Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

KANINA pa napapansin ni Mateo na panay ang silip ni Mang Antonio sa direksyon ng pintuan ng panahian nito. Ilang beses na napangiti at napailing ang matanda na lalong pumukaw sa kuryusidad niya.

Galing siya ng simbahan para personal na iabot ang donasyon ng pamilya nila kay Padre Flores. Dumiretso na lamang siya sa Sastrería de Anton upang kunin ang mga ipinasadya nilang isusuot sa darating na pagtitipon ngayong Sabado, tatlong araw mula sa araw na ito.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Mang Antonio. "Mang Anton," aniya. "Paumanhin, ngunit, tila may kinaaaliwan kang pagmasdan sa aking likuran."

Hindi namawala ang ngiti ng matanda. "Pasensiya na Senyorito Mateo, ako ay lubos lamang na nagagalak at iyo pa lang tinanggap ang dalawang binata."

Bahagyang kumunot ang noo ni Mateo. "Dalawang binata?"

Napalingon siya, sina Juanito at Andres lamang ang nasa labas. Si Andres ay tila may sinasabi kay Juanito na sa mga oras na iyon ay kumakain ng siopao. Saktong naubos na ni Juanito ang pagkain nito at inagaw naman nito ang nangangalahati pa lamang na siopao ni Andres. Batok sa ulo ang nakuha ni Juanito kay Andres na itinawa lang ng nakababatang kapatid nito.

"Ang ibig n'yo po bang sabihin ay ang magkapatid na iyon sa labas?" turo pa niya sa dalawa.

Sina Andres at Juanito ang isinama niya dahil may mabibigat siyang dalang gamit. Inihatid niya ang mga napaglumaang gamit at damit sa isang bahay ampunan na malapit lang sa simbahan. Nakaugalian na niyang magbigay ng tulong sa mga bata kapag nandito siya.

Ang magkapatid na hindi nabubuo at natatapos ang araw na hindi nag-aaway at nagsasakitan. Kung hindi lang magaling at masipag sa mga pinapatrabaho niya ang dalawa ay matagal na niyang sinitante ang magkapatid.

Isa pa, malaki rin ang utang na loob ko kina Juanito at Andres.

"Magkapatid pala sila?"

"Oho, hindi lamang magkamukha." Ibinalik niya ang tingin kay Mang Antonio. "Magkaiba ang kanilang ama, ngunit iisa lang ang kanilang ina."

Tumango-tango ang matanda. "Kaya pala."

"Hindi ko ho inaasahan na kilala n'yo rin ho pala ang dalawang iyan?"

"Noong nakaraang Linggo ay isinama ni Senyorita Priscilla ang magkapatid dito sa aking panahian at binilhan ng mga maisusuot."

Naikiling niya ang ulo nang bahagya sa kanyang kanan. "Ni Miss Altagracia?"

"Opo, Senyorito," tango ulit nito. "Ipinakilala niyang mga kaibigan ngunit sa tingin ko ay tinulungan lamang niya ang magkapatid. Hindi ko alam kung ano ang sinapit ng dalawang binata ngunit makikita sa pananamit ng dalawa na ni isa ay walang maayos na damit ang magkapatid."

It makes sense, dahil naloko ang magkapatid at mukhang wala ring naisalbang gamit.

"Matagal na ako rito sa Pueblo de Liloan at halos kilala ko na ang mga lumalabas at pasok dito sa aking panahian... at ngayon ko lamang nakita ang dalawang binata. Natitiyak kong bagong salta nga ang dalawa."

Hindi muna siya nagsalita at hinayaan niyang magpatuloy si Mang Anton.

"Kailangan nang maayos na damit para makahanap ng trabaho ang dalawa. Sakatunayan nga ay nabanggit ko sa kanila na naghahanap kayo ng mga bagong trabahador, Senyorito. Marahil ay si Senyorita Priscilla na ang tumulong sa dalawa upang matunton ang lokasyon ng hacienda."



"ANG tinutukoy n'yo palang Senyorita na tumulong sa inyo ay ang unica hija ng mga Altagracia at de Dios," basag ni Mateo, pabalik na sila ng hacienda at siya rin ang nagmamaneho ng sasakyan. "Si Senyorita Maria Priscilla Altagracia y de Dios."

Mabilis lang ang pagbaling niya ng tingin sa dalawa. Katabi niya si Andres at nasa likuran naman si Juanito.

Bahagyang kumunot ang noo ni Andres. "Paano n'yo ho nalaman?"

"Nabanggit sa akin ng may-ari ng patahian kanina, si Mang Antonio." Tumango-tango si Andres. "Paano n'yo naman siya nakilala?"

Interesado siyang malaman kung paano at bakit naisip nitong tulungan ang mga taong hindi naman nito kilala. At isa pa, iyon ang araw ng Linggo kung saan tinanggihan niya ang pag-ibig ni Priscilla. Mukhang ibinuhos nito sa ibang tao ang kabiguan nito sa kanya.

Kakaiba talaga ang babaeng iyon.

"Sa simbahan ho, Senyorito," sagot ni Andres. "Humingi ho kami ng tulong sa kanya. Pero nang mga panahon na 'yon... hindi pa namin alam na isa siyang Altagracia at de Dios. Akala nga namin ay hindi niya kami tutulungan dahil mga estranghero kami at mga lalaki pa."

Napansin niya naman si Juanito na may sinisenyas na hugis puso mula sa maliit na salamin sa kanyang harapan. Makailang beses na idinikit nito ang likod ng kamay sa baba saka hinawakan ang magkabilang mukha. Itinuro nito ang sarili saka ibinalik ang paggawa ng puso gamit ng mga kamay.

"Anong ibig sabihin ni Juanito, Andres?"

"Sinasabi niyang hindi lang ang mukha ng Senyorita ang maganda, pati na rin ang kalooban"

Pagsulyap niya ulit kay Juanito ay ginawa na naman nito ang lagi nitong sinisenyas kapag nakukuha ng ibang tao ang sinasabi nito. Isang nakakuyom na kamay na nakaturo ang hinlalaki sa itaas.

"Marahil ay kilalang-kilala n'yo na rin ho ang Senyorita, Senyorito," ni Andres.

"Kilalang-kilala," sagot niya na may bahagyang tawa. "Ngunit isa siyang sakit sa ulo para sa akin."

"Bakit naman?... po."

"Isa siyang kakaibang dalaga... naiiba sa lahat. Ngunit, napakatigas ng ulo at madalas na nasasangkot sa gulo. Kilalang-kilala ng mga tao rito si Maria Priscilla at ang mga kalokohang ginagawa niya. Isa na nga roon ay ang misteryong bumabalot sa madalas na pangungutang ng kung anu-ano ni Priscilla sa mga tindahan dito sa Pueblo. Ang balita ko ay kahit ang mismong pamilya niya ay walang alam sa kung saan napupunta ang mga pinapamili nito."

Hindi ko na isasama ang walang kamatayang pagpapahayag niya sa akin ng pag-ibig.

"Ah, nga pala," pag-iiba niya. "Hindi ko pa ito naitatanong at lagi akong nawawalan ng pagkakataon."

"Tungkol po saan?"

"Tungkol sa nangyari sa atin noong nakaraan. Kung paano n'yo nalaman na may paparating na unos? Ako'y napapaisip nang sobra dahil tila siguradong-sigurado kayo."

"Natutunan ko ho iyon sa aming ama, kay Tatay Pedro. Lagi niyang sinasabi, na sa bawat hampas at paggalaw ng alon, ito ay laging may kaakibat na babala."

Nahati naman ang atens'yon niya nang kalabitin ni Juanito ang isang balikat niya mula sa likod.

"Ano 'yon, Juanito?" tanong niya.

Mabilis lang niyang sinilip mula sa maliit na salamin sa harapan ang isinenyas nito. Itinuro siya nito saka bahagyang binuksan ang bibig, tumaas-baba ang kamay nito na para bang kumakain ng pancit.

Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi niya, Andres?"

"Marunong po ba kayong kumain -" Natawa siya nang batukan ni Juanito si Andres sa ulo. Nilingon nito ang kapatid at binigyan nang masamang tingin. "Ayusin mo."

Hay nako! Nag-aaway na naman.

Sumenyas na naman si Juanito nang silipin niya sa salamin, may nadagdag lang na mga galaw ng kamay na parang naghahalo at naghihiwa. Dinagdagan pa ulit nito ng parang usok at malaking kawali.

Napangiti si Mateo, mukhang alam na niya ang ibig nitong itanong.

"Ang ibig mo bang itanong sa akin ay kung marunong akong magluto?" aniya. Sunod-sunod na tumango si Juanito. "Oo, isa sa mga paborito kung gawin ay magluto. Ngunit, iyon ay madalang kong gawin ngayon."


"SHUTA!" mura ni Chippy pagkatapos marinig ang kwento ni Andrew tungkol sa kanya ni Mateo - este tungkol kay Priscilla. "Kababaeng tao pero baon sa utang."

"Baka may business siya?" ni Juan.

"Ano namang business, aber?"

"Black market?"

"Gago!" Binato niya ng pamaypay si Juan na nasalo naman agad nito. Tinawanan lang siya nito pagkatapos. "Black market? Ano? Ibebenta niya ang masi at rosquillos sa halagang tatlong bar ng gold?"

Gamit ang pamaypay ay pinaypayan ni Juan ang sarili kahit mahangin naman sa dalampasigan kung na saan sila. The area was a bit far from Faro - malapit sa fish port kung saan galing sina Juan at Andrew. Sakto na may pasilungan silang nakita na malayo sa mata ng mga tao at nagtitinda sa fish port.

Hindi nagkataon ang pagkikita nila dahil gabi pa lang ay napag-usapan na nila kung saan sila magkikita.

At tumakas lang din ako sa bahay.

Mabuti na lang at busy sa araw sina Julian at Noah. Ang Tiyo Jose naman niya ay umalis kasama ang kanyang ina.

Sinadya niyang gayahin ang pananamit ni Amara. Hindi naman siya nahirapan dahil may nakita siyang mga simpleng damit sa closet ni Priscilla, nakatago sa pinkailalim. Limang klase nga, halos kapareho ng mga ternong suot ng mga kawaksi sa mansion. Nagsuot din siya ng bandana sa ulo at hindi na masyadong nag-ayos pa. Dala-dala niya ang bayong na may lamang pagkain, kulambo, at iba pa.

Dalawang araw na lang bago ang party sa hacienda ng mga Valdevielso. Wala namang problema sa kanya dahil ang dami niyang damit sa bahay na hindi pa nagagamit. Hindi na nga niya kailangang mamili dahil ang Mama na niya ang pumili ng isusuot niya.

May baon ang dalawa, kanin, boiled egg, at tuyo ang ulam na may kamatis at patis na sawsawan. Nagkakamay pa sina Juan at Andrew. Kapansin-pansin din ang sunburn ng dalawa sa mukha, namumula ang mga pisngi. Hindi niya naman maiwasang maawa sa dalawa. Grabe ang adjustments na ginawa nila Juan at Andrew sa lugar na 'to. Unlike her, komportable pa rin ang buhay niya sa mga de Dios.

Pero belib ako sa dalawa dahil never ko silang narinig na nagreklamo. Doon pa lang ay sobrang thankful na ako.

Mabuti na lang at nagdala siya ng pagkain na puwede nilang dalhin sa Valdevielso.

"Anong balita kay Mateo?"

"Busy," sagot ni Andrew bago uminom ng tubig mula sa lagayan ng tubig nito.

Hindi niya mapigilan ang bigyan nang masamang tingin si Andrew. "Galing, never ko naisip na busy siya, Drew," pabalang niyang sagot.

"Walang bago," ni Juan. "Mahirap hagilapin ang isang 'yon sa hacienda. Parang si Chef lang din kapag wala sa Faro."

"'Yong tungkol sa unica hija, nakuha n'yo ba buong pangalan?"

"Pearlina Alejandra Rallos," sagot pa rin ni Juan. "Anak ng isang doktor at matagal nang kaibigan ng pamilya nila Mateo."

Pearlina?

Namilog ang mga mata niya sa rekognasyon.

Hindi kaya iisa lang ang Pearlina na binaggit ni Priscilla sa diary niya? What if, si Pearlina talaga ang mahal ni Mateo?

Napahawak naman siya sa kanyang dibdib. Hindi naman literal na kumikirot ang puso niya pero bakit nasasaktan siya nang sobra sa iniisip niya? Parang gustong magdabog ng puso niya. Hindi niya matanggap na may ibang mahal si Mateo.

Chizle, nakakalimutan mo na yatang utak lang ni Priscilla ang nako-kontrol mo ngayon at hindi ang puso niya.

"The three of them practically grew up together," dagdag ni Andrew. "It wouldn't be a surprise if one of the brothers has special feelings for this woman, Pearlina."

"Parang outside of the picture naman ang existence ni Priscilla lagi," may inis siyang nabosesan sa sinabi niya. "At feeling ko, hindi rin naman sila close nitong si Pearlina. Otherwise, bumisita na sana siya sa bahay namin."

"Bakit tunog nagseselos?" ni Juan.

"Hindi ako nagseselos, okay? I'm just stating facts.."

"Pero nanlalaki butas ng ilong," dagdag naman ni Andrew. "And it's not yet a fact, those are just your personal assumptions. Let me remind you that those words have contrary meanings."

Sa gigil niya ay binato niya ito ng panyo. "Tama ka na, Andrew!" sigaw niya rito. "Tama ka na sa lahat ng bagay."

Ang lakas ng tawa ni Juan. Siya naman, gigil na gigil, at gustong saksakin ng pandesal sa ngala-ngala si Andrew.

Andrew smirks, doon siya lalong nanggigil.

"Kalimutan mo na ang refund mo sa'kin."

"Don't blame me for giving your shop one star."

Lalo siyang nanggigil. "Bumabagyo ba noong pinanganak ka Drew? Kasi kapag bumubuka 'yang bibig mo ay puro sama ng loob na lang ang ibinibigay mo sa mga tao."

"I've heard it was signal number three."

Napamaang siya tapos naningkit ang mga mata. "Totoo?"

Tumango si Drew at sinimulang balatan ang yellow mango sa kamay. "My mother gave birth to me at home. Buhay pa no'n ang matandang komadrona na nakatira malapit lang sa bahay namin." Kinagatan nito ang hawak na mangga na kalahati lang ang binalatan.

"Ganda ng timing mo ah," aniya, halos hindi pa rin siya makapaniwala.

Halatang nagpipigil ng ngiti si Andrew habang tumatangong kumakain.

"Ang lungkot naman ng Valentine's Day sa Cebu no'n," dagdag ni Juan sabay kagat ng hawak nitong budbud. "Binagyo."

February 13 si Andrew at Valentines day na nga ang kasunod ng birthday niya. Nakakaloka! Sinusundan ng unos 'tong si Andeng.

"Ah, nga pala," pag-iiba ni Andrew. "Nabanggit mo sa'min ang tungkol sa isang bata."

Napasinghap siya. "'Langya! Muntik ko nang makalimutan."

Juan chuckles. "Itigil mo na pagkakape mo, Chizle."

"Gage! Hindi nakaka-amnesia ang pagkakape. But speaking of kape. Alam mo bang naghahanap ako ng puwedeng alternative ingredients for caramel macchiato?"

"Malamang hindi," malamig na tugon ni Andrew. "At huwag mong ilihis ang usapan. Anong tungkol sa batang nakilala mo?"

"Wait, huwag mo na akong i-distract, Juan. So, ito na nga, may nakilala akong bata, and guess what kung anong buong pangalan niya?"

"Jose Rizal?" hula ni Juan.

"Gage, hindi!" Tawang-tawa naman ulit si Juan. "Apolonio Vicente Feliciano ang buong pangalan niya." Halata ang pagkagulat sa mukha ng dalawa. "Lolo yata siya ni Aurea, may nunal din e kaso hindi kalbo."

Nag-isang linya na naman ang mga kilay ni Andrew sa huling sinabi niya. "Required din bang maging kalbo siya noong kabataan niya?"

"Na stress 'yon kay Aurea kaya nakalbo si Lolo Pol," nakangising dagdag ni Juan. "Oh, tapos?"

"Ito pa, nakatira sila sa Guadalupe."

"Hindi ba at originated ang pamilya nila Aurea sa Guadalupe?" ni Andrew.

Tumango si Chippy. "Oo, matagal na sila ro'n."

"Ang weird," Juan interjected. "Why would a kid ask you those things?"

"It's like he can see through you," dagdag ni Andrew. Halata sa ekspresyon ng mukha ni Andrew ang malalim na pag-iisip. "He can see your soul."

"Are you saying na reincarnated souls sina Chippy at Mathieu?"

"I was thinking about it since the day we got here." Ibinaling ni Andrew ang tingin sa kanila ni Juan. "I have few observations. Una na roon ang sitwasyon nila Chippy at Mathieu. The oddness of their seamless transition contrary to ours made me question our existence. Chi, doon sa simbahan, paano ka napunta ro'n?"

Naglapat ang mga labi niya, inalala niya muna bago siya sumagot.

"Hindi ko alam kung paano ko siya ipapaliwanag. Pero alam mo 'yong feeling na aksidente mong napatay ang switch ng ilaw tapos noong binalik mo ay nasa ibang bahay ka na? Ganoon. Sobrang bilis na parang pitik lang lahat sa'kin. Ni hindi na ako na stress para mag-change outfit, parang ipinasok lang ang kaluluwa ko sa katawan ni Priscilla at nag-continue na lang lahat na parang walang nangyari."

"And probably, the same thing happened to Mathieu," Andrew hypothetically says in a thoughtful manner. "Only that, his version of soul transition forbid him to remember his future life. Our version was obviously distinct. Juan and I were brought here body and soul and with no past lives to fill our singularity."

"Bumubuo ka ba ng problem statement?" inosenteng tanong ni Juan.

Masama ang tingin na ibinigay ni Andrew kay Juan. "Your lack of ingenuity, Juan makes you susceptible to any kind of precariousness."

Napalunok si Chippy.

Shuta, feeling ko tumabling ang mundo sa mga pinagsasabi nitong si Andeng. Hindi lang pala si Tor ang may kayang patahimikin ang utak ko.

"Sandaleee!" pumagitna siya at marahas na napabuga ng hangin. "Bago pa sumabog ang utak ko ay husto na, Andeng. Utang na loob, husto na." Natutop niya ang noo. "Hindi na kayang tanggapin ng utak ko ang mga pinagsasabi mo. Reincarnation lang ang topic natin, naglapag ka na ng madaming foreign words."

"Anong tinanong sa'yo ni Lolo Pol?" pag-iiba ni Andrew.

Teka, sandale!

It took her a few second to answer him. "Ang tanong niya, bakit daw ako nagbalik dito? At sinabi niya rin na matagal na raw nagtapos ang buhay ko rito."

"Maaga bang namatay si Priscilla?" tanong ni Juan.

"Hmm." Sinubukan niyang alalahanin. "Ang natatandaan ko, walang heirs ang magkapatid na Altagracia... wala rin akong natatandaan na may nakasulat na ibang pangalan katabi ng pangalan nila sa family tree. Kapag meron, may asawa at kapag wala, dalawa lang ang rason no'n, hindi nag-asawa o maagang namatay."

"Wala talaga sa ugali ng mga de Dios ang mag-anak ng marami," komento ni Juan.

"Actually, pansin ko rin," she agrees. "Kaya hindi uso sa pamilya namin ang agawan ng yaman dahil wala namang ibang magmamana kundi ang last child standing sa mga de Dios. In this generation, technically ay kami na lang dalawa ni Iesus ang natitira. My mother is a de Dios kaya ang share niya at ng kuya ko ay mapupunta lahat sa'kin, pero makukuha ko lang lahat ng mana kapag nag-asawa ako."

Parehong napatingin ang dalawa sa kanya.

"Cliché and super old fashion ng agreement pero iyon na ang naging kaugalian ng pamilya namin as per Iesus' story." She air quote that last four words. "Same with Iesus, hanggat hindi pa siya nag-aasawa, around 30% lang ang makukuha niya. Maliit lang iyon kung pagbabasehan ang yaman ng mga de Dios throughout the years. Sa pagkakatanda ko ay pinili niya ang property ng Faro de Amoré kaya nakapangalan na sa kanya ang Faro. The rest of the land property ay nakapangalan pa rin kay Tito Josef, siya lang ang humahalili sa mga businesses ng pamilya namin. Technically, iyong mana ko ay pinapaikot lang niya hanggang sa lumaki ang value."

"At ilang percent naman ang nakuha mo?" tanong ni Andrew.

"Same, 30% lang din, equally shared naman sina Tito Josef at Mama. 'Yong paghahatian namin sana ng Kuya ko ay share iyon ng Mama ko. Even my father couldn't touch that wealth dahil may naka stipulate sa last and will testament ni Lolo Xersus na, only a legitimate and full blooded de Dios can received his wealth. Kaya kahit mag-asawa pa kami, walang power ang asawa namin to manage our personal wealth - only our heirs. Ganoon ka taray ang will ng mga de Dios."

Kumunot ang noo ni Andrew. "At naubos mo ang 30%?"

"Adik! Hindi. Ito, napaka-judgmental. S'yempre, I invested it. Nagsimula ako ng online business, bumili ako ng condo unit ko, but since nakulong ako sa Faro I asked Iesus' help to turn it into an Airbnb para may kita pa rin ako instead na nakatunganga lang ang unit do'n. 'Yong natira ay for personal use at inilagay ko sa savings ko."

At dahil wala na rin naman akong ganang mag-asawa, mukhang malabo pa sa mata ni Ser na makuha ko ang natitirang mana ko. Although, I'm not closing my door for an heir. Minsan nga sumasagi sa isip ko na sana nabuo ang baby namin ni Mathieu para kahit umalis ako ng Faro ay hindi ako nag-iisa. I know it's selfish and unfair for Mathieu. Pero pakiramdam ko kasi lagi ay hindi ko na talaga kayang magmahal nang buo... and Mathieu didn't deserve a half baked love.

"Only a genuine marriage is applicable for de Dios," ni Andrew. "Ipagpalagay na lang natin na mukha akong pera at nagbalak akong pakasalan ka. Wala rin naman pala akong makukuha sa'yo, so basically you're not worth any investment."

"But if your feelings are true," singit ni Juan. "Sa tingin ko," ibinaling naman ni Juan ang tingin sa kanya. "Chizle will be worth the investment."

Hindi niya mapigilan ang matawa at mapangiti sa sinabi ni Juan. Nakangiting nag-thumbs-up ito sa kanya pagkatapos.

Buti na lang nadala ko ang kulambo mo, Ryuu Juan Song!

"But still," ni Andrew. "Hindi pa rin natin alam kung anong nangyari sa magkapatid na Altagracia."

"Ayon lang," aniya. "Hindi ko rin alam e. Pasensiya na rin dahil hindi ko talaga maalala ang date of death ng dalawa. Alam ko lang ay nineteen something."

"Ang laking tulong," sarkastikong tugon ni Andrew sa kanya.

Palihim niyang inambahan ng suntok si Andrew pero hindi niya sinaktan. Baka sumabog at tumilapon pa silang dalawa ni Juan.

"Pero hayaan mo, Don Andres Bonitasyo, I'm already working on it."

Hindi niya mapigilan ang tawa. Natatawa pa rin talaga siya sa back story ng dalawa hanggang ngayon. Hindi niya maseryoso ang pagiging magkapatid nila Juan at Andrew. Malala, ginawa pang pipi si Juan.

Napaka-motivational naman talaga ng life story ng mga Bonitasyo Brothers.

"Saka nandito sa panahon na 'to si Lolo Pol," dagdag niya. "Ang sabi naman ni Auring ay simula pagkabata ay naiiba na talaga si Lolo Pol sa mga ka-edad niya kaya malaki ang chance na matulungan niya tayo. Mas malaki pa tiwala ko kay Lolo Pol kaysa ni Aurea."

Ang lakas ng tawa ni Juan.

Lalo lang kumunot ang noo ni Andrew.

"At hindi ko pa sinusukuan ang underground museum ni Iesus. Naniniwala akong nag-e-exist na 'yon sa panahon na 'to at may makukuha tayong clues doon."

Sana mahanap ko na bago ko pa maitaob lahat ng bookshelves sa library.

"For the meantime," inabot niya ang bayong kay Juan. "Sa inyo na iyan lahat, nandiyan na rin ang request mong kulambo, Juan. Malaki 'yan kaya kasya kayong dalawa. Nagdagdag na rin ako ng mga organic skin care cream na nakita ko sa bahay. Kinuha ko rin iyong mga ginagamit ni Julian, balita ko ay nagbibigay raw 'yon ng sun protection para hindi lumala ang sunburn. Meron din diyang organic shampoo at sabon. Maligo rin kayo minsan."

Sabay pang inamoy nila Juan at Andrew ang sarili.

"Naligo naman kami," ni Andrew.

"Malapit na akong maging amoy isda," komento ni Juan, wrinkling his nose.

Tinitigan niya ang mukha ng dalawa, alam niyang masakit ang sunburn sa mga pisngi at ibang parte ng mukha nila but she can't help but think na it suited Juan and Andrew.

"Hindi bale, guwapo pa rin naman kayo." Hinalikan niya ang isang palad saka idinikit sa pisngi ni Juan. "Thank you." She did it again at idinikit naman ulit ang palad sa pisngi ni Andrew. "Thank you pa rin kahit ang sama ng ugali mo."

Napamaang si Andrew. "Wow."

Natawa naman siya. "Anyway, sa party na tayo ulit magkikita. Balitaan ko na lang kayo kapag may nadiskubre ako."

"Chi, isa pa." Itinuro ni Juan ang kaliwang pisngi na hindi niya hinawakan. "Hindi balance."

"Gage!"

Tinawanan lang siya ni Juan.

"Alis na ako at mukhang may trabaho pa kayo at baka hanapin na naman ako sa bahay. FYI, tumakas lang ako."

"Hindi ba sila magtataka nawawala mga gamit n'yo sa bahay?" tanong ni Andrew.

"Ano ka ba? Hindi na nga sila nagtataka na ang dami kong inutangan sa Pueblo de Liloan. Hayaan mo na. Ako nang bahala mag-explain at mas kailangan n'yo 'yan kaysa sa'kin."

"Salamat dito, Chi," pahabol ni Juan.

"Welcome."

"Salamat," nakangiting sabi ni Andrew, tipid na ngiti, pero okay na rin. "Ingat sa pag-uwi."

"Kayo rin."

Juan steps forward. "Ihahatid na kita sa paradahan ng kalesa." Inabot ni Juan kay Andrew ang bayong. "Mauna ka na, Drew."

"Mauuna na talaga ako at baka magtaka pa sila. Siguraduhin mong maisakay mo sa matinong kutsero 'yang Senyorita natin." Halata pa rin ang sarkasmo sa mga salita ni Andrew.

Kahit ganoon natawa na lang siya.

"Pangit talaga ng ugali mo!" aniya rito.

"Pangalawa sa'yo."

"Luh."

Tinawanan siya ni Andrew. "Lumayas ka na nga, Chizle."

"Lalayas talaga ako!"

"Sasama rin ba ako?" inosenteng tanong ni Juan.

"Bumalik ka kung ayaw mong gawin kitang siopao, Ryuu Juan Song."

"Sabi ko nga, babalik ako."

Nagkatinginan silang dalawa ni Juan at sabay ring natawa. Nag-apir pa sila sa harapan ni Andrew na naniningkit na naman ang mga mata sa kanila.

See? Kung wala sila, hindi ko talaga alam ang gagawin ko rito? Baka itanan ko na lang si Mateo at nang matapos na.



KINUHA ni Mateo ang makapal na libro na nakasalansan lang sa itaas ng kanyang mesa - isa iyong libro patungkol sa pangingisda. Nais niyang malaman kung gaano kalaki ang epekto ng paggamit ng mga nakakasirang materyal para lamang makahuli ng marami. Ilang araw na ang lumipas simula noong unos ngunit matumal pa rin ang huli.

Pagbukas niya ng aklat ay may nahulog mula sa unang pahina ng libro. Isang sobre ng sulat na may kulay ginto na waxing seal na may desinyo ng isang bulaklak na kung hindi siya nagkakamali ay isang sampaguita.

Lahat ng mga sulat niya ay may seal ng sampaguita.

Ito ang sobre ng sulat na nais ibigay sa kanya ni Priscilla sa harapan ng simbahan na hindi niya kinuha. Napatitig siya sa sobre at naalala niya kung bakit napunta ang sulat na iyon sa poder niya.

Isang beses pa niyang tinignan ang mahimbing na natutulog na mukha ni Priscilla. Nagamot na niya ang mga sugat nito at sa awa ng Dios ay bumaba na rin ang lagnat nito.

"Tawagan n'yo na lang ako kapag biglang umakyat ang lagnat niya," aniya nang hindi ibinabaling ang tingin sa babaeng kawaksi na kanina pa nakabantay sa kanila.

"Senyorito," mahinang tawag nito sa kanya. Naibaling niya ang tingin sa babae na bahagyang nakayuko at may hawak nang sobre. "Paumanhin po sa aking kapangahasan ngunit nais ko lamang hong iabot ang sobre na ito sa inyo."

Nakayuko pa ring inabot ng babae sa kanya ang sobre. Atubiling kinuha niya pa rin iyon mula sa kamay ng babae.

"Marahil ay nagtataka ho kayo kung bakit ko pa ho ito inaabot sa inyo gayong ilang araw na ang lumipas simula nang mabigo ang aming Senyorita sa inyo. Higit pa sa pagiging kawaksi ang turing sa akin ng Senyorita at tunay na pinapahalagahan ko ho ang aming pagkakaibigan kaya kung mapagbibigyan n'yo ho ako, mabasa n'yo ho sana ang mga sulat niya para sa'yo."

Tunay na hindi lang iisang beses na may natatanggap siyang sulat mula kay Priscilla. Likas sa dalaga ang pagiging makulit kaya tinatanggap niya ang mga sulat nito para lamang tigilan na siya nito. Iyong huli lamang na hindi niya iyon kinuha.

Bumuga siya ng hangin.

Binuksan niya ang kaha sa ilalim ng kanyang mesa at isinama ang sulat na iyon sa isang kahon na malapit nang mapuno sa mga sulat ni Priscilla. Lahat ng sobre ay hindi pa niya binubuksan. Ni isa sa mga liham ni Priscilla ay hindi pa nababasa at marahil hindi na niya babasahin pa.

Ayaw niyang bigyan pa ng rason si Priscilla na umasa sa isang pag-ibig na kailan man ay hindi niya maibibigay rito.

TUMAMBAD kay Chippy ang nakatiklop na hoodie sweatshirt ni Mathieu nang buksan niya ang cabinet ng mga damit. Hindi niya na muna iyon ginalaw at ibinalik niya muna ang mga damit na ginamit niya kanina - sa pinakailalim na parte kung saan iyon itinago ni Priscilla. Saka na lamang niya iyon lalabhan kapag nagka-oras siya.

Kinuha niya ang hoodie at isinarado niya ang cabinet saka bumalik sa kanyang kama at naupo sa gilid no'n. Inilapit niya ang damit sa kanyang ilong. Mathieu's scent was still there - tinawid din ang dalawang magkaibang panahon.

I'd be honest, there are moments na sobrang nami-miss ko siya. Hindi dahil sa wagas na pag-ibig ni Maria Priscilla Altagracia y de Dios pero bilang Chizle Priscilla de Dios Garcia. Magkaibang-magkaiba sina Mateo at Mathieu. Mukha at boses lang ang pagkakapareho nila. Kaya hindi ko alam kung dapat ba akong magpa-budol dito kay Priscilla o i-confirm ko muna kung si Mathieu talaga si Mateo pero may amnesia lang sa future life.

Napabuga siya ng hangin.

"Stress!"

Isinuot na lamang niya ang hoodie, ipinatong niya sa kanyang pantulog dahil malamig sa kwarto niya kahit wala namang aircon. Umuulan na naman kasi sa labas, mabuti na lang at hindi kumukulog. Gusto niyang matulog nang matiwasay ngayong gabi dahil kailangan niyang mag-ipon ng energy para bukas.

She slid under the covers at bumaling na lamang sa kaliwa dahil ayaw niyang patayin ang lamp shade niya. May gabi talaga na tinatakasan siya ng katapangan kaya kumakapit siya sa ilaw.

Ipinikit niya na ang mga mata at inangat sa ulo niya ang hood ng sweatshirt ni Mathieu - mas naging komportable siya roon dahil nabawasan ang ilaw. Isa pa, pakiramdam niya ay nasa tabi lang niya si Mathieu nang mga oras na 'yon.

Matatapos din 'to, Chi. Makakauwi rin kayong apat sa Faro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro