Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

PRISCILLA, gets ko naman na masakit pero masyado namang ginagalingan ng puso mong manakit. Huwag kang mag-alala, wala silang spark. Kapag walang spark, ilubog agad.

"Mateo -"

Pero makikinig muna siya kahit siya ay nasasaktan. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang harapan at inilapat na ang mga palad sa katawan ng niyog.

"Ginawa ninyo akong tanga!" nakasigaw pero may pagpipigil sa boses ni Mateo. "Ginawa ninyo akong katatawanan sa harapan ng madaming tao, Pearlina. Nag-desisyon ka nang... nang hindi isinasangguni sa akin ang lahat. Paano? Bakit? Hindi ko mawari - Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nagawa mo ang bagay na ito kung malinaw naman sa ating dalawa ang intens'yon kong pakasalan ka bago matapos ang taon na ito."

Napahawak si Chippy sa kanyang bibig bago pa man siya mapasinghap nang malakas.

Kasal na agad? As in, ngayong taon na agad?

"Patawad... ngunit alam mong hindi ko puwedeng suwayin ang kagustuhan ng aking mga magulang."

"Ngunit nangako ka sa akin na ako ay hihintayin mo?" Nadudurog ang puso niya sa naririnig niyang hinanakit sa boses ni Mateo. "Kaunting oras at tamang pagkakataon na lamang ang kinakailangan ko upang masabi sa aking ama ang tungkol sa atin."

"'Yon din ang inaakala ko, Mateo, ngunit madami na ang nagbago simula nang mawala ka rito sa Pueblo de Liloan."

"Na kailanman ay hindi mo isinatinig sa iyong mga liham."

"Hindi mo mapipilit ang aking mga magulang na ikaw ay piliin sapagkat matagal nang buo ang desisyon nila na ipag-isang-dibdib ako kay Dimitreo. Hindi iisang beses na ikaw ay binigyan ko ng pagkakataon na patunayan mo ang sarili sa aking mga magulang. Ilang pagkakataon pa ba at tamang panahon ang kailangang hintayin? Ilang pangako pa ba ang mabubuo upang matupad mo ang pinangako mo sa aking pamilya, Mateo?"

Kitang-kita niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Mateo.

"Pearl -"

"Simula noon ay hindi ka na naging tapat sa akin, Mateo. Hindi ko man ito sinasabi sa iyo ngunit madalas mong iparamdam sa akin na hindi ako karapatdapat sa lihim na itinago mo sa likod ng iyong pagkatao. Tila inaalis mo sa akin ang pagkakataon na lubos kang makilala."

"Sinabi ba nila ang tungkol sa totoo kong pagkatao?"

"Hindi na importante iyon -"

"Marahil ay hindi ko na kailangang hulaan pa."

Anong lihim sa totoong pagkatao ni Mateo? 'Langya, isagad n'yo na ang information. Ayaw kong umuwi na nag-o-overthink.

"Patawad ngunit hindi ko nais magkaroon ng magulong buhay. Inilihim ko ang lahat ng ito dahil alam kong tututol ka at gagawa ka ng paraan para hindi matuloy ang anuns'yong gagawin ng iyong ama."

"Maiintindihan ko pa kung ito ay desisyon lamang ng aking ama, ngunit ang katotohanan sa likod ng iyong pagtalikod sa akin ay labis na nagdudulot nang matinding sakit sa aking puso. Ngunit, ano pa ba ang magagawa ko kung ikaw na mismo ang kusang nagpalaya sa sarili mo sa pagmamahal na ako na lamang pala ang nakakaalam."

Isa-isang naglandas ang mga luha niya sa mga mata sa mga sinabi ni Mateo. Ramdam na ramdam niya sa puso niya ang sakit ng pagkabigo nito. Pero hindi siya maka-emote nang maayos kinakagat ng lamok ang binti niya kahit naka-stockings naman siya.

"Buo na ang pasya ko at sana maluwag mo itong tanggapin, Mateo. Tapusin na natin ngayong gabi ang lahat. Ito na ang huling beses na pag-uusapan natin ang tungkol sa nakaraan natin. Nais kong magsimula ulit at sana ay ganoon ka rin."

Hindi tumugon si Mateo.

May tipid na ngiti sa mukha ni Pearlina. "Mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng aking mga magulang." Tinalikuran ni Pearlina si Mateo at nagsimulang maglakad palayo.

Akmang hahabulin nito si Pearlina pero umatras ito at nanatiling nakatayo lamang habang tinatanaw si Pearlina. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang binti, panay bugaw niya sa mga lamok na sinasangyupsal na ang dugo niya.

Walangyang buhay 'to! Bigo ka na nga, uubusan ka pa ng dugo ng mga insensitive na mga lamok.

Maya-maya pa ay biglang may tumalon na malaking palaka sa kanyang sapatos. Sa gulat niya ay impit siyang napasigaw at umalis sa pinagtataguan niya. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay isa lang ang naalala niya, alam niyang tumilapon ang walangyang palaka.

"Sino 'yan?!"

Nakatalikod na siya sa dagat kung saan huli niyang nakita si Mateo na nakatayo. Sobra siyang napangiwi nang ma-realize na wala nang punong tatakip sa pagiging-marites niya. Humigpit ang hawak niya sa clutch purse niya - nanggigil siya sa sarili niya. Gustong-gusto niyang sabunutan ang sarili.

Talaga ba, Chizle? Hindi mo ba talaga kayang pigilan ang sarili mo na isangkot lagi ang sarili mo sa mga gulo?

Magkukunwari sana siyang walang narinig at aalis na lang nang magsalita ulit si Mateo.

Bumuga ito ng hangin. "Nakita na kita, Priscilla."

Lalo siyang napangiwi.

At least kilala niya likod ko.

"At huwag mo nang subukang takasan pa ako. Humarap ka at lumapit ka rito," may gigil sa boses nito, halatang hindi natutuwa sa kanya.

Kailan ba siya natuwa sa ating dalawa, Priscilla? Sige nga, i-remember natin.

Dahan-dahan niyang pinihit ang sarili, magkalapat ang mga labi. She's very familiar with that kind of anger on his face. Ganoon din naman si Mathieu sa kanya kapag napupuno ito sa kanya. Honestly, natatakot siya kapag ganoon si Mathieu sa kanya. Hindi nga lang niyang pinapahalata.

Halata sa mukha ni Mateo ang pagka-buwesit na naman sa kanya. Tiim ang panga at nakalapat ang isang kamay sa isang baywang nito habang masama ang tingin sa kanya.

"Wala akong narinig," basag niya, sinubukan niyang ngumiti pero walang pagbabago sa seryoso at galit nitong mukha. Gusto niyang maiyak. "Promise!" Itinaas niya ang libreng kamay.

"Kanina ka pa ba riyan?"

Napalunok siya. "M-Medyo lang..." Naikiling niya nang bahagya ang ulo.

"Por favor!" sigaw nito pero parang tunog minumura siya. Marahas na lumingon ito sa dagat, kuyom na kuyom ang mga kamao. Napaatras tuloy siya, feeling niya ay sasakmalin siya ni Mateo sa galit. "Hanggang dito ba naman, Priscilla ay hindi mo ako bibigyan ng kapayapaan ng isip?" baling nito sa kanya.

"Sinabi ko na nga na wala akong narinig," may kaunting inis na sa boses niya.

Pero alam niya naman na wala siyang karapatang mainis kay Mateo. In the first place, siya ang may kasalanan. Personal matters ito ni Mateo. Hindi na dapat siya nakinig pa. Kaso, makulit siya.

Lalong nagdikit ang magkabilang linya ng mga kilay nito sa kanya.

"I'm sorry," aniya, mas malumanay ang boses kaysa kanina. "I mean it."

"Marahil ay masaya kang nakita ang kabiguan ko sa babaeng aking iniibig. Marahil ay naiisip mo ngayon na tama lang sa akin ito dahil tinanggahin at ipinahiya kita sa harapan ng simbahan nang magpahayag ka ng pag-ibig sa akin."

Kumunot ang noo niya. "Judgmental naman nito," hindi niya maiwasang komento. "Anong tingin mo sa'kin kontrabida? Bakit naman ako matutuwa sa kabiguan ng iba? At higit sa lahat, sa kabiguan mo? I mean, matutuwa ako kung kabiguan ng mga demonyong atribida sa buhay ko pero hindi sa'yo. Hindi mo deserve 'yon, okay?"

Sa mukha ni Mateo ay tila naguguluhan ito sa mga pinagsasabi niya.

"Napakabilis mo magsalita, Priscilla. Maari bang bagalan mo't hindi ako nakakahabol sa mga salitang nais mong sabihin sa akin."

Napabuga siya ng hangin.

"Fine!"

Nagsimula siyang maglakad palapit kay Mateo.

"Nasaktan mo ako, oo. Pero hindi naman ako ganoon kababaw para gawing katatawanan ang kabiguan mo." Huminto siya tatlong hakbang ang layo mula kay Mateo. "Kanina, habang nakikinig ako, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na deserve mo ang bagay na 'yon. Gets ko naman na wala ka talagang nararamdaman na pagmamahal sa akin. Okay, tatanggapin ko 'yon. At hindi man ako kasing bait ng ibang tao pero hindi rin naman ako ganoon kasama."

Nawala ang kunot sa noo nito pero nandoon pa rin ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.

"Alam ko ang pakiramdam na masaktan, Mateo. Ilang beses ko na iyong naramdaman dito sa puso ko." Inilapat niya ang isang kamay sa bandang puso niya. "Kaya paano mo nasasabi na natutuwa ako kung alam ko ang pakiramdam na nasasaktan, napag-iiwanan, at naloloko? Pero paano mo nga naman malalaman kung wala kang ibang nakikitang maganda sa'kin? Kahit siguro ang pananahimik ko ay may negatibong balik sa'yo."

Ibinaba niya ang tingin sa kanyang clutch purse, binuksan iyon para kunin doon ang kanyang puting panyo na may burda ng isang bulaklak. Inangat niya ang mukha na may tipid na ngiti. Lumapit pa siya rito at huminto isang hakbang na lamang ang pagitan. Inabot niya ang isang kamay ni Mateo at ibinigay rito ang panyo niya.

"Hindi ko maiibsan ang sakit na nararamdaman ng puso mo pero sapalagay ko ay kaya ng panyong 'to."

Kahit siya ay hindi makapaniwala na kaya niyang magbitaw ng mga salita na gano'n. Parang hindi siya 'yon.

His face softens at hindi niya alam kung sadya o hindi, but he let her see his vulnerability through his eyes. Sobrang lungkot ng mga mata ni Mateo kahit pa bahagya na lamang ang kunot sa noo nito. Ang mga matang iyon ay para bang nagpipigil lamang ng mga luha.

She has this big urge to cupped his face and kiss those sadness in his eyes pero alam niya na magugulat lang ito kapag ginawa niya 'yon, so she held herself - pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang sirain pang lalo ang gabing 'yon ni Mateo.

"Makakaasa ka na hindi lalabas sa hacienda n'yo ang mga narinig ko," dagdag niya. "Hanggang sa kamatayan ay dadalhin ko 'yon. Pangako." Ibinaba niya ang kamay ni Mateo. "Alam ko na masakit pero huwag kang magtagal ro'n, mas lalo lang lalalim ang sugat."

Tipid ulit siyang ngumiti rito.

"Mauuna na ako," paalam niya.

Tinalikuran na niya si Mateo at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na siya lumingon pa para tignan ang mukha nito. Makulit siyang babae pero alam niya ang limitasyon niya. At hindi iyon ang tamang araw para mambuwesit.

Napabuga naman siya ng hangin habang naglalakad palayo. Hindi pa rin maalis ang bigat ng nararamdaman niya sa kanyang puso. Lalo lang bumibigat, mukhang inangkin na rin niya lahat ng kalungkutan ni Mateo. Ramdam niya ang pagbabanta muli ng kanyang mga luha, naiiyak na naman siya.

Tumingala siya nang bahagya sa madilim na kalangitan para pigilan ang mga luha.

"Ang hirap," hindi niya mapigilang iyak. "Shuta, mamamatay ako sa sakit sa puso rito." Pinunasan niya ang mga luha sa mata gamit ng mga daliri niya. "Bakit ang lalim mong magmahal, Priscilla?"



NANG makauwi ay tulala pa rin siya habang nakaupo sa mesa ni Priscilla. Kanina pa siya nawawala sa inog ng mundo. Kanina ay isang kamay lang ang nakalumbaba sa kanyang pisngi, ngayon ay dalawa na. Iniisip pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito kanina. Hindi niya maiwasang alalahanin kung ganoon nga rin ba ang sakit na ibinigay niya kay Mathieu noong tanggihan niya ang pag-ibig nito sa kanya.

Thinking about it, she felt bad for Mathieu. Napaka-selfish din talaga ng mga decisions ko sa buhay kahit pa sabihin ko na may rason ako. Mathieu was more than just a fuck buddy - he was her friend, her lover, at isa pa sa mga support warrior niya maliban sa mga kaibigan niya sa rooftop.

Bigla siyang naiyak na walang luha saka nanggigil na hinilamos ang mga kamay sa mukha paakyat sa kanyang buhok.

"Chizle naman kasi, napakaano mo - nanggigil ako sa'yo. Humingi ka talaga ng sorry kay Mathieu pagkalabas na pagkalabas n'yo rito. Bumawi ka sa taong 'yon."

Marahas siyang napabuga ng hangin at isinandal ang mga braso sa mesa para may unan ang kalahati ng mukha niya nang ihiga niya ang ulo. Nakaharap ang mukha niya sa may bintana kung saan nakalagay ang mga pansulat niya at ang diary ni Priscilla na sinilip niya kanina pero tinigilan din niya dahil walang pumapasok sa isip niya.

"Ano kaya ang tungkol sa totoong pagkatao ni Mateo? At bakit gano'n ang pamilya ni Mateo sa kanya? Ni hindi man lang pinaalam sa kanya ang tungkol sa engagement party. Saka, itong si Pearlina naman, boyfriend niya naman pala si Mateo bakit hindi na lang niya sinabi na magpapakasal siya sa iba. Hindi 'yong pinaasa pa niya ang tao sa wala."

Bumangon siya at umayos ng upo. Muli niyang inabot ang diary ni Priscilla. Binalikan niya ang pahina na iniwan niya kanina.

"Itong si Priscilla, nag-diary ka pa kung hindi ka rin naman pala magsusulat araw-araw." Laging tumatalon ang entry nito ng araw. Madalas ay puro pagkukwento lang kapag nakikita nito si Mateo. "Feeling ko talaga may naunang diary ka pa. Kailangan kong mahanap 'yon. Gusto kong malaman kung bakit mahal na mahal mo 'tong si Mateo." May tunog na isinarado niya ang diary. "Pero matutulog na ako at baka ako pa ang unang mapansin ng pari na nangingitim ang ilalim ng mata dahil puyat."

Linggo bukas kaya magsisimba kaming lahat. At mukhang hindi na babalik ang babaeng 'yon. Kinain na yata ng bahay.

Tumayo siya mula sa kanyang silya at diretso nang humiga sa malambot niyang kama. Niyakap niya ang puting unan, at suot na naman niya ang hoodie ni Mathieu. Napansin niyang mas komportable ang tulog niya kapag suot 'yon. Mas nabubuhayan siya ng loob na hanapin ito sa katauhan ni Mateo.

Iniangat niya ang kumot hanggang sa kanyang dibdib at ipinikit na ang mga mata. Kung puwede lang ay sana sa paggising niya ay nasa rooftop na siya kasama si Mathieu. Hindi siya magdadalawang-isip na yakapin ito at humingi ng sorry.

Totoo, magbabago na talaga ako.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya siya napabangon. Bumungad sa kanya ang mukha ni Amara, nakalapat ang isang daliri sa labi, at nagpipigil ng tawa. Bumaba ang tingin niya sa dala nitong basket na may telang nakatakip.

"Shsh," anito, dahan-dahang isinarado ang pinto sa likuran nito saka lumapit sa kanya.

"Gage, akala ko ay hindi ka na babalik?"

Inutusan niya kanina si Amara na hanapan siya ng alak. Dry na dry na ang lalamunan niya, naghahanap na ng sipa. Ni hindi nga sumayad sa dila niya ang hawak na kopita ng alak doon sa party. Inagaw agad sa kanya ng Mama niya at may pagbabanta pa ang tingin.

Bawal yata maglasing itong si Priscilla, nagkakalat.

"Anong petsa na? Isang siglo ang inabot mo, ah," dagdag pa niya.

Isang oras at kalahati, nakakaloka!

Naupo si Amara sa gilid ng kama at inilapag ang dala nitong basket. "Magpasalamat ka at nakakapagpuslit ako. Nako, hinintay ko pa si Julian na patayin niya ang ilaw ng silid niya. Kinakagat na ako ng lamok sa labas kakabantay sa bintana." Lumapad ang ngiti ni Amara. "Ngunit, nakakuha ako ng isa sa imbakan ng mga alak sa ibaba."

Inalis nito ang pulang tela na nakatakip sa basket nitong dala. Hindi niya alam kung effects lang ng mga mata niya na kumikinang ang bote ng wine na dala ni Amara. Nakasulat sa Italian ang pangalan ng wine bottle at galing pa ng Verona, Italy.

Malapad ang ngiti na ibinalik niya ang tingin kay Amara. "Shuta ka!"

Humagikhik ito. "Ngunit, kapag iyan hinanap ng iyong mahal na pinsan ay hindi mo maaring sabihin na ako ang pumuslit niyan. Alam mong bumubuga ng apoy si Senyorito Julian kapag siya ay ginalit. Hindi ako maaring mapaalis sa mansion at alam mo iyan."

"Huwag kang mag-alala," kinuha niya ang bote ng alak mula sa basket at sinipat iyon, "sanay akong nasesermonan ng Latin ng mga de Dios."

'Langya! Gawa pa noong 1889 ang alak na 'to. Puwede ko kaya 'tong dalhin sa future? Mabebenta ko 'to sa pinakamataas na presyo.

Natawa ulit si Amara. "Mabuti. Ah, nga pala, ano ang kahulugan ng sinabi mo kanina? Iyong... shu... shuta... ka?"

"Ibig sabihin no'n ay good job o sa salita natin, magaling ka," sagot niya nang hindi pa rin ibinabalik ang tingin kay Amara.

"Sa anong wika?"

"Sa malayong lugar." Ibinalik niya ang tingin kay Amara na tila napapaisip kung maniniwala sa kanya o hindi. "May dala kang pangbukas?"

"Hindi ba mayroon ka?"

"Meron... ako?"

Naikiling niya ang ulo sa kanan niya, bahagyang nakakunot ang noo.

Talaga?

Tumango si Amara. "Oo, mayroon ka." Tumayo ito at lumapit sa desk saka lumuhod sa sahig para kunin ang kahon sa ilalim ng mesa niya. Binuhat nito ang kahon na sa tingin niya ay medyo mabigat at dinala sa kanyang kama. "Nakalimutan mo na ba ito? Dito mo itinatago ang mga gamit mo." Binuksan ni Amara ang kahon at bumungad sa kanila ang dalawang wine glasses at ang version ng corkscrew sa panahon na 'to. "Ito." Inabot nito sa kanya ang corkscrew.

Napaisip siya.

Huwag mong sabihing lasinggera itong si Maria Priscilla Altagracia y de Dios? Anyway. She shrugs the idea on her mind. Iba ang priorities natin ngayon, Chizle. Alak. Kailangan nating tumagay, pampapalubag loob man lamang sa mga pangyayari rito sa 1935. Priscilla my dear, ang gamot sa pagkabigo ay alak. Always remember that.

Nagawa niyang buksan ang bote ng wine at nagsalin ng alak sa dalawang wine glasses. Alam niyang dapat kaunti lang talaga ang ilalagay para malasap ang sarap pero mukhang kailangan niya nang marami ngayon.

Kalahating puno ang kopita niya at pinigilan naman siya si Amara na punuon din ang kopita nito kaya mas kaunti ang share nito. Tama, hindi niya puwedeng lasingin si Amara dahil may trabaho pa ito bukas.

Bakit, ikaw, Chi? Hindi ba't magsisimba kayo nang maaga bukas? Pfft. Wala pa namang 12 midnight. Hello, 11:20 pa lang ng gabi. Sanay ako sa puyatan.

Lumipas ang minuto na nagkukwentuhan lang sila ni Amara. Pareho silang nakaupo sa kama, nakasandal ang mga likod sa headboard.

Enjoy na enjoy niya ang wine habang patigil-tigil naman ng inom si Amara, madalas ay napapangiwi at nilalasahan ang alak sa dila bago ulit sisimsim.

God, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong wine. Sobrang heaven ng lasa. Matamistamis at sapat lang ang sipa.

Masaya rin palang kausap 'tong si Amara. Para itong pinaghalong Amora at Aurea, minus the paranormal thing ni Aurea. At least, hindi siya mabuburyo rito sa bahay dahil may best friend pala itong si Priscilla.

Ikinuwento niya rito ang nangyari sa party, but she skip the part doon sa dalampasigan. She's keeping her promise to Mateo. Dadalhin niya sa hukay ang mga narinig at nakita niya kanina at kahit pa na bumalik siya sa totoong panahon niya.

Kagaya niya ay nagulat din si Amara sa pasabog ng ama ni Mateo.

"Kawawa naman si Senyorito Mateo kung ganoong ikakasal na nga si Senyorita Pearlina. Ang nakakalungkot lamang ay sa kapatid pa niya."

"Shruu, at saka mukhang hindi pa siya na inform... I mean, mukhang hindi pa sinabi ng pamilya niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Imagine the pain at pagkagulat sa mukha niya? Nako, awang-awa ako sa kanya kanina. Gusto ko nga siyang yakapin pero naalala ko, sino nga ba naman ako para gawin ang bagay na 'yon?"

"Totoo, kasi wala naman kayong pagkakaunawaan, hindi ba?"

Marahas niyang naibaling ang tingin niya kay Amara. "Salamat, ha? Ang laki ng ambag ng sinabi mo para mapagaan ang kalooban ko," buwesit niyang tugon dito.

Tawa naman ito nang tawa.

"Alam mo ba," pag-iiba ni Amara pagkatapos makahuma sa tawa nito. "Noong mauwi ako sa Guadalupe tatlong linggo na ang nakalipas. May isang manghuhula roon sa amin, si Lola Catalina, ang ina ni Ate Antonia."

"'Yong nanay ni Lo... ni Apolonio?"

Tumango si Amara. "Oo, manggagamot at manghuhula kasi ang matanda sa amin. Napadaan lamang ako noon, araw ng Biyernes at inihatid ko ang inihiram ng aking inay na bilao kina Aling Mersing, kapitbahay lang nila."

"Nagpahula ka?"

Binawasan niya ang laman ng kopita niya.

"Hindi ngunit hinawakan niya ang kamay ko bigla at sinabi niya nga sa akin na magkakaroon daw ako ng isang mabait at mayaman na asawa na siyang mag-aalis sa akin sa kahirapan."

Taray, nasa lahi na talaga nila Auring ang pagiging fortune teller.

"Tapos?"

"Maniniwala na sana ako ngunit naisip ko na napaka-imposible naman na makakakilala ako ng mayaman na binata na tatanggap sa akin sakabila ng mahirap na estado ko sa buhay. At, sinabi pa niya na magkakaroon ako ng napakagandang anak na babae na may asul na mga mata."

Nasamid siya bigla at inihit ng ubo.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Amara. "Priscilla, ayos ka lang ba?" Inilapag nito ang kopitang hawak sa mesita at hinagod ang kanyang likod. "Dahan-dahan lamang sa pag-inom."

Napatitig siya sa mukha ni Amara.

Sa pagkakatanda niya ay dalawang de Dios lamang ang nagmana ng asul na mga mata ni Lolo Jose Remegio de Dios. Si Iesus at ang Lola Azalea niya.

Hindi kaya?

"Amara, nabanggit mo na ba sa akin ang buo mong pangalan?"

"Hindi ko pa ba nabubuo?" Tila nalilito rin ito.

"Hindi ko alam pero ano nga ulit?"

"Amara... Amara Crisanna Merkado y Guangco."

Lolo Xersus said before that he named my mother after his two mothers kaya naging Amelia Crisanna de Dios ang Mama ko. Hindi kaya si Amara ang future wife ni Julian? At asul ang mga mata ni Azalea, ang babaeng anak ni Julian sa family tree nila.




NAPABALIKWAS ng bangon si Mateo sa kanyang kama, pawisan at naguguluhan. Maya-maya pa ay nakabawi na ang paningin niya sa kadiliman ng kanyang silid. Humugot siya nang malalim na hininga at bumuga ng hangin. Binuksan niya ang ilaw sa itaas ng kanyang mesita.

Napalunok siya nang bumalik sa kanyang isipan ang panaginip niya. Tila totoo ang mga pangyayaring iyon. Bahagyang malabo at mabilis ang mga pangyayari ngunit malinaw na malinaw sa kanyang isipan ang babaeng may hawig kay Priscilla ngunit naiiba lamang sa pananamit. Hindi niya mawari ngunit tila naiiba ang panahon na iyon sa panahong ginagalawan niya.

Nakikita niya ang sarili roon na tumatawa at ngumingiti habang nakikinig sa mga sinasabi ng babaeng kamukha ni Priscilla. Hindi niya naririnig ang mga salita ngunit buhay na buhay sa kanyang isipan ang masayang tawa niya.

Ngunit bakit gano'n? Hindi naman siya sumasagi sa aking isipan ngunit lagi siyang laman ng aking mga panaginip nitong mga nakaraang araw. At hindi lamang iyon ang kakaiba sa mga panaginip niya dahil tila iniibig niya roon nang husto si Priscilla. Kaya ba, laging nauuwi ang tagpong iyon sa isang kapusukang pagniniig?

Muling napalunok si Mateo, naipikit niya ang mga mata at mariing minasahe ang sintido. Simula noong tinanggihan niya si Priscilla sa simbahan ay madami nang kababalaghang nangyayari sa kanya.

Kung ang mga panaginip na iyon ay magpapatuloy pa rin, marahil ay may mga bagay sa kanyang utak na pilit niyang sinusupil na pakinggan at ngayo'y naghihimagsik na makalaya upang ipamulat sa kanya ang totoo niyang nararamdaman.

Marahas siyang bumuntonghininga.

Ayaw niya ng kanyang iniisip, sa tingin pa rin niya ay imposible iyon.

Ngunit bakit tila hinahanap ng katawan niya ang pamilyar na init na iyon?

Lumipad ang tingin niya sa pamilyar na panyo na naiwan niya pala sa itaas ng mesita - ang panyo na ibinigay sa kanya kanina ni Priscilla.

Naalala niya ang tagpo kanina.

"Alam ko ang pakiramdam na masaktan, Mateo. Ilang beses ko na iyong naramdaman dito sa puso ko. Kaya paano mo nasasabi na natutuwa ako kung alam ko ang pakiramdam na nasasaktan, napag-iiwanan, at naloloko? Pero paano mo nga naman malalaman kung wala kang ibang nakikitang maganda sa'kin? Kahit siguro ang pananahimik ko ay may negatibong balik sa'yo."

Inabot niya ang panyo, pinadaanan ng isang daliri ang sampaguita na bulaklak na siyang namumukud tanging burda sa bandang gilid ng panyo.

"Hindi ko maiibsan ang sakit na nararamdaman ng puso mo pero sapalagay ko ay kaya ng panyong 'to."




MAY naririnig si Chippy na kaguluhan sa labas ng simbahan. May napapansin siyang pinagkakaguluhan simula pa sa loob ng simbahan kaya iniwan niya muna ang pamilya niya na kinakausap pa si Padre Flores.

Hilot-hilot pa niya simula kanina ang sintido. Gusto niyang magpalit ng ulo.

Mabuti na lang at hindi ako nakatulog kanina sa misa. Dios ko, pumipintig ang sintido ko dahil sa hangover ko kagabi. Information overload pa ako sa na diskubre kong impormasyon tungkol kay Amara na posible ngang future second wife ni Hulyan. Nakakaloka, wala bang gamot dito para sa hangover?

Babawi talaga siya ng tulog pag-uwi mamaya.

"Nagsisimula na ang kamalasan! Lahat tayo ay magdurusa. Mauubos lahat ng likas ng yaman at mawawalan tayong lahat ng pangkabuhayan," litanya ng isang boses ng babae na bahagya nang namamaos.

Wala sa mismong harapan ng simbahan ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Sa nasisilip niya ay malapit na ito sa daan. Lumakas na rin ang bulung-bulungan ng mga tao. Sumiksik siya para tuluyang makita kung sino man ang pinag-uusapan ng mga ito.

Linggong-Linggo may dahilan na naman para magbawas ng ligtas points ang mga tao. Mas mabilis pang ma-impyerno kaysa ang makapasok sa langit.

"Nakikita n'yo ba ang mga nangyayari? Naririnig n'yo ba ang sigaw ng kalikasan? Ang sumpang matagal nang nahimlay ay muling nagising upang gantihan ang bayan na ito. Makinig kayo sa akin! Pakinggan n'yo ang iyak ng bayan na 'to!"

"Nako, ito na nga ba ang sinasabi sa akin ng aking Lola Panyang, nasumpa na ang Pueblo de Liloan," narinig niyang sabi ng babae sa kanyang kanan.

"Kaya siguro wala nang nahuhuling isda sa dagat dahil nasumpa na tayo," segunda ng kasama nito.

Ay talaga ba? May pa ganito sa panahon na 'to? Hirap pa naman itama ang fake news lalo na siguro sa panahon na 'to.

"Ay, shuta!" mahina niyang mura nang may tumulak sa kanya mula sa likuran dahilan para mapunta siya sa pinakaharapan.

Literal na namilog ang mga mata niya sa pagkagulat nang mag-face-to-face sila ng matandang babae na tila nagulat din na makita siya. Makulubot ang mukha, magulo ang buhok na halos puti na, marungis, at parang matagal nang hindi nagpapalit ng damit at naliligo.

"Ikaw!" turo nito sa kanya.

"H-Huh?" Napasinghap siya nang marahas siyang hawakan nito sa pupulsuhan. "T-Teka lang po -"

"Ikaw na siyang nagmana ng sumpa ng unang de Dios na tumapak dito sa bayan na ito. Nabuhay sa iyo ang kamalasan na hindi niya nagawang dalhin sa kanyang kamatayan."

Napangiwi siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng matanda sa pupulsuhan niya. Bumabaon ang marumi at mahabang kuko nito sa kanyang balat.

"Bitiwan n'yo ho ako," daing niya. "Nasasaktan po ako -" umawang ang bibig niya nang higpitan pa nito ang hawak sa kanyang pupulsuhan.

"Lumayas ka rito!" Binitiwan siya nito at binalikan ang iniwang basket ng mga itlog. Napasinghap siya nang batuhin siya nito ng itlog at nabiyak iyon sa kanyang ulo. "Malas!" Umisa ulit ito at tumama iyon sa kanyang balikat. Hindi siya makahuma at parang kinakapos siya ng hininga. Masakit ang pagbato nito ng mga itlog pero mas masakit na wala man lang lumalapit para tulungan siya.

"Ikaw ang dahilan ng kamalasan dito sa Pueblo de Liloan!"

Inihanda na niya ang sarili nang muling umangat ang isang kamay ng matanda para batuhin ulit siya ng itlog at nang akmang ibato nito sa kanya iyon ay ipinikit na lamang niya ang mga mata pero walang matigas na bagay na tumama sa kanyang katawan. Pero narinig niya ang muling pangsinghap ng mga tao.

Naimulat niya ang mga mata at bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Mateo. Hinarang pala nito ang sarili kaya tiyak niyang sa likod nito tumama ang itlog. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang humikbi ng iyak nang maramdaman ang maingat na paghawak nito sa kanyang mga balikat.

"Tahan na," alo nito at tuluyan na siyang niyakap.

Parang batang umiyak siya sa dibdib nito. Hindi niya mapigilan dahil sobra siyang nasasaktan nang mga oras na iyon.

"Layuan mo ang babaeng iyan! Iyan ang magdadala sa'yo ng kamalasan. Bit-Bitiwan n'yo ako mga animal!"

"Husto na!" sigaw ni Mateo sa matandang babae, naramdaman niya ang bahagyang pagpihit ng katawan nito para tignan ang baliw na babae nang hindi inaalis ang mga braso sa kanya. "Itigil mo na ang pagsasalita ng mga walang katuturang bagay."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha para silipin ang nangyayari. Nakita niya sina Juan at Andrew na hawak-hawak ang matandang babae sa magkabilang braso - pinipigilan na huwag nang makapanakit. Muli siyang napaluha dahil nandito rin pala ang mga kaibigan niya.

"Hindi sumpa ang unti-unting sumisira sa bayang ito!" pagpapatuloy ni Mateo.

"Kung hindi sumpa ay, ano?!" pasigaw na tanong ng isa sa mga lalaki roon.

"Hindi ko pa alam sa ngayon." Umugong na naman ang mga bulung-bulungan ng mga tao. "Ngunit, mapapatunayan ko rin sa inyo na hindi sumpa ang naghahatid ng kamalasan sa bayan na ito at walang inosenteng mamamayan ang dapat madamay."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo -" Binusalan ni Juan ang bibig ng matanda gamit ng bandana nito.

"Tama ang Senyorito," basag ni Andrew. "Hindi dapat tayo nanghuhusga ng inosenteng tao nang ganoon na lamang. At hindi tama na nagpapaniwala tayo sa mga salitang wala namang basehan at galing lamang sa sariling kathang isip."

"Priscilla, hija!" nag-aalalang boses iyon ng kanyang ina. "Noah, puntahan mo ang kapatid mo."

"Julian, tulungan mo ang mga pinsan mo!" maawtoridad na utos ni Tiyo Jose.

Agad na pinagitnaan silang dalawa ni Mateo nila Julian at Noah.

"Ginang," basag ni Julian, kalmado ngunit may gigil. "Kung hindi mo nais na makulong dahil sa pananakit mo sa aking pinsan ay mas mabuti pang umalis ka sa bayan na ito at huwag na ulit tatapak pa ulit sa Pueblo de Liloan, dahil sa oras na makita pa kita rito ay hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka sa mga awtoridad."

"Isang bigkas pa ng mga maling paratang sa kapatid ko, Ginang at hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro