Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 33

NAGKAGULO silang apat sa bangka nang walang Andrew na umahon sa tubig. Inalis ni Chippy ang mga braso ni Mateo na nakayakap sa kanya para maihawak ang dalawang kamay sa edge ng bangka. Naghanap siya ng kahit anong sign na humihinga pa ito sa ilalim ng tubig pero wala siyang makita. She's beginning to feel anxious.

For the first time, nag-overthink siya if kaya nga bang mag-survive ni Andrew sa isang shipwreck at baka kasi fake news ang umabot na chismis sa kanya. Marami pa namang kwento si Kap na scam.

"Andres!" sigaw niya. "Dios ko!" Kulang na lang ay hawakan niya ang tubig para halughugin ang dagat ng kanyang mga kamay. Mapapatay talaga siya ni Sep kapag may nangyaring masama sa kapatid nito.

Those brothers may have the tendency to slit each other's throats but their inseparable. God! Noong mawala si Andrew noong bata ay nagwala na si Sep noon. I will never forget that, sa Faro nangyari iyon, back when it was just like our house in 1935.

Naglalaro kami ng taguan at si Iesus ang taya. Kuya Jos, Iesus and Vier couldn't even keep him still dahil tumitilapon sila sa sobrang lakas ni Sep. Mabuti na lang at nahanap si Andrew. Actually, ako ang nakahanap. Nagtago kasi si Andrew sa loob ng parola at hindi na nakalabas dahil nasira ang lock. No one knew why it was opened that day dahil ang sabi naman sa kanila ni Iesus ay sarado iyon lagi.

"Priscilla." Naramdaman ni Chippy ang kamay ni Mateo sa isang braso niya. Maalon pa rin at kaunting galaw niya ay baka pati siya ay mahulog mula sa bangka.

But she ignores him, marahas na ibinaling niya ang tingin kina Simon at Juan pero hindi niya natuloy ang dapat ay isisigaw niya nang makita niya si Juan na itinaas sa ere ang sulatan nito. Nasisilip niya kung ano ang isinulat ni Juan doon at marahas siyang napakunot-noo.

KUYA ANDRES!!! ()

Bahagya nitong ibinaba at iniharap sa dagat ang sulatan – makailang beses na pinihit ang katawan sa kanan, kaliwa, at sa likod nito.

"Juanito, anong ginagawa mo?" ramdam ni Chippy ang kunot-noo ni Mateo sa tanong na iyon.

"Sumisigaw po nang malakas si Juanito, Senyorito," seryosong sagot ni Simon.

Sunod-sunod na tumango si Juan at inulit ang ginawa nito kanina. Gusto niyang mag-alala kay Andrew pero mas gusto niyang tumawa nang malakas.

Yawa talaga ang mga 'to!

Pinaglapat ni Chippy ang mga labi nang mariin para pigilan ang tawa lalo na nang silipin niya ang hindi maipinta na mukha ni Mateo. Sa ekspresyon ng mukha nito ay tila ba sinukuan na sila nito nang tuluyan.

Maya-maya pa ay biglang umalog ang bangka dahilan para mapayakap siya kay Mateo. Dahil nga nakatayo si Simon ay hindi agad ito nakahanap nang mahahawakan kaya tuluyan itong nahulog sa tubig. There was a big splush of water at nabasa sila nang bahagya.

But to Chippy's horror, hindi rin umahon si Simon. "Si!" sigaw niya. She panicked, lalo nang biglang hinubad ni Juan ang kwintas nitong sulatan at tumalon sa tubig.

Walangya!

Biglang nag-overthink si Chippy nang tatlo na silang hindi umaahon. Naisip niya na baka nagkaroon ng portal sa ilalim ng dagat kaya hindi na nakaahon ang tatlo.

Hindi! Hindi ako papayag.

Binitiwan niya si Mateo at akmang tatalon mula sa bangka nang yakapin siya nito mula sa likuran.

"Priscilla!"

"Bitiwan mo ak –" malakas siyang napatili sa gulat nang umalog na naman ang bangka na para bang may whale shark na dumaan sa ilalim ng bangka nila. "What the fuck?!" hindi niya napigilang mura na siyang ikinagulat nang husto ni Mateo. Para itong na-culture-shock nang malala sa narinig nito sa kanya.

Napangiwi siya sa isip, alam niya kung gaano na niya nasira ang dalagang Filipina image ni Priscilla rito sa 1935 at pasensiya na lang talaga muna dahil sa totoo lang hindi niya rin in-expect na dalawang beses siyang ma-devirginized.

"Forget you heard that," bawi niya.

Maya-maya pa ay sabay-sabay na umahon mula sa tubig ang tatlo.

"Huwag mag-alaala!" sigaw ni Simon, yakap-yakap ang sarili. "Nasagip ko na ang sarili ko. Ligtas ako. Naligtas ko na ang sarili ko."

Imbes na mainis ay natawa siya sa ekspresyon ng mukha ni Simon na tila ba hirap na hirap itong iligtas ang sarili nito. Tawa naman nang tawa si Juan kaya hirap siyang magpigil ng tawa.

Gago!

"Andres," tawag ni Mateo.

"Senyorito, buhay ako."

"Nakikita ko nga."

"Masaya po ba kayo na buhay pa ako?" Hindi sumagot si Mateo. "Senyorito, okay lang," pangungulit pa rin nito.

"Patawad, Andres," sa wakas ay pansin ni Mateo rito. "Pasensiya."

Tuluyan nang nahimasmasan sa takot at kaba si Chippy. Ang pagka-buwesit niya kanina ay napalitan ng tawa.

"Alam n'yo, shuta kayo! Pinag-alala n'yo ako nang sobra. Akala ko ay nagkaroon na ng portal sa ilalim ng dagat."

"Shuta?" narinig ni Chippy na bulong ni Mateo sahalip na sagutin si Andrew.

But she just ignore him, he had heard her saying it a lot of times. He's smart, gets na siguro nito ang meaning no'n.

CONSUELO

11:45 a.m.

Tanghali na nang makadaong ang bangka nila sa Consuelo. Nagtanong-tanong sina Andrew at Simon sa mga tao roon sa lokasyon ng kweba. Kasama naman ni Chippy sina Mateo at Juan sa paghahanap ng punong masisilungan para makapagtanghalian muna sila. Pinabaunan sila ng makakain ni Lolo Nonoy dahil alam nitong tatanghaliin sila sa b'yahe.

Inihilig ni Juan ang isang bayong sa malaking puno ng niyog. Tinignan naman nila iyon kanina ay mangilan-ngilan na lamang ang bilang ng niyog. Mukhang may kumuha na ng mga bunga roon. Safe na hindi sila mahuhulugan ng bunga.

"Normal lang ba sa iyo ang sabihin ang mga salitang iyon," basag ni Mateo, bahagyang nakakunot ang noo habang kaharap siya.

Chippy's forehead creases as well. "Sabihin ang ano?"

"Ang... shuta ka..." Lalo lamang kumunot ang noo ni Mateo. Mas lalo tuloy siyang naguguluhan. Saka, hello? Anong meron sa salitang shuta ka? "Hindi lamang ako ang sinabihan mo ng mga salitang iyan. Pati na rin sina Andres, Juanito, at Doming – Dao Ming."

Gusto niyang mainis pero natawa siya sa Doming.

"Priscilla, walang nakakatawa sa aking mga sinasabi dahil hindi ako nagbibiro para tugunin mo ako ng tawa."

"Mateo, kumalma ka nga. Huwag mong sabayan ang init ng sikat ng araw. At saka, ano bang masama kung sabihin kong shuta sila? Wala naman iyong –"

"Hindi mo na maaring banggitin o gawing tugon ang salitang iyon sa kahit kaninong binata, Priscilla."

Napatitig siya sa seryosong mukha ni Mateo.

Wait, am I missing something? Or ayaw lang talaga ni Mateo na naririnig na nagmumura siya?

"Ngunit maari mong sabihin sa akin iyon nang paulit-ulit kung iyong nanaisin."

Naikiling ni Chippy ang ulo kay Mateo. "Na shuta ka?"

Marahas na napalingon si Chippy kay Juan na bigla na lang nasamid at inihit ng ubo sa kanyang likuran habang inilalabas ang mga baonan nila. Napansin niyang nagpipigil ito ng tawa. Gago! Ibinalik niya ang tingin kay Mateo.

With a determined look on his face, Mateo nods his head. "Oo."

"Alam mo, gutom lang iyan. Kung anu-ano na lang ang naiisip mo, Mateo. At puwede ba, kumalma ka. Para kang sinaunang taong nagseselos."

Narinig na naman niya ang mahinang pagtawa ni Juan sa likuran niya pero hindi na niya nilingon. Napakachismoso talaga nitong si Juan.

Kumunot na naman ang noo ni Mateo. "Sinauna?"

"Wala. Basta."

Akmang magsasalita pa ulit sana ito nang bumalik na sina Andrew at Simon. Sa ekspresyon ng mga mukha nito ay mukhang may magandang impormasyon silang nakuha.

"May dalawang paraan para makarating tayo sa unang kweba," simula ni Simon. "Kung magsisimula tayo rito ay aabutin ng isang oras o higit pa ang paglalakad natin at kakainan pa no'n ang oras natin pabalik ulit sa bangka."

"Suhestiyon ng isa sa mga nakausap namin ni Sy na mag-bangka ulit tayo mula rito hanggang sa susunod na purok. Aabutin ng kalahating oras o kung suswertehin ay mas mababa pa sa oras na binanggit niya ang pagdating natin doon. Kung susundin natin ang payo niya ay tatakbo lamang sa dalawampung minuto ang paglalakad natin kung magsisimula tayo roon," dagdag ni Andrew.

"Sundin natin ang suhestiyon na iyan,"tugon ni Mateo. "Hindi rin maganda na iwan natin nang matagal ang bangka rito. Hindi biro ang mahigit isang oras na paglalakad lalo na't mukhang mahirap para sa atin makakuha ng masasakyan dito sa isla."

"I agree." Natuon ang atensyon ng lahat kay Chippy. "Saka huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras. Pumalaot na ulit tayo at sa bangka na lang magtanghalian. Tanghali na at sayang ang oras. Mas mainam na may araw pa na makarating sa kweba."

Tumango ang lahat at agad na ring kumilos si Juan para ibalik ang mga baonan nila sa bayong. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon, bumalik na sila sa bangka nila.


MAGANDA pa rin ang panahon at hindi naman masyadong marahas ang alon ng dagat. Smooth sailing lang kagaya kanina at nakarating sila roon nang mas maaga. Dinala lamang nila ang mga importanteng gamit pagkatapos makausap nila Mateo, Simon, at Andrew ang isang mangingisda na taga roon.

Humingi sila ng direksyon at palatandaan para hindi sila mawala sa paghahanap ng kweba. Mukha namang malapit kaso mahirap tandaan ang lugar dahil puro puno at malalayo naman ang mga bahay. Magtanong-tanong na lamang daw sila kapag nawala sila.

Isa pa sa nakaka-stress ay ayaw bitawan ni Mateo ang kamay niya. Ilang beses na niyang binawi iyon mula sa pagkakahawak nito pero makulit ito at inaabot muli ang kamay niya. Hindi niya masaway si Juan na pigil na pigil ang ngiti habang nasa likuran nila. Nasa unahan sina Andrew at Simon na paminsan-minsan ay nililingon sila at may pang-aasar pa na tingin sa magkahawak na kamay nila ni Mateo.

"Ang kamay ko, Mateo," mahinang sita niya ulit dito.

"Huwag kang mag-alala at hindi iyan mawawala dahil hawak ko."

"At hindi rin ako mawawala kahit hindi mo pa ako hawakan," pagtataray pa niya.

Ibinaling ni Mateo ang tingin sa kanya. "Normal lamang na protektahan ko ang aking magiging asawa."

Napamaang siya.

Tangina! Hindi pa ba kami tapos sa issue na iyan?

"Mateo, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi ako magpapakasal sa'yo?"

"Narinig ko. Naalala ko. Hindi ako tanga at higit sa lahat ay hindi ako bingi, Priscilla. Ngunit hindi mo ako basta-basta maitutulak palayo. Kung kailangan kong gumawa ng paraan para mabago ang isipan mo ay gagawin ko."

"Alam mo, makulit ka rin."

Magkasingkulit kayo ni Mathieu!

He give her a proud smile. "Sabi nga nila."

"Nasa tamang daan pa ba tayo, Si?" basag ni Andrew na siyang nagpatigil rin sa kanila ni Mateo. Iginala ni Andrew ang tingin sa paligid.

"Hindi ko sigurado. Ang sabi niya ay lumiko tayo rito pero parang umikot lang tayo," sagot ni Simon habang hawak ang kapirasong papel na ginuhitan nito ng mapa.

She didn't notice because she was busy argumenting with Mateo. Basta alam niya na kanina pa sila naglalakad, siguro ten minutes na yata simula nang iwan nila ang bangka nila sa dalampasigan.

And she find it odd, dahil hindi pa nawawala si Simon, he's a human tracker. Ngayon lang parang hindi na ito sigurado sa nilalakaran nila. Aminado siyang parang umikot lang talaga sila, napansin na kasi niya iyong kubo kanina.

"Ang mabuti pa ay magtanong na tayo," suhestiyon ni Mateo.

Halos sabay nilang iginala ang tingin sa paligid, katakataka lamang na walang tao. Hindi katulad doon sa dalampasigan na may mga tao silang nakita.

Maya-maya pa ay may batang lalaki na bigla na lamang lumabas sa kung saan, may hinahabol na manok. Sa tingin ni Chippy ay nasa edad na dose o trese ang batang lalaki.

Payat, moreno, bahagyang kulot ang buhok ng lalaki. Nakasuot ito ng brown na pang-itaas na may mga red patches na. Halatang pinaglumaan na rin ang off-white na mahabang pantalon nito dahil hindi na umabot sa paa nito ang haba. Nakasuot din ito ng itim na tsinelas na halatang napudpod na kakagamit.

Sumisigaw ito habang hinahabol ang tumaktabong manok sa direksyon nila. Si Juan na nasa likuran lamang nila kanina ay naglakad sa kanilang harapan at sinalubong ang manok. Tinignan lamang ni Juan ang manok at mukhang nag-eye-to-eye-contact pa. Bigla ay huminto ang manok may ilang distansiya ang layo kay Juan.

Amazing!

Hinihingal na huminto ang batang lalaki at napahawak sa mga tuhod nito. "Butsuk!" sigaw nito, habol-habol pa rin ang paghinga. "Sa...wa...kas...ay tumigil ka...rin."

"Bata," tawag ni Andrew rito.

Umangat ang mukha nito sa kanila, namimilog nang husto ang kulay tsokolate nitong mga mata. Hindi niya alam pero parang nakita na niya ang mga matang iyon.

"Magandang hapon po," bati nito. Umayos ito ng tayo. "Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Kinuha naman ni Juan ang manok at kinarga iyon na parang bata sa bisig nito.

"May itatanong lamang sana kami," salita ni Mateo. "Alam mo ba kung saan ang daan papunta sa kweba?"

Kumunot ang noo nito. "Kweba po?"

Tumango si Mateo. "Ang kwebang tinutukoy ko ay may tubig sa loob."

"Ah! Alam ko po 'yon, Kuya." The boy's face lit up in recognition. "Marami na po ang pumupunta roon at tumitingin. Papunta po ba kayo roon?"

"Oo, may titignan lamang kami roon," sagot ni Mateo.

"Ako na po ang magdadala sa inyo roon bilang kabayaran sa pagtulong n'yo sa akin upang mahuli si Butsuk. Mapapatay po kasi ako ni tatay kung hindi ko maibabalik nang buhay si Butsuk." Ngumisi ang batang lalaki. "Ibabalik ko lang po muna ang manok." May itinuro itong kubo sa malapit. "Diyan lamang ang aming bahay. Kung makakahintay po kayo ay sasaglit lang po muna ako roon."

"Makakapaghintay kami," nakangiting sagot ni Mateo. "Salamat."

Ibinigay na ni Juan ang manok sa bata at mabilis itong tumakbo sa direksyon ng bahay nito.

"Ako lang ba o maraming kulot sa panahon na 'to?" basag ni Simon, nakaharap kay Andrew na umisang linya na ang mga kilay. "Hindi ko sinasabing ikaw rin." Halatang nagpipigil pa ng tawa si Simon. "Malay ko bang hindi ka lang nagsusuklay, Andres?"

"Manahimik ka na Doming," pang-aasar pa ni Andrew.




SA TULONG ng batang si Nonito ay natunton agad nila Chippy ang kweba. Masuwerte sila dahil wala silang nakasabay na ibang tao. Mas mainam para walang maghinala.

Madaldal si Nonito, halatang gala itong bata dahil marami itong kwento tungkol sa lugar nila. Sinabi nitong makipot at delikado raw ang pagbaba sa kweba. Isa o dalawang tao lamang ang nakakababa roon.

May lubid nang nakatali sa isang malaking puno roon, iyon daw ang ginagamit na guide ng mga taga-roon sa tuwing pumapasok sa kweba. May dala namang mas makapal na lubid sina Simon kaya dinoblehan na lang para masigurado ang kaligtasan nila.

"Kami na muna ang bababa ni Fernando," imporma ni Simon, nakatali na pareho sa mga baywang nila ang lubid. Si Juan ang may dala ng lampara dahil tiyak na madilim sa loob.

Sinilip ni Chippy ang butas ng kweba, ibang-iba ang hitsura ng kweba sa present sa pagkakaalala niya. At least sa panahon nila ay mas ligtas iyong babain dahil may handrailings na sa hagdanan. Ang kweba sa 1935 ay mukhang delikadong babain kahit pa mukhang hagdan ang mga bato. Isang maling galaw ay madudulas ang taong bababa roon.

And to be honest, only Simon and Juan can do this since they're into extreme activities and adventure. Mathieu and Jam as well, kaso ang Mathieu niya sa 1935 ay senyorito and no, she wouldn't risk his life. Andrew is not even an option. Alam niyang taong bahay, opisina, at dagat lang si Andrew. Tama nang utak siya ng grupo nila. Kaya na iyan nila Simon and Juan.

"Mag-ingat kayo," ni Mateo.

Dahan-dahan nang bumaba sina Juan at Simon. Naiwan naman silang apat sa itaas. Ibinaling naman ni Andrew ang tingin kay Nonito.

"Nabanggit mo kanina na marami nang taong pumunta rito," simula ni Andrew.

"Opo, Kuya Sergio, taga ibang isla."

"Mga grupo ng mga lalaki?" dagdag na tanong ni Mateo.

Sandaling nag-isip si Nonito bago sumagot. "Sa pagkakaalala ko po ay may mga lalaki na pababalik-balik dito. Noong una ay tatlo lamang sila ngunit nang bumalik po sila ay naging lima. Natatandaan ko po dahil nagtanong sila sa tatay ko kung may kweba na malapit dito."

"Kailan iyon?" tanong ulit ni Mateo.

"Noong nakaraang buwan po. Hindi na po sila bumalik simula noon."

"Narinig mo ba kung sino-sino sila at kung saan sila galing?"

"Alam ko lamang po ay sa kabilang isla, hindi ko rin po narinig ang mga pangalan nila. Ngunit naalala kong asul ang kulay ng bangka nila... at ang sabi ni Tatay ay mukhang mangingisda rin po sila dahil may mga lambat ho ang mga bangka nila."

Nagkatinginan sina Andrew at Mateo, halatang-halata ni Chippy na pareho ng iniisip ang dalawa. At kahit siya ay naiisip din niyang grupo nila Temyong ang tinutukoy ni Nonito.

"Kilala n'yo po ba sila?"

Umiling si Mateo. "Hindi, Nonito. Nandito lamang kami para hanapin ang halamang gamot na hinihingi sa amin ng isang albularyo. Kailangan naman iyon para sa tuluyang paggaling ng aming ina."

Without a doubt, isa rin 'to si Mateo mabibigyan ng best actor award. Ang galing umarte. I'm amazed.

"Sana po ay mahanap n'yo ngayon, Kuya Matias."

"Sana nga."



CHIPPY already doubted that they will find something in the first cave. Sa kwento pa lamang ni Nonito kanina ay halatang hindi roon itinago ng grupo nila Temyong ang pinaghihinalaan nilang mga dinamita. Maybe they did consider it, but the cave is not feasible storage for any illegal fishing equipments.

Simon and Juan even agreed, maliit ang daan at delikado. Hindi na rin sila tuluyang bumaba dahil mataas na raw ang tubig. Umabot na sa cave ceiling, so storing items is not feasible. They would need a more elevated cave or a bigger one. They didn't expect a lot kaya hindi rin sila disappointed sa outcome.

Umalis na rin sila sa pagkatapos dahil may oras pa namang natitira. The trip to the next cave was less than thirty minutes via boat and took them at least ten minutes of walking to reach the second cave. Mas malapit kumpara sa unang cave na pinuntahan nila kaya hindi sila nahirapan na tuntunin.

It was almost sunset when they reach the cave at hindi na rin nagsayang ng oras sina Juan at Simon. Ang dalawa ulit ang bumaba sa kweba at mabilis lang din dahil wala rin silang nahanap doon. Maliit lang din daw at basing from the cave's structure, lalagpas daw sa height ng tao ang tubig kapag high tide. Still not a feasible storage.

Pagod na silang lahat kaya nagpasya na silang bumalik ng bangka. Magkatulong na hinatak nila Mateo, Simon, Andrew, at Juan ang bangka palapit sa malaking puno kung saan siya nakapuwesto. Ginawa niyang banig ang mga used sandbags na dala nila. Kasya pa ang dalawang tao roon.

Doon na sila magpapalipas ng gabi at magsasalitan na lamang ng tulog para may maiwang magbabantay. Naghanap din si Juan ng maari nitong talian ng duyan nitong ginawa gamit ng makakapal na kumot na dala nito. Sabi naman ni Simon ay okay na raw ito sa bangka matulog. Si Andrew naman ay hihilig na lang daw ng tulog sa isang puno.

They also made a bonfire dahil malamig ang simoy ng hangin. There were so many driftwoods near the area at boy's scout naman itong mga kasama niya kaya mabilis ng mga itong nasindihan ng apoy ang mga kahoy.

Tahimik at halos tulala na lamang silang kumakain ng dinner sa harapan ng ginawa nilang apoy, madilim na at ang naririnig na lamang nila habang kumakain ay ang marahang hampas ng mga alon sa dalampasigan, paggalaw ng mga dahon ng mga puno, at mga insekto sa gabi.

Ramdam ni Chippy na ubos na ang energy nilang lima at gusto na lang nilang magpahinga pagkatapos kumain. Baka bukas pa ng umaga nila pag-uusapan ang ibang bagay.

Pagod siya, oo, pero sa tingin niya ay hindi pa siya makakatulog agad. Hihintayin niya munang mag-update si Priscilla sa diary nito.

Hindi siya kasama sa magbabantay kaya ang apat lang ang naglaro ng ang 'maiba-taya' na in-introduce ni Simon kay Mateo bilang paraan para malaman nilang apat sino ang mauunang matulog.

Ibinalabal naman ni Chippy nang husto ang kumot sa katawan dahil malamig talaga ang hangin. Pero naaliw siyang tignan ang apat na ilang beses nang itinataas at ibinababa ang kamay dahil laging nagkakamali si Mateo. Hanggang sa ang nanalo ay sina Juan at Simon. Andrew and Mateo lost kaya ang dalawa ang magbabantay muna.

Ang laki pa ng ngisi nila Juan at Simon bago nagkanya-kanyang puwesto sa pagtulog. Ibinalik ni Chippy ang tingin sa diary ni Priscilla. Maya-maya pa ay mga litra nang lumabas sa kanina ay blankong pahina.

Hindi ako sumang-ayon sa kasal na inaalok sa akin ni Mateo. Gustong-gusto ng aking puso ngunit alam kong hindi ako magiging masaya kung itatali ko ang buhay niya dahil lamang sa nangyari sa amin. Inaamin kong may takot sa aking puso sa mga oras na ito. Takot sa hinaharap at posibilidad na maaring magbunga ang gabing iyon. Kahit pigilan ko pa ay alam kong ipipilit ng aking pamilya na maikasal kami ni Mateo lalo na kung may batang nang nabubuhay sa aking sinapupunan.

Ang pagmamahal ko kay Mateo ay hindi naghahangad ng kapalit. Buong puso ko iyong binigay at inamin sa kanya kahit alam kong malabo niya iyong tugunan. Higit sa lahat ay mas mahalaga sa akin ang kaligayahan niya.

Kung maari ay sana hindi magbunga ang gabing iyon.

Natigilan si Chippy, kinilabutan siya sa mga nabasa niya. Priscilla did and say the same thing with him. Alam ni Chippy na sariling utak at emosyon niya ang nagtulak sa kanya para sabihin iyon kay Mateo kanina.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

Because what if Andrew was right? That Priscilla's personality is still my personality at present? That we do have the same mindset on things that leads us in repeating the same decisions and mistakes in each life we experience? The whole reincarnation memories are a total mess up but it has its core memories that connects me to my past self. It's like a muscle memory na hindi ko mapigilan kontrolin kasi pamilyar na pamilyar na ang puso at kaluluwa ko sa pagmamahal na ibinibigay ko lagi sa mga taong mahalaga sa akin – lalo na kay Mateo.

And what if because of that mindset, Priscilla lost Mateo forever? And she is bound to repeat the same thing if she wouldn't change in the present.

"Hindi ka pa ba matutulog?"

Chippy jolts on her seat nang marinig si Mateo. Mabilis na isinarado niya ang diary bago paman ito makaupo sa tabi niya. Kagaya niya ay isinandal din ni Mateo ang likod sa malaking puno. Ramdam niya ang sobrang pagkakalapit nila dahil nagdikit na ang mga braso nila.

"Patawad at nagulat kita."

Napalunok siya, nagkunwari siyang hindi apektado.

"Ang lawak ng lugar Mateo pero dikit ka nang dikit sa akin," pagtataray niya. Hinayaan lamang niya ang diary sa itaas ng kandungan niya. Setting it aside will make him suspicious.

She saw Andrew nearby, nakahilig din sa isang puno at inaaliw ang sarili sa pagguhit ng kung anu-ano sa buhangin.

"Nagtataka lamang ako kung bakit gising ka pa. Masyado nang mahaba ang araw nating lahat para pahabain mo pa."

"Concern?"

"Ayaw ko lamang na magkasakit ka habang hindi pa tayo nakakauwi sa Pueblo de Liloan."

Ilang segundo rin silang natihimik, tanging ang malakas na hampas ng alon at paggalaw ng mga dahon ng puno ang bumabasag sa katahimikang pumapagitan sa kanilang dalawa ni Mateo.

"Talaarawan mo ba iyan?" basag ni Mateo maya-maya.

Napakurap siya, nauna niyang ibaling ang tingin sa mukha ni Mateo bago naibaba ang tingin sa diary sa kanyang mga hita.

"Ah, oo."

"Napapansin kong lagi mong sinisilip ang kwadernong iyan simula kanina. Tila ba ay may hinihintay kang may lumabas mula sa mga pahina riyan."

"Hindi lang 'to basta diary lang. Mahalaga sa akin 'to." But it's not yet the right time for her to reveal what's inside the diary. May iba siyang topic na gusto niyang pag-usapan nila ni Mateo. "Nagbabasa ka ba ng mga romance novels?"

"Hindi, at bakit mo naman naitanong?"

Malamang, Chippy, hindi! Pangmatalino ang binabasa niyang si Mateo.

"Kasi may binabasa ako roon sa bahay. Hindi ko pa natatapos dahil nga sumama ako sa inyo. Medyo magulo lang ang love story ng dalawang bida."

Base sa ekspresyon ni Mateo ay parang interesado ito sa sinabi niya.

"Magulo? Paanong magulo?"

"Well, nagsimula iyon sa isang one-night-stand –"

"Dios mio, Priscilla! Saan mo nakuha ang babasahin na iyan?"

Natawa siya. "Makinig ka nga. At saka, huwag ka nang magtaka, maraming mga librong dala sina Kuya Julian na hindi nila alam ang laman."

"Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan ka lamang nila Julian at Noah na magbasa ng mga ganyang aklat."

"Hindi rin naman nila alam at makinig ka na, huwag puro reklamo. Pero bago ang eksena kung saan may nangyari sa dalawang bida. May minahal muna ang babae nang sobra pero nasaktan siya dahil niloko lang pala siya at ginamit lang. Nalaman niya iyon noong gabing handa na siyang ibigay sa una niyang nobyo ang pagkababae niya."

Nasilip niyang kumunot lalo ang noo ni Mateo, pigil ni Chippy ang matawa ulit. Halata namang nakikinig talaga si Mateo pero halata ring hindi nito nagugustuhan ang nangyayari.

"Pero walang nangyari sa kanila ng diablo niyang ex-nobyo. Tapos, nang makatulog siya ay may narinig siyang mga kaluskos mula sa bintana at akala niya ay may masamang tao na pumasok sa silid niya. Iyon pala, iyong lalaki sa kabilang silid na sumakabilang bakod para takasan ang isang babae na hindi niya gusto."

"Magkapitbahay ba sila? Bakit magkadikit ang mga silid nila?"

"Isang beach resort hotel na may balcony at magkakalapit lang ang silid, puwedeng talunin." Kumunot ang noo ni Mateo. "Parang apartment gano'n. I'm sure alam mo kung anong mukha ng isang apartment style building."

"Saang bansa nakabase ang kwento?"

"Basta hindi sa Pilipinas," she lied. "At iyon na nga, tinulungan ng babae ang lalaki. Itinago niya muna. He keep her company and they talk about so many things – about her life and what happened to her that night. His words were even comforting na feeling ng babae ay matagal na niyang kilala ang lalaki."

Chippy finds herself smiling at the memory. She was supposed to hate that day but she couldn't because Mathieu made it an unforgettable one for her.

"At may nangyari sa kanila?" tanong ni Mateo.

Chippy nods her head. "Oo, isang beses."

"Hindi na sila nagkita ulit?"

"Nagkita, fate has its ways in bringing them back together. The woman was one troublemaker." Yes, sobra. Hindi na ako mag-de-deny. "At sa tuwing napapahamak ang babae ay laging dumadating ang lalaki para sagipin siya. Hindi lang isang beses, maraming beses pa."

"He must have liked her."

"Sa tingin mo?"

Tumango si Mateo. "No man would go a long way for just a mere woman if he didn't have genuine feelings for her." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Hindi mo titiisin ang isang tao kung hindi siya mahalaga sa'yo, Priscilla. There is a thin line between patience and love. You cannot extend your patience if you cannot love deeply."

And he now sounds like Mathieu.

"He did confess he love her at the end," pag-amin niya.

"At anong isinagot ng babae?"

"She said no." Bumakas ang hinanakit sa mga mata ni Mateo. It was the same pain Chippy saw in Mathieu's eyes after she rejected him. "Dahil pakiramdam niya ay hindi niya naman deserve ang mahalin nang sobra. Magulo at komplikado ang buhay niya at marami siyang gustong gawin sa buhay niya. There are so many things that holds her back and she wanted to be free from all of those things."

"Sinabi mong hindi mo pa natatapos ang kwento."

Chippy nods her head, she's trying to conceal the guilt in her eyes dahil pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay si Mathieu ang kausap niya. She hated that she couldn't reven respond to his I love you's that night.

"Hanggang saan lamang ba ang nabasa mo?"

"Hanggang doon sa naghiwalay sila at may nangyaring masama sa lalaki. Nawalan siya ng memorya at hindi na niya maalala ang babae," nahimigan niya ang lungkot sa boses niya.

"I see, revelations are always written at the end part of a story."

"Anong ibig mong sabihin?"

"If I may ask you, Priscilla. Do they really know each other? Did the woman make an effort to know the man? Or did the man in the story make an effort to know his love interest?"

"They agreed not to talk about their private lives with each other. Pero ang babae, marami na siyang naikwento dahil madalas ay hindi siya emotionally stable at kailangan niyang mailabas ang mga bagay na nagpapahirap sa kanya. Mostly her family problems and she become a little dependent on him. But yes, she didn't make an effort to know him and the things that hurts him."

I didn't make an effort to know your pain, Math because I was too focused with my own needs and emotional affirmations. I neglected the idea that maybe you needed someone whom you can rely on.

Ilang segundong hindi nagsalita si Mateo, tila nahulog sa malalim na pag-iisip. And she thinks that she and Mateo had talk too much. Maybe she had overwhelmed him with information – parallel situations that she's hoping will trigger Mateo's present memories.

"Matutulog na ako –"

"Sandali," pigil ni Mateo. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Saglit lamang at may gusto akong sabihin."

"Ano 'yon?"

"Honesty, Priscilla." Nahiwagaan si Chippy sa sinabi ni Mateo kaya lalo siyang napatitig dito. "What lacks in their relationship is honesty... and I know you have seen me ruined because I was not being honest with her."

Alam niyang si Pearlina ang tinutukoy ni Mateo. Tandang-tanda pa rin niya ang pag-uusap ng dalawa. Lalo na ang tungkol sa pagkatao nito. And it makes her wonder if it was also the same thing with Mathieu in present life?

"Magiging tapat ako sa'yo, Priscilla. Marami akong itinatago tungkol sa pagkatao ko at marahil kapag sinabi ko sa iyo ang lahat ay mag-iba ang tingin mo sa akin."

Sa sinabi nito ay lalo nitong pinukaw ang kuryusidad niya sa pagkatao ni Mateo. Gusto niya agad na malaman pero alam ni Chippy na hindi nito agad ipagtatapat sa kanya ang totoo. Pero isa lang ang sigurado siya. She will not make the same decision she had in the present. She will make an effort to know him.

"Then I want us to be honest with each other." 

Si Mateo naman ang natigilan sa sinabi niya. 

"Kung gusto mong pag-isipan ko ang kasal na inaalok mo sa akin ay gusto kong maging tapat ka sa akin Mateo," dagdag niya. "At asahan mong magiging tapat din ako sa'yo. At kung iniisip mong magbabago ang pagtingin ko sa'yo pagkatapos ay marahil hindi mo pa nga ako kilala nang lubusan. Dahil sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang, kung nararamdaman kong totoo ang isang tao sa akin ay hindi ko siya basta-basta pakakawalan."

Dahil iyon ang pagkakamali ko kay Mathieu na hindi ko na uulitin pa. 

Ngumiti siya rito at nang akmang ibababa niya ang tingin ay biglang inangkin ni Mateo ang mga labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro