Kabanata 10
AROUND JULY OF 2021
NAGITLA SI CHIPPY sa biglang pagsinghap ni Aurea.
"Sinasabi ko na nga ba!"
Mabilis na naghugas ng kamay si Chippy para maalis ang bula sa kanyang mga kamay at iniwan muna ang hinuhugasang mga plato at baso para maagaw ang cellphone sa kamay ni Aurea na sa mga oras na 'yon ay nakatayo sa sala.
"Shit!" mura niya nang makita kung ano ang nadiskubre ng kaibigan niya roon.
Napangiwi siya sa isip pagkatapos. She totally forgot about these photos. Plus she was drunk last night. Dapat i-de-delete na niya 'yon pero na-i-stress na naman siya sa ama niya kaninang umaga, isama pa ang litseng hangover niya.
And yes, those were not wholesome photos of her and Mathieu.
"Sinasabi ko sa'yo, Chi, walang apoy na hindi umuusok."
"Fine!" pagsuko niya kay Aurea, hinarap niya ang kaibigan. "And it's not what you think. Mathieu and I are just –"
" – friends with benefits," dugtong ni Aurea. Naglapat ang mga labi ni Chippy. "At saka, girl, nakalimutan mo bang manghuhula ako? Hindi pa kami ng asawa ko, ramdam ko na ang spark n'yo ni Chef. Pero shuta ka, dae. Buti hindi pa kayo nahuhuli ni Ser?" Natawa ito pagkatapos.
"Gusto kong isipin na hindi pero may pakiramdam ako na alam na niya pero hindi pa lang niya nilalabas."
"Dispatch 'yon ng Faro pero mukhang nasa atin ang loyalty at wala kay Iesus."
Naupo silang dalawa sa sofa, parehong bahagyang nakaharap ang katawan at mukha sa isa't isa. Halata sa mukha ni Aurea ang malisya sa mga nakita nitong larawan nilang dalawa ni Mathieu sa cellphone niya. Dapat talaga nagpalit siya ng password. Tsk.
"At anong balak n'yong dalawa sa relasyon n'yo?"
"It's not something serious."
The relationship she and Mathieu have is too complex. She already ended their agreement before pero nang bumalik siya sa Faro, she had no one but Mathieu. And Mathieu already knows a part of her family problem and her villainess side. She's already comfortable with his presence kahit na madalas nabubwesit siya rito. Despite that, he was a keeper. He doesn't share her secrets and he respects her.
At saka, sa tuwing hindi sila nagkakasundo ng pinsan niya, laging dumadating si Mathieu para tulungan sila. Iesus will resort of asking Mathieu for favors and those favors are always for her. Ending, naging yaya ni Chizle Priscilla Garcia si Chef Mathieu Dmitry Brandaeur.
"Ang tagal n'yo na tapos hindi pa kayo seryoso sa isa't isa?! Tatag n'yo ah."
Kumunot ang noo ni Chippy. "Nababasa mo rin ba kung ilang taon na kami, ha? Parang siguradong-sigurado ka ah."
"Naniniwala ako na may kasunduhan na kayo noong unang hinulaan kita."
"Wala kang proof."
"Wala nga," proud itong ngumiti, "pero hindi pa ako nagkakamali sa mga hula ko."
"Alam mo, busalan mo na lang ang bibig mo at manahimik. Hanggat hindi umaabot sa praning kong pinsan ang tungkol sa'min ni Mathieu ay payapa pa rin ang Faro."
Tawang-tawa si Aurea. "Bakit feeling ko minsan alam niya pero nagkukunwari lang siyang hindi niya alam kasi sinusubukan n'ya kayo?"
"Sa lahat Aurea, alam mong ayaw na ayaw kong binibigyan ako ng mga ganyang what if dahil alam mong mag-o-overthink na naman ako. Stress na nga ako sa ama ko, dinagdagan mo pa."
"Speaking of, kumusta na pala ang tatay mo? Pinapalaya ka na ba?"
"Lumuwag lang si Iesus nang kaunti sa mga batas niya dahil kinakausap ko pa rin ang tatay ko pero nakakulong pa rin ako rito. Alam mo ang malala ngayon, gusto ng ama kong ipakasal ako sa isang kakilala niya."
Ang dami nitong pinoproblema sa buhay. Hindi na lang mag-focus sa pagiging governer at doon sa pending ambush case nito noong 2018 pa na nadawit ang ama ni Mathieu.
Updated naman siya roon pero sa ngayon malabo talaga dahil walang enough proofs. Basta! Stress.
"Ay shuta! Hinugot ba sa Korean drama 'yang tatay mo?"
Chippy heavily sighs. "Although, alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Iesus tungkol sa bagay na 'yon. He knows how dreadful it is, saka ayaw kong mag-asawa na. Na realize ko na hindi para sa'kin ang pag-aasawa."
"Alam mo naiintindihan ko rin kung bakit ka ganyan. Kasi, kung ako rin, if hindi dumating si Tor sa buhay ko malamang kinasal na ako sa pera." Tawang-tawa si Aurea pagkatapos.
"Gaga!"
"Oo nga! Bias wrecker 'yang si Attorney."
"Sino bias mo? Ang pera?"
"Oo!"
"Adik."
Tawang-tawa pa rin si Aurea. "Well, you can't blame me. Namulat ako sa reyalidad at ang pangarap ko lang ay makaahon kami ni Mama sa kahirapan. Kung hindi ko nakilala si Tor ay baka nag-abroad na ako. Kaso, nauna si Tor e."
"Sinuko mo kasi agad ang Cebu."
Ang lakas ng tawa ni Aurea. "'Langya, hindi ko naman alam na mabubuo agad si Rory. Akala ko may practice stage muna bago makabuo."
"Gaga! Mag-a-adjust ba sa'yo ang ovulation period mo?" Sa huli ay natawa si Chippy. "Para kang tanga riyan."
"Kasalanan mo kasi! Sulsol ka nang sulsol sa'kin."
"Sinabi ko bang palitan mo ang kamay ni Attorney ng buhay niyang alaga sa ibaba? Kakaloka ka! Ginusto mo 'yan."
"Buwesit talaga 'yang bibig mo."
"Pinakasalan ka naman e."
"At mahal," nang-aasar pa nitong ngiti sa kanya.
"Ay sana all," Chippy responded drily.
Tawang-tawa ulit si Aurea. "So, anong balak mo?" balik ni Aurea sa topic nila kanina nang makahuma. "Alam kong hindi mo susundin ang gusto ng tatay mo."
"S'yempre hindi, 'no. At saka, ang tagal na ng issue tungkol sa'min ni Marco. Nanganak na 'yang si Eunice at malaki na rin 'yong bata. May narinig ba sila sa'kin na hanggang ngayon wala pa rin silang tiwala sa'kin?"
"E, 'yong Marco?"
Sakalaunan ay ikunuwento rin niya sa mga kaibigan niya ang lahat. Bukod kay LV na ewan kung saan na naman nagsusuot, healing her always broken heart. Naging tagapakinig niya ang rooftop squad niya. Balti, Niña, Maha, Aurea, and Mari. She realized that she couldn't keep her problems by herself and she couldn't be with Mathieu forever. Somehow, she has to let him go to keep her sanity. Mathieu doesn't deserve her. She's selfish at alam niyang lahat nang mayroon sila ay temporary lang para sa kanya.
Buo pa rin ang pangarap niyang umalis ng bansa.
"As long as he keep his mouth shut ay wala akong gagawin sa kanya."
Luckily, maliban sa sulsol nito sa ama niya ay 'yon lang ang kasalanan nito sa kanya ngayon. If he crosses the line again, hindi lang leeg mababali rito, pati ang inaalagaan nitong pagkalalaki ay puputulin niya.
"Alam mo, Chi, iniisip ko minsan, puwede ka namang umalis nang tuluyan sa poder ng tatay mo at gawin ang nauna mong plano sa sarili mo. But looking at your decisions in life, I feel like... something or someone is holding you back."
Natigilan si Chippy at napatitig kay Aurea.
Aurea continues, "And I understand na kahit nag-open-up ka na sa'min, may mga itinatago ka pa rin para sa sarili mo. Ganoon naman talaga, kahit anong komportable natin sa isang tao, may fear pa rin sa inner self natin na nag-hold-back sa'tin para ilabas lahat ng kwento ng buhay natin." Aurea smiles. "Kaya bilang kaibigan, isa lang talaga mapapayo ko sa'yo. No matter how complex life is, don't be too hard on yourself, Chi. Deserve mo pa rin ang peace of mind."
Bumasag sa eksena ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto. Halos sabay silang dalawa na napatingin sa direksyon ng pintuan. Kumunot ang noo ni Chippy dahil parang may naririnig siyang iyak ng bata.
"I'll open the door," basag niya, tumayo siya at naglakad sa direksyon ng pintuan para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas.
Ganoon na lang ang pagkagulat ni Chippy kung sino ang bumungad sa kanya.
"Please tell your friend inside that she has a daughter crying and looking for her," striktong sabi ni Tor in a straight face habang karga-karga si Rory na umiiyak habang kinakagat ang hawak nitong teether.
"Memeeee! Memeee! Meme...homeee!"
Nang mag-sink-in kay Chippy ang dahilan ng pagpunta ni Tor sa bahay niya, doon niya gustong matawa. Pero sa sobrang sama ng tingin ni Attorney Tor ay baka mamaya na niya gawin kapag wala nang witness.
Tinignan niya mula sa balikat si Aurea na nakatayo na. "Hoy babae, sinusundo ka na ng asawa mo. Hinahanap ka na ng anak mo."
"Uuwi na po! Ito naman."
Pigil ang tawa na ibinaling ni Chippy ang tingin kay Tor. "Ramdam ko ngang masaya ka sa piling ni Auring."
"Ramdam ko rin," walang ka emo-emosyong sagot ni Tor.
Doon na kumawala ang kanina pa niya pinipigilang tawa.
"Hoy narinig ko 'yon, ha?"
MID WEEK OF SEPTEMBER 2021
GUSTONG-GUSTO NANG ibaba ni Chippy ang cellphone niya. Hahaba lang ang usapan, ipipilit pa rin ng ama niya ang gusto niya, and all of her opinions will be discarded as always. They're just civil with each other because Iesus had asked her to reconcile - at least - with her father. But instead, naging way pa 'yon para i-manipulate ulit siya ng kanyang ama.
Nagpahinga lang pala ng ilang buwan ang ama niya bago ulit mangulit. Tsk.
"I already told you, Pa. Hindi ako magpapakasal sa kung sinong Poncio Pilato na gusto mo. Stop insisting, wala na tayo sa sinaunang panahon."
"Anak, alam mong hindi matatahimik ang mga tao kapag hindi nila nakikita na kasal ka na at lumalagay sa tahimik. Iisipin at iisipin pa rin nila na may relasyon kayo ni Marco."
"At problema ko ba 'yon? Ang tagal na niyan o baka dahil marami sigurong kabit 'yang lalaking 'yan kaya hindi mamataymatay 'yang issue na 'yan."
"Chizle."
"Ang laki kasi ng belib n'yo sa manugang n'yo na 'yan. O, tapos? Sa'kin ulit ang bagsak nang lahat. Ako na naman masisisi. Bakit? Kapag ba nagpakasal ako tatahimik bunganga ng mga chismosa na 'yan?"
Narinig niya ang malalim na paghugot ng hininga ng kanyang ama sa kabilang linya. Halatang nagpipigil na naman ng galit.
"At least, they wouldn't think na nagkikita pa rin kayo –"
Pumipintig ang sintido niya. Stress! Argh! "Sino ba kasing nagpapakalat na nagkikita pa rin kami?!" Naiinis na siya. "At saka kahit kasal ang isang tao nagagawa pa rin niyang magloko. Walang relationship status ang pagloloko kung gusto niyang magloko, magloloko 'yan. Gets mo ba? Gawin ko nang example 'yang si Marco -"
"Enough!"
But she didn't budge. "As I said, hindi ako magpapakasal para lang linisin ang imahe n'yo o ang kagagohan niya. It's his mess, he should clean it himself. At kung sino mang gaga ang nagpapakalat na nagkikita pa rin kami, well, tangina niya. Magpapakamatay na lang ako kaysa makipagrelasyon pa ulit sa demonyo n'yong manugang."
Marahas na bumuntonghininga sa kabilang linya ang ama niya. "Let's talk about this some other time."
"Kahit ilang beses pa nating pag-usapan ay hindi ako papayag."
"Why are you so hesitant about this marriage? May nobyo ka na ba?"
Great, now he's asking if I have a boyfriend. I mean, when did my father care?
"And if mayroon, ano naman sa'yo?"
"Well, I'm still your father. I deserve to know."
"Since when did you act one?"
"Chizle."
"You know what, let's just end this discussion. I'm tired and there's nothing you can do to change my mind. And if you're curious, yes, I have a boyfriend and no, you don't deserve to know or even meet him. Don't even bother asking Iesus about him dahil wala rin siyang alam. Lastly, papakasalan ko kung sino ang gusto ko at hindi dahil concern ako sa good image ng gago n'yong manugang."
She said her piece kaya sobrang satisfying noong pinutol niya ang tawag. Tinapon niya ang cellphone sa kama at bumuga ng hangin.
"God! Bakit ba kasi ako napunta sa pamilyang 'to? Stress!" Inis na tumili siya at ipanadyak-padyak ang paa sa kama. "Tangina mo talaga, Marco! Maging palaka ka na lang! Argggh! Buwesit!"
"Try ko ba kausapin si Hayme sa bagay na 'yan?" tanong ni Mathieu mula sa baba ng loft bed niya.
Tumayo siya mula sa kama para silipin si Mathieu sa wooden railing ng loft. "Sa tingin mo kapag nag-collab sina Ser at Hayme makakagawa sila ng potion na gagawing palaka si Marco?"
Tapos na pala itong magpalit ng damit at kasalukuyang inuubos ang isang basong tubig na hawak. Plain white shirt and denim pants, nakayapak lang ito. Nabasa ito ng ulan nang papunta rito.
He usually keep his things, tinatago niyang mabuti. In case.
Hindi niya naman inutusan na pumunta rito. Sabagay, nagpaalam daw si Iesus sa group chat ng mga ito sa messenger na may out of town work. Baliktad na, imbes na si Jude ang Hudas, naging si Mathieu.
Mathieu chuckles after drinking. "Siguro? Mga tao rito sa Faro makapangyarihan pa sa Avengers."
Isinandal niya ang mga braso sa railing. "At sa tingin mo normal ka?"
With the Faro phenomenon, she's starting to think that all Faro boys have something in them.
"Believe me, there is nothing special about me."
"Not yet."
Nag-angat ito ng tingin, may naglalarong pilyong ngiti sa mukha ni Mathieu. "Hinihintay mo ba akong tumagos sa pader, Chizle?"
"Kapag tumagos ka, malamang patay ka na. Duh."
Ang lakas ng tawa nito. "Witty."
"Alam mo, close kami ng pinsan ko pero ang dami ko pa ring hindi alam sa kanya. At saka kahit na itanong ko, hindi pa rin niya sasabihin."
Ibinalik ni Mathieu ang baso sa kusina. "Kahit naman sa'min ay malihim si Iesus," sagot pa rin nito. "In the right time, he'll speak, sa ngayon, walang ibang option kundi ang pagkatiwalaan siya. He saved Tor, Jude, Balti, and Thad. At kung sino man ang susunod, I'm sure he'll save him too."
"Oo, nasagip niya lahat maliban sa sarili niya," sarcastic niyag dagdag.
"Hoy!"
Tumatawang naupo si Mathieu sa gilid ng kama.
"Kung ipagpapatuloy niya 'yang pagsasarili niya sa mga plano niya kapag lumabas na naman ang panibagong missing item, sana buhay pa siya bago natin malaman sino si Niño."
Mathieu reaches for her hand and pulls her to sit beside him. "Buti hindi Bernes ngayon," nakatawang sagot nito.
"Saan mo naman natutunan 'yan? Kay Auring?"
"Kapag naging residente ka ng Faro, you'll have to learn to adapt to all these unexplainable mysteries that come along with living here." He smiles.
"Hindi ka natatakot?"
"Hmm?"
"Paano kung ikaw na ang susunod?" Imbes na bumakas ang takot at ngiting-ngiti pa ang loko. "Nakangiti ka riyan?" may inis niyang tanong.
"Why am I hearing concern in your voice? Iiyak ka ba kapag may nangyaring masama sa'kin?"
"Mumurahin kita."
Natawa ito. "Ang tagal na natin Chi pero kahit kaunting concern, wala pa rin. Mami-miss mo talaga ako kapag nawala ako sa buhay mo."
Kumunot ang noo niya rito. "Ang daming chance na mayroon ka, Dmitry, para layuan ako pero ikaw ang lapit nang lapit."
"Ang daming chance na ginawa ko 'yon pero tawag ka nang tawag."
"You could have just ignored me!"
"And let you ruin your life? No. Not gonna happen."
"I'm not gonna ruin my life. Ikaw lang nag-iisip na war freak ako."
"Because you're one troublemaker, Princess."
"Hindi nga kasi."
"Yes, you are."
"Argh!"
"Argh!" panggaya pa nito sa kanya.
Chippy glares at him. He did return the same expression, halatang inaasar pa siya lalo.
"Gago!"
"Gago!"
"Adik!"
"Adik!"
"Pangit mo Mathieu!"
"Gwapo mo Mathieu!"
Ngumisi ito pagkatapos.
Lalo lang siyang naiinis. "Umuwi ka na nga! Nabubwesit lang ako sa'yo. Hindi nakakatulong ang presensiya mo."
He chuckles. "Nga pala, mawawala ako ng ilang araw."
Natigilan siya roon.
"Pake ko," maldita pa rin niyang sagot.
"At kapag tinarayan mo na naman ako, hindi na ako babalik. Sige ka." Naglapat ang mga labi niya. Kunot na kunot pa rin ang noo. Natawa na lang ulit ito. "Isang linggo akong mawawala," dagdag nito.
Hindi niya alam kung bakit lalo lang siyang naiinis.
Kung aalis siya, e di umalis siya! Pake ko ba? Hindi naman siya kawalan. Pero tangina, mas lalo talagang nagrerebelde ang sarili ko sa pagpaalam niya sa'kin.
"So?"
"Ayaw mo akong umuwi? Nagtataray ka na naman."
Bumuga siya ng hangin. "Fine! At saan ka naman pupunta?"
"Spain."
"Anong gagawin mo roon?"
"A-attend ng kasal ng isang kaklase ko sa Paris noon."
"May kaibigan ka pa pala?"
Natawa ulit ito. "Mayroon naman, hindi naman kasi ako kasing war freak mo."
Napamaang si Chippy. "Wow!"
"May gusto kang pasalubong maliban sa'kin?"
"Noong nagpaulan ng kakapalan at kahambugan ang langit, bumagsak sa'yo lahat."
Tawang-tawa si Mathieu. "Nagtira rin naman ako para sa iba."
She eyed him. May nabubuong ideya sa isipan niya kaya nandito itong si Mathieu. Maliban pa sa wala si Iesus.
"Pumunta ka lang ba -"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil humawak ang mga kamay nito sa kanyang mukha, agad na pinagdikit nito ang mga labi nila. Hindi niya napigilan na tugunin ang maiinit na mga halik ni Mathieu, kusa na ring pumikit ang mga mata niya. Tila inaalisan nito ng dahilan ang mga labi niya na lumayo sa paraan ng pag-angkin ni Mathieu sa kanyang mga labi.
Isang ungol ang kumawala sa kanyang bibig nang lalo nitong paialiman ang halik. Bumaba ang isang kamay ni Mathieu sa kanyang batok ang isa naman ay dumaosdos sa kanyang leeg. Damn, she was already turned on. She was horny for the past days, tanda na malapit na siya magkaroon sa buwan na 'to. Mathieu was busy and so she had no choice but to pleasure herself on her own. Now that he's free and horny, she'll make use of this night to satisfy her cravings.
Pinutol ni Chippy ang halik at itinulak si Mathieu pahiga sa kama. Pumatong siya sa itaas nito, straddling him completely. Nagulat man ay may pilyong ngiting naglalaro sa mukha nito.
"Riding me tonight, baby?"
"I want it raw."
Natigilan ito at namilog ang mga mata sa sinabi niya. "It's not safe -"
"It's fine, just pull it out."
"I know, but you said you stop taking birth control because of the side effects. Have you consulted your OB?"
They'd tried it without rubber before - withdrawal lang. So far, hindi naman siya nabubuntis. She like sex more when Mathieu is not using condom, so she tried taking birth control pills, pero tinigilan din niya dahil sa side effects. Ilang beses siyang nagbalak magpa-OB pero nahihirapan siyang umalis ng Faro and when she find the right alibi, madami namang sumisingit na problema kaya nawawala sa isipan niya.
"I'm taking one now," she lied.
"And... you're comfortable with the new birth control pill?"
"I... I think so... wala naman akong nararamdaman so far."
Lumamlam ang ekspresyon ng mukha ni Mathieu. "You really sure?"
Chippy nods her head, debating whether she's in her right mind or crazy. The latter one fits her current disposition in life but still, she decided to follow her erotic desire. She's confident that Mathieu is pro with this or else she'll end up carrying his child for nine months. Failed withdrawal kagaya nang nangyari kina Niña at Balti.
"Just don't come inside me."
He chuckles. "You trust me?"
"I trust my birth control." That doesn't exist, so you better not scam me, Dmitry or you'll end up marrying me.
Lalo itong natawa.
Pinalo niya sa balikat. "Huwag mo nga akong tawanan!" asar na saway niya rito.
"You're... cute..." Tawa pa rin ito nang tawa, naniningkit na ang mga mata.
"Hindi ako cute, maganda at sexy ako."
"I... know..."
"Titila na ang ulan hindi pa rin ako nadidiligan."
Ang lakas ng tawa ni Mathieu.
"Hoy!"
"God, Chi! Anong gagawin ko sa'yo?"
"Fuck me?"
At tinawanan na naman siya nito.
"SAAN KO BA kasi 'yon nailagay?"
Pasasabugin na niya itong rooftop kapag hindi pa niya nahanap ang inventory notebook niya. Hindi pa niya na-e-encode lahat ng items na mano-mano niyang isinulat noong nasa Thailand siya.
Nakalabas na lahat ng mga nailigpit niyang kahon ng mga products. Nagkalat na sa sala at wala na sa ayos ang mga bote ng shampoo, conditioner, at lotion sa itaas ng mesa.
Niluhuran na niya ang lahat ng puwedeng luhuran na cabinet at storage pero wala talaga siyang makitang brown na notebook.
Bumuga ng hangin si Chippy at nakapamaywang habang iginala ang tingin sa paligid.
"Kapag talaga nahanap kita - " Naisip niya bigla ang ilalim ng kama niya sa itaas. She snaps her fingers. "Ah, tama! May isang chest box pa ako roon."
Mabilis na umakyat si Chippy sa itaas. Pero nagtatalo naman ang isip niya kung mahahanap ba niya ang inventory notebook sa lumang chest box niya o hindi. Wala siyang naalalang araw na binuksan niya ang lumang baul na ninakaw pa niya sa bahay ni Iesus noong teenager siya.
Literal na baul talaga iyon. Although not the larger size, medium sa size ng malalaking baul. Sobrang bigat no'n iakyat, kinailangan pa niya ang tulong ng ilang Faro Boys but if Sep is here, maiakyat lang nito ang baul na parang sling bag.
Lumuhod siya sa gilid ng kama at sinilip ang ilalim. Nilagpasan niya lang 'yon kanina kasi ewan, hindi rin niya naisip na magiging useful sa kanya. But what are the odds?
Tangina!
Gamit ng dalawang kamay ay hinila niya nang buong lakas ang baul palabas. Walangya, mura niya sa isip. Parang malalagutan siya ng hininga sa paghila. Itinigil niya ang ginagawa at tumayo para itulak palayo ang kama niya. Mas magaan 'yon kaysa sa litseng baul niya. Dati pa niya naiisip na manang-mana ang baul na 'yon sa dati nitong amo.
When she succeeded, napansin niyang unlock ang padlock.
Oh, shit! Binuksan ko pala 'to noong isang araw.
Sa dami ng ginagawa niya nitong mga nakaraang araw ay nakaligtaan na niya.
'Di bale.
Binuksan niya ang baul at kinalkal ang laman no'n. Inilabas niya ang ibang gamit para makita ang lahat hanggang sa makita niya ang pamilyar na inventory notebook niya sa pinakailalim.
"Walangya! Anong ginagawa mo rito?"
Kinuha niya ang notebook pero may napansin siya sa likod no'n. Isa pang chest box, mas maliit sa baul niya. Baul na alam niyang naglalaman ng mga sulat sa wikang Espanyol at French. She didn't tell Iesus about the hidden old love letters she found in the lighthouse.
Una dahil curious sa mga sulat na iyon at kapag sinabi niya, he will surely take it from her.
Pangalawa, akala niya noong una naiwala niya iyon dahil panay lipat siya ng lugar, but she found it back a few years ago, in her old room - sa bahay ng ama niya, nakatago sa baul na 'to.
Kinuha niya ang lalagyan ng mga sulat at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang pamilyar na sepia photo ng babae at lalaki. Sa likod ng larawan ay mga nakatiklop na mga liham. Kasama din roon ang isang pares ng hikaw na perlas.
Pero wala sa perlas ang atensyon niya. Nandoon sa mukha ng babae at lalaki. Hindi niya alam kung siya lang 'yon, pero parang medyo hawig ni Mathieu ang side view ng lalaki sa larawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro