Kabanata 22
Faro de Amoré 2021
Monday, 7:30 AM
Napabalikwas ng bangon si Amora pero imbes na liwanag ang bumungad sa kanya ay kadiliman nang may kung sinong magbato ng makapal na tuwalya sa kanyang ulo. Mabilis na inalis niya ang puting tuwalya at napasinghap sa gulat nang makita ang amo niyang si Iesus na walang kangiti-ngiting nakatayo sa paanan ng kanyang kama.
"Boss!" nag-pa-panic niyang tawag, itinakip niya ang tuwalya sa harapan ng kanyang pantulog dahil hinubad niya ang bra niya kagabi na alam niyang inilapag lang niya sa itaas ng mesita. Kaya siguro nito binato ang tuwalya sa kanya para may pantakip siya. "Nakauwi na po pala kayo? Teka, anong oras na po ba?"
"I've been trying to wake you up pero hindi ka nagigising."
Naglapat ang mga labi niya. Aside sa hindi pa maayos ang huwisyo ng utak niya ay pakiramdam niya ay mukha siyang sinabunutan ng walong unggoy. Pasimple niyang pinunasan ang gilid ng labi at baka natuyo na rin ang laway niya sa sobrang himbing ng tulog niya kagabi.
"Sorry po, ganito ho kasi ako kapag pagod na pagod. Ang sama po kasi ng panaginip ko, Boss."
Naningkit ang mga mata ni Iesus sa kanya. Parang kahit siguro idaan niya sa dance interpretation ang bangungot niya para tubuan ng konsensiya at awa sa kanya si Iesus ay mas possible pang manalo siya sa Pinoy Henyo kaysa paniwalaan siya.
She continue, "Natamaan daw ng kidlat ang bahay n'yo."
"O, tapos, anong ginawa mo?" may himig na sarkasmo nitong tanong.
"Nagising na ako e. Try ko matulog ulit baka may magawa ako –"
"Get up."
Namilog ang mga mata niya. "Hala, why?"
Kung nakakatunaw lang ang masamang tingin ni Iesus ay malamang ay umaagos na magma na siya sa buong Faro. Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil na mapangiwi sa harapan nito dahil alam niyang ang kasunod nang masamang tingin ni Iesus sa kanya ay ang pagbuga nito ng apoy.
Opo, may nasabi na naman akong hindi magandang pakinggan sa tainga ni My Lord.
Nakahanda na ang mga kamay niya para matakpan ang mga tainga.
"I said, get up."
Sabay ang pagkatalikod ni Iesus sa kanya ay ang pagtakip niya ng mga palad sa tainga. Sabi na e! Hindi man ito nakasigaw pero para na ring sumisigaw ito kapag may diin at bagsak na bagsak ang pagbibitaw nito ng mga salita.
Nawala nang tuluyan si Iesus pero iniwan nitong bukas ang pinto ng silid niya.
Nag-sign-of-the-cross siya dahil nakalimutan niyang magpasalamat sa Dios pagkamulat niya ng mga mata kanina. Alam niyang hindi appropriate na gawin iyon sa ganitong sitwasyon pero top priority niya ang Panginoon. Hindi niya puwedeng gawin iyon sa harapan ng amo niya kanina dahil ibang dios iyong si Iesus.
Sisimulan na sana niya ang kanyang dasal nang marinig niya ulit si Iesus mula sa labas.
"Amora!"
Bahagya siyang napatalon sa kama, dumadagundong ang boses ni Iesus sa buong bahay.
Huminto ang tunog ng mga mabibigat na yabag ng sapatos nito, malamang huminto ito at nakatingin sa bukas na pinto ng kuwarto niya, nanlilisik sa galit marahil ang mga mata dahil hindi siya sumunod.
"Opo, ito na nga po! Tatayo na po! Nakatayo na po."
Napangiwi siya nang sobra, naiiyak na walang luha. Hinablot niya ang orange na bra sa itaas ng mesita pero na realize niyang mahihirapan siyang isuot iyon agad dahil mahabang pantulog ang suot niya. Lalo niya gustong maglupasay ng iyak na walang luha dahil do'n. Tinitigan niya ang orange niyang bra sa kamay saka sinipat ang suot.
Lord, ipapa-extend ko po sana ang promo ng mahabang pasensiya para sa amo ko ngayong araw, i-unlimited n'yo na po. Salamat po.
"Boss, mauna ka na!" naiiyak niyang sigaw. "Magba-bra lang po ako."
Buntonghininga lang ang narinig niya mula sa labas, umalis na rin ito pagkatapos. Naigala niya ang tingin sa paligid at doon niya napansin na mag-isa na lang pala siya sa kanyang silid.
Hala, saan si Chizle?
PINATUNGAN na lamang ni Amora nang makapal na cardigan ang mahabang pantulog pagkatapos maisuot ang bra at nagmadali na siyang bumaba mula sa second floor.
Dumiretso agad siya sa library dahil wala naman si Iesus sa sala at sa kusina. Doon, natagpuan niya si Iesus na nakatayo sa harapan ng mahabang red velvet couch nito roon. Dalawa iyon, magkatapat pero doon ito nakatingin sa mahabang sofa na nakatalikod sa kanya.
"Boss, nakita n'yo ba Chi?"
Nag-angat ito ng tingin at lumapit naman siya hanggang sa makita niya ang walang malay na si Chippy na nakahiga sa sofa. Naikiling niya ang ulo sa kanan.
Ang babaeng 'to, pinag-overthink pa ako, nandito ka lang pala? Teka, kailan pa lumipat ng higa si Chippy?
"She's not waking up," seryosong basag ni Iesus, bahagyang naglalapit ang magkabilang dulo ng mga kilay.
"Ho?"
Medyo hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Iesus. Paanong hindi nagigising e mukhang tulog na tulog lang naman si Chi? Titig na titig siya kay Chippy. Hindi naman tumitigil ang paghinga nito dahil kapansin-pansin pa rin naman ang pag-angat-baba ng dibdib nito. She doesn't even look pale kaya malabo na patay na rin ito.
"I need your help," pag-iiba ni Iesus.
"Tulong ho saan?"
"I need to bring Mathieu's body up."
Mathieu? Katawan ni Mathieu? B-Bakit may Mathieu? Iniwan siya nito at dumiretso sa bukas na pinto pababa ng underground museum ni Iesus. Doon niya natutop ang bibig para pigilan ang singhap. Pinatay ba ni Boss si Mathieu?
"Amora!"
"O-Opo!"
Iniwan niya si Chippy at sumunod kay Iesus sa parang tunnel na hagdan pababa ng museum nito. Bukas ang mga ilaw sa magkabilang pader kaya nakikita niya ang mga hakbang. Ang daming ini-overthink ng utak niya nang mga oras na iyon.
Bakit may katawan ni Mathieu? Bakit iaakyat nila? Bakit nandito si Mathieu e sila lang naman ni Chippy ang nandito sa bahay ni Iesus kagabi? Saka, bakit hindi gumigising si Chippy?
Lahat ng mga iyon ay hindi niya magawang maisatinig dahil baka bugahan na naman siya ng apoy ni Iesus.
Pagkababa nila ay doon na siya nagulat nang sobra. Literal na nanlaki ang mga mata niya at tuluyan na siyang napasinghap nang makita kung gaano kagulo ang buong underground museum. Parang dinaanan ng bagyo. Bagsak halos lahat ng mga glass cases at humarang sa daanan ang mga lumang gamit, armor, at paintings. Kumalat din ang dibres ng babasaging harang na pumapagitan sa butas ng balon sa itaas at ng museum. Sa pagkakaalam niya ay malalim naman ang position no'n at matibay pero nawasak talaga.
Pero bakit nandito si Mathieu?
Nakahandusay si Mathieu ng higa sa sahig, katulad ni Chippy ay wala rin itong malay. Tiyak niyang ginising na rin ito kanina ni Iesus pero mukhang hindi rin nito nagising. May mga iilang papel na nahulog sa dibdib ni Mathieu, may hawak din itong papel sa isang kamay. Pero mukhang wala namang nakasulat.
"B-Boss, ano pong nangyari rito?"
"I should ask you the same." Ibinaling ni Iesus ang tingin sa kanya. "What happened here while I'm away?" Kalmado ngunit tila may pagbabadyang unos ang timbre ng malalim na boses nitong tanong. Hindi niya alam kung ligtas siya sa unos o kakabahan na siya.
"Hindi ko ho alam." Iginala niya ang tingin muli sa museum, kalunos-lunos ang sinapit ng lugar. "Hindi ho yata panaginip ang sinabi ko kanina, Boss."
"C'mon, help me out."
Nauna itong alalayan para maibangon si Mathieu. Sumunod din agad siya at umalalay siya sa kaliwa naman ni Mathieu. Magkatulong nilang itinayo si Mathieu. Kalahati ng katawan ni Mathieu ay si Iesus ang nakaalalay, sinugurado niya lang na hindi masyadong mabigatan at mahirapan si Iesus kapag inakyat nito si Mathieu sa itaas. The tunnel was too confined, hindi sila kakasya if tatlo sila kaya sa likuran na siya umalalay.
Parehong habol nilang dalawa ni Iesus ang hininga pagkatapos maihiga si Mathieu sa katapat na mahabang sofa. Inayos niya naman ang pagkakahiga ni Mathieu sa sofa habang binabawi ni Iesus ang lakas.
"Boss, ano hong nangyari sa kanila?" She checks Mathieu's pulse, meron naman. Mukhang normal din na parang natutulog lang kagaya ni Chippy. "Si Doc. Vier po? Tinawagan n'yo na? Baka ho kailangan nating isugod na sila sa ospital."
"Calm down," sagot ni Iesus. "Vier is on his way."
Iniwan siya nito at naglakad sa direksyon ng working desk nito sa library.
Sinubukan niyang gisingin si Mathieu. "Chef! Gising." Tinapik-tapik niya ang isang braso nito. "Chef Math, umaga na po!" Nilakasan niya ang tapik niya sa pisngi nito pero hindi talaga nagigising si Mathieu, hindi rin ito gumagalaw, o umuungol man lang.
Napalunok siya, lalo na siyang nag-aalala.
Iniwan niya si Mathieu at si Chippy naman ang ginising niya. She did the same. "Chi, gising!" Mas malakas na ang tampal niya. Okay lang sa kanya kung masampal siya ni Chippy pabalik basta magising lang ito. "Chippy! Ano ba? Gumising ka na nga! Huwag n'yo kaming binibiro nang ganito."
"I already told you," basag ni Iesus. "They're not waking up."
Naibaling niya ang tingin kay Iesus na nakaupo sa black swivel chair nito, tutok na tutok ang mga mata sa laptop nito sa mesa.
"Bakit? Bakit hindi sila gumigising?" Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Anong nangyayari?"
"I don't know, Amora. Kung alam ko e 'di sana nasasagot kita ngayon nang maayos," frustrated nitong sagot. "I'm still trying to find out what happened last night."
Iniwan niya muna ang dalawa at lumapit kay Iesus. Tumayo siya sa likuran nito at tinignan ang kung anong ginagawa nito ro'n.
"I was able to retrieve some footage from last night. Luckily, the memory cards are still working," kwento nito. "It's not much but it's better than nothing."
"At anong nakita mo?"
May pinindot si Iesus sa keyboard ng laptop at nag-zoom-in sa screen ang video kung saan kuha iyon sa museum. May date at exact time, mga bandang alas onse na ng gabi kahapon. Halatang cropped video na rin.
Nasa may entrance si Chippy, parang bahagyang nakayuko at nakakapit sa frame ng entrance. May niyayakap itong bagay, parang maliit na kahon. Pamilyar siya sa matangkad na lalaki sa harapan ni Chippy dahil kulot ang buhok.
Napasinghap ulit si Amora. "Boss, si Sir Andrew po ba 'yan?" turo niya sa kulot na lalaki sa screen.
"Yes, it's Andrew. I've already confirmed it earlier habang tulog ka." Hindi naman maiwasan ni Amora na tignan nang masama si Iesus, mabuti na lang at hindi siya nito nakikita. "Sa main door siya dumaan, around 10:50 p.m."
Patuloy lang din ang pag-play ng video, naka-focus ang atens'yon ng mga mata niya roon at ang tainga niya naman ay busy sa pakikinig kay Iesus. Sa nagaganap sa video ay may lalaking naka dark blue hoodie na huminto, parang nahuli nila Chippy at Andrew.
"Paano siya nakapasok e na lock ko na buong bahay?"
"Drew probably used Sep's keys."
Humarap na iyong naka-hoodie na lalaki at doon mas naging pamilyar siya, sideview pa lang ay halatang si Mathieu na. Tapos nag-glitch at parang nagkusang mag-fast-forward ang eksena saka nag-glitch nang sobra na halos liwanag na lang ang nakikita. Umayos na ang video pero biglang kasama na si Doc. Juan sa eksena.
Napasinghap ulit siya at natutop ulit ang bibig. "Boss!"
"Huwag kang sumigaw, nakikita ko."
"Sorry po."
Marahas na bumuntonghininga si Iesus, naitukod ang isang siko sa mesa at nahilot ang sintido.
"Boss, saan naman galing si Chef Math at Doc. Juan? May secret doors pa po kayo rito sa bahay na hindi n'yo pa sinasabi sa'kin?"
"We'll talk about that some other time."
Nanatiling nakatitig si Iesus sa screen. Ibinalik din niya ang tingin doon at nandoon na sila sa eksena kung saan parang inaaway ni Chippy si Mathieu. Mukhang iyong nag-glitch ay ibinigay ni Chippy ang kahon kay Mathieu dahil hawak na ng huli ang kahon. Nag-fast-forward ulit nang kaunti at sunod-sunod na ang glitch hanggang sa parang may liwanag na pumasok sa loob at dumilim ang buong paligid. Hindi siya sigurado kung originally ay may sounds ba talaga ang video dahil nang dumilim doon lang siya may naririnig na sigawan.
"We have to get out of here! Chizle! We have to go up! Move now!"
Kinilabutan siya sa mga naririnig lalo na't wala siyang nakikita. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya lalo na ang isipin na ganito na pala ang nangyayari habang natutulog siya.
Amora, bakit hindi mo narinig ang mga sigawan sa baba? Bakit hindi ka nagising?
Biglang lumiwanag at nag-glitch-ulit, napalitan ng static sound ang background ng video. Agad na pinahinaan ni Iesus ang volume dahil masakit na iyon sa tainga. Naghahalo na ang sigaw at glitch sounds sa paligid, parang may malakas na puwersa ng hangin na umiikot sa paligid – sumisipol. Nagliliparan ang mga gamit at mukhang pati ang cctv camera ay naapektuhan na rin hanggang sa parang may narinig siyang nabaklas at tuluyan nang namatay ang video.
Ramdam na ramdam pa rin niya ang pananayo ng mga balahibo niya sa kilabot. Lahat nang iyon ay nangyari sa bahay kung saan siya at ni ingay ay wala siyang narinig. Parang bibigay ang mga tuhod niya kaya napakapit siya sa back rest ng swivel chair ni Iesus.
"Bakit... bakit hindi ko napansin?"
"Hindi mo ba talaga sila narinig?" baling sa kanya ni Iesus.
Sinalubong niya ang kalmadong asul na mga mata nito. "Wala talaga akong narinig... sobrang himbing ng tulog ko."
"But you had a dream."
"Oo, pero ang premise ng panaginip ay nasa labas ako ng bahay... umuulan... basang-basa ako. Parang nagulat nga rin ako na nasa labas ako e sa pagkakatanda ko ay natutulog ako sa loob. Tumakbo ako sa direksyon ng bahay nang biglang kumidlat at tumama ang liwanag sa mismong bahay n'yo, Boss. Hindi ko na alam ang kasunod dahil nagising na ako. Kaya ang weird na wala talaga akong narinig kung gano'n kalala ang nangyari."
Pero may isa pa siyang napansin.
"Boss, kung nandito sina Sir Andrew at Doc. Juan kagabi. Na saan na sila?"
"Iyon din ang pinagtataka ko. I called Andrew's number and it's out of reach. Nag-ri-ring lang din ang number ni Juan."
"Hala, ano kayang nangyari din sa kanila?"
Maya-maya pa ay biglang may narinig silang tunog ng gulong ng sasakyang mula sa labas. Napatingin siya sa bintana. Ngayon lang din niya napansin na makulimlim pa rin pala sa labas.
"Vier is here," usal ni Iesus.
NAKATAYO lang siya sa gilid habang tsine-checkup ni Doc. Vier sina Chippy at Mathieu. May mga ginawa ito para i-check ang responses ng dalawa pero kahit ganoon ay hindi pa rin gumagalaw at nagigising sina Chippy at Mathieu.
Ito na yata ang sinasabi ni Mother Superior sa'kin na dapat kalmado lang ako lagi kahit na pasabugan ako ng bomba sa harapan. May alam talaga iyong si Mother Superior e. Ayaw niya lang akong tapatin kasi baka umatras ako.
"Their situation is more likely the same when a person is in a state of coma," basag ni Doc. Vier.
Nakaluhod ito sa harapan ni Chippy, nakaangat ang isang palad sa tapat ng tiyan nito, pero hindi lumalapat. Naisip niya kung bakit ginawa iyon ni Doc. Vier dahil hindi naman nito iyon ginawa kay Mathieu kanina.
Hmm.
"I still don't think there's a scientific cause behind this. They seem very normal." Kumunot ang noo ni Doc. Vier. "I just couldn't sense their souls within them."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Iesus at Vier. Ini-obserbahan niya lang ang dalawa. Hindi talaga siya nag-ba-butt-in sa mga ganitong sitwasyon. Kasama iyan sa work agreement na pinirmahan niya kay Iesus. 'Yong kanina, hindi niya lang napigilan, pero may limitasyon lang ang pangingialam niya.
Laging paalala sa kanya ni Mother Superior na mga mata, paa, kamay, at tainga lang ang gagamitin niya sa trabaho niya. Ang bibig ay bubuksan lamang niya kapag kinakailangan. Pero madalas hindi iyon nasusunod dahil likas sa kanya ang pagiging madaldal.
Seryoso ang mukha at nakahalukipkip si Iesus. "What do you mean?"
"I couldn't sense their souls, Sus. They're missing."
Nawawala ang mga kaluluwa nila Chippy at Mathieu? Lalo siyang nagimbal sa mga naririnig niya sa dalawa. Paano kaya nangyari iyon? Sa sobrang daming misteryo rito sa Faro ay hirap na siyang mag-keep-up.
Tumayo si Doc. Vier. "But we still have to take them to the hospital. I'll call my father and ask for his help." Hinugot nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito. "I will not risk it, Sus. Lalo na't hindi pa natin alam kung hanggang kailan sila ganito."
Ang alam niya ay doctor rin ang ama ni Doc. Vier at ang pamilya Gutierrez ay may malaking share sa isang prestigious hospital dito sa Cebu.
"I don't think this is the same with Balti's case before," dagdag ni Doc. Vier.
"Please do," tugon ni Iesus.
"By the way, tinawagan mo na ba sina Sep at Jam?"
"No." Bumuga ito ng hangin at mariing minasahe ang noo. Iesus look so exhausted, parang puyat ito. "I don't think it's the right time of the day to discuss this with them lalo na't nawawala sina Andrew at Juan."
"How sure are you that they're missing?"
"There is no sign of exit in the footage I've collected. I've already reviewed everything earlier and there's none that I could find."
"Tinawagan ko rin ho ulit ang number nila Doc. Juan at Sir Drew, Doc. Vier," singit niya sa pag-uusap ng dalawa. "Unreachable ang number ni Sir Drew pero may um-accept ng tawag ko kay Doc. Juan... pero sa tingin ko ho ay sina Binig at Champo lang iyon dahil naririnig ko sila sa kabilang linya."
"It's safe to say that Juan left his phone at home," ni Iesus.
Maya-maya pa ay may narinig silang tahol ng aso na mukhang nasa loob na ng bahay at papunta na sa direksyon ng library. Bukas ang pinto kaya agad nilang nakita ang husky na aso ni Doc. Juan na si Champo at ang matabang pusa na mukhang munchkin balls na si Binig. Nakasakay sa likod ni Champo si Binig at may dala-dalang bondpaper.
"Champo!" sigaw niya. "Binig."
Tumahol nang malakas si Champo at huminto sa gitna nilang tatlo. Bumaba mula sa itaas ni Champo si Binig para ibigay kay Iesus ang bondpaper na may sulat.
Nagdikit ang mga kilay ni Iesus nang makita ang sulat. "Missing Juan," basa nito. Ibinalik nito ulit ang tingin sa dalawang hayop na sunod-sunod na tumango. Muling binasa ni Iesus ang sulat dahil may karugtong pa yata. "Last night."
Lumikha nang malungkot na iyak sina Champo at Binig. Naawa naman siya, mukhang buong gabi ring hinintay ng mga alaga ni Doc. Juan ang amo nila. Lumapit siya sa dalawa, lumuhod sa sahig, at niyakap sina Champo at Binig.
"This is serious, Sus," ni Vier.
"I know."
"Alin kaya sa mga nawawalang bagay ng Lolo Remegio mo ang sa tingin mo ang may gawa nito?"
Ilang segundong nag-isip si Iesus, malayo ang tingin. Sa totoo lang ay gusto rin niya malaman kung ano ang hula ni Iesus.
"Tang'na," mura ni Iesus na kinagulat niyang marinig dito. Nagtagis ang mga panga nito, tila nagpipigil lang ng inis. Halata sa kung gaano kadiin ang paghimas nito sa baba at panga nito.
"Sus," ni Vier.
Hindi niya madalas marinig na magmura si Iesus kahit na galit na ito, ngayon lang na para bang punong-puno na ito sa mundo.
"Please, take care of Chippy and Mathieu for me, Vier. May lalakarin lang ako." Tumalikod si Iesus sa kanila at nagsimulang maglakad sa direksyon ng pinto. "I'll meet you all in the hospital," habol nito bago tuluyang nawala.
Nagkatinginan silang dalawa ni Doc. Vier. "Let's wait for Iesus before we tell this to everyone," anito.
Tumango siya. "Sige."
Bumuntonghininga si Vier at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Thanks, Mor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro