Kabanata 9
"YOU LIKE THAD?"
Natigilan si Sanna at marahas na naibaling ang mukha kay Simon. Naghihintay ito ng sagot pero mukhang kahit 'di siya sumagot ay alam na nito ang sagot. She pressed her lips to hide her discomfort – nahiya siya bigla. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Okay lang 'yan. Sa tingin ko naman hindi pa niya nahahalata," salita ulit nito nang hindi siya sumagot.
Nasundan niya ang pagbaling ng tingin nito sa harap. Sa 'di kalayuan ay kasalukuyang nag-se-set ng bonfire sila Jude at Thad. Nasa Bangui Windmill farm sila nagpapalipas lang ng oras bago umuwi. May kakilala roon si Simon, ninong daw nito, si Mang Lito. Kaya pinayagan din sila mag-stay. Madami silang napuntahan ngayong araw at last destination nila 'yon for today.
Malakas ang hangin at naririnig niya ang nakabinging hampas ng alon sa dalampasigan.
"Sa tingin mo 'di niya pansin?" tanong na niya mayamaya.
Simon nodded. "Oo, medyo manhid din 'yon. Siguro dahil self-obsorbed siya lagi. Madalas hindi na niya napapansin ang mga problema sa paligid niya. I actually think dahil 'yon sa papa niya. Mas pinili ni Thad na mag-focus sa sarili kaysa ang pansinin ang mga nasa paligid niya." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Not that I'm saying na walang siyang pakialam sa'yo. Thad really cares for you."
Tipid siyang ngumiti. "I know. Ramdam ko naman 'yon."
"May balak kang umamin sa kanya?"
Namilog ang mga mata niya rito. "Kuya –"
He chuckled. "Matagal nang hindi nagkaka-girlfriend 'yan si Thad. After Melissa hindi na siya nag-try ulit."
"Yong ex niya noong high school?"
"Oo, matagal din sila no'n kaso lumipat ng lugar ang parents ni Mel kaya hayon hiwalay sila. Hindi nag-work-out ang long distance relationship."
"Baka 'di pa nakaka-move-on si Thad?"
"Hmm," napaisip ito, "isa rin 'yan sa naisip ko kaso mahirap talaga basahin ang utak ng isang Thaddeus Bernardo Apostol." He chuckled. "He has always been a closed book. He only shows what he wants to show. Sa tagal naming magkakaibigan natutunan ko na lang unawain at intindihan 'yan sila."
"Ang tagal n'yo na rin e. Since first year high school."
Ngumisi ito. "Actually, balak nga namin magsama habambuhay."
Natawa siya roon. "Sa iisang bahay pa rin?"
"Hindi siguro sa iisang bahay. Magkakapamilya rin naman tayo eventually. Siguro sa iisang lupain tapos magkakapitbahay na lang tayo. At kasama ka na roon syempre. Hindi ka naman na iba sa amin Sanna. What is ours is yours."
Napangiti siya roon.
"Sa totoo lang, 'di ko rin alam if sasabihin ko o hindi," pag-amin niya, napatingin siya sa magkadaop niyang mga kamay. "Natatakot din kasi ako na baka may mabago sa amin. As much as possible gusto kong makuntinto sa kung anong mayroon lang sa'min ngayon." Inangat niya ang mukha rito pagkatapos.
"Sabagay, mahirap din talaga i-risk ang pagkakaibigan."
"'Yon din talaga ang pumipigil sa'kin."
"Pero kung sakali man na magbago ang isip mo. Consider me as your resbak." Nakangiting inangat nito ang kamay sa ulo niya. He playfully messed with her hair. "Mabait naman kasi 'yan si Thad. Hindi sa dahil kaibigan ko siya pero seryoso, matino 'yang si Thad. Mas wala akong tiwala kay Jude."
Natawa silang pareho. "Alam ba ni Kuya Jude na wala kang tiwala sa kanya?"
"Matagal na niyang alam 'yon. Gago 'yon e. Kung magtitino 'yon ay alam kong seryoso siya sa kung sino man ang mamahalin niya. Pero sana nga magtino na siya."
"Mahahanap niya rin 'yong tamang babae para sa kanya." Ngumiti lang ito. "Pero, Kuya Si, paano mo napansin na gusto ko si Thad? Alam din ba ni Kuya Jude?"
"Huwag kang mag-alala. Common traits ng magpinsan ang pagiging manhid. Kumbaga sa bbq ay 'yong pagsisisi nila ay parang taba ng baboy, nasa huli lagi." Simon chuckled again. "Pero kung paano ko nalaman agad? Siguro dahil pareho tayo. Ganyan din ako sa taong gusto ko. Hindi halata pero mabilis talaga ako magkagusto sa isang tao. Aminado akong madalas nagmumukha na akong tanga mapansin lang ako. Halatang-halata, walangya! Lagi ako tinutukso niyan ni Hudas."
Tawang-tawa siya. "Umaamin ka rin agad?"
"Hindi. Torpe ako e. Saka lang ako aamin kapag alam ko may pag-asa ako. Pero kung tagilid ang labanan. Papalunod na lang ako sa sakit."
Lalo siyang natawa.
"Kaya normal 'yan na magkagusto ka isang tao. Gustuhin mo lang at i-enjoy mo 'yong saya ng pagmamahal kasi minsan lang 'yan. Pero dapat handa ka rin masaktan. Wala namang madali sa buhay na 'to. Kung mayroon mang nadadalian sa buhay edi wow."
Napangiti siya habang nakatingin kina Thad at Jude na sa mga oras na 'yon ay nag-aasaran sa harap ng bonfire. Hindi niya marinig ang mga pinag-uusapan ng dalawa pero base sa ekpresyon ng mga mukha nito at lakas ng tawa ay sigurado siyang nag-jo-joke marahil si Jude.
"Akala ko talaga noong una ay snob si Thad," basag niya.
"He's actually the most genuine person I met. He's misunderstood most of the time. Siguro dahil hindi siya makwento na tao. He doesn't know how to defend himself. Kung may problema naman siya madalas sinasarili lang niya."
"Pero nagsasabi rin siya."
"Oo, kapag pinipilit mo. He always needs a little push."
"Little lang?"
"Hindi, tulak kailangan niyan ni Thad. Malakas na tulak." Pareho silang natawa pagkatapos. "Lumaking introvert 'yan si Thad. Noong mabarkada sa'min ni Jude nag-loosen-up lang nang kaunti. Natututo na ring makihalubilo sa ibang tao."
"Pansin ko ngang extrovert si Kuya Jude. Para siyang 'di nauubusan ng energy."
"Manghihina 'yon kapag hindi nakakagawa ng kalokohan."
"E, ikaw Kuya Si? Alin ka sa dalawa?"
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Gwapo," sagot nito sabay ngisi. "Isang nilalang na saksakan ng gwapo." Malakas siyang natawa rito. "Wow naman!" Natawa rin ito sa reaksyon niya.
"Sorry," she said in between laughs.
"Mas nakakatawa ba 'yong sinabi ko kaysa sa mismong mga jokes ko?"
"Hindi ko lang inasahan." Tawang-tawa pa rin siya. "Sorry."
"Wala ka ring taste sa mga jokes, Sanna."
"Hindi naman kasi nakakatawa mga jokes mo minsan."
Napamaang ito. "Ataya!"
Lalo siyang natawa. "Tama na nga. Ang sakit na ng tiyan ko."
"Kabagin ka sana."
"Hoy, Kuya Si!"
"Hoy ka rin!" anito na nakangiti.
NAG-SAND DUNES SILA kinabukasan. In all honesty, doon yata siya pinaka-nag-enjoy talaga. Hindi niya kinaya ang thrill ng pagsakay nga 4x4 jeep sa mala desert na daan. Sigaw at tawa ang ginawa niya. Feeling niya mahuhulog siya kapag bumitaw siya. Nasa likod silang apat. Wala kasing challenge kapag tumabi siya sa driver's seat. At hindi rin pumayag si Kuya Si na hindi sila magsama sa likod.
Pansin niya talagang utak ng kalokohan at kapilyohan si Simon. Ito lagi ang nandedemonyo sa kanila.
Hindi niya makakalimutan 'yong pagbaba ng 4x4 sa steep road na parang cliff na yata. Actually, she didn't really expect na may ganoong course. Last part na kasi 'yon so wala nang choice but to grip hard on the hand rails and pray for God's mercy. There was a point na pinagsisihan niyang pumirma siya ng waiver. Noong bumaba na ang jeep nag-crack pa ang right ankle niya. Hindi niya kasi naitimbang nang maayos ang posisyon ng pagtayo niya kaya noong nag-move-downward ang jeep at dire-diretso ang pagbaba na sprain niya.
Gosh!
Thank God, nakakapaglakad pa naman siya after the ride.
Papunta na sila ng Malacanang of the North tapos sabi ni Kuya Si ay dadaan din daw sila ng Baluarte. Zoo yata 'yon basta may malaki raw dinasour doon.
"Gago 'yong mukha ni Thad kanina parang bibitayin na siya!" asar ni Jude, tawang-tawa habang yakap ang gitara nito na wala na sa tuno. "Yawa! Nakatatak na sa isip ko."
"Gago!" Binato itong Moby na chichirya ni Thad.
"Mas malakas pa sigaw niya kaysa kay Sanna!" dagdag pa ni Simon na siyang nagda-drive. Tawang-tawa na rin siya. Ilang beses nilang in-play 'yong video sa digital camera at wala pa ring kupas ang reaksyon ni Thad. Bawal nga camera pero nagawan ng paraan ni Simon para 'di mahulog kahit na busy ang mga kamay nila sa mga hand rails. "Walangya ka Thaddeus!"
"Okay na? Masaya na lahat?" pabalang na tanong ni Thad sa kanila. "Saya-saya n'yo. Isa ka pa, Susanna."
"O, bakit ako?"
"Tawa ka nang tawa riyan."
She suppresses her smile. "Nakakatawa naman kasi!"
Bigla namang nilakasan ni Jude ang pag-strum nito ng gitara na sa huli ay naging tuno na ng kanta. Pamilyar siya sa intro ng kanta. A thousand miles na ginawang mellow rock ni Jude. Simon slammed his hands on the steering wheel na para bang drums. She knew that Simon plays the drum set kaya nakakasabay ito sa beat ni Jude.
"Making my way downtown," simulang kanta ni Jude, ngumisi pa ito sa kanila. "Walking fast, faces pass and I'm homebound." Napangiti siya at natawa naman si Thad. Jude always knew how to stop them from arguing with that soothing voice.
"Staring blankly ahead. Just making my way. Making a way through the crowd," dugtong naman ni Kuya Si. Maganda rin ang boses nito, may pagka ballad na RnB. Pero sinadya nitong mag off tune ngayon.
Dinugtungan ulit ni Jude. "And I need you... And I miss you... And now I wonder..." Nakatingin sa kanya si Jude kaya dinugtungan niya.
"If I could fall into the sky," she sang, medyo nahihiya pa, pero 'yon ang unang beses na kumanta siya sa harap ng mga ito kaya halatang nagulat ang mga 'to na marinig ang boses niya maliban kay Thad. She was not a bad singer. She knew that. She knew very well that she's good. "Do you think time would pass me by? 'Cause you know I'd walk a thousand miles. If I could just see you tonight."
"Wow!" Jude mouthed in awe.
She giggled and saw Thad looking at her with that proud smile. Sa tingin at ngiting 'yon feeling niya natunaw ang puso niya. Pati yata puso niya ngumingiti na rin.
"Naku! Singer din pala 'yang Sanna natin," ni Kuya Si.
"Oo nga e, nagulat ako!" Tumawa si Jude. "Sanna, sama ka sa mga gig ko minsan. Kumanta ka ng ilang set kasama ako."
"Siguraduhin n'yong may bayad 'yan, ha?" singit ni Thad.
Lumakas lalo ang tawa nila Simon at Jude. "Manager ka?!" sabay pa ng dalawa.
"Mga ulol!"
"PANSIN KO NA hindi ka nagulat kanina?" basag ni Sanna habang naglalakad sila sa daan ng Calle Crisologo pagkatapos nilang bumili ng sorbetes. Panay pa rin ang tingin niya sa paligid. Manghang-mangha pa rin siya. Feeling niya nag-time-travel siya sa nakaraan.
Thad chuckled. "Matagal ko nang alam na maganda boses mo."
"Manghuhula ka ba?" biro pa niya na nakangiti.
"Hindi, pero ilang beses na kitang narinig na kumakanta habang nagbi-bake ka." Namilog ang mga mata niya rito. Wait, kailan 'yan? "Minsan kapag naabutan kitang nagtatanim sa garden mo." His smile grew. "Hindi nga lang kita ginugulo. Saka na ako nagpapakita kapag tapos ka nang kumanta."
"Hoy!"
Natawa ito. "Naisip ko nga, sinagip mo ba ang buong Pilipinas noong nakaraang buhay mo at inulan ka ng mga talento? You can bake, paint, may green thumb ka rin, you do crochet as well." Naikiling niya ang ulo rito. Pati 'yon alam ni Thad? Nabasa nito ang pagtataka sa mukha niya. "Ang dami mong kalat sa bahay mo. Malamang iisipin kong ikaw ang gumawa no'n. Mag-isa ka lang naman doon."
She chuckled. "Point taken."
"You've mentioned as well na nagsusulat ka and now you sing."
"Signs na wala akong social life."
"You don't need to try hard if you're not comfortable in sharing your thoughts with other people. Sabi nga nila, most artists cannot fully express themselves verbally, so they create art to tell a story." He smiled habang nasa harap ang tingin. Pansin din niyang paubos na ang ice cream nito.
"Siguro 'yon ang common traits natin." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. She smiled at him. "You're my favorite art."
Namilog ang mga mata ni Thad. "Favorite?" ulit nito sabay ngiti. "Bakit?"
"There is a quote from Edgar Degas that I remember," may ngiting kwento niya. "He said, art is not what you see, but what make other see. Madalas sa unang kita natin, we negatively judged a creation. Sinasabi natin, ah, usual landscape painting lang naman 'yan ng isang garden, walang bago. But what we often failed to see is the other elements that is present in the painting. Tulad nang, mas malaki at matingkad pala ang rosas niya sa pangkaraniwan, mas maganda ang puno at mas mayabong ang mga dahon, at mas kalmado ang environment na mayroon ang painting na 'yon. If we just try to look at it closer, mas maiintindihan natin ang nakatagong kwento sa likod ng obra na 'yon. Mas ma-appreciate natin ang ganda. "
"And I'm like that?"
She nodded. "Para sa'kin isa kang work of art. Isang painting na habang tinitignan ko mas naiintindihan ko ang kahalagahan ng pangarap at buhay. Your interpretation of life inspires me to keep trying." Ngumiti siyang muli rito. Titig na titig naman ito sa kanya. "And I wanted to be someone whom I can be proud of."
Sumilip ang isang ngiti sa mukha nito. "You're already doing a good job."
"You think so?" she chuckled.
"Nandito ka sa tabi ko. Ini-enjoy natin ang buhay na magkasama. Well, kasama na rin ang mga adoptive brothers mo." Natawa siya roon. "Each day we struggle to find the reason to keep going pero bumabangon pa rin tayo sa umaga para sumubok kahit na gusto na nating murahin ang mundo." Thad chuckled after. "I'm a pessimist, Sanna. Positive thinking cringes me most of the time, but it helps a little though. Minsan hindi naman workable sa atin ang maging positive lagi. We just have to accept na failure and disappointments are part of learning. If we don't make mistakes, then we wouldn't realized the things that needs correction."
Napangiti siya rito. "Parang dati ang baba pa ng self-confidence mo. Pero ngayon, halos hindi na kita makilala."
"You're part of that change, Sanna."
"Masyado mo naman ginalingan."
Natawa ito. "Hindi ah. Madalas gago pa rin ako kausap. Pero ganoon naman talaga lagi ang buhay. Ngayon ay okay tayo at puwedeng bukas hindi naman. Life is not always sunny. Sometimes we a need a little rain to remind ourselves that we are still humans."
"I agree."
"Yaaa!"
Mabilis na hinila siya sa braso ni Thad sa tabi nang marinig ang sigaw na 'yon mula sa mga kalesa sa daan. Napakurap lang siya sa gulat pero pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang mukha nila Simon and Jude kasama ang driber ng kalesa. It's a two-wheeled-horse-carriage na madalas sakyan noong unang panahon. Katabi ng driber si Simon na siyang may hawak ng reign.
"God, Simon!" asik ni Thad.
"Ginoo, chill, huwag masyadong high blood at malinaw na malinaw ko naman kayong natanaw gamit ng aking mga maliliit na eyes," Simon chuckled. Natawa na lang siya sa pagiging lumang tao pero conyo ni Simon. "Hop in."
"Tara na, Thad," aniya, tinapik niya ang balikat nito bago hinila pasakay ng kalesa.
Hinawakan ni Simon ang kamay niya para makasampa siya. Nakaalalay naman sa likod niya si Thad in case mahulog siya. Thankfully ay hindi naman. Sumunod naman si Thad at walang kahirap-hirap na nakasampa agad.
"Yaaaa!" ni Simon, nagsimula namang maglakad ang kabayo.
Kumakain pala ng empanada si Jude. Ang dami sa plastic nito. Inalok nito sa kanila ang hawak. "Na try n'yo 'to? Masarap siya," anito habang ngumunguya.
Mas malaki sa pangkaraniwan ang empanada. Mas matingkad din ang kulay – orange na nga halos. Isa 'yon sa mga pinagmamalaking delicacies sa Ilocos. Natikman na nila 'yon kanina ni Thad. Sa mismong tindahan sila kumain habang namimili ang dalawa ng T-shirts at souvenirs.
'Yong white T-shirts na nabili nila at pareho ng designs ay suot na nila nang mga oras na 'yon. Nakapatong lang sa mga damit nila. Maluwag naman ang mga binili nila. Ang cute nga ng group photo nila kanina sa gitna ng daan.
"Busog na ako," sagot ni Thad.
"Pahinge ako isa," aniya, kumuha siyang isa.
"Inaalok-alok mo 'yan baka kulang pa 'yan sa isang kasama natin," parinig pa ni Thad kay Simon.
"Narinig ko 'yon, ah," react ni Simon. Sabay-sabay silang natawang tatlo. "Pero sige lang, nabubusog din naman ako minsan."
"Gaano kadalas ang minsan?" nakangising tanong ni Jude.
"Mga one hour," sagot nito sabay tawa.
Natawa rin si Manong sa kanila. Ay, ang kulit talaga kahit kailan. Mas magtataka pa siya kung busog ang Kuya Simon niya. Hindi 'yon normal dito.
"Ewan ko sa'yo, Takeuchi!" Napailing at napangiti na lang din pagkatapos si Thad.
"Manong, kung makakabalik ka noong unang panahon, anong gusto mong maging?" interview ni Simon sa matanda.
"Hindi na lamang ako babalik," tatawa-tawang sagot nito, "mukhang mahirap ang buhay ng mga mahihirap noon."
"E, ikaw ba, Takeuchi, kung makakabalik ka noong unang panahon, ano ka?" tanong ni Jude.
"Isa akong empanada." Malakas na tumawa ito.
"Gago!"
Tawang-tawa silang lahat. Loko talaga 'to e!
"Bakit?"
"Sa gulo ng panahon na 'yon mas gusto ko na lang mamatay na kinakain."
"Walangya!"
"Nabusog pa sila."
2020 PRESENT
KANINA AY BIGLA na lang umalis si Thad. He cried, meaning, posible na malaki talaga ang kasalanan na nagawa nito sa kanya. Should she prepare herself for the worst? Parang mas tamang gawin niya 'yon. Kaso 'di rin siya sigurado kung anong mararamdaman niya kapag nagkwento na si Thad sa kanya.
She can tell na nahihirapan ito.
He couldn't even look at her in the eyes. There is guilt. Sigurado na siya roon. Akala niya noong una ay malungkot lang ito, but she didn't realize it was more than that.
She sighed.
Ini-insist niyang normal siya pero dalawang araw pa lang siya rito ay ramdam na niyang hindi siya kabilang sa mundong 'to. She couldn't even remember anything about herself. She remembered everything yesterday. But when she woke up earlier, only her present memories with Thad remained.
It was kind of frustrating feeling miserably unhelpful.
Natutuwa siya noong una pero ngayon parang 'di na siya sigurado. Umangat ang tingin niya sa parola. Hindi niya namalayan na doon siya dinala ng kanyang mga paa. Naisip niya, anong mayroon sa parola na 'to? Bakit siya napunta sa future? If it didn't work out for her and Thad before then why did the lighthouse reunite them? What make them special? Or what make her special?
Kaso hindi niya alam ang sagot.
Naupo siya sa tipak na bato sa likod ng parola. May puno roon na nagsilbing shed. Tanaw mula roon ang dagat. Bumuga ulit siya ng hangin.
Tinignan niya ang kanang kamay kung saan nakita ni Aurea ang araw na natitira sa kanya. Hindi niya makita 'yon kahit anong gawin niyang tingin at haplos. Kung totoo ngang bilang lang ang araw niya rito. Ayaw niyang may pagsisihan. Gusto niyang malaman ang lahat bago siya bumalik sa totoong timeline niya. Alam niyang hindi na puwedeng baguhin ang nakaraan. It will happen if it meant to happen.
Then what is my purpose here? Maaalala ko pa rin ba 'tong lahat sa pagbalik ko? Or will everything be just a dream? The latter looks feasible.
Marahas siyang bumuntonghininga ulit. Pang-ilan na ba 'yon?
Ay ang gulo! Ang komplikado. Saan ka na ba kasi Sanna? Bakit 'di ka pa rin nagpapakita? Galit ka pa rin ba kay Thad?
Mapait siyang napangiti.
Ganoon ba ako magalit? 'Yong tipong hindi na magpapakita kahit kailan? Hindi naman ako nagtatanim ng galit nang matagal. O baka sobrang nasaktan talaga ako ni Thad. 'Yong sakit na walang kapatawaran ba?
"Mommy?"
Marahas na naibaling niya ang tingin sa likod. Bumungad sa kanya ang isang batang lalaki na sa tingin niya ay nasa edad na 8 to 10 years old. Hindi siya masyadong sigurado. Bumukas ang rekognasyon sa mabilog nitong mga mata at sumilip na ang isang matamis na ngiti sa mukha nito.
"Mommy!" ulit nito at mabilis na tumakbo sa direksyon niya. Wait, ako ba ang tinawag niyang mommy? Napasinghap siya nang mahigpit itong yumakap sa kanya. "Mommy, I thought you left me," iyak nito.
Napalunok si Sanna. Dahan-dahan at marahan niyang inilayo ang bata sa kanya para matignan ang mukha nito. Pero para namang dinurog ang puso niya nang makita ang luhaang mga mata nito. Pero ang mas pinagtataka niya ay naalala niya rito si Thad. Lalo na ang mga mga matang 'yon. Nakita na niya ang childhood photos ni Thad at malaki ang hawig ng bata rito.
Pero saan siya galing?
"Mommy, huwag n'yo na po ako iiwan, please," he sobbed.
Umihip ang malakas na hangin at napatingin siya sa direksyon ng pinto ng parola. Bukas 'yon nang mga oras na 'yon pero wala siyang makitang tao sa paligid. Kung mayroon man ay malayo naman.
Ibinalik niya ang tingin sa bata. Ngumiti siya para hindi ito umiyak lalo. "Baby, doon ka ba galing?" Itinuro niya ang parola. Tumingin din ito roon. Kabado siya habang hinihintay ang sagot ng bata. Did something happened between her and Thad para mabuo ang batang 'to?
Hilam ang mga luhang tumango ito.
Pakiramdam niya ay literal na nahulog ang puso niya. Bigla siyang nanghina. Hinawakan niya ang mukha nito, ang mga balikat, at mga braso. Hindi niya alam kung bakit naninikip ang dibdib niya habang tinitigan ang maamo at inosenteng mukha ng batang lalaki. Gusto niyang umiyak kahit 'di niya alam ang dahilan.
"Baby, anong pangalan mo?"
"Hindi ko po alam."
"Hindi mo rin naalala?"
Tumango ito. "Pero alam ko po na ikaw ang mommy ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro