Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

AROUND OCTOBER OF 2021

PAGKABABANG-PAGKABABA ni Chippy sa hagdan mula sa rooftop ay naabutan niya si Maha na kausap si Simon sa labas ng convenience store.

As usual, may dala na namang plastic ng mga pagkain si Simon na halatang binili nito sa loob ng tindahan. Si Maha naman ay may dalang malaking red eco bag pero hawak nito sa isang kamay ang isang puting tote bag na may pamilyar na design. Hindi lang niya sigurado dahil medyo tagilid ang pagkahawak.

Isinara niya ang zipper ng itim na sling bag niya na madami na namang palawit na keychains.

"Hoy!" tawag niyang atensyon sa dalawa. "Ano na naman 'yang binubudol mo Maharlika?" baling na tanong niya sa babae, bago tinignan si Simon na enjoy na enjoy sa kinakain nitong Piatos green.

"I'm pitching my business," maarteng sagot ni Maha, nabalik ang tingin niya rito. 

Kaartehan nito, sarap hilahin ng bangs.

"Sa isang 'to?" turo pa niya kay Simon. Bungisngis lang ang ibinigay sa kanya ni Simon. "Bakit? Ano bang bago kay Engineer maliban sa hindi pa rin buo ang bahay niya?"

"Oh my gosh! Hindi mo alam? He's famous on TikTok. He just reached 500K followers this week." Literal na namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. "Unfortunately, 1 million followers na rin sa TikTok ang kuya kong pinaglihi sa bad spirits."

Nakangiting pumalakpak si Chippy, manghang-mangha pa rin kay Simon. "Hanep! Influencer ka na pala ngayon, Takeuchi?" Dalawang beses niyang tinapik ang isang braso nito. "Payaman ka nang payaman pero nababaon naman sa limot ang bahay mo."

Malakas na tumawa si Simon. "Walangya, Chi! Nanahimik ang bahay ko, ginigising mo na naman."

"Engr., galawin mo naman. Mukhang masaya ka pa naman nitong nakaraang buwan. Sino nagpapasaya sa'yo ngayon?"

"Wala. Masaya lang talagang mabuhay," nakangiti nitong sagot.

Umasim ang mukha ni Maha. "Kakilabot."

Ibinaling niyang muli ang tingin kay Maha. "Gaga! Binubudol mo 'to, 'di ba? Bakit ayaw mong makisama? Ngayon ang tamang panahon para gatasan mo 'to ng pera dahil good mood. Saka, ano ba 'yan, ha?" nguso niya sa hawak nitong tote bag. "Ang dami mo nang binebenta, buong Pilipinas ba binubuhay mo?"

Sabado ngayon kaya maraming lagalag na residente rito sa Faro. Siya naman ay paalis, may lalakaring importante. Sa tagal niyang nakakulong sa Faro ay hindi prinsipe ang lumigtas sa kanya sa pagkakakulong –sariling pasensiya at huwad na kabaitan. 

"Sabi ko sa kanya magbenta siya ng merch sa mga fans niya sa TikTok. Ito nga, oh, binigyan ko siya ng example. Nag-hire ako ng artist na gagawa ng chibi version niya tapos pina-design ko ang final look ng tote bag. Kahit tignan n'yo pa." Inabot sa kanya ni Maha ang tote bag. "Matibay 'yan saka may zipper na. Mura ko na nga lang ibibigay basta ba bulk orders."

Hindi napigilan ni Chippy ang matawa. Hindi dahil nakakatawa ang design kung hindi natatawa siya sa katotohanang kamukhang-kamukha talaga ni Simon ang chibi drawing ng tote bag. Isang linya lang ang mata at malaki ang buka ng bibig dahil may hawak itong burger na mukhang peg ang yum burger ng Jollibee.

"Gaga!" react niya. "Ang effort natin, ah?"

"S'yempre! Aside from that, I already have my plan B if hindi bebenta ang mga 'yan sa mga buraot na Faro Boys. I was thinking to display these sa convenience store. Nag-conduct ako ng survey noong nakaraan and almost 80 percent ng mga residents sa Faro ay willing bumili ng Faro Boys inspired tote bags. Why? Pinakaunang rason nila ay gwapo sila." Proud na proud ang ngiti ni Maha na para bang successful ang pag-pitch nito ng business. "Of course, maliban sa Kuya Balti ko."

Tawang-tawa sila ni Simon.

"Ang liit naman ng target consumers mo," komento niya. "Hindi ka kikita monthly kung Faro lang ang premise mo."

"Kaya nga I'm pitching my products to Simon e. I told him to take advantage to his popularity from TikTok. Sayang din ang 500K Followers niya, di ba? Saka, puwede namang ibang design e. Papa-make ako ng iba sa artist ko."

Mula sa eco bag nitong dala ay inilabas nito ang ibang design ng tote bags nito na halatang inspired ang mga design sa mukha Faro Boys at trabaho ng magkakaibigan. Napakurap talaga siya sa sobrang pagkamangha. She was speechless.

The massive effort of this lady is mind blowing. Tangina, Maha! Kinabog ang pagiging mukhang pera ko.

Isa-isa niyang tinignan ang mga tote bags. Kahit si Mathieu ay meron. Wala talagang pinalampas na Faro Boys itong si Maharlika Juarez.

"Hoy, humingi ka ba ng permiso sa mga Gurss?" aniya.

"Hindi naman 'yan sila 'yan, kamukha lang."

Tawang-tawa ulit si Chippy. "Gaga ka!

"Wala akong oras para magbenta," Simon chuckled. "Pero puwede kitang i-recommend sa isa sa mga videos ko. Click the yellow basket na lang."

"Shuta, pati 'yan alam mo, Takeuchi?" manghang tanong niya rito.

"S'yempre, promotor din ako ng mga products. Doon ako kumikita. Malamang alam ko ang pasikot-sikot ng mga tools."

"Engineer sa umaga, TikToker sa gabi," dagdag pa ni Chippy. "Sana all."

"Tsk, maliit na bagay." Tumawa ulit ito.

"Alam mo, Maha, try mo si Jam kung labag sa kalooban mong makipag-collab kay Ser. Lagpas one million followers na rin ang isang 'yon. Sa kanya ka makipag-collab," suggestion niya rito. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng denim shorts niya. "Wait." Hinugot niya ang cellphone sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Hay nako! Nawala ang magandang timpla ng mukha niya nang makita ang numero ng tatay niya. "Friends and countrymen, maiwan ko muna kayo," nag-excuse na muna siya sa dalawa.

Sinagot niya ang tawag.

"Pupunta nga ako sa susunod na Linggo," banas na agad ang tuno niya. Kahit hindi pa sabihin ng ama niya ay alam na niya ang itinawag nito. "Sasabay ako kina Iesus at Vier."

Kapag Linggo ay nagkikitakita ang dalawang pamilya at sabay na magsisimba. May Linggo na sabay nag-be-breakfast sa mansion ng mga de Dios bago tutungo sa simbahan. At isa sa mga Linggo na 'yon ang sa susunod. Hindi siya makakasama bukas dahil may weekend bazzar siya ngayon at hanggang bukas.

Last weekend na rin naman ng Mall Bazzar kaya susulitin na niya. Nakaugalian na nila ang ganoon. Of course, Iesus and Vier will attend – as long as nasa Pilipinas ang dalawa pero kung wala ay si Nicholas ang kasama niya sa pagdudusa. Wala naman siyang bad feedback sa family sa mother's side, mababait ang mga iyon. Nakakatakot lang minsan si Tito Josef pero mas bearable kaysa sa ama niyang si Ephraim.

"I'll free my Sunday next weekend," dagdag niya. "Okay na?"

"Fine, just make sure you'll be there next Sunday."

"I'll be there. Kaya sige na, magbebenta pa ako. Late na ako sa opening ng mall. Bye!"

Mabilis niyang in-end-call ang tawag. Sa pagkakataon na 'yon ay sa bag na niya nilagay ang cellphone.

"Simoooooooon!"

Napalingon siya sa pinaggalingan boses.

"Yaaaaaa!"

Kumunot ang noo niya nang makitang naghihilahan na ng eco bag ang dalawa na parang bata. Mapang-asar pa ang tawa ni Simon habang pikon na pikon na si Maha.

"Anak nang –" Gusto niyang mag-mura. "Hoy!" sita niya sa dalawa. "Tigilan n'yo nga 'yan! Ang aga-aga para kayong mga bata."

Lalapitan sana niya ang dalawa nang tuluyan nang maagaw ni Simon ang eco bag ni Maha. Sa lakas ng pagkakahila ni Simon ay natumba si Maha at humalik ang puwet sa daan. Imbes na maawa ay natawa siya nang malakas.

"Yaaaaaa!" gigil na gigil na tili ni Maha. "Ssibal-saekki!"

Dakilang K-Drama fan siya kaya alam niya ang meaning ng sinabi ni Maha. Kilalang-kilala na niya si Maha kahit na madalas ay nabubwesit siya rito. Alam niyang nagmumura lang ito in Korean. 

Hindi in Tagalog, Bisaya, at Ingles. Only in Korean.

Marahas na tumayo si Maha at sinugod si Simon na agad ding tumakbo. Ang tanging masasabi lang niya kay Maha ay goodluck dahil pagdating sa takbuhan ay wala pang nakakatalo sa isang Simon Takeuchi.

"Bumalik ka ritooooooooo!"

Tawang-tawa pa rin si Chippy habang sinusundan niya ng tingin ang dalawa.

"Mga isip bata talaga," aniya sa kawalan. "Oh, well." Bumuntonghininga siya, but her smile remains on her face. "Anyway, kailangan ko nang umalis."

Pinihit niya ang katawan pabalik sa direksyon ng Juander Pets Clinic dahil doon siya dadaan pero nagulat siya nang makita si Mathieu na naglalakad palapit sa kanya.

Hinintay niyang makalapit ito sa kanya.

"Aga mo, ah?" basag niya. "Kaso aalis na ako, saka mo na lang sabihin ang pakay mo pagbalik ko."

"It can't wait."

Natigilan si Chippy, napatitig siya sa seryosong mukha ni Mathieu. Nito lang niya napapansin ang kakaiba rito. She was just ignoring it the past few weeks.

It has been a month since his short trip from Spain and he become a little distant after that. She was so tempted to ask but chose not to.

Dati ay agad na pumupunta ito sa bahay kapag tinatawagan niya. Now, he's making a lot of excuses. 

Hindi naman ako tanga. I know something is not right with him and he didn't want to see me just like before. At siguro na realized ni Mathieu na wala talaga siyang mapapala sa akin. That there is no future for me and him.

"Okay, sabihin mo na," kaswal niyang sagot.

And that, this relationship is no longer working –

"Let's stop."

– for him.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa boardwalk, halos naririnig na niya ang tunog ng hangin na tumatama sa bawat puno at bagay na madadaanan nito. Pati ang malakas na hampas ng alon ay tila nagpapahiwatig ng katapusan.

"For our peace of mind," dagdag ni Mathieu.

Napalunok si Chippy. She suddenly didn't know how to respond to him. Madalang  siyang magpakita ng vulnerability sa ibang tao and even if Mathieu has seen that side of her ay mataas pa rin ang pride niya. 

Humugot siya nang malalim na hininga at dahan-dahang bumuga ng hangin saka ngumiti kay Mathieu. It was more like a relief sighed.

"Okay," sagot niya, diretsong nakatingin sa mga mata nito. "Actually, isa-suggest ko na rin sana sa'yo 'yon kaso naging busy ako. Kaya, okay lang. I also don't think that it's a good idea if we keep this relationship. It will just complicate things for us." Ramdam niya ang pagdiin ng paghawak niya sa sling bag niya. "I had fun. It was a good experience though."

"I had... fun, too."

"Good... good... at least hindi ako naging boring na partner." She chuckles. "Anyway, I have to go. Last weekend sa bazzar ngayon kaya susulitin ko na. I'll see you when I see you." 

May ngiting iniwan niya si Mathieu pero habang naglalakad ay unti-unting nawawala ang ngiti niya. Dumiin lalo ang pagkakahawak niya sa bag niya at nakagat niya ang ibabang labi.

No, Chippy. You shouldn't feel sad at all. Alam mo at 'yon ang gusto mong maging ending ng relasyon ninyo ni Mathieu. Hinihintay mong sumuko siya, and now, he finally ended things with you – as how it should end.

Chin up, binitiwan niya ang bag at dire-diretsong naglakad nang hindi nililingon si Mathieu.

No more detours, Chizle. It's time to focus on your real plans in life.



IGINUGOL NI CHIPPY ang oras sa pag-inventory ng mga remaining stocks ng mga damit at skin care products para makapag-live-selling siya sa Friday night. Kakatapos lang niyang i-pack ang mga online orders, hinihintay na lamang niya ang mga na-i-booked niyang couriers na dumating sa Faro para kunin ang mga parcels.

Mag-isa lang siya, kaya naman niya, marami lang orders ngayon dahil nag-clearance-sale siya dahil may padating siyang new products sa susunod na linggo. Halos wala na ngang laman ang storage room niya na katabi lang ng Juander Pets pero nasa gilid ang pintuan na hindi nakaharap sa boardwalk.

At the same time, nilakad din niya ang mga finances niya sa banko – both personal at sa business niya. Tinitignan niya kung enough na ba ang savings niya para mangibang bansa gaya noong nauna niyang plano. As much as she was having fun here, she needed to start anew - and probably away from everyone.

Naitigil ni Chippy ang ginagawang pagsusulat sa inventory notebook niya at napabuntonghininga. She then finds herself staring at the pile of unsealed boxes in front of her.

Ang dami niyang gustong gawin pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Minsan naiisip niya na pinapagod niya lang ang sarili niya dahil ayaw niyang harapin ang mga bagay sa buhay niya na ayaw niyang pagtuonan ng pansin dahil alam niyang mauubos ang oras at emosyon niya sa pag-iisip doon.

For the past few days, her life was quiet. Para bang naka mute ang lahat sa buhay niya at nagkaroon siya ng routine life – paulit-ulit lang ang ginagawa niya. Para siyang robot na walang buhay.

On week days ay busy talaga ang mga kaibigan niya. Maliban kay Maha at LV na single pa ay halos pamilyado na ang lahat. Busy si LV sa mga events nito at kahit buwesit siya kay Maha ay lagi naman itong nasa eskwelahan.

Well, ano bang maasahan niya sa pinsan niyang si Iesus o kay Vier? They have their own mysteries to solve. The least that she can do is to keep her problems by herself and shut up. Wala rin naman siyang maitutulong sa dalawa o sa misteryong bumabalot sa buong Faro de Amoré.

Nakasalampak na siya ng upo sa sahig kaya isinandal na lamang niya ang ang likod sa nag-iisang mahabang sofa roon. Nilagay niya 'yon roon para may mahigaan siya kapag buong magdamag o maghapon siyang busy sa mga paninda niya.

Bigla ay naramdaman niyang parang bumabaliktad na naman ang sikmura niya. Nasapo niya ang bibig nang pakiramdam niya ay masusuka siya. Agad siyang kumuha ng lakas sa cushion ng sofa para maitayo ang sarili at makatakbo sa maliit na banyo niya roon. Napahawak siya sa magkabilang edge ng sink counter, nanginginig ang mga kamay, pilit na kumukuha ng lakas doon para maisuka niya ang lahat. Ramdam niya ang pagluluha ng kanyang mga mata at pagbara ng lalamunan niya sa pagpipilit sa sarili na ilabas lahat. Inihit na siya ng ubo.

She's experiencing anxieties for the past weeks. Pero lalo yatang lumala ang level ng anxiety niya nitong nakaraang araw. At kapag ganoon ay lagi siyang nasusuka at madalas nahihirapan siyang huminga. Hirap siyang makatulog sa gabi kaya pinapagod niya ang sarili sa umaga pero pagdating sa hapon ay gusto na lang niyang matulog. 

Pagod na pagod na siya sa totoo lang. 

It feels like she's living a lie and that she's doing well, but in reality she was really miserable.

Binuksan niya ang gripo ng tubig at nagmumog but the empty feeling inside keeps tormenting her hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol. Noon ay kaya niya naman ang mga episodes na ganito pero ngayon ay hirap na hirap siyang pakalmahin ang sarili niya.

"F-Fuck, Chizle..." iyak niya.

Tuluyan na siyang naupo sa tiles na sahig, nakasandal ang likod sa pader, pilit na isiniksik ang sarili sa maliit na banyo habang umiiyak.




ALAS SINGKO NA ng hapon nang lumabas si Chippy sa storage room. Nakatulog siya sa sofa pagkatapos niyang umiyak. Wala na rin siyang natapos na trabaho dahil nawalan na siya ng gana. Aakyat na lamang siya sa itaas para makapagpahinga nang maayos. Pero nang papunta na siya sa hagdanan ay nakita niya si Juan na nakatayo mula sa labas ng Juander Pets Clinic.

Pilit niyang pinasigla ang mukha at ngumiti rito. "Juan," bati niya.

Nakasuot pa ito ng white coat at may nakapatong na puting parrot sa isang balikat nito – si Lum. Ang dalawang kamay ay nasa harapang bulsa ng coat nito.

Sa totoo lang ay pumipintig ang ulo niya. Alam niyang papuntang sakit ng ulo na naman kapag hindi siya uminom ng gamot. A paracetamol will do. 

"You okay?" tanong ni Juan sa kanya, poker face pa rin pero may nahimigan siyang concern sa boses nito.

She nods her head. "Oo, kakatapos ko lang mag-inventory," pagsisinungaling niya. "Paakyat na ako – magpapahinga. Kanina ka pa ba riyan sa clinic mo? Sarado pa kasi 'yan kanina."

"Hapon na ako dumating dito, may schedule ako rito ng bandang alas dos."

"Ah, kaya pala." Tumango ulit siya. "Sige, Juan, akyat na ako."

Akmang aalis na siya nang abutin ni Juan ang isa niyang kamay. Natigilan siya at napatingin ulit sa mukha nito. Juan doesn't often smile, but he was at the moment – tipid nga lang but alam niyang totoo ngiti.

"Bakit?"

"Take this." Ibinuka nito ang kamay niya at mula sa isang bulsa ng coat nito ay inilabas nito ang isang cherry flavored lollipop. "Wala na akong pagbibigyan niyan ngayon kaya sa'yo na lang."

Natawa siya. "Wow! Akala ko ba ay gamahan ka pagdating sa pagkain?"

"I have enough sweets for today."

She accepts his sweet gift. "Thanks, Juan." Binitiwan na rin nito ang kamay niya. "Appreciate this."

"Spell stressed backwards and you'll get the cure." Namulsa ulit ito. "I'll go ahead, Chi. If you need anything ay nasa clinic lang ako." Bahagya itong tumango sa kanya bago siya iniwan at pumasok muli sa clinic.

Siya naman ay napakurap at napa-isip pero habang iniisip ang sinabi ni Juan ay umakyat na siya sa hagdan.

"Spell stressed backwards," ulit niya sa kawalan. "You'll get the cure... hmm..." Binaliktad niya ang salitang stressed at nagulat siya sa nabuo niyang salita. Huminto siya at napasinghap. "Tangina, hindi nga?!"

Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang shorts at in-type ang stressed na word. Sunod niyang ginawa ay binaliktad niya at nakabuo siya ng –

Stressed – Desserts

Manghang-mangha siya.

Ibinaling naman niya ang tingin sa lollipop sa isang kamay, napangiti siya. How could she forgot? Makapal man ang pader na pumapagitan sa storage room at sa clinic ni Juan ay marami pa ring galang insekto at hayop na magma-maritess sa buhay niya. Juan will surely hear them talking about the crying lady in the other room.

But she was thankful that Juan didn't insist on asking about her problems dahil hindi niya rin alam kung kaya nga ba niyang magpakatotoo sa ibang tao kung mismong sa sarili niya ay ipinagkakait niya iyon.




DUMATING ANG LINGGO na wala pa rin siya sa mood. She was oddly quiet at the backseat habang nasa front seat sina Iesus at Vier. Si Vier ang nagmamaneho ngayon at papunta sila sa bahay nila ngayon. Ang mga Garcia ang host ngayon. She didn't want to entertain a negative idea on her mind pero kailanman ay hindi pa nagiging mali ang mga gut feeling niya. Pakiramdam niya ay may pasabog na naman ang ama niya na hindi niya magugustuhan.

I already have so many things on my plate. Sana naman ay kahit ilang buwan man lang ay ibigay na niya sa'kin ang peace of mind or else she'll lose herself. I no longer have the energy to respond to any bullshits.

"Chi?" tawag sa kanya ni Vier, sinilip siya nito mula sa rear-view mirror, naka stop pa naman. "You okay? Kanina ka pa tahimik."

Napalingon si Iesus sa kanya. "Are you not feeling well?"

Umiling siya. "I'm fine. Masakit lang ang ulo ko, but bearable," kaila pa niya. "Don't worry about me."

Nag-green-signal na kaya nagpatuloy sa pagmamaneho si Vier. Ibinalik na rin ni Iesus ang atensyon sa harapan at inabala na lamang niya ang sarili sa pagkuting-ting ng kung ano-ano sa cellphone niya – anything that can block away all her negative thoughts. Kaya naisipan niyang mag-delete na lamang sa recently deleted photos sa album niya. Alam niyang nakalimutan na naman niyang i-delete lahat ang mga inalis niya.

Unang bumungad talaga sa kanya ay mga nakasamang picture nilang dalawa ni Mathieu. Akala niya ay na-delete na niya lahat sa unang batch, may naiwan pa pala.

Napalunok siya, umayos din siya ng upo at mas komportableng isinandal ang likod sa back rest ng upuan at medyo nangangalay na rin ang leeg at isang balikat niya dahil sa unproportioned sitting position niya.

Hindi niya alam kung sinasadya ni Mathieu o hindi lang talaga siya lumalabas kaya hindi niya ito nakikita. Pero kahit na karamihan sa mga kaibigan nila ay madalas tambay sa boardwalk ay hindi naman ito sumasama. She was hesitant to ask about him at baka gawin na namang issue. 

Pero sa nakalipas na araw, kahit ayaw niyang isipin ay napapatanong siya kung anong nagtulak kay Mathieu para lumayo na nang tuluyan sa kanya kahit may mga personal assumptions na siya. How ironic of her, to think na siya pa ang laging naghahamon na maghiwalay na sila at itigil na ang lahat pero siya pa itong affected masyado.

She wanted to be cool about it and act nothing about their current situation. Pero paano niya gagawin iyon kung kalahati ng mga iniisip niya ay tungkol sa kanila ni Mathieu? 

Naglapat nang mariin ang mga labi niya at sa halip na i-delete ang mga iyon ay pinatay na lang niya ang cellphone.

Nang mag-angat siya ng tingin ay napansin niyang sinisilip siya ni Iesus mula sa rear-view mirror. Iniwas na lamang niya ang tingin at sumiksik sa may bintana at itinuon ang tingin sa labas.

She just want this family breakfast done so she can go home. Uubusin niya ang natirang beer in can sa ref niya para makatulog nang maaga ngayong gabi.




PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Chippy sa bahay ng nila ay mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay bumabaliktad na naman ang sikmura niya at ano mang oras ay masusuka na naman siya. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya sa family breakfast na 'to. Pakiramdam niya ay pagsisihan niya ang lahat kung bakit pa siya sumama.

Ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay. Hindi na siya natutuwa lalo na nang makita na nandoon ang lalaking gusto ng ama niyang pakasalan niya. She gave it a chance before. Pumayag siyang makipag-dinner sa lalaki kahit isang beses and he gave a bad impression. Malaki ang potential nitong maging Marco 2.0 and she had enough of his kind.

Nanatili siya sa likod ni Iesus dahil naghihintay pa silang makompleto bago maupo ang lahat sa mahabang mesa. Hindi rin naman lumayo sa kanila si Vier na kasalukuyang kausap si Nicholas.

"Family breakfast my foot!" imbyernang bulong niya sa sarili.

"I didn't know about this," seryosong baling ni Iesus sa kanya. "I should have –"

"Hindi ka kasi nakikinig sa'kin noon pa. Walang maidudulot na mabuti sa'kin kung lagi na lang akong makikipagbati sa tatay ko," may inis niyang sabi rito, pabulong pa rin. "Goodness and obedience is an opportunity for him to manipulate. Kita mo ngayon, ipipilit pa rin niya ang lalaking 'yon sa'kin kahit ayaw ko."

Marahas siyang napabuga ng hangin.

"Now it make sense to me kung bakit gustong-gusto niya akong sumama sa family breakfast na 'to. This is his way of trapping me to marriage."

"What's the matter?" Bumalik na si Vier sa kanila.

"Tito Ram is planning something," sagot ni Iesus kay Vier, paminsan-minsan ay iginagala nito ang tingin sa paligid, probably making sure that no one is paying attention to their group. "That man beside Tito Ram." Vier's attention remains with them, mukhang nakita naman na nito kanina ang kausap ng ama niya.

"Mayor Peraza's son?" Vier confirms.

Anak ng Mayor ng Carmen ang gustong ipakasal ng ama niya sa kanya, si Carlito Peraza. Hindi lang ang lalaki ang inimbeta ng ama dahil kasama rin ni Carlo ang ama at ina nito.

"It would be disrespectful if we leave," ni Iesus.

"Sus!" mahinang reklamo niya, napahawak na siya sa braso nito.

"We're not leaving," he reiterates firmly. "But I assure you, Chi, even your father couldn't do anything about it once I speak up for you."

"We're here," dagdag ni Vier, reasurring her. "I'll speak up if needed."

Alam niya na hindi siya pababayaan ng dalawa pero hindi pa rin mawala ang kaba sa puso niya. She was just thankful that Iesus and Vier insisted in sitting beside him. Kamuntik nang magtabi sila ni Carlo kung hindi naging maagap si Vier.

She just want this fucking family breakfast to end para makaalis na siya ng bahay na 'to. She will make sure she will never come back here – ever!

Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na ang lumipas. Nagkukunwari na lamang siya nakakasabay sa mga pinag-uusapan ng mga tao sa hapagkainan. Vier and Iesus look so calm beside her, pero alam niyang nagpapakiramdaman lang din silang tatlo. Nabubwesit pa siya sa pasimpleng pagnanakaw ng tingin ni Marco sa kanya at sa mapang-asar na ngiti nito. Kahit hindi niya hulaan ay alam niyang alam nito ang pinaplano ng ama niya.

Or baka nga ang gago pa ang nagsulsol. Fuck him! Fuck everyone in her family! Dapat talaga ay nakinig na lang ako sa sarili ko at nagpakalayolayo na lang.

"Hindi ko na patatagalin ito at may hahabulin pa tayong misa," pag-iiba ng ama na may kasamang tawa. Naikuyom ni Chippy ang mga kamay sa ilalim ng mesa. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit may inimbitahan akong bisita sa family breakfast na 'to."

"Do englighten us, Ephraim," salita ni Tito Josef, may kakaiba sa ngiting 'yon na hindi niya maintindihan – a mocking smile. "Kanina ko pa iniisip kung bakit nandito ang pamilya ni Mayor Peraza."

Bumakas sa mukha ni Mayor Peraza ang disgusto sa sinabi ni Tito Josef. He seem offended pero nakangiti pa rin.

"Well, kaya dito tayo nagkita-kita sa pamamahay ko ay dahil pormal ko nang iaanunsyo ang pag-iisang dibdib ng anak kong si Chizle kay Carlo –"

"Hindi!"

Gumalaw ang mesa at iilan sa mga kubyertos ay nahulog sa sahig sa biglang pagtayo niya. Pinanlakihan siya ng mga mata ng kanyang ama.

"Chizle!" saway nito sa kanya.

Tumayo si Iesus at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. "Chi, calm down," kalmadong alo nito sa kanya. Pero kahit ang mga salita ni Iesus ay hindi na kayang pakalmahin ang galit niya. She had enough of her family. "Ako na ang kakausap sa kan –"

"Hindi!" Inalis niya ang mga kamay ni Iesus. "Hayaan mo akong magsalita para sa sarili ko. I had enough of this family! I had enough of my father's bullshits and manipulations! And this has to end now."

Isa-isa niyang tinignan ang mukha ng pamilya niya, hinuli niya ang tingin ng kanyang ama. Galit na galit na tumingin siya rito.

"Wala akong oras para linisin ang kung ano mang dumi ang mayroon ang pamilyang 'to. Isipin n'yo na ang isipin n'yo ang tungkol sa'kin o sa dating relasyon namin ng gagong Marco na 'yan na hanggang ngayon ay hindi mamataymatay, punyeta!"

"Chizle!" na-e-eskandalong tawag sa kanya ng ina ni Eunice.

"Matagal na akong nagtitimpi sa pamilyang 'to at sa gagong lalaki na 'yan. For Christ's sake, stop dragging my name everytime an issue about him cheating resurface. Hindi lang ako ang kontrabida sa pamilya 'to. Hindi lang ako ang nagpapatubo ng sungay rito kaya huwag kayong magmalinis!"

"Enough!" sigaw ng ama, lalong natahimik ang lahat.

Tumayo ito at diretsa siyang tinignan sa mga mata. She sees disappointments and anger in those eyes. Kailan ba naging proud sa kanya ang ama niya? She couldn't even remember the last time she brought happiness in his life.

"Your attitude. Chizle... is beyond anything else. Hindi kita pinalaking bastos at hindi kita binuhay rito sa mundo para ipahiya ako at ang pamilya natin sa harap ng ibang tao. Your brat personality shows how much you needed guidance from me. Hanggat walang magtuturo sa'yo ng tamang pag-uugali ay walang mangyayaring maganda sa'yo –"

"I beg to disagree," pagtatanggol ni Iesus sa kanya.

"I don't need your opinion, Iesus. Sit down."

"I'm not your son, Tito Ram, so, you can't boss me around."

Tumindi ang galit sa mukha ng ama niya. "Just look at how disrespectful your son, Josef. Ganito n'yo ba pinalaki ang anak n'yo? Bastos? Walang mudo?"

Akmang magsasalita si Tita Cloudia pero pinigilan ito ni Tito Josef. "My son has a mind of his own. Let him speak if he want to."

"I think everyone should calm down," pumagitna na si Vier. "Walang magandang naidudulot ang galit sa pagresolba ng problema."

"Chi, please, makinig ka na lang sa Papa mo," pakiusap sa kanya ni Tita Erica. "Ginagawa niya ito para sa'yo."

"Para sa'kin, Tita?" She scoffs. "O para sa anak n'yo? Puwede ba? Itigil na natin ang pagkukunwari na concern kayo sa'kin kahit hindi naman."

"If you care about your daughter, you'll have to accept her decision," dagdag pa ni Iesus. "Nasa tamang edad na ho ang anak ninyo. Alam na niya ang tama sa hindi. Her mistakes are hers to learn and correct."

"You are such a disappointment to me, Iesus. I trusted you to put a little sense in my daughter's mind pero lalo mo lang siyang kinunsinte – kayo ni Philip! Masyado n'yong kinunsinte si Chizle kaya ayaw na makinig sa'kin."

"Tito," singit ni Carlo. "I think this is not the right time to talk about the engagement. Pag-usapan na lang ho natin sa susunod –"

"Hindi," kontra na naman niya. "At huwag na rin kayong umasa na may kasal pang mangyayari dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi naman ang ama ng dinadala ko!"

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng lahat lalong-lalo na ang kanyang ama na kamuntik nang mapaupo ulit sa kinauupuan. Mabilis na lumapit dito ang asawa at si Eunice para alalayan.

"Chizle, ano naman 'to?" iyak ni Tita Erica.

Kahit si Iesus at Vier ay nagulat sa ipinagtapat niya. Inilapat niya ang isang kamay sa kanyang tiyan.

Ramdam niya ang lalong panlalamig ng mga kamay at mga paa niya. She could feel her body trembling from too much emotions. 

"Buntis ako."

"Buntis ka?" naguguluhang tanong ni Iesus sa kanya. "Kanino? Sino ang ama ng pinagbubuntis mo, Chizle?"

Mariing naglapat ang mga labi niya, may luhang kumawala sa mga mata niya. Lahat ng emosyon ay naghalo-halo na. She could feel it. She's losing it.

"Si..." her lips trembled.

"Sino?" tanong ni Vier.

"Chizle," tawag muli sa kanya ni Iesus.

Naipikit niya nang mariin ang mga mata ng ilang segundo bago nagawang tignan muli ang seryosong mukha ni Iesus. Ang lakas-lakas ng kabog ng puso niya – parang sasabog. Pero alam niyang hindi matatapos ang araw na 'to na hindi niya nasasabi kung sino ang lalaki sa buhay niya.

"Si Mathieu," pag-amin niya, halos kapusin siya ng hangin kahit 'yon lang naman ang binigkas niya.

Umigting ang panga ni Iesus, halatang nagpipigil ng galit. "Mathieu," ulit nito. "Mathieu Dmitry Brandaeur."

Wala siyang nagawa kundi ang tumango.

"Ang anak ni Matthias Brandaeur?!" hindi makapaniwalang sigaw ng kanyang ama. "Chizle Priscilla!"

"He has nothing to do with his father –"

"Don't be naive, Chizle! Walang mabait sa pamilyang iyon. They're a family of murderers!"

"It's not proven yet–"

"Sus," tawag ni Vier rito.

"Get your things now, Chizle. I'm taking you home." Marahas na umalis si Iesus at naunang maglakad sa kanya. "Philip, alalayan mo ang pinsan mo."

"Sus!" habol niya rito nang hindi hinihintay si Vier.

"We're so sorry for this mess," narinig pa niyang sabi ni Vier. "Tito Josef,  Tita Clau, Ma, Pa, Tito Ram... We'll go ahead. Nicholas, ikaw na ang bahala muna rito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro