Kabanata 23
PUEBLO DE LILOAN, 1935
SERYOSONG-SERYOSO ang mukha ni Mateo habang nilalapatan ng gamot ang sugat niya sa bandang itaas ng kilay. Maliit lang naman iyon, not even an inch of scratch pero mukhang naging bukol pa dahil nabiyak talaga ang ibinatong itlog sa kanya ng matanda kanina.
They rushed her home dahil sobrang dumi niya, nangangamoy na ang itlog sa kanya, and of course, para iiwas siya sa judgmental na tingin ng mga tao. Nakapagbihis na siya ng bagong damit kaya lang ay basa pa ang kanyang mahabang buhok.
Sumama si Mateo sa bahay para raw matignan ang mga natamo niyang sugat dahil sobrang lala rin talaga ng ginawa sa kanya ng matanda. Ayaw pa sana ni Julian but Mateo insisted at wala pa rin itong nagawa dahil the next thing they know, nakabuntot na ang sasakyan nito sa kanila kasama sina Juan at Andrew.
In all honesty ay hindi pa rin nag-si-sink-in sa kanya ang mga nangyari kanina. Bumabalik sa isipan niya ang mapanghusgang tingin ng mga tao sa kanya lalo na ang pagkadismaya sa mga ito – kung hindi pa humarang si Mateo ay walang tutulong sa kanya. Of course, Juan and Andrew will save her if they were there on time.
Did they hate Priscilla that much? Ang pagiging kakaiba ba ni Priscilla ang dahilan kung bakit wala siyang kaibigan? Mateo even hated her – didn't even want to reciprocate her feelings for him. Para bang lahat ng tao umiiwas sa kanyang makipaglapit. O baka dahil sa misteryong dala-dala ng pamilyang de Dios?
Naalala niya ang mga sinabi ng matanda kanina.
Sinasabi nitong siya ang nagmana ng sumpa ng Lolo Jose Remegio de Dios nila. And even if it's true or not, still, Priscilla didn't deserve that accusation and hate. Nasasaktan din naman si Priscilla – may feelings kaming dalawa. Just because we look tough – hindi iyon nangunguhulugan na sanay na kaming masaktan nang paulit-ulit.
Hindi namalayan ni Chippy na naluha na pala siya kung hindi pa niya naramdaman ang marahang pagdampi ng hinlalaki ni Mateo sa kanyang pisngi para punasan ang mga luha niya. Napatitig siya rito pero nasa mga luha niya ang mga mata nito.
Parang noong isang gabi lang ay galit na galit ka sa'kin dahil pinakinggan ko ang pag-uusap n'yo ni Pearlina. Pero heto ka at ginagamot ang mga sugat ko. Hinarang mo pa ang sarili mo sa'kin kanina – in fact, puwede namang hayaan mo na lang tutal ay hindi mo naman ako gusto. But you stood up for me – at hindi ko alam kung bakit ginawa mo iyon.
"May masakit pa ba?"
Natigilan siya sa malambing na boses na nahimigan niya kay Mateo. Hindi siya sanay kapag ganoon ang tono nito sa kanya dahil nga mas madalas pa na buwesit na buwesit ito sa kanya kaysa ang napapasaya niya si Mateo.
Dahan-dahang nag-angat ito ng tingin sa kanya, magkaharap lang naman sila dahil iisang sofa lang sila nakaupo. Kanina ay nagbabantay sa kanila sa sala ang ina pero nagpaalam ito na pupuntahan sina Tiyo Jose, Julian, at Noah sa library – saglit lang daw pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.
Mahinang umiling si Chippy saka hinawakan ang kamay ni Mateo para ibaba iyon.
"Okay na ako, salamat."
Hindi nakatakas sa kanya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Mateo sa ginawa niya pero mabilis lang din iyong nawala sa mukha nito. "Mabuti naman," anito, medyo malamig ang tono. Ibinalik nito ang mga ginamit nitong panggamot sa lagayan nito na nakapatong sa wooden center table.
See? May midlife crisis din personality nitong si Mateo sa kanya. Minsan, malambing. Minsan malamig.
"At saka, puwede ka nang umalis. Baka hinahanap ka na sa inyo," dagdag niya. Nag-angat ito ng mukha sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata. "Hindi maganda na nandito ka... baka... idamay ka pa nila –"
"Huwag mo nang isipin ang mga iyon." Naglapat nang mariin ang mga labi ni Chippy, nanatili pa rin siyang nakatitig kay Mateo. Mahina itong bumuntonghininga. "Walang sumpa, Priscilla. At hindi totoo na sumpa ang dahilan kung bakit matumal ang pagkuha ng mga isda ngayon."
Siguro kung hindi ko pa nakikilala si Aurea ay maniniwala pa ako pero ang daming pinagsisiksik na idea ng babaeng iyon sa isip ko tungkol sa mga gano'ng bagay. Isama pa ang mga kababalaghang nangyayari sa kanila sa Faro kaya malabong hindi totoo ang tungkol sa sumpa na sinasabi ng matanda kanina sa labas ng simbahan. Idagdag pa ang mga sinabi sa kanya ng batang si Lolo Pol. Feeling ko ay may itinago sa amin si Lolo Xersus – may hindi siya binubuo sa mga kwento niya sa amin.
"Hayaan mo na lamang akong patunayan iyon sa lahat ng tao," dagdag nito maya-maya.
"B-Bakit? Bakit mo ako tinutulungan ngayon?"
"Nag-iimbestiga na ako bago pa man nangyari iyon kanina. May mga hinala na ako ngunit hindi naman itinutumbok ng mga nakalap kong impormasyon ang pamilya n'yo."
"What do you mean?"
"Ang ibig kong sabihin ay pumirmi ka rito sa bahay at huwag ka munang maglamyerda sa sentro upang hindi ka dumugin ng mga tao. Kahit pa sabihin nating mataas ang respeto ng mga taga Pueblo sa mga de Dios ay tiyak akong may huwad sa libong nakararami."
Naningkit ang mga mata niya. It was like Mateo is implying something – a political conflict between her family and the society. Hindi lang naman sa present talamak ang crab mentality – s'yempre nagsimula 'yan sa mga panahon na ito kaya posible ang mga pahaging ni Mateo sa kanya.
He definitely knew something.
"At huwag matigas ang ulo, hayaan mo na lamang sina Julian at Noah na protektahan ka."
"Hindi ba pagpo-protekta rin ang ginagawa mo ngayon?" May malisya kaya?
Tinitigan siya nito ng ilang segundo bago siya sinagot. "Priscilla, kahit ano pa man ka pangit ang ating simula, susundin at gagawin ko pa rin ang nararapat."
Chippy sighs. "Mukhang wala," bulong niya.
Kumunot ang noo ni Mateo. "Mukhang wala, ang ano?"
Umiling siya. "Wala. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Hindi naman importante. Salamat ulit sa ginawa mo kanina. Hindi na ako mag-iinarte na magpasalamat dahil malaking bagay sa'kin iyon."
"Akala ko ay tatanggihan mo na naman ako." May kaunting ngiti na pilit nitong itinatago pero dahil nga nakatitig siya rito ay napapansin niya.
She was suddenly curious. "Bakit mo naman naisip 'yon? Lagi ba kitang tinatanggihan?"
"Hindi, madalas ay nagtatampo ka pa nga sa'kin dahil hindi kita tinutulungan." Ang gago naman nito! "Sakatunayan ay madalang lamang kitang lapitan noon sa tuwing nadadawit ka sa isang gulo. Mas tamang sabihing, nadala na ako sa isang beses na pagtulong sa'yo." Bahagya itong natawa. "Ang mga sumunod ay umiiwas na ako. Nito lang na napapansin kung umiiwas ka."
Mukhang effective nga ang pagpapa-miss ko sa kanya dahil napansin ng Lolo. Pero, kailan at ano iyong unang beses? Shuta naman 'to si Priscilla, na trauma sa'yo ang irog mo.
Parang tanga lang siyang nakatingin sa mukha ni Mateo. Sinusubukan niyang kalkalin sa utak ni Priscilla ang memorya pero wala siyang makita.
"Hindi mo ba naalala?" may pagtatakang tanong nito.
Priscilla, spill the tea! Wala bang way na magkaroon tayo ng shared memory rito? Paano ba iyon i-access?
"Ahm, may short term memory kasi ako. Fast learner naman ako pero hindi talaga nag-re-retain nang matagal ang mga impormasyon," alibi niya.
"Hindi na bale, saka na lamang kapag binalikan ka na ng mga lumipas mong mga alaala."
Napanguso siya na parang bata. "Pangit mo ka bonding."
Kumunot na naman ang noo nito. "Pangit? Pangit ka bonding? Ano ang ibig mong ipahiwatig doon?"
Hay nako, hirap talagang isulong ng freedom of expression dito. Lagi na lang tayong nag-e-explain? E kung mag-adjust ka na lang kaya ano, Chizle?
"Ang ibig kong sabihin, malungkot ang buhay kapag hindi mo ako kasama."
Diskumpyado ang tingin nito sa kanya. "Parang hindi naman ganyan ang totoong kahulugan niyan."
"O, ano sa tingin mo ang ibig sabihin no'n?"
"Sinasabi mong hindi ako nakakatuwang kausapin."
Namilog ang mga mata niya. Sa reaksyon pa lang niya na gano'n ay alam na agad ni Mateo na natumbok nga nitong nagsisinungaling na naman siya.
"Hindi mo ako maloloko, Priscilla."
"Kilalang-kilala?" may malisya sa tono niya.
"Hindi mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha mo."
"Ay, sana all."
"Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o napansin na rin nila Julian at Noah na mas lalong hindi ka na namin naiintindihan ngayon."
"Huli ka na sa balita, naloka na sila. Anyway, maiba ako, kumusta ka naman?"
Naikiling nito ang ulo nang bahagya, tila naguguluhan sa pag-change-topic niya.
"Kumusta ako?"
She nods her head. "Opo, kumusta ka? Iyang puso mo, nakakaramdam pa ba ng sikat ng araw o baka tuluyan nang nilamon ng kadiliman?"
"Mas naalala mo pa ang kasawian ng puso ko kaysa ang pagsalo ko ng itlong para sa'yo."
Hindi niya napigilan ang tawa. "Mukha naman kasing mas masakit ang puso mo kaysa sa likod mo." Natatawa siya dahil para itong batang nagtatampo.
Nakakainis! Very Mathieu lalo na kapag mas may pakialam ako sa ganap ng Noah's Ark kaysa sa kanya.
"Mainam na huwag na lamang nating pag-usapan ang bagay na iyon. Hayaan mo na lamang ako na hilumin sa lihim ang aking nararamdaman."
"Ang lalim."
Kumunot ulit ang noo nito at masama na naman ang tingin sa kanya.
"Sige na," nakangiting agap niya. "Kung saan ka masaya at may kaluwalhatian ng isip, push mo lang." Pati siya ay nahahawa na sa sobrang lalim magsalita ng mga tao rito.
"Salamat," anito at nagbigay ng tipid na ngiti.
"Alam ko na hindi mo naman kailangan ng support system sa pagiging broken hearted mo. Pero kung sakaling kailangan mo ng makakausap at taga-advice ay puwede kang mag-iwan ng sulat sa parola. Ipasok mo lang sa ilalim ng pinto ng parola dahil sarado naman iyon lagi. Sasagot ako kapag hiningi mo ang tugon ko."
Natigilan si Chippy sa sinabi niya. Hindi niya iyon naisip kanina pero bigla na lamang niyang nasabi na parang natural lang iyon na sabihin. Sigurado siyang hindi niya iyon personal suggestion dahil hindi naman siya romantic in nature and she find the gesture romantic and thoughtful.
Shuta, Priscilla is that you? Ito na ba ang shared memory?
"Huwag ka na masyadong mag-alala sa akin, ngunit asahan mong iyan ay aking pag-iisipan. At tungkol sa nakaraang gabi, sana ay tanggapin mo ang paghingi ko ng patawad dahil naibuntong ko ang galit ko sa iyo. Ako'y nadala lamang ng aking mga emosyon. Hindi ko intens'yon na ikaw ay masaktan."
Ang magaling tinubuan ng guilt? Mukhang may nangyayari na talaga. Hmm.
"Ayaw ko nga," mataray niyang sagot.
Kumunot na naman ang noo ni Mateo. Natawa tuloy siya dahil naalala niya na gano'n na gano'n din ang ekspresyon ng mukha ni Mathieu kapag niloloko niya ito.
Nakakaloka! Ang dami n'yo pa lang pagkakapareho.
"Joke lang." Ngumiti siya pagkatapos. "Saka, okay na 'yon, naka move on na ako. Sanay ako sa drama, kere lang. At isa pa, mali naman talaga ako. Mali na makinig sa usapan ng ibang tao."
Char, talaga ba, Chizle? Well, depende sa ganap.
"Salamat." Bahagyang kumunot na naman ang noo nito. "Kahit pa na may iilan sa mga salita mo ang hindi ko naiintindihan."
She chuckles. "Maiintindihan mo rin ang mga iyan in the future." Literal na future, I mean.
"Sana nga."
"Mateo, hijo," putol sa kanila ng ina dahil bigla itong dumating. "Dito ka na mananghalian, nagpadagdag na ako ng plato at mga kubyertos para sa'yo."
Bumaling ng tingin si Mateo sa ina niya. "Salamat po, Donya Josefa ngunit may importante pa ho akong lalakarin. Asahan n'yo hong sa susunod ay pauunlakan ko na ang inyong alok." Tumayo si Mateo at sa kanya naman ito nakatingin. "Hindi naman ho malalim ang natamong sugat ng inyong anak, pahinga lamang ang kailangan niya."
"Hay, salamat sa Dios!"
Ibinalik ni Mateo ang tingin sa kanyang ina. "Ipatawag n'yo lamang ho ako kapag may ibang nararamdaman si Priscilla."
Sinabi mo 'yan, ha? Witness ko si Mama.
Malumanay ang ngiti ng kanyang ina kay Mateo.
"Ikaw ay hulog ng langit kanina, Mateo. Salamat sa ginawa mo kanina. Asahan mong kapag ikaw ay nangailangan ng tulong ay walang pagdadalawang-isip ka naming tutulungan." Lumapit ang ina kay Mateo ay niyakap ito. "Tatanawin kong utang na loob ang pagpoprotekta mo sa aking mahal na Priscilla."
"Wala hong anuman, Donya Josefa."
"SA TINGIN mo ay totoo ang sumpang sinasabi ng matandang babae kanina?" tanong ni Juan kay Andrew, kinagatan nito ang tinapay na hawak pagkatapos.
Nakasandal siya ng tayo sa bumper ng sasakyan ni Mateo habang nakaharap sa kanya si Juan. Hindi pa rin ito tapos sa tinapay na inabot sa kanila ng isa sa mga katiwala ng mga de Dios. More than thirty minutes had passed at hindi pa rin lumalabas si Mateo sa puting mansion. Halos walang pinagkaiba ang bahay na iyon sa huling imahe na naaalala niya bago sila napunta rito. Inalis lang ang mga malalaking bahay sa Faro at pinalitan nang malawak na lupain at mga puno.
"How should I know?"
Isinuot na lamang niya ulit ang salakot sa ulo.
Hindi pagkakataon na nandoon sila ni Juan sa simbahan kanina. It was Sunday, the only day of the week that they can lavish, at may balak na talaga silang kitain si Chizle kanina. They didn't attend the mass dahil late na sila sa sobrang bagal kumilos ng isang Ryuu Juan Song. Instead, they waited for her outside the church. Nahuli lamang sila dahil nagutom na naman itong kasama niya at naghanap na naman sila ng makakainan.
"You seem to know everything."
Naibalik niya ang tingin ulit dito. "Assumptions mo 'yan, s'yempre masama ako riyan."
"Aren't you even curious if the accusation were true?"
"I'm skeptical about that old lady."
"At?"
"Kahit sabihin pa nating totoo, I don't think she has the right hurt Chizle like that – or Priscilla. And I'm not pleased with how people idly responded to her."
"I agree."
"Knowing the mysteries that this land possesses, everything is inevitable to happen. We shouldn't let our guard down. Chizle could be in great danger."
Tumuwid ang tayo ni Andrew nang matanaw ang papalapit na kapatid ni Priscilla na si Noah sa direksyon nila. Sinenyasan niya si Juan sa mata at nakuha naman agad nito ang ibig niyang iparating sa kanya.
Lumingon si Juan sa tinitignan niya.
Noah looks exactly like Josiah – Chizle's older brother. Even Donya Josefa looks a lot like Chizle's mother. Hindi nga ito nagsisinungaling noong sabihin nitong buhay sa panahon na ito ang kuya at ina nito.
Tuluyan nang nakalapit si Noah sa kanila.
"Magandang tanghali," bati nito sa kanila.
"Magandang tanghali, Senyorito," sagot niya para sa kanilang dalawa ni Juan. "Ano ho ang maitutulong namin sa inyo?"
Tipid itong ngumiti saka inalabas sa bulsa nito ang dalawang lalagyan ng pera para iabot sa kanila.
"Hayaan ninyong bigyan namin kayo nang kaunting gantimpala dahil sa kabutihang ibinigay ninyo sa aking kapatid. Alam kong kulang lamang ito ngunit asahan ninyo na kapag kayo ay nangailangan ng tulong ay bukas lagi ang bahay ng mga de Dios para sa inyo."
"Hindi na ho kai –"
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay kinolekta na ni Juan ay dalawang lagayan ng pera. Yumuko ito kay Noah na may malaking ngiti. Pigil na pigil ni Andrew na sikmuraan si Juan kaya pasimple na lamang niyang siniko sa tagiliran si Juan dahilan para mabitiwan nito ang isang lalagyan na mabilis din nitong pinulot.
Patience, Drew. Patience.
Mahina siyang bumuntonghininga saka inalis sa ulo ang salakot at ibinaba iyon hanggang sa kanyang dibdib.
"Hindi na ho namin tatanggahin ang inyong tulong, Senyorito," aniya. At mukhang wala ng balak isauli ni Ryuu Juan Song ang mga pera. "Naging mabait ho sa amin si Senyorita Priscilla."
"Oh." Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Kilala ninyo ang aking kapatid?"
Sabay silang tumango ni Juan.
"Dayo ho kami sa bayan na ito, Senyorito," simulang kuwento ni Andrew. "Napangakuan ng trabaho ngunit naloko kami nang makarating dito. Si Senyorita Priscilla po ang tumulong sa amin na makahanap ng trabaho."
Those stories aren't for nothing, he needed them to spread for Chizle's sake. Kailangan ko ring makuha ang tiwala ng mga de Dios and for now, Noah seems like the easy target. Kung sakaling magkandaloko-loko ang lahat ay hindi na nito pag-iisipan nang masama ang pagtulong nilang dalawa ni Juan sa kapatid niya.
"Tinatanaw naming malaking utang ng loob ang kabutihan ni Senyorita Priscilla," dagdag niya. "At ano mang oras ay maasahan niya kami."
Napangiti si Noah. "Salamat, iyan ay aasahan ko mula sa inyong dalawa." Pero natawa ito bigla at napailing. "Tunay na kakaiba talaga ang tinatakbo ng utak ng kapatid ko na iyon. Sa halip na alukin kayo ng trabaho rito ay ipinadala niya kayo sa mga Valdevielso."
"Nabanggit niya ho na wala hong bakante sa inyo."
"Sabagay nga naman. Bueno, halikayo sa loob at ipagpapahanda ko kayo sa aming mga katiwala ng pananghalian."
Namataan naman niya si Mateo na kakalabas lang ng bahay at naglalakad sa direksyon nila.
"Salamat, Senyorito ngunit mukhang kailangan na rin naman yatang umalis." Napalingon sa tinitignan niya si Noah.
"Paano kung masarap ang ulam nila rito?" Juan mouthed, may gigil sa mukha nito.
Ibinaba niya ang tingin sa hawak-hawak nitong pera, pointing a finger on those drawstring pouches of coins. Alam niyang nasundan ni Ryuu Juan Song ng tingin ang ginawa niya kaya muli siyang nag-angat ng tingin dito.
"'Yan ang kainin mo," Andrew mouthed back.
Napaatras at namilog ang mga mata nito. Pinigilan niya ang sarili na matawa sa reaksyon nito. What an idiot!
"Noah," tawag ni Mateo nang makalapit.
"Aalis na kayo?"
Tumango si Mateo. "May ibang gagawin pa ako. Mag-usap na lamang tayo bukas. Nasa klinika ako mga bandang alas diez ng umaga, puntahan mo na lamang ako ro'n."
"Sige, bukas na lamang."
"Juanito, Andres," tawag ni Mateo sa kanila.
"Ye –" Binusalan niya ng isang kamay ang bibig ni Juan at pasigaw niyang itinuloy ang sasabihin sana nito.
" – susunod, Senyorito."
Panipis nang panipis ang pasensiya ko sa'yo, Ryuu Juan Song!
Parehong napatitig ang dalawa sa kanila. "Pasensiya na ho, Senyorito, paubo na ho kasi ang kapatid ko." Sunod-sunod na umubo si Juan. "Ayaw ko lamang ho na mahawa kayo." Nilakasan pa nito ang ubo na para bang kakalas na ang baga nito. May gigil na hinagod niya ang likuran ni Juan.
Kumunot ang noo ni Mateo at napakamot sa dulo ng kilay nito. "Juanito, puntahan mo ako sa opisina ko mamaya at bibigyan kita ng gamot diyan sa ubo mo."
Nag-thumbs-up si Juan. Pinakawalan niya ito at kinalas ang kulay berde na bandana sa kanyang leeg at ibinusal sa bibig nito. Juan threw a death glare at him.
"Noah, aalis na kami," paalam ni Mateo rito.
Mabilis na pumasok sila sa sasakyan ni Mateo. Gaya ng nakaugalian, siya sa harapan at sa likuran naman si Juan.
"Mag-ingat kayo."
"Salamat."
Agad na binuhay ni Mateo ang sasakyan at lumayo naman si Noah para hindi ito masagasaan. Sinundan sila nito ng tingin hanggang sa makalayo sila.
"Dadagdagan ko ang mga sahod ninyo," basag ni Mateo nang makalabas sila ng gate ng mga de Dios. "Ngunit sa isang kondisyon."
"Dadagdagan n'yo rin ang trabaho namin?"
"Oo at hindi."
"Ano ang ibig sabihin no'n?"
"Babawasan ko ang oras at araw na papalaot kayo ngunit may ibang bagay akong ipapagawa sa inyo na tayong tatlo lamang ang makakaalam."
Nagkatinginan sila ni Juan. Tumango si Juan bilang pagsagot. Of course, his answer was the same. He wouldn't missed this opportunity.
Ibinalik niya pagkatapos ang tingin kay Mateo.
"Dalawang araw na pahinga at papayag ho kami," he countered offer.
Ilang segundo munang nag-isip si Mateo bago ito nagbigay ng sagot.
"Sige."
Ikinubli niya ang matagumpay na ngiti.
Then you got yourself a deal from us, Mateo.
NABITIWAN ni Chippy ang diary ni Priscilla, lumikha iyon ng kalabog na tunog nang tumama sa sahig. Napaatras siya sa sobrang gulat. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Sa naalala niya ay bakante ang mga pahina na iyon noon. Ngayon ay nakasulat na roon ang ganap niya simula noong unang araw niya rito hanggang sa nangyari kanina.
At sulat kamay pa ni Priscilla.
"Paano nangyari 'yon?" She swallowed hard, bumaba ulit ang tingin niya sa diary sa sahig. "Sino ang nagsulat no'n?" Naigala niya ang tingin sa paligid, hindi nakatulong na umuulan pa sa labas. Lalo lamang siyang kinilabutan, ramdam na ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo niya sa katawan.
Pakiramdam niya ay nawawalan ng lakas ang mga binti niya kaya tuluyan siyang napaupo sa gilid ng kanyang kama.
May kakaiba sa nakasulat, hindi tugma sa first hand experience niya pero nasunod pa rin naman. Tulad doon sa simbahan, totoong nabigo si Priscilla pero wala itong nakilalang Juan at Andrew. Sa halip ay dumiretso ito sa dalampasigan sa likuran ng simbahan at doon ay umiyak at nagpalipas ng oras bago umuwi at napagalitan ni Julian.
Tumugma rin ang pagkakasakit niya on her second day here at naghabulan talaga sila ni Mateo sa gubat nang makita ni Priscilla si Mateo sa dalampasigan. They had the same reason, natakot siyang baka magalit nang husto si Mateo kapag nakita siya pero na realized din niyang hindi dapat siya umiwas dahil bahay niya naman ito. Ang kwadra, meron din sa diary – nakasulat din – pati ang pag-akyat ng lagnat ni Priscilla.
May mga entry roon na hindi niya ginawa tulad ng pag-e-embroidery, pagtatanim ng halaman, at iba pang extra curricular activities ni Priscilla sa bahay. S'yempre tamad ako e, nakahilata lang ako at buong araw na kausap ang sarili at si Ate Kim Atienza.
Pero kapag mga events na kasama si Mateo ay nararanasan ko. Tulad no'ng sa party sa Valdevielso, lahat ng naramdaman ko noong gabing iyon ay nakasulat, pati na rin ang pag-aaway nila Priscilla at Mateo dahil kagaya niya ay sinundan din pala ng Lola n'yo si Mateo at nabugahan din ng apoy.
At ito ngang latest, sinabi ni Priscilla roon na may matandang babae na nambato ng itlog sa kanya sa labas ng simbahan at pinaratangan siyang nagmana ng sumpa ni Lolo Jose Remegio. Tama ring hinarang ni Mateo ang katawan para maprotektahan siya pero hindi nakasulat ang ginawa nila Juan at Andrew kanina. Pero meron noong scene nila Julian at Noah.
Napakurap siya ng tatlong beses, may na realized siya bigla.
Huwag mong sabihing nangyayari pa rin sa akin ang mga naganap noon at nababago lang nang kaunti?
Mukhang hindi lamang isang simpleng pagbabalik nakaraan ang nangyayari sa kanila ni Mateo – mukhang mararanasan ko rin ang kabiguan ni Priscilla rito. At hindi nakasulat sina Juan at Andrew dahil hindi naman nag-e-exist ang dalawang iyon sa panahon na 'to.
Hindi 'to maganda. Kailangan ko nang gisingin si Mathieu sa katawan ni Mateo para makalabas na kami rito. Pero paano ko naman 'yon gagawin?
HINDI na mabilang ni Chippy kung ilang beses na siyang inihit ng ubo sa pausok na paulit-ulit inilalapit sa kanya ng tatay ni Lolo Pol – este ni batang Pol.
"Augh! Augh!"
Walangya 'yan!
Nasa sala sila ng bahay, ginagawa ang orasyon ni Tatay Alfonso na imbes na magpapagaling sa kanya ay siyang unang papatay pa yata sa kanya sa suffocation. Umuusok na ang buong sala at hindi lang siya ang panay ubo sa paligid.
'Yong totoo po, Tatay Alfonso, alam n'yo po ba talaga ang ginagawa n'yo?
Ito ang pinagtatalunan ng pamilya niya noong Sunday. Tutol sina Tiyo Jose at Julian sa pagkuha ng Mama niya ng faith healer para sa house and soul cleansing na gusto nito. Hindi naniniwala roon ang dalawa. Si Kuya Noah naman ay walang problema at lagi namang bias ang Kuya Noah niya sa kanila.
Kung hindi pa nagtampo itong Mama niya ay hindi pa papayag si Tiyo Jose. Aba'y hindi ba naman nito kinausap ang Kuya nito ng isang araw – kaya walang nagawa si Tiyo Jose kundi ang humanap ng faith healer na hindi taga Pueblo de Liloan para matapos na ang cold war ng magkapatid. Baka kasi kapag taga rito ay mas lalo lang lumala ang issue tungkol sa kanya.
At in-suggest nga ni Amara ang pamilya Feliciano sa Guadalupe.
Kaso nga lang hindi na puwedeng b'yumahe nang malayo ang Lola ni Pol kaya ang tatay na lamang nito ang pumunta kasama si Ate Antonia at Pol.
Noong Lunes ay dumalaw na rito si Padre Florentino Flores na nalaman niyang family relative pala nila sa mother's side ni Julian. Nakakabatang kapatid pala ito ng yumaong ina ng aburido niyang pinsan at sumakto na sa parokya ng San Fernando Rey sa Pubelo de Liloan na assign ang pari. Dinasalan na rin siya nito ng mga Latin kahapon at mukhang exorcism pa nga yata iyong ginawa ni Father dahil nabanggit sa kanya ni Julian na nag-aral daw ng exorcism ang Tiyo nitong pari sa Roma noong kabataan nito.
Ngayon na Martes ay ibang orasyon at ritwal naman ang ginawa sa kanya.
Parang kung ako ang demonyo, malilito rin ako kung sino ang paniniwalaan ko kaya magkukusa na lang akong mag-e-exit for peace of mind.
Lalo pa siyang inihit ng ubo, wala rin siyang naiintindihan sa mga binibigkas na orasyon ng tatay ni Lolo Pol.
Puro hmmm lang naiintindihan ko, yawa 'yan. Nagpapanting pa ang tainga niya sa maliit na bell na ginagamit nito. Hindi yata ang sumpa ang lalayas sa pamamahay na ito – mukhang ako. Naluluha na siya sa usok.
Ah, bahala na!
Tumayo siya mula sa silya at bigla na lamang tumakbo sa direksyon ng pinto – kung hindi nga siya nagkakamali dahil sa kapal ng usok.
"Priscilla!"
"Senyorita!"
"Maria Priscilla Altagracia y de Dios!"
Tangina n'yo, tigilan n'yo na akooooooooooo!
Malakas siyang napasinghap nang madapa siya, talagang humalik ang mukha niya sa sahig. Putek 'yan! Gusto niyang magmura nang malakas pero baka lalo isipin ng mga tao rito nasasaniban na nga siya nang masamang elemento.
Pilit siyang tumayo, natigilan lamang siya nang may isang maliit na kamay na lumitaw sa kanyang harapan. Napaangat siya ng tingin at unti-unting nahawi nang kaunti ang usok at luminaw ang mukha ng batang si Lolo Pol. Akala pa nga niya ay namamalikmata siya dahil parang mukha ni Hayme ang nakita niya.
Akmang magsasalita siya nang bigla siya nitong hawakan sa isang kamay. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumayo at hinayaan ang batang si Lolo Pol na hilahin siya sa direksyon na mukhang kabisadong-kabisado nito.
Pero saan naman niya ako dadalhin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro