Kabanata 13
"STOP moving, Chizle," bulong sa kanya ng lalaki sa kanyang likuran.
Literal na hindi siya gumalaw nang marinig ang pamilyar na boses ni Andrew. What the fuck?! Mura na naman niya sa kanyang isipan dahil hindi niya maisatinig iyon. Pero? Bakit? Anong ginagawa – taysa be, giatay! Bakit nasa bahay ni Iesus si Andrew nang ganitong oraaaaas?!
Narinig na naman niya ang ingay sa museum ni Iesus at hindi na rin sila gumagalaw ni Andrew, humihinga, malamang oo. Wala siyang makita, may naaninag siyang ilaw kaunti pero siguro dahil nakapag-adjust na ang mga mata niya. Pero parang may ilaw talaga na nandoon – ilaw na sa palagay niya ay flashlight.
"I'll go down and check," maya-maya ay bulong ulit ni Andrew sa kanya. Inalis nito ang kamay sa kanyang bibig at pinakawalan siya. "Stay here." Akmang lalagpasan siya nito nang mahigpit siyang kumapit sa isang braso ni Andrew.
"Hoy," she mouthed forcefully, stress na stress ang reaksyon niya. "Anong titignan mo?" pabulong niyang tanong. "Paano kung mapahamak ka roon?"
Hindi niya maaninag masyado ang mukha ni Andrew pero klarong-klaro sa kanya ang pagkunot ng noo nito habang nakayuko sa kanya. Siguro dahil kakambal nitong si Drew ang kadiliman kaya nag-fo-form na lang ang mukha nito sa kanyang paningin.
"Nothing will happen –"
"Hindi ka sure diyan –"
Pareho silang natigilan at napatingin sa likod nang biglang marinig nila ang biglang pagsara ng pinto sa itaas. Hindi niya namalayang nakurot na niya si Andrew.
"What the –" he hissed lowly, giving her the death glare bago marahas na inalis ang kamay niya.
Napahawak si Chippy sa kanyang ulo. Gustong-gusto niyang magbitaw ng mga bad words.
Dios ko, mababaliw yata ako bago pa ako sikatan ng araw bukas.
Nahati na naman ang atensyon nila nang marinig nilang parang nagmamadaling umalis ang tao sa museum.
"Stay here," pinal na sabi ni Andrew saka iniwan siya sa dilim.
"Walangya!" mura niya ng walang boses. Mabilis pa naman siya mag-panic sa mga sitwasyon na naiipit siya. Sinigurado na lamang niyang mahigpit pa rin ang pagkakayakap ng isang kamay niya sa kahon na hawak habang kinakapa niya ang pader sa bawat paghakbang niya pagbaba.
Ini-e-stress mo ako Andrew Alquiza, nakoooo! Anong akala mo sa sarili mo may built-in armor ka sa katawan mo? Paano kung – oh shit!
Nadulas pa siya dahil nagkamali siya ng hakbang.
Yawa!
Mabuti at hindi siya tuluyang nahulog dahil naibalanse pa niya ang katawan. Nagpasya siyang idikit na lang ang likuran sa pader habang tinatantiya ang baitang ng isang paa bago bumaba.
Paano kung may baril o hindi kaya kutsilyo ang nasa baba? Paano kung pareho tayong mamatay sa ilalim ng bahay ni Iesus habang natutulog nang mahimbing si Amora?! Tangina, sana dinala ko na lang si Sister para dalawa kaming naghihirap ngayon.
"Stop!" narinig niyang sigaw ni Andrew.
Napabuga ng hangin si Chippy at naitirik ang mga mata sa pagka-buwesit kay Andrew. Nanggigil siya, gusto niyang hilahin ang kulot na buhok nito.
"I already caught you, don't you dare make a move."
Andrew Inigo Alquiza!!!
"Itong si Andrew, hindi mo alam kung tagapagmana ng Alquiza o main character ng mga drama ni FPG," naasar niyang kausap sa sarili. Nasa huling baitang na siya nang biglang umilaw sa buong paligid. "Tangina," she mouthed.
Hindi siya kumurap pagkatapos dahil may pumasok na memorya sa isip niya. Chippy, pinatay mo nga ang main switch pero nakalimutan mong kapag nawalan ng kuryente sa bahay ni Iesus ay bubukas ang generator niya. Ayaw na niyang gumalaw dahil kapag ganoon, malamang mahahagip sila ng CCTV sa loob ng museum at mahuhuli silang lahat ni Iesus.
"Mathieu?"
Napakurap si Chippy nang banggitin ni Andrew ang pangalan ni Mathieu. Doon pa lang siya nakapag-focus ng tingin sa likod ng lalaking nakatayo sa pinakadulo, sa mismong tapat ng balon sa itaas ng museum, nakataas ang dalawang mga kamay sa magkabila. Hindi nga maipagkakamaling si Mathieu 'yon kahit sa suot nitong blue navy hoodie jacket, hindi maayos ang pagkakababa ng hoodie nito sa likod at mukhang hindi sinasadyang dumulas.
Pero bakit? Anong ginagawa ni Mathieu sa museum ni Iesus?
"What are you doing here?" maowtoridad na tanong ni Andrew rito.
"I can explain –" seryoso ang mukha na hinarap sila nito. Pero wala na roon ang atensyon niya dahil may nasisilip siyang buntot ng pusa na gumagalaw sa may armor. Saan galing ang pusa? Kulay puti na may dark gray. "I have no intention of stealing anything. May hinahanap lang ako –"
Hindi natapos ni Mathieu ang sasabihin dahil biglang lumiwanag sa gawi ng tinitignan niya, pare-pareho silang nasilaw ng ilang segundo bago naging malinaw ang paglitaw ni Juan sa tabi mismo ng isa sa mga armor ni Iesus – na hubo't hubad. Agad niyang iniwas ang tingin, kung hindi sa nakaharang na glass case table sa may baywang nito ay makikita niya talaga ang lahat.
"Ryuu Juan Song!" sigaw niya, bahagyang sinisilip ito pagkatapos na sa mga oras na iyon ay nagkukumahog maghanap ng kung anong itatakip sa katawan nito. "Bigyan n'yo 'yang damit," utos niya kina Andrew at Mathieu.
Kumilos si Mathieu at hinubad ang sariling hoodie jacket para ibigay kay Juan. Natira na lamang ang puting T-shirt nito. She didn't expect Andrew to move pero gumalaw din ito at naghanap ng puwedeng maisuot ni Juan pang-ibaba. May nahanap naman ito sa baul ng mga damit sa gilid, isang lumang pantalon na may horizontal stripes ang print na kulay yellow at brown – usong–uso ang pang-ibabang ganoon sa Buwan ng Wika. Inihit pa ito ng ubo after dusting off the dust from the trousers dahil malamang nalanghap nito ang alikabok.
Kunot na kunot ang noo na inabot nito ang pantalon kay Juan.
Pero paanong? Teka? Saan naman galing ang 'sang 'to? Sinubukan niyang i-calculate sa isip kung paano nito nagawang itago ang sarili sa maliit na espasyo roon. Kahit sinong titingin ay mahahalata talaga ito roon sa tangkad ba naman ni Juan. At saan galing ang liwanag? Tapos ang pusa. Teka, saan na ang pusa?
Iginala ni Chippy ang tingin sa paligid pero wala na ang pusa.
Mahabagin! Nanlaki ang mga mata niya. Huwag mong sabihing, si Juan ang pusa kanina? Hindi niya napigilan na titigan si Juan na may mix and match na damit ng modern at past. You gotta be kidding me?!
"Juan, ikaw ba ang pusa kanina?" hindi niya mapigilang isatinig.
Napatingin naman sa kanya ang tatlo bago ibinalik ang tingin kay Juan.
"It's a long story," tipid nitong sagot.
Napabuga ng hangin si Chippy at nasapo ang noo. "Pambihira! Totoo na talaga 'to. Mababaliw na talaga ako bago pa ako masikatan ng araw."
"Kanina ka pa ba rito?" kunot ang noong tanong ni Mathieu kay Juan.
"Nauna lang ng ilang segundo," pag-amin ni Juan, habang nakatingin kay Mathieu. "Sa tunnel ako dumaan."
Kumunot lalo ang mukha ni Mathieu. "Kaya ba... bukas na 'yon?"
"Bukas ba?"
Mathieu nods his head. "Oo."
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Juan at napakamot pa sa dulo ng isang kilay nito. Aabutan pa yata sila ni Iesus kung hihintayin pa nila ang sagot ni Juan.
"Teka nga!" Pumagitna ulit siya. "Ano bang ginagawa n'yo rito, ha? At sa kalagitnaan ng gabi? Umuunos pa sa labas."
"Ikaw rin, Chi," sagot ni Andrew sa kanya. "Anong ginagawa mo rito sa ibaba?"
"Oh, bakit ako? S'yempre pinsan ko ang may-ari ng bahay na 'to, malamang labas-masok ako sa mansion niya. Kayo!" Isa-isa niyang pinagtuturo ang tatlo. "Kayo ang dapat magpaliwanag sa'kin dahil nandito kayo nang dis-oras ng gabi na halatang walang pahintulot kay Iesus."
Mula sa bulsa ng pantalon ni Andrew ay inilabas nito ang pamilyar na chain ng mga susi. "I'm here to retrieve something," walang kangiti-ngiting paliwanag ni Andrew. "Nautusan lang ako ng magaling kong kapatid na kunin ko rito ang body bag niyang may lamang pera."
"Bakit hindi siya ang kumuha?" dagdag niyang tanong.
"He's not here, but I needed the money to pay for my food delivery."
"Nang ganitong oras, Andrew?!"
Andrew calmly shrugs his shoulder. "There are still available riders... and he said, he'll accept it if I'll pay in cash... and I don't have the cash right now."
Napatitig si Chippy sa suot na body bag ni Andrew. Yes, kay Sep nga 'yon. Lagi niyang nakikita na dalaya iyon ni Sep kahit saan ito magpunta.
"Saan mo 'yan nakita?"
Obviously, hindi niya nakita ang bag na 'yan kanina.
"Sa library," sagot nito. "Paalis na sana ako nang mawala ang kuryente and I saw you enter inside. I got curious kaya sinundan kita."
"We'll be screwed once Iesus finds out about this. Well, maliban kay Drew, clearly, he caught us all here."
Na-e-stress na naman siya sa buhay. Ang galing, Chizle. Sana nakipag-collab ka na lang kina Mathieu at Juan tutal ay pareho lang din naman pala kayo ng goal. But one thingI'm curious now ay, anong hinahanap ni Mathieu sa museum ni Iesus? Hindi na siya magtatanong kung bakit alam nito ang tungkol sa isa pang daanan. She remember mentioning it to him before. As for Juan? He probably heard it from his legion of spy pets around Faro.
"Kanina ko pa napapansin," ni Andrew. "Ano ba 'yang hawak mo?"
Ibinaling niya ang tingin kay Andrew bago sa kahon na hawak niya. "Mga sulat na nakita ko sa parola noong teenager ako," pag-amin niya. Wala naman nang point kung itatago pa niya dahil nagkahulihan na sila rito. "Ang balak ko lang sana ay iwan ito dito dahil iniiwasan kong masermonan na naman ni Tandang Iesus."
"Sulat?" ulit ni Mathieu.
Naglapat ang mga labi niya dahil hindi niya masalubong nang diretso ang mga tingin ni Mathieu. Para siyang tanga na ewan dahil may nararamdaman siyang hiya rito. Napalunok siya nang wala sa oras dahil sa pagiging conscious niya.
"Ahm... oo, love letters," sagot niya. "Matagal na 'to sa'kin kaso akala ko naiwala ko."
Hinawakan niya ang kahon na tila ba babasaging bagay iyon. Hindi man para sa kanya ang mga sulat na iyon pero hindi niya maipaliwanag ang bigat ng halaga no'n sa kanya. Kaya siguro hindi niya maibigay-bigay kay Iesus 'to dahil sa pakiramdam na 'yon. Ngayon lang siya naglakas ng loob para tuluyan na iyong iwan dahil sa kagustuhan niyang makalaya.
"Can I look at it?" Mathieu softly asks, iniwan nito sina Juan at Andrew para lumapit sa kanya.
Napaatras siya nang hindi sadya.
Walangya, Chippy! Napalunok siya at kinalma ang nagkabuhol-buhol niyang emosyon na hindi niya mawari kung saan nanggagaling.
Hindi ito lumapit nang husto, Mathieu put a gap between them. It bothers her, pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na i-entertain ang idea na 'yon sa kanyang isipan nang magsalita ulit ito.
"Can I hold it?"
Naglakas loob siyang salubungin ang malamlam nitong mga tingin at bumalik na naman ang guilt sa puso niya. Mariin niyang nailapat ang mga labi at inabot kay Mathieu ang kahon.
"Sige," aniya.
"Thank you."
Pagkabigay niya rito ay lumayo siya at hinayaan na lamang niya si Mathieu na buksan iyon. Hindi naman na naka lock iyon dahil nang makita niya ang kahon wala naman 'yong lock. Hindi narupok ang chest box siguro dahil nakatago lang naman iyon doon at hindi naman iyong gawa sa simpleng kahoy lang, may metal din.
"Imposible na hindi tayo mahuhuli ni Iesus," pag-iiba ni Andrew. "Anong balak n'yo?"
She shrugs her shoulders. "Aamin? Magpapasermon? Parang may choice naman ako? Kung sana sinabi n'yong may kukunin kayo rito e 'di sana sinabi n'yo at nang mapag-usapan natin kung paano ang inside job activity natin," sarkastiko na niyang sabi sa bandang huli. "Hindi sana tayo sabay-sabay na mahuhuli."
"I have my reason," ni Juan.
"Anong nangyari sa'yo, Juan? Medyo nalilito ako sa sitwasyon mo. It's either may power kang maging pusa o nasumpa ka? Which is which?"
"I'm not even sure."
Halata sa mukha nito ang pagiging bad trip sa sitwasyon nito at sa sitwasyon nilang lahat sa loob ng museum ni Iesus. In fact ay para silang naglalaro sa escape room na ang premyo ay tumataginting na sermon mula kay Iesus Cloudio de Dios.
"Ito nga." Napatingin silang lahat kay Mathieu. "I've been looking for these love letters for a long time now." May ngiti sa mukha ni Mathieu. "Sa wakas ay nahanap ko na rin."
Naguguluhan si Chipppy. "Hinahanap? Alam mong nandito ang mga liham na 'yan?" Nawala ang ngiti ni Mathieu. Pero nababasa niya sa mga mata nito ang sagot. It was a yes. "So, meaning... sadya ang pagtira mo rito para mahanap mo ang mga 'yan?"
"Chi –"
"Kilala mo na ba kami lahat noong una pa lang, Mathieu? Did you plan all of these?"
"Of course, no –"
"Talaga ba? Kasi ang dating sa'kin ngayon ay may ulterior motive ka na simula pa lang. Kaya siguro sobrang kalma mo pagdating sa mga misteryong bumabalot dito kasi may alam ka talaga." Marahas siyang napabuga ng hangin. "God, I can't believe this! Ang galing. Alam mo ba? I'm so close of believing na totoo nga ang sinabi mo sa'kin. Pero paano ko paniniwalaan 'yon ngayon kung may nalalaman ka sa pamilya namin na hindi mo sinasabi sa'min, Mathieu."
Bumalik ang seryosong mukha ni Mathieu, tila hindi na ito natutuwa sa mga sinasabi niya. Aba'y hindi niya na rin problema iyon. Kung nagagalit ito, meaning lang no'n ay totoo. He doesn't love her for real. Malala, ginamit lang siya nito at doon nag-iinit ang ulo niya.
"For God's sake, Chizle! My feelings for you has nothing to do with these love letters. Kung paano tayo nagkita at kung paano tayo humantong sa ganito, lahat nang 'yon ay hindi nakaplano. Importante sa'kin ang mga sulat na 'to. I made a promise to someone that I will find these letters no matter what at kung iniisip mo na ginamit lang kita o pagkakaibigan nating lahat dito ay sinasabi ko sa'yo na itigil mo ang pag-iisip ng negatibo riyan sa utak mo. For once, grow up!"
Natigilan siya roon.
Ngayon lang siya pinagtaasan ng boses ni Mathieu. Naikuyom niya ang mga kamay sa magkabila niya. Lalong nag-iinit ang ulo niya. Pero hindi niya ugali ang magpatalo kaya sinalubong pa rin niya ang galit na galit na mga tingin nito.
"May idadagdag ka pa? Mukhang hindi mo pa nailalabas lahat ng galit mo sa'kin."
"Chizle," halatang nauubos na ang pasensiya nito sa kanya.
"Ilabas mo na lahat, Mathieu! Tutal at aalis naman na tayong dalawa rito sa Faro, sabihin mo na lahat nang gusto mong sabihin. Isagad mo na."
Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito, but she only give him cold shoulders.
"Kung may bagay man akong pinagsisihan nang sobra ay isang bagay lang 'yon." Dumiin ang hawak nito sa kahon at sulat. "I shouldn't have wasted my time waiting for you."
Bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad sa sobrang pagkuyom ng mga kamao niya.
"Loving you is my greatest regret in life, Chizle."
Pagkasabing-pagkasabi ni Mathieu ng mga salitang iyon ay biglang pumasok sa loob ng museum ang kidlat. Napasigaw siya at napaupo habang yakap-yakap ang sarili. Muling binalot nang matinding kadiliman ang buong paligid.
"Chizle!"
Hindi na tumino sa isipan niya kung sino ang tumawag sa kanya dahil nanginginig na ang buong katawan niya sa takot at gulat. Ramdam niya ang pagyanig ng buong lugar, kitang-kita ng mga mata niya kung paano pumasok ang nangangalit na liwanag mula sa lagusan na dumaan sa balon sa itaas.
Wala na siyang makita, inihit siya ng ubo dahil umuusok, may kaunting apoy siyang nakikita sa bandang tinamaan.
"We have to get out of here!" sigaw ni Andrew mula sa kung saan.
Naitakip na niya ang likod ng kamay sa kanyang ilong. "Wala akong makita!" sigaw niya, panay ubo dahil halo-halo na ang kanyang nalalanghap.
"Chizle!" May humawak sa kanyang isang kamay. She knew it was Mathieu, naririnig niya ang boses nito. Ilang beses siyang kumawala sa hawak nito pero hindi siya nito pinakawalan.
Lumalakas na ang tunog ng buhos ng ulan, lalong nangangalit sa labas dahil napapasok na ang museum ng tubig mula sa balon. Panakanaka pa rin ang pagkulog at niyayanig pa rin ang buong bahay.
"We have to go up!" sigaw ni Juan. "Hindi ligtas kung sa tunnel tayo dadaan."
"Move now!" ni Andrew.
"Bitiwan mo 'ko!" tulak niya kay Mathieu.
"Fuck!" mura nito.
Alam niyang may puwersa pagkakatulak niya rito kaya natumba si Mathieu sa sahig. May ilang bagay itong nasagi na kasamang natumba nito. Mariing naglapat ang mga labi niya. Agad din siyang nakonsensiya.
Pero nang akmang tutulungan niya si Mathieu ay biglang lumiwanag ang kahon at mga sulat na nabitiwan nito sa sahig. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hangin habang nakatitig sa nagliliwanag na mga liham na unti-unting umaangat sa ere.
"Mathieu! Chippy!"
Hindi na niya alam kung sino ang sumisigaw, tuluyan na siyang napaupo ulit sa may paanan ng hagdan. Tila may malakas na hangin na pumasok sa loob, hinihigop lahat ng bagay na kaya nitong dalhin.
"Chippy!" sigaw ni Mathieu.
"Get away from that thing!"
"Mathieu!"
"Shit!"
"Umakyat ka na Chizle!"
Nanginginig na ang buong katawan niya, hindi niya magawang umakyat. Napalunok siya, pakiramdam niya ay naghihintay na lamang siyang huminto sa pagtibok ang puso niya hanggang sa maramdaman niya ang mga luha sa kanyang mata. Doon pa lamang rumihistro sa kanya ang takot na takot na mukha ni Mathieu na buong lakas na tumayo mula sa pagkakadapa sa sahig para takbuhin ang kaunting distansiya na mayroon sila.
Mathieu...
Lalong nagliliwanag, tila ba bumubuo ng isang lagusan, at hinahatak silang lahat.
"Mathieu!" impit niyang sigaw habang kinakapa ang puwede niyang panghawakan. "Mathieu," iyak niya.
Biglang naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "H-Hang... on... tight," nahihirapan nitong sabi. Nakayakap ang isang braso sa kanya habang nakahawak naman ang isa sa nakadikit na cabinet sa tabi nila.
"Juan!" narinig niyang sigaw ni Andrew habang lumilipad na ang mga bagay sa paligid nila. "Ryuu Juan Sooooong!"
"Math, Math, sina Juan... si Andrew..." iyak niya.
Wala siyang nakikita, nasisilaw siya sa liwanag.
Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko 'tong lahat. Kapag may nangyari sa kanilang apat ay kasalanan ko. Alam ko na gusto kong mawala pero huwag naman pati sina Mathieu, Juan, at Andrew! Ano ba, Lord? Itigil n'yo na 'toooooo.
"I... I... can't... hold it..."
"Maaaath," iyak niya na parang bata, nakakapit pa rin ang isang kamay niya sa paanan ng cabinet habang yakap ng isang braso niya si Mathieu. "Please... please... huwag mo kong iwan nang ganito..."
"Listen to me." He swallowed hard habang nakatitig sa kanyang mukha. "Go up. Save yourself. We'll be fine."
"Anong we'll be fine? Gago ka ba?!"
"Chizle!"
"Hindi!"
"Umakyat ka na, utang na loob!"
"Hindi nga ako aakyat hanggat hindi kayo kasamang tatlo!"
"Go up, Chizle!" narinig niyang sigaw ni Andrew. "Tangina, Ryuu Juan, na saan ka na ba?!"
"Please," Mathieu begs in tears. "Umakyat ka na."
Lalo siyang napahagulgol sa harapan ni Mathieu. "H-Hindi... hindi ko kaya..." Lalong naghihirap ang kalooban niya. Bumalik sa kanya ang mukha ng Mama at Kuya Josiah niya. Ang araw ng mga libing nila. "Hindi ko na kakayanin ulit... kung... may mawawala na naman..." Lumakas ang iyak niya. "Ayoko na... ayoko nang maiwan..."
Niyakap niya si Mathieu.
"Chizle!"
Itinutulak siya ng isang kamay nito palayo pero nagmatigas siya. Ipinikit niya ang mga mata at hinigpitan pa ang yakap niya kay Mathieu.
"Kung mamatay ka, mamatay na rin ako!"
"Chizle!"
"And you can hate me forever, Mathieu!"
"Fuck, Chizle!"
Naramdaman niya ang pagbigay ng cabinet kaya tuluyan na siyang niyakap ni Mathieu. Ramdam na ramdam niya ang malakas na puwersa ng hangin na humahatak sa kanilang dalawa ni Mathieu, sumisipol, umiikot, at ayaw silang tigilan hanggat hindi sila nadadala.
Kung ito na ang huling beses na mayayakap at makikita niya si Mathieu ay hindi na niya pipigilan ang sarili pa. Hindi niya inaamin 'yon kahit sa sarili. Pero sa ilang taon na magkasama sila ay tunay siyang naging masaya... at alam niyang... higit pa sa gusto ang nararamdaman niya para rito.
"Mathieu!" sigaw niya. "Mah –"
Binulag siya ng liwanag at tila ba may malakas na puwersang humatak sa kanya. Pakiramdam niya ay tumilapon siya at tumama ang likod niya sa malaking pader. Napasinghap siya at nagmulat ng mga mata.
"Mahal kita!" narinig niyang sigaw niya pero agad din siyang natigilan.
Biglang ang aliwalas at kalmado ng paligid niya.
Saktong tumunog ang kampana na siyang nagpabingi sa kanya nang ilang segundo pero hindi siya makapaniwala sa kung sinong nasa harapan niya – si Mathieu, kunot na kunot ang noo sa kanya at parang iniisip nitong nasisiraan siya ng bait. Pero mas lalo siyang nagulat dahil may hawak siyang nakatiklop na sulat at isang tangkay ng rosas sa kamay, nakalahad ang mga iyon kay Mathieu.
Anong nangyayari?
Wala siyang naiintindihan, naguguluhan siya. Kanina ay nasa museum siya ni Iesus, hinahatak sila ng lagusan, umuulan, kumikidlat, nagsisigawan silang tatlo, nawawala si Juan. Pero biglang umaga na at tila ibang Mathieu ang kaharap niya.
Dahan-dahan niyang iginala ang paligid, pinagtitinginan na sila ng mga tao, at nasa harapan pa sila ng simbahan. Napakurap siya ng ilang beses at kinalma ang sarili.
Chi, kalma. Hindi ka puwedeng gumawa ng eksena rito. Okay, unang-una, iba ang suot ng mga tao.
Ibinalik niya ang tingin kay Mathieu na ang tingin sa kanya parang bruha na tinubuan ng tatlong ulo ng dragon.
Pati rin ang suot ni Mathieu, luma pero pormal na pormal, white suit and trouser, and gray tie, may hawak pang puting sombrero na may gray ribbon. Parang suot ng mga Lolo ko noong kapanahonan nila. Pangalawa, ang aliwalas ng panahon, fresh air, at madaming puno. Pangatlo, wala gaanong sasakyan, kung mayroon man ay sasakyan na hindi na nag-e-exist sa 2021. Pang-apat, mas madami ang kutsero kaysa sasakyan. Panglima, kapangalan ng simbahan sa Liloan ang simbahan, San Fernando Rey at sa hitsura ng simbahan ay parang hindi pa iyon ganoon ka luma.
Napasinghap si Chippy.
Shit!
At naibaba ang hawak na sulat at rosas.
"Ipagpaumanhin mo, Miss Maria Priscilla Altagracia y de Dios," basag ni Mathieu. "Ngunit may ibang babae nang itinatangi ang puso ko."
Nawalan siya ng kakayahang kumurap sa sinabi ni Mathieu, mga ilang segundo rin iyon bago siya natawa. "Gage!" Natawa siya dahil hindi naman niya pangalan 'yon. Lalo lang kumunot ang noo ni Mathieu sa kanya. Nawala ang tawa niya. "Hindi nga?"
Well, kilala ko sino si Maria Priscilla Altagracia y de Dios dahil nasa family tree 'yon ng pamilya namin.
Walang kangiti-ngiti pa rin itong nakatingin sa kanya, halatang hindi na natutuwa.
"Sorry, pero puwedeng magtanong?" Nasilip niya mula sa likod ni Mathieu sina Juan at Andrew na parehong nakasuot ng sutana ng sakristan, kumakaway, at tila kinukuha ang atensyon niya. "Anong petsa na ngayon?" wala ang tingin kay Mathieu na tanong pa rin niya.
Pati siya ay napatingin sa sariling suot, hindi naman masyadong luma, medyo modern na rin pero luma pa rin kung ikukumpara sa getup niya kaninang t-shirt at denim shorts.
Ano, lakas maka Sunday's dress na may touch ng Filipiniana.
"Ika-veinteuno ng Abril," sagot ni Mathieu dahilan para maibalik niya ang atensyon dito, "taong mil novecientos treinta y cinco."
Pero mukhang siya ang maloloka sa isinagot nito.
April 21, 1935?! Utang na loob, sinong Lolo ko ang nabubuhay sa panahong 'to?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro