Kabanata 26
"I MEAN, BAKIT mo tinugon ang halik ko, ha?"
Kumunot ang noo ni Mateo sa kanya. "Ikaw ang unang humalik –"
"Oo, ako, pero bakit mo tinugunan?"
Nawala ang kunot ng noo ni Mateo at napalitan ng pagtataka. Bahagya nitong pinihit ang katawan at kahit hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ni Mateo ay alam na niyang gustong–gusto nitong kutusan ang sarili nang mga oras na 'yon.
Mateo's discreet gestures will not fool me. Ganoon na ganoon din si Mathieu kapag lumulusot sa akin o kapag may ginagawang kalokohan sa likuran ko. Iiwas niya ang tingin sa akin saka ako haharapin ulit para sabihin ang naisip niyang alibi.
Ibinalik ni Mateo ang tingin sa kanya.
"Wala iyong ibig sabihin," sagot nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay saka pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib. Talaga ba? "Napakakulit mo at ginawa ko iyon para makuha 'to." Mula sa nakatagong kamay nito sa likod ay ipinakita nito sa kanya ang bag na kanina ay hawak pa niya.
Malakas siyang napasinghap. "Shuta ka!" Nakapa niya ang katawan, hindi siya makapaniwala na nakuha nga nito ang bag. I mean, paano? Bakit hindi ko naramdaman man lang? "Hoy!" duro niya rito, akmang lalapit siya nang pigilan siya nito.
"O, diyan ka lamang. Huwag kang lalapit."
"Umamin ka nga sa'kin, maliban sa pagiging doktor ay side hustle mo ba sa buhay ang pagiging snatcher?"
Kumunot ang noo nito sa kanya. "Hindi ko alam ang mga pinagbebentang mo sa akin. Ngunit, malalaman ko na ngayon ang itinatago mo rito sa bag mo."
Chizzle, worse comes to worst, hindi puwedeng malaman ni Mateo ang tungkol doon. Kaya kumilos ka na riyan at agawin mo na ang bag mo. Marahas siyang napabuntonghininga. Stress! Ang daming stress sa buhay ko kahit saang panahon ako ilagay. Pasensiya na talaga Mateo pero kailangan kong gawin ito.
Sinugod ni Chippy si Mateo, hinawakan sa magkabilang balikat saka tinuhod ang pagitan ng mga hita nito. Impit itong napasigaw at napamura. Nabitiwan nito ang hawak na bag. Napangiwi siya habang mabilis na pinulot ang bag.
"Hindi ko naman nilakasan," sabi niya. "Magkakaanak ka pa rin in this lifetime, promise!
Nagkukumahog siyang bumaba sa kahoy na hagdan. Kailangan niyang makaalis bago pa siya maabutan ni Mateo.
"Maria Priscilla!"
Kamuntik pa siyang matalisod sa malakas na sigaw ni Mateo mabuti na lamang at na–i–balanse niya agad ang katawan.
"Shit! Shit!" mura niya habang tumatakbo. "Sorry na talaga."
"Bumalik ka rito!"
"Saka na tayo mag–usap kapag hindi ka na galit sa akin! Babosh!"
FARO DE AMORÉ 2021
Monday, 11:30 PM
NATAGPUAN NI IESUS ang sarili sa underground tunnel, hawak sa isang kamay ang lampara na tanging nagsisilbing liwanag sa madilim na lagusan. Naririnig niya ang bawat galaw niya sa paligid, pati na ang mga patak ng tubig na nakapasok doon.
Huminto siya at iniangat ang lamparang hawak at iginala ang tingin sa paligid. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nang makita niya ang hinahanap. Lumapit siya sa bagay na iyon at patingkayad na naupo upang pulutin ang pulang bandana sa sahig.
Mariin niyang naipikit ang mga mata at marahas siyang napabuntonghininga. Iminulat ni Iesus ang mga mata pagkatapos at tinitignan ang pulang bandana sa kanyang kamay.
Tama nga siya ng kutob, may isa pa.
PUEBLO DE LILOAN, 1935
ISINULAT NA LAMANG ni Chippy ang lahat ng mga nadiskubre niya sa diary ni Priscilla at ang kubo sa gitna ng kagubatan. Ipinadala niya iyon kina Andrew sa tulong ng messenger nilang ibon na si Ate Kim Atienza. Hindi naman mahigpit ang pamilya ni Priscilla sa bahay, talagang bawal lang siyang pumunta sa sentro.
Pero naisip niya na sa ginagawa niyang pagtatago ay lalo lang iisipin ng mga tao na guilty siya o hindi kaya ay totoo ang mga paratang ng matandang babae sa kanya. Pero sa klase ng panahon kung nasaan siya ay mahirap naman talagang i–defend ang sarili sa ibang tao o ang ilabas ang totoong saloobin niya. Babalik pa rin sa kanya ang lahat.
Kakalma muna ako ngayon at bibigyan ko ang sarili ng isang linggo. Siguro naman ay sapat na iyon para makalimutan nila ang issue ko.
Tinanaw niya ang malawak na dagat mula bintana pero nalipat iyon sa kagubatan sa likuran ng parola.
May something talaga doon sa kubo. Feeling ko ay matutulongan kami ng kung sino mang nakatira ro'n. Pero sa ayos ng kubo ay mukhang matagal nang walang nakatira roon. I wonder kung may alam si Julian?
"Tanungin ko nga."
Lumabas siya mula sa kanyang silid at hinanap si Julian sa buong bahay. Hindi niya agad ito nakita pero nang magtungo siya sa kwadra ng mga kabayo ay nakita niya roon ang pinsan, nagpapakain ng kabayo. Kumunot ang noo niya nang bahagya. Mukhang mangagabayo ito dahil nakasuot ng pangangabayo nitong damit.
"Kuya Julian," tawag niya.
Napalingon ito sa gawi niya, naglakad naman siya nang diretso palapit dito.
"Priscilla." Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Julian. "Anong ginagawa mo rito?"
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala?"
"At bakit mo naman ako hinahanap?"
Habang nakatingin sa mukha ni Julian ay bigla niyang naalala si Mateo. Walang bad reaction si Julian, does it mean, hindi ako sinumbong ni Mateo? She heard him cleared his throat, nabalik siya sa reyalidad, lumagpas na pala ang tingin niya sa pinsan.
"Hindi ba pumunta rito si Mateo?" bigla ay tanong niya.
"Si Mateo?"
Naikiling ni Chippy ang ulo sa kanan, she studied Julian's face. He seemed confused and clueless at the same time.
"At bakit naman pupunta rito si Mateo?"
Shuks! So hindi talaga siya tumuloy sa bahay? At hindi pa alam ng pinsan ko na may misteryo na naman akong nadiskubre sa gitna ng kagubatan.
"Puro ka Mateo. Ano ba talaga ang sadya mo sa akin?"
Her lips twitched.
Suplado talaga!
"May itatanong lang ako at saka kalimutan mo na lang iyong itinanong ko tungkol kay Mateo. Akala ko lang ay napunta siya dahil parang nakita ko ang sasakyan niya sa labas." It was the truth, I saw it earlier. "Anyway, ang totoong tanong ko ay, kung may trabahador ba tayong nakatira sa labas ng hacienda?"
Kumunot ang noo ni Julian. "Trabahador?"
I nodded. "Oo, kung may nakatira ba sa labas? Sa kagubatan... sa likod ng parola..."
"Wala akong naalala na mayro'n. At isa pa, masukal ang kagubatan na iyon at may mga ahas."
Napalunok si Chippy.
I got lucky na wala akong natagpuang ahas doon. Nakakaloka kung meron nga.
"Kung gano'n ay hindi ka pa nakakapasok doon?"
"Nakapasok na ako roon ngunit hindi na naulit sapagkat noong pumunta ako roon ay kamuntik na akong matuklaw ng ahas. Mabuti na lamang at dala ko ang aking baril at nabaril ko ang ahas bago pa ito nakalapit sa akin."
Kung isasama ko si Juan siguro ay hindi kami mapapahamak. Nakakaintindi siya ng hayop kaya safe pa rin kapag bumalik ako roon na kasama sila.
"At bakit mo naman naitanong?" Sumeryoso ang mukha ni Julian, may pagdududa na sa kanyang mukha. "Maria Priscilla, nangahas ka bang pumasok sa kagubatan na iyon?"
Hindi niya iniwas ang tingin ni Julian. "Hindi," she lied. "Na curious lang ako sa kung anong meron doon. Mukha kasing mas malawak at mas mahaba ang kagubatan doon kumpara sa loob ng hacienda."
Julian seemed relieved, pati na rin siya. At least, naniwala si Julian sa kasinungalingan niya. Sana nga lang ay hindi magbago ang isip ni Mateo sa hindi pagsabi kay Julian sa pagpunta niya sa gubat dahil malalagot talaga siya.
"Hindi ligtas ang gubat na iyon at hanggat maari, iwasan mo ang lugar na iyon," dagdag pa ni Julian. "Nagkakaintindihan ba tayo, Priscilla?"
Sa sinabi ni Julian ay lalo lamang napukaw ang kuryusidad niya sa kagubatan na iyon. Pero hindi na niya isinatinig iyon at tumango na lamang siya.
Hindi ilalagay doon ng pamilya namin ang isa pang daan papunta sa underground museum na walang dahilan. At malakas ang kutob ko na iniiwas ako ni Julian sa lugar na iyon dahil may ayaw siyang madiskubre ko.
At malalaman ko rin iyon.
KANINA PA MAINIT ang ulo ni Mateo, simula nang iwan siya ni Priscilla sa gubat na namimilipit sa sakit.
Sinubukan niyang habulin ang dalaga ngunit sadyang napakabilis talaga nitong tumakbo. Nagpasya na lamang siyang umalis at hindi na niya itinuloy ang balak na pagkausap kay Julian. Marahil ay sa ibang araw na lamang.
"May bibilhin po ba kayo, Senyorito?" pukaw ni Andres maya–maya.
"Wala."
"Kung wala ay ano po ba ang ipinunta natin dito sa merkado?"
"Gusto ko lamang maglakad–lakad muna."
Nakatuon pa rin ang tingin ni Mateo sa harapan kaya hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha nila Andres at Juan na kanina pa nakasunod sa kanya. Pabalik na siya sa hacienda nang madaanan niya ang dalawa sa may simbahan. Inaya niya ang dalawa na samahan muna siya sa merkado.
Hindi niya alintana ang maingay na kapaligiran, lalo na ang mga batang naglalaro ng habulan sa daan. Madalas siyang pumupunta at naglalakad mag–isa sa pamilihan sa tuwing gusto niya lumayo sa hacienda. Gusto lang niyang mabingi sa ingay ng mga nanininda upang sa gano'n ay hindi na niya marinig ang mga nasa isip niya.
Ngunit iba ngayon, dahil hindi na nagagawang patahimikin ng ingay ang mga nasa isip niya. Lalo na ang tagpo kaninang umaga. Maaring si Priscilla ang unang humalik sa kanya ngunit tumugon siya – tumugon siya na tila ba makailang beses na niyang naangkin ang mga labing iyon.
At doon nagpupuyos ang kanyang damdamin. Alam niya sa sarili niya na kailanman ay hindi siya nagkaroon ng espesyal na pagtangi sa dalagang Altagracia. Si Pearlina lamang ang kanyang mahal. Ngunit heto siya ngayon, ginugulo ng halik na iyon ang kanyang isipan.
"Mukhang malalim ang iniisip n'yo, Senyorito." Sa pagkakataon na iyon ay naibaling ni Mateo ang tingin kay Andres. "Tungkol po ba 'yan sa ipinunta n'yo sa bahay ng mga de Dios kaninang umaga?"
Umiling si Mateo. "Hindi ako natuloy roon." Bigla ay pumasok na naman sa kanyang isipan ang mga labi nilang magkalapat kanina. "M–May... May iba akong pinuntahan." Napalunok si Mateo ng hindi sadya, nais niyang kutusan ang sarili.
Husto na, Mateo!
"Senyorito –"
"Mamalengke na lamang tayo," bigla ay putol niya.
Napatingin sa kanya ang dalawa, parehong may pagtataka sa mukha. Kailangan niyang ibaling sa ibang bagay ang isipan niya dahil kapag inisip niya iyon nang husto ay baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkabaliw niya.
Hindi niya pinansin ang kakaibang tingin na ibinibigay nila Andres at Juanito sa kanya. Iginala niya ang tingin sa paligid at naghanap ng tindahan na nagtitinda ng mga bayong. May nakita siya sa malapit kaya iniwan niya ang dalawa at agad na nagpunta roon sa matandang babae.
"Senyorito!" sigaw ni Andres.
Alam niyang mabilis na sumunod sa kanya ang magkapatid. Huminto siya sa nagtitinda ng bayong at bumili ng dalawa. Inabot niya ang mga iyon kina Juanito at Andres na hanggang ngayon ay nagtataka sa ikinikilos niya.
"Magluluto ako," sa wakas ay pag–amin niya.
Malakas na napasinghap si Juanito na siyang nagpakunot ng kanyang noo. Sandali lamang itong nagulat at ngayon ay nangingislap na ang mga mata. Mabilis naman iyong nagsulat sa sulatan nito at ipinakita sa kanya.
PAHINGEEE ^3^
Tumango si Mateo. "Kailangan ko lang magbawas ng iniisip kaya magluluto ako." Laging ganoon ang paraan niya upang mabawasan ang mga alalahanin niya.
Sa awa ng Dios ay hindi pa naman nagiging masama ang timpla ng mga luto niya kahit punong–puno ng pait at sama ng loob ang mga iniisip niya.
"Ano po bang bibilhin natin, Senyorito?"
Natigilan naman siya sa ekspresyon ni Andres, tila susuong ito sa gyera at hindi sila mamalengke. Hindi niya tuloy sigurado kung ano ang ibig sabihin ng determinasyong nakikita niya sa mukha nito.
Ngunit saka na niya iyon iisipin.
Isa–isa niyang tinignan ang dalawa. "Sumunod lang kayo sa akin –"
Lumagpas ang tingin nila Juanito at Andres, nagbago rin ang ekspresyon ng kanilang mukha – tila nakakita ng multo ang dalawa. Nagtaka siya kaya lumingon siya at natigilan din nang makita ang isang lalaki sa kanilang harapan na halatang natigilan din nang makita sila.
May kahabaan ang buhok ng lalaki at nakasuot ng damit na madalas suot ng mga Tsino na nagbebenta ng kalakal dito sa Pueblo. Halatang may ibang lahi sa dugo nito kagaya ni Juanito. Mas maputi lamang si Juanito kumpara sa lalaking nasa harapan nila.
Nagtitigin silang apat at naputol lang nang may pumatid ng lata sa kung saan at dumaan iyon sa kanilang harapan. Maya–Maya pa ay bigla namang maglandas ang mga luha nito mula sa kanyang mga mata.
"Chef!" sigaw nito bigla.
Kumunot ang noo ni Mateo. "Huh?"
"Chef!" umiiyak sa sigaw ulit nito, napaatras siya nang akmang susugurin siya nito ng yakap. "Chef, ako ito –" Ngunit mabilis na naiyakap ni Andres ang isang braso sa katawan ng lalaki at lumingkis naman ang isang braso ni Juanito sa leeg nito kaya ito inihit ng ubo. "Augh! Augh!"
Nasasakal na ito ni Juanito.
"Juanito!" saway niya.
Bago pa man maialis ni Juanito ang braso sa leeg ng lalaki ay nagawa na nitong itulak si Juanito at kinutusan sa ulo.
"Papatayin mo ba ako, ha?!" may gigil na sabi nito. "Ang tagal ko kayong hinanap dito tapos ganito n'yo ako sasalubungin? Kasalanan n'yo naman kung bakit ako nandito –"
"Senyorito," singit ni Andres. "Kilala namin 'to, saglit lamang at kakausapin namin."
Parehong hinawakan ng dalawa sa magkabilang braso ang lalaki at hinila palayo.
"Chef, ako 'to! Si Sim –" Ngunit hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil binusalan ni Juanito ang bibig ng lalaki.
Ngunit hindi pa nga nakakalayo ang tatlo ay binalikan siya ni Andres at inabot sa kanya ang dalawang bayong.
"Ikaw na muna mamalengke, hanapin ka na lang namin mamaya," anito, saka siya iniwan muli.
Napakurap si Mateo habang nakababa ang tingin sa dalawang bayong sa kanyang mga kamay.
Napamaang siya bigla. "Madalas talaga ay naiisip kong ako ang katulong nila at sila ang mga amo ko," napabuntonghininga na lamang siya. "Makapagpamalengke na nga."
"TEKA NGA LANG, ang ibig n'yo bang sabihin ay past life ng MatChi ang panahon na ito at hindi tayo naalala ni Mathieu?" Tumango sina Andrew at Juan kay Simon. "Pero si Chippy, naalala niya tayo kahit isa siyang de Dios sa panahon na ito?" Tumango ulit sina Andrew at Juan. "Daebak!" Manghang–manghang reaksyon ni Simon.
Kumunot naman ang noo ni Andrew. "Parang tuwang–tuwa ka pa riyan? Wala tayo sa Historical Drama, Takeuchi. Puwede tayong mamatay rito."
Siya na ang bumuod ng kwento sa nakalipas na linggo, sinigurado niyang maiintindihan ni Simon dahil wala siyang balak magpaulit–ulit ng kwento.
Simon may look dumb, but he's smart.
Pinasadahan ni Andrew ng tingin si Simon mula ulo hanggang paa. Sa ayos nito ay para itong Tsino na may balak ipaubos sa kanila ni Juan ang mga paninda nito. It was a dark blue short shirt version of the traditional Chinese clothing. The pants matches the color of the top. Black flat shoes naman ang sapin ni Simon sa mga paa. Stubbles are now showing on his face.
Then Andrew remembered something.
"Kung nandito ka, nasa bahay ka rin ni Iesus nang gabing iyon?"
Sumeryoso ang mukha ni Simon. "Oo, pero hindi iyon sadya." Huminto muna ito at tila inalala ang nangyari nang gabing iyon. "Pauwi na ako nang abutan ako ng ulan. Iniwan ko ang motor sa may parola nang makita ko si Mathieu na papunta sa gubat. Nag–alala ako kaya sinundan ko siya nang hindi niya alam. Hindi ko alam na may daanan pala roon na magdadala sa amin sa isang tunnel, papasok sa underground museum ni My Lord."
"Pero hindi ka namin nakita doon?"
"Oo, dahil nang patakas na kami ni Mathieu ay nauna ako. Akala ko ay nakasunod siya pero hindi pala. Bumalik ako at doon ko na narinig ang mga boses n'yo. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay bigla na lamang nagsisigawan kayo at may liwanag akong nakita pagpasok ko... hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari dahil hinigop na ako ng liwanag na iyon... at dinala na nga ako rito."
Sandali silang natahimik.
"May ibang tao pa ba sa bahay ni Iesus nang gabing iyon, Drew?" basag ni Simon.
"Hindi ako sigurado, pero nabanggit ni Sep na nandoon si Amora."
"Posible kayang napunta rin siya dito?"
"'Yan ay hindi natin alam." Ibinalik ni Andrew ang atensyon kay Simon. "Nakapagtataka lang na magdadalawang–linggo na kami rito pero ngayon ka lang namin nakita?"
"Believe me, ilang araw ko na rin kayong hinahanap. Nakulong na nga ako at kamuntik pang ipatapon sa galyon na papunta rito sa Pilipinas dahil ayaw nilang maniwala na Pinoy ako."
"Saan ka ba napunta?" Juan asked.
"Nagpalutang–lutang ako sa isang bangka at nahuli ako ng mga awtoridad. Ikinulong nila ako dahil wala akong maipakita na patunay na isa nga akong Pinoy kahit na matatas ako sa salita natin. Hindi rin nakatulong ang driver's license at PRC ID ko dahil Simon Ryusei Takeuchi ang nakalagay ro'n. Simon lang ang pinoy sa pangalan na iyon." Marahas itong bumuntonghininga. "Isama pa't iba nga ang pananamit ko, mas lalo silang naalarma."
Tawang–tawa si Juan. "Akala yata nila mananakop ka."
"'Langya, mananakop? Nabutas pa nga iyong bangka ko. Paano ako masasakop ang Pilipinas sa bangkang butas?"
"Mukha ka pa ring Hapon," komento ni Andrew.
"Paano pa 'yan si Ryuu Juan Song?"
"We managed to hide our identity," sagot pa rin niya.
Simon's forehead creased. "Paano? Hindi man lang sila naghinala na hindi kayo tagarito?"
"Sa amin na lang iyon."
Nagpalipat–lipat ang tingin ni Simon sa kanilang dalawa. "Anong teleserye sa TV ang pinang–reference n'yo rito?" Naningkit lalo ang mga mata nito.
"Huwag mo na itanong."
"At ikaw? Bakit mukha kang nagtitinda ng tikoy?" Juan asked, tawang–tawa pa rin.
"Loko! Baka nakakalimutan mong muntik mo na akong patayin kanina?" Simon pulled the hem of his top at ngumisi. "Ayos ba? Mukha na ba akong Chinese? Nasa 1935 pa naman tayo, hindi pa pupunta rito ang mga Boazanian. "
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ni Juan."
"Nagtatrabaho ako ngayon sa isang Tsino. Sa isang maliit na kainan malapit sa simbahan. Kakarating ko lang dito kahapon. Nakulong ako, 'di ba? May matandang lalaki na tumulong sa akin na makalaya. Hindi siya nagpakilala pero iniwanan niya sa akin 'to." Mula sa bulsa ng pantalon ni Simon ay inilabas nito ang isang kapirasong papel. "Sabi niya ay hanapin ko raw itong tindahan na ito sa Pueblo de Liloan at tutulungan niya raw akong mahanap ang hinahanap ko."
"At tindahan iyan ng amo mo ngayon?"
"Oo, si Boss Lee."
"Bruce Lee?" ulit ni Juan.
Natawa si Simon. "Gago! Hindi, si Boss Lee. Punta kayo minsan, masarap ang siopao at siomai nila."
"Libre?" tanong ni Juan.
"May bayad s'yempre. Bawal libre. Bukas puwede."
"Tapos bukas, uulitin mo lang din ang sinabi mo sa'kin ngayon," reklamo ni Juan.
Ngumisi si Simon. "S'yempre! Business is business."
"At anong pangalan naman ang gamit mo ngayon?" tanong niya.
"Ah, kilala na ako ngayong Sy."
"Si?" they said in unison.
"Hindi S at I. S at Y. Short for Dao Ming Sy."
"Tangina!" malakas na mura ni Juan, tawang–tawa.
Nagsimulang pumitik ang sintido niya. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o itutulak kita sa pinakamalapit na pier dito, Takeuchi."
Pero tinawanan lang siya nang magaling. "Huwag ka nang magpakahirap, Drew, mapapagod ka lang."
"Yawa talaga!" Lumakas lang lalo ang tawa ni Juan, namumula na ang mukha at naningkit lalo ang mga mata. "Dao Ming Sy... piste!"
"Hoy, mahipan ka riyan nang itim na hangin!" saway ni Simon kay Juan. Ibinaling naman ni Simon ang tingin sa kanya pagkatapos. "Nga pala, bakit hindi nagsasalita si Juan kanina?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro