"Tiya Priscillaaaaaa!"
May batang lalaki na bigla na lang dumating, tumatakbong lumapit sa kanya at niyakap siya sa mga baywang. Nakaangat ang mukha nito sa kanya, malungkot ang ngiti ng bata.
Naikiling ni Chippy ang ulo dahil parang pamilyar siya sa mukha ng bata – bukod doon sa portrait painting.
"Xersus," tawag ni Julian dito.
"Papaaaa," bumaling ang bata kay Julian. Oh my god! Si Lolo Xersus ba 'to? Ang Lolo Xers ko?! Este namin ni Iesus? "Huwag na po pagalitan si Tiya. Umiiyak na po siya. Hindi ko po gusto na umiiyak ang Tiya ko." Humigpit ang yakap nito sa kanya at isinadal ang ulo sa kanya.
Kaya pala ang pamilyar ng mukha ng bata. Ito pala ang batang Xersus Josef de Dios, ang kanyang yumaong Lolo na ama ng kanyang ina at ni Tito Josef. Kamukhang-kamuha ito ni Julian, softer version of his father's striking and formidable features.
Bigla ay naiyak na naman siya. Her grandfather died back in 2010 and she was 17 years old that time, a year after, her mother died and a few months after, her brother died. Maliban kina Iesus and Vier, mas naging close siya sa family ng Mama niya – sa mga de Dios, kaysa sa mga Garcia. Masasabi rin niyang Lolo's girl siya.
Nagiging-emosyonal na naman siya. Wala pang 24-hours pero sobrang overwhelming na ng mga nangyayari sa kanya. Josefa Altagracia looks like her mother and Noah Altagracia also shows great resemblance to her brother Josiah. At ngayon, nakilala na rin niya ang batang bersyon ng pinakamamahal niyang Lolo Xersus.
"Anak, hindi namin pinapagalitan ang Tiya Priscilla mo." Lumamlam ang ekspresyon ng mukha ni Julian. "Walang umaaway sa mahal mong Tiya."
Bumuntong-hininga si Tito Jose. "Ito ay palalampasin ko ngayon," anito. "Ngunit, husto na, Priscilla. Kung may nais kang bilhin ay ipagpaalam mo sa akin o sa iyong ina. Hindi itong ginugulat mo na lamang kami sa pagkadami-daming recibong ipinapadala rito ng mga tindahan sa sentro."
"Ako na ang magbabayad, Kuya –"
"No, está bien. Ako na at sa akin naman nakapangalan ang mga recibo na ito." Muli pa siyang tignan ng kanyang Tiyo Jose, may pagbabanta sa mga tingin na iyon. "Husto na ito, Priscilla. Huwag mo nang dagdagan pa ang mga alalahanin ko at malapit nang pumuti lahat ng aking buhok dahil sa inyong magpipinsan."
Isa-isa ring tinignan ni Tiyo Jose ang anak nitong si Julian at ang Kuya Noah niya.
"Por favor, dame tranquilidad," dagdag nito.
Please, give me peace of mind. Pakiusap, bigyan ninyo ako ng kapayapaan ng isip.
Hindi niya alam kung bakit naiitindihan niya ang mga salitang Espanyol na sinabi ni Tiyo Jose. Nagiging automatic English at Filipino na agad ang sinabi nito sa kanyang utak. Naisip niya, baka multilingual din ang kanyang Lola Priscilla kaya naiintindihan niya ang mga salitang iyon.
Ohh, interesting.
Basic Spanish lang ang alam niya dahil tamad din talaga siyang mag-aral. Si Kuya Josiah, Iesus, and Vier, sila talaga ang nagkaroon ng interes pag-aralan ang linggwahe na madalas gamitin ng pamilya nila noong bata pa siya. In Spanish makipagsalita madalas ang Lolo Xersus nila, lalo na kapag may ayaw itong ipaintindi sa ibang tao.
Sakatunayan ay muntik pa siyang mag-drop-out sa kursong Business Administration noon dahil wala siyang pasensiya sa mga subjects at professors niya noon. Kung hindi sa pangaral nila Vier at Iesus ay baka wala na siyang ginawang mabuti sa buhay – tuluyan na siguro siyang napariwala.
Pero hindi na muna siya mag-fo-focus sa future life niya. May iba siyang misyon ngayon. Ang kilalanin ang 1935 family niya. Wala rin naman siyang choice kundi ang mag-adjust. At alam niyang may rason kung bakit siya bumalik dito – silang dalawa ni Mathieu, nadamay lang sina Juan at Andrew.
Parang sa isang cinematography sa isang palabas, nag-pan ang tingin niya sa bawat miyembro ng pamilya Altagracia at de Dios. Mula kay Jose Emmanuel de Dios, Julian Javier de Dios, Josefa Altagracia, Noah Altagracia, at Xersus Yosef de Dios. Iniisip niyang mabuti, inaalala niya ang mga ganap sa 1930's. Naisip niya na may kulang. Ang alam niya kasi ay may kapatid na babae ang Lolo Xersus niya, si Lola Azalea, who died earlier than Lolo Xersus. She entered the convent at the age of 18 and died at the age of 35 because of Pneumonia. Hindi na nila naabutan ni Iesus ang Lola Azalea nila. Pero may iilang pictures na naitago si Lolo Xersus sa kapatid nito. Her Lola Azalea was beautiful beyond words, para itong birhen. So sad that she died early, gusto sana niyang makilala ito.
So, wait? Meaning, hindi pa nagpapakasal ulit si Julian sa timeline na 'to?
Ibinalik niya ang tingin kay Julian na magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi naman ito nakatingin kanina sa kanya, nagkataon lang na pagbaling ng tingin ni Julian ay nakatingin din siya.
Luh.
Anyway, sa pagkakatanda ko ay magkaiba ang nanay nila Lolo Xersus at Lola Azalea. Lolo said, his mother died giving birth to him at nag-asawa ulit ang Papa niya kaya nabuo si Lola Azalea. Omg, the who rito si... wait... ano nga ang name ng second wife ni Lolo Julian? Dios ko, Chizle, nakakaloka ka. Dapat nag-review ka talaga muna bago ka bumalik dito. Nanggigil ako sa'yo. Sagad na sagad.
"Amara," biglang tawag ni Tiyo Jose, bumaling ito ng tingin sa babaeng kakarating lang, naiiba ang damit nito, mas simple at mukhang maid ng mga de Dios. Sa tingin nga niya ay halos ka edad lang niya. "Nakahanda na ba ang hapunan?"
Umiling ito. "Hindi pa po, Don Jose, ngunit nang makasalubong ko ho si Manang Perla sa ibaba ay ang sabi ho niya ay malapit na ho. Ang sinigang na lamang ho ang hinihintay na maluto," sagot nito. "Naparito lang ho ako para kunin si Senyorito Xersus para linisan at ayusan para maayos na ho ang bata bago pa maghapunan."
Napatitig si Chippy sa babae – itong tinawag ng Tiyo Jose niyang Amara. Iba ang lukso ng dugo niya rito. Parang nakita na rin niya ang babae pero hindi lang niya maalala na hindi na nakapagtataka dahil tamad nga siyang mag-aral at kilalanin ang buong angkan niya.
Pero hindi e. May something kay Amara na hindi ko mabigyan ng tamang justification. Hindi bale, malalaman ko rin 'yan soon – tamang pagmamarites lang 'yan.
Simple lang itong si Amara, morena at maganda kahit sa simpleng suot nitong terno, malinis na nakapusod ang buhok, at matangkad lamang siya nang kaunti sa babae.
Isang legit na dalagang Filipina.
"Xersus," tawag ni Julian sa anak. "Sumama ka na sa iyong Ate Amara."
Ayaw pa sana ng bata pero inudyukan niya na sumama para sa ikatatahimik ng kunot noo sa mukha ni Julian Javier de Dios.
Ngumiti siya sa bata. "Sige na, mamaya ulit."
"Sige po, Tiya."
Agad naman na lumapit si Xersus kay Amara. Humawak ito sa kamay ng babae at sumama rito papunta sa hagdanan.
"At ikaw rin, hija," sarkastiko na namang baling sa kanya ni Julian. "Magbihis ka na rin. Huwag mo nang hintayin na pumuti ang uwak."
She can't help but give him a grimace.
Ano bang problema mo sa'kin, Hulyaaaan?! Wala ka lang love life kaya bitter ka. Shuta 'to! Huwag kang mag-alala, hahanapin ko ang asawa mo para kahit papaano ay hindi ka aburido sa mundo. Mag-re-research ako sino second wife mo! Alam ko, nandito lang 'yon sa utak ko, na misplaced, kaya aalugin ko 'to – s'yempre, bukas na. Pagod na ako, utang na loob.
PAGKATAPOS ng hapunan ay nag-excuse na si Chippy na umakyat sa kwarto niya. Inaantok na rin talaga siya at gusto na niyang magpahinga ngayong araw. Tapos na siyang magpalit ng pantulog. May mga beauty products si Priscilla sa vanity table nito, she tried some, mostly organic, so naisip niyang safe 'yon sa skin and of course, Priscilla uses them kaya malamang subok na ang quality ng mga products na iyon.
Tumayo siya mula sa vanity table nang matapos siya at nag-ikut-ikot muna sa kanyang silid. Sobrang kalmado ng gabi, tanging mga ingay lamang ng mga maliliit na insekto sa labas ang bumabasag sa katahimikan. Huminto siya sa harapan ng vinyl recorder na kaninang hapon pa niya napansin. Mahal ang ganito sa panahon na 'to, but it's not a surprise for her if afford 'to ng mga de Dios.
"Taray, music lover pala si Madam mo Priscilla." May limang klase ng music disc ito roon. "Louis Armstrong, Frank Sinatra, Ella Fitzgerald," basa niya sa mga pangalan ng singer sa cover. Hindi siya pamilyar sa mga singer, so-so lang din kay Frank Sinatra, ang dalawa naman, mas hindi na niya kilala. "Sige, try natin 'tong Instrumental."
Pinili niya ang isa na nude palette at may nakalagay na instrument love songs. Walang singer na nakalagay, name lang ng orchestra na mas lalong hindi niya kilala, basta tunong Spanish.
Isinalang niya ang plaka sa recorder. Hindi naman siya nahirapang gamitin iyon dahil may ganoon sa bahay ni Iesus. Funny thing is, walang modern sound system sa bahay ng pinsan niya. Kahit na kapag nagpapa-music ito ay vinyl recorder pa rin ang gamit nito.
Isa sa mga talent talaga ni Iesus ay ang mag-alaga ng mga gamit. Kaya pati ito, nag-aamoy moth balls.
Maya-maya pa ay pumailanlang sa paligid ang intro ng kanta na sobrang sarap sa tainga. Napangiti siya kahit papaano. Inangat ni Chippy ang mga kamay sa ere saka nag-unat. Mas lalo siyang naginhawaan sa ginawa. Simula kanina ay pakiramdam niya ay may nakadagan na mga gusali sa likod niya. Gustong-gusto niyang magpamasahe pero wala namang Spa rito.
Iniwan niya ang vinyl recorder at nagtungo sa desk ni Priscilla, mas malapit sa kama at malaking bintana kung saan nakikita pa rin niya ang dagat kahit madilim na. Good thing about this timeline ay kahit papaano may electricity na, hindi na siya magtitiis sa lampara para magka-ilaw ang kwarto niya. Wala pa nga lang electric fan or aircon pero hindi rin naman kailangan dahil malamig naman ang hangin na pumapasok sa kwarto niya.
Aba'y sa dami ba naman ng puno sa paligid at malapit pa sa dagat. At take note, wala pang polusyon.
Naupo siya sa upuan at pinakialaman ang mesa. "Pahinge muna ng permisyon na pakialaman ang gamit mo Priscilla. Kailangan ko lang mag-marites." Sabi niya kanina ay bukas na siya mag-iimbestiga pero dahil mahaba pa naman ang gabi dahil alas otso pa lang kaya mangingialam muna siya. "Promise, your secrets are safe with me."
May iilang libro ito sa itaas ng mesa, enough to occupy the width of the wooden bookstand. Ang pinagkaiba lang nila ni Priscilla ay mas organized ito kaysa sa kanya. Kahit sa drawer ng mesa ay nakaayos lahat ng gamit nito pansulat, pandikit, gunting, envelope, at mga papel. Madami itong scented stationary paper, naamoy niya.
"Hindi kaya sa'yo 'yong mga love letters?" kausap niya rito sa kawalan. "Ang hilig mo sa mga ganito e. Tapos, what if, hindi pala kay Mathieu 'yon? Sa tingin ko kasi ay hindi siya ang klase ng lalaki na mahilig magpadala ng sulat... o baka judgmental lang ako, 'di ba?" monologue niya habang inisa-isa ang mga papel, paminsan-minsan ay inaamoy pa niya kung may distinction ba ang scents each paper. "At saka ano bang nagustuhan mo sa isang 'yon?"
Pati paper flowers na gawa nito na nilagay sa isang hand made box ay pinakialaman na rin niya.
"Alam mo ba?" pagpapatuloy niya. "Hindi sa pang-aano, pero kahit na banas ako kay Mathieu ko, mas maganda pa unang meeting namin. Although, rated SPG nga lang pero memorable naman siya for me. Hindi iyong Mateo mo, nakakaloka, dae. I-reject ka ba naman sa harap ng madlang people. Ikaw naman kasi, bakit may pa-confess ka pang nalalaman? Hindi mo na lang dinaan sa sulat, at least kung rejected ka ay kayo lang nakaalam. Pero dahil nga feeling strong ka, girl, alam na ng buong Pueblo de Liloan ang kabiguan mo kay Mateo mahirap bigkasin ang apelyido."
May isang kahon pa roon at nang buksan niya ay may nakita siyang barya at perang papel. Napangiti siya – ngiting nakahanap ng gold.
"Nako, bakit hindi mo naman sinabi agad na may pera ka pala rito?" Binilang niya, medyo makapal din naman at madami ring barya. "E 'di sana kinalmahan ko lang pagsesermon sa'yo. Hayaan mo na't concern lang naman ako sa'yo. Bilang iisa na lamang tayo ngayon, ang mindset dapat natin ay pareho. Pero salamat dito sa pera, kailangan ko rin talaga 'to. Huwag kang mag-alala, hindi naman mababawasan kayamanin natin sa 2021 if gagamitin ko 'to ngayon."
At least hindi na ako mapapagalitan ni Tito Jose at hindi na rin ako aasa sa barya ni Hulyaaaaan!
"Likas lang talaga sa mga lalaking de Dios ang pagiging mukhang pera kaya hanggang present life ay mayaman pa rin ang pamilya natin. Good for us, at least hindi tayo naghihirap pero mind you, sa present life, pangit ng buhay ko. Pero madami naman akong friends. Ikaw rito, parang sad girl ka. Wala ka bang ibang kaibigan? Isa lang ba trip mo sa buhay? Si Mateo lang ba talaga? At bakit ka nga pala utang nang utang? In all fairness sa'yo, Priscilla, nalulusutan mo ang Tiyo Jose mo. Nakooo, si Tito Josef, mabait naman 'yon kaso 'yong tatay kong parang tanga, nagpapakaama pero wala naman lagi sa tamang hulog."
Natigilan si Chippy.
"Ah, nga pala, speaking of ama, saan na pala ang Papa mo?"
Binati siya ng katahimikan nang tumigil siya kakadaldal.
"'Langya!" Napakamot siya sa kanyang noo. Feeling niya nag-aalsa lahat ng dandruff niya sa buhok. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Maaga talaga akong mababaliw rito. Kausapin ba naman ang sarili, ano, Chizle? Malamang may sasagot sa'yo."
Bumuga siya ng hangin.
"Hindi, okay pa ako, normal pa ako. Sabi naman ni Vier as long as aware pa ako sa mga pinaggagawa ko at naitatanong ko pa sa sarili ko kung normal pa ba ako o hindi ay safe pa ako. Alam mo, Chi." Hinawakan niya ang edge ng mesa. "Matulog ka na. Bukas ka naman ma-stress."
Akmang tatayo na siya nang magulat siya dahil may bumagsak na kung ano sa sahig. Napamura tuloy siya nang wala sa oras. Pagyuko niya para silipin kung ano ang nahulog ay nakita niya ang isang makapal na brown journal na may nakatali. Pinulot niya ang notebook at sinipat iyon.
Leather ang cover at may rose and vines embossed sa katawan noon. Hindi naman iyon naka lock, mabilis lang kalasin ang nakatali sa katawan ng notebook. Dahil nasa ugali niya ang pagiging curious at pakialamera ay inalis niya ang tali at binuksan ang unang pahina.
Nakasulat doon in cursive ang buong pangalan ni Maria Priscilla Altagracia y de Dios. May mga nakaipit ding dried flowers doon kaya ingat-ingat siyang hindi mahulog.
"Diary ba niya 'to?" She scans some pages, hindi pa ubos lahat ng pahina, kalahati pa lang ang may sulat pero dahil makapal ang notebook masasabi pa ring madami na iyong laman. "Nababasa ko 'to sa mga manhua ang mga ganito. May lalalabas na diary tapos magiging clues ang laman no'n. Char. Applicable rin pala 'yon sa'kin. Magiging choosy pa ba ako? S'yempre hindi."
Binalikan niya ang unang pahina.
The first page contains a short poem written in Spanish. Pero kagaya kanina ay automatic na nag-translate na ang mga foreign words sa utak niya in English and Filipino. Kung ita-translate niya in Filipino, magiging ganito ang translation niya.
Sa bawat hampas ng alon ako'y naghihintay
Dito sa tipak na bato habang ginigising ng araw ang buwan na humihimlay
At nang matanaw ang barkong alam kong lulan ka
Sumilay ang ngiti
Nabuhay ang pag-asa
Ngunit sandali lamang
Ilang segundo siyang natahimik.
Ramdam na ramdam niya ang lungkot ng bawat salita. Naririnig niya ang boses ni Priscilla. Mukha lang hindi tapos ang isinulat nitong tula pero parang sinadya talaga iyon na hanggang doon lang – and she thinks that it's the perfect ending of a poem dahil it leaves her thinking about, anong ibig niyang sabihin sa: ngunit sandali lamang?Anong nagpatigil sa kanya?
Akmang ililipat niya sa susunod na pahina nang may dumapong ibon sa bintana. Literal na napasinghap siya sa gulat at natutop ang dibdib. Tumango-tango ang ulo ng ibon, may kagat-kagat na isang ikaapat na papel – parang may hinahanap at nang makita siya ay lumipad ulit ito papasok at dumapo sa itaas ng mesa. Doon niya napansin na may nakatali pa lang naka rolyo na papel sa isang paa nito bukod sa kagat-kagat nitong papel.
Kinuha niya ang papel sa bibig nito at ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya. Alam niyang drawing 'yon ni Andrew. Hindi naman marunong mag-drawing 'yong si Juan. Si Andrew, alam niyang nag-do-drawing 'yon ng mga cartoon style at chibi version. At ito nga, in drawing siya nito – mukha siyang highblood version ni Sadaku na nag-transform ng super sayan sa drawing nito.
"Walangya," react niya. Nagulat ang pobreng ibon. "Ganito ba mukha ko?" kausap niya sa ibon. Ipinakita pa niya ang drawing. "Sa tingin mo mukha akong si Sadaku? Nakakaloka. Sinasabi ko sa'yo, magpatingin ka na ng mata at mukhang nanlalabo na."
Tila sinagot siya ng ibon pero hindi niya naman naiintindihan.
"Thank you na lang," aniya sa ibon bago dahan-dahang inalis dito ang tali na may kasamang sulat. "'Yong Koryano ba ang nag-utos sa'yo nito? 'Yong maliit ang mata at mukhang pinaglihi sa espasol?" Tinitigan lang siya ng ibon. "'Yong makisig na guwapo," dagdag pa niya. Doon na sunod-sunod na tumango ang ibon. Natawa naman siya. "Iba ka rin, ah. Taray ng hinahanap mong description."
Dalawa pala ang laman ng naka rolyong papel. Isang sulat galing kay Andrew at isang sulat galing kay Juan. Mas mahaba ang sulat ni Andrew kaysa ni Juan kaya inuna niyang basahin ang kay Andrew.
We got the job and we will start tomorrow.
Namilog ang mga mata ni Chippy.
"Wow!" Manghang-mangha siya. "Charotera 'tong dalawang 'to. Paano?"
But I'll tell you the rest of the story some other time. A piece of paper wouldn't suffice to narrate everything.
"Pangit ka bonding."
At nga pala, may dumating kanina rito sa mansion. A family friend of the Valdevielso, I forgot the last name. Pero ang sabi rito ay pamilya raw ng napipisil na maging asawa ng isa sa magkapatid. I'm thinking of arranged marriage.
Kumunot ang noo niya. "Arranged marriage?"
I saw the woman. Unfortunately, she's more beautiful than you.
Napamaang siya. "Gago 'to ah!"
But don't be too disheartened with these truths. Naikuwento rin sa'kin dito na magkakabata ang tatlo at mukhang may gusto si Mateo sa unica hija.
Napaisip siya. "May gusto? Hindi kaya ang babaeng 'yon ang tinutukoy ni Mateo kanina na gusto niya?"
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.
Now, they're planning for a party next week. Hindi ko pa nakukuha ang petsa. Sa tingin mo, iimbitahin ka niya? I'd be honest, I doubt.
Muli siyang napamaang. "Problema mo, Andeng?"
I'll do my best to get the exact date. Magpapadala na lang ulit kami ng sulat kapag nakakuha na kami ng ibang impormasyon. Isa lang day off namin, sa Sunday lang, maybe we can find a perfect time and place to meet without them being suspicious. Tsk, and did I even mention na ang baba ng sahod nila for a manual labour? Buti na lang libre ang tirahan at pagkain. I-ga-gaslight ko na lang sarili ko to appease the growing conflicts in my head.
Tawang-tawa si Chippy, na-i-imagine niya ang mukha ni Andrew habang isinusulat ang huling pangungusap. Kunot na kunot ang noo, walang kangiti-ngiti, at nagdidikit ang magkabilang linya ng kilay.
Tapos may lampara sa gilid ni Andeng para perfect na ang scene. Pak! Sino ka ngayon Andrew Inigo Alquiza?
Sunod niyang binasa ang sulat ni Juan.
Mahal kong Binibining Chizle,
"Shuta!"
Masarap ba ulam n'yo riyan? Dito hindi. May kulambo ka ba riyan? Ang daming lamok dito. Padalhan mo naman ako kahit isa. Samahan mo na rin ng masarap na pagkain. Pangit ka bonding nitong si Drew, ayaw akong paypayan.
Ang lakas ng tawa niya.
"Gago!" hindi maiwasang komento niya.
Huwag kang maniwala kay Andrew. Mas maganda ka pa rin. Basta ang kulambo ko, ha? Dagdagan mo na lang ng biscuit kung meron ka riyan. Salamat.
"Alam mo, Juan, nilamok ka na't lahat pero puro pagkain pa rin laman ng utak mo." Hindi na nawala ang ngiti niya hanggang sa ibalik niya ang tingin sa ibon na nasa harapan pa rin niya. "You know what? Feeling ko nga may biscuit ako rito. Gutom ka na ba?"
Sunod-sunod na tumango ang ulo ng maliit na ibon.
"Okay, chill ka lang diyan at hahanapin ko."
Tumayo siya at iniwan muna ang ibon at habang hinahanap niya ang lagayan ng biscuit ay hindi niya maiwasang isipin ang sinabi ni Andrew.
Mas maganda pa sa'kin este kay Priscilla? Kababata ng magkapatid at malaki ang chance na may gusto si Mateo roon sa girl? Talaga ba? Mas maganda pa sa'kin dito? Nako, hindi ako papayag. Priscilla, mag-change strategy tayo. Kailangan mong makalapit kay Mateo at maging kaibigan 'yon para madami tayong masagap na chismis.
Natigilan naman siya at naikiling ang ulo sa kanan, saktong nakita niya ang repleksyon sa vanity mirror niya. Napatitig siya sa mukha niya roon.
"May nagbebenta kaya ng gayuma rito? 'Yong kagaya kay Ser." She shook her head and dismiss the idea immediately. "Huwag 'yon, masakit sa bangs. Alukin ko kaya ng 3-months-trial-marriage?" Umiling ulit siya. "Nako, mahirap, baka ipakasal kami agad. Saka ano namang irarason ko? Hindi naman ako pinipilit mag-asawa nitong siTiyo Jose. Sabihin ko bang may lalabas na naghihigante multo ng babae kapag hindi niya ako pinakasalan?"
Bigla siyang kinilabutan nang malala si Esmeralda.
"Ekis na natin, stress din." Umayos siya ng tayo, nakatingin pa rin sa salamin. "What if, traydorin ko na lang si Mateo? Pikutin ko na lang?" Umiling ulit siya. "Hindi, mas lalo 'yong magagalit sa'kin. Bad 'yon. Bad. Hmmm. Ano pa ba? Sabihin ko na galing ako sa future at nagbalik ako sa past para sa pagmamahalan naming dalawa?" Napangiwi siya. "Kakaloka! Baka isipin pa niyang nababaliw ako. Hindi yata sa simbahan ang kahahantungan ko, sa mental."
Biglang sumakit ang batok niya sa stress kaya napahawak siya roon.
"Ano ba kasing pinagagawa mo rito Priscilla at ang laki ng galit sa'yo ni Mateo?" may inis na iyak niya. "Woa, hirap mong mahalin dito Mateo Valdevielso."
Narinig naman niya ang pag-iingay ng ibon sa kanyang likuran. Marahas niya itong nilingon.
"Kumalma ka, kukunin ko pa lang ang lata," may inis niyang kausap sa ibon. Tumahimik naman ito at bahagya pang napaatras. "Very good, mag-behave ka."
DALA ang lampara ay pinailawan ni Mateo ang dinadaanan. Hindi pa sumisilip ang araw sapagkat alas kwarto pa lamang ng madaling araw. Nakasalubong niya si Mang Leo habang papunta siya sa tuluyan ng mga trabahador.
"Gising na ho ba ang lahat, Mang Leo?" tanong niya sa matanda.
Tumango ito at umiling. Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. "Inutusan ko na ang iba na tumungo na sa dalampasigan para maihanda ang mga bangkang gagamitin. Maliban lang ho sa magkapatid, Senyorito."
"Hindi pa ba nagigising ang dalawa?"
"Kinatok ko na ho at walang sumasagot."
"Ang susi?" Inilahad niya ang isang palad kay Mang Leo. "Ako na ang gigising." Ibinigay nito sa kanya ang susi. "Hintayin n'yo na lamang kami sa dalampasigan."
"Masusunod ho, Senyorito."
Tumango ito bago siya iniwan. Dire-diretso siyang naglakad sa pinakadulo ng mga silid. May sariling tahanang pinagawa ang pamilya nila para sa mga dayong trabahador. Ang mga taga Pueblo de Liloan nilang mga kawaksi at trabahador ay hinahayaan nilang umuwi sa kani-kanilang pamilya. Iilan lang din naman ang mga dayo, sa bilang niya ay nasa lima.
Nang marating ang tamang pintuan ay malakas na kumatok siya. Walang sumagot kaya muli siyang kumatok.
"Andres! Juanito!" pagkatok niya ulit.
Napabuga siya ng hangin at nagpasyang buksan na lamang ang pinto gamit ng hawak niyang susi.
Ito na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, Mateo. Madalas ang pagiging sobrang maunawain at mabait ay nagdudulot ng problema. Nawa'y huwag kong pagsisihan ang pagtanggap sa dalawang ito.
Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang dalawa na tulog na tulog at humihilik pa.
"Andres! Juanito!" sigaw niya. Marahas at malakas na pinukpok niya ang mesa gamit ang kamao para tuluyang magising ang dalawa. "Bumangon na kayong dalawa at umaga na!"
Bumalikwas ng bangon ang dalawa. Si Andres ay nagmulat na ng mga mata ngunit tila tulala na nalilito sa mga nakikita nito sa paligid dahil kunot na kunot ang noo pagkatapos. Si Juanito naman ay bumangon nga pero nanatili namang nakapikit ang mga mata.
"Juanito, gumising ka na," utos niya rito.
"Gising na siya," namamaos pa ang boses na sagot si Andres sa kanya nang makahuma sa pagkalito nito kanina. "Maliit lang talaga ang mga mata niya."
Muli siyang napabuga ng hangin. Kung pagbibiro iyon ay hindi niya alam ang mararamdaman – inis o pagkabuwesit na alam niyang wala namang pagkakaiba sa salitang galit. Unang araw pa lamang at pinagpapawisan na siya sa konsemisyon dito sa magkapatid.
Patience, Mateo. Patience.
"Kumilos na kayong dalawa at maaga tayong papalaot ngayong araw."
"Opo, Senyorito," sagot ni Andres.
Tumango si Juanito at itinaas ang nakakuyom na kamay at nakaturo ang hinlalaking daliri sa itaas na hindi pa rin nagmumulat ng mga mata. Kumunot ang noo niya roon dahil hindi naintindihan kung anong klaseng sign language iyon. Sa huli ay napailing na lamang si Mateo.
Mukhang may babantayan akong magkapatid ngayong araw. Dagdag na naman sa mga alalahanin ko sa buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro