Kabanata 7
SINUNDO SILA SANNA ng tito ni Simon sa airport. Past 1 am lumapag ang eroplano at diretso na agad sila pa Ilocos. Bagsak na bagsak na silang apat sa van pa lamang. Sabi kasi ten hours ang b'yahe so expected na tanghali na sila makakarating sa bahay ng tita nito. Ginigising lang sila ng tito nito kapag nag-stop-over ito sa isang gasoline station. Doon nakakapagbanyo sila.
Nagising na siya nang tuluyan mga bandang alas sais. Hindi na siya nakatulog ulit dahil mas pinili niya na tignan ang mga lugar na nadadaanan nila. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. She made the right decision. Thad is right, she need a new perspective. She already did her best to trigger her creativity, but failed. Na frustrate lang siya.
Traveling is the remedy of creativity block. Pero sana 'di ba? Lahat may pera pang travel.
"First time mo mag-travel?"
Marahas niyang naibaling ang tingin kay Thad. Humihikab ito, mukhang kagigising lang. "Good morning," dagdag nito.
She smiled. "Good morning."
Simon's head was on his shoulder, bahagya pang nakanganga. Jude was still sleeping in front of them. Nasa likod kasi sila. Inakupa ni Jude ang buong front row sa likod ng driver's seat. Humihilik pa ang dalawa.
Napangiti lang siya sa sitwasyon nilang apat. Mukha silang sardinas sa loob ng lata. Ay wait, 'yong tanong ni Thad.
"Oo, first time outside Cebu," sagot niya.
Dumaan ang liwanag ng araw na tumagos sa salaming bintana sa mukha ni Thad. Thad's face lit up. She was struck at the raw beauty in front of her. Matagal na niyang alam na gwapo talaga si Thad. He reminds her of a calm sea na kapag nasisinagan ng araw ay mas lalong tumitingkad at nangingislap. Lalo na kapag 'di nito namamalayan na ngumingiti ito. Lumilitaw lalo ang kagwapohan nito. It was a sight to behold dahil alam niyang genuine 'yon.
"Hindi naman nag-object ang parents mo?"
Umiling siya. "Hindi naman." Although hindi naman must na magpaalam siya. She still did in respect. At saka she skipped the part na may kasama siya. Ang paalam lang niya ay mag-isa siya and all expense is shoulder niya.
"Hindi pala sila strict gaya ng iniisip ko."
"Hindi naman basta magpapaalam lang."
"Alam nila na kasama mo kami?"
"Kapag sinabi ko na may kasama akong tatlong lalaki baka 'di n'yo ako kasama ngayon." She chuckled. Namilog ang mga mata nito. "But don't worry, they will not know. Busy silang tao kaya 'di rin nila pag-aakasayahan ng panahon na paimbestigahan ang mga whereabouts ko."
"Pakiramdam ko ang laki ng tiwala mo sa'min." He chuckled.
"Well, you saved my life. If may plano kang patayin ako 'di sana itinulak mo na lang ako roon sa rooftop, but you did not." She smiled. "I know, I'm safe. I have the best people in my life right now."
Sumilip ang ngiti sa mukha nito. "Actually, Jude and Simon really like you a lot. They found a younger sister in you."
I'm happy that you don't feel the same, Thad. I don't want to be just your younger sister. If given a chance. I want it to be more.
Pero hanggang sa sarili na lang muna 'yon ngayon. Someday, kapag nagawa na niyang maipon lahat ng lakas ng loob she will try to confess.
"Tito Ding, mag-sta-stop-over ba tayo for breakfast?" mayamaya ay tanong ni Thad.
"Nagugutom na ba kayo?"
"Sigurado kapag nagising ang favorite n'yong pamangkin."
"Ang batang 'yan isang malaking palaisipan pa rin ang tiyan." Natawa ang matanda. "Sa susunod na bayan may masarap na kainan. Doon na lang tayo kumain. Tanghali pa tayo makakarating."
May ngiting ibinaling ni Thad ang mukha sa kanya. "Mababait 'yan sila Tito Ding at Tita Mercy. Makakasundo mo si Tita Mercy malamang dahil mahilig din 'yon mag-bake at magluto. May dessert and delicacy shop sila malapit sa Paoay church."
Nabanggit nga ni Thad na free accommodation nga lang daw sila. They will stay sa bahay ng tita ni Simon. Older sister ng yumao niyang ina. 'Yong expenses nila ay sa gasolina, snacks, at mga entrance fee sa mga pupuntahan nila. Nahiya pa siya kasi sina Jude, Thad, at Simon ang nag-ambagan sa airplane fare niya. Ang mahal pa naman. Kaya sa pag-uwi nila magbabarko na lang sila para mas makatipid.
"Ilang beses na kayo rito?"
"Ngayon lang ako nakapunta rito. Simon, siguro noong bata pa huli niyang dalaw rito. Taga Cebu talaga ang tiyahin niya. Nakapag-asawa lang ng Ilocano. Madami tayong papasyalan dito. Inilista na lahat ni Simon."
Napangiti siya. "Excited na nga ako e."
"You won't regret coming here with us."
TRUE.
Ang saya ng pagtanggap ni Tita Mercy sa kanila. Dumiretso kasi agad sila sa dessert and delicacy shop ng tiyahin ni Simon. Tanghali na silang dumating at doon na rin sila kumain ng lunch. Agad niyang nakagaanan ng loob si Tita Mercy. Sobrang giliw at sweet kasi nito. Kapag daw nakapagpahinga na siya ay ituturo raw nito sa kanya ang mga special recipe ng mga desserts nito pati na rin ang mga lutong bahay na laging hinahanap-hanap ng mga customers din nito.
Paglabas niya ng banyo ay napansin niyang lumabas si Thad. Pagtingin niya sa grupo nila Jude at Si ay masaya pa ring nakikipagbiruan ang dalawa kina Tito Ding at Tita Mercy. Hindi na siguro siya mapapansin ng mga ito kaya sinundan niya si Thad.
"Thad!" tawag niya rito, napapangiti siya habang iginagala ang tingin sa malawak na paligid. "Ang ganda rito."
Parang scene sa isang postcard ang lugar. Malawak ang harapan ng simbahan, tila isang mahabang banig na nakalatad ang luntiang mga damo sa harapan ng simbahan. Asul na asul ang ang kalangitan sa likod nito. Napansin niya ang isang lumang puno kanina pero wala gaanong mga dahon. May stone pathed aisle sa gitna na diretso sa nakabukas na malaking pinto.
"Ang ganda 'di ba?" nakangiting tanong ni Thad sa kanya habang kinukunan ng picture ang paligid. Hindi digital camera ang hawak nito kung 'di isang film camera pa. "This is the Paoay Church." Kumuha ulit ito ng larawan.
Nakalapit na siya rito. "Bakit film camera gamit mo?"
Ngumisi ito. "Mas maganda pa rin kuha nito kaysa sa digital camera. Saka ayoko mamili ng maraming photos. Dito," inangat nito ang camera, "isang shot lang, perfect na."
"Paano kung pangit pala kapag na developed?"
"Wala namang pangit na kuha. Sa mata lang 'yan ng titingin. Halika rito. Puwesto ka riyan sa gitna." Hinawakan siya nito sa pupulsuhan at iginiya sa harap. Bahagya niyang nilingon ang simbahan. "Remembrance mong nakapunta ka rito."
Natawa siya. "Makukuha ba ang buong simbahan diyan sa camera mo?"
He stepped back. "Huwag mo binu-bully ang camera na 'to. Subok na 'to ng panahon." Medyo malayo na ito sa kanya. "Isang shot lang 'to kaya umayos ka Susanna."
"Galingan mo pagkuha ng picture kamo!"
Inayos niya ang nakalugay na mahabang buhok bahagya kasi 'yong nililipad ng hangin. Maganda ang panahon kahit tanghali. Mainit pero hindi masakit sa balat. Naiwan niya sa van ang sombrero kaya wala tuloy siyang props.
"Okay na?" ni Thad.
"Wait!"
She straightened her white knee length puffed sleeved flowy dress. May embroidered red roses and lavenders ang upper ng dress niya. The cut and design look so vintage considering the ruffled design of the dress but isa 'yon sa mga favorite dresses niya. She paired it with her white shoes. She wanted to be comfortable with the trip kaya nag-shoes siya. Inayos niya rin ang floral clips niya sa buhok bago ngumiti kay Thad. Naramdaman niya ang malakas na pag-ihip ng hangin kaya siya natawa. Nakain niya ilang hibla ng buhok niya.
"Ano na Susanna?"
"Teka lang!" Tawa pa rin siya nang tawa. "Po-pose pa lang ako. Isang shot lang 'yan e. Dapat maganda ako." She chose to tilt her head on her right saka tumayo na nakatago ang mga kamay sa likod. Idadaan na lang niya sa ngiti. "Okay, I'm good."
Iniangat ni Thad ang camera sa lebel ng mata saka siya kinunan ng photo saktong umihip na naman ang hangin kaya sure siyang lumipad ang buhok niya sa picture.
Natawa siya. "Kainis!"
Tumatakbong lumapit si Thad sa kanya at biniglang kunan siya ng stolen shot.
"Thad!" she hissed. Tinawanan lang siya nito saka siya iniwan. Nako, tiyak mukha siya tanga sa picture na 'yon. "Hoy huwag mo 'yong i-developed." Hinabol niya ito.
"As if naman puwedeng i-skip 'yon," he chuckled.
"Pangit ng mukha ko roon."
"Wala ngang pangit na kuha. Nasa mata lang 'yan ng titingin." Bukas ang simbahan pero wala gaanong tao. Ang aliwalas tignan ng loob dahil sa tumagos na liwanag mula sa labas. It was a classic church. "You have to make a wish," he beamed.
"Wish?"
"Kapag unang beses mong napuntahan ang isang simbahan you can make a wish." Pinag-clasp nito ang mga kamay niya. They were literally standing in the center. "Wala namang mawawala kung gagawin natin 'di ba?" Ibinalik nito ang tingin sa altar at kagaya niya ay pinaglapat nito ang mga palad. Ipinikit nito ang mga mata at sa tingin niya ay umuusal na ng dasal sa isip.
Napangiti siya at ginaya ito, but instead of closing her eyes. Itinuon niya ang atensyon sa cross sa harap. Her only wish for that day is one.
Please make Thad's wish come true.
Maya-maya pa ay iminulat na nito ang mga mata. Nakangiti siya kaya may pagtataka sa mukha nito.
"You're smiling."
"Bawal ba?"
Natawa ito. "May nakapagsabi na ba sa'yo na maganda ang ngiti mo?" Namilog ang mga mata niya rito. "You glow when you smile. Pati mata mo ngumingiti. Kaya it would really be a waste if you keep that beautiful smile behind your sullen face."
Napangiti siya.
Out of all the compliments she received from other people. Thad was her favorite. Hindi sa bias siya rito. It's just that... growing up... she always felt like no one was really being true to her. Nobody wanted her unless she proved herself worthy. Only this time na naramdaman niyang tanggap siya nila Thad, Simon, at Jude. She can freely see herself sharing her thoughts without putting a lot of effort dahil hindi na rin niya masyadong iniisip kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya.
"I'll take note of that."
"I've always wanted to visit this church," pag-iiba nito mayamaya. Umangat ang isang kamay nito para ayusin ang floral clip niya sa buhok. Ramdam niya agad ang biglang pagtibok ng puso. Ang puso ko. "Siguro mga nasa 300 plus years old na ang simbahan na 'to." Ibinaba na nito ang kamay at muli siyang tinignan. "I got curious with its architecture so I did my own research."
"Pansin ko may similarities nga ang simbahan na 'to sa mga lumang simbahan na napuntahan ko na sa Cebu."
Naupo sila sa isa sa mga pew sa likod.
"Maybe the churches in both North and South, but mas malaki ang hawig ng Paoay church sa mga simbahan sa Iloilo. Mas malaki at malawak lang talaga 'to."
"Mahilig ka pala mag-travel."
He smiled. "Kapag sembreak if may budget."
"Ikaw lang mag-isa?"
"Madalas, oo. Jude has his own priorities while Simon is busy with his part time jobs. Ako lang talaga 'yong madalas mag-emmersion sa mga lugar na puwede kong kunan ng inspirasyon sa paggawa ng mga designs."
"Pansin ko na mahilig ka sa mga heritage structures. May balak ka bang mag-focus sa heritage preservation ng mga structures."
"Hindi ko pa alam. Sa ngayon ay gusto ko lang muna i-explore lahat. We'll see."
"May isa pa pala akong napansin."
"Ano 'yon?"
"Hiwalay ang bell tower ng simbahan."
"Ahh. Actually, this church is an example of a Spanish colonial earthquake baroque architecture. I'll make it simple dahil ayoko rin naman dumugo ang utak mo."
Pareho silang natawa nang mahina.
Dumudugo rin talaga siya sa mga terms ni Thad. Kapag nagkukwento nga ito ay sinusubukan nitong i-explain ang mga styles ng bawat structure in layman's terms.
"The design reconsidered the seismic condition of the place," he continued. "Napansin mo 'yong mga malalaking buttresses sa gilid at likod ng simbahan?" She nodded. 'Yon 'yong parang stand of stones na parang nag-ho-hold ng simbahan. "It's a structure that supports the church. Halos kasi ng mga simbahan noon ay nasisira dahil sa mga lindol, so to prevent that they have it designed that way."
"E 'yong bell tower bakit malayo?"
"Well, sa tingin ko they purposely built it away para kahit bumagsak 'yong buong structure hindi madadamay ang kampana. Bell towers plays an important role in the society before. It's also like a lighthouse - a watchtower."
"I see. Na encounter ko rin 'yan sa Social Studies class ko."
Thad chuckled. "Plus points for Susanna dahil nakikinig siya sa klase niya."
Ngumiti siya rito at bahagyang hinarap ang katawan dito. "May nakapagsabi na ba sa'yo na ang passionate mo sa ginagawa mo?" Namilog ang mga mata nito. "I admire your great passion in learning architecture. Kahit siguro hindi siya gawing assignment ay pag-aaralan mo pa rin. People don't often do that. Alam ko kasi nakakatamad naman talaga pag-aralan ang isang bagay na alam mong matutunan mo rin in the future. But the mere fact na kaya mong i-sacrifice ang free time mo to learn about your craft is truly admirable. I wish I can do that as well."
"Kung makapag-compliment ka sa'kin parang 'di ka rin ganyan. O, sige nga, sabihin mo sa'kin kung 'di mo ginagawa ang ginagawa ko. You still get good grades kahit na 'di mo gusto ang course mo and you juggled between being an artist and a business student every day. On weekends you paint and accept cake orders."
Pigil niya ang ngiti.
"We share the same ideals kaya siguro nagkakasundo tayo," dagdag pa nito. "Kahit na madalas matigas ang ulo mo."
She chuckled. "Minsan lang naman saka kasalanan mo."
Napamaang ito. "Wow! So ako pa may kasalanan?"
"Oo, kasi nakakainis din ugali mo."
"Susanna Evangeline Rama has finally learn to fight back," manghang sabi nito. "Kakasama mo 'yan sa dalawang kuya-kuyahan mo."
"At least sa kanila prinsesa nila ako."
"Ah, 'yon naman pala. Gusto mo gawin rin kitang prinsesa. Sorry to disappoint you, Ms. Rama, but I don't like princesses. They're a pain in the skull." Natawa siya, at least cautious itong bawal magmura sa loob ng simbahan.
"Hindi ako princess. Isa lang akong pauper."
"O, really? I don't think so. Hanggat 'di ka nagkukwento sa buhay mo iisipin kong isa kang prinsesang nagpapanggap na mahirap."
"Kakapanood mo 'yan ng teleserye," she chuckled.
"O baka isa kang sirena."
Pigil niya ang matawa nang malakas. "Hindi," she mouthed. Lumaki ang ngiti ni Thad sa sinabi niya. "Grabe imagination mo. Baka sa susunod sabihin mong anak ako ng isang engkanto."
"Well, I find that inevitable," he chuckled.
"Bad!"
Thad shrugged his shoulders and laughed.
Hay nako, buti na lang cute ka!
"AKALA KO TALAGA ay nobya mo 'tong si Sanna, Thad," magiliw na sabi ni Tita Mercy. "Magkadikit kasi kayo lagi. Aba'y napagakagandang bata e."
Hindi niya maalis ang ngiti habang tawa nang tawa sila Simon at Jude. Sana mapansin din po ni Thad na bagay kami.
"Ayieee!" asar pa lalo ng dalawa.
"Mga gago!" Pinagpapalo nito ng kutsara sina Jude at Simon.
Lalo tuloy umugong ang tawanan sa paligid.
Sa labas ng bahay sila kumain. Pinagtulungan nila Thad kaninang ilabas ang mahabang mesa. Ang grupo rin nito ang nag-ayos ng mga dahon ng saging sa mesa. Si Kuya Simon naman ang nagsabit ng mga lightbulbs mula sa ginawa nitong string mula sa kalapit na puno ng niyog at sa itaas na bahagi ng bahay. It was his field of expertice.
Tumulong din siya sa pagluluto sa kusina kay Tita Mercy. Katulong nila roon ang manugang nito na si Ate Rita. Asawa ng bunsong anak ni Tita Mercy na si Kuya Carlo. Isang elementary teacher. Halos kasi ng mga anak nito ay nasa Maynila na.
"Nako, saka ka na mag-nobyo, Sanna," may ngiting salita ni Kuya Carlo. "I-enjoy mo muna ang kabataan ninyo."
"Ay sus, para namang 'di 'to nanligaw sa'kin nang maaga," tudyo pa ng asawa nitong si Ate Rita. Natawa siya nang kindatan lang nito ang asawa.
"Ilang taon ka na nga?" dagdag na tanong ni Kuya Carlo.
"Turning seventeen na po sa November."
"O, malapit na rin pala mag-eighteen."
"Next year," dagdag ni Thad na nakatawa.
"Nako, walang makakaligaw kay Sanna na hindi dadaan sa Kuya Si niya," ni Simon. Tumayo pa ito at mahigpit ang hawak sa tinidor. "Kikilatisin ko 'yan na parang chicken joy -"
"Walangya!" Marahas itong hinila paupo ni Jude, tawang-tawa. "Puwede ba Takeuchi kalimutan mo trabaho kahit apat na araw lang. Kinain na ng Jollibee ang sistema mo."
Ngumisi lang ito at tumawa.
"Nga pala, ano pala agenda n'yo bukas?" pag-iiba ni Tito Ding. "Pina-full-tank ko na 'yan kanina. Si, ikaw na bahala."
"Iikot lang kami bukas, ’To. Sinauludo ko na ang mapa. 'Di ako mawawala."
Naningkit ang mga mata niya. "Kuya Si, 'di ba ngayon ka lang nakabalik dito? Sure ka alam mo bawat daan?"
"Huwag kang mag-alala, Sanna," ni Jude. "Jokes lang ni Simon ang walang direction pero pagdating sa galaan. Hindi lang calculator kinain niyan noong bata. Pati mapa ng Pilipinas." Ang lakas ng tawa nito pagkatapos.
Namangha siya. "Totoo?" Sabay-sabay na tumango ang lahat. Natutop niya ang bibig. "Seryoso talaga?!"
"Oo!" sabay-sabay nang lahat.
Wow!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro