Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

"SENYORITO, talaga ho bang sasama kayo sa amin ngayon?"

Tumango si Mateo. "Ngayon lang ho, Mang Leo, titignan ko lang kung paano magtrabaho ang mga bago."

Lalo na iyong dalawa na may hawak na baunan at nakaupong kumakain sa isang tabi habang tulalang ngumunguya at humihigop nang mainit na kape.

Napailing na lamang si Mateo habang nakatingin sa magkapatid. Kahit si Mang Leo ay napatingin din sa dalawa.

"Malaki siguro ang pinagdadaanang problema ng dalawang 'yan," may habag na komento ni Mang Leo.

Hindi na nakapag-agahan sina Juanito at Andres kaya hinayaan na lamang niyang dalhin ng mga ito ang mga pagkain nila.

"Siguro nga ho."

"Kayo lang ho, Senyorito, ang naglalaan ng oras para sa amin. Kahit ang iyong kapatid na si Senyorito Dimitreo noong siya pa ang namamahala sa amin dahil nasa ibang bansa kayo ay hinahayaan lamang niya sa akin ang pagbabantay sa mga tao ninyo."

"Siguro ay madami lamang siyang ginagawa kaya hindi na siya nakakasama," sagot niya. "Napansin kong matumal ho ngayon ang paghuli ng mga isda," pag-iiba na lamang niya.

Ayaw na niyang magkomento pa tungkol sa kanyang kapatid lalo na't iniiwasan niyang may pag-usapan ang mga tao rito sa hacienda.

"Matumal ho sa nakalipas na linggo, Senyorito. Sinubukan ho naming mangisda sa ibang lugar ngunit ganoon pa rin. Kaya nga ho ay mainit ang dugo ng iyong ama na si Don Porfirio dahil maliit lamang ho ang naibebenta sa palengke."

"Sa tingin ho ninyo ay anong dahilan kung bakit wala tayong nahuhuli?"

"Sa tagal ko nang nangingisda ay ngayon lang ho ako nakaranas nang ganito, Senyorito. Noon ay kahit papaano ay madami naman ang nakukuha maliban na lamang kung masama ng panahon. Ngunit may usap-usapan nga rito na baka epekto na ito ng mga ginagawa ng ibang mangingisda."

Bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Ginagawa? Tulad ho ng ano?"

"Ang pagamit ho ng dinamita, Senyorito. Sakatunayan nga ho ay noong nakaraang buwan, sobra-sobra ang nahuhuli nila Temyong, doble pa sa nahuhuli natin araw-araw."

"Bakit ngayon n'yo lang ho ito sinabi sa akin?"

Madami siyang inasikaso noong nakaraang buwan kaya hindi niya natutukan nang maayos ang pamamahala sa mga tauhan nila. Pangingisda at paggawa ng mga bukag na yari sa mga rattan ang negosyo ng kanilang pamilya. Hindi lang ito ibinibenta sa Pueblo de Liloan ngunit inaangkat din nila iyon sa karatig barrio, municipio, at pueblo. Sa norte ay kabilang ang Consolacion, Compostela, at Carmen. Mayroon din sa Mandaue at sa porte sa sentro mismo ng Cebu para ibenta sa mga mangangalakal.

"Pasensiya na ho, Senyorito, akala ko ho ay lilipas lamang ang kamalasan na ito ngunit tila mas lalo lamang tayong nalugmok."

Kaya siguro nakikipag-usap ang kanyang ama kay Sebastino, isang mag-aalahas mula Espanya para madagdagan ang kanilang negosyo. Ngunit wala siyang tiwala sa lalaki, madami na siyang narinig na kwento patungkol dito, at hindi niya iyon nagugustuhan.

Alam niya ang paghahangad ng kanyang ama na mahigitan ang mga de Dios ngunit sadyang magaling lamang ang mga ito sa larangan ng pagnenegosyo. Sa mga de Dios umaangkat ang mga maliliit at malalaking negosyante ng mga tela at sutla, gamit sa bahay na naiiba at hindi nakikita rito sa Pilipinas, at mga alahas. Nagpapadala at nagbebenta rin ang mga ito ng mga rekados sa ibang bansa, isang yaman na hitik ang kanilang bayan.

Mula noon at ngayon ay nanatili pa rin ang karangyaan at kapangyarihan ng mga de Dios hindi lamang sa Pueblo de Lilon at Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa. Hindi na nakapagtataka dahil malaki ang impluwensiyang iniwan ng naunang de Dios na si Don Jose Remegio de Dios na isang manlalakbay at mangangalakal na walang lahing Pilipino ngunit nakapag–asawa ng dalagang taga Las Islas Filipinas – siya rin ang tinutukoy sa mga kwentong bayan nila, ang misteryosong de Dios na may kakambal na sumpa na dala nito hanggang sa kamatayan. At marahil mamanahin din ng buong angkan nito.

Ngunit, iyon ay mga kwento-kwento lamang na naririnig niya sa mga matatanda at hindi na niya binigyan pa ng oras para unawain at busisiin.

Bagama't iginagalang at minamahal ang pamilyang de Dios rito sa Pueblo de Liloan, may iilan pa rin ang uhaw na maibagsak ang mga de Dios – tulad na lamang ng kanyang ama.

"Nakahanda na ho lahat, Mang Leo!" sigaw ni Danilo, isa sa mga bagong trabahador nila.

Malakas ang hangin at madilim pa ang paligid ngunit nakahanda na ang tatlong malalaking bangkang pagmamay-ari ng pamilya nila. Bawat bangka ay may gasera na siyang magiging ilaw nila maliban sa mga bituin. Apat ang sasakay sa isang bangka. Sa isang bangka, may isa o dalawang bago, kasama na ang mga lumang tauhan nila. Si Mang Leo ay sasakay sa pangalawa at si Cardo ang sa unang bangka. Siya ang sasama sa magkapatid na Juanito at Andres – pang-apat si Rosendo.

Bago siya umalis ng Pueblo de Liloan ay sumasama na siyang mangisda – isinasama siya ng kanyang Lolo Victorino sa pangingisda kaya maalam na rin siya pagdating doon. He wasn't that good, but he can still supervised. At naisip niyang matagal nang nangingisda ang dalawa kaya wala na rin siyang magiging problema pa sa bagay na iyon.

Lumapit siya sa apat. "Tayo na," aniya sabay tapik sa kanang balikat ni Andres. "Humayo na tayo at nang makarami."




MAAGANG nagising si Chippy, past six-thiry pa lang ng umaga nang tignan niya ang oras sa pocket watch ni Priscilla na nakita niya lang din sa mga gamit nito kagabi. Ang ingay-ingay ng manok sa labas – nag-uunahan mambulahaw.

Hindi pa niya maimulat nang malaki ang mga mata. "Ano ba naman 'yan?" inis na reklamo niya sabay angat ng kumot hanggang sa itaas ng kanyang ulo. "Manahimik kayo bago ko kayo gawing lechon manok!" Bumaling siya sa kabila.

Hindi siya morning person dahil kahit late night ay nag-la-live-selling pa rin siya. Ang paniniwala niya ay madaming gising sa gabi dahil gising ang mga demonyong bubulong sa mga customers niyang mag-checkout at mag-mine. 

At pagod na pagod talaga ang katawan niya, para siyang dinadagan ng pison, at sinapak ng gorilya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.

Hindi pa rin tumigil kakaputak ang mga manok sa labas, ngayon naman ay dinagdagan ng mga sigaw ng kambing. Naririnig na rin niya ang malakas na alon sa labas at hampas ng hangin sa mga dahon ng puno.

"Shuta!" Marahas siyang napabalikwas ng bangon at parang batang ipinapadyak ang mga paa sa ilalim ng kumot. "Sabing tanghali na ako gigising e." Napahawak siya sa kanyang ulo hanggang panggigilan na niyang guluhin ang buhok. "Nanggigil ako umagang-umaga. Utang na loob, magpahinga naman tayo!"

Marahas niyang ibinaling ang tingin sa bukas na bintana, nililipad ng hangin ang puting kurtina niya roon. Bumangon siya ng kama at tinungo ang bintana. Lalong nag-iinit ang ulo niya sa mga manok at kambing sa labas.

"Ayaw n'yo talagang manahimik?" tanong niya sa mga ito na hindi sumisigaw. "Mamaya kayo sa'kin. Gagawin ko kayong litson at kaldereta."

Umalis siya sa bintana at hinagilap ang makapal na pink na balabal na pang-doble niya sa puting pantulog – she needs it dahil wala naman siyang makitang bra sa cabinet – may undergarments pero manipis pa rin. It was very uncomfortable, feeling niya ay nakahubad pa rin siya. Isinunod niyang suotin ang closed slippers niya sa ilalim ng kama. Ipinusod din niya nang maigi ang buhok gamit ng kakaibang gintong suklay na may desinyong bulaklak. Hindi siya sanay sa mahabong buhok, ang kaya lang niyang haba ay arms length pero madalas nakapusod o naka ponytail pa rin.

Mabibigat ang mga paa na lumabas siya ng bahay, itinapis nang maagi ang makapal na balabal sa kanyang katawan dahil malamig ang paligid kahit may araw na sa labas.

"Senyorita!" tawag ng isang babae pero hindi niya pinansin at dire-diretso lang siyang bumaba hanggang sa makalabas siya ng bahay.

"Saan na ba 'yong mga litseng manok na 'yan?" Nakatanaw sa bahay, hinanap niya ang tamang posisyon ng bintana ng kwarto niya. Sa naalala niya ay hindi naman ito nakaharap sa parola kaya kailangan niyang umikot ng bahay dahil nakaharap ang bintana niya sa dagat. "Pagsisihan n'yo talagang naging manok at kambing kayo ngayong araw."

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang pansinin ang mga bagay na wala sa panahon na ito ngunit meron sa 2021. Isa na nga ang balon. Kasi kung meron no'n, malamang underground museum na iyon sa ibaba.

"Weird? Sino kaya nagpagawa no'ng balon? Si Lolo Xersus kaya?"

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Ang dami niyang napupuna na wala – in fact ay hindi niya ma-imagine ang latest look ng Faro de Amoré sa sobrang lawak ng paligid ng mansion. Puro puno, although may wooden storage houses ng mga hindi niya rin alam kung ano ang laman. May natanaw na rin siya kahapon ng kwadra ng mga kabayo. Kung sa boardwalk sobrang lapit ng dagat, dito, dadaan pang gubat para marating ang dagat.

Hindi naman mukhang scary ang gubat basing from the view in my window. Medyo scary pa iyong sa likod mismo ng parola. Sa tingin ko 'yong shoreline ng boardwalk ay iyong sa loob lang din ng premise ng lupain ng mga de Dios. Another theory, sa tingin ko malawak talaga ang forest groove umabot hanggang boardwalk bago pa man iyon naging boardwalk sa present.

Nang makarating sa likuran ay nawala ang mga manok at kambing.

Nakakaloka! Saan na ang mga 'yon?

Umikot siya at sinilip ang puwede niyang silipan in case nagtatago ang mga hayop pero wala siyang makitang manok at kambing. Isa pang ipinagtataka niya ay biglang tumahimik.

"Ano 'yon? Nakaramdam ng unos?"

Tumingala siya, kaya pala hindi masakit sa balat ang init dahil bahagyang makulimlim. Mukhang uulan pa dahil medyo umaalinsangan na.

Ang mabuti ay bumalik na ako at matulog na lang ulit. Binulahaw pa ako ng mga litseng hayop – mawawala na lang pala bigla.

Akmang aalis na siya nang may naramdaman siyang tumama sa kanyang paa. Napababa siya ng tingin at bumungad sa kanya ang isang laruang bola na gawa sa rattan. Agad siyang napaangat ng tingin at nakita niya ang batang lalaki na mukhang kasing edad lang ni Xersus na tumatakbo sa direksyon ng gubat. Medyo mataba lang ito, maliit, moreno, at may kulot na buhok.

"Hoy!" sigaw niya sa bata. "Huwag ka riyan!" Pinulot niya ang bola at hinabol ang bata. "Hoy, bata! Huminto ka! Huwag kang pumasok diyan!"

Sinundan niya ang bata hanggang sa gubat, nakikita niya ito dahil namumukod tangi ang kulay pula nitong suot pang-itaas at brown naman ang shorts nito. Paminsan-minsan ay huminto siya at napapahawak sa katawan ng puno para abutin ang hininga saka ulit siya tatakbo para habulin ang bubwit na batang iyon.

"Walangya! Ang bilis tumakbo. Hoy!" tawag ulit niya rito nang makita niya ulit.

Hinihingal na siya kakatakbo pero hindi pa rin siya pinapakinggan at nililingon nito. May naaninag na siyang liwanag dahil bahagyang madilim sa loob ng gubat dahil sa nagtataasang mga puno. Hanggang sa makalabas siya ng gubat at bahagya siyang nasilaw sa liwanag na biglang pumalit sa bahagyang bumalot na dilim sa loob ng kagubatan.

Yawa!



MAGDADALAWANG oras na ngunit halos wala pa rin silang nahuhuling isda. Hindi lang ang grupo nila, kasama na rin ang bangka nila Mang Leo at Cardo. Tahimik lang siyang nakamasid sa magkapatid. Si Andres ay tila kanina pa iginagala ang tingin sa paligid, paminsan-minsan ay tumitingala sa langit. Si Juanito ay ilang ulit nang lumangoy at umahon mula sa dagat ngunit kakarampot lang ang nakukuha nito mula sa kanilang lambat. Ang isang bangka ay wala talagang huli kaya nagpasya na sila kanina na lumipat hanggang sa dalhin na sila sa mismong dagat na sakop ng parola ng mga de Dios.

Sa tuwing umaahon sa dagat si Juan ay tila may sinisenyas ito kay Andres na tanging ang dalawa lang ang nakakaintindi – parehong kunot lagi ang mga noo nito pagkatapos.

Sa pagkakataon na iyon ay may tinatanaw si Andres sa sidlakang bahagi ng dagat. Napapansin na rin niyang lumalakas na ang hangin at nagsisimula na ring maging marahas ang alon.

Maya-maya pa ay bigla siyang nilingon ni Andres.

"Senyorito, kailangan na ho nating bumalik," sabi nito, seryoso ang mukha. "May papalapit na unos," dagdag nito at muling iginala ang tingin sa paligid.

"Unos? Paanong magkakaunos kung mayroong araw?" kontra pa niya rito.

Pumagitna sa kanila ang dumaang malakas na hangin. Pag-angat niya ng tingin ay tila unti-unti nang natatakpan nang bahagyang makulimlim na ulap ang sinasabi niyang araw.

"Matinding unos," ulit ni Andres. "Na maaring may kasamang kidlat na puwedeng pumatay sa atin dito kung hindi pa tayo babalik sa dalampasigan. Wala na rin tayong makukuhang isda dahil ramdam na rin ng mga hayop sa dagat ang unos." Itinuro ni Andres ang kanina pa nito tinitignan na direksyon. "Nagsisimula na ang unos sa banda roon."

Madilim na ang bahaging iyon, nag-iiba na rin ang kulay ng dagat.

"Sa tingin ko ay tama sila, Senyorito," narinig niyang sabi ni Mang Leo sa kabilang bangka. "Mukhang papunta nga ho rito ang unos. Kailangan na ho nating bumalik at sa tantiya ko ay wala tayong ibang pagdadaungan ng mga bangka natin kundi sa mga de Dios."

"Ngunit hindi tayo puwedeng dumaong doon? Pribado iyon at wala tayong pahintulot."

Lumalakas na ang alon at nagsisimula na ring dumilim ang langit. Nagsisimula na rin siyang kabahan.

Kumalma ka, Mateo. Hindi ka puwedeng pangunahan ng takot at nakasalalay sa iyo ang buhay ng mga tao mo.

"Kailangan na nating magmadali," salita ulit ni Andres.

"Simulan n'yo na ang pag-sagwan!" sigaw na utos ni Mang Leo. Agad namang nagsikilos ang mga kasamahan nila. "Senyorito, ipagpaumanhin n'yo ngunit wala na ho tayong ibang lugar na pagdadaungan ng mga bangka kung nais nating makaiwas sa unos. Kailangan ho natin makahanap agad ng mapagsisilungan kung totoo nga ho ang sinasabi ni Andres na may kasamang kidlat ang unos na ito. Marami na hong mangingisda rito sa Pueblo de Liloan ang namatay dahil natamaan ng kidlat."

Napalunok si Mateo at napatingin sa seryosong mukha ng magkapatid. Hindi niya alam kung anong klaseng kakayahan ang mayroon ang dalawa ngunit sa tingin niya ay hindi naman nagbibiro sina Juanito at Andres.

"Sige na!" sigaw niya. "Magsipagsagwan na tayo at dumaong muna sa de Dios. Bilisan n'yo ang kilos." Tumulong na rin siya sa pagsagwan lalo na't bahagyang malayo sila sa dalampasigan ng mga de Dios. Hindi pa nga sila nakakalahati ay nagsimula nang umambon at may panakanaka na silang naririnig na pagkulog, lalo lamang dumidilim ang langit sa bawat pagsagwan nila.

"Bilisan pa natin!" sigaw ni Andres.

Namamanhid na ang mga braso niya at tila tinatakasan na siya ng hangin ngunit pinag-igihan pa niya ang pagsagwan. Hindi niya maiwasang lumingon, sakto namang gumuhit ang isang kidlat sa direksyon na laging itinuturo ni Andres kanina.

Napamura siya sabay balik ng tingin sa kanyang harapan.

Lumalakas lalo ang alon na lalong nagpahirap sa kanilang umabante. Nagsimula nang mangalit ang dagat at tila nais nitong lunurin ang kanilang mga bangka. Hindi sila tumigil sa pagsagwan kahit na basang-basa na silang lahat hanggang sa makarating sila sa dalampasigan. Tumalon si Rosendo nang hanggang baywang na lamang ang tubig at hinila ang tali ng bangka nila – agad na sumunod silang tatlo nila Juanito at Andres para tulungan ang lalaki. Ilang segundo lang ay pare-pareho na silang nasa buhanginan, hinihila ang mga bangka palayo sa dagat.

"Itali n'yo ang mga bangka sa puno!" sigaw ni Mang Leo. "Hindi maaring iwan ito rito at baka tangayin ng alon."

"Opo!" sunod-sunod na sigaw ng mga tao niya.

Binasa ni Mateo ang labi at marahas na naisuklay ang isang kamay sa basang buhok nang makita niya sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na babae. Tanging puting pantulog ang suot, may kulay rosas na balabal, at may hawak na isang laruang bola sa isang kamay.

"Maria Priscilla?" sambit na lamang niya bigla.




NATIGILAN si Chippy nang makita ang tatlong bangka na nagmamadaling dumaong sa dalampasigan. Doon niya napansin na umuulan na pala at wala rin siyang makitang bata sa paligid – sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang itong nawala nang lumabas ito sa kagubatan.

Nag-angat siya ng tingin sa madilim na kalangitan, agad na pinalabo ng mga butil ng ulan ang kanyang paningin. Kumurap siya at pinunasan ang kanyang mga mata. Naisip niya na ang bilis ng pagbago ng panahon. Kanina ay nagsisimula pa lang dumilim ang langit pero ngayon ay unti-unti nang bumubuhos ang malakas na ulan. Ramdam na niya ang lamig ng nangangalit na lakas ng hangin – humahampas sa mga dahon ng puno sa paligid. Nakakatakot na rin ang lalong pagdilim ng kulay asul ng dagat.

Ligtas na nakarating ang tatlong bangka lulan ang grupo ng mga lalaki. Bahagyang kumunot ang noo niya nang mamukhaan niya ang tatlo sa isang bangka, ang mga nahuli.

Mateo? Andrew? Juan?

Kinusot niya ang mga mata ngunit wala namang nagbago sa mukha ng tatlo. Sina Juan, Andrew, at Mateo nga ang sakay sa nahuling bangka kanina.

"Oh my god!" singhap niya, bigla siyang nag-panic. "Hindi. Hindi. Hindi. Hindi ako puwedeng makita ni Mateo. Mababanas iyon lalo saka, hello? Ang nipis ng suot ko. E di mas lalo akong mapapagalitan ng mga ninuno ko kapag nalaman nila."

Akmang tatakbo siya nang magtama ang mata nila ni Mateo. Halata sa mukha nito ang pagkagulat na makita siya.

Pati sina Juan at Andrew ay natigilan din nang makita siya.

Bye!

Naging cue niya iyon para tumakbo at pumasok ulit sa gubat.

"Priscilla!" narinig pa niyang sigaw nito. "Mang Leo, dumiretso na ho kayo sa mga de Dios, susunod ho ako."

Dios ko! Sarap ng timing talaga.

"Priscilla!" narinig na naman niyang sigaw ni Mateo, halatang hinahabol siya dahil hindi lang mga yapak niya ang lumilikha ng tunog nang mga oras na iyon. Sa bawat tapak ng mga paa nila sa mga patay na dahon sa lupa ay tila may nagpupunit ng papel sa kanilang paligid. "Priscilla, hintay!"

Hindi siya nakinig at tuloy lang ang kanyang pagtakbo, hindi na nga diretso dahil iniiwasan niya ang mga puno na humaharang sa dinaraanan niya. Hindi niya alam kung paano pa niya nahahawakan nang maayos ang bola sa isang kamay habang inaangat ang mahabang saya ng kanyang pantulog.

Bigla siyang napangiwi at natigilan nang maramdaman niyang may matulis siyang naapakan. Ang hapdi, daing niya sa isip. Kung hindi siya nagkakamali ay parang may tumagos na matulis na bagay sa kanyang tsinelas at nasugatan na nang tuluyan ang kanyang kanang talampakan.

Shit!

"Priscilla!"

Walangya, Mateo, bakit mo ba kasi ako hinahabol? Akala ko ba crush over na kayo ni Priscilla? Bakit may habulang nagaganap sa kagubatan? Tang'na, ang sakit ng paa ko!

"Tiisin mo muna ang sakit, Chippy," aniya sa sarili, paika-ikang naglalakad, inaalisa pa niya kung kaya na niya ulit tumakbo. Sa tingin niya ay malayo pa naman si Mateo. "Hanggang sa makahanap ka ng mapagtataguan."

Pinilit niya ang sarili na tumakbo ulit kahit na sumasakit na nang sobra ang sugat niya sa paa. Ayaw na nga niyang silipin at malaki ang kutob niya na dumudugo na ang talampakan niya.

"Priscilla, saglit... huminto ka nga..."

Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi nito dahil biglang dumagundong sa paligid ang malakas na pagkulog, impit siyang napatili at napatakip ng kamay sa mga tainga. Nabitiwan niya ang bola pero agad din niyang pinulot 'yon at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Shit! Shit!" mura niya. "Bakit ko ba kasi sinundan ang batang 'yon? Second day ka pa lang rito, Chizle pero ang dami mo nang ganap sa buhay! Dios ko! Ayoko naaaaa!" Kumulog na naman at muli siyang napatili. Nababasa na siya ang ulan sa loob ng gubat. "Kuya Iesus," iyak niya. "Kunin mo na ako ritoooooo. Ayaw ko naaa... magpapakabait na talaga ako..."

"Pris...ci...lla!"

Hingal na hingal na siya, gusto niya ng tubig. 

Lumiko siya at kamuntik nang mabuwal dahil madulas ang lupa roon, mabuti na lang at nakahawak pa siya sa isang puno pero sumobra naman dahil parang kiniskis niya ang palad sa katawan ng kahoy – she felt a burning sensation on her palm.

'Langya, another sugat!

Hindi na niya alam ang tinatahak niya, lumalakas na rin ang ulan, at sunod-sunod na ang pagkulog sa paligid. Kung hindi lang nagtataasan ang mga puno roon ay baka matamaan pa sila ng kidlat.

Grabe ang hingal niya nang makalabas sa gubat, napahinto siya nang matanaw ang kwadra ng kabayo. Ang lakas na ng ulan, halos hindi na niya nakikita ang daan dahil bahagya na siyang nakapikit dahil sa ulan. Hinilamos niya ang isang kamay at tumakbo sa direksyon ng kwadra.

Delikado kung pipilitin niyang umuwi, kumukulog at open ground pa. Kailangan niya munang magpasilong. 

Nakapasok na siya sa kwadra, sobrang ingay ng mga kabayo sa loob, halatang nakakaramdam sa sama ng panahon sa labas. In-ignore niya muna lahat ng mga humapding sugat at binitawan niya ang bola saka buong lakas na isinarado ang mas matangkad pa sa kanyang wooden doble doors – mabigat nang bahagya pero pinilit niya – kaunti na lang sana pero naabutan siya ni Mateo – nagtama ang mga mata nila sa kaunting siwang na natitira na pumapagitan sa kanila. Napasinghap siya nang lumusot ang mga kamay nito at may puwersang hinawakan ang magkabilang edge ng pinto para buksan ulit iyon.

"Priscilla!" may gigil na tawag nito sa pangalan niya.

Basang-basa na ito ng ulan.

"Umalis ka na! Bakit mo ba ako sinusundan?!" Pilit niyang isinarado ang pinto pero pinipigilan ni Mateo.

"Buksan mo ang pinto!" buga nito ng hangin. "Papasok ako. Saka... tayo... mag-usap!"

"Bakit ka papasok –" Napatili na naman siya sa gulat nang kumulog nang malakas dahilan para mabitiwan niya ang magkabilang pinto.

Nagawang mabuksan ni Mateo ang pinto. Agad naman siyang napaatras nang tuluyan na itong pumasok. Mabilis ang mga kilos na isinarado nito ang magkabilang pinto ng kwadra at iniharang ang tila kapirasong kahoy na nagsisilbing lock nito sa loob. Nang humarap ito sa kanya ay tumalikod naman siya.

"Pri...scilla..." Mas narinig pa niya ang hingal nito kaysa ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan.

Kumukulog at malakas ang ulan sa labas, naririnig niya kahit sa loob. Hindi siya makapag-concentrate dahil naalala niya ang gabi kung saan ganoon din ang panahon sa Faro bago sila mabalik sa nakaraan.

Chippy swallowed hard, nagsimula na ring manginig hindi lang ang kanyang mga kamay, pati na rin ang buong katawan niya. At nang muling gumuhit ang kidlat sa labas ay napasigaw siya sa sobrang takot. Ramdam na ramdam niya ang pagyanig ng buong kwadra na para bang may sumigaw na higante sa labas.

"Priscilla –"

Dumagundong ulit at naiyak na siya sa takot.

Tumakbo siya at nagtago sa nakita niyang bakanteng kulungan ng kabayo na inimbakan ng mga dayami ng palay. Umupo siya roon, nakatakip ang mga palad sa tainga, at mariing nakapikit ang mga mata.

Naalala na naman niya ang nakakatakot na liwanag na pumasok sa loob ng underground museum. Lalo siyang naiiyak dahil ayaw huminto ng kulog sa labas. Galit na galit ang langit.

Sumiksik siya nang husto sa pader, nakatiklop ang mga paa sa kanyang dibdib, at umiiyak.

If not for that stupid storm, hindi sana sila mapapasok dito. Mathieu wouldn't be missing right now. Fuck this!

Maya-maya ay naramdaman ni Chippy na may dumantay na mainit na palad sa kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga tainga.

"Shshs..." Tila batang pinapatahan siya ng boses na iyon ni Mateo. Wala namang ibang tao sa kwadra bukod sa kanya, si Mateo lang. "Lilipas din ang kulog at kidlat... tahan na..."

Lalo lang siyang naiyak dahil hindi lang mukha ni Mateo ang kapareho kay Mathieu – even the high and low of his voice sounds the same.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at inangat ang mukha para matignan ito sa mukha. Nakaluhod ito sa kanyang harapan at nakadantay pa rin ang mga palad sa kanyang mga kamay. Naglaho ang galit na lagi niyang nakikita sa mukha ni Mateo noong una niya itong makita sa simbahan at kanina roon sa dalampasigan.

Sino ka ba talaga? Iisa lang ba talaga kayo ni Mathieu? Pero bakit hindi mo ako maalala, Math? Bakit hindi mo ako namumukhaan?

Bumaba ang tingin nito at kumunot ang noo. "Dugo?" Marahas na bumalik ang tingin nito sa kanya, tila sinesermonan siya ng mga tingin nito. "Ikaw ba ay nasugatan?" Bumaba ang mga kamay nito para tignan ang kanyang talampakan, lalo lamang kumunot ang noo nito. "May sugat ka na pala ngunit tinakbuhan mo pa ako. Wala naman akong gagawing masama sa iyo kung sakaling nahuli kita kanina."

Ibinaba nito ang mga kamay at kinalas ang asul na bandana nito sa leeg. He folded it lengthwise, saka sumalampak ng upo sa gilid.

"Hihingi ako ng permiso para hawakan ang paa mo," anito, tunog sermon. Nakatingin ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, wala akong balak na silipan ka."

Wala naman talaga itong masisilip dahil ang haba ng saya ng pantulog niya.

"Wala akong iniisip na gano'n," mahinang reklamo pa niya, dahan-dahan na rin niyang ibinaba ang mga kamay, at pinunasan ang mga luha sa mukha.

Medyo kumakalma na rin naman ang kulog sa labas pero sa tuwinay lumalakas na lang bigla kaya siya natitigilan at napapapikit. 

"At isa akong doktor kaya makakaasa kang wala akong ibang gagawin kung hindi ay tignan ang sugat mo," dagdag pa nito.

Doctor? Doctor si Mathieu sa panahong 'to?

"Kaya kung pahihintulutan mo, hahawakan ko ang iyong binti at talampakan."

Tumango siya. "Sige lang."

Dahan-dahan nitong inangat ang kanyang kanang binti at idinantay sa hita nito. Sobrang gaan ng kamay nito, halos hindi niya naramdaman ang pag-alis ni Mateo sa kanyang tsinelas. Napasinghap lang siya nang makita ang dugo sa kanyang talampakan. Napangiwi siya, parang malalim ang sugat.

"H-Hindi ba malalim ang sugat ko?"

Kaya pala sobrang sakit.

Maingat na sinipat nito ang kanyang sugat, hindi nito hinawakan ang parte kung saan dumudugo.

"Marumi ang mga kamay ko, baka kapag hinawakan ko ay magkaimpeksyon pa ang iyong sugat." Kinuha ulit nito ang bandana na nakadantay din sa isang hita nito. "Sa ngayon ay patitigilin muna natin ang pagdurugo."

"Wala bang bumaon?" may pag-aalala niyang tanong.

"May nararamdaman ka bang kakaiba sa talampakan mo?"

Umiling siya.

Nagpatuloy ito sa pagtali ng bandana sa nasugatan niyang paa. Pagkatapos nito ay dahan-dahan nitong pinisil ang parte kung saan ang kanyang sugat, napasinghap siya dahil mahapdi at kumikirot pero wala naman siyang naramdaman na foreign object na na stuck.

"May nararamdaman ka?" malumanay nitong tanong ulit sa kanya.

Umiling siya. "W-Wala... masakit lang... kumikirot..." ang puso ko sa'yo, walangya ka!

Seeing this man taking care of her wound and making sure na walang mangyayaring masama sa kanya ay nagpapaalala sa kanya kung gaano siya inaalagaan ni Mathieu. Kahit pa sobrang tigas ng puso at utak niya – madalas ay taken for granted pa ito dahil sa mga issues niya sa buhay – still, he's always there, doing his best in making sure she was healthy, happy, and doing well despite her miserable life.

Priscilla, kaya ka ba in-love na in-love kay Mateo dahil may pagkakataon noon na ganito siya sa'yo? Mabait at inaalagaan ka?

"Kapag tumila na ang ulan ay ihahatid kita sa inyo para magamot ko ang sugat mo."

Hindi na siya nakinig dito, puro titig na lang siya sa mukha ni Mateo. Halos walang pinagkaiba sa mukha ni Mathieu at mas lalo itong naging guwapo sa paningin niya ngayon na basang-basa ang buhok at damit – pansin na pansin niya ang magandang katawan nito sa ilalim ng suot nitong puting camisa de chino.

"At husto na sa pagtitig sa akin at baka matunaw na ako bago pa kita maihatid sa inyo," dagdag nito maya-maya.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili, nag-iinit ang mga pisngi niya. Shuta! Ako ba ang nahihiya o ang katawan ni Priscilla? Naitakip niya ang mga palad sa mukha.

"Sorry," aniya.

Napangiwi siya.

Girl, in English talaga ang pag-response?

Naringgan niya ito nang mahinang pagtawa pero hindi na ito nag-react. Parang alam na nito na nagsasalita si Priscilla ng Ingles.

Inglesera siguro itong si Madam natin Priscilla.

"Huwag mo nang itago ang mukha mo."

"Nakalimutan mo bang sinabi mo sa'kin na huwag na akong magpakita sa'yo?" may kaunting inis sa boses niya.

"Hindi iisang beses na narinig mo sa akin ang mga salitang iyon. Anong nangyari sa iyo at ngayon ay umiiwas ka na sa akin?"

Marahas niyang ibinaba ang mga kamay para salubungin ang mga tingin nito. "Natauhan, may changed of mind, bakit ba?"

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Tila nagkaroon din ng pagbabago sa paraan ng iyong pananalita?" Naglapat ang mga labi ni Chippy, matapang pa rin niyang sinalubong ang mga tingin ni Mateo sa kanya. "Ngunit hindi na ako magtataka dahil likas na sa iyo, Priscilla ang pagiging kakaiba."

Siya naman ang napakunot ang noo.

Anong ibig niyang sabihin doon?

Nagulat siya nang hawakan nito ang dalawa niyang kamay at tinignan ang kanyang mga palad.

"Pati ang isa mong palad ay may sugat."

Stress na stress na ang mukha nito sa kanya.

"Malayo 'yan sa throat,"sagot niya.

Kumunot na naman ang noo ni Mateo. "Throat?"

"Sa ngala-ngala," aniya. "Malayo sa ngala-ngala."

"Hindi ba bituka ang sinasabi sa kasabihan na ganyan?"

"Nagbago na ang kasabihan."

Mateo sighs. "Si eso es lo que crees que es."

He said, kung ano ang iniisip ko, bahala na ako.

"It is what it is," sabi niya.

Magkalapat ang mga labi na may kaunting ngiting sumilip doon. Nako, ayaw pa ngumiti. Pabebe rin itong si Mateo.

"Kaunting galos lang naman ito at tama ka, malayo nga sa ngala-ngala. Hindi mo pa ito ikamamatay."

May hinugot itong brown na panyo mula sa bulsa at gaya ng ginawa nito sa kanyang nasugatang paa ay itinali niya rin iyon sa kanyang may sugat na palad.

"Hindi pa ako puwedeng mawala sa mundong 'to, 'no? May mission pa ako."

"Mission? At anong klaseng mission ba iyan, Miss Altagracia?"

"Mamahalin mo pa ako."

Walangya, Chippy!

Bigla itong inihit ng ubo. "Tila..." He clears his throat. "Nakakalimutan mo na may itinatangi na ang puso ko."

"Mag-jowa-reveal ka muna, saka ako maniniwala."

Kunot ang noo at naniningkit ang mga mata ni Mateo. "Jowa reveal? Ano ang ibig sabihin no'n?"

"Jowa reveal, ipakilala mo muna sa'ming lahat ang iniibig mo saka lang ako maniniwala kapag may mukha na siya at may label na kayo."

Lalong kumunot ang noo ni Mateo. "Label? At para saan naman ang label?"

"Ang label ay para hindi ka umasa na mayro'ng kayo pero wala naman pala."

Parang tayo lang din sa future.

"Marahil sa ngayon ay wala pa ngunit asahan mong sa mga susunod na araw ay mayroon na, Miss Altagracia."

"Hindi mo sure."

Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. She can't help but purses her lips.

"Sino ba siya?" pag-iiba niya.

"Hindi mo na kailangang alamin pa kung sino siya."

"Pangit mo ka bonding."

"Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng mga pinagsasabi mo at kung saang bansa mo iyan natutunan, ngunit isa lang ang masasabi ko sa iyo, Priscilla. Ayaw ko mang saktan ka ngunit –" Inilapat niya ang isang daliri sa labi ni Mateo.

"Husto na!" panggagaya pa niya sa favorite word ni Tito Jose sa kanya. "Alam ko na 'yan." Inalis lang din niya agad ang daliri. "Kaya manahimik ka na."

Sa totoo lang ay nabubuwesit siya. Pero hindi na niya isasatinig 'yon dahil may bago siyang strategy.

Hindi ko alam kung oobra, but what are the chances? Effective naman 'yon kina Ser at Ninin. Baka naman umobra sa 1935 ang sinaunang pagpapamiss.

"At baka tama ka nga," dagdag niya na may malungkot na ngiti. "Siguro dapat ay itigil ko na ang kahibangan ko sa'yo at ibaling na lamang sa iba ang buong oras ko. Alam ko na mahihirapan ako, pero siguro, tama na 'yon. Ni-reject mo na nga ako sa harap ng simbahan at sa harap ng madaming tao. I should take it as a sign na tumigil na."

Titig na titig si Mateo sa kanya.

Huwag ako, Mateo, tatlong taon akong member ng theater club noong high school. Madalas din akong bida sa mga role play noong college.

Sinagad na niya ang pagpapaawa ng mukha kay Mateo.

"Kaya sige na, pinapalaya na kita."

Char!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro