang baka mag-time-travel na naman si Boss kasama ni Sir Thad.
Ito kasing Boss niya e ang tanda-tanda na pero napakatigas pa rin ng ulo.
Nalunon niya bigla ang singhap nang biglang lumingon si Boss Iesus at huli na para magtago siya dahil nakita na siya nito. Naniningkit pa ang mga mata at magkasalubong ang mga kilay.
Patay ka na naman Amora.
Amora clears her throat. Nagkusa na siyang pumasok kaya nilakihan niya ang bukas ng pinto ng library. Naglakad siya palapit dito. Bahagyang pinihit ni Boss Iesus ang katawan, humalukipkip, at mas lalo lang naniningkit ang mga mata nito.
"Did I tell you to come in?" basag nito.
"Hindi po pero nagkusa na ako dahil sisitahin mo rin naman po ako. Overthinker ako, Boss. In-advance ko na lang."
Natatawang napailing na lamang ito sa kanya, ngumiti siya rito. Mukhang maganda ang mood nito dahil hindi napipikon sa kanya. Madalas kasi e laging masama ang ugali nito kapag kaharap siya. Kaya biyaya siyang maituturing sa isang Iesus Cloudio de Dios dahil napakabait niyang assistant.
Ibinalik ni Boss Iesus ang tingin sa portrait ng lolo nito at napatingin na rin siya roon. Carbon-copy, iyon talaga ang unang naisip niya nang makita ang larawan na iyon. Mas authoritative lang tignan ang lolo ni Boss. Hindi naman sa pamba-bash pero si Boss Iesus kasi madalas, medyo eng-eng. Alam mo iyon? Mabilis mauto. Pero pagdating naman sa trabaho at pagpapatakbo ng negosyo ay napakasamang tao.
I mean, napakagaling na businessman.
"Alam mo, Boss, magkamukha kayo," basag niya. Ilang beses na niyang nasabi iyon pero kapag talaga nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila ay iyon lagi ang sinasabi niya.
Ibinaling nito ang tingin sa kanya, halatang papuntang sarkasmo ang tugon.
"Alam mo, Amora, muntik ko nang hindi mapansin na magkamukha kami."
Tumawa siya. "Talaga ba, Boss? Baka signs of aging –"
"Tsk."
Pinaglapat ni Amora ang mga labi para pigilan ang sobrang pagngiti. Ibinalik muli nito ang tingin sa larawan.
"Hindi ka ba natatakot sa kanya?"
"Natatakot?"
"Hindi, natutuwa."
"Hindi," sagot niya sakabila ng mahinang tawa.
Muli itong napatingin sa kanya. "Hindi?" Bahagyang kumunot ang noo nito. "That's... a new... perspective. Halos lahat ng mga taong nakita ang larawan na ito ay natakot."
"Hindi ko rin po alam, Boss. Kasi, magkamukha lang naman kayo."
"So... hindi ka rin natatakot sa akin?"
"Feeling ko po Boss, hindi. Kasi kung natatakot po ako sa'yo ay hindi kita masasagot nang ganito. Ang weird nga po e."
"Ang lakas din ng loob mong magtaka, ah?"
Natawa ulit si Amora. "Ito naman si Boss, para ka namang just now. Alam n'yo naman po na mas takot po ako sa multo kaysa sa tao."
"Hindi ba sa Dios?"
"Syempre, number one po si Lord sa kinatatakutan ko."
"Parang hindi naman halata."
"Oo nga e. Pansin ko rin po."
Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ng amo niya bago ibinalik ang tingin sa larawan. Siya rin ay napatingin ulit doon.
Sa totoo lang, mas tamang sabihin na natigilan lang siya nang makita ang larawan na iyon. Naalala niyang tinitigan niya nang husto ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit, pero imbes na takot ay mas nakaramdam pa siya ng awa.
Pakiramdam niya ay napakalungkot ng lolo ni Boss Iesus noong nabubuhay pa ito. Kasing lungkot ng nararamdaman niya sa tuwing naabutan niyang mag-isa sa bahay si Boss Iesus. Minsan nga ay naiisip niyang iisa lang ang dalawa. O minumulto siya ng lolo ng amo niya.
At doon siya napapaisip talaga.
Kasi what if.
Ibinalik niya ang tingin kay Boss Iesus. "Boss."
"Hmm?" baling nito sa kanya.
"Naniniwala po ba talaga kayo na masama at makasarili ang lolo n'yo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro