Kabanata 32
"MAY problema ba?" tanong agad ni Mateo nang makalapit sa kanila, walang kangiti-ngiti man lang sa mukha.
And to be honest, na-te-tense si Chippy sa pagiging seryoso nito. Hindi na bago sa kanya na ganoon talaga ang ugali nito. Mateo is very different from Mathieu.
Mateo is authoritative, silent, and skeptical. Mathieu is loud, approachable, and less intimidating. But Chippy couldn't deny the fact that she sees a resemblance of personality from Mateo in Mathieu's present. Lalo na kapag nagagalit si Mathieu sa kanya.
Mathieu is harsh and straightforward like Mateo. Both of them don't leave any crumbs of empathy whenever they don't see any good thing about a situation. Dati pa niyang nirereklamo kay Mathieu na nakakatakot itong magalit pero tinatawanan lang siya nito lagi. She suddenly remember the day when she lied about her pregnancy. He was so disappointed at her – betrayed and hurt dahil ginawa na naman niya itong escape.
Natigilan si Chippy, naalala niya ang sinabi ni Mateo sa kanya kagabi.
"Bumabalik lamang ako kapag kinailangan."
And she knows that Mathieu feels the same way. Only that, he loves her.
He's enduring all my imperfections because Mathieu loves me. Na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.
Gusto niya tuloy itanong kung anong ginawa niya para mahalin siya ni Mathieu nang sobra.
Because to be honest, she doesn't believe that she deserves that love. But she always finds herself longing for him.
"Wala naman ho, Senyorito," basag ni Andrew. Napakurap si Chippy, nabalik ulit siya sa reyalidad. Itinuon niya ang mukha kay Mateo. "Tinatanong lang ho ni Senyorita Priscilla kung gaano kalayo ang pupuntahan natin ngayong araw." Nagsasalita si Andrew pero ang tingin ni Mateo ay nasa kanya lang.
Napalunok si Chippy.
Ramdam niya bigla ang pag-iinit ng mga pisngi at pagkabog nang malakas ng puso niya. Nanlalamig ang mga kamay niya.
'Langya, Chizle! Bakit ka ba kinakabahan riyan? Eh, bakit kasi ganyan siya makatingin sa akin? Parang inaangkin ako ng mga mata niya.
"Mas makakabuti siguro kung iuuwi na muna kita sa –"
"Hindi!" mabilis na tanggi niya kahit hindi pa natatapos ang sasabihin ni Mateo. "Sasama ako. May narinig ka bang reklamo sa akin? Ang tinanong ko lang ay gaano kalayo. Hindi ko sinabing pagod ako."
"Andres," baling ni Mateo kay Andrew. "Pakiusap, iwan mo muna kami ni Priscilla."
Sandaleeeee! Andrew, huwag mo akong iwanan, pls. I can't do this alone.
Pasimple niyang tinignan si Andrew pero binigyan lang siya nito ng nagbabantang tingin. Gustong-gusto niyang kumapit sa mga braso nito pero ang talas ng tingin ni Mateo – bumabaon.
Napalunok ulit siya.
Sininyasan siya ni Andrew sa mga mata na umayos at huwag magpahalata. Tingin na lagi nitong ibinibigay sa kanya kapag gusto siya nitong itulak sa yate ni Sep.
"Sige po, Senyorito. Senyorita, akin na ho ang iyong mga gamit upang maisayos na ho namin sa bangka."
Hindi nakatakas kay Chippy ang pasimpleng pagtago ni Andrew sa diary ni Priscilla na nasa kamay pa rin nito. Andrew makes sure that Mateo wouldn't find that notebook suspicious. Hinubad niya ang bag mula sa likuran at inabot kay Andrew.
"Salamat, Andres," aniya.
"Walang anuman po, Senyorita. Maiwan ko na ho muna kayo."
Tinalikuran sila ni Andrew at nakita pa niyang ibinalik nito sa bag ang diary habang naglalakad ito sa direksyun nila Simon at Juan. Mabuti na lamang at nakatalikod si Mateo rito kaya hindi nito napansin.
"Priscilla," kuha nito sa atensyon niya.
Naibalik niya ang tingin kay Mateo. "Bakit?"
Chizle, just be yourself!
"Hindi mo pa ako sinasagot tungkol sa kasal na inaalok ko sa iyo."
"Kailangan mo ba ng sagot roon? Sa tono ng boses mo kanina ay parang wala nang makakapagbago sa isipan mo," may inis na sagot niya.
"Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari kagabi? Patawad. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari... sadyang –"
"Gusto mong maging honest ako?"
Lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito, tila ba pilit siya nitong iniintindi. She couldn't help but feel guilty all of a sudden. Yes, she's being difficult and unfair. She has to, dahil hindi sila puwedeng maikasal ni Mateo. Wala iyon sa history ng pamilya nila na may Valdevielso na ikinasal sa isang de Dios–Altagracia. And she doesn't think na itatago iyon ng pamilya niya.
Unang-una, magkakaibigan sina Julian, Noah, at Mateo. Priscilla's family adores him at wala man lang violent reaction ang mga ito sa wagas na pag-ibig ni Priscilla kay Mateo. They scold Priscilla, but they don't dictate her whom to love. Kahit na sa mata ng ibang tao sa panahon na ito ay nakakahiya na mag-first-move ang isang dalaga sa isang binata – lalo na't pareho pa man din na galing sa respetado at mayamang pamilya sina Priscilla at Mateo.
Kaya bakit itatago nila Lolo Xersus ang tungkol kina Priscilla at Mateo kung suportado naman si Priscilla ng buong pamilya niya? Meaning, kahit may nangyari sa kanila ni Mateo ay hindi nabuntis si Priscilla at hindi rin ikinasal... lalo na't maaga siyang namatay.
And I'm not too fond of tragic stories. I don't want to invest in something that wouldn't assure me of happiness. Kaya tama lang na huwag ko nang ituloy ito.
"Mateo, gusto kong maikasal pero hindi sa rason na ganito. Oo, may nangyari sa atin at hindi na ako birhen. Maaring wala nang lalaking gugustuhin pa ako dahil nahawakan at nahalikan na ako ng ibang lalaki pero wala akong pakialam doon. Hindi problema sa akin ang tumandang mag-isa. At malinaw naman sa akin na hindi ako ang mahal mo... at may nangyari lang dahil may kakaiba roon sa manamis-namis na tubig na ibinigay sa atin ni Lolo Nonoy kagabi. Huwag mo akong gawing responsibilidad dahil hindi iyan ang tunay na magpapasaya sa'yo... at higit sa lahat, hindi ako responsibilidad ng kung sino man."
"Responsibilidad na kita simula nang ihayag ko sa buong Puelo de Liloan na hindi ikaw ang dahilan ng kamalasang nangayayari sa kanila," hindi ito nakasigaw pero damang-dama niya ang bawat salitang binitiwan nito.
"Hindi ako nanunumbat ngunit kung tutuosin ay maaari kong bawiin ang mga sinabi ko at hayaan ang mga taong dumugin ka at pagsalitaan nang masama," pagpapatuloy nito. "Hindi tayo mag-kaibigan at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit mahal mo ako... at sa tuwing nagkakalapit naman tayo ay gulo ang lagi mong ibinibigay sa akin ngunit, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang iiwas ang sarili mula sa iyo?!"
The emotions in his eyes remind her of a lost child – weary, confused, and innocent.
Natigilan si Chippy.
Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. She could see and hear Mathieu in him. At nasasaktan siya dahil ganoon ang huling pag-uusap nila noon sa bahay nito. Hindi niya gustong isipin pero malaki ang posibilidad na marahil may pagkakapareho ang buhay nila sa nakaraan nila. Only that it ended tragically in the past.
Pero ganoon pa rin ba sa hinaharap? Will she die too? What will happen to Mathieu? To us?
"Priscilla, hindi na mahalaga sa akin ang kaligayahan ko. Hindi ko ipagsasawalang-bahala ang kaligtasan mo sapagkat nilagay ko na ang sarili ko sa sitwasyon na ito. Magbunga man o hindi ang nangyari sa atin kagabi ay hindi mo na mababago ang aking isipan. Buo na ang pasya kong gawin kang aking asawa."
His eyes are now lit with determination. At sa ekspresyon ng mukha ni Mateo ay tila ba wala nang makakapagbago sa isipan nito. Maliban na lamang kung tutulan ng pamilya niya o hindi kaya ng pamilya nito? Pero sinong pamilya ang hihindi sa isang de Dios? May sumpa mang umaaligid sa kanya ngayon ngunit isa pa rin siyang de Dios – Altagracia. At kapag nalaman ng pamilya niyang may nangyari na sa kanila ni Mateo ay hindi imposibleng ipakasal agad sila.
She had never been so torn like this. Kung noon ay kaya niyang sagot-sagutin sina Mathieu at Mateo. Ngayon ay gusto na lamang niyang umiyak sa inis.
Lord, why? Bakit dito Mo ako ibinalik? Alam N'yo po iyong multiple choice na exam tapos lahat ng choices magkakapareho? Ganoon na ganoon ang feeling. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot. Mas lalong mali kung mag-all-of-the-above ako.
He steps forward. "Priscilla –"
I stop him. "Naiintindihan kita," kalmado niyang salita. Bahala na kung anong lumabas sa bibig niya nang mga oras na iyon. "Pero kung wala kang pakialam sa kaligayahan mo ay ibahin mo ako, Mateo. Mahalaga sa'kin ang kaligayahan mo."
Napansin niyang natigilan ito sa sinabi niya pero hindi niya masyadong pinansin.
Nagpatuloy siya, "Alam mong mahal kita kaya maiintindihan mo ako kung bakit tutol ako sa gusto mo. Sinabi ko na sa'yo at uulitin ko ulit... hindi mo ako responsibilidad at hindi kita itatali sa kasal na alam kong hindi magpapasaya sa iyo."
At huwag kang mag-alala, hindi magbubunga ang nangyari sa atin.
Pero hindi niya na iyon isinatinig pa.
"Priscilla –"
"Mateo, mahalaga ka sa akin lalo na ang kaligayahan mo. Kaya kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi na rin magbabago ang isip ko."
And I hope Priscilla said the same.
Tinalikuran na niya si Mateo at dire-diretsong naglakad sa direksyon ng bangka. Pero hindi nakatakas sa kanya ang biglang pag-iwas ng tingin ng tatlo nang makita siya. Kahit hindi niya hulaan ay mukhang pinapanood silang dalawa nila Juan, Simon, at Andrew.
Hindi naman siguro narinig ng mga ito ang sagutan nilang dalawa ni Mateo at masyadong malakas ang hangin at hampas ng alon sa dalampasigan. Pero kahit hindi siya mag-salita, alam naman niyang sinabi na ni Andrew ang problema niya sa dalawa.
"Patulong." Inabot niya ang isang kamay kay Simon na nakasampa na sa bangka. Hawak naman ni Juan ang tablang hagdan para hindi siya madulas sa pag-akyat niya.
"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Andrew na siyang tumanggap ng isa pa niyang kamay para tuluyan na siyang makasampa sa bangka.
"Hindi. Naiinis ako. Gusto ko nang umuwi."
Tuluyan na siyang naupo sa loob, iyong hindi makikita ni Mateo ang mukha niya. Simon was behind her, sinadya nito yata para matakpan siya.
Ramdam niya ang muling pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay bibigay na ang mga luha niya lalo na't natatamaan nang malakas na hangin.
"Nakatingin pa rin si Mateo sa atin," ni Simon. Nanatili namang nasa ibang direksyon ang tingin nito habang inaayos ang layag ng bangka nila para hindi mahalata na nakamasid ito sa paligid nito.
"Gusto kong umiyak," pag-amin niya.
Naninikip ang dibdib niya at parang may nakabara sa lalamunan niya. Totoo na gusto niyang umiyak. Gustong-gusto niyang ilabas lahat ng frustrations niya. Everything overwhelms her now. Wala na siyang naiintindihan sa mga nangyayari.
"Chi you need to focus," narinig niyang salita ulit ni Simon. "Naikwento na rin ni Andrew sa amin ang nangyari sa inyo ni Mateo at nakausap mo rin daw si Mathieu?"
Tumango siya.
"Juan, distract Mateo for a bit," utos ni Andrew kay Juan.
Tumalima naman si Juan at nakita niyang papunta na ito kay Mateo.
"Iisa lang sila, Si. Mathieu is Mateo. Parang kami ni Priscilla. Hindi lang niya ako maalala. Sinusubukan niya pero parang may pumipigil sa kanya para maalala niya ako."
"And that drink triggered him to remember Chizle," dagdag ni Andrew.
"The drink that we're assuming to be an aphrodisiac drink?"
Tumango sina Chippy and Andrew kay Simon.
"That sounds feasible to me." Nakuha ni Simon ang atensyon nilang dalawa ni Andrew. "If you think about it. You and Math have this strong sexual attraction." Kumunot ang noo niya kay Simon at napansin nito iyon. "I'm not joking." Itinaas nito ang dalawang kamay. "Truth be told and I'd be honest, alam kong hindi lang ako ang nakapansin niyan noon. Chi, you look at Mathieu like you like to eat him alive. The same goes with Mathieu... that's the reason why I couldn't blame Iesus. You keep denying your relationship when you two are too obvious. Good for you, Balti has his loyalty on you."
Lalong kumunot ang noo niya. "Si Ser?"
"Yup. Ser knew even before Aurea and Tor's love blossom in Faro. Alam mo ang isang iyon, lalo na kapag magkasama silang dalawa ni Jam. Walang sekreto sa labas at loob ng Faro na hindi alam ng dalawang 'yon."
"Tangina kayo," hindi niya napigilang mura.
Parehong natawa sina Simon at Andrew.
"But on the brighter side, Chi," pagpatuloy ni Simon. "Why don't you use this moment to lure Mathieu's memories back? I'm not saying you seduce him. Just get to know him so he'll open up. Maybe his memories here could trigger Mathieu. Maybe there are similarities that Mateo and Mathieu can both relate."
She raise an ayebrow. "Bakit ang dami mong alam, Engineer?"
"He's an engineer," sagot ni Andrew. "Complicated things are his field of expertise."
Tawang-tawa si Simon. "Top on my list are Thad's designs."
Napailing na lamang si Chippy. "Alam ba ni Arki ang masidhing galit mo sa creativity niya?"
"Araw-araw kong pinapaalala sa kanya. Unfortunately, hindi niya ako pinapansin." Nawala ang ngiti ni Simon at napalitan ng buntonghininga. "But seriously, Chi, consider it. Kung nangyayari pa rin ang nakaraan kahit nandito tayo ay ibig sabihin lang no'n ay hindi na natin mababago ang kapalaran nila Priscilla at Mateo. Dadalhin at dadalhin nila ang sarili nila sa isa't isa kahit pa hindi maganda ang naghihintay na buhay sa kanila rito."
Simon has a point and I hate the thought of it. I'd rather not remember my past life if ganito lang din. Masakit na patuloy na alalahanin ang nakaraang hindi mo na mababalikan at maitatama. It's tormenting.
"It's an arduous task but we have no option," dagdag ni Andrew. "A desperate situation requires desperate measures."
"Hindi na natin mababago ang nakaraan," Simon adds in a thoughtful manner. "Because changing it always comes with a price."
Faro de Amoré
2021, 6 days passed
"Let me help you." Napasinghap si Amora nang biglang may kumuha ng tray mula sa mga kamay niya na may nakalagay na isang pitsel na tubig at limang baso. Additional sa inihatid na niya kanina sa library.
"Sir Sep!"
Tipid itong ngumiti, hindi nakatakas sa kanyang pansin ang lungkot sa mukha nito sakabila ng ngiti. Anim na araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay wala pa ring balita kina Sir Andrew, Juan at Simon. Sina Chippy at Mathieu ay nasa isa private hospital at hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Siya ang madalas na nagbabantay sa dalawa kapag wala si Doc Vier.
Sakatunayan ay kakauwi lamang niya kaninang alas sais nang umaga para makapagpahinga nang kaunti. Kukuha na rin siya ng bagong damit para sa sarili at para kay Chippy. Si Sir Jam naman ang pumunta sa bahay ni Sir Math para kumuha ng damit. Sasabay na rin siya rito kapag natapos ang meeting ng mga kaibigan nito at ni Boss Iesus.
"How's Chip and Math?" pag-iiba ni Sir Sep.
Mapait siyang ngumiti rito. "Hindi pa rin nagigising."
"They'll wake up soon." Marahan nitong tinapik ang kanang braso niya. Nakakamangha na nagagawa pa rin nitong ngumiti at mag-motivate ng tao kahit na nawawala pa rin si Sir Andrew. "May iba ka pa bang dadalhin sa library ni Sus?"
Umiling siya. "Wala na. Iyan na lang."
Tumango ito. "Okay. I'll go ahead."
Iniwan na siya nito pero sumunod din siya rito pagkatapos ng ilang segundo. Sinugurado lamang niya na hindi siya nito mapapansin. Laging paalala ni Mother Superior na huwag siyang mangialam sa kung ano mang maririnig at malalaman niya habang nagtatrabaho siya sa poder ng anak ni Mrs. Cloudia de Dios.
Hindi naman siya nangingialam at hindi rin naman niya pinagsasabi kahit kina Aurea ang mga nalalaman niya. May pinirmahan siyang kontrata at alam niyang hindi siya mapapatawad ni Boss Iesus kapag nilabag niya iyon. Ayaw niyang madismaya sa kanya si Mother Superior. Babalik siya ng kumbento na walang kahit anong sabit.
For now, her loyalty is with Iesus kahit na sinusubok talaga nito ang pasensiya at kabaitan niya lagi. Isa siyang malaking temptasyon sa kabutihan ng kanyang puso.
Dahan-dahan lamang ang kanyang paglalakad, kung puwede lang hindi huminga ay gagawin niya. Lalo na't mabilis ma-distract ang amo niya. He notices even the faintest noise and discreet actions of people.
Wala pa siyang isang taon bilang assistant nito pero ang dami na niyang napapansin. Isa na nga roon ay hindi pala ganoon ka tanga at lenient ang amo niya. Mukha lang pero alam ni Boss Iesus lahat ng mga nangyayari sa loob at labas ng Faro. Itataya niya ang ginto na mahahanap niya rito sa mansion kapag mali siya pero hindi.
Literal na naglalakad na misteryo ang isang Iesus Cloudio de Dios.
Tumigil lamang si Amora sa gilid ng pinto ng library, madilim nang bahagya ang pasilyo na iyon dahil ayaw na ayaw ng amo niya nang maraming ilaw.
Nasisilaw ang Lolo n'yo. Malapit ko nang isipin na vampire si Boss na nag-evolve over the years. Pokemon? Okay, Amora tama na. Focus!
Dumikit siya nang husto sa pader, bahagyang bukas ang pinto kaya naririnig niya ang usapan sa loob. Mukhang nakalimutan ni Sir Sep na isarado iyon.
"Should we use Thad's item in getting them back?" boses iyon ni Sir Jude.
"Is it safe?" si Atty. Tor naman ang nag-tanong pagkatapos.
Napaisip si Amora.
Item ni Sir Thad? Iyong relo? Pero bakit? Babalik ba sila sa nakaraan? Kasi sa pagkakatanda ko. Iyong item na iyon ay kayang makapag-time-travel. Kaya, why?
"We know they're in 1935 now," it was Ser Balti. "Pero hindi natin alam kung ano ang petsa kung kailan isinulat ni Chippy ang sulat niya kay Iesus."
Sumulat si Chi? Paano? 1935? Shuks! How?
Lumapit pa siya sa may pinto, nakadaop na ang mga kamay sa harapan ng kanyang dibdib.
"Can't we just write them back?" tanong ni Sir Jude.
"We can't write back," boses naman iyon Sir Jam. "We're living in the present, Jude. The only way for us to get there is through Thad's watch... na alam naman nating lahat na delikado."
"Iesus and I can pick any date in 1935 and try our luck," salita ni Sir Thad.
"I find it easy if we do that, so I'm a bit skeptical." Ramdam ni Amora kahit ang kunot-noo ni Sir Hayme habang nagsasalita. "Even if we do find them in 1935. We can't bring Chizle and Mathieu back. Unlike Simon, Juan, and Andrew whose body and soul traveled in time."
"James is right," pag-sang-ayon ni Doc Vier. "There is a higher chance that we can save Simon, Juan, and Andrew, but not Chizle and Mathieu's souls. There should be another way for us to bring them all back."
"Do we have any idea what cursed item brought them there?" Sir Jude asks. "Ser? May ideya ka na ba? Aside from Iesus ay ikaw lang ang pamilyar sa mga missing items."
"Iniisip ko pa kung ano. I highly doubted that it's another time-travel-item. Kahit hindi ko nababasa ang lahat ay hindi naman ako makakalimutan. There's only one item who can travel back in time – iyon ang kay Thad. But this one... this is a mystery to me... hindi ko mahulaan kung anong klaseng bagay ang nagbalik sa kanila sa 1935. Bakit sa taon na iyon at hindi sa taon kung saan maaring buhay pa ang may-ari ng bagay na 'yon?"
"Sus?"
Nalunon niya ang singhap nang lumabas ang mukhang munchkin na pusa ni Sir Juan na si Binig mula sa pinto. Mahabagin! Kamuntik nang mapasigaw si Amora sa gulat lalo na't tumigil si Binig sa gitna ng pinto para tignan siya nang masama.
Luh!
"Umalis ka riyan," nagpa-panic niyang saway sa pusa na walang boses na lumalabas sa bibig. Patay talaga siya kapag napansin iyon ng amo niya. "Please, please, please." Pinagdaop na niya ang mga kamay at lumuhod sa harapan ni Binig.
Mataray na iniwas ni Binig ang tingin at dire-diretsong nilayasan siya. Napahawak siya nang sobra sa kanyang dibdib. Mabilis din siyang tumayo at may pag-iingat na umalis dahil malalagot siya kapag nakita siya roon ng amo niya.
Nadapa pa siya, mabuti at na-i-balanse niya agad ang katawan.
Dios naming lahat! Ngayon lang ako mag-a-agree kay Maha na pangit talaga ka bonding si Binig. Hmp. Sa labas ko na nga lang hihintayin si Sir Jam.
Lumabas ng bahay si Amora at dumiretso sa boardwalk. Nagulat siya nang maabutan niya roon si Ms. LV. Nakatingala ito sa rooftop at tila ba may kung anong sinisilip doon. Marahas ang paraan ng paggamit nito ng cellphone at paglapat no'n sa tainga nito.
"Gaga, saan na ba kasi ang babaeng iyon?!"
"Ms. LV?"tawag niya rito.
Namilog agad ang mga mata nito nang ibaling sa kanya. "Oh? Mor." Ngumiti siya at lumapit dito. Ibinaba nito ang cellphone na hawak. "God, mabuti at may nakita rin akong pamilyar na tao rito. Ang tahimik ng Faro, ah?"
"Busy lang po siguro. Hindi po ba kayo dumalaw kina Au at Mari?"
"Nako, hindi at si Chizle ang pakay ko. Aba'y ilang araw ko nang hindi natatawagan ang babaeng iyon. Kakabalik ko nga lang ng Cebu at may in-organize akong kasal sa Quezon."
"Ang layo po ah."
"Oo, family relative ni Niki. Anyway, nakita mo ba si Chizle?"
Amora, it's just a white lie. Kaya mo iyan. "Ah, hindi po ba nagsabi sa inyo?" Kaso ano ang sasabihin ko? Hindi naman nag-suggest ng kasinungalan iyong amo ko. Kaloka. Lord, help me. "Kasi po... ano..."
Kumunot ang noo ni Ms. LV. "Kasi... ano?"
Ah, bahala na nga.
"Nag-tanan po sila ni Chef."
"Haaaaaa?!" ang lakas ng sigaw ni Ms. LV, gulat na gulat. "Tangina. Wait. Sorry." Wala siyang ibang maisip kasi kapag sinabi niyang kasama nila Boss Iesus o Doc Vier ay magtataka pa rin si Ms. LV kung bakit hindi nito ma-contact si Chippy. "Hindi talaga ako palamura pero...seryoso ba talaga?"
Tumango si Amora. "Opo kaya nga hindi na naman maganda ang mood ni Boss Iesus. Hindi pa rin kasi namin ma-contact si Chi at Chef."
"Walangya ang babaeng iyon. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Para saan at naging magkaibigan kami? Napakatraydor ng gaga."
Mapait siyang ngumiti. "Stress na stress na nga kami rito."
"Aba'y ako rin, na-e-stress sa babaeng 'yon! Kaya pala hindi ko ma-contact? Nakipagtanan na pala." Marahas na napabuga ng hangin si Ms. LV. "My god, Chizle! What had gotten to your head para makipagtanan kay Mathieu?"
Pasimple naman niyang hinugot ang cellphone sa bulsa ng mahaba niyang saya para magkunwaring nagbabasa ng message kahit meme lang iyon sa album niya. Kailangan na niyang umalis bago pa niya maikanta ang mga nalalaman niya.
"Ahm, Ms. LV, mauna na pala ako. Pinababalik na ako sa bahay ni Boss."
"Ah, oo, sige."
"Sige po, paalam."
Akmang tatalikuran na niya ito nang magsalita ulit si Ms. LV. "Ahm, Mor, if I may ask." Ibinalik niya ang tingin dito. "Have you seen Simon?"
Napakurap siya. "Si Sir Simon po?"
She nods her head. "Yes, si Engineer... I remember that I have referred his company to this one client of mine and I can't contact him as well. I was wondering if he's around? Or have you seen him?"
"Hindi ko pa ulit siya nakikita... pero nabanggit ni Sir Thad na bumalik daw ho sa Japan."
"Ah, I see. Nabanggit ba kailan siya babalik ng Pinas?"
Umiling si Amora. "Hindi po eh."
ISLA NG CAMOTES, 1935
Hindi alam ni Chippy kung anong oras na, tinatamad siyang tignan ang oras sa pocket watch ni Priscilla sa kanyang bag. Aside sa marami siyang iniisip ay nanakit talaga ang katawan niya. She's sore from last night lalo na kung matigas na sahig at banig lang ang substitute ng kama ninyo gagawin iyon.
Never again.
She's still thinking about Simon's suggestion and she still haven't decided yet. Ilang beses niyang sinilip ang diary ni Priscilla pero wala pa ring update ang Lola. Mukhang maaga nitong isinulat ang nabasa niya kanina at naputol lang. Halata sa paraan ng pagkakasulat dahil may cliffhanger.
Ito namang si Priscilla hindi na sinagad eh. Isusulat lang naman niya kung pumayag ba siya o hindi sa alok na kasal ni Mateo sa kanya. I'm sure Mateo did offer marriage. Ipapa-rebond ko buhok ni Andrew kapag hindi nag-alok ng kasal si Mateo.
Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na tignan si Mateo. Nasa magkabilang dulo sila ng bangka. Simon on her back, Juan in the center, Mateo, and on his back is Andrew.
When it comes to sailing, sina Andrew at Simon talaga ang may experience. Simon owns a boat and an island resthouse in Sumilon. Si Andrew na sa barko at Alquiza umiikot ang buhay. He and Sep was trained to survive any shipwreck.
Juan, not sure if he can sail, but he is a freediver and an active marine life researcher kapag hindi ito busy sa Juander Pets. Pero pasahero lang naman ito lagi. As what I've heard from Jam. Saka may mga vet doctors naman itong in-hire sa clinic nito kaya marami itong free time to do other things.
At si Senyorito Mateo na kanina pa nakatingin sa kanya pero hindi niya pinapansin. Iniiwas niya lang ang tingin. Ngayon nga ay kinakain na niya ang binalatan niyang indian mango na pabaon ni Lolo Nonoy sa kanila. Ginamit niya ang maliit n kutsilyo niyang dala.
S'yempre ay hindi niya itinatapon sa dagat ang balat dahil kapag ginawa niya iyon ay itutulak siya ni Juan sa dagat.
"Andres, pakisabi nga sa Senyorita Priscilla mo kung iniiwasan niya ako?"
Nasamid siya bigla sa kinakain niyang mangga nang magsalita si Mateo. Ang dalawang linya ng kilay ni Andrew ay nagsalubong nang tuluyan.
"Ha?"
"Sabihin mo ang sinabi ko."
Nagbawas muna ng bara sa lalamunan si Andrew. "Senyorita, itinatanong ho ni Senyorito kung iniiwasan mo raw ba siya?"
Hirap siyang makapag-react dahil naririnig niya ang tawa ni Simon sa likuran niya. Si Juan na nasa gilid ang tingin habang tinitignan ang dagat ay halatang nagpipigil naman ng tawa.
Walangya, Mateo! Ano na naman 'to?
"Paano kita iiwasan sa liit ng bangka natin? Ano? Expandable 'to hanggang sa lumaki na parang Titanic?" iritang sagot ni Chippy kay Mateo. "Juanito, pakisabi iyan sa Senyorito mo." Akmang magsusulat ito sa pansulat nito nang pigilan niya. "Ay huwag na."
"Senyorito, hindi ka raw po niya iniiwasan," si Simon ang nagsalita para kay Juan, halata ang pagpipigil ng tawa nito sa boses.
Kumunot lang lalo ang noo ni Mateo sa kanya.
"Andres, pakisabi ay hindi ako naniniwala."
"Senyorita, hindi raw ho siya naniniwala."
"Hanggat hindi ka lumalapit sa akin. Andres, pakisabi iyon."
"Ikaw na lang lumapit, Senyorito," kunot ang noong sabi ni Andrew.
Napamaang naman si Mateo.
"Kapag ako nainis sa'yo ay ilulubog ko 'to," babala ni Chippy.
"Kalma! Kumalma tayong lahat," pumagitna si Simon. "Mag-aaway, mag-aaway lamang at walang ilulubog na bangka. Nagkakaintindihan po ba tayong lahat? Bangka ko 'to, huwag n'yong pakialaman."
Tawang-tawa si Juan, napapailing naman si Andrew.
"Malayo pa ba tayo?" pag-iiba na lamang niya.
"Malapit na," sagot ni Andrew.
"Senyorita, magpalit nga po kayo ni Juanito," bigla ay utos ni Simon. Pasimple niyang pinanlisikan ng mga mata si Simon na hindi mapapansin ni Mateo.
"Anong problema, Doming?" tanong ni Mateo.
Marahas na naikiling ni Simon ang ulo nito dahil nakaharang siya. "Sino si Doming?"
"Ikaw. Doming Sy, hindi ba?"
Dahil hindi makatawa nang malakas si Juan ay pigil na pigil nito ang tawa para lang walang boses na lumabas mula rito. Yumuyugyog lang ang mga balikat at likod nito kakatawa. Si Andrew na mahirap patawanin ay itinago ang mukha para hindi nila makita ang pagtawa nito.
"Senyorito, Dao Ming Sy. Hindi po Doming Sy."
Mateo's forehead creased. "Mali pala ako ng pagkakarinig. Pasensiya na, Dao Ming... Sy."
Tangina, ang sakit na ng panga niya sa pagpipigil ng tawa. Ang sakit na nga ng katawan ko ta's ganito? Shuta!
"Senyorita, magpalit na ho kayo ni Juanito."
"Oo na!"
"Alalayan mo, Juanito," utos ni Mateo.
Hindi maliit ang bangka, sinabi lang niyang maliit dahil nakikita naman nila ang isa't isa. Malaki-laki iyon, maalog lang kaya ingat na ingat siya at si Juan sa kanya upang ma-maintain ang balance kahit gumalaw sila.
"Hawakan mo ang kamay ko," alok ni Mateo sa kamay nito.
She only glare at him and did not take his hand kaso biglang umalog ng malakas ang bangka dahil sa biglang hampas ng alon. Nabitawan siya ni Juan kaya dumiretso siya sa dibdib ni Mateo. Mabilis na nakapulupot ang mga braso nito kasabay no'n ang pagsinghap nila Juan at Simon. Huli na na nang mapansin ni Chippy na tumilapon si Andrew sa dagat dahil sa kanila ni Mateo.
"Dios mio, Andres!" sigaw ni Simon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro