Kabanata 28
NAIANGAT ni Mateo ang mukha sa direksyon ng pintuan ng opisina niya nang marinig ang katok mula sa labas. Kahit hindi niya tanungin kung sino ang nasa likod ng pinto ay alam na niya agad kung sino ang mga 'yon.
"Bukas iyan," sagot niya.
Bumukas ang pinto at pumasok sina Andres at Juanito. Agad na yumuko ang dalawa, nakababa ang mga salakot sa harapan. Pinaningkitan ni Mateo ng mga mata ang magkapatid. Iniwan lang siya ng dalawang ito sa merkado at hindi na binalikan. Umuwi pa na madilim na. Mag-isa niyang bitbit ang dalawang bayong na pinuno niya ng mga rekado.
"Magandang gabi po, Senyorito," basag ni Andres.
Nag-angat na ng mga ulo ang dalawa sa kanya.
Tumuwid si Mateo ng upo mula sa likuran ng kanyang lamesa. "At saan kayo galing?"
"Kinausap lamang po namin ang anak ni Mang Simon."
Kumunot ang noo ni Mateo. "Mang Simon?" Naikiling niya ang ulo sa kanyang kanan. "Kung tama ang pagkakatanda ko ay siya ba ang matandang nangakong bibigyan kayo ng trabaho rito sa Pueblo de Liloan?"
Tumango ang magkapatid.
"Opo, Senyorito. Anak n'ya po ang nakasalubong natin kanina."
"Isang Sangley o Tsino pala ang tinutukoy ninyong Mang Simon," pagkumpirma ni Mateo, sapagkat hindi naman mukhang Pilipino ang lalaking nakasalubong nila roon sa merkado.
Tumango ulit ang dalawa.
"At... anong dahilan ninyo't hindi na ninyo ako binalikan kanina?"
"Kinausap ho namin at tinanong kung na saan ang kanyang ama ngunit ang tugon lamang niya sa amin ay hindi niya alam. Matagal na raw ho niyang hindi nakikita ang kanyang ama at kasalukuyan na siyang nagtatrabaho sa isang kainan dito sa ating lugar, Senyorito."
Naglapat ang kanyang mga labi, tinitigan niya ang dalawa. Tunay na masakit sa ulo ang dalawang ito ngunit hindi niya rin maipagkakaila na malaki na ang naitulong nila Andres at Juanito sa kanyang pag-iimbestiga sa grupo nila Temyong. Inaasahan niyang magiging tapat ang magkapatid sa kanya kaya palalagpasin na lamang niya ang ginawa ng dalawa kanina.
Bumuntonghininga siya. "Huwag n'yo na lamang uulitin ang ginawa ninyo kanina," tugon ni Mateo. "Magpaalaam kayo sa akin nang maayos at pahihintulutan ko naman din kayo."
"Salamat at pasensiya na ho, Senyorito. Hindi na ho mauulit."
Mabilis na nagsulat si Juanito sa sulatan na lagi nitong kwintas at iniangat iyon upang makita at mabasa niya.
(ಥ﹏ಥ) (シ_ _)シ ( ˘ ³˘)♥
Lalo lang kumunot ang noo ni Mateo dahil hindi niya naiintindihan ang mga iginuhit na Juanito.
"Anong ibig sabihin niyan, Juanito?"
Sinilip ni Andres ang ginawa ni Juanito. "Salamat." Ibinalik ni Andres ang tingin sa kanya. "Iyon ho ang ibig sabihin ng mga iginuhit niya."
Ngumiti si Juanito at muli na namang itinaas ang mga kamay sa harapan ng kanyang dibdib upang gawin ang lagi nitong ginagawa na sinasabi niyang hugis puso.
Napailing na lamang si Mateo.
Kakaiba man silang maituturing Mateo ngunit tandaan mong sila lamang ang tutulong sa iyo ngayon at ang tanging mapagkakatiwalaan mo.
Muli siyang napabuntonghininga.
Endure it, Mateo.
"Lumapit kayo at may pag-uusapan tayo." Tumalima agad ang dalawa at inakupa ang dalawang bakanteng upuan sa harapan ng kanyang mesa. "Tungkol kay Temyong," pag-iiba niya. "Anong balita roon?"
"Nabalitaan namin na papalaot ang grupo nila mamayang alas cuatro nang madaling araw. Susubukan namin silang sundan na hindi nila kami mapapansin, Senyorito."
Sumeryoso ang kanyang mukha. "Magagawa n'yo ba iyon nang hindi nila kayo mapapansin? Kahit sino rito sa Pueblo de Liloan ay alam ang hitsura ng ating mga bangka. Lahat ng pamilya rito ay may sagisag na iginuguhit sa kanilang mga bangka upang maiwasan ang nakawan."
"Alam ho namin, Senyorito. Nagawan na ho namin iyan ng paraan."
Naningkit ang mga mata ni Mateo. "Sa anong paraan, Andres?"
"Nakahanap ho kami ng bangka na uupahan at pumayag naman ho ang may-ari."
"Sinabi n'yo ba na sa akin kayo naninilbihan?"
Umiling ang magkapatid.
"Hindi ho, Senyorito," sagot ni Andres. "Ang sinabi lamang ho namin ay nasira ang aming bangka at uupahan muna namin iyon upang makapangisda habang pinapaayos namin ang aming bangka."
Pinigilan ni Mateo ang mapangiti nang sobra, tunay siyang namamangha sa klase ng pag-iisip ng magkapatid. Kahit hindi niya utusan at paalalahanan lagi sina Andres at Juanito ngunit nagagawa nila nang maayos ang kanilang mga trabaho.
"Mabuti, nararapat lamang na walang makaalam sa ginagawa natin. Hindi maaring malaman nila Temyong ang lihim na pagmamatiyag natin sa kanila."
"Opo, Senyorito."
"Bueno, mag-ingat kayo bukas. Umuwi kayo ng hacienda ng ligtas."
Mabilis ulit na nagsulat si Juanito bago iniangat ang sulatan nito sa kanya.
puwede po bang scrambled egg ang almusal bukas?
Kumunot ulit ang noo ni Mateo. "Scrambled egg?" Pamilyar siya sa proseso ng paggawa ng tinutukoy ni Juanito na pagkain. Ngunit naisip niyang, limitado lamang ang mga bansang may alam ng salitang iyon.
Saan narinig ni Juanito ang scrambled egg?
"Juanito," mahinang sita ni Andres sa kapatid at sinubukan pang agawin ang pansulat ni Juanito nang magsulat ulit ito. "Juan –" Ngunit mabilis talagang magsulat si Juanito.
Muli nitong iniangat ang sulatan nito.
ginisang itlog na may kamatis, asin, at paminta :D
Sa pagkakataon na iyon ay naagaw na ni Andres ang pansulat ni Juanito at kamuntik pang mahulog sa kinauupuan sapagkat may puwersa ang paghatak ni Andres sa pansulat at nang bitiwan ni Juanito ay bahagya itong tumilapon.
Narinig pa niya nang mahinang pagmumura ni Andres.
Napailing na lamang si Mateo.
"Kakausapin ko ang punong tagaluto mamaya bago ako matulog. Iyon lamang ba ang nais mo para bukas?"
Inagaw muli ni Juanito ang pansulat sa kapatid at nagsulat.
at unli-rice XD
"Un-li.. rice?" kunot ang noong balik tanong niya.
"An-li rice po, Senyorito," pagtatama sa kanya ni Andres. "Iyan po ang tawag sa isla kapag ho humingi kami nang maraming kanin."
Namamangha talaga siya sa mga nalalaman niya tungkol sa magkapatid, pati ang lugar kung saan naninirahan sina Juanito at Andres ay tunay na kakaiba rin.
"Tunay na kakaiba ang mga salitang ginagamit ninyo sa inyong lugar."
"Marami ho kasing mga banyaga ang nagbababa ng mga kalakal nila sa aming isla at maraming mga salita ang nabubuo dahil sa hindi pagkakaunawaan."
"Tama nga naman. Habang tumatagal ay marami nang mga salita ang nabubuo at nadadagdag sa ating mga salita."
"Tama ho, Senyorito."
Isa na nga roon ang salitang madalas na lumalabas sa bibig ni Priscilla. Pinupukaw ng salitang iyon ang kuryusidad niya.
"Shuta ka," bigla ay usal niya sa kawalan.
Napansin niyang natulala sina Andres at Juanito nang marinig ang sinabi niya. Hindi kaya? Muli siyang umayos ng pagkakaupo, inilapit niya nang bahagya ang mukha sa dalawa.
"Alam n'yo ba ang kahulugan ng mga salitang iyon? Shu... Shuta ka..."
Inihit ng ubo si Andres, tawang-tawa naman si Juanito. Kumunot lang lalo ang noo niya. Mas tumibay ang kutob niyang alam ng dalawa ang kahulugan ng mga salitang iyon.
"S-Sino... ho... ba ang nagsabi niyan sa inyo, Senyorito?" tanong ni Andres, bakas ang mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata dahil sa tindi ng kanyang pag-ubo kanina.
"Si Priscilla... hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon... marami na akong bansang napuntahan ngunit... hindi ko maalalang may gumamit ng salitang iyon."
Muling nagsulat si Juanito at iniangat ang sulatan para sa kanya.
shuta ka = mahal kita (^_^)<3
Siya naman ang nasamid sa sariling laway at inihit ng ubo.
NAPABALIK si Chippy sa pintuan nang may mapansin siyang bata na nakatayo sa labas. Papunta sana siya ng kusina para hanapin si Amara nang matigilan siya. Kamuntik na siyang maloka, akala niya ay multo.
"Pol?" Si Lolo Pol nga ang nasa labas. Pero anong ginagawa ni Lolo Pol sa hacienda ngayon? Tuluyan na siyang lumabas ng bahay at bumaba sa hagdan sa harapan. "Nakakaloka! Akala ko multo, ikaw lang pala 'yan?" Nakatawa niyang sabi.
Itong si Lolo Pol bigla-bigla na lang sumusulpot sa hindi malaman na dahilan.
Ngumiti ang batang Pol. "Magandang umaga po, Ate Pri."
Napangiti si Chippy at binati rin ang bata. Kahit papaano ay nakalma na niya ang sarili. "Nandito ka?" Naigala niya ang tingin sa paligid. "Nandito ba ulit ang nanay mo para maglabada?"
Tumango si Pol. "Opo, Ate, kinuha na po siyang katiwala rito sa inyo. Hindi na po kasi makakabalik si Aling Leleng dahil lumala po ang sakit. Nandito po kami ni Nanay araw-araw, uuwi lang daw po kami sa Guadalupe tuwing Sabado at Linggo."
"Ay, gano'n ba? Paano naman ang tatay at lola mo?"
"Si Tatay po ang nag-aalaga, Ate. Siya rin po ang tumatao ngayon sa pagawaan ng mga upuan at mesa namin. Tumatanggap pa rin po si Tatay ng mga gustong magpagamot sa kanya. Kailangan lang po mamasukan ni Nanay para may pandagdag kami sa gastusin sa bahay at panggamot kay Lola. Matumal din po kasi ang nagpapagawa gamit sa amin."
Ah, kaya pala.
"Teka, kumain ka na ba? Ang Nanay mo?"
"Nag-almusal po kami kanina sa bahay. Hinihintay ko lang po matapos si Nanay sa mga labada niya. Tutulong po kasi ako sa pagbubunot ng mga patay na halaman at damo mamaya sa kanya. Sabi po ni Senyorito Julian ay babayaran niya rin daw po ako sa bawat pagtulong ko sa mga trabahador po ninyo sa hacienda ngunit hindi naman po niya akong iniobliga. Libre raw po ang pagtira at pagkain ko rito."
Hindi niya napigilan na guluhin ang buhok ni Pol, napangiti siya sa narinig niya mula sa bata. At least, hindi naman pinagtatrabaho ni Julian ang bata. Pero hindi niya rin naman mapipigilan si Pol na kumita kahit papaano para may maipandagdag sa gastusin ng mga ito sa bahay.
Ikukwento ko talaga 'to kay Aurea pagbalik ko. At saka, iinggit ko siyang nahawakan ko ang buhok ni Lolo Pol sa ulo.
"Alam mo, hindi mo naman kailangang magtrabaho ng mabibigat. Bata ka pa, at saka marami naman kaming tauhan sa hacienda."
"Pero kasi, Ate –"
"Ganito, kakausapin ko si Kuya Julian na kung maari ay samahan mo na lang lagi si Xersus sa pag-aaral at paglalaro. Wala rin naman kasing ibang bata rito sa hacienda na nakakalaro ng batang 'yon. Tapos, para kumita ka kahit papaano. Ako na lang ang magbibigay sa'yo ng allowance."
"A-A-la-wans po?"
Tumango si Chippy. "Oo, baon. Para may panggastos ka pero puwede mo rin namang ipunin ang ibibigay ko sa'yo."
Hindi naman iyon problema dahil marami akong nakitang pera sa kwarto ni Priscilla. Bahala na siyang mag-adjust, pagbalik niya.
"Matututo ka pa at maaliw," dagdag niya.
Napangiti si Pol. "Talaga po, Ate? Makakapag-aral po ako kasama ni Senyorito Xersus?" Sunod-sunod na tumango si Chippy. Pero sandali lang ang saya sa mukha ni Pol at napalitan agad ng lungkot at pag-aalala. "Kaso po, Ate Pri... baka po ayaw akong makasama at makalaro ni Senyorito Xersus."
"Ano ka ba? Hindi 'yan. Mabait ang batang 'yon. Sigurado akong makakasundo mo siya. Kaya huwag kang mag-alala, akong bahala sa'yo." Inakbayan niya ang bata. "Halika, samahan mo na lang ako sa kusina –"
"Ay, nga po pala, Ate."
"Hmm?"
May kung anong hinugot si Pol sa sa bulsa ng lumang shorts niyang suot. "Magkatulong po naming ginawa ito ni Lola."
Inilabas ni Pol ang isang orange beads bracelet na kapareho ng bracelet nila Aurea at Mari. Natuon ang tingin niya roon, hindi niya maintindihan ang nararamdaman nang mga oras na iyon pero may kung anong puwersang humahatak sa kanya mula roon. Nangingilabot siya na hindi niya mawari.
"Nabanggit ko po kasi sa kanya ang nakita ko mula sa inyo. Sinabi po niyang gawan ko raw po kayo nang ganito. May dasal na rin po iyan ng Lola ko." Inabot sa kanya ni Pol ang bracelet. "Ililigtas ka po ng pulseras na iyan sa kahit anong kapahamakan." Nag-angat ng mukha si Pol at binigyan siya ng ngiti. "Espesyal po iyan, Ate Pri, sabi ni Lola ay dadalhin ka raw po niyan sa mga bagay at tao na makakatulong sa iyo upang mabigyan ng sagot ang mga tanong na maari pong gumugulo sa iyong isipan."
Tinanggap ni Chippy ang bracelet at agad na isinuot iyon sa kanyang kaliwang kamay. Mabigat sa kamay niya ang bracelet pero may kung anong relief siyang naramdaman sa sarili niya na hindi niya talaga alam saan nanggaling.
Ngumiti pa rin siya kay Pol. "Salamat dito, Pol."
"Walay sapayan, Ate."
TITIG na titig pa rin si Chippy sa bracelet sa kanyang kamay. Hindi na niya inalis iyon, nawala na rin ang bigat pero may something pa rin sa bracelet na parang pinapakalma nito ang isip at puso niya.
Naisip niya na baka gano'n din ang epekto ng bracelet kina Aurea at Mari? Hindi rin kasi niya natanong, basta ang alam niya ay ligtas ang pakiramdam nila lagi kapag suot iyon. Kaibahan nga lang ay, tinutulungan sila ng bracelet para makontrol ang kung ano mang naririnig at nakikita nila Aurea at Mari na hindi napapansin ng isang normal na tao.
Pero itong bracelet na gawa nila Lolo Pol at ng Lola niya ay siyang tutulong sa kanya upang mahanap ang mga sagot sa mga tanong na laging tumatakbo sa kanyang isipan.
"Maari kayang pati ang paraan kung paano kami makakabalik sa hinaharap?" usal na tanong niya sa kawalan. Hinaplos niya ang bracelet. "Kung sana ay may magawa ako para maipalam kay Iesus na nandito kami sa 1935... kaya lang... hindi naman nila puwedeng gamitin ang orasan ni Thad. May kapalit iyon lalo na kung may babaguhin sa nakaraan... maari nilang makuha sina Andrew, Juan, at Simon dahil wala naman silang katawan dito... pero paano kami ni Mathieu?"
Ang hirap isipin, lalo na't nakakulong kami sa katawan nila Priscilla at Mateo. Kapag kinuha kami nila Iesus sa panahon na 'to, mababago nang tuluyan ang nakaraan at malaking problema iyon kapag nagkataon. Worse, baka mawala pa kami ni Mathieu sa hinaharap.
Napabuga siya ng hangin.
"Ang hirap." Napangiwi siya, na-e-stress na naman siya. "Ang hirap talaga ng sitwasyon namin ni Mateo. Lalo na ngayon na hindi niya ako naalala. Present man o past ay trap pa rin ako sa sitwasyon ko. Ang laki ba ng kasalanan ko sa mga past lives ko kaya ako nagdudusa nang ganito? Did I kill someone? May sinaktan ba akong hari? Luh."
Naputol ang pagmo-monologue niya nang biglang dumating si Ate Kim. As usual, may dalang sulat. Tumayo ito sa itaas ng kama niya. Bigla ay naalala niyang kanina pala nag-imbestiga sina Juan at Andrew tungkol doon sa dynamite fishing na siyang dahilan kung bakit wala nang nahuhuling isda sa Pueblo de Liloan.
"Ate Kim, anong balita?" Maingat na kinuha niya ang naka-rolyo na sulat na nakatali sa paanan niya. "Good news or bad news?"
May sinasabi ang ibon pero hindi niya maintindihan. Puro tweet, tweet, tweet lang ang naririnig ni Chippy. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon, agad na binasa niya ang padalang sulat.
Chi, pupunta kami sa kabilang isla bukas. Mga ilang araw din kaming mananatili roon. If may kailangan ka, padala mo na lang sa bote. XD
Natigil siya sa pagbabasa.
"Gago talaga 'to si Juan!"
Nag-salita ulit si Ate Kim pero hindi niya naiintindihan, basta tunog sermon. She ignored the bird and continued reading.
Simon will come with us. Math will stay, may importante raw siyang gagawin. Alas cuatro kami papalaot mamaya, sa likod ng simbahan kami dadaan. Papadala na lang ulit ako ng sulat kapag nakabalik na kami. Ingatan mo ang sarili mo habang wala kami. – Juan
Napasinghap siya nang sobra, nagulanting sa kanya si Ate Kim, halos napahiga na sa kama.
"Hoy, iiwan nila ako rito mag-isa?"
HINDI na siya nakatulog simula nang mabasa ang sulat ni Juan. Buong magdamag niyang inisip kung ano ang gagawin niya. Tuluyan na siyang mababaliw kapag iniwan siya ng tatlo. At kahit na mag-stay pa si Mateo ay hindi rin naman siya dadalawin ng lalaking 'yon dito.
Kaya hinanda niya ang nakita niyang native knapsack na nahanap niya sa mga gamit ni Priscilla. Hindi niya alam kung anong tamang term no'n pero para siyang weave knapbasket na may sling katulad sa isang bag. Marami siyang nakitang ganoon noong pumunta siya ng Baguio.
Again, hindi na nakapagtataka ang mga kakaibang gamit dito sa mansion ng mga de Dios lalo na't isang sea merchant ang Lolo Remegio namin. I've overheard Julian and Noah earlier na pinag-uusapan ang susunod na buwan na maglalayag ulit sila. Unang pumasok sa isipan ko ay kaninong barko sila sasampa? O baka may itinatago silang galyon dito sa Pueblo de Liloan? But let's debate that later.
Nagmadali na siya sa paglabas ng mansion. Suot pa rin niya ang ninakaw na damit niya kay Kuya Noah, nagdala lamang siya ng pamalit na damit na hiniram niya kay Amara.
In case of emergency, the more costumes, the better.
Two-thirty pa lamang ng madaling araw, kailangan niyang umalis nang mas maaga at baka hindi niya maabutan sina Juan sa likod ng simbahan. Alam niyang maglalakad lang siya mula sa parola hanggang sa simbahan at malayo-layong lakaran ang gagawin niya.
Nagdala rin siya ng lampara at maliit na kutsilyo. Hindi naman siya pinalaking damsel and distress. Dahil na rin sa pakiusap nila Iesus at Vier kay Sep ay nagkaroon siya ng special training for self-defense. Kaya mas ligtas din na panlalaki ang suot niya para hindi siya makaagaw ng pansin.
Itinali niya nang maagi sa baba ang tali ng suot niyang salakot at siniguro na nasa baywang niya ang kutsilyo na ginawan niya ng belt. Nagbaon din siya ng tubig at mga pagkain na kaya niyang i-preserve ng ilang araw. Isiniksik niya lahat sa bag niya.
Hindi na rin naman mahirap na makalabas dahil inutusan niya si Amara na kunin mula kay Julian ang susi ng gate. Kung paano nito nakuha ang mga susi kay Julian ay saka na niya itatanong kapag nakauwi siya. For the meantime, nag-iwan muna siya ng sulat para hindi naman ma-shookt ang mga tao sa bahay.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Chippy habang nilalakad ang direksyon ng gate. Nanunuot sa kanyang suot ang malamig na simoy ng hangin. Nangingilabot siya sa lamig at kaba na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Isama pa't bahagyang madilim dahil hindi pa niya sinindihan ang lampara na hawak. Mabuti na lang at may mga lamp post sa ibang parte ng hacienda, at least may ilaw.
Tanaw rin sa hacienda ang ilaw mula sa parola.
Pero kailangan kong gawin 'to. Kailangan nating gawin 'to Priscilla kaya makisama ka muna sa akin, please lang.
Nang makarating sa gate ay ingat na ingat siyang huwag makagawa ng kung ano mang ingay. Ramdam na niya ang sobrang panlalamig ng mga kamay, bahagya pang nanginginig habang sinusubukang buksan ang kandado ng gate. Halos pigil niya ang hininga at nang mabuksan iyon nang tuluyan ay parang kinapos siya ng hangin at bibigay na ang mga tuhod niya kaya napahawak siya sa rehas ng gate.
"Shuta, kahit saang panahon Chizle, queen of paglalayas ka talaga," nakangiwi niyang usal sa kawalan.
Nagmadali na siyang lumabas at ibinalik niya rin ang kandado sa gate. Nagdalawang-isip pa siya kung itatapon niya sa loob ang mga susi o dadalhin niya kaso kapag dinala niya ay baka sirain ni Julian ang kandado sa galit kaya itinapon niya paloob ang mga susi.
"Sorry. Sorry," aniya habang sinisindihan ang lampara na hawak. "Promise babalik ako. Bye!" At nang tuluyang mapailawan ay kumaripas na siya ng takbo.
Pero bumalik din siya dahil may iiwan siyang sulat na ipinasok niya sa ilalim ng pinto ng parola. Baka lang naman umabot iyon ng 2021.
Hello, napanood ko 'yon sa The Lake House!
MADILIM pa pero namataan na ni Chippy ang isang malaki-laking bangka dahil sa liwanag ng mga lampara na hawak ng tatlong tao. Alam na niya agad kung sino-sino ang mga lalaking iyon, sina Juan, Andrew, at Simon. Hawak niya sa isang kamay ang pocketwatch ni Priscilla at sabi ng mga kamay ng orasan ay alas tres y trenta na.
'Langya kamuntik na akong mawala sa daan kanina, mabuti na lang at may nakasalubong akong mangingisda at itinuro sa akin ang tamang daan papunta sa simbahan. Hindi naman niya ako namukhaan. Thank God!
"Hoy, mga walangya!" mahinang sigaw lang ni Chippy kahit wala namang ibang tao.
Marahas na napalingon ang tatlo at halatang gulat na gulat na makita siya. Bumabasag sa madilim na paligid ang marahang hampas ng mga alon at mga kuliglig sa paligid.
Kunot na kunot ang noo ni Andrew. "Chippy?!"
Binilisan niya ang paglalakad – lakad-takbo na ang ginawa niya. Mahirap tumakbo sa buhanginan, lumulubog ang mga paa niya. Shuta!
"Paanong –"
"H-Hindi na..." Huminto siya at hinihingal siya nang makalapit sa tatlo. "Ay ewan, basta nabasa ko... ang... sulat ni Juan kagabi... at... at hindi ako papayag... na iwan n'yo rito mag-isa."
"Ryuu Juan," marahas na ibinaling ni Andrew ang tingin kay Juan.
Tawang-tawa naman si Simon habang inaayos ang mga gamit sa bangka.
"Wala akong sinabing isasama natin siya," dipensa ni Juan.
"Wala siyang sinabi," pumagitna si Chippy sa dalawa. "Pero nag-desisyon na akong sumama. Hello?! Tatlo kayong aalis, ta's iiwan n'yo ako rito? Paano kung may makasalubong kayong malaking alon o hindi kaya sama ng panahon ta's ibabalik kayo no'n sa present –"
"Hoy, Chizle, bibig mo," sita sa kanya ni Simon.
"It only works in movies, Chizle," iritadong sagot ni Andrew sa kanya.
"Kahit na, 'no? Hindi naman mabubuo 'yan sa utak ng writer kung hindi posible. At saka, ang daming ganyan na plot sa Kdrama... posible 'yon... kaya hindi. Hindi ako papayag na iwan n'yo ako mag-isa rito. Sasama ako kahit saang isla pa tayo pumunta."
Naniningkit ang mga mata ni Andrew sa kanya, parang kaunti na lang ay ihahagis na siya nito sa pinakamalayong isla.
"Chizle, delikado ang misyon na 'to," Andrew insist. "Kaya umuwi ka na muna at bumalik sa mga de Dios –"
"Someone is coming," bigla ay putol ni Juan.
Lahat sila ay napatingin kay Juan, tila ba ay may pinapakinggan ito sa paligid.
"Sino, Juan?" asked Simon.
Lumipat sa harapan nila si Simon, maya-maya pa ay may naaninag silang liwanag mula sa mga puno at may taong lumabas roon. Hindi pa malinaw kung sino iyon pero biglang nagsalita si Simon.
"Shit!" Simon cursed. "It's Mathieu," mabilis na baling nito sa kanila.
"Paano ka nakakasiguro –" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang pinasan ni Simon. Napasinghap siya nang sobra nang bahagya siya nitong ihagis sa loob ng bangka. "Walangya," nakangiwing mura niya. Mabuti na lang at malaki-laki ang bangka na iyon pero nanunuot ang amoy ng isda sa paligid.
Simon Ryusei Takeuchi!!!
"Matagal na kaming magkaibigan ni Chef, kahit sa dilim ay makikilala ko siya." Mabilis na nahanap ni Simon ang malaking tela at ipinantakip iyon sa katawan niya. "Behave." Kinindatan pa siya nito bago tuluyang itinakip ang tela sa kanyang mukha.
Gusto niyang magmura, kung hindi sa bag niya sa likuran ay tatama talaga nang tuluyan ang likod niya sa flooring ng bangka at masakit iyon.
Chizle, ginusto mo 'to! Pero bakit nandito si Mateo? Akala ko ba ay hindi siya sasama?
Chippy keep her body still, hindi siya gumalaw kahit sobrang uncomfortable ng posisyon niya. Maya-maya pa ay narinig na niya ang pamilyar na boses ni Mateo. Itinakip niya ang dalawang kamay sa bibig para pigilan ang malakas na pagsinghap.
'Langya si Mateo nga!
"Senyorito Mateo," boses iyon ni Andrew.
"Paalis na ba kayo?"
"Opo, Senyorito." Andrew paused. "Ah, nga po pala, si Sy, ang anak ni Mang Simon." Narinig niyang may inihit ng ubo, si Simon malamang. "Siya po ang tumulong sa atin para makakuha nang mas malaki-laking bangka."
"Magandang umaga po, Senyor," boses na iyon ni Simon.
"Naparito kayo, Senyorito? May kailangan po ba kayo?"
"Sasama ako."
"Po?!" sabay malamang nila Andrew at Simon dahil hindi naman puwedeng mag-react si Juan.
"Nagbago ang isipan ko, sasama na ako sa inyo."
Sandaleeeeeee!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro