Kabanata 2
"CHI..."
"... Chippy..."
"Chizle..."
"Hoy, Chizle Priscilla!"
Ramdam ni Chippy ang paghatak sa kanya ng reyalidad nang marinig ang sigaw na boses ni Mathieu. Literal siyang napakurap ng tatlong beses at napaatras. Napalunok siya nang luminaw sa paningin niya ang mukha ni Mathieu.
What the fuck! Mura niya sa kanyang isip. At bakit mo naisip ang tagpo na 'yon Chizle Priscilla Garcia?
Hindi niya maalis ang tingin sa may pagtatakang mukha ni Mathieu. He set aside the paper bag on top of the nearby two tier mega boxes from Noah's Ark na alam niyang takeout food.
"Okay ka lang?" tanong ni Mathieu pagkatapos ilapag ang paper bag. "Natulala ka na nang makita ako. Masyado ba akong guwapo sa paningin mo?" Tinawanan siya nito pagkatapos.
Napamaang si Chippy. Lumakas lang ang tawa ni Mathieu. "Luh, asa ka pa," may inis niyang sagot. Hinubad niya ang purple scrunchie niya sa kaliwang kamay at ginamit 'yon na pantali ng kanyang buhok. "Saka, 'di ba ang sabi ko huwag ka nang pumunta rito."
"Kailan ba ako nakinig sa'yo?" Mathieu smirks.
She folds her arms over her chest at tinaasan pa niya ito ng isang kilay bago bahagyang ikiniling ang ulo sa kanyang kanan.
"Tigas ng ulo mo."
"Matagal na." Mathieu chuckles. "And to remind you, walang malambot na ulo." He pauses for a few seconds before speaking again. "Kumain ka na ba?"
"Oo," kaila pa ni Chippy.
"Nice. Ibigay ko na lang 'yan kay Juan."
"Gago!" Umayos siya ng tayo saka lumapit kay Mathieu para maunahan ito sa pagkuha sa paper bag. "Ibinigay mo na 'yan sa'kin. Kukunin mo na naman."
Natawa ulit si Mathieu. "Oh, sabi mo kumain ka na? Sayang naman kung hindi makakain. You know I hate wasting food."
Pero sa uri ng tingin na ibinibigay ni Mathieu sa kanya ay alam niyang sinusubok at inaasar lang siya nito. He knows she's lying.
Pero inis pa rin siya kaya hindi niya maiwasang irapan. "Para kang tanga!"
"Tanga nga, pero guwapo naman." Kinindatan pa siya ng loko.
Umasim ang mukha niya kay Mathieu. "Nandidilim paningin ko sa'yo." Malakas na tinulak niya ito ng kamay sa isang balikat. Umarte pa itong matutumba pero naibalanse pa rin ang sarili. "Ayusin mo na nga ang mesa. Dito na ako sa labas kakain."
Tawa lang nang tawa sa kanya si Mathieu. "Good for two 'yan. Natutunan kong mag-desisyon dahil kay Ser. Samahan na kitang kumain. Malungkot mag-isa."
"Hindi lahat."
"Point taken which I also agree. I eat alone most of the time but I'm happy." Mathieu playfully smiles. "But for now, you need me."
"Desisyon ka na masyado Mathieu Dmitry."
"You asked for me. I'm here." He gestures his hands in his complete form. "Body and soul for my Chizle Priscilla."
"Corny mo."
"Mais mo lang ako lagi."
"Kilabutan ka nga Dmitry. Tsk! Sige na, kunin mo na 'yong folding table at iharap mo roon sa dagat. I'll get us some plates and drinks."
"Nice!" Akmang magtatalikuran na sila nang magsalita ulit si Mathieu. "I like your lemon honey juice. One pitcher, please."
"Pagtitimplahin mo pa ako."
"I did cook for you, honey. It should be mutual."
"Duh. Dami mong request."
Mathieu chuckles. "Thanks, Babe."
Chippy pretends to stab Mathieu with her invisible knife. Hindi niya tinuloy at baka kahit wala siyang hawak na kutsilyo ay itarak niya sa dibdib ni Mathieu ang kamao niya. Ginigigil na naman siya ng hudyo.
Tinalikuran niya na lang si Mathieu at nagmartsa na mabibigat ang mga paa sa direksyon ng bahay niya.
HALOS PAUBOS NA ang mga pagkaing nasa mga plato nilang dalawa ni Mathieu. Isinubo na ni Chippy ang last twirl niya ng carbonara sa tinidor sa kanyang bibig.
There was no rice. Pasta is considered a heavy meal at saka gabi na rin. Baka hindi sila matunawan. But Mathieu did bring some toasted garlic bread and baked cookies. Chocolate balances the taste of the pasta kaya hindi nakakasuka. Iba kasi ang lasa ng luto ng mga pasta sa Noah's Ark. It's creamy and sweet, unlike sa usual na blant taste na hanggang aesthetic lang sa mata ang sarap.
"Alam ko anong iniisip mo kanina," nakangising basag ni Mathieu sa kanya.
"Ano?"
"You're fantasizing about kissing me."
Chippy grimaces. "Yuck!"
Tawang-tawa naman si Mathieu. "Yuck, yuck ka pa riyan. Parang 'di ko alam na katawan ko lang habol mo." He takes a big bite on the cookie on his hand while suppressing a flirtatious smile, eyes on her.
Effortless charmer.
Naririnig niya na lagi sa isip niya kung paano i-describe ni Auring si Mathieu.
Tang'na 'yan! Para raw itong Prince ng Europe. Point taken, Mathieu's father is an Italian-Filipino. Meaning, he could pass as one. His mother reminds her of an older version of Marian Rivera and Dawn Zulueta mixed into one. The Spanish blood is too obvious in his physical looks. The genes naturally did their magic and viola Mathieu Dmitry Brandaeur was born. Sana all na lang, 'di ba?
The Garcia and Brandaeur are not in good terms. It's a long story but something related to politics. Kahit na noong malaman ng ama niya na magkaibigan sina Iesus at Mathieu ay grabe ito maka-react. But knowing Iesus, he has a mind of his own. Kahit nga kay Tito Josef ay hindi ito nakikinig lagi. How much more sa brother-in-law lang ng ama nito.
Iesus is formidable. He has his way of inflecting fear towards other people. He is sometimes intimidating. Even Vier, his silence and calmness are alarming. Their cousin-relationship is kind of complicated. They do not share the same grandparents as Vier. Technically, Vier and her could not be cousins. They just considers themselves as first cousins sa sobrang close nilang tatlo. But one thing is for sure, pareho nilang pinsan si Iesus.
Kapatid ni Tita Cloudia, ina ni Iesus, si Tito Paul Xavier, ang ama naman ni Vier. Magkapatid naman sina Eliana Josefa, ang ina niya at si Tito Josef, ama ni Iesus. She's from Iesus' father side. Si Vier naman ay sa mother side ni Iesus. Technically, they're family relatives.
"Why would I think about that?" kaila pa rin niya.
Nabaliw lang siya kanina kaya naisip niya 'yon. She hates Mathieu but he's still good in bed. They've been very clear about not falling in love with each other. Besides, he's still a good friend to her. She had never felt nor seen any judgment from his actions. Although masakit itong magsalita.
"Because you're beginning to fall in love with me?"
"Dmitry, malinaw ang usapan na hindi tayo magkakaroon ng relasyon. Why change of heart? Huwag mong sabihing nahuhulog ka na sa'kin? Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang na hindi kita sasaluhin."
Natawa ito. "Grabe."
"Totoo. Kilala mo ako. Wala akong plano na makipagrelasyon sa mga kaibigan ng mga pinsan ko. Saka, wala akong plano na manatili rito sa Cebu."
Kumunot ang noo nito. "Aalis ka pa rin?"
"Wala namang nabago sa plano ko."
"You know that Faro is home."
"Alam ko." Nakatuon ang tingin niya sa mga mumunting liwanag ng mga bangkang pumapalaot sa dagat. Tila mga lamparang inaanod ng kalmadong alon ng gabi. "But I have already made plans for myself."
Silence.
"You need a hug?"
Naibaling ni Chippy ang mukha kay Mathieu. Nakahanda na ang mga braso nito sa ere. Pagtango na lang ang hinihintay nito.
Natawa siya. "Gage!"
"I'll take that as a yes."
Niyakap siya ni Mathieu. She didn't resist anymore. Hinayaan niya itong ihilig ang ulo niya sa dibdib nito habang kinakain niya ang nakuha niyang cookie sa plato nito. They've been very comfortable with each other. Lagi lang talaga silang nag-aaway. Hindi normal sa kanya na hindi sila nag-aaway ni Mathieu. It's their friendship language.
"Talaga bang hindi ka nahuhulog sa'kin?"
Natawa si Chippy sa tanong ni Mathieu. "Huwag ka nang umasa."
Mathieu chuckles. "Bakit ba tayo sweet sa isa't isa wala namang tayo?" Napalo niya ito sa dibdib. "Aw -" daing nito, tawa naman nang tawa pagkatapos.
"Nga pala, may sasabihin ka?" Iniangat niya ang mukha rito. Nakayuko naman si Mathieu sa kanya. "Sabi mo may seryoso tayong pag-uusapan." Kinagatan niya muli ang hawak na cookie saka isinubo ang sobra sa bibig ni Mathieu.
"W-Wala," iling nito.
"Sure?"
Mathieu nods his head. "Meron pero nakalimutan ko. Saka na lang."
OCTOBER OF 2018
"GET DRESS."
Lumagpas lang ang mga salitang 'yon sa tainga ni Chippy. Alam at ramdam niya ang pagbalik ng bathrobe sa katawan niya ni Marco but she couldn't find the strength to move. He looks at her with disgust in his eyes.
Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata but she did her best to hold those tears from falling. Hindi siya iiyak. Hindi niya hahayaang makita nito kung gaano siya kamiserable nang mga oras na 'yon.
"I'm sorry, Chi. We can't... I mean, I can't choose you."
Lumayo siya mula kay Marco at inayos ang bathrobe sa katawan niya. "Is it because of Eunice," tukoy niya sa step-sister niya.
Guilt washes over his face. "Tangina, Marco!" mura niya. "Akala ko ba hihiwalayan mo na siya?"
"'Yon na nga ang problema, Chi. Hindi na kita maintindihan. Masyadong malaki ang galit mo sa ama mo at sa pamilya mo. Wala namang ginagawa sa'yo si Eunice. Tita Erica is doing her best to understand you. Even Tito Ephraim is doing his best to reach out to you. Pero ikaw lagi ang umiiwas at gumagawa ng gulo."
Nag-iinit lalo ang ulo ni Chippy. Gustong-gusto niyang magdabog at manira ng gamit. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag hindi niya mailalabas ang galit at dismaya niya kay Marco.
"Wala kang alam sa buhay ko!"
"Paano?" pabagsak na tanong ni Marco. "Paano ko malalaman kung ayaw mo ngang magsabi sa'kin?" Tumaas na ang boses nito, nahihimigan na niya ang galit at unti-unting pagkawala ng natitirang pasensiya nito sa kanya. "You're selfish, Chizle. Hindi mo ba napapansin 'yon sa sarili mo? Sa tingin mo masaya pa ako sa relasyon natin? You're making my life a living hell with your unresolved issues."
Napaatras siya roon. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Lalo na ang uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Pakiramdam niya ay hinusgahan nito ang buong pagkatao niya.
Marahas itong napabuga ng hangin at nahilot ang noo. "I'm marrying your sister," maya-maya ay sabi nito, seryosong-seryoso ang mukha. "Let's end everything here."
It didn't sink it yet pero kahit na naguguluhan siya nang mga oras na 'yon sa bilis ng mga pangyayari ay mas nanaig ang galit niya para kay Eunice.
"Tangina mo! Sa tingin mo ba mananahimik ako? Sisiguraduhin kong hindi kayo maikakasal ng babaeng 'yon -"
Napasinghap si Chippy nang bigla itong lumapit para hawakan siya sa mga balikat. May pagbabanta sa mga mata ni Marco pero hindi siya nagpatalo rito. Sinalubong niya ang mga tingin nito.
"Don't try my patience with you Chizle. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
"Sa tingin mo natatakot ako sa'yo?"
Fuck you, Chizle for even thinking of giving yourself to this jerk!
Minahal niya ang gago pero hindi siya magpapakatanga rito. If she's going to hell. She will make sure he'll bring him with her.
Dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat. Ramdam niya ang sakit ng pagbaon ng mga kuko nito mula sa tela ng bathrobe. She didn't allow any single hint of fear on her face. Her cousins had taught her to be strong even in the midst of chaos in her life.
"You're still second to Eunice. You will never be your father's perfect daughter."
Umangat ang mga kamay niya sa kamay ni Marco. "Don't ever compare me with her." Buong lakas niyang sinubukang alisin ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat. "I'm not her... and I will never be her."
Malakas at marahas siyang itinulak ni Marco sa kama.
She glares at him. "Asshole!"
"Sanay ka ba talagang binabandera ang katawan mo sa harap ng lalaki? Tell me, ilang lalaki na ba ang nakatikim sa'yo –" Bumangon siya para masampal ito sa mukha.
Agad namula ang nasaktan nitong pisngi. Hindi agad nito ibinaling sa kanya ang mukha. But she heard him cursed.
Nagpupuyos na ang damdamin niya sa sobrang galit. Gusto na niyang umiyak sa sobrang inis niya kay Marco. Pero hindi siya iiyak. Hindi siya iiyak sa harapan nito. She will never give him that chance.
Over her dead body!
Inayos niya ang roba sa katawan at itinali ang belt nang maayosa sa baywang. "Katawan lang naman nakita mo pero hindi mo naman naangkin."
Hinamis-himas nito ang namumulang pisngi. He was giving him the grim looks. Mukhang napatid na niya ang natitirang pasensiya ni Marco. Lumayo siya rito at hinagalip ang flower vase sa mini salas sa silid.
"Umalis ka na!" sigaw niya.
Hindi ito gumalaw, masama pa rin ang tingin sa kanya.
"Umalis ka na bago pa ako tumawag ng guards!"
"I will be watching your moves, Chizle. We're not done yet."
"Alis!" sigaw niya ulit.
"Behave or else -"
"I said get out!"
Sumasakit na ang lalamunan niya kakasigaw. Gusto niyang ibato ang flower vase kay Marco. But she didn't do it because it will just create another problem. Tangina, gustong-gusto na niyang umiyak.
Tuluyan nang lumabas ng silid si Marco. Mabilis siyang lumapit sa pinto para i-lock 'yon. Ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya at ang isa-isang pagpatak ng mga luha niya. Tuluyan na siyang napasalampak ng upo sa sahig at napasandal sa likod ng pinto.
"Gago! Gago siya!" iyak niya. "Mga gago kayong lahat!" She folds her legs on her chest and buries her face on her knees. "Magsama-sama kayo! Pamilya kayo ng mga demonyo!" Ibinuhos niya lahat niya ng galit, dismaya, at inis niya sa pag-iyak. Humagulgol siya na parang bata. "Mama..." she sobs. "Kuya..." Lalong naghihirap ang kalooban niya. Kung sana kasama niya ang mga ito. Hindi sana magiging miserable ang buhay niya.
Tanginang buhay 'to!
HINDI ALAM NI Chippy kung anong oras na. Bigla na lamang siyang nagising sa kaluskos ng kung ano sa labas. Patay lahat ng ilaw sa silid. Ang tanging liwanag ay ang ilaw na tumagos mula sa floor to ceiling glass sliding door na naghihiwalay sa silid at sa balcony. Pansin niyang nililipad ang puting kurtina. Kumunot ang noo niya dahil sa natatandaan niya ay isinarado niya ang sliding door, but she's no longer sure if she did lock it.
Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Bahagyang madilim kaya wala siyang makita gaano. Nagsimula rin siyang i-overthink ang bahagyang bukas na glass sliding door. Pero imposible naman na may makapasok dahil nasa fourth floor siya at mahigpit ang security ng resort.
No, wala lang 'to. Baka nakalimutan ko lang talaga isara ang sliding door kanina.
Bumuga siya ng hangin at bumaba na ng kama. Hinagilap niya ang white open toe slippers sa gilid ng kama at isinuot. Nakatulugan niya ang pag-iyak kaya hindi na siya nakapagpalit ng damit. She's still wearing the white bathrobe. Hinagilap niya ang cellphone sa bedside table at tinignan ang oras. Kaka-12 midnight palang.
Itinapon niya ang cellphone sa kama at kinukusot-kusot ang mga namamagang mata habang naglalakad sa direksyon ng sliding door. Akmang sisilip siya nang may marinig siyang boses ng babae mula sa labas. Natigilan siya. Parang may hinahanap na lalaki ang boses ng babae. Hindi niya sigurado kung sino. Hindi naman siya matatakutin, may gising pa naman siguro sa kabilang balkonahe. Hindi naman siguro nag-lalanding ang multo sa balcony ng isang mamahaling resort.
For her peace of mind ay sisilipin na lamang niya. Akmang lalakihan niya ang bukas ng sliding door nang may pares ng mga kamay na pumigil sa kanya. Literal na nagulat siya at napasinghap. Pakiramdam niya ay tumigil ng isang segundo sa pagtibok ang puso niya. Nalunon niya ang sigaw nang mabilis na matakpan ng isang kamay nito ang kanyang bibig.
Doon niya naramdaman ang katawan ng lalaki sa kanyang likuran.
"Shsh," he whispers. "I won't do anything. I promise." His voice was soothing and calm. Iba sa boses ni Marco. "I just need a place to hide."
Inalis nito ang kamay sa kanyang bibig. Hindi niya masundan kung paano nito naisarado ang sliding door sa sobrang pag-iisip at kaba niya. Narinig na lamang niya ang pag-click ng lock. Dahan-dahan siya nitong pinihit paharap. Sumandal na siyang lubusan sa matigas na frame ng sliding door.
Lalo siyang natulala nang maaninag ang maamong mukha ng lalaki mula sa nag-aagaw na liwanag at dilim sa kanyang silid. Lalo na ang kakaibang kulay tsokolate nitong mga mata. Masyadong matingkad ang shade ng brown ng mga mata nito sa pangkaraniwan. Mahahaba rin ang mga pilik mata nito, sakto lang ang makapal na kilay, mapupula ang mga labi, at matangos ang ilong. His face reminds her of a prince from a fairy tale book.
Kagaya niya ay nakasuot lang din ito ng bathrobe.
What the fuck!
"Look, I know it's rude to sneak into someone else's room, but I had no choice," mahinang sabi nito. "That woman you heard outside." Ikiniling nito ang ulo sa labas. "I don't know where she got a duplicate key card of my room but I've heard she's the second daughter of the owner of this resort."
Tinaasan niya ito ng kilay. "At problema ko 'yon?"
"No, but I need your help."
"Paano kung ayaw ko?"
"I'll pay you."
"How sure am I na nagsasabi ka nga nang totoo and not the other way around? I know a lot of men who have a lot of alibis under their sleeves just to get the woman they lust in their bed."
Napansin nitong nakayakap pa rin sa baywang niya ang isang braso kaya bahagya itong lumayo at itinaas ang mga kamay sa harapan niya.
"I'm sorry."
"Who are you? Where are you from? Have we met before?"
Hindi niya alam kung bakit may familiarity siya sa mukha ng lalaki. Alam niya naman na hindi pa niya ito nakikita noon or if in some cases, nakita nga niya, but didn't bother appreciating his looks.
"I don't think we've met before."
"Pangalan mo?"
"Mathieu."
"Full name."
"Mathieu Dmitry Brandaeur."
Kumunot ang noo ni Chippy. The name sounds a bell. Pero hindi niya matandaan kung kailan niya nabasa o narinig ang pangalan na 'yon.
"I'm a chef. I own a restaurant in Cordova. I have my IDs with me but they're in my room right now."
"Puwede mo namang i-report ang babae na 'yon ah."
"It will create a scene. I already have a lot on my plate right now and I don't think a scandal will help me clear all my problems."
Chippy studies his looks. Innocent eyes and face but his aura screams trouble. Parang gusto na lamang niyang buksan ang mamahaling wine na in-order niya kanina at ubusin 'yon ng isang upuan. She needed alcohol in her system to absorb all the unfortunate things happening in her life in just a span of day.
Hello, hindi lang siya ang may problema sa mundo. Ako rin meron, marami!
"And you think sneaking inside someone else's room will not cause trouble?"
"It did cross my mind."
"And?"
"But I still crossed the gap between our balconies."
"Adik ka ba?" Sinilip ni Chippy mula sa salamin ng glass door ang balcony. Medyo malayo ang distansiya ng mga balconies. There is a bigger chance na mahulog ito. "Paano kung nahulog ka?"
"I do wall climbing and mountaineering with a friend." May nakita siyang proud na ngiti sa labi nito. At talagang proud ka pa, ha?
"You're risking your life just because you're trying to avoid a crazy woman?"
"The best option I could think."
"Idiot."
Iniwan niya ang lalaki at naglakad sa direksyon ng inihanda niyang mesa kanina. She did prepare a candlelit dinner for Marco by herself. Gumastos pa siya para lang sa wala. The price of the wine is too expensive for her allocated monthly budget. Actually lahat ng 'to galing sa sarili niyang bulsa. Magastos siya, oo. Pero ang mga ginastos niya para sa 8th monthsary nila ni Marco ay talagang isinusumpa niya.
She can't believe she was thinking of giving her first to that asshole. Buti na lang talaga nauna itong maging demonyo. Magsama sila ng pamilya niya. They will live miserably ever after.
Kinuha ni Chippy ang bote ng wine mula sa silver bucket. The ice already melted pero malamig pa rin naman ang bote.
"Hanggang kailan mo gustong magtago rito?" basag na tanong niya sa lalaki.
"Can I stay here the whole night?"
Hinarap niya ang lalaki na yakap-yakap niya ang bote ng wine. "Buong gabi ka bang hihintayin ng baliw na babae na 'yon sa kwarto mo?"
"Trust me, her perseverance is a curse for me."
Natawa si Chippy. "Malas mo."
"I'll pay for the room for you. Dito na lang ako sa sofa. You can take the bed."
"Huwag na. Bayad ko na 'tong litseng accommodation na 'to." Binalikan niya ang mesa at hinanap doon ang corkscrew. "Umiinom ka ba? Tsk. Why am I asking that? Syempre umiinom ka."
Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Mas nauna pa nitong mahanap ang corkscrew kaysa sa kanya.
"Let me." Kinuha nito mula sa kanya ang wine bottle. He smoothly removes the top wrapper before placing the bottle on the table. He's a chef, naisip niya. Of course, he knows this stuff.
"Thanks," sabi na lang niya.
"Problem?"
"Life fucked me."
Natawa ito.
"Huwag mo kong tawanan hindi tayo close."
Lalo lang itong natawa sa kanya. "Want to talk about it?" Nakarinig si Chippy ng pag-pop sa paligid. Humalo na rin ang aroma ng wine sa airconditioner. Bumaba ang tingin niya sa bukas nang bottle of wine sa kamay ng lalaki. "I can lend you one whole night of my life."
Tinitigan lang niya ito.
"Kung gusto mo lang naman," dagdag ng lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro