Kabanata 1
AROUND SEPTEMBER OF 2020
HINDI NA NAGULAT si Mathieu na makita si Andrew sa Noah's Ark. Drew had been one of his constant patrons. Wala nga lang eksaktong oras at araw na pumupunta ito sa Noah's.
Andrew, who at that specific moment lost in his own train of thoughts while all eyes affix to the sea view outside the glass panel wall look serene and calm on his seat. Maganda ang view sa second floor ng Noah's lalo na ang puwesto na laging inuupuan ni Andrew. Fortunately, even in his amusement, kapag nandito si Drew ay walang umuukupa sa table na 'yon.
Minsan iniisip ko nang naglalakad na lucky charm 'tong si Andrew. Natawa si Mathieu sa naisip. Umaambon at makulimlim ang langit kanina pero bigla na lang gumanda ang panahon nang dumating 'tong si Andrew.
"Drew," tawag niya sa kaibigan.
Nakuha ni Mathieu ang atensyon nito. Nakangiting umupo naman siya sa hinila niyang silya sa harapan ni Andrew.
"What brought you here in my kingdom?" he asks, natawa rin siya pagkatapos.
"I took the initiative to do my own investigation." Andrew makes a short pause before speaking again. "There have been negative feedback in some of our ferry boats resurfacing online."
"Tsk, mukhang seryoso nga 'yan, Drew."
Alquiza Shipping Lines have been in the domestic shipping industry for 30 years. Ang mga Alquiza rin ang halos umuukopa sa pila ng mga ferry boats from pier tres of Cebu City going to Opon, Lapu-Lapu and vice versa.
One thing that Mathieu admired most with the Alquiza, sa sobrang demand ng air services, only the Alquiza was able to keep its ship afloat despite the competition. They've adapted with the change and traveler's needs kaya mayroon pa ring lumalayag na mga barko ng mga Alquiza in the domestic seas. Kahit siya, kung hindi lang siya nagmamadali ay mas gugustuhin niyang sumakay sa mga barko nila Andrew.
"Allegedly one of the sea crews of that ferry boat is harassing some students," pagpapatuloy ni Andrew.
"Shit, that sucks, man! Nahuli n'yo na ba?"
"The suspect is under our monitoring since the incident report. We're gathering enough evidence to expose him privately. But after what I've witnessed earlier, baka hindi na abutan ng umaga ang lalaking 'yon sa Alquiza."
"Grabe, iba na talaga mundo ngayon. Nasusubok talaga trust issues ng mga tao." Napailing si Mathieu. "I'm sure you've heard the news lately. Ang daming kidnapping cases ngayon sa Pinas."
Mahilig siyang magbasa at manood ng balita sa dyaryo at telebisyon. He has always been a media savvy. It was a hobby in his college days that become a secret skill. He uses this gained knowledge in his competitor's check and research.
Established brand mang masasabi ang Noah's Ark but the business industry is ruthless to those who play with luck and fame. Many good restaurants will emerge and offer the same service and food as Noah's Ark, but keeping the business afloat will depend on the owner's will and determination to keep up with the competitive world of food and dining. Slacking off is not part of his business plans.
"We couldn't even elect proper leaders how much more create plans for the betterment of the people in this country." Andrew picks up Noah's Ark's menu on the table. "Hindi pa ako um-order," pag-iiba nito. Natawa naman si Mathieu. "Hindi available ang halo-halo n'yo."
"Nasira ang ice crusher ko."
"Magsara na kayo."
Ang lutong ng tawa ni Mathieu. "Bumalik ka bukas may ice crusher na kami."
"I can't adjust my schedule."
"And I can't foresee the unfortunate fate of my kitchen equipment," nakangisi pang sagot ni Mathieu kay Andrew.
Natawa si Andrew. "I hate that you always have good rebuttals in my arguments, Brandaeur."
Ngumisi lang si Mathieu. "That's for being a smart-ass, Young Alquiza." Napailing-iling na lamang si Andrew. "Order ka na. The bill is -"
" - on me," dugtong ni Andrew.
Mathieu chuckles, snaps his fingers, and points his index finger to Andrew. "Very good." Kumunot lang ang noo ni Andrew. "Ganyan nga, Drew. Always use the proper preposition and pronoun in your sentence."
"I should have used the second person pronoun."
"That's life, we make mistakes."
"That sucks."
Natawa ulit si Math. "Masyado ka nang perfect, Drew. Bawasan mo 'yan. You know it's okay to make mistakes." Tinignan lang siya ni Andrew. Okay, I think that's my cue to go. Mathieu clasps his hand saka inilapat ang mga kamay sa mesa at tumayo. "But your dessert is on me." Ngumiti siya kay Andrew. "Order whatever you want."
Tipid na ngumiti si Andrew. "Thanks."
"Ngayon lang 'to... and don't tell anyone."
Andrew chuckles. "As if nakakausap ko lagi ang mga kaibigan mo –"
"Kaibigan natin," he corrected.
Naramdaman ni Mathieu ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa at hinugot. He's still in his chef's uniform dahil may tini-train siyang pastry chef ngayon sa Noah's Ark. Of course, minus the hat. Iniwan niya 'yon sa kusina pati na rin ang waist apron niya.
"Call?" narinig niyang tanong ni Andrew.
Wala sa kaibigan ang atensyon niya kung 'di na sa cellphone sa kamay niya. Number ni Chippy ang nag-register. Chi is calling him. Napatanong siya sa isip kung bakit dahil hindi naman 'yon tumatawag nang hindi nag-te-text.
"Take that, mukhang importante," dagdag ni Andrew.
Iniangat niya ang tingin kay Andrew. "Maiwan na muna kita."
Andrew nodded. "Take your time."
Iniwan niya si Andrew at sinagot ang tawag ni Chi habang naglalakad palayo. "What's up?" nakangiti niyang tanong. Bumaba siya mula sa second floor. "Anong maipaglilingkod ko sa aking prinsesa?"
"Gago!"
Tawang-tawa si Mathieu. Nasa huling baitang na siya ng hagdan nang makita niya si Jam na kakapasok pa lang sa Noah's Ark. May dala-dala itong medium size na midnight blue na maleta, itim na sling bag para sa laptop at camera. Halatang galing pa sa airport at dumiretso na sa restaurant niya.
"Andrew and Jam are here," kuwento niya kay Chi. Kumaway si Mathieu nang mapansin siya ni Jam. Ibinaba nito ang itim na sunglasses sa mata at kumaway pabalik.
"Wow! Hindi ako na inform na tahanan na pala ng mga hindi pinipiling kapatid ang restaurant mo, Dimitrio. Baka gusto mong palitan na ang pinsan kong si Vier," sarkastikong sagot ni Chippy sa kanya.
Natawa na naman si Mathieu. "No, thanks. Iluluto ko na lang ang mga hinanakit ko sa buhay. Hang on." Tinakpan niya ng kamay ang ibabang parte ng cellphone para sinyesan si Jam. "Nasa taas si Andrew." Gamit ng isang kamay ay itinuro niya ang itaas. "Malungkot mag-isa, samahan mo muna."
Natawa si Jam. "Sasaya ba siya kapag kasama ako?"
"Malay mo mahanap niya ang tunay na kaligayahan sa'yo."
Tawang-tawa si Jam. "Naks, sana all."
"Susunod ako, may kausap lang ako."
Mapanukso ang uri ng tingin ni Jam sa kanya. "Nako, bakit feeling ko kilala ko?"
"Hindi ka si Aurea, huwag kang manghula."
"Pero kaibigan ko si Ser."
"Bahala ka na sa buhay mo. Balikan ko kayo sa itaas in a while."
"Sure!"
Tuluyan nang iniwan ni Mathieu si Jam. Dumaan siya sa entrance at exit door palabas ng floating cottage.
"Napatawag ka?" balik niyang tanong kay Chippy sa kabilang linya. "Sana hindi problema." He chuckles. "Ang dami ko nang problema ngayong buwan. Spare me for now, Chi." Nakangiti siya habang nakasandal ang mga braso sa bamboo railings.
"Existence mo pa lang problema na."
Lumakas ang tawa ni Mathieu. "Wow! Coming from you?"
Natawa si Chippy sa kabilang linya. "Anyway, pupunta ka ba mamaya?"
"It depends."
"Umalis na sila Ser kaninang umaga."
Kumunot ang noo ni Mathieu. "Umalis? Saan?"
"Hindi mo alam? Magbabarkada ba kayo?"
Nakabawi siya at natawa na lang ulit. "Magbabarkada na may sariling buhay. Hindi naman ako katulad ni Ser na pati buhay ng iba ay gusto niyang gampanan." Sa tingin niya ay tinutukoy ni Chi ay ang plano nila Balti na mag-Bantayan.
"Iba utak no'n."
"Naalala ko na. Nag-aya nga 'yong si Ser mag-Bantayan pero hindi lahat available. Isa na ako roon." Natatawang nakamot ni Mathieu ang noo. "Hindi ko puwedeng iwan na naman ang Noah's. Isang linggo rin kaming nagwaldas ng pera ni Simon sa Japan. Hindi pa ako nakakabawi."
"May pagkakataon ba sa buhay mo Dimitrio na humindi ka kay Takeuchi?"
"'Yon nga e. Wala."
"Punta ka na lang dito mamaya. Magdala kang pagkain."
"Ano bang gusto mo?"
"Kahit ano basta masarap."
"Ako na naman mag-iisip."
"Ikaw ang chef, dapat alam mo na kung anong masarap sa hindi."
"Ayaw mong dalhin ko na lang sarili ko?"
"Gago!"
"Kailan ba tayo maghihiwalay? Kakapagod nang mahalin ka Chizle Priscilla," biro pa niya. Damn, nananakit na pisngi niya kakangiti. "Ubos na ubos na ako."
"Maubos ka lang."
Even if he doesn't see her, naririnig niya ang pagngiti nito sa kabilang linya. "Malalagot talaga ako sa mga pinsan mo kapag nahuli nila tayo."
"They won't. Mabait tingin ng dalawa sa'yo."
Natawa si Mathieu. Hindi niya alam kung matutuwa siya o kakabahan sa sinabi nito. Madalas pa man ding manhid 'tong si Chippy sa paligid nito. Nakakatunog na nga sina Jam, Simon, at Balti. Mabuti na lang at majority sa mga kaibigan niya sa Faro ay manhid.
"I mean, they wouldn't think na magagawa mo nga akong ahasin habang hindi sila nakatingin."
"Patay tayo riyan."
Chi laughs. "Pero nagawa mo nga."
"It's not like -"
"It's a fleeting relationship, Mathieu. We both know what we want from each other. I'm not expecting anything from you, so don't expect something from me in return."
Sumeryoso ang mukha niya. He remembered again the reason why she was still stuck inside that rooftop.
"You know that I wouldn't allow you to ruin your life because of that person."
"Math -"
"I'm dead serious, Chizle."
Pumagitna ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nila.
"I know what I'm doing," basag ni Chippy.
"I know you know, but you're not well aware of the implications of your actions."
"Huwag ka na lang pumunta rito -"
"You already invited me to come over. I'm not fond of changing plans, Chizle. I'll be there later. We will talk."
"No -"
Umayos siya ng tayo at bahagyang pinihit ang sarili paharap sa glass panel ng main restaurant ng Noah's.
"I'll see you later," pinal niyang sabi.
End call.
Ibinaba ni Mathieu ang cellphone at tinitigan ang screen. Hindi pa rin maalis ang seryosong ekpresyon sa mukha niya. He should seriously talk with Chippy about their relationship. They've been avoiding the topic. Both, dahil kahit siya naduduwag na harapin ang reyalidad ng relasyon nila.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa floating cottage at isinandal ang mga braso sa bamboo railings.
Fuck, ngayon lang ako tumagal sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Tang'na, Mathieu, get your senses back. Kapag pinatagal mo pa 'to, this will be the death of you.
"Hoy."
Nagitla si Mathieu sa biglang pagtapik ng kung sino sa kaliwang balikat niya. Napakurap siya at napatingin sa may-ari ng kamay.
"Jam," magkahalong gulat at kaba na tawag niya sa kaibigan.
Jam chuckles. "Seryoso natin, ah?"
Pasimple namang ibinulsa ni Mathieu ang cellphone. "Gago, pare, nanggugulat ka bigla." Sinabayan pa niya ng tawa. "Iniwan mo pa si Andrew sa itaas."
"Nagbanyo ako. Ta's nakita kita rito, seryoso mo masyadong nakatingin diyan sa cellphone mo. Kala ko nga may lalabas ng laser beam diyan sa mga mata mo."
"Ataya," tawang-tawa na naman siya.
Ngumiti si Jam. "Problema mo?" Sa hitsura at tingin pa lang ni Jam ay mukhang siguradong-sigurado ito na may problema siya.
"Wala," kaila niya.
"Sus, lahat ng mga may problema 'yan talaga default answer. Wala."
"Ikaw, anong problema mo?" balik na tanong niya kay Jam, bahagyang natatawa pa rin.
"Wala rin."
Pareho silang natawa.
"It's atay," aniya.
"You want to hear my opinion?"
"Opinion saan?"
"Tungkol sa problema mo ngayon."
"Langya, pare, lahat ba kayo tinuruan ni Aurea manghula?"
Jam proudly smile. "I'm a former journalist, Brandaeur. I know when the tide is low and when the tide is high. Tingin ko 'yong problema mo ang tuluyang maghahati ng dagat sa Faro." Natawa ito pagkatapos.
"Yawa!"
Pero kinakabahan na siya roon kahit wala pa man. He literally dragged hell by his own hands. Napalunok siya roon.
"Want my advice?"
Marahas siyang napabuga ng hangin at naisuklay ang isang kamay sa buhok. "Tang'na, Jam, hindi ko nga alam kung bakit pinasok ko 'to."
Gusto niyang pagsisihan pero nakakahanap siya ng rason kung bakit nandoon siya sa sitwasyon na 'yon. Hinihintay na nga lang yata niyang mapigtas ni Chippy ang natitirang pasensiya niya. She's too stubborn and yet, he couldn't get away from this riotous agreement.
"Do you like her?"
Napatitig siya sa mukha ni Jam. Do you like her? Paulit-ulit na nag-echo sa isip niya ang tanong na 'yon. Fuck, do I even like Chi?
"Like? In what sense?"
"'Yong klase na maiisip mong puwede siyang umabot sa pagmamahal."
"I don't think -"
"You don't need to answer me right now. Just think about it first. Reconsider all the possibilities."
Nahulog si Mathieu sa malalim na pag-iisip.
She's different. She's very complicated and yet I'm so drawn to her. Para siyang mansanas na inaalok sa'kin ng demonyo. I couldn't even resist the pleasure it offers. My own desire and lust compelled me to succumb to this forbidden fate with her.
"But if you think that you couldn't protect her, then my only advice is, move away from the fire before it burns you."
IT WAS PAST nine in the evening pero wala pa ring Mathieu na nagpapakita, paulit-ulit nang tinitignan ni Chippy ang oras sa wrist watch niya.
Naiinis siya sa sarili niya na naghihintay pa rin siya kay Mathieu kahit na sinabi naman niya rito kanina na huwag na itong pumunta. Nainis siya sa takbo ng usapan nila kanina. Dati naman ay hindi ito nagiging apektado kapag pinapaalala niya rito ang kasunduan nila. Now, he's acting like a sensitive virgin.
Bumuga siya ng hangin at hinayaan na lamang ang sarili na damahin ang malamig na hangin ng gabi sa kanyang mga pisngi. Ibinaling niya ang tingin sa buong Faro de Amoré na tanaw mula sa rooftop. Nakatayo siya at nakasandal ang mga kamay sa railings. Ramdam niya ang paglipad ng hangin sa ilang hiblang buhok na kumakalas na mula sa pagkakatali niya ng lapis.
Magulo pa ang buong rooftop, halos nakalabas lahat ng mga karton at storage boxes niya dahil pinapaayos nga niya ang interior ng loob ng bahay niya. Hindi na rin kasya sa storage sa ibaba ang mga gamit niya kaya pinalagyan na lamang niya ng tent ang rooftop pansamantala para hindi mabasa ang mga gamit niya kapag umuulan.
So, yes, kahit silipin ni Ser ang rooftop, wala itong makikita maliban sa magulo niyang mga kahon at storage boxes. Desurb! Aba'y sa bilis ng mga mata ng 'sang 'yon mas mabilis pa sa 24Oras na balita ang chismis niya. Mabuti na lang at na gayuma 'yon ngayon. Hindi puwedeng bumalik 'yon sa normal agad dahil masyado na siyang maraming nalalaman.
Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Isa pa sa nagpapainit ng ulo niya. Wala siyang makain. Tinatamad din siyang um-order dahil wala siyang gustong kainin sa mga tinignan niya sa delivery app kanina. Tang'ina, mukhang malapit na rin siyang datnan dahil ang bilis niyang mainis. Kaunting bagay lang pinapalaki niya ngayon. Hindi na siya natutuwa na gusto na lang lagi niyang magdabog. Siya pa yata ang magiging dahilan ng stress ni Auring. Ramdam na niyang malapit na siyang padalhan ng restraining order ni Tor para layuan ang asawa.
"Gutom na ako," usal niya sa kawalan, ramdam pa rin niya ang inis kay Mathieu habang hinihimas ang tiyan. "Nasaan na ba kasi ang walangyang 'yon?" Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng denim shorts. Walang kung ano mang notifications sa screen ng cellphone niya. "Ni text ay wala rin."
Maya-maya ay bigla siyang nakarinig ng mga yabag ng paa na pag-akyat mula sa hagdan. Agad siyang napatingin sa direksyun ng hagdanan. She felt a sudden excitement na madalas na niyang nararamdaman for the past months. She had been ignoring all the signs and familiar feelings. Pero heto pa rin siya, naglalakad na sa direksyon ng hagdanan para silipin kung si Mathieu na nga ang umaakyat.
This isn't good. Hindi ako puwedeng ma-in-love sa isang Mathieu Dmitry Brandaeur. Get a hold of yourself, Chizle.
Tumalikod siya, dalawang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang tumahimik ang paligid. Ramdam niya sa kanyang likod ang malakas na presensiya ni Mathieu.
"We need to talk," basag ni Mathieu sa katahimikan.
Dahan-dahan na lumingon si Chippy. She forces herself to look straight in his cold gaze. She studies Mathieu's facial expression. There were no hint of his usual mischievous smirk. Mukhang seryoso nga ito sa sinasabi nitong kailangan nilang mag-usap.
Bumaba ang tingin niya sa paper bag na hawak nito sa kaliwang kamay. Alam niyang galing 'yon sa Noah's Ark. The sweet gesture of bringing her food did not compliment his coldness.
But she's Chizle Priscilla Garcia, hindi siya nagpapa-intimadate sa mga tao. She did not bat her eyelashes - she competes with his gaze. She stands across him arrogantly and unbothered.
"I told you not to come," bumasag ang inis na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon.
Muling nagsubok ang mga tingin nila. Halatang ayaw rin magpatalo ni Mathieu. Lalo lang naiinis si Chippy. Gusto niya itong itulak mula sa rooftop. Gutom siya kanina pero nawalan na siya ng gana.
"Alam mo, umuwi ka na lang, iwan mo na lang ang mga pagkain diyan."
Iniwas ni Mathieu ang tingin at naghanap ng mapapatungan sa dala nitong paper pag. The two tier of extra large mega boxes near him were the most feasible. Inilagay nito roon ang paper bag saka naglakad palapit sa kanya.
Mga limang hakbang lang din naman ang layo niya kay Mathieu. She was still giving him the death looks, but he look unbothered.
Ito ang hindi ko gusto sa kanya. He never let me win any argument. Mathieu will always find holes in her reasonings. Sa isang bagay lang talaga sila nagkakasundo.
Huminto si Mathieu na may gahiblang distansiya na lamang sa kanya. Matangkad na siya sa height niyang 5'6'' pero hanggang labi pa rin siya ni Mathieu. Halos magkasingtangkad lang din ito ng pinsan niyang sina Iesus at Vier who stood 6 feet tall. Si Sep pa rin ang pinakamatangkad sa lahat ng Faro Boys.
Nanatili ang mga mata nito sa mukha niya.
Kumunot naman ang noo ni Chippy. "Ano? Tititigan mo lang ba ako?"
Umiling si Mathieu.
"Hindi."
He moves forward to cup her face in his palm. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong pinagdikit ang mga labi nila. She swallows her gasp in between his kisses. Nailapat ni Chippy ang mga palad sa dibdib nito para sana itulak si Mathieu but he holds her face firmly, kissing her, but with gentleness na para bang takot itong masaktan siya nito.
There was something different with that kiss. Hindi niya ma-point kung ano dahil unti-unti nang lumalabo ang isip niya sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Hindi niya namalayan na naipikit na pala niya ang kanyang mga mata at tinutugon na ang bawat hagod at pag-angkin ng labi nito sa kanya.
May kumawalang ungol sa kanyang bibig nang pailalimin pa ni Mathieu ang halik. Ang mga kamay na kanina gusto itong itulak palayo ay mahigpit nang kumakapit sa tela ng suot nitong white polo shirt.
Mathieu explores every corner of her mouth, plays with her tongue, nibbles her lips, and kisses her senseless. Naramdaman niya ang pagbaba ng isang kamay nito sa kanyang baywang para hapitin siya lalo sa katawan nito. Nanatili ang isang kamay nito sa kanyang panga na unti-unting humahaplos sa kanyang batok.
Mathieu had taken control of the kiss. Halos sumusunod na lamang siya sa paggalaw ng mga labi nito.
Oh god!
She wanted more... more than this intoxicating kiss they're sharing.
But he suddenly pulls away.
Gusto niyang magmura dahil sa biglang paglayo ni Mathieu. Parehong habol ang hininga na nagtama ang mga mata nila. Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang magsalita pero hindi siya makapag-compose isang buong sentence.
"Let's stop... if you... didn't... feel... anything special... with that kiss."
Kumunot ang noo ni Chippy. "H-Huh?"
Nasundan niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito bago ulit nagsalita. He's still catching his breaths.
"Do you think there is a chance for us to be in a real relationship?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro