Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

PASADO alas singko ng hapon ay umalis na ang pamilya papunta sa hacienda ng mga Valdevielso. Hindi naman sila natagalan dahil sasakyan naman ang mode of transportation nila. Halos ng mga pamilyang may magandang source of income at malalaki ang lupain sa Pueblo de Liloan ay may magagarang sasakyan – kung hindi siya nagkakamali ay automobile ang tawag sa mga sasakyan sa panahon na ito.

Her Altagracia and de Dios owns four of these kinds. Dalawa ang parang convertible type na nabubuksan sa itaas at dalawa ang close. 'Yong convertible ang gamit ni Julian, ito na rin ang nag-drive. Katabi nito si Noah at siya naman ay nasa likuran. Ang Tiyo Jose at Mama niya ay nasa kabilang sasakyan – 'yong close type at may sariling driver ang mga ito. Hindi isinama si Xersus dahil matagal daw matapos ang mga party na ganito at maagang pinapatulog ang bata kaya naiwan ito sa pangangalaga ni Amara.

Parties are always a luxury – kahit sa present ay ganoon pa rin naman. Afflauncy must radiate in your existence or else no one will look up to you. Kung baga, dapat kumikinang ka lagi sa mga pagtitipon na ganito. It's a sign of social status at mataas ang antas mo sa lipunan kahit gaano ka pa ka demonyo.

Like Iesus will always quote: "Parties are sometimes a mouse traps."

Tahimik lang siya sa likod, nagkukunwaring nagbabasa kahit hindi naman. Ang nag-uusap lang ay sina Julian at Noah. Nakikinig lang siya sa dalawa na hindi rin naman makakatulong sa kanyang binubuong research.

"Mukhang lumala ang problema rito sa Pueblo," ni Noah.

"Tungkol ba sa matumal na paghuli ng mga isda?" balik tanong ni Julian.

Tumango si Noah. "Nagkausap kami ni Mateo noong isang araw." Mateo? Bigla siyang nabuhayan ng kaluluwa. Friends pala 'tong dalawang 'to e. Bakit hindi mo naman sinabi sa'kin, Kuyaaaa?! Pinag-igihan niya ang pagkukunwari. "Simula pa pala noong isang buwan na matumal ang huli ng mga mangingisda rito."

"Hindi naman lahat. Ang balita ko ay madami raw nahuhuling isda ang grupo nila Temyong."

"Nabanggit nga rin sa akin ni Mateo. Ngunit, umabot na ba sa iyo ang balita na may namataang mga patay na isda na lumulutang hindi kalayuan sa simbahan?"

"Nabalitaan ko nga rin. Ang sabi nga rin ng mga nakakatanda ay mukhang nadaanan ng itim na hangin ang buong Pueblo de Liloan ngayon kung kaya matumal ang kahit anong panghuhuli mula sa laot."

Ang creepy naman no'n. Pati ba naman sa 1935 ay sinusundan pa rin ng misteryo ang buong angkan namin? Sabagay, kailan ba 'yon nawala?

"Naniniwala ka roon?"

"Wala namang mawawala sa atin kung paniniwalaan natin iyon. Sana nga lang ay hindi totoo dahil malaking gulo iyon sa bayan na 'to."

Totoo rin naman. Mas lalo akong mababaliw rito kapag buong Pueblo de Liloan na ang nasumpa.

Maya-maya pa ay bumungad na sa kanya ang malaking iron gate na may apelyido ng mga Valdevielso. Bukas na iyon nang pumasok sila at napansin niya agad ang dalawang lalaki na nagbabantay sa gate – sina Juan at Andrew.

Si Andrew lang ang nakapansin sa kanya dahil nasa kabila si Juan. Nagtama ang mga mata nila pero as usual ay poker face lang ito. Bahagya pa itong yumukod para magbigay galang kahit hindi naman sila huminto.

Grabe ka Mateo, inaalila mo mga kaibigan mo rito.

Iba na rin naman ang pinag-uusapan ng dalawa kaya ang buong hacienda na lang ng Valdevielso ang tinignan niya. Mula sa malaking gate ay mukhang nasa dulo pa ang mansion nila Mateo. Puro puno at mga bulaklak ang nakikita niya maliban sa mga storage houses. May mga tauhan na naglalakad at mukhang busy na busy rin. May nakatakas pang manok na hinahabol ng isang lalaki.

Sa ilang taon namin ni Mathieu ay ni minsan hindi ko man lang na meet ang pamilya niya. Ni hindi ko nga alam ang address ng home residence niya maliban sa bahay niya sa Faro. Tangina, 'yon! Lugi pala ako. Mas malihim pa ang walangya kaysa sa'kin na halos alam na buong life story ko. Kapag ako nakabalik – este – tayong apat nakauwi na, mag-de-demand ako ng life story mo Mathieu Dmitry Brandaeur.

Pero napaisip din siya sa implications ng huling inisip niya.

Gaga! At sino ka para mag-demand? May kayo ba?

Napabuntonghininga na lamang siya.

Sana normal pa utak ko pagbalik ko ng Faro.

"Ang lalim ng buntonghininga natin riyan, ah, Senyorita," narinig niyang puna ni Julian. Sumunod naman ang mahinang tawa ni Noah.

Nakita na naman ako nitong si Hulyan Habyer de Dios.

Pero naka adjust na siya. Nabubwesit pa rin siya pero dahil may years of experience na rin naman siya pagiging mahadero at grumpy ni Iesus ay kaya na niyang huwag pansinin itong si Julian.

"Huwag mo akong kausapin," malamig na tugon niya rito.

Ibinalik na lamang niya ang atens'yon sa libro na hindi niya naman binabasa. Tinawanan lang siya ng dalawa. Saya 'yarn?

"Ang dami nang nabago rito sa hacienda nila," pag-iiba ni Noah.

"Dahil iyan kay Mateo," sagot ni Noah. "Wala ka rin namang maasahan sa kapatid niyang si Dimitreo. Masyado pang bata ang isip ni Dimitreo para sa mga ganitong bagay. Ang alam lang ng isang iyon ay magwaldas ng pera at umaasa sa mga magulang nila. Kung hindi pa bumalik si Mateo ay marahil wala nang bukas na maghihintay sa pamilyang ito."

Ilang taon na ba si Mateo? At ilang taon na rin ba ako rito?

Hinanap niya ang family book ng pamilya sa library pero wala roon ang makapal na libro. Sa totoo lang ay masyado na siyang pinapahirapan ng timeline na ito. Hirap na hirap siyang maghanap ng spoilers.

At higit sa lahat, ilang taon na itong sina Julian at Noah?

Tumikhim si Chippy para kunin ang atens'yon ng dalawa. Napalingon si Noah at tinignan naman siya ni Julian mula sa rearview mirror ng sasakyan pero saglit lang.

"May tanong ako," basag niya. "Ilang taon na ba si Mateo?"

Nagkatinginan ang dalawa pero super saglit lang at baka mabangga pa ni Julian ang sasakyan sa puno ng niyog.

Sa huli ay natawa si Noah. "Ikaw itong umiibig sa tao ngunit hindi mo maalala ang araw at taon ng kapanganakan ni Mateo," manghang sabi nito.

"Hindi ko nga rin matandaan ang edad n'yong dalawa," pag-amin niya.

"Tunay ngang nakakabaliw ang pag-ibig, Julian. Tignan mo ang ginawa ng pag-ibig sa aking mahal na kapatid."

"Matagal nang baliw ang iyong kapatid, Noah."

Napamaang siya.

Wala bang filter mga tao rito? In all fairness, hayagan ang panlilibak. 'Yong tipong maririnig ng buong Pueblo de Liloan ang chismis.

"Ilang taon na nga?"

"At bakit nais mong malaman?" tanong ni Julian.

"Bakit hindi puwede? Bawal ba 'yon? Makukulong ba ako sa pagtatanong kung ilang taon na si Mateo?"

"Magka-edad lang kami," sagot ni Noah. "Veintiocho na kami ngayong taon." Meaning, mag-te-twenty-eight pa lang. So, ilang taon ako rito? Hindi naman siguro ako minor? Hindi ba uso ang maagang pagpapakasal noon? 

"At treinta y seis naman ako," dagdag ni Julian. "Sakatunayan ay maituturing ka nang matandang dalaga, Priscilla."

Kumunot ang noo niya roon. "At bakit naman? Thirty na ba ako?"

"Veinte años," pagtatama ni Julian. "Ngunit kung papaabutin mo pa ng sampung taon ay baka tumanda ka na ngang dalaga."

"Grabe, aga n'yo naman magpakasal dito," hindi niya maiwasang komento. "Wala bang ibang gawin dito ang mga babae kundi ang mag-asawa at magpakarami? Hindi ba puwedeng taasan naman namin ang pangarap namin sa buhay? Aba'y sa mahal ng mga bilihin ngayon at gastusin ng pagpapalaki ng anak ay hindi na kakayanin ang pagmamahal lang para bumuhay ng isang pamilya –" Pero hindi na niya ituloy pa ang mga sasabihin niya sana dahil iba na ang tingin ng dalawa sa kanya.

Doon niya rin napansin na maayos na pa lang nakapag-park ng sasakyan si Julian kasama ng mga sasakyan ng mga bisita.

"Nakapagtanghalian ka naman kanina," komento ni Noah.

Napailing si Julian. "You're a hopeless case, Priscilla."

"Ngunit may punto rin naman siya, Julian."

"Yes, it makes sense."

Well, at least hindi patriarchal ang mga lalaki sa pamilya namin. Green flag!

Tinulungan siya ni Noah na makalabas ng sasakyan at inalok pa ang bisig sa kanya. Nakapaguwapo rin nito sa suot nito. One thing she had noticed, mixed fashion na pala sa panahon na ito. Although may touch pa rin ng Spanish colonial fashion. Puwedeng long barong, white or black three piece suit and tie or bowtie, or mix.

Pero ibang-iba magdala ng kasuotan sina Julian at Noah, halos napapatingin ang mga bisita sa kanila. Nagsusumigaw ang karangyaan sa mga suot ng dalawa. Both of them was wearing an all white double breasted suit. Dark blue ang necktie ni Julian at dark blue bow tie naman ang kay Noah. Nakasarado ang jacket ng dalawa, may white fedora hat din sa mga ulo na may dark blue rin na ribbon, dark brown leather shoes. Dark brown leather wrist watch lang yata ang accessories ng dalawa na alam niyang mahal. 

Matagal na niyang napapansin na halos ng mga kalalakihan ay laging nakasuot ng puti. Maliban na lamang sa mga normal na araw.

"Ganito ba talaga sila lagi?" bulong niya kay Noah. "Sa atin lagi ang tingin?"

Hinawakan ni Noah ang kamay niyang nakahawak sa isang braso nito. "It's because we're the de Dios," pabulong ding sagot nito. Marahan nitong tinapik ang kamay niya. "Ngunit huwag kang mag-alala aking kapatid, nandito naman ako."

Napaangat siya ng tingin kay Noah na nakangiti sa kanya. Ibinalik niya ang ngiti rito. Sanay siya sa mga party na ganito pero iba naman ito sa mga party na napuntahan niya. Dito, parang isang pagkakamali lang niya ay masisira na nang tuluyan ang pangalan ng mga ninuno niya.

"At sa tingin ko ay ikaw ang tinitignan nila," maya-maya ay dagdag nito.

"Huh? Bakit? Dahil ba ro'n sa ginawa ko sa simbahan?"

Umiling si Noah. "I don't think so." Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga bisitang nakatingin sa kanila. 

Hindi niya talaga maiwasang ma-conscious. Hindi naman siguro siya mukhang tanga sa suot niya, naisip niya. It's not the usual Filipiniana terno. It's more western than the one's worn by most of the women in this party. It was an off white ruffled and laced dress na ang haba ay umabot sa itaas ng kanyang ankles. Instead of the Filipiniana bell sleeves ay ruffled sleeves siya na malaki sa pangkaraniwan and yet it look so elegant.

Her hair was sideways curled like waves at nilagyan ang kalahati ng floral diamond clips. Natural na mahaba ang buhok niya but she didn't want the bun kaya nag-request siya sa nag-ayos sa kanya kanina na kulutin na lang lahat para hindi na humaba masyado. It went out pretty good – maarte siya at madalas man siyang tamad mag-ayos ay kaya niyang magpaganda. That's her expertise, but since she had no idea how to do it with limited tools and how beauty works in this timeline ay hinayaan na lang niya ang Mama niya at ang in-hire nitong mag-aayos sa kanya.

Her makeup was done perfectly – not too sparkly and not too much. Lumitaw ang ganda niya na matagal na niyang alam. Mas nagmukha siyang manika sa totoo lang. Natural na rin kasing mahaba ang mga pilik mata niya at kagaya niya ay matingkad din ang kulay tsokolate na mga mata ni Priscilla – mas tumitingkad pa kapag natatamaan ng sikat ng araw o ng ilaw. She had tried vintage makeups before but not as this perfect.

Hindi ang mukha niya ang kumikinang kung hindi ang mga alahas na pinasuot sa kanya ng Mama niya. From her beautiful oval shaped sun necklace to her diamond bracelet, earrings, and rings on top of her white long mesh hand glove na siyang agaw atens'yon sa lahat. Underneath her dress is a pair of nude colored stockings and a two inched off white closed shoes. Imbes na libro ang hawak niya ay kumikinang din ang off white niyang clutch purse na ang laman lang ay barya na kinuha niya sa ipon ni Priscilla.

Naks, Chizle! Kinabog mo pa si Audrey Hepburn.

Pigil niya ang mapangiti nang sobra. "Ang ganda ko ba masyado?" tanong niya kay Noah.

"Kailanman ay walang pangit sa pamilyang de Dios," nagulat siya sa biglang pagsagot ni Julian. Naibaling niya ang tingin dito at para siyang nanuno nang ngumiti ito sa kanya. Ito mismo ang nagkuwit ng libre niyang braso sa braso nito. "You always look lovely, Priscilla. Unfortunately."

Noah chuckles.

Siya naman ay mas lalong pinigilan ang ngiti. "Ay sus, ayaw mo lang aminin na nagagandahan ka talaga sa'kin."

Julian stares at her face for a brief moment, tila inaalisa kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Naningkit ang mga mata nito saka pinitik ang kanyang noo.

"Shu –" ngiwi niya, at hindi pa niya mahawakan nang maayos ang nasaktang noo. 

Gago! Sana talaga hindi mamula.

"Stop talking nonsense."

Lumapit sa kanila sina Tiyo Jose at Mama niya. "Vamos," tapik ni Tiyo Jose sa likod ni Julian saka naunang naglakad kasama ang Mama niya.

Julian sighs. "Mouse traps are always disguised in parties like this."

Natigilan siya sa sinabi nito. Naalala niya ang sa mga salitang iyon ang favorite line ni Iesus. Revised sentence pero iisa ang thought. 

"Kuya Julian, saan mo narinig 'yan?"

Sinanay na rin niya ang sarili na tawaging kuya ang dalawa.

"Ang alin?"

"Iyong sinabi mo kanina lang."

"Pati iyan ay nawala na rin sa iyong memorya, Priscilla?" singit ni Noah. "Noon pa man ay iyan na ang paboritong dicho ng ating pinakamamahal na pinsan." Dicho o saying sa salitang Ingles. "At kanya lamang iyang gawa-gawa. Hindi mo iyan maririnig sa iba," dagdag ni Noah, bahagyang tumatawa.

Kumunot ang noo ni Julian. "Tiyak akong may ipapakilala na naman ang aking ama para maging asawa ko."

Char! The behavior is very Tito Josef.

Nagsimula na silang maglakad.

"Bakit? Wala ka pa bang nagugustuhan ulit?" tanong niya pero may ulterior motive na pangmamarites.

"Wala ka nang aasahan diyan kay Julian. Wala na iyang balak magpakasal ulit."

"Ang mag-anak ng madami at magkaroon ng asawa ulit ay panibagong sakit at alalahanin lamang," dagdag ni Julian, nakatingin sa kanilang dalawa. "Hayaan n'yo na lamang na si Xersus ang magmana lahat ng mga ari-arian ko."

"At baka ang akin din," nakatawang segunda ni Noah.

"Bakit, Kuya Noah? Hindi ka rin ba mag-aasawa?"

"Nakasalalay sa iyo aking kapatid ang kapalaran ko. Kung hindi ka makakapag-asawa ay hindi na rin ako mag-aasawa."

Napamaang siya. "Hoy!" Tinawanan lang siya ng dalawa. "Sa akin mo pa inasa iyan? Sayang ang yaman kung walang magmamana."

"Nandiyan naman si Xersus. Siya na lamang ang magmamana lahat gayong pati kapalaran mo sa pag-ibig ay namimiligro."

Hutek! Kaya ba wala talagang tagapagmana ang mga Altagracia dahil dito? Nakakaloka! Nagkaanak nga ulit si Julian pero maaga namang namatay si Azalea at nag-madre pa. Ending, kay Lolo Xersus talaga napunta lahat ng yaman ng mga de Dios. Ganoon kayaman ang Lolo Xersus ko.




UMUUSAD ang party, umuusad din ang pagkaburyo ni Chippy. Hindi ganitong party ang gusto niya. Gusto niya iyong may alak at may upbeat music. 'Yong puwede siyang kumawala sa problema niya at mag-walwal with moderation. S'yempre, hindi naman siya kaladkaring babae.

Dios ko, dae, kung ganito na lang din ay sana in-invite na rin nila Mateo si Moira. 'Yon, ma-e-enjoy ko pa kahit malungkot lagi ang kanta ng babaeng iyon. Social interactions will never be my thing. Napapagod ako sa ganito – pakikipagplastikan sa mga burgis.

Ending, throughout the event at hanggang sa naghapunan ay hindi na siya umalis sa tabi ng kanyang ina. Si Julian at Noah naman ay laging bit-bit ni Tiyo Jose at pinapakilala sa mga anak na babae na wala pang asawa. Gusto niyang kamuhian ang sitwasyon niya pero mas miserable ang sitwasyon nila Noah at Julian sa mga oras na iyon.

Tito Josef mukhang tumawid sa'yo ang pambubugaw skills ni Tiyo Jose. 

Kaya hindi niya mapigilan ang matawa sa tuwing nakikita niya sina Julian at Noah na panay ang ngiti pero kung walang nakatingin ay aakalain mong may pinaplanong pagpapasabog ng mansion ng mga Valdevielso.

Speaking of Valdevielso, not far from me ay magkausap sina Pearlina at Mateo. Oo, girl, na meet ko na si Pearlina na mala Maria Clara ang ganda at outfit-an pero toned down na. Tutal, wala rin naman akong mapag-si-share-an ng aking inner thoughts, kausapin ko na lang sarili ko. At yes, maganda siya. Pero mas maganda ako. Uupakan ko iyong si Andrew.

Oh, Madam Priscilla, maganda ka nga at nasa sa'yo ang papuri nang nakararami pero, girl, pinansin ka ba ng Mateo mo? Did you hear any compliment from him? Susko, isang beses lang ka yata tignan, girl. Ang kapal ng mukha, 'no? Para namang hindi niya tayo inasikaso noong nagkasakit tayo. Para namang walang habulan na nangyari sa gubat ng mga de Dios. I mean, sino lang ba tayo sa buhay ng isang Mateo Valdevielso? Ako lang naman 'to – este – ako bilang Maria Priscilla Altagracia y de Dios lang naman 'to, ang babaeng hindi niya bet.

Pero hindi lang siya doon nalulungkot. 

Sa napapansin niya, walang lumalapit kay Priscilla. Kahit sa mga babaeng ka-edad niya ay hanggang pagbati lang ang ginagawa at dumidiretso na kay Pearlina. Kung mayroon man ay mga binatang malalakas ang loob palitan sa puso niya si Mateo. Mga binatang gusto niyang sikmuraan dahil naalala niya sa mga lalaking iyon si Marco. Hindi na siya madadaan ng mga mabulaklak na mga pangako. Madami na siyang nakilalang lalaki na gano'n. Matagal na siyang nagising sa katotohanan na may demonyong lalaki sa mundo – at marami sila.

May kausap pa ang kanyang ina at hindi rin naman siya nito pinipilit na magsalita. Ito rin ang gusto niya sa pamilya niya. Hindi siya pini-pressure basta magpakabait lang siya. Something that she had always longed for from her family.

Tahimik lang siya habang pinapaypayan nang mahina ang mukha, nakatingin sa masayang nag-uusap na sina Pearlina at Mateo.

Puwede ba nating i-off ang puso mo Priscilla at parang ang sakit-sakit na? Naiiyak na ako, oh, kahit wala namang sibuyas sa malapit. Shuta ka! Ang laki-laki ng sala ng mga Valdevielso pero ayaw mong ibaling ang tingin sa iba. Sige, isagad mo na. Damahin mo ang sakit ng iyong pagkabigo. Pero sana huwag mo akong idamay dahil naninikip na itong dibdib ko. Gusto ko nang umiyak with feelings. Litse!

Humugot siya nang malalim na hininga at bahagyang inangat ang kanyang ulo para kahit papaano maibsan ang mga luhang gusto nang lumandas sa kanyang mukha.

Grabe, ang hirap. Kaya ayaw kong magmahal, yawa, ang sakit.

Kailangan niyang makahinga, aniya sa isip. Kailangan niya talagang sumagap ng preskong hangin at kalmahin muna ang puso niya at baka ipahiya na naman niya ang sarili sa harapan ng madaming tao.

Hindi ko na kaya talaga, walangya. Gusto ko na talaga umiyak.

Bigla siyang tumayo mula sa upuan ngunit natigilan din siya. Bumasag sa pag-uusap ng mga bisita at musika mula sa orchestra ang pagtapik ng marahil kutsara ng ilang beses sa isang babasaging baso. Lahat ay napatingin kay Don Porfirio Valdevielso, ang ama ni Mateo. Kagaya ni Mateo at Dimitreo ay kapansin-pansin din ang foreign blood sa matandang Valdevielso. Ayon sa nasagap niyang chismis ay may lahing French ang ina nila Mateo na si Donya Celeste Valdevielso y Bonheur – isang Filipina-French. Filipino-Spanish naman ang ama nito na si Don Porfirio Valdevielso.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon ka guwapo si Mateo. Dahil diyan, hindi niya tuloy mapigilang isipin kung ganoon din ang genealogy ni Mathieu kasi carbon copy. In that case, naisip din niya na baka pareho lang din sina Mateo at Mathieu ng family arc.

Hay nako, Chizle. Hindi ka lang mangmang sa sarili mong pamilya. Isa ka ring dakilang mangmang sa buhay ng isang Mathieu Dmitry Brandaeur.

Naglakad si Don Porfirio sa gitna para makita nila itong lahat. May masayang ngiti sa mukha ng Don.

Mukhang mag-a-announce na ng pasabog itong tatay ni Mateo.

Umatras lahat ng hinanakit niya at luha. Huwag sanang bad news para sa kanilang dalawa ni Priscilla at baka luhaan siyang uuwi ng Faro.

"Mga Amigo! Amiga! Ako ay pakinggan muna at may importante akong iaanuns'yo." Nagsimula ang mahinang bulong-bulungan sa mga bisita. "Ngunit bago iyan, ako ay labis na nagagalak at lahat ng aming mga kaibigang inimbitahan sa pagtitipon na ito ay pinaunlakan ang aming invitacion. Marahil ay nagtataka kayo kung para saan itong aming cena especial at makakaasa kayong hindi ko na ito ipagkakait sa inyo nang matagal kung ano iyon."

Bumaling ito sa kaliwa nito kung saan nakatayo si Dimitreo.

"Anak, Dimitreo, halika at lumapit ka."

Lumapit si Dimitreo sa ama nito na may ngiti. Sa mukha pa lang ng bunsong Valdevielso ay mukhang alam na nito kung anong balita ang nais sabihin ng ama. Bigla tuloy siyang napatingin sa mukha ni Mateo na sa mga oras na iyon ay seryosong-seryoso.

Shuta, bakit ako kinakabahan para kay Mateo?

Ang lakas ng tibok ng puso niya at parang nanlalamig ang mga kamay niya. Hindi niya gusto ang nasa isipan niya ngayon. Ayaw niya dahil alam niyang masasaktan nang sobra si Mateo kapag iyon nga ang nangyari.

Hindi ka lang marupok at masokista, Maria Priscilla Altagracia y de Dios. Isa ka ring martyr!

"At kasama ng basbas ng aking butihing amigo na si Dr. Alejandro Rallos at ng kanyang esposa na si Donya Milagrosa Rallos." Bumaling si Don Porfirio kay Pearlina. "Halika, Pearlina, hija at samahan mo kami rito ng aking anak na si Dimitreo."

Patay!

Tinignan ni Pearlina si Mateo at tipid na ngumiti rito bago iniwan ang huli. Hindi niya alam kung siya lang ang nakakapansin ng dahan-dahang pagkuyom ng mga kamao ni Mateo – pati panga nito ay bahagyang nagtatagis.

"Masaya kong ibinabalita ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aking anak na si Dimitreo sa unica hija ng mga Rallos na si Pearlina Alejandra Rallos."




STRESS!

Iyon lang ang masasabi ni Chippy sa mga ganap ngayong gabi. Pasabog naman talaga itong tatay ni Mateo. Sa mukha ni Mateo ay parang hindi ito inform sa mga ganap. Otherwise, he wouldn't be jolly half of the evening – before the engament announcement. At hindi na nawala ang tingin niya rito – ramdam niyang nagkukunwari na lang itong masaya, pati ang ngiti nito ay hindi na kasing totoo nang kanina. Si Pearlina din ay parang naging distant na kay Mateo.

Nakakaloka, Maria Priscilla! Nakakaloka ang takbo ng iyong love story na walang happy ending. Dinamay mo pa ako sa stress ng buhay mo. Stress na nga ako sa mundo ko, sinagad mo pa ako rito.

Tuloy ang kasiyahan pero si Mateo biglang nawala. Bigla tuloy siyang nag-panic.

Walangya, saan na ang isang iyon?

Iniwan niya ang ina at kapatid na busy pa rin sa kanya-kanyang socialization skills. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Mateo pero bahala na. Nakalabas siya ng bahay at namataan niya ang mabilis na naglalakad na si Mateo sa gawing kanan ng mansion. Hindi niya alam kung anong nandoon pero hindi naman siguro siya mawawala at hindi naman yata kagubatan ang area na 'yon. May ilaw din naman kaya hindi siya mangangapa sa dilim.

Sinundan niya si Mateo.

Chippy, kapag ikaw talaga napahamak na naman sa mga impulsive decisions mo in life ay ewan ko na lang talaga sa'yo. Ah basta, hindi rin naman ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung bakit pupunta roon si Mateo.

Mabilis ang mga hakbang niya pero hindi siya lumalapit at baka mapansin siya ni Mateo. Hindi na siya komportable sa hand gloves kaya isa-isa na rin niyang hinubad ang bracelet, singsing, at hand gloves. Lahat ng iyon ay isiniksik niya sa clutch purse niya.

Nagsimula na rin siyang kabahan nang umabot na sila sa dulo, hindi na abot ng mga ilaw roon ang parte na iyon. May naririnig siyang hampas ng alon sa paligid, mukhang papunta sa dalampasigan ang daang tinatahak nila ni Mateo. At mabuti na rin at hindi pa rin siya napapansin nito.

Minsan talaga may silbi ang pagiging ninja ko pagdating sa pag-stalk ng mga tao.

Mabuti na lang at maliwanag ang buwan ngayong gabi, puna niya. Hindi tuluyang kakainin ng dilim ang gabi, dahil mas nakakatakot iyon.

Pero 'di ba sabi sa'yo ni Auring na mas madaming kababalaghan kapag malaki ang buwan, Chizle? Aish. Kapag talaga may kaibigan kang paranormal kahit ang mga normal na bagay ay nagiging kababalaghan. 

Umabot sila sa dulo ng hacienda at doon lang siya nagtago sa likod ng puno ng niyog. Madilim naman sa paligid no'n dahil may ibang puno rin. Huwag lang sana umihip nang malakas ang hangin at baka mahulugan pa siya ng bunga ng niyog.

Tumuloy sa dalampasigan si Mateo at maya-maya pa ay lumabas mula sa kabilang panig ng mga puno si Pearlina.

Sinasabi ko na nga ba't may lihim kayong relasyon. Mga traydor! Teka, wait, ang puso ko. Napakapit siya sa puno at humilig doon habang hawak ang dibdib. Nasasaktan na naman ako. Shuta ka, Priscilla!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro