Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27




Simon is also here. Nasa kainan kami ni Boss Lee. Iyong pulang kainan malapit sa simbahan.

– Juan <3


Gulat na napasinghap si Chippy sa nabasang sulat mula kay Juan. "Si Simon?" Napakurap siya. "Si Engineer Takeuchi? Pero paanong –" Nagpalipat–lipat ang tingin ni Chippy sa kapirasong papel na sulat at sa ibon. "Seryoso talaga, Ate Kim?"

Tumango ang ibon.

"Wait." Iniangat ni Chippy ang isang kamay at muling binasa ang sulat. Ilang segundo rin siyang napa–isip pero wala siyang maisip na rason kung bakit napunta rin sa 1935 ang isang Simon Takeuchi. "Hindi puwede 'to. I have to see him with my own eyes."

Lumapit siya sa mesa at tinignan mula roon ang pocket watch ni Priscilla. Ala dos pa lang naman ng hapon. Naisip niyang, wala namang makakapansin sa kanya kapag lumabas siya. Kailangan nga lamang niya ng pang–disguse na damit.

Bumuntonghininga siya pagkatapos ay iginala ang tingin sa buong silid ni Priscilla. Hindi na uobra ang damit ni Amara. Kailangan ko ng ibang disguise. Ibinalik niya ang tingin sa mesa at nakita niya ang larawan nila Priscilla at ni Noah. Kinuha niya iyon at tinignan ang picture, lalo na sa kasuotan ng kuya niya.

"Maluwag kaya sa akin ang mga damit ni Kuya Noah?"

Thinking about it, mas feasible na nakawan ko ng damit si Kuya Noah kaysa doon sa kambal ni Iesus dito na si Julian. Makakalusot ako kapag nagkahanapan na. Okay, I choose Kuya Noah.

Ibinaling niya ang tingin sa ibon. "Nakikita mo itong guwapong binata na ito?" Itinuro niya ang mukha ni Noah sa hawak na picture frame. "Kuya ko 'yan at siya rin ang nanakawan natin ng damit ngayon. Magbabantay ka sa labas ng silid niya at kapag nakita mo siya sa labas, sumigaw ka nang malakas. Maliwanag ba?"

Sunod–sunod na tumango ang ibon.

Napangiti siya. "Very good, now let's move."

Ibinalik niya ang picture frame sa itaas ng mesa at tinuping muli ang sulat ni Juan saka iyon ipinasok sa bulsa ng kanyang saya. Akmang lalabas siya nang mapansin niyang hindi kumilos ang ibon.

Napabuga ng hangin si Chippy at nasapo ang noo.

In–English mo kasi, girl. Iyan tuloy ay hindi ka naintindihan.

"Ate Kim, hali na't kumilos. Ang oras ay ginto." 'Langya! Iyong hirap ka rin magsalita in real life. Chippy, adjust. Mula sa pagkakapatong niya sa mesa ay lumipad ito papunta sa kanyang balikat at nagsalita na hindi niya maintindihan. "Oo na, oo na. Tama ka na po."








TAGUMPAY siyang nakapuslit ng damit mula sa kwarto ng Kuya Noah niya at nakalabas ng gate ng bahay na hindi napapansin.

Kayang gawan ng paraan ang pang–itaas pero maluwag at mahaba masyado ang pantalon. Kinailangan ko pang tahiin nang kaunti.

Pinili niya ang pinaka–simple na damit ng Kuya Noah niya, iyong puwedeng pang araw–araw sa hacienda at hindi makakakuha ng atensyon. Sinamahan na rin niya ng salakot para may pangtakip siya sa ulo at sa pinusod na buhok. Malaki lang din nang kaunti ang tsinelas na ninakaw lang din niya mula sa mga trabahador sa hacienda.
Ibabalik ko na lang 'to mamaya.

Akala niya ay makakasakay agad siya pero mula sa parola ay naglakad lang siya, pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang daan at mga puno dahil wala siyang nakitang kalesa na puwedeng masakyan papunta ng simbahan. Kung meron man ay may sakay naman na mga pasahero. Gusto na niyang magwala sa pagod pero may kalesang walang laman na dumaan kaya agad niyang pinara.

Nang makababa sa simbahan ay agad na hinanap niya ang pulang kainan na sinabi ni Juan sa sulat. Pero paano niya malalaman iyon kung magkakadikit ang mga Chinese restaurant na pula rin ang pintura ng harapan?

Shuta ka talaga Ryuu Juan Song!

Bigla ay gusto niyang panggigilan ang mga pisngi ni Juan hanggang sa matunaw iyon sa mga kamay niya. Magbibigay na nga lang ng impormasyon, hindi pa magawa nang maayos.

Inhale. Exhale. Pagpapakalma niya sa sarili.

Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay inilabas niya ang sulat ni Juan. "Nasa kainan kami ni Boss Lee," kunot ang noong basa niya. "Boss Lee... Kainan..." Ibinalik ni Chippy ang tingin sa kanyang harapan, naniningkit ang mga mata. Hinahanap niya ang may signage na Boss Lee. "Boss Lee... Boss Lee..."

At wala siyang mahanap na may Lee. Ang kakaiba pa sa mga restaurant na iyon ay kahit mukhang Chinese restaurant ay in-Spanish naman ang mga pangalan ng mga kainan. May mga minimal Chinese characters lang.

Lalong kumunot ang noo niya.

Chizle, hindi ka si Aurea pero manghula ka na lang. Takte iyan!

Bumuga siya ng hangin at nag-eenie-meenie-miney-mo na lamang siya gamit ng kanyang hintuturong daliri. Huminto ang daliri niya sa pulang restaurant na wala gaanong tao. Naisip niya na mabuti na rin iyon at ayaw niyang ma–e–stress kapag may nakakilala sa kanya.

Dumiretso na siya roon at pumasok sa loob, may narinig pa siyang tunog ng bell mula sa pinto. Isang mesa lang ang may tao at agad niyang nakilala kung sino –sino ang mga nakaupo roon.

"Tangina!" sigaw niya nang makita si Simon.

Tawang–tawa siya sa ayos at damit nito.

Paanong naging Chinese ang Hapon na 'to?!

Nakuha niya ang atensyon ng tatlo, may fried chicken pa sa bibig ni Simon nang tumayo ito. Bumakas sa mukha ang gulat at rekognasyon nito sa kanya.

"Chippy!" sigaw ni Simon pagkatapos alisin ang paa ng manok sa bibig. "'Langya, ikaw ba 'yan?" Umalis ito sa kinauupuan nito, ibinalik ang hawak na fried chicken sa plato nito, at lumapit sa kanya. "Binata ka na pala ngayon, amigo?" Tawang–tawa ito sa ayos niya.

"Gago!"

"God, Chizle!" Niyakap ako ni Simon at bahagya pang pinasan para maikot siya. Napakapit tuloy siya nang husto rito habang tawa nang tawa. "Akalain mong umabot tayo rito na magkakasama? Is this what they call friendship goals?"

"Shuta ka!" Ibinaba na siya nito at kumalas na rin sila sa pagkakayakap sa isa't isa. "Natanggap ko ang padalang sulat ni Juan. Ayaw kong maniwala na nandito ka rin kaya tumakas ako. Walangya kayo! Alam ba ni Iesus na nilooban n'yo bahay n'ya?"

"Malamang alam na niya ngayon," sagot ni Andrew.

Nanatili namang nakaupo sina Juan at Andrew sa kanya–kanyang silya. Si Juan, nilalantakan ang isang malaking bowl ng fried chicken sa harapan nito.

"Gutom na gutom tayo, Juan, ah?" puna niya rito.

Binigyan lang siya nito ng isang peace sign.

"Ang tagal na nating hindi nagkita, ah?" nakangising tanong ni Simon.

Ibinalik niya ang tingin dito. "Oo, mga around 86 years ago." Hinila niya si Simon papunta sa mesa kung saan sina Juan at Andrew. "At marami kang ikukwento sa akin ngayon."








NILAPAG ni Simon ang apat na bote ng beer o cerveza kung tawagin ng mga tao rito. S'yempre mas masarap kumain ng fried chicken kapag may alak.

"Ang tagal na pala ng San Miguel dito sa Pinas," basag ni Simon nang mabalik sa upuan nito. "Akala ko lasinggo lang talaga tayong mga Pinoy."

Tawang–tawa sila ni Juan. Si Andrew, tipid lang ang ngiti.

Ginto talaga tawa ng isang 'to!

"Hindi kompleto ang kwentuhan kapag walang alak," komento niya. "At saka Engineer, nanalaytay na sa dugo ng mga Faro Boys ang pagiging lasinggo. Ginawa n'yo na 'yang monthly ang inuman n'yo sa boardwalk. Ang iingay n'yo pa."

"Mas maingay ngayon dahil nandito si Kap. Nakalunok yata ng megaphone ang kuya mo, Drew." Tawang–tawa si Simon.

"May built in speaker sa lalamunan niya," walang emosyong tugon ni Andrew.

Tamang kain at pagngisi lang ginagawa ni Juan. "Feeling ko matutuluyan sa pagkapepe iyang si Juan kapag nauwi tayo sa Faro," aniya. "Hindi na nagsasalita."

"Hindi talaga iyan nagsasalita, Chi kapag may laman ang bibig," ni Simon.

Nakangising nag–thumbs–up lang si Juan. Napailing at natawa na lamang si Chippy. "Nga pala, iyong tumulong sa'yo para makalaya, hindi mo na hinanap? Hindi ba kilala iyon ng boss mo?"

Ikinuwento sa kanya ni Simon ang lahat at paano ito napunta rito sa 1935. Kung bakit ito nahiwalay at ngayon lamang nakarating sa Pueblo de Liloan. Nakapagkamalan pang spy ang loko.

Nako, kung nagkataon na nasa World War II na timeline sila ay baka mabugbog pa itong si Simon ng mga Pilipino. Kaya tama na ring magkunwari muna itong Chinese.

"Isang beses lang niyang nakita at nakausap. Malaki rin daw utang ng loob ni Boss Lee doon kaya nang makita ang sulat ay tinanggap agad ako. Saka naghahanap din siya ng katulong niya rito dahil umalis na iyong nauna sa akin."

Naigala niya ang tingin sa buong restaurant. Maliit lang iyon, halata ring Chinese ang may–ari dahil sa interior – more like a traditional Chinese restaurant. Kaya lang, walang tao.

"At hindi kami sarado ngayon," basag ni Simon. Ibinalik niya ang tingin dito. "Talagang walang kumakain sa resto ni Boss Lee. Kung hindi matabang ay maalat naman daw." Napakamot sa ulo si Simon. "Hindi rin naman sila mali sa mga pinagsasabi nila kaya tinutulungan ko si Boss Lee sa paggawa ng mga bagong menu namin."

"Kaya ba lasang chicken joy itong manok n'yo?"

Simon chuckled. "Wala namang makakaalam."

"Hindi na ako magtataka kung iba na ang may–ari ng Jollibee Corporation pagbalik natin sa hinaharap," ni Andrew.

"Hoy, hindi ko naman ginaya lahat."

"Masarap iyong chao fan na niluto mo noon sa bahay," salita ni Juan. "Ayaw mong idagdag?"

Ngumisi si Simon. "Lasang Chow King ba?"

Tumango si Juan. "Kuhang–kuha."

"Hindi ka naman naging staff ng Chow King, 'di ba?" she asked. "Kahit na alam naming sasalo ka ng bala sa sobrang loyal mo sa Jollibee Corporation na para bang ikaw ang nawawalang tagapagmana nila."

Ang lakas ng tawa nila Juan at Simon. Andrew was rather suppressing his smile pero halatang tawang–tawa pa rin.

"Marinated na iyong chicken joy nila, paano ko malalaman?"

"Pinag–experimentuhan n'yo ni Mathieu," sagot niya. "Huwag mo akong niloloko. May alam ka nang kaunti sa ingredients nila at sinabi mo kay Math. Natikman ko 'yong gawa n'yo at lasang chicken joy 'yon."

"Huwag kang mag–alala, hindi 'yan. At saka wala pang Jollibee ngayon. Boss Lee lang meron kaya walang makakaalam."

"I think I've seen this film before," ni Andrew.

"Pero hindi ko na tapos hanggang sa ending," nakangising dugtong ni Juan.

"Naks, they finish each other's sentences," pang –aasar ni Simon sa dalawa. "Iba nagagawa ng hangin ng 1935. Kita mo naman, magkapatid pa kayo rito. Jam and Sep left the group." Pasimple naman itong binatukan ni Andrew sa ulo. "'Langya, hindi ba nahulog ang utak ko? Lakas no'n Andeng." Tumatawang hinawakan at nagkunwari pang inayos ni Simon ang ulo.

"Hindi dapat 'yon umabot ng 2021," seryosong babala ni Andrew.

"Gagawa ako ng diary tapos ililibing ko sa ilalim ng parola para malaman nila ang totoong kwento ng Bonitasyo Brothers," sagot ni Simon. "Tapos gagawin nilang historical movie ang kwento n'yong magkapatid. Tiyak akong maraming maluluha sa kwento n'yo. Ano nga 'yon? Na scam kayo ni Mang Simon? Nilimas niya ang pera n'yo?"

"Wala akong naalala," kaswal na sagot ni Andrew.

"Mga yawa kayo! Puwede namang si Bartolomeo ang nanloko sa inyo. Bakit ako pa?"

"Isulat mo sa diary mo si Mang Simon," nakangising sabi ni Juan. "Mang Simon Takeuchi –"

"Gago!"

Kung kanina ay nagpipigil ng tawa si Andrew ay hindi na niya napigilan. Mas nangingibabaw ang tawa ni Andrew kaysa sa kanila ni Juan.

"'Langya ka, mas hindi seryoso ang pangalan mo rito," dagdag pa ni Chippy. "Dao Ming Sy. Shuta ka! Ano, ninuno ka ni Henry Sy?" Sobra talaga ang tawa niya kanina nang malaman ang pakilalang pangalan ni Simon sa amo nito.

"Tatawa–tawa lang iyang si Chizle pero marami na pa lang problema," siya naman ang binalikan ng pang–aasar ni Simon.

"Damay ka naman kasi nandito ka."

"Ayon lang." Sandaling natigilan si Simon bago ulit nagsalita. "Ah, speaking of problema. Paano naman tayo makakabalik sa totoong panahon natin?"

"'Yan ang hindi namin alam," sagot ni Andrew.

"Seryoso?!"

"Tawa ka ulit kung sa tingin mo nagbibiro ako."

Tumawa si Simon pero nang mapansin nito na hindi sila tumawa ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at parang batang ngumangawa na walang tunog at luha.

"Patay tayo riyan." Nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha ni Simon, mukha naman itong pinagsakluban ng langit. "Sabi ko na nga ba, dapat minahal at nirespeto ko nang sobra si My Lord. Ngayon, ang dilim na ng dinadaanan ko."

Ang lakas ng tawa ni Juan. "Yawa!"

"Si Iesus ang liwanag at daan ng parola ng pag–ibig," walang buhay na dagdag ni Simon, tuluyan nang nawalan ng pag–asa. "Oh, baby, baby, baby. My baby, baby." Inihit ng ubo si Chippy. Simon! Pati ang pagkanta nito ay walang kabuhay–buhay. " Wo jue bu neng shi qu ni. Ni shou xin. Ni sheng ying. Hai zhan lin wo de xin zen neng wang ji. Xiang ni jiu xiang shi hu xi..."

Ang lakas ng tawa nila ni Juan, si Andrew napailing at napayuko habang nagpipigil ng tawa.

"Bakita sauludo mo 'yan?!" tanong niya sa pagitan ng tawa.

"May poster ako ng F4, plato ng mukha nila, pirated DVD ng Meteor Garden, T-shirt ng mukha ni Hua Ze Lei, San Cai, at Dao Ming Si, may notebook pa ako ng mukha nila, lahat ng panyo ko kapareho ng kay Dao Ming Si at gumagawa ako ng sariling red card at nagugulat kapag nakita ko 'yon sa loob ng bag ko kasi wala kaming locker."

"Sino... sino ang... naglagay?" tumatawang tanong ni Juan.

"S'yempre ako!" proud na sagot ni Simon.

"Yawa!"

Ang sakit na ng tiyan kakatawa niya.

"Pero seryoso," salita ulit ni Simon. "Anong plano n'yo?"

"Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung paano makakauwi," sagot ni Andrew. "And I don't think this place will allow Chizle and Mathieu to leave this timeline without knowing the real reason why it brought them here together."

"Sa tingin mo ang curse item ang may kagagawan nito?" asked Simon.

"Hindi pa kami sigurado kung alin sa mga bagay na kasama sa loob ng kahon ang isinumpang bagay." Sumeryoso ang mukha ni Andrew. "Bukod kay Iesus, si Balti lang ang pamilyar sa mga bagay na 'yon. At kahit pa makahanap tayo ng paraan para makabalik sa panahon natin ay hindi tayo nakakasiguro na maisasama natin sina Chizle at Mathieu. They're souls are entangled with their past selves, unlike us."

Humalukipkip si Simon at seryosong tinignan si Andrew. "So, ano bang dapit gawin natin?"

"Sumabay sa alon at tulungan muna sina Mateo at Priscilla sa panahon na ito. Hindi natin puwedeng pabayaan ang dalawang 'to ngayon. Kung may tao mang dapat tumulong sa kanila ay tayo iyon."

"Tungkol ba iyan sa paratang nila kay Priscilla na siya raw ang nagmana ng sumpa ng Lolo Remegio nila?" Andrew nodded to Simon. "Sa sinabi mo kanina ay nangako si Math na patutunayan niyang walang kinalaman si Priscilla sa nangyayaring kamalasan dito sa Pueblo de Liloan. At paano n'yo naman mapapatunayan 'yan, Drew?"

"May hinala na kami kung anong dahilan kung bakit walang huling isda ang mga tao rito, Si," singit ni Juan. "Marine life destruction."

Naningkit ang mga mata ni Simon. Nakikinig lang si Chippy sa tatlo. "Marine life destruction? Paggamit ba 'yan ng mga dinamita sa pangingisda?"

Tumango si Juan. "May pinaghihinalaan na kami kung sino ang may kagagawan. Inaalam ko na lang kung saan nila itinatago ang mga ginagamit nila. Ang alam ko ay papalaot sila bukas nang madaling araw, susubukan kong makasakay sa bangka nila."

"Hindi ba delikado 'yan?" ni Simon. "Paano kung mahuli ka –"

"Hindi naman agad ako babalik sa pagiging tao kapag naging pusa ako. Kailangan ko lang hindi kumain ng isda para manatiling pusa."

"At okay ka ro'n, Drew?"

"He can do it."

"Kapag nalaman n'yo na kung saan ay anong plano n'yo?"

"Pupuntahan namin."

"At alam 'to lahat ni Mathieu? I mean, ni Mateo?"

"Hindi lahat –" Natigilan bigla si Andrew at napakurap. "Mateo," usal nito. Marahas na naigala nito ang tingin sa paligid. "Oh, shit!"

"Bakit?" sabay nila ni Simon.

Pagbaling naman niya ng tingin kay Juan ay biglang nanlaki ang mga mata nito. "Si Mateo! Nawawala."

"Nawawala?" Kumunot ang noo niya. "Kasama n'yo ba siya kanina?" Tumayo sina Juan at Andrew. "Hoy!"

"Iniwan namin siya sa merkado," sagot ni Andrew, halatang kabado.

Siya naman ang nagulat. "Bakit n'yo iniwan ang amo n'yoooo?!"

Nagkumahog na ang dalawa sa paghagilap ng mga gamit nila. Si Juan dinala na buong lalagyan ng fried chicken habang hinihila ito sa siko ni Andrew palabas ng restaurant.

"Si, ikaw na muna maghatid pauwi kay Chizle."

Tawang–tawa si Simon. "Sana buhay pa kayo sa susunod nating pagkikita mga mahal kong chingu."








"HINDI ka na sana bumaba doon sa kalesa," basag ni Chippy habang tinatakahak ang daan papunta sa parola. Sinadya niyang bumaba na malayo pa sa parola para hindi siya mapansin.

"Okay lang, gusto ko rin naman makita ang parola."

Hindi na sana siya magpapahatid pero nagpumilit si Simon. Pasado alas singko na rin naman ng hapon – it was almost sunset. Sakto lang para hindi siya mahuli ng pinsan niyang aburido lagi sa buhay na tumakas na naman siya ng bahay. May oras pa siya para makapagpalit at makapaglinis ng katawan bago ang oras ng hapunan.

"Ganoon pa rin naman pero puro puno at malawak na lupain ang makikita mo."

"Wala pa ang bahay ko?"

Natawa si Chippy. "Wala ka namang bahay, Engineer."

Simon chuckled. "Gate meron."

"Well, ikaw na lang ang mag–locate kung na saan ang parte ng lupain mo kapag nakapasok ka roon. Pero dahil mahigpit ang pamilya ko ay tanawin mo na lang mula sa parola."

"Pangit naman nila ka–bonding."

"Well, hindi naman masyado. Actually, mas mabait pa nga sila kaysa sa kinagisnan kong pamilya."

"Ang mga de Dios."

Chippy nodded. "Oo, family ni Mama." Napangiti siya nang maalala ang mukha ng mama at kuya niya. "Nangangapa ako sa panahon na ito pero hindi ko naman maramdaman na iba ako sa kanila. Nakakabuwesit man si Iesus minsan, pero katulad din nila ang pinsan kong 'yon. They all genuinely care for me."

"And Vier," dagdag ni Simon.

She smiled even more. "And Vier."

"All of us in Faro."

Tumango siya. "Oo."

"And Mathieu."

Natigilan si Chippy, napahinto rin tuloy siya sa paglalakad.

"You know that Mathieu genuinely cares for you," dagdag ni Simon. Huminto na rin ito, magkaharap na sila ngayon. "I'm not saying this because I'm his friend. I'm saying this because I want you to realize it, Chi." He smiled.

"Matagal mo na bang alam ang tungkol sa amin?"

Simon nodded. "Hindi sadya, kung hindi pa na lasing noong nasa Japan kami ay hindi siya aamin." He chuckled. "Nag–away yata kayo noon. Sabi mo raw ay makikipaghiwalay ka na sa kanya."

Namilog nang husto ang mga mata niya. "Ano pang sinabi niya?"

"Not a lot, pero sinabi niyang nasasaktan siya nang mga oras na iyon... at kahit gusto ka niyang pigilan ay hindi raw niya gagawin iyon. Hindi ka raw niya ikukulong sa isang relasyon na alam niyang hindi magpapasaya sa'yo."

Why would he love me? There's nothing likable in me.

"We set the rules together. Malinaw ang usapan namin na –"

"He knew that."

"Kung alam niya ay dapat hindi na niya itinuloy."

Hinuli ni Simon ang mga mata niya. "Chi, no matter how decided we are towards something. There will always be a point in our lives that we will choose to break our own rules for someone... for love."

Nakangiting inayos nito ang suot niyang salakot sa ulo.

"But you don't need to force yourself to love him back. If you can appreciate it, then do. Kilala ko si Chef, malaki ang respeto no'n sa'yo. He will always choose you over anything else."

Naglapat nang husto ang mga labi niya. Bigla tuloy siyang inatake ng guilt niya. Alam niya iyon, pero lagi na lamang niyang binabalewala iyon.

In all honesty, alam kong masyado akong naging selfish kay Mathieu.

Naramdaman niya ang pag–iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Feeling ko tuloy ang sama kong tao."

"Don't say that. Lahat naman tayo ay masasama sa kwento ng ibang tao." Simon chuckled after. "Pag–isipan mo lang, baka sakali may magandang bagay na mangyari sa atin rito kapag na realize mo ang mga bagay na 'yan."

Napanguso siya. "Hindi nga ako naalala ni Math."

"Hindi pa, pero baka magkamilagro at maalala niya tayo lahat."

"Sana nga."

Sabay nilang ibinaling ang tingin sa harapan, malapit na pala sila sa parola. Ibinalik niya ang tingin kay Simon, he was smiling while looking at the lighthouse.

"Sa tingin mo mahahanap tayo ni Iesus, Si?"

Nakangiti pa ring ibinaling ni Simon ang tingin sa kanya. "I have doubted him a lot of times, but I'm betting my life that he'll find us."

Napangiti na rin siya. "Si Iesus 'yon eh."

"Naman, he's the light and the way."

Pareho silang natawa.

"Gagi!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro