Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

HINDI alam ni Chippy kung gaano na kalayo ang sinasakyan nilang bangka pero alam niyang maliwanag na sa labas dahil tumatagos na ang sikat ng araw mula sa bahagyang manipis na kumot na ipinantakip ni Simon sa kanya. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang posisyon niya.

She was literally curled like a ball at the back of the boat and she can't even move or stretch. Kumakalam na rin ang sikmura niya at nasusuka na siya sa amoy ng isda. Tinitiis lang niya talaga dahil kapag nalaman ni Mateo na kasama siya ay patay na talaga.

Hindi lang kami mabubukong apat, hihingan pa niyan kami ng mahabang eksplenasyon na hindi niya rin panininiwaalan. Iisipin niyang nababaliw na kami. Talaga ba, Chi? O judgmental ka lang?

Mariin niyang naipikit ang mga mata at napangiwi nang maramdamang nag-cramp na naman ang isang binti niya.

Shuta talaga! Hilong-hilo na nga ako sa alon, dumagdag pa 'to sa alalahanin ko. Ang saya! Ang saya-saya talaga bumalik sa nakaraan.

"Gaano pa ba tayo kalayo?" narinig niyang tanong ni Mateo.

Hindi siya mapapansin nito dahil nakaharang si Juan, alam niya dahil pasimpleng ipinasok ni Juan ang isang kapirasong papel sa ilalim ng kumot para mabasa niya ang sulat nito kanina. Sina Andrew at Simon malamang ang nagsasagwan ng bangka nila.

Alangan namang utusan nila si Senyorito Mateo, 'di ba?

"Sa tingin ko ay dalawang oras pa bago natin makita ang isla," sagot ni Andrew.

"Dalawang oras?" Chippy mouthed hysterically. Parang gusto na lang niyang magpakita kay Mateo at bahala na itong mag-adjust sa existence niya. "Tang'na, buhay pa ba ako after two hours?" naiiyak na niyang reklamo na wala pa ring lumalabas na boses sa bibig niya.

Kahit nahihirapan ay hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang pocket watch niya, pasado alas sais na ng umaga. Alam niyang bandang alas cuatro sila umalis kanina ng Liloan at dalawang oras na pala ang lumipas.

Marahas siyang napabuntonghininga na hindi pa rin nakakagawa nang malakas na ingay.

Dios ko, give me strength. Kung ayaw N'yo Lord, itaob n'yo na lang 'tong bangka namin – ay joke lang po. Chippy, kalma.

"Nga po pala, Senyorito," pag-iiba ni Andrew. "Bakit nagbago ang isip n'yo?"

Suddenly it pique's her interes, bakit nga ba? Come to think of it, matagal-tagal na rin pala siyang hindi updated sa buhay ni Mateo.

"Hindi naman importante ang lakad na iyon... at hindi naman kawalan ang aking presensiya roon."

Oh? Is this related to Pearlina and his brother's marriage? Pamamanhikan kaya ang tinakasan ni Mateo?

"Hindi po ba kayo hinahanap sa inyo, Senyorito?" usisa pa ni Andrew.

Pakiramdam niya ay umiling si Mateo bago ito sumagot. "Madalang akong hanapin sa amin, kapag lamang ako ay nagkamali ay naalala nila ako," naringgan niya ng kalungkutan ang boses nito.

Napaisip si Chippy, napansin na niya iyon sa party. Hindi siya sigurado kung siya lang ang nakapansin pero parang outcast ang dating ni Mateo sa pamilya niya. Ni hindi nga pinaalam sa kanya ang tungkol sa kasunduan na kasal. He seemed so lost after that announcement and none of his family cared about his reaction.

But why is he opening up to Andrew? To us, here? Kung tutuosin ay estranghero pa rin silang maituturing kahit na matagal na nitong kilala si Priscilla if ever nga na aware itong nandito siya in the form of her past self.

"Ngunit, huwag mong ituon ang pansin sa akin, Andres." Mateo paused before speaking again. "Sigurado ba kayong sa Pacijan dumaong ang bangka nila Temyong? Tatlong isla na magkakalapit ang tinutukoy ninyo, sa pagkakaalam ko ay may pang-apat pa nga yata ngunit nasa dulo na iyon ng Pacijan."

Pakiramdam niya ulit ay tumango sina Andrew at Juan.

"Iyon ang narinig namin sa isa sa mga mangingisda na sumama sa kanila," sagot ni Andrew. "Tila may pag-iingat ang paraan ng pagbigkas nila sa nasabing pangalan ng isla."

Maya-maya pa ay may papel na isinilid si Juan sa kumot, mabilis niyang binasa iyon.

Marami siyang iniisip kagabi kaya hindi siya masyadong nag-tanong. By the way, papunta tayo ng Camotes. Gutom ka na ba? –Juan

Taray may interprater ako ng chismis. Pero paano naman ako makaka-reply –

Biglang may gumulong sa ilalim na hugis lapis na gawa sa uling. Manghang-mangha siya nang hawakan iyon.

Naks, ang resourceful.

Nag-sulat siya ng reply kay Juan.

Sigurado kayong dalawang oras? Hello, sinasagwan n'yo lang ang Liloan to Camotes. –Chi

Ibinalik niya ang papel at panulat.

I have visited the place in the present for vacation and if I'm not mistaken it takes at least three hours to reach Camotes island through ferry. How much more kung isasagwan? Nakakaloka, baka ang point ni Andrew ay in two hours ay may makikita na silang isla at hindi in two hours makakadaong na sila? Syet!

"Maraming mas malalapit na isla kung iisipin ngunit umabot sila ng Pacijan," pagpapatuloy ni Mateo. "Nakakapagduda."

"May binanggit rin silang isang kweba," dagdag ni Andrew.

Bumalik naman ang sulat ni Juan.

Di mo sure ~ XD – Juan

"Shuta!" mura niya na walang boses.

Sabi na eh! Hindi sila tanga. I am well aware of how good Juan, Simon, and Andrew's navigation skills are.

Habang nagsusulat ng reply ay patuloy pa rin sa pag-uusap sina Andrew at Mateo.

"Kweba?"

"Opo, binanggit ng isa na hindi puwedeng mapag-iwanan ang bangka nila at baka raw hindi sila makasama sa kweba... ngunit hindi binanggit kung saang kweba at kung anong gagawin nila roon."

"Anong gagawin nila sa kweba?"

Ibinalik niya ang papel at panulat kay Juan.

Ngayon ko gustong pagsisihan na sumama ako sa inyo. – Chi

"Baka doon nila itinatago ang mga hinahanap ninyo?" It was Simon this time. "Hindi ba't sinasabi nilang may kweba rin sa likod ng simbahan ng San Fernando Rey?"

"Totoo na may kweba roon," tugon ni Mateo.

"Anong kwento?" tanong ni Andrew.

"Iyong tungkol sa mga kayamanang nakatago sa sinasabi nilang kweba sa likuran ng altar ng simbahan," pagpapatuloy ni Simon.

She was familiar with that urban tale. Isang underwater cave raw ang likod ng altar ng simbahan at may nagbabantay roon na malaking sea creature kung saan ang sinasabi nilang treasures.

Bumalik na ulit ang papel sa kanya.

OK na sana kaso na miss ka ng Mateo mo. (◔◡◔) – Juan

She grimaced at what she had read.

Luh.

Hindi na muna siya nag-reply dahil gusto niyang marinig ang tungkol doon.

"Matagal nang usap-usapan iyan dito," dagdag ni Mateo. "Sinasabi nilang may malaking isda na kayang lamunin ang isang tao roon – ang kugtong. Sa ibang kwento naman ay isang malaking pugita na nanlilisik ang mga mata ang nakatira at nagbabantay sa mga kayamanang sinasabi nila... sa ibang salaysay naman ay sinasabi nilang isang kalahating tao at isda ang nandoon."

"May nakapunta na ba roon?" It pique's Andrew's interest.

"Marahil ay may sumubok ngunit sa tingin ko ay hindi na pinahihintulatan ng mga taga simbahan ang mga tao roon upang makiusyuso."

"Ngunit hindi imposible," ni Simon. "Hindi naman mabubuo ang kwento kung walang nakita at naririnig ang mga tao noon."

"Kung totoo man ay sana hindi natin makadaupang palad ang nakakatakot na nilalang na iyon," sagot ni Mateo. "Marami nang mga kababalaghang kwento ang umiikot sa Pueblo de Liloan, mas maganda siguro kung hindi na iyon madagdagdan pa."

"Marami na?" ni Simon.

"Isa na ho ba iyong kwento ng mga de Dios?" tanong ni Andrew.

Shit! Walangya, Drew. Spoiler 'to.

Kahit hindi nakikita ni Chippy ay ramdam ulit niyang tumango si Mateo. "Kaunti lamang ang nalalaman ko sa ninuno nila Priscilla sapagkat matagal nang hindi pinag-uusapan dito kung saan galing ang kayamanan ng mga de Dios."

Kahit ako ay hindi ko nga alam lahat eh. Basta ang alam ko, lahat ng kayamanan namin ay pundar lahat ni Lolo Jose Remegio de Dios, ang nag-iisang de Dios na kamukhang-kamukha ni Iesus at pangalawang apo na nagmana ng asul niyang mga mata.

"Ang unang de Dios ay isang mangangalakal na galing sa Espanya at malaki ang koneksyon sa Hari nila noong panahon nito. Sinasabi nilang nalibot na nito ang buong mundo at marami itong mga kayamanan na iniwan dito sa Pueblo kung saan nakatayo ang mansion ng mga de Dios."

"Kayamanan?" ulit ni Simon.

"Mga ginto, diamante, at mga kakaibang bagay raw na nakuha nito sa bawat paglalakbay nito. Ayon sa aking yumaong abuelo ay ang mga bagay raw na iyon ay may kapangyarihan at may dalang sumpa... na siyang dahilan kung bakit namatay nang maaga ang kanyang asawa. Sinasabing ang mga bagay na iyon ay nanghihingi ng buhay at ang dahilan kung bakit maraming mga galyon at maliliit na bangka ang nalulunod sa Pueblo noong panahon na iyon.

"Sinubukan ng mga tao rito na paalisin si Don Jose Remegio de Dios at ang kanyang nag-iisang anak na lalaki ngunit nabigo lamang ang mga tao rito dahil sa proteksyon na ibinigay ng Hari ng Espanya sa kanya. Nanatili ang mga de Dios rito sa Pueblo de Liloan at ipinatayo ng unang de Dios ang parola sa labas ng kanyang mansion."

Did Lolo Xersus missed this part? Kasi to be honest, kung hindi pa lumabas ang unang cursed item ay hindi pa aamin si Iesus sa nalalaman niya. My hypothesis was that, siya lang yata ang pinagsabihan ni Lolo Xersus sa legend ng pamilya namin. If this story resurfaced before, then most men in my family knew about this.

"Gaya nang binanggit ko kanina, hindi na iyon napag-uusapan dito sa Pueblo sapagkat malaki ang respeto ng mga tao rito sa mga de Dios," pagpapatuloy ni Mateo. "Sa loob nang maraming taon ay malaki ang naitulong ng mga de Dios sa mga tao rito. Tunay na mabubuti sila sakabila ng mataas na estado nila sa buhay.

"Ngayon lamang na nabuhay ulit ang kwento dahil sa nangyayaring kamalasan dito sa Pueblo. Isinisisi nila ang kamalasang nangyayari sa mga sasakyang pandagat dito sa unang de Dios at ngayong ilang buwan nang walang huling isda ang mga taga rito ay isinisi nila iyon ngayon kay Priscilla."

So this is Priscilla's story? I admit, wala akong interes sa kwento ng pamilya namin pero sure akong hindi rin ito ikinuwento ni Lolo Xersus. But if this happened in the past, bakit walang ganitong kuwento sa present? Bakit iyong underwater cave at sea creature lang ang pinakasikat? The whirpool, yes, but I didn't dig so much about it.

"Ngunit kung tama ang ang hinala nating may kinalaman ang grupo nila Temyong sa nangyayari ay maari nating malaman kung sino ang taong nasa likuran nila at kung bakit iginigiit nilang ang mga de Dios ang dahilan kung bakit bumalik ang kamalasan dito sa Pueblo."

Bigla ay napahawak si Chippy sa kanyang ilong, nahahatsing siya. Shuta! Pigil na pigil niya ang sarili. Nalanghap na niya yata lahat ng alikabok at amoy ng isda rito kaya nag-aalburoto na.

God, why?

"Kaya ay –"

Malakas na napahatsing siya na siyang nagpatahimik sa lahat. Napangiwi siya nang sobra dahil alam niyang bistado na siya. Shit! Shit! Shit talaga. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa sobrang pagkabuwesit niya.

"Sino iyan?" may paghihinala sa boses ni Mateo. "Andres, Juanito, may iba pa ba tayong kasama rito?"

"Senyorito –"

Inalis ni Chippy ang kumot sa katawan at bumangon mula sa pagkakahiga roon. "Ako," she revealed herself.

Bahala ka riyan, Mateo!

Bahagyang tumabi si Juan upang makita niya si Mateo. Hindi nakatakas sa pansin niya si Ate Kim na nakapatong sa isang balikat ni Juan. Pinanlakihan naman siya ng mga mata nila Andrew at Simon.

Tama na pagkukunawari. Sanay naman itong si Mateo ma-stress kay Priscilla. Isagad na lang natin.

But she gave them a reassuring look that she can handle the situation. Sumabay na lang kamo sila sa kung anong kasinungalingan ang maimbento niya.

This time, itinuon niya ang tingin kay Mateo. Bumakas sa mga mata nito ang magkahalong pagkagulat at pagkalito habang kunot na kunot ang noo.

"Anong ibig sabihin nito Andres at Juanito? Bakit kasama natin si Priscilla? At bakit siya nakabalatkayo bilang isang binata?"

"Patawad, Senyorito –"

"Huwag mo silang pagalitan, ako ang nagpumilit sa kanila na isama ako."

Lalong kumunot ang noo Mateo sa kanya. Nasa gitna ito nakaupo, nasa unahan si Simon, sa kanang bahagi ng bangka, tumigil na ito sa pagsagwan kagaya ni Andrew na nasa kaliwa naman sa likuran ni Mateo na may hawak ding sagwan. Siya na lamang pala ang walang suot na salakot dahil hinubad niya iyon kanina.

"Pinilit? At paano mo nalaman ang tungkol dito, Senyorita?" nahimigan ni Chippy ang sarkasmo sa boses ni Mateo.

Mukhang gustong tapatan ng init ng ulo ni Mateo ang init ng sikat ng araw. Kung malapit lang siguro ang dalampasigan ng Liloan ay baka inihagis na siya nito pabalik.

"At alam ba nila Julian ang pagsama mo rito sa amin?"

Napalunok siya roon. "H-Hindi... pero... nag-iwan naman ako ng sulat sa kanila... At saka, bakit ba? Buhay ko naman 'to. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko."

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Priscilla?"

"Oo, hindi naman ako bingi."

"Alam mo ba ang kapahamakang naghihintay sa iyo rito? Babae ka at mga lalaki ang mga kasama mo –"

Nagpanting ang tainga niya sa babae siya. Well, yes, babae siya pero hindi lang siya basta babae lang. She can do things beyond the normal perception of women in this patriarchal society.

"Saka kilala ko naman sila kaya kumalma ka."

Natutop ni Andrew ang noo. Na gets niya agad ang implication ng sinabi niya. Girl, mas lalo mong pinalala ang lahat. Ikinalma niya muna ang bunganga niya at baka kung ano pa ang masabi niya.

"Ano –"

"Paumanhin, Senyorito," singit ni Andrew. "Kasalanan ho namin kung bakit nandito si Senyorita Priscilla."

Ibinaling ni Mateo ang tingin kay Andrew. Pasimple naman siyang sininyasan ni Simon sa mata na manahimik. Tinapik naman ni Juan ang balikat niya sabay lapat ng isang daliri sa labi nito.

"Kung naalala n'yo ho, nabanggit ho namin noon na may dalagang nagtulong sa amin para makahanap ng trabaho. Hindi ko nasabi kung sino iyon dahil nawalan ako ng pagkakataon na sabihin ang kanyang pangalan... at hindi na rin naman natin napag-usapan ulit sapagkat marami na ho ang nangyari at nawala na rin sa isipan ko. Malaki rin ho ang utang na loob namin kay Senyorita Priscilla kaya hinayaan na lamang namin na sumama siya gayo'ng ang sabi n'yo naman ay hindi kayo sasama."

Nag-acting-workshop ba 'to si Drew? Galing ah.

Ibinalik ni Mateo ang tingin sa kanya, hindi siya nagbaba ng tingin.

"Kung ganoon ay siya ang binibining nagsabi sa inyo na mamasukan sa hacienda?"

Tumango sina Andrew at Juan.

"Opo," sagot ni Andrew.

Pero kakaiba ang tingin ni Mateo sa kanya, may pagdududa. Parang iniisip nitong sinadya niyang i-refer ang dalawa sa kanya para may spy siya. Well, technically, iyon nga ang goal nilang tatlo.

"Kapag nakarating kina Julian na magkasama tayo ay iba ang iisipin ng pamilya mo sa ginawa natin –"

"Walang makakaalam, naka-disguise nga ako, 'di ba?"

"Sana nga lamang ay walang taga Pueblo de Liloan sa isla na pupuntahan natin kung hindi ay iisipin nilang nagtanan tayo –"

Sabay-sabay na inihit ng ubo sina Simon, Juan, at Andrew.

Napamaang naman siya. "Excuse me, naka-move-on na po ako sa'yo."

Naningkit ang mga mata ni Mateo. "Move on?"

"Ang ibig sabihin noon ay tuluyan ka nang nilimot ng puso ko," mataray niyang sagot.

"Ano't may dating magkasintahan pala tayo ritong kasama?" nakangising panunukso pa ni Simon sa kanila na sabay nilang kinontra ni Mateo.

"Hindi!" sigaw niya.

"Hindi kami magkasintahan," kalmadong sabi ni Mateo.

"Dating magkasintahan po ang sinabi ko Senyor," pang-aasar pa lalo ni Simon. "Dati po."

"Mali ka ng iniisip, kailanman ay hindi kami nagkaroon ng relasyon."

Pasimple namang ipinakita sa kanya ni Juan ang kapirasong papel ng mga sulat nila kanina na tinupi niya hanggang sa isang phrase na lang ang mababasa niya.

Di mo sure ~ XD – Juan

Gagi!

Pasimple niyang hinampas ang likod nito, pigil na pigil naman ang tawa nito.

"Juanito, may nakakatawa ba?" seryosong tanong ni Mateo.

Umiling si Juan at nag-thumbs-up lang pagkatapos.

"Ngunit, Senyor," salita ulit ni Simon. "Laging sinasabi ng aking lola na huwag na huwag ho tayong magsalita ng patapos sapagkat baka ang dating kinaiinisan natin ngayon ay siyang iibigin pala natin nang lubos."

Ngayon niya gustong sikmuraan si Simon.

Nakatingin naman sa kanya si Mateo, titig na titig. Hala, siya, ba't ka ganyan makatingin? Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nag-iinit ang mga pisngi niya. Pigil niya ang mapahawak sa kanyang mga pisngi at baka lalo siyang tuksuhin ng Hapon. Hindi. Hindi, Chizle, sunburn lang iyan. Pati ang puso niya ay hindi mapirmi sa pagtibok.

"Gutom na ako," basag ni Andrew.

And she was saved by that, iniwas na rin ni Mateo ang tingin sa kanya. Pero iyong kaba sa puso niya ay nandoon pa rin.

Puso ko ba 'to o puso ni Priscilla? Paano kung both? Syet.

"Kaya lang ay kulang ang baon naming dala," ni Andrew.

"Huwag n'yo na akong isipin," tugon ni Mateo. "Ibigay n'yo na lamang ang parte ko kay Priscilla."

"Senyorito, wala rin ho kayo."

Naglapat ang mga labi ni Mateo sa pagkapahiya. Lihim naman siya natawa. Ang cute lang ng ekspresyon ng mukha nito – very Mathieu.

Pero in all fairness, willing manghina sa gutom para sa'yo, girl. Hay nako, eme lang niya iyan. Natural sa mga oldies na lalaki ang magpaka-gentleman.

"Tatlo lang ho ang inihanda namin," dagdag pa ni Andrew.

"Meron ako." Nag-taas siya ng isang kamay. "May dala akong pagkain." Inabot niya ang bag nadala. "Kahit mabigat sa loob ay willing naman akong i-share ang blessings ko."

"Hindi na lamang –"

"Ay, sus! Arte-arte. Hindi ka maililigtas ng pag-iinarte mo, Mateo. Kumain ka dahil malayo pa tayo." Pinaabot niya kay Juan ang itinabi niyang tinapay na nakasilid sa isang papel na lalagyan. "You're welcome." Ngumiti pa siya.

Nakangiting bumuga ng hangin si Simon. "Ang pag-ibig ay sadyang ganyan," simulang kanta nito pagkatapos, halatang nanadya. "Tiwala sa isa't isa ay kailangan... Dati mong pag-ibig ay wala akong pakialam. Basta't mahal kita kailan pa man..."

Ibinaling ni Mateo ang tingin kay Simon. "Ngayon ko lamang narinig ang kantang iyan."

"Maganda po ba? Kanta po iyan sa'kin ng Lola Sharon ko."

Nasamid si Andrew habang kumakain ng tinapay at inihit ng ubo.

Walangya, Simon!

Pigil na pigil naman nila ni Juan ang tawa.

Loko talaga!







BANDANG alas nuebe na ng umaga nang makarating sila sa isla. Mainit pero nakapagtataka na hindi gaanong masakit sa balat. Ibang-iba ang Camotes sa panahon na ito, isang paraiso na maituturing.

Pagkarating nila ay hindi niya napigilan ang sobrang pagkamangha, napakaputi ng buhangin, napakalinaw ng tubig, nakikita niya ang mga maliliit na isda sa ilalim. Buhay na buhay ang kulay ng mga puno at halaman sa paligid at napakapresko ng hangin.

Tila musika ang tunog nang marahang hampas ng alon sa dalampasigan at ang bawat paggalaw ng mga dahon ng puno sa hangin. May mga ibon din siyang naririnig at tawanan ng mga batang naghahabulan sa dalampasigan.

Walangya, beach person ako at halos nalibot ko na lahat ng magagandang beach, lake, river, at falls sa Pilipinas pero shuta, ibang-iba ang beach talaga sa panahon na ito. Unspoiled and very pristine. Ang sarap kunan ng picture o video pero kung dala lang niya ang cellphone niya talaga.

"Ang ganda talaga," nakangiting usal niya.

Nasa unahan sina Mateo at Andrew, may kung anong pinag-uusapan. Si Simon naman ay patingkayad na naupo sa isang tabi, pasimpleng inilabas ang isang maliit na bote at nilagyan ng buhangin ang dala.

"Hoy!" sita niya rito.

Naniningkit ang mga mata na tinawanan lang siya nito. "Souvenir," he mouthed.

Pasimpleng inilapit ni Juan ang mukha sa tainga niya. "Some good things in the past," bulong nito sa kanya, ramdam niya ang pagngiti ni Juan habang sinasabi iyon.

"Kung sana napi-preserve ang ganda nang maraming taon," tugon niya.

Kaso sa dami ng mga pagbabago sa hinaharap at modernisasyon, isa-isa na ring nasisira ang mga ganitong yaman sa Pilipinas. Lucky for those places who treasures these natural resources like their own child.

Marami mang stress ang na-experience niya sa panahon na ito. Alam niya naman na kapag nakabalik na siya sa present ay magiging core memories niya ang mga nakita at napuntahan niya rito.

Lumapit na sa kanila si Simon, naglalakad na rin sa direksyon nila sina Andrew at Mateo.

"Maghanap muna tayo ng mapagtatanungan," basag ni Mateo. "Lahat tayo ay hindi pamilyar sa isla... mahirap para sa ating tuntunin ang mga nakatagong kweba nila rito."

Nasundan ni Chippy ang paggala ni Simon ng tingin sa paligid. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga nakadaong na bangka. May mga kababaehan din na naglalako ng mga gulay. Halos mga bata lang din ang nandoon.

"Sa tingin ko ay dapat matatanda ang pagtanungan natin," suhestyon ni Simon. Maya-maya pa ay may matandang lalaking mag-isang tinutulak ang bangka nito sa dalampasigan. "Sandali lang." Iniwan sila ni Simon para tulungan ang matanda, sumunod din sina Juan, Andrew, at Mateo. Magkatulong nilang itinulak palapit sa dalampasigan ang bangka ng matanda.

Lumapit na rin siya sa mga ito kaya natitigan niyang hindi pa pala masyadong matanda ang lalaki. May mga puting buhok lang ang bahagyang kulot nitong mga buhok pero mukhang malakas pa naman ito.

Hindi ito masyadong katangkaran, payat din ito, at morenong-moreno ang balat dala na rin siguro sa madalas na pagbibilad nito sa sikat ng araw sa pangingisda.

Kulay pula ang lumang kamisa de chino na suot ng matanda at brown naman ang pantalon na halatang pinaglakihan na dahil kinulang na sa tela ang sa paanang parte. Isang simpleng itim na tsinelas lamang ang suot ng matanda.

"Hay salamat kaayo ninyo mga Dodong," nakangiting sabi ng matanda.

'Salamat sa inyo mga, hijo.'

Bumakas sa mukha ng matanda ang relief, mukhang pagod na pagod ito sa pangingisda.

"Walang anuman po," sagot ni Simon. "Kayo lang po ba mag-isa?"

"Ako na lamang mag-isa simula nang mangibang-bayan ang aking nag-iisang anak na lalaki kasama ng kanyang asawa." Isa-isa naman silang tinitigan ng matanda pagkatapos. "Matagal na ako rito ngunit ngayon ko lang kayo nakita rito. Dayo ba kayo?"

"Kakarating lang ho namin, sakatunayan ay may hinahanap lang ho kami ngunit... hindi pa namin alam kung saan magsisimula," sagot ni Mateo na nakatayo sa tabi niya.

Natuon tuloy ang tingin ng matanda sa kanilang dalawa, ngumiti ito. "Mag-asawa ba kayo?"

Namilog ang mga mata ni Chippy. Paano nito nakilala na babae siya? Nakasuot pa rin naman siya ng panlalaki at nakatago pa rin ang buhok niya sa loob ng salakot niya sa ulo.

"Po?" ni Mateo.

"Magkamukha kasi kayo," nakangiting baling ng matanda kay Mateo. "Ganoon din kami ng aking pinakamamahal na asawa."

Pasimple naman niyang tinignan ang mukha ng apat, lalo na si Mateo. Mukha itong nag-isip ngunit sandali lang dahil nagsalita ulit ito.

"Tama po kayo, mag-asawa ho kami."

Nasamid siya bigla sa sariling laway pero mabuti at hindi siya inihit ng ubo.

Hoy, Mateo, ano 'to?! Anong mag-asawa? Promoted relasyon natin lagi, ah?

Lalong napangiti ang matanda. "Sinasabi ko na nga ba. Kailanman ay hindi pa ako nagkakamali sa mga nakikita ko. Nag-aalab ang tingin n'yo sa isa't isa."

Ano iyon may sparks?

Ibinaling naman nito ang tingin kina Juan, Simon, at Andrew. "Nakakatuwa at iba-iba ang mga mukha ninyo."

Tawang-tawa si Simon sa sinabi ng matanda. "Iba-iba ho ang ama."

Tumango-tango ang matanda, aliw na aliw pa rin sa kanila. "Nga pala, ako si Nonoy. Tawagin n'yo na lamang akong Lolo Nonoy."

"Hindi pa naman po kayo mukhang Lolo, Kuya Nonoy," sagot ni Simon.

Natawa ang matanda. "Matanda na ako, anak, at mas kilala ako rito bilang Lolo Nonoy."

"Ah, kung ganoon... Lolo Nonoy, ako po pala si Jerry," pakilala ni Simon.

"Jerry," ulit nito.

Ngumisi si Simon. "Opo, Jerry Yan. Hindi dito. Hindi roon. At hindi rin ito. Kung hindi Jerry Yan." Pigil na pigil nilang dalawa ni Juan ang matawa. Shuta ka talaga, Simon! "At ang pangatlo namin," turo ni Simon kay Andrew. "Si Sergio." Nanlaki nang sobra ang mga mata ni Andrew. Simon ignored him. Isinunod nito si Juan. "At ang bunso namin na si Fernando."

Mabilis na nagsulat si Juan sa sulatan nito at ipinakita sa matanda.

Fernando Po ͜ʖ ͡•)

Isa ka pa, Ryuu Juan Song!

"Hindi ho siya nakapagsasalita," dagdag ni Simon.

"Jerry Yan, Sergio, at Fernando Po," isa-isang usal ng matanda, dili pinapamilyar ang mga pangalan nila.

Nagsulat ulit si Juan at ipinakita sa matanda.

Fernando Po Jr. (¬¬)

Sumasakit na ang pisngi ni Chippy kakapigil ng tawa.

Yawa ka talaga, Juan!

"Matias po," pakilala ni Mateo sa matanda. "At si Maria," pakilala naman ni Mateo sa kanya. Shuta, ang banal ng pangalan ko rito.

"Kung ganoon ikaw ang panganay, hijo?"

Tumango si Mateo. "Opo."

"Nakakatuwa. At matagal na ba kayong kasal nitong magandang asawa mo?"

"Bago lamang po kaming kasal."

Wow ang taray ng storytelling natin dito, Mateo ah.

"Magandang umaga po, Lolo Nonoy," nakangiti niyang bati.

"Ano't nakasuot ka ng panlalaking damit, inday?"

"Malayo ho kasi ang pinanggalingan namin Lolo at mas komportable ho ako sa damit na ito," she explained.

"Lolo Nonoy, malapit lang po ba ang bahay n'yo rito?" singit ni Simon.

"Ah, oo. Malapit-lapit lamang rito sa dalampasigan. Kumain na ba kayo? Nabanggit ninyong may hinahanap kayo... baka ay matulungan ko kayo."

Nagkatinginan silang lima at pareho-pareho yata rin ang naisip nila. Matagal na si Lolo Nonoy rito sa isla kaya malamang mas alam nito ang pasikut-sikot sa isla.

"Hindi ho ba abala sa inyo, Lo?" ni Simon.

"Nako, iyan ay hindi magiging abala sa akin. Mabuti pa't sumama na lang muna kayo sa akin at tayo'y mananghalian. Pag-usapan na rin natin ang tungkol sa hinahanap ninyo... sa tingin ko ay matutulungan ko kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro