Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

SUNOD-SUNOD ANG mga imaheng pumasok sa isipan ni Mateo - tila palabas iyon sa kanyang isipan, hindi niya mahabol ang mga pangyayari sa bilis ng pagpapalit-palit ng mga eksena. Napatitig siya nang husto sa mukha ni Doming at naikiling ang ulo. Bumakas naman ang pagtataka sa mukha nito.

Hindi niya maintindihan ngunit tila ba may ibang mukha si Doming sa kanyang isipan. Sumasapaw ang ibang katauhan nito na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Iginigiit ng kanyang isip ang pangalang Simon Ryusei Takeuchi na halatang hindi pangalan at apelyido ng isang may lahing Tsino.

"Senyorito?"

"Simon," seryosong ulit niya.

Pinag-aralan niya ang ekspresyon ni Doming at napansin niyang may kakaiba roon - may rekognasyon sa pangalang binanggit niya. Tila pamilyar na pamilyar ito sa pangalan na Simon.

"Senyorito, sino ho si Simon?"

Bumuga ng hangin si Mateo, natutop niya ang noo at marahang minasahe iyon. Nararamdaman niya ang pagbabadya ng sakit ng ulo.

"Wala. Hindi ko rin alam," pag-amin niya. Ibinaba niya ang kamay. "Pasensiya na... marami lamang akong iniisip kanina. Huwag mo na lamang iyong pansinin." Simpleng tumango lamang ito. "Ah, siya nga pala, na saan ang magkapatid at si Priscilla?"

"Sinamahan ho nila Juanito at Andres ang Senyorita sa Tabo. Maaring pabalik na ho 'yon sila, Senyorito."

Tumango na lamang siya. Akmang babalikan ulit ni Doming ang ginagawa nito kanina nang kunin niya muli ang atensyon nito.

"Doming."

Napakamot si Doming sa noo. "Sige na nga, puwede n'yo na akong tawaging Doming, Senyorito." Tumawa ito pagkatapos at tuluyan nang bumaba mula sa bangka. "Bakit ho, Senyorito? May problem ho ba?"

"May itatanong lamang sana ako ngunit tila may mahalaga kang ginagawa. Hindi ba ako nakakaabala?"

"Wala hong problema. Ano ho ba iyon?"

"Nabanggit sa akin ni Andres na kung may tatanungin man ako sa usaping pag-ibig ay mas higit na alam n'yo ni Juanito ang kahulugan no'n."

"Hmm." Hinimas nito ang baba. "Pag-ibig ba ka mo, Senyorito?"

Tumango si Mateo. "Pasensiya na't, pagdating sa usaping pag-ibig ay hindi ko rin masasabing maalam ako, Doming. Sa tingin ko ay madali lamang sabihin na mahal mo ang isang tao ngunit mahirap naman iyong iparamdam sa taong iniibig mo."

"Tungkol ho ba ito kay Senyorita?"

Walang paligoyligoy na tumango si Mateo.

Umalis si Doming sa harapan niya at naghanap ng mauupuan sa buhanginan. Sumunod siya rito at pareho na silang nakaupo sa buhanginan paharap sa asul na dagat na tila humahalik sa malawak na asul na kalangitan.

"Umiibig na ho ba kayo sa Senyorita, Senyorito?"

Isa-isang bumalik sa isipan ni Mateo ang iba't ibang bersyon ng magandang mukha ni Priscilla. Mayroong nakangiti, nakatawa, umiiyak, nagagalit, at nabuburyo. Pakiramdam ni Mateo ay sauludo na niya ang bawat detalye ng mukha ni Priscilla lalo na ang pakiramdam na ibinibigay nito sa tuwing nakakulong ito sa kanyang bisig at magkalapat ang kanilang mga labi.

Simula nang magpasya siyang bigyan ng pagkakataon na kilalanin si Priscilla ay tila ba niyakap na rin niya sa buhay ang lahat ng mga bagay na pilit niyang sinusupil noon upang pigilan ang sarili na mapalapit sa dalaga.

Ngayon ay tila lagi na lamang hinahanap ng kanyang mga mata ang mukha ni Priscilla at laging may pagnanais sa kanyang puso na hawakan ang kamay nito at ikulong ito sa kanyang mga bisig upang hindi na ito mabigyan ng pagkakataon na makawala pa sa buhay niya.

"Pinag-isipan," basag ni Doming. Ngumiti ito nang ibaling niya ang tingin dito. "Mukhang, umiibig ka na nga sa kanya Senyorito."

Iyon ay isang pakiramdam na wala na siyang balak pigilan - ang mahalin si Priscilla nang tuluyan at buong-buo.

"May iniibig ka ba ngayon, Doming?"

Naglapat ang mga labi ni Doming at ibinalik ang tingin sa harapan. Maya-maya pa'y bumaba ang mukha nito upang pumulot ng maliliit na bato saka iyon ibinato sa dagat.

"Meron kaso mukhang hindi niya ako gusto," sagot ni Doming. "Nainis pa nga 'yon sa akin bago ako napunta rito. Nakulitan na yata sa akin."

"Kung ganoon ay hindi taga Pueblo de Liloan ang babae na iyong isinisinta?"

Bahagyang natawa si Doming. "Malayo rito, Senyorito. Sobrang layo."

"Ngunit, mahal mo?"

Ibinalik ni Doming ang tingin sa kanya.

"Masyadong mabigat ang salitang pagmamahal, Senyorito pero kung kaya ko namang panindigan ay paninindigan ko. Iyon ay isang bagay na madalas hinihingi ng babae ngayon. Kung kaya ba silang panindigan ng lalaking gusto sila. Tama ka ng sinabi kanina. Madaling sabihin na mahal natin ang isang tao pero mahirap patunayan sa gawa lalo na kung ilang beses nang nasaktan ang babaeng iniibig natin."

"Sinasabi mo bang ilang beses na siyang nasaktan?"

Tumango si Doming. "Sa sobrang daming beses ay nahihirapan akong hanapin ang lugar ko upang mapansin niya ako. Hindi ko rin naman siya masisisi. Talagang kapag nasaktan ang isang tao ay mahirap na ulit magtiwala lalo na kung ilang taon na sakit at luha ang inubos mo upang buoin ulit ang sarili mo.

"Hindi ko man kilala nang lubusan si Senyorita Priscilla pero sa tingin ko, Senyorito ay takot ang Senyorita na magtiwala at ibigay ang puso niya sa iyo sapagkat bago siya ay may una ho kayong iniibig. Pasensiya na ho, hindi ko intensyon na mangialam sa mga pribadong buhay ninyo ngunit narinig ko lamang iyon kay Andres."

"Hindi ka naman mali sa bagay na iyan, Doming."

"Ang sa akin lamang, Senyorito. Kung buo na ho ang pagpapasya n'yong mahalin si Senyorita Priscilla ay gumawa ho kayo ng mga bagay na magpapatunay sa malinis na intensyon n'yo sa kanya. Ligawan n'yo ho, alayan mo ng kanta, sulatan mo, o hindi kaya ay gawin mo at ipakita sa kanya na kung ano ang mga salitang binitawan ninyo ay ganoon din sa kilos at gawa."

Napangiti siya roon. "Sa tingin ko ay napakasuwerte ng babaeng iibigin mo, Doming."

Muli itong natawa. "Hindi mo sure, Senyorito."

Natigilan si Mateo sa kakaibang paghahalo ni Doming sa dalawang linggwahe na lubos siyang pamilyar. Naalala niya roon ang mga kakaibang salita at pangungusap ni Priscilla. Ngunit hindi na lamang niya pinansin, naisip niya na baka itinuro iyon ni Priscilla kay Doming.

"Saka hindi rin naman ho ako mabuting tao araw-araw, Senyorito," dagdag ni Doming. "Mas tamang sabihin na sana matutunan naming mahalin ang bawat pangit at magagandang bagay na mayroon kami."

Tumango si Mateo bilang pagsang-ayon.

"Kung gusto n'yo ay may alam akong kanta. Kung hindi n'yo rin naitatanong ay marunong mag-gitara si Juanito, Senyorito. Haranahin natin ang Senyorita. Ang tanong lang, maganda ho ba ang boses ninyo?"

Biglang sumakit ang ulo niya roon. Hindi pa niya naranasan ang mangharana. Maraming mga kalalakihan sa Pueblo de Liloan ang gumagawa no'n ngunit kailanman ay hindi niya nagawa. Hindi alam ng lahat ang lihim na relasyon nilang dalawa ni Pearlina kaya marami siyang hindi nagawa para sa dating nobya.

Ang ligawan na nangyari lamang yata ay pag-amin niya ng kanyang nararamdaman at pagnanais na maging nobyo nito. Walang mahabang proseso sapagkat simula noong mga bata sila ay naging malinaw na ang intensyon niyang pakasalan ito sa tamang panahon.

"Tsk! Mukhang tagilid tayo rito, Senyorito, ah?"

Napabuga ng hangin si Mateo. "Paninindigan ko pa rin ang mga pangakong binitawan ko sa kanya, Doming," baling na sagot niya rito. "Wala man akong karanasang mangharana ngunit ilang beses ko namang nakita kung paano iyon gawin."

Lumapad ang ngiti ni Doming. "Iyan ang fighting spirit, Senyorito!" Malakas na tinapik nito ang likod niya. Nabigla siya roon dahil hindi niya inasahang mabigat pala ang mga kamay nito. "Never retreat, never surrender. Naks, Ingles iyan, Senyorito."

Natawa lamang si Mateo. "Maalam ka rin pala sa Ingles, Doming."

"Mahirap maging mangmang sa sariling bayan higit na sa mga taong maaring magpahamak sa atin. Marami pa ring mga magagandang bagay na nakakatakot yakapin, Senyorito. Mas mabuti nang ihanda ko ang sarili ko."

Siya naman ang tumapik sa likod nito. "Napakatalino mo, Doming. Kayong tatlo nila Juanito at Andres ay may nakakahangang pag-iisip at pang-unawa ng mga bagay-bagay." Ngumiti siya rito. "At salamat sa pagbibigay sa akin ng oras."

"Walang problema, Senyorito. Pero baka gusto mong malaman ang kanta na puwede mong aralin para kay Senyorita."

"Wala ako gaanong alam na kanta kaya hindi na kita tatanggihan. Alam mo ba ang buong piyesa at liriko?"

"Naman! Suki ako sa KARAOKE sa amin." Kumunot ang noo ni Mateo sa sinabi nito. Mukhang napansin naman iyon ni Doming. "Basta kumakanta, Senyorito. Lalo na kapag kaarawan ng kaibigan mo."

"Sige, ituro mo sa akin."

"Bueno, Senyorito, itong kanta na ito ay sobrang luma na talaga sa kung saan ako galing. At sa tingin ko ay bagay na bagay ito sa inyo ng Senyorita."

Napansin ni Mateo ang biglang pag-angat ni tingin ni Doming dahilan upang sundan niya ng tingin ang tinitignan nito.

Naglalakad sa direksyon nila sina Priscilla, Juanito, at Andres. May tig-iisang bayong na dala ang magkapatid na mukhang punong-puno ng mga prutas at gulay.

Andrew.

Bigla niyang naikiling ang ulo sa kanyang kanan at naipikit ang mga mata nang marinig ang mumunting boses na iyon sa kanyang isipan. Nasapo ng ibaba niyang palad ang kanyang noo nang maramdaman ang pagguhit ng sakit sa kanyang ulo.

May mga imahe na namang sumasapaw sa mga mukha nilang tatlo. Imahe na katulad ng nakita niya kay Doming kanina.

Juan.

Chizle.

"Senyorito, ayos lang po ba kayo?" may pag-aalalang tanong ni Doming, naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang dalawang braso.

"Mateo!" Sunod niyang narinig ang sigaw ni Priscilla.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pamilyar na init ng palad sa kanyang magkabilang pisngi. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay niyang nakalapat sa kanyang noo dahilan upang maimulat niya ang mga mata. Alam niyang mukha iyon ni Priscilla ngunit ibang pangalan ang isinisigaw ng isip at puso niya.

Chizle.

Paulit-ulit, sumisigaw, at pilit kumakawala ang pangalan na iyon upang sambitin niya. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya. Punong-puno ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ni Priscilla at tila tinutunaw ng pag-aalala na iyon ang kanyang puso.

Chizle.

Chi.

Napalunok si Mateo at muli niyang naipikit ang mga mata.

Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya. Ang daming imahe sa kanyang isipan, mas marami pa kaysa kanina. Lahat ay puro mukha ni Priscilla at kanya na sa tingin niya ay hindi nangyari sa panahon na ito.

Chizle.

At hindi niya maintindihan kung bakit at saan galing ang kagustuhan niyang alalahanin lahat ng iyon.

"Pri -" nahihirapan niyang tawag sa pangalan nito. Hinanap ng mga kamay niya ang kamay nito.

"Nandito ako." Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Priscilla upang gagapin ang kanyang mga kamay. "Andres, Juanito, alalayanan n'yo -"

Bumigat ang paghinga niya.

"Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Irog? Sinta? Giliw? Pangga?"

"Saan galing mga 'yan?"

"Ah, alam ko na. Minamahal ko."

"Mathieu!"

Napahawak si Mateo sa kanyang dibdib, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata.

"Pri -" Humigpit ang hawak ng isang kamay niya sa mga kamay nito.

"Mateo..." tumindi ang pag-aalala sa boses ni Priscilla. "Juan, Andeng, Si! Anong gagawin natin?"

Ngunit hindi niya na masundan ang palitan ng mga salita ng tatlo. Nabibingi siya ng mga oras na iyon at tila ba nasa pinakailalim siya ng tubig. Tuloy-tuloy pa rin ang mga imahe sa kanyang isipan. Tila ayaw na nitong huminto.

"I want to have my own family before I reach thirty-five. I want to get married, Chi, and have children of my own."

"You asked for me. I'm here. Body and soul for my Chizle Priscilla."

"Let me guess, you just can't get yourself away from trouble, aren't you, princess?"

Tumindi ang sakit na nararamdaman ni Mateo sa kanyang ulo.

"I don't want you to regret it."

"Mateo! Mateo! Hoy, ano ba?" naririnig niyang iyak ni Priscilla, sakabila ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay ramdam ni Mateo ang mahigpit na yakap nito sa kanya. "Math! Mathieu!"

Sumikdo nang malakas ang kanyang puso dahilan para maimulat niya ang mga mata. Nagtama ang mga mata nila at bigla na lamang niyang nasambit ang pangalang kanina pa niya gustong itawag dito.

"Chizle..."

Ngunit bago paman niya madugtungan ang pangalan na iyon ay bigla na lamang nagdilim ang lahat sa paligid niya.




"I THINK MATEO'S regaining his present memories."

Iyon agad ang bumangad na impormasyon kay Chippy nang lumabas siya ng kubo. It was Simon who said that. Iniwan niya muna sa loob si Mateo na hindi pa rin nagigising nang mga oras na iyon.

"Anong ibig mong sabihin, Si?" aniya, tuluyan na siyang lumapit sa tatlo.

Napatingin ang tatlo sa direksyon niya.

"He called me Simon earlier," seryosong sagot ni Simon. "Hindi lang isang beses, Chi. Dalawang beses niyang binanggit ang pangalan ko na para bang siguradong-sigurado siyang Simon ang pangalan ko. But he seemed so lost and confused after."

"Did you ask him why he called you Simon?" asks Andrew.

"Oo, pero iniba niya ang usapan."

"At tinawag niya rin ako sa pangalan ko kanina," dagdag ni Chippy.

She was so anxious and scared earlier. Umiiyak na siya dahil hindi nila alam ang nangyayari kay Mateo. Pero nang banggitin nito ang pangalan niya ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. Kaya pinagtulungan nila Andrew, Simon, at Juan si Mateo na maipasok sa kubo.

At mukhang sa kondisyon nito ngayon ay ipagpapaliban na muna nila ang pag-alis. Nakausap naman na ni Chippy ang caretaker ng kubo at nakiusap na mag-extend sila ng isa pang gabi. Hindi safe na byumahe sila na masama ang pakiramdam ni Mateo lalo na't malayo-layo ang b'yahe nila ngayon.

"We'll keep an eye on him," seryosong sabi ni Andrew. "It's a good sign that we're getting Mathieu back but let's avoid overwhelming him with information."

Tumango silang tatlo nila Simon at Juan.

"The sooner we get Mathieu back on track, the better chance of getting ourselves out from this timeline," dagdag ni Andrew.

Pinagkrus ni Simon ang mga braso sa dibdib, seryoso pa rin ang mukha. "But I don't think that would be easy, Drew."

"I never said it would be easy."

"But he knew about the letters, right?" salita ni Juan. "And maybe he knew about what those letters can do? Or what power it holds?"

"Tama si Juan," pag-sang-ayon ni Simon. "Hindi man natin puwedeng i-pressure si Mateo pero hindi natin puwedeng patagalin ang pagbabalik ng mga alaala ni Mathieu. Wala tayong ka-ide-ideya sa mga pangyayari noon maliban sa diary ni Priscilla. Isa pa, nababasa lang natin ang mga pangyayari kapag tapos na iyon mangyari sa panahon na ito."

"Sinasabi mo bang dapat tayong makaalis dito bago ang kamatayan ni Priscilla?" ni Andrew.

Natigilan nang husto doon si Chippy. Bigla siyang pinanlamigan, tila nabuhay ang takot sa kanyang puso at niyakap ang buong katawan niya.

"We can't change the past, Drew. Mangyayari at mangyayari ang lahat ng mga kinatatakutan natin kahit pigilan pa natin. And I don't think..." Ibinaling ni Simon ang tingin sa kanya. "Chi is ready to experience Priscilla's painful past... and believe me, Mateo is in love with Priscilla."

Napalunok si Chippy, bigla ay gusto niyang maiyak sa katotohanan na iyon.

"Hindi pa lang niya maamin ngayon pero hindi ako naniniwala na hindi nagkaroon ng relasyon ang dalawa sa panahon na 'to. Mateo will soon realized he's madly in love with Priscilla," dagdag pa ni Simon.

"But you can't avoid the inevitable probability that the lighthouse will not allow Chizle and Mathieu to go back in our own time without witnessing the hidden truths behind Priscilla's death and Mateo's disappearance, Simon," Andrew calmly argues, bumuntonghininga ito pagkatapos.

"Kalmahan n'yo muna," ni Juan. "Puro tayo panghuhula rito, isa-isa lang muna ang problemahin natin. Ang importante sa ngayon ay bumalik ang mga memorya ni Mateo bilang Mathieu. At mahanap natin ang mga tinatago ng grupo nila Temyong. Importante na makauwi tayo sa panahon natin pero habang nandito tayo ay hindi natin puwedeng pabayaan sina Mateo at Priscilla. We already involved ourselves, we can't just leave them behind."

Naging tahimik silang apat pagkatapos, pansin ni Chippy ay nag-iisip sina Simon at Andrew at parang naghihintay lang din si Juan sa katugon ng dalawa.

"Maybe I should just tell Mateo the truth," basag ni Chippy.

"No," maagap na sagot ni Andrew. "Not for now. We have to make sure he's mentally prepared with all this information."

"I agree with Drew," pagsang-ayon ulit ni Simon. "Obserbahan muna natin si Mateo. Sa tingin ko ay kaunti na lang ay maalala na niya tayo. At kung ano man ang ginagawa mo para maalala ka niya ay ipagpatuloy mo lang. Kung may mas nakakaalam man ng mga bagay na magpapaalala sa kanya ngayon ay ikaw lang iyon, Chi."





HINDI NIYA INIWAN si Mateo sa loob ng kubo. Gusto niya na nandoon siya sa oras na magising ito. She's scared and at the same time excited with the idea that Mathieu will remember her soon.

Humigpit ang hawak ni Chippy sa kamay ni Mateo. Mahigpit man iyon pero alam niyang hindi ito masasaktan sa paraan ng pagkakahawak niya. He had been asleep for an hour now. Hinayaan na nga siya ng tatlo na bantayan si Mateo rito habang nagluluto ng pangtanghalian nila sila Andrew.

May ngiting hinaplos niya ang pisngi ni Mateo at ang buhok nito. Maya-maya pa ay bahagya na itong gumalaw at mahinang napaungol bago dahan-dahang naimulat ang mga mata. Namilog nang sobra ang mga mata niya.

"Math," malambing na tawag niya rito.

Napansin niya ang paglunok nito habang nakatingin ito sa kanya. Titig na titig ito sa kanyang mukha na tila ba may hinahanap na sagot sa maraming mga tanong na marahil nabubuo sa isip nito nang mga oras na iyon.

"Pri -"

He still doesn't remember me.

Medyo nadismaya siya roon. Although she already expects it, but she guesses that she has put her hopes too high.

"Mateo -"

"What happened?"

Natigilan si Chippy sa biglang pagsasalita nito ng Ingles. There was something different and familiar with how he speaks the language. Ilang beses na niyang narinig si Mateo mag-Ingles, may pagkakapareho kay Mathieu pero madalang na mag-Ingles si Mateo sa mga ganitong sitwasyon.

Pinilit nitong bumangon. "Careful," aniya habang inalalayan ito.

"This is weird. I still feel so lightheaded." Lalo lamang naguluhan si Chippy. Ang lakas ng kabog nga puso niya. He really sounds like Mathieu. "And I don't remember anything."

Napalunok si Chippy. "Okay ka na ba?" Gusto niyang kompirmahin ang kutob niya. "Hinimatay ka kanina... sumakit bigla ang ulo mo... naisip namin siguro dahil sa init ng araw."

Natutop nito ang noo, nasilip niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Hindi na ito nakatingin sa kanya pero para bang sobrang lalim ng iniisip nito.

"Math?"

Ibinalik ni Mateo ang tingin sa kanya. He looks so lost, confused, and exhausted. Gusto niyang makaalala na ito pero hindi niya gusto ang paghihirap sa mukha nito ng mga oras na iyon.

Niyakap niya ito. "Kung ano man iyang gumugulo sa isipan mo ngayon ay huwag mo munang isipin," aniya. Marahang tinapik-tapik ng isang kamay niya ang likuran nito habang hinahaplos ng isa niyang kamay ang likod ng ulo nito. "Magpahinga ka na muna buong araw. Bukas na lang tayo aalis."

Maya-maya pa ay naramdaman ni Chippy ang pagganti ng yakap nito sa kanya.

"Salamat."




NAUNANG LUMABAS NG kubo si Chippy pero alam niyang nakasunod si Mateo sa kanya. Pero natigilan siya nang makita sa labas na kusina si Lolo Nonoy kasama nila Juan, Simon, at Andrew. Agad na binati siya nang masayang ngiti ng matanda.

"Lolo Nonoy?!" she gasps.

Natawa ang matanda. "Nagulat ba kita, hija?" Nasundan niya ang paglagpas ng tingin nito sa kanyang likuran. "Magandang tanghali sa inyong mag-asawa."

"Lolo Nonoy," nabosesan din ni Chippy ang gulat at pagkamangha sa boses ni Mateo.

"Aba'y sadyang napakaliit pa rin ng isla upang magtagpo ulit ang ating mga landas."

"Kaibigan pala ni Lolo Nonoy ang may-ari nitong kubo," salita ni Simon. "Nakita ko siya kanina sa dalampasigan."

"Ako'y narito lamang dahil kaarawan ng aking butihing kaibigan na si Epifanio bukas. Inagahan ko't tutulong ako sa pagluluto." Kilala ni Chippy ang may-ari ng pangalan na iyon. Ito ang nagbabantay ng kubo na inupahan nila pansamantala. "Ngunit nagulat akong nandito rin pala kayo. Nahanap n'yo na ba ang hinahanap n'yo?"

Umiling si Simon. "Hindi pa po, Lo."

"Hmm." Sandaling napaisip si Lolo Nonoy. "Tunay na kakaiba marahil ang halamang gamot na inyong hinahanap kung hanggang ngayon ay bigo pa rin kayo sa paghahanap."

"Baka ho sa susunod na isla, Lolo Nonoy ay palarin kami," sagot ulit ni Simon.

"Kayo ba'y aalis ngayon?"

"Bukas pa ho," sagot naman ni Andrew. "Magpapahinga lang ho muna kami ngayon."

Maya-maya pa ay may narinig silang sigaw sa paligid. "Noy! Noy!" Kaboses ni Mang Epifanio. Mas bata kay Lolo Nonoy ang matanda. "Tabang, Noy!"

Humihingi ng tulong si Mang Epifanio. Lahat tuloy sila ay napakunot ang noo nang makita si Mang Epifanio, humahangos, habang nakahawak sa mga tuhod nito.

"Na unsa ka diha, Epifanio?"

'Anong nangyayari sa'yo?'

"Noy, tumakbo ang baboy na inalagaan ko," pag-amin ng pobreng matanda. "Nilayasan ako nang sabihin kong kakatayin ko na siya."

Inihit ng ubo si Juan.

"Noy, iyong baboy ko," iyak na ng matanda.

Mabilis na hinagilap ni Juan ang pansulat at papel nito at nagsulat doon. Ipinakita nito iyon kay Lolo Nonoy at Mang Epifanio. Pero nasisilip pa rin ni Chippy kung ano iyon.

AKO NA PO ANG MAGHAHANAP SA BABOY

( ͡ ͜ʖ ͡) ( ͡~ ͜ʖ ͡)( ͡ ͜ʖ ͡─)




PAGKATAPOS MAGBIGAY NG description ni Mang Epifanio ay gumayak na silang lima at naglibot-libot sa posibleng pagtaguan ng baboy na si Bolinao. Sana nga lang ay wala pang nakakakuha sa baboy na iyon ngayon.

Hiniram nila Simon at Juan ang kalabaw ni Mang Epifanio para may masakyan sila. Pero mas mabilis pa yata ang paglalakad nila Mateo kaysa doon sa kalabaw kung saan sakay sina Simon, Juan, at Andrew. Nauuna pa nga sila ni Mateo doon sa tatlo.

Malawak ang buong paligid at may daanan naman na maayos kahit medyo lubak-lubak. Malalayo ang kubo at may mga puno ng niyog silang nadadaanan.

Nasa itaas ng kalabaw nakasakay si Simon at nasa parang wooden sled na may dalawang gulong naman nakaupo sina Juan at Andrew na hila-hila ng kalabaw.

Narinig niyang kurmata ang itinawag doon ni Mang Epifanio. Kanina ay sakay sila no'n pero naisip ni Mateo na baka nabibigatan ang kalabaw kaya mabagal maglakad kaya inaya na lang siya nitong maglakad sila.

Natatawa na lang talaga si Chippy sa tuwing sinisilip niya iyong tatlo sa likuran nila. Ang ingay-ingay pa ni Simon.

"Gusto kong abutin ang tayog ng ulap," kanta ni Simon. "Gusto kong sisirin ang lalim ng dagat." May kasama pang body movements na parang nag-interpretative dance na nakaupo. "Gusto kong akyatin ang tuktok ng bundok. Tuklasin ang hiwagaaaaaa sa puso ko'y, bumabalooooooot!"

Juan is mouthing the same lyrics behind. Si Andrew naman ay iginagalaw lang ang ulo na para bang may naririnig itong melody ng kanta.

Itinaas ni Juan ang sulatan nito habang kinakanta ni Simon ang chorus.

HIRAYA MANAWARI 2X
(⁠~⁠‾⁠⁠‾⁠)⁠~ƪ⁠(⁠‾⁠.⁠‾⁠"⁠)⁠┐

"Mga pangarap natin ating abutin. Ang kapangyarihang nasa puso natin. Hiraya manawari ating abutin..."

Natatawang napailing na lang si Chippy. Napansin din niyang nag-e-enjoy si Mateo sa background music nilang hindi pa nag-exist sa panahon nito.

"Minsan ay napapaisip ako kung saan galing ang mga kanta ni Doming," basag ni Mateo, nakangiti. "Bukod sa ngayon ko pa lang narinig ay maganda pa ang liriko at tuno ng kanta."

Chippy chuckles. "Siguro ay maraming kanta sa lugar nila. May unlimited supply."

Natawa si Mateo. "Siguro nga."

"Dapat nagpahinga ka na lang kaysa ang sumama sa amin," pag-iiba niya.

"Hindi ako sanay na walang ginagawa kaya huwag mong isipin masyado," nakangiti nitong sagot. "At saka, gusto ko rin muna maglakad-lakad."

Napapansin ni Chippy na parang nag-toned-down ang malalim na pagsasalita ni Mateo. Mas nagiging-casual na kumpara noon. At alam niyang napapansin din iyon ni Mateo dahil sa tuwina'y nakikita niyang kumukunot ang noo ni Mateo at natitigilan. Pero ngayon ay parang hinahayaan na lang niya.

"Priscilla."

"Hmm?"

"Naalala mo iyong sinabi ko sa'yo noon... tungkol sa mga panaginip ko sa'yo."

Tumango si Chippy. "Oo, anong tungkol doon?"

"Chizle." Natigilan si Chippy nang banggitin nito bigla ang pangalan niya. "Chizle ang pangalan ng babaeng kamukha mo sa panaginip ko."

Napalunok si Chippy. "C-Chizle?"

Mateo nods his head. "Chizle o hindi kaya ay Chi."

"At ang tingin mo roon ay ako iyon sa ibang panahon?"

Tumango ulit si Mateo. "Oo."

"Naniniwala ka ba sa mga ganoong bagay?"

"Isa man akong doktor, Priscilla ngunit alam kong may mga bagay-bagay rito sa mundo na mahirap hanapan ng sagot sa Siyensiya. Most of my childhood, I spent it with my grandparents and they believe in those things. Sakatunayan ay sa kanila ako lumaki kaya malaki ang impluwensiya nila sa akin."

Natigilan doon si Chippy.

So Mateo also grew up with his grandparents?

"Hindi ba sa mga magulang mo?"

"Lumipat ako ng bahay noong sampung taong gulang ako."

This is crazy! The similarities between Mathieu and Mateo are so identical.

"Kinuha ako ng aking lolo at lola at nanatili sa kanila hanggang nag-dese-sais ako. Nang ipaalam ko sa aking ama na nais kong kumuha ng medesina at maging doktor ay akala ko ay matutuwa siya. Noon pa man ay pangarap na niyang magkaroon ng isang anak na doktor at nais kung tuparin iyon."

May mapait na ngiti sa mukha ni Mateo.

"At anong nangyari?" she gently asks.

"Wala naman. Wala rin siyang sinabi. Pinapunta niya ako ng Europa upang doon ako mag-aral. Nandoon naman ang kapatid niyang babae, si Tiya Clara na nakapangasawa ng isang Pranses."

Ganoon din ang si Mathieu sa ama nito. Mathieu took up accountancy for his father and even excelled in it, but none of his achievements could regain back his father's affection.

"Kaya nagtataka ako kung bakit umiibig ka sa'kin gayo't lagi naman akong wala rito sa Pueblo."

Actually, hindi ko rin talaga alam. Ito kasing si Priscilla ayaw i-share ang past memories ko. Parang ikaw rin Mateo, ayaw mong ibigay kay Mathieu ang present memories niya.

"Kailangan ba iyon? Hindi ba puwedeng gusto kita? Kailangan ba laging may sagot kung bakit mo mahal ang isang tao?"

Sumilay ang matamis na ngiti sa mukha ni Mateo. "Love at first sight?"

"Siguro?" Chippy chuckles. But deep inside, she also wants to know the reason why Priscilla fell in love with Mateo. "Baka? Kasi guwapo ka?" Lalo siyang natawa.

"Sa tingin ko ay hindi ganoon kababaw ang dahilan mo kung bakit mahal mo ako. May malalim pang pinanggagalingan ngunit marahil ay hindi ka pa handang sabihin sa akin."

"Pero baka sinabi ko na sa'yo sa mga love letters na binibigay ko sa'yo na hindi mo naman binabasa." Napasimangot siya. Oo, affected na siya roon.

Natawa si Mateo. "Hayaan mo't pag-uwi na pag-uwi natin ay igugugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga sulat mo sa akin."

"But I'm curious, kasi kung sa lolo at lola ka lumaki. Hindi ba't matagal na kayo ni Pearlina? Hindi ba't halos sabay na kayong lumaki?"

"Madalas dumalaw ang lolo at lola ko sa aking ina. Sa mga pagkakataon na nauuwi ako sa Pueblo de Liloan ay dumadalaw ang pamilya ni Pearlina sa hacienda. Matalik na magkaibigan ang mga ama namin."

"Oh? Pero... bakit kinuha ka ng lolo at lola mo? Anong rason nila? At saka, pumayag agad ang mga magulang mo?"

Tinignan muna siya ni Mateo bago ibinalik ang tingin sa harapan, napansin niya ang pagbalik ng mapait na ngiti nito sa mukha. Bigla ay gusto niyang bawiin ang mga tanong. Kasi paano kung hindi komportable si Mateo na sabihin iyon sa kanya? Kagaya ng paglilihim nito kay Pearlina ng tunay na pagkatao nito -

"Hindi ako tunay na anak ng ama ko, Priscilla."

Natigilan si Chippy sa biglang pag-amin ni Mateo. Hindi niya inasahan na aamin agad ito sa kanya. Kaya nang huminto siya sa paglalakad ay huminto rin ito upang tignan ang kanyang mukha.

"Iyon ang lihim ng pagkatao ko."

"Mateo -"

"Hiniling mo ang katapatan ko kaya ibibigay ko iyon sa'yo." Naging mas mapait ang ngiti ni Mateo sa pagkakataon na iyon. "Anak ako sa ibang lalaki ng aking ina. Iyon ang dahilan kung kaya hindi ako gusto ng mga magulang ni Pearlina at malayo ang loob ng aking mga magulang sa akin. Ngunit hindi ito alam ni Dimitreo at sana'y huwag nang makaabot sa kanya."

"HAWAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"

Marahas na naibaling nila Mateo at Chippy sa kanilang likuran nang marinig ang sigaw ni Simon. Napasinghap siya nang makitang mabilis ang takbo ng kalabaw sa direksyon nila. Halos nakayakap na si Simon sa katawan ng kalabaw. Sina Juan at Andrew naman ay kapit na kapit sa kurmatang hatak-hatak ng kalabaw.

"Tangina!" malakas na mura ni Chippy.

"Tumakbo na kayooooooo!" sigaw ni Simon.

Naramdaman ni Chippy ang marahas na paghawak ni Mateo sa kamay niya. "Takbo, Priscilla!" sigaw nito sabay hatak sa kanya patakbo.

"Walangya kayoooo!" sigaw niya, binilisan ni Chippy ang pagtakbo, nauuna pa rin si Mateo kahit magkahawak ang kamay nila.

"Juanito, pakalmahin mo ang kalabaw na 'toooooo!" sigaw pa rin ni Simon. "Yawaaaa! Tabaaaaang, Ginoooo!"

"Ano ba kasing ginawa mo, Doming?!!!" sigaw ni Andrew.

"Hinaplos ko lang namaaaaaan!!!"

"Juan!!!"

Napapagod na si Chippy kakatakbo, malapit na silang abutan ng kalabaw.

Dios ko, kung alam ko lang na kalabaw lang papatay sa akin sa 1935 ay sana pinakasalan ko na lang agad si Mathieu sa 2021. E 'di sana may anak na kami ngayon at hindi hinahabol ng kalabaw. Shuta ka talaga, Simon Ryusei Takeuchi!!! Hinding-hindi kita patatahimikin kapag na tuhog ako ng kalabaw!

"Juanitooooooooooo!!"

"Priscilla!"

Mabilis at marahas na hinatak siya ni Mateo sa kanan nila. Sobra siyang napasinghap nang maramdaman niyang matutumba siya. Pero mabilis ang mga braso ni Mateo na mayakap siya kaya nang matumba ito sa damohan ay naunang tumama ang likuran nito at sumubsob naman siya sa dibdib ni Mateo.

Napangiwi pa rin siya sa sakit kahit nasalo siya ni Mateo. Inihit ng ubo nang malanghap ang alikabok nang dumaan ang kalabaw nila Simon. May mga maliliit na bato pang tumilapon sa kanila. Napangiwi siya lalo nang tumama pa ang isa sa likod ng ulo niya.

Yawa!

"Ayos ka lang ba?"

Chippy ignores Mateo. Marahas siyang bumangon at lumayo rito upang makita ang tatlo. Kahit nakasalampak ng upo ay tanaw na tanaw niya ang tatlo. Napansin din niyang iniikutan lang pala sila ng kalabaw. Imbes na mainis ay tawang-tawa siya sa histura ng tatlo.

Isang maling galaw lang ay titilapon na si Simon. Si Juan naman ay tawa nang tawa habang kapit na kapit sa gilid ng kurmata. Tawa pa rin nang tawa kahit malapit na ring tumilapon.

Ang lakas na ng tawa niya at napahawak na siya sa tiyan nang tumilapon na si Andrew. Gumulong-gulong pa ito, mabuti na lang at doon ito nag-landing sa may damohan pero mukhang maputik banda roon dahil agad na nadumihan ang suot nito.

Shutaaaaa!

Napatingin si Chippy kay Mateo na tawa na rin nang tawa sa tabi niya habang tutop ang noo. Naluluha na silang dalawa kakatawa.

Mga gago talagaaa!

"Adios!" sigaw ni Simon bago tuluyang tumilapon mula sa kalabaw.

Ending si Juan na lang ang natira na tawa pa rin nang tawa kahit hirap na hirap na sa pagkapit sa kurmata.




PRESENT OF 2021


HINDI ITINULOY NI Amora ang pagbaba sa hagdan nang masilip niya mula sa taas sina Sir Thad at Boss Iesus. Mukhang hindi rin naman siya napansin ng dalawa. Kahit papaano ay naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"I was thinking about it, Sus. We have Chippy's letter from 1935 and this can help me creating a time portal on the exact day this letter was inserted inside the lighthouse. There is a high possibility that Chi will check the lighthouse again. Maari nating iwan doon ang katugon ng sulat na 'to at magtanong sa kanya kung anong buwan, petsa, at oras natin sila puwedeng makita sa susunod na balik natin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro