Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

"DAY 2 OF 49 days," basag ni Balti, "and you say na nawala ang important memories ni Sanna?"

Thad nodded. "We talked earlier. She couldn't remember any of her childhood memories, but she was sure naalala pa niya 'yon kahapon."

"What memories have she retained?" asked Vier.

"High school, specifically noong una naming pag-uusap noong Intramurals and there was a gap after that." Kumunot ang noo niya sa isipang 'yon. Kanina pa niya iniisip na parang sinadya na alisin ang mga taon na kung saan wala siya. "Then fast forward sa pangalawang beses na nagkaroon kami ng chance na magkausap then present niya - 'yong araw ng 18th birthday niya sa past."

"Sanna only retained her memories of you," ni Balti. "The rest na hindi ka involved ay nawala. That's odd."

"Same thought," he agreed.

"And those memories are the things that Sanna hid from the three of you," dagdag ni Vier.

Nagkatinginan silang tatlo nila Jude at Simon. Pareho lang ding may seryosong ekspresyon ang mga mukha. Sa gilid ng mata niya ay napansin niyang nakatutok din ang atensyon ni Iesus sa kanila. He was just listening and observing them.

"Naisip ko lang." Natuon ang atensyon ng lahat kay Balti. "Habang nauubusan tayo ng araw ay isa-isa ring nawawala ang mga impormasyong puwedeng makatulong sa atin sa paghahanap sa totoong Sanna."

"The lighthouse set some rules this time," ni Vier.

"What do you mean?" seryoso niyang tanong.

"It's just weird na ang parola mismo ang gumagawa ng paraan para sa'yo." Nagtama ang mga mata nila ni Vier. "Walang missing item na involved so far. Kung nagkataon na mayroon, either nasa sa'yo or na kay Sanna 'yon."

"But it's possible na may missing item na involved," ni Iesus.

"Yes, it's inevitable, Sus," sang-ayon pa rin ni Vier. "Probably a missing item that has the power to time travel."

"May pinaghihinalaan akong isa," dugtong ni Balti.

"Ano?" sabay-sabay nila.

"Sus, remember the watch I've told you?" Tumango si Iesus. Balti has a determined look this time nang ibaling ulit ang tingin sa kanila. "It's a pocket watch with a unique design of moon, sun, and mechanic parts. I cannot tell if it's a curse one or not, but it can be both, considering how powerful it can do."

"Anong kaya nitong gawin?" asked Simon.

"That item can create a time loop."

"A time loop," ulit ni Vier.

"Yes, but it can only be controlled by one person. Kaya nga ako nagdadalawang-isip kung ito nga ba ang involved item or not dahil kailangan nasa possession siya ng may-ari."

"It can't be with Sanna," ni Juan. "The item should be owned by Thad if that's the case."

"Who was the owner? May nakuha ka ba?" asked Simon.

"A certain man named Lebbaeus." Natahimik ang lahat. The name does not ring a bell to him - probably sa kanilang lahat din. "But that name was not listed in the logbook who boarded the de Dios ship."

"May iba pa bang item na time travel ang power?" asked Jude. "Kasi kung wala, most likely, 'yan na nga ang item."

"Hindi ko pa tapos 'yong iba, but so far, sa tingin ko 'yon lang ang item na may time travel."

"Pero ang tanong dito ngayon," ni Jude. "Kung wala kay Thad ang item at wala rin kay Sanna. Who is controlling the item?"

"That's part of the things that we need to find out aside from Sanna's existence," sagot ni Vier. "And we have to act fast before we run out clues again."





"THAD, YOU HAVE to make a plan," ni Simon. He glanced at Jude at mukhang 'yon din ang gusto nitong gawin niya. "Hindi mo puwedeng i-delay nang matagal ang totoo kay Sanna. She has to know everything."

"I agree with Si. What if the truth will help us regain some of her memories?"

"I know." Nahilot niya ang sintido. He has been restless since yesterday. It kept him awake. Kaya masakit ang ulo niya ngayon. "I'm thinking. Just give me a little time."

There are so many things going on inside his head. Hindi na niya alam kung alin doon ang uunahin niya. He felt so stuck. Hindi niya 'yon mabigyan ng solusyon. Para siyang nakatitig sa papel kung saan unti-unting kumakalat ang natapong tinta sa tapos na niyang desinyo. He couldn't find the solution to save it.

Iniwan niya ang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad.

"Just don't repeat the same mistakes again, Thad," narinig pa niyang sabi ni Simon.

Nagpakawala siya ng buntonghininga.

I know.

Pagbalik niya ng bahay ay agad na nakita niya si Sanna sa front garden. Hindi na maalis ang tingin niya rito hanggang sa pumasok siya sa gate. Nakangiti ito habang inaayos ang mga paso ng halaman niya roon. She didn't even use a glove. Her long brown hair was tied in a loose ponytail and her hands was stained with soil. She wiped the back of her hand on her right cheek para sana punasan ang kung ano roon but instead nagka-smudge ng lupa ang pisngi nito.

He slid both his hands in the pocket of his jeans and smile. Kung hindi color paints ang nasa kamay at mukha nito ay putik. Her hands always bring colors around her.

"Thad!" Napansin siya nito at kumaway. "Ang pangit ng garden mo," sabi nito bago tumawa. "Anong nangyari kay Architect Thaddeus Bernardo Apostol at pinabayaan niya ang landscape ng garden niya?"

Natawa siya. "I'm busy," sagot niya saka lumapit dito.

"Day off mo ba ngayon?"

"I can work at home." Sumalampak siya ng upo sa tabi nito. Kinuha niya ang isa sa mga pasong nalagyan na nito ng lupa. "So, what seed did you plant in this?" aniya saka nag-angat ng tingin dito.

"Wala pa. Wala ka namang mga seeds ng halaman. Nilagyan ko lang 'yan muna ng lupa. Kaya nga tinatanong ko kung day off mo kasi papasama ako sa'yo. Let's buy plants."

"Okay," sagot niya na may ngiti.

"Okay dahil day off mo ngayon o okay dahil okay lang na ikaw ang gumastos?"

"Both."

Natawa ito sa kanya. "Bakit ang bait mo? Sa naalala ko lagi tayong nag-aaway noon dahil sobrang buraot mo. Ahm. Wait! Hindi ka buraot noong simula pero nang tumagal lumabas totoong ugali mo."

"Anong totoong ugali 'yan?"

"Hindi ka na nanlilibre saka kapag nanghihiram ako sa'yong pera sinisingil mo na ako."

Lalo siyang natawa. "Ang utang ay utang, Susanna Evangeline Rama."

"Pero 'di kaya kita sinisingil kapag may utang ka sa'kin -"

"Kasi binabayaran ko kaagad bago mo pa kalimutan."

Sandali itong napaisip. "Ay, oo nga 'no?" she chuckled.

"Hindi naman ako kagaya ng dalawa mong kuya na madalas hit and run ang ginagawa."

Natawa ulit si Sanna. "Bumabawi rin naman sila."

"Pero kapag 'di mo naman naalala 'di rin nila ipapaalala."

"Kaya nga!"

Nakangiti silang pareho nang ibaling nila ang tingin sa isa't isa. Is it still fine to hope to see that genuine smile in Sanna's face when they meet again? He failed to appreciate the love he always sees in her eyes before - the love that is only for him.

Muli niyang naramdaman ang matulis na bagay sa lalamunan niya. Bago pa man mapansin ni Sanna ang unti-unting pagtunaw ng ngiti niya ay ibinaling niya ang tingin sa paso pa ring hawak.

"I missed those days," aniya na may mapait na ngiti.

I missed those days kung saan napapangiti at napapasaya pa kita nang totoo. 'Yong mga araw na alam ko pa paano ka pahalagahan. Pakiramdam ko kasi hindi ko na alam paano 'yon gagawin ngayon... o kung may karapatan pa ako maging Thad na una mong minahal.

"Nasaktan mo ako, 'no?"

He was taken aback dahilan para maiangat niya ang tingin dito. He was afraid to see the same disappointments in her eyes that haunted him for years but she wasn't looking at him kaya 'di niya makita ang ekspresyon ng mga mata nito. May tipid na ngiti ang mga labi nito habang nakatingin sa paso na hawak.

"Pinag-connect-the-dots ko lang. Kasi sabi mo, hindi ko naman kasalanan, so malamang, kasalanan mo." Dahan-dahan nitong iniangat ang tingin sa kanya. "We only lose important people in our lives when we failed to protect them."

"Sanna..."

God, Thad!

He was trying not to break down in front of her.

"But I can wait... hanggang sa kaya mo nang i-kwento sa'kin lahat."

But damn it, he could no longer hold it. Ang bigat-bigat na nang kalooban niya. Tears welled up from his eyes. May kumawalang iyak sa bibig niya.

"Thad?"

"I-I'm sorry..." Napayuko siya. He couldn't look at her in the eyes. "Sanna... I'm sorry..."

Naramdaman niya ang init ng yakap nito na lalo lamang nagpaiyak sa kanya. Do he still deserve that understanding from her?

"Shshs, stop crying... pinapaiyak mo naman ako e."

"I'm s-sorry..." he sobbed.


BACK IN 2008

TAWANG-TAWA SI SANNA kay Thad na nasa tabi niyang umiiyak. Actually, dalawa silang umiiyak nang mga oras na 'yon habang nanonood ng A Walk To Remember. Hindi niya lang kasi in-expect na iiyak ang isang Thaddeus Bernardo sa isang romance movie.

Movie time talaga nilang apat ang Friday night kaso may biglaang band practice si Jude at nag-OT si Simon ngayon.

"Tissue?" alok pa niya rito sa box ng tissue.

"Tawang-tawa ka riyan."

"E kasi naman," natawa ulit siya, "ngayon lang kita nakitang umiyak."

Marahas na kinuha nito sa kanya ang box ng tissue at inubos lang nito ang laman nun sa pagbato sa kanya. Tawa na tuloy siya nang tawa habang isa-isa ring ibinabato pabalik ang mga nasayang na tissue rito.

"Iyakin!" asar pa niya rito.

He just stick his tongue out at her saka kumuha ng pizza sa coffee table. "Si Nicholas Sparks ang writer niyan 'di ba?" tanong nito habang ngumunguya.

"Oo. Bakit?"

He chuckled. "Ang sakit niya naman magsulat. Why do you even like those kind of stories?"

Natawa ulit siya. "Maganda naman kasi ang kwento."

"I know. I know."

Kumuha na rin siya ng isang sliced ng pizza. "Ayaw mo nang mga tragic movies?" tanong niya bago kinagatan ang pizza.

"Hindi sa ayaw ko. More like avoiding it. Malungkot na nga minsan ang buhay bakit pa tayo manonood ng mga malulungkot na movies?"

"Point taken. Pero bakit 'di ka nag-decline?"

"Because you seem to really want to watch that movie."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit tunog kasalanan ko pa?"

Malakas itong tumawa. "Wala akong sinabing ganyan and besides, it was your turn to pick a movie. Next Friday kung 'di busy ang lahat ako naman ang pipili."

"Horror naman."

"Hmm. Sige, maghahanap ako. Nga pala, uuwi ka ba sa bakasyon?"

"Hindi. Dito lang ako."

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Na naman? Last year dito ka lang din ah." Alam nito kasi nabanggit na niya minsan dito. "Hindi ka ba nami-miss ng mga magulang mo?"

Ngumiti siya. "Dumadalaw naman ako minsan saka tuwing summer break lang ako halos nakakapagpinta at hindi ko 'yon nagagawa kapag nandoon ako. May tinatapos ako ngayon. Balak kong sumali sa isang art competition sa May. Pinaghahandaan ko."

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Balak pero 'di mo binanggit sa'kin."

"Babanggitin pa lang."

"Pero kung 'di ko tinanong hindi mo rin sasabihin."

"Sasabihin ko nga." Natawa ulit siya. "Kapag na submit ko na ang form."

Pinagpag nito ang crumbs sa pantalon. "So, hindi mo pa sina-submit?"

Umiling siya. "Hindi pero nakahanda na."

"Bakit 'di pa?"

"Hindi ko pa kasi alam ano ipipinta ko."

"Painter's block?" he chuckled.

"Parang."

"O, 'di sumama ka na lang sa'min."

Namilog ang mga mata niya. "Sumama? Bakit saan kayo pupunta?"

"Ilocos."

"Ilocos?!" halos nakasigaw niyang ulit. Napakurap siya. Outside Cebu 'yon. Saka wala siyang enough budget for domestic travel. "Huwag na. Ang mahal no'n."

"Magagawan 'yan ng paraan and you need new perspective. Akong bahala."

"Wala akong budget sa ganyan."

"Hahanapan ko ngang paraan."

"Hoy, Thaddeus!"

He just grinned. "Utang 'yan. Saka mo na ako bayaran kapag nanalo ka na riyan sa art competition mo."

"Ang dami ko nang utang sa'yo."

"Nah, huwag mo na isipin masyado. Mababayaran naman 'yang mga utang basta huwag ka lang maglaho bigla."

Tawang-tawa siya. "Ako mawawala sa buhay mo? Wala akong balak."

"Babalikan ko 'yan kapag nawala ka sa buhay ko."

"O, sige ba!"

"So, okay na? Sasama ka na sa'min?"

"If you insist. Pero I think, kaya ko naman na sa ibang expenses." May naitabi pa naman siya sa mga savings niya. Kakaltasan na lamang niya nang kaunti. Napangiwi siya sa isip. Malaki naman premyo sa competition na 'yon. Mababawi ko rin 'yon. Tama! O, 'di kaya tatanggap na akong cake orders kapag weekends. "But what about Kuya Si? 'Di ba may work siya?"

"Employee of the month siya. In-approved ang leave niya ng tatlong araw plus day off na niya so may apat na araw siya in total."

"Wow!"

Natawa si Thad. "Gagawan 'yan ng paraan ni Si. Siya may gusto nitong trip na 'to. Nangangati na raw mga paa niya. Deserve niya rin naman magpahinga. Madalas 'di rin 'yon nag-di-day-off. Mukhang forced day off na 'yong nangyari sa kanya. Napaka-workaholic ng loko."

"Mukha rin naman siyang nag-e-enjoy sa experience."

"Sa sobrang enjoy lagi siyang gutom."

"Feel ko may black hole sa tiyan ni Kuya Si?"

"Bulsa nga yata ni Doraemon ang tiyan no'n."

Natawa silang pareho. "Hoy! Pero buti talaga hindi pa nagpapatayan sila Kuya Si at Jude, 'no?"

"Ang dalawang 'yan 'di mo 'yan mapaghihiwalay kahit araw-araw pa 'yan nag-aaway. Sila lang dalawa nagkakaintindihan sa mga kalokohan nila sa buhay."

"Kill joy ka nga raw kasi."

"Hindi ako kill joy."

"Seryoso."

"Well, siguro nga, pero hindi naman ako masyadong uptight."

"Naka focus ka kasi sa pag-aaral. Okay lang naman 'yan. You know how to balance studies and social life din naman kahit na hindi ka talaga 'yong sociable type like Kuya Si and Jude. Although Kuya Si is friendly but he has boundaries. Jude, he's naturally friendly, but he knows how to choose a friend and mas focus din siya sa music niya."

"Galing! Kilalang-kilala mo na kami ah."

Ngumiti siya rito. "Maliit na bagay. Ilang buwan na tayong magkakaibigan."

"E, kailan ka naman mag-o-open-up sa'min?"

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Mag-o-open-up? Mapait siyang ngumiti sa isip. Probably never - for now. Siguro after graduation. Hindi sa wala siyang tiwala sa tatlo. She trust them with all her heart, but it would be too risky to share a lot of things about her.

Dinaan niya sa tawa ang pagsagot niya. "There is nothing interesting about me."

"Ikaw lang naman yata nag-iisip niyan." Nagsalin ito ng juice sa baso nito. "Pero gaya ng sabi ko sa'yo noon. Kapag kailangan mo nang mahihingahan. Gawin mo akong oxygen tank."

"Wala kang sinabing ganyan!"

Natawa ito. "Meron, in-rephrase ko lang."

Inabot nito ang baso na may juice. Tinanggap pa rin niya kahit alam niyang 'yon ang ginamit ni Thad na baso kanina. Hindi na yata nito napansin pa. Nagsalin ulit ito ng juice sa mismong baso na niya talaga at diniretsong inom 'yon.

Napakurap siya.

Considered kiss na ba 'yon?

Hindi niya tuloy maalis ang tingin dito and she couldn't remember if ilang segundo na siyang nakatingin dito.

"Sanna?" Thad snapped a finger in front of her. "Hoy, Susanna Evangeline!" Nagitla siya at napaayos ng upo. Natawa lang si Thad sa kanya. "Tulala ka riyan?"

Napangiwi siya sa isip. Gaga ka talaga Susanna Evangeline!

"Alam kong gwapo ako -"

"Ang kapal!" Malakas itong natawa. "May naisip lang ako bigla. Pero huwag mo na pansinin."

"Alam ko, madalas ka talagang tinatanan ng isip mo."

Kumunot ang noo niya rito. "Tinatanan?"

"Oo, tinatanan."

Natawa siya. "Lol."

"Pero if wala ka pa ring mahanap na inspirasyon para sa painting mo after our Ilocos trip. Okay lang kahit ako na lang gawin mong inspirasyon." Pigil na pigil ang tawa nito habang hinuhuli ang mga mata niya.

Napamaang siya. "Wow!"

"Hindi na kita sisingilin ng talent fee. Libre ko na." Binato niya ito ng unan. Tinawanan lang siya nito. "Hoy Susanna!"

"Hoy ka rin Thaddeus!"

Huwag na huwag mo ako mabiro-biro nang ganyan Thaddeus Bernardo Apostol dahil madali akong kausap!

"Puwede mo ring pakyawin lahat ng meatroll sa canteen para mabuhay ang artistic blood mo," he chuckled. "Meatroll ang sagot."

"Oo, tapos si Kuya Si lang uubos."

"Itago mo."

"Itatago e may pagkadaga 'yon."

Lumakas lalo ang tawa ni Thad at naniningkit na mga mata. Hawak na nito ang tiyan.

"Walangya! Matindi pang-amoy ni Takeuchi."

"Kaya nga!"





NALUNON NA YATA ni Thad ang sariling hikab nang maabutang nakaabang na pala sina Jude at Simon sa ibaba ng hagdan. Itinikom na lamang niya ang bibig at napalunok.

"Ano, nasabi mo na ba?" tanong agad ni Simon nang tuluyan siyang makababa.

"Pumayag siya?" segunda agad ni Jude.

Nakasunod ang dalawa sa kanya hanggang sa kusina. Inalis niya ang takip ng pagkain para kumuha ng isang saging.

"Hoy, Thad!"

"Ano na?"

Hinarap niya ang dalawa. "Sinabi ko na," aniya habang nginunguya ang binalatang saging. Parang batang naghihintay ng candy ang mukha ng dalawa. "At..."

"At ano?" sabay pa ng dalawa.

"At hindi siya..."

"Walangya, Thad! Ano?!" Ubos na pasensiya ni Simon.

"At hindi siya tatanggi." Nagkatinginan ang dalawa bago ibinaling ang tingin sa kanya. Sa pagkakataon na 'yon ay hindi na niya napigilan ang ngisi niya. "Sasama si Sanna."

"'Yon oh!"

"Yawa ka Thad. Pinakaba mo kami."

Pinagtulungan siya ng dalawang bugbugin. Tawa lang siya nang tawa 'di naman masakit. 'Yon talaga ang plano. Ang isama si Sanna. Ikinuwento niya sa dalawa ang pagtatangka ni Sanna sa rooftop. May tiwala naman siya kina Jude at Simon. Matagal nang nakaplano ang Ilocos tour nila pero ayaw nilang iwan si Sanna na mag-isa lang sa bahay lalo na't hindi na naman ito uuwi.

Hindi naman na iba si Sanna sa kanila.

Sa nakalipas na buwan mas lalo lamang tumibay ang pagkakaibigan nilang apat. Kaya wala dapat maiwan. Kung saan sila dapat nandoon din si Sanna.

"Tama na nga!" awat na niya sa dalawa. "Aga n'yo nagising pero ni isa sa inyo walang nagluto." Ngumisi lang ang dalawa sa kanya. "Ano? Ako na naman kusinero n'yo?"

"Mas masarap ka magluto e," pagrarason pa ni Simon.

"Trabaho mong alagaan kami Thaddeus."

"Mukha mo Hudas! Isa ka pa."

Tinawanan lang siya ng pinsan niya. "Para 'tong ngayon lang. Matitiis mo ba kami?"

"Oo, matitiis ko kayong gutumin." Tinalikuran niya ang dalawa. "Magsibili kayo ng sariling pagkain sa labas."

"Thaddeus!" prolong pa ng dalawa.

"Good morning!" Nagulat siya nang pumasok si Sanna sa bahay. Nagliliwanag ang ngiti at nangingislap ang mga mata. "Thad, Kuya Si, at Kuya Jude nagluto ako ng breakfast sa bahay. Doon na kayo kumain."

Ang laki kaagad ng ngiti ni Takeuchi. "Kaya mahal na mahal kita Sanna-chan. Hindi mo ako pinapabayaan." Natawa lang si Sanna. "Bukas ba bahay n'yo? Una na ako ah."

"Sige lang, bukas 'yon."

"Ok dokie! See you."

Sa sobrang kapal ng mukha ni Takeuchi nauna pa sa bahay ni Sanna.

"Hindi na rin ako tatanggi. Pag-usapan na rin natin ang Ilocos trip nating apat." Tinapik ni Jude ang balikat niya bago naglakad sa direksyon ng pinto. "Sanna, una na ako. Ikaw na magdala kay Thaddeus sa inyo."

"Sure! Sure!"

At iniwan na rin sila ni Savio.

Nakapamot siya sa kilay. "Kapag may allowance na ako sagot ko na ang grocery mo para next month," he chuckled.

"Okay lang. Dami ko naman stocks e. Saka ako lang mag-isa." Lumapit ito sa kanya at niyakap ang isang braso niya. "Halika na. Dami kong plano para sa tour." Hinila na siya nito palabas ng bahay. "Thad, sa tingin mo ilang luggage dapat ang dadalhin ko? Madami na ba ang tatlo?"

"Hindi ka na ba uuwi?"

Tawang-tawa ito. "Uuwi! Pero, 'di ko alam anong mga dadalhin ko."

"Kung kaya mo ipasok buong bahay mo sa bag. Consider your problem solved."

"Loko ka! Paano ko 'yon gagawin?"

"Well, consider your problem not solved."

"Alam mo Thaddeus -"

He tried to suppress his smile but failed. "Alam ko Susanna," he chuckled. Nagusot ang mukha nito at parang batang ngumuso. "Shit!" mura niya nang apakan nito ang paa niya at pinalo pa siya sa braso. Pinanlakihan niya ng mga mata si Sanna. "Susanna Evangeline!" Yawa, ang sakit!

She stick her tongue out. "Bad morning for you, Apostol!" Saka siya nilayasan.

Imbes na mainis ay natawa lang. Tang'na! Ang sakit pa rin ng mga daliri niya sa paa. Na realize niyang bakya pala ang suot na sandals ni Sanna. 'Di mas dama ang sakit.

"Pinanganak yata akong alagaan ang mga batang 'to." Napailing na lamang siya. "Ah, ewan! Makakain na nga."

Masarap pa naman magluto si Sanna.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro