Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 55


MARCH 28, 2021

Inilapag ni Thad ang bugkos ng mga puting daisies sa malaking puno kung saan nakita niya ang libingan ni Sanna. The gravestone no longer exist but flowers started growing in the exact location of her grave.

He often visits the old Rama mansion in Samboan. May dalawa siyang dahilan kung bakit bumabalik siya ng Samboan. Una, para tignan na hindi na muli magiging libingan 'yon ng kanyang mag-ina. Pangalawa, nagbabakasali siyang baka sa lugar na 'yon magkita ulit sila. Pero sa dalawang buwan na lumipas, mag-isa pa rin siyang bumabalik sa Faro.

At sa ilang ulit na balik niya sa mansion ng mga Rama ay hindi siya pinalad na makita ang may-ari ng bahay. Ang sabi ng caretaker ay ipinabebenta na raw ng may-ari dahil hindi na babalik ng Pilipinas. Tinanong niya rin si Mang Danilo kung kilala nito si Innocentia Talaid at ang sagot nito ay oo pero matagal na raw na hindi dumadalaw ang babae sa Samboan.

Nakita nila noon si Innocentia dahil dinadalaw nito ang libingan ni Sanna pero dahil nabago na 'yon. Malabo na ring bumalik doon ang matandang babae.

"I remember my mother's favorite quote from Lady Bird Johnson." Naibaling ni Thad ang tingin sa tabi, it was Iesus. "She always mention it kaya natatandaan ko na." Iesus chuckled. Dumiretso ang tingin nito sa mga bulaklak sa dating libingan ni Sanna. "Where flowers bloom, so does hope." Nakangiting ibinaling ni Iesus ang tingin sa kanya saka marahang tinapik ang balikat niya.

Napangiti si Thad. "I miss them."

"I'm sure they misses you too."

Ilang segundo silang binati ng katahimikan. Ang marahang hampas ng hangin sa mga dahon ng puno ang tanging bumabasag sa katahimikan. Thad took that chance to look around. Maaliwalas ang mundo, asul na asul ang kalangitan at maulap. Buhay na buhay rin ang kulay ng mga dahon at puno sa kanilang paligid. Pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay napakakalmado ng mundo at walang iniisip na problema.

He had been seeing the same skies and bright colors ever since Sanna and Art left. Kahit na miss na miss na niya ang mag-ina niya pero lagi paring maganda ang mundo sa kanyang paningin.

"Sus," basag ni Thad.

"Hmm?"

Ibinalik ni Thad ang tingin kay Iesus. Namimilog ang mga mata nito at marahang nililipad ng hangin ang may kahabaan nitong buhok. Pansin din niya ang malamlam na kulay asul na mga mata nito. In normal days, it's darker and mysterious. Pero mukhang kalmado ngayon si Iesus.

"How did you save Sanna?"

"I don't know if it was fate or luck. I'd like to think both." Iesus paused. "I'm glad I got there on time. Tinandaan ko ang sinabi mo sa'kin. Ang bawat detalye ng natitirang segundo bago niya ginawa ang bagay na 'yon."

"You found her inside Loraine's room?"

Tumango si Iesus. "Naabutan ko siyang nakatanaw sa paligid mula sa bukas na bintana. May ngiti sa labi pero lumuluha ang mga mata."

Kahit hindi siya mismo ang nandoon ay ramdam niya ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Sanna nang mga oras na 'yon. He wasn't there when she needed him the most. Kaya hindi niya masisisi si Sanna kung inisip nitong wala nang natitirang taong nagmamahal sa kanya.

"Dumating ang sasakyan ng mga magulang niya," Iesus continued. "Hindi lang ako nakapansin. Pati na rin si Sanna kaya mabilis niyang isinarado ang bintana. I knew I have no time left. I have to take the risk. I have to trust Sanna that she'll make a better choice this time."

"Paano?"

Naglapat ang mga labi ni Iesus na unti-unti ring naging isang tipid na ngiti.

"When the right time comes, Thad, you will know. She will tell you herself. But for now, let us allow things to grow and bloom in their own perfect time."




KAKAUWI LANG NI Thad, ginabi na nga sila ni Iesus. Pero dumiretso na si Iesus sa bahay nito dahil may gagawin pa raw ito. Dumiretso na rin siya sa Forest Groove Block para puntahan ang dalawa dahil nga sabi ni Simon mag-iinuman daw sila ngayong gabi. Himala na makikipag-inuman ito sa mismong lugar nito at hindi sa bahay niya.

Nang makarating siya ay naabutan niya sina Jude at Simon na magkatulong na inaayos ang malaking tent sa loob mismo ng lote ng lupa ni Simon.

"Anong klaseng trip 'to?" natatawang tanong niya sa dalawa.

May bonfire at tatlong camping chairs 'di kalayuan sa apoy. May foldable table din kung saan nakalapag ang mga inihaw na bbq at mga seafoods. May apat nang ubos na canned beers kasama ng mga pagkain.

Pagdating sa inuman, nantatraydor talaga ang dalawang 'to. Ano pa bang bago?

Katabi ng mesa, mga dalawang hakbang lang ang layo ay ang griller na umuusok pa rin hanggang ngayon. Maliwanag naman sa lugar dahil pinalagyan muna ni Simon ng temporary lamp post ang loob ng bahay para maliwanag sa gabi.

Lumapit si Thad sa mesa at kumuha ng isang stick ng bbq.

"Sino may birthday?" tanong ni Thad habang ngumunguya.

"Walang may birthday pero sumahod ako ngayon kaya sagot ko na," nakangising sagot sa kanya ni Simon.

Tawang-tawa naman si Jude. "Gago!"

Thad chuckled. "Sinasaharon mo sarili mo?"

Natapos na rin ang dalawa sa kung anong ginagawa ng mga ito sa malaking tent. Parehong lumapit sa kanya sina Jude at Simon.

"Grabe! Masama bang sahuran ko sarili ko? Mas malaki pa nga sahod ng mga managers ko kaysa sa'kin. Pambigas at pang-gas ko lang sa motor kinukuha ko."

Umakbay si Jude kay Simon. "Puwedeng mag-apply?"

"Huwag ka nang magtangka, Savio."

Lumakas lalo ang tawa nilang magpinsan. Kahit siya ay hindi papangarapin i-hire sa trabaho ang isang Jude Asrael Savio. Jude could be an asset to his company but he's lazy in other things not related to music. Lahat ng lakas ni Jude nasa musika. He should just make music.

"Ah nga pala." Lumayo si Jude kay Simon at binalikan ang tent. Paluhod na ipinasok nito ang kalahati ng katawan sa loob. "May ibibigay pala ako."

"Ano naman?"

Napatingin si Thad kay Simon.

"You'll know," nakangiting sagot ni Simon.

Lumapit ulit si Jude na may hawak nang portrait size parcel. Naka-wrap ang bagay na 'yon sa isang brown paper. Canvas ang tingin niyang laman no'n. Wala lang. 'Yon lang ang pumapasok sa isipan niyang nakalagay roon.

"It took a while pero sana magustuhan mo. Medyo kinakalawang na mga kamay ko, but I'm satisfied with my work." Nakangiting inabot ni Jude sa kanya ang regalo.

Tinignan niya ang dalawa. Natatawa siya. Mukhang mas excited pa sa kanya na buksan ang regalo ni Jude sa kanya.

"Sinasabi ko sa inyo, wala akong pera," biro pa niya. "Madami akong bayarin ngayon."

"Huwag kang mag-alala. Mayaman ako," pagmamayabang pa ni Jude. "Sa sobrang yaman ko hindi ko na alam kung ano pa ang bibilhin ko."

"Send ko na ba sa'yo listahan ng mga materyales na kailangan ko para masimulan na ang bahay ko?" nakangising singit ni Simon. "May labor costing na rin ako."

"Gago! Mag-isa ka."

Ang lakas ng tawa ni Simon. "Baka lang naman gusto mo akong idagdag sa problema mo." Sinimulan naman ni Thad tanggalin ang nakabalot na papel. Natatawa lang siya habang pinapakinggan ang dalawa.

"May asawa at dalawang anak na ako, Takeuchi. Mag-asawa ka na rin para magawa mo 'tong bahay na 'to."

"Hindi ba puwedeng itayo ang bahay ko na walang asawa?"

"Hindi puwede basta ikaw -"

Tuluyan nang natanggal ni Thad ang hawak mula sa pagkakabalot. Natigilan siya sa nakangiting mga mukha na bumungad sa kanya. It was a portrait painting of him with Sanna and Art. Ito ang kuha ni Jam sa kanila noong kasal ni Balti.

Thad gulped to ease the heavy feeling growing in his chest. Miss na miss na niya ang mag-ina niya. The intensity of his longing intensified after seeing Jude's painting of his family. Hindi niya napigilan ang mapaluha at mapangiti.

"Salamat," aniya, habang pinupunasan ang mga luha.

Inakbayan siya ng dalawa at ginulo pa ang kanyang buhok. But Thad didn't mind. He couldn't take away his eyes off from the painting. Pinadaanan pa niya ng daliri ang linya ng mukha ng asawa at anak.

Every photo of him with Sanna and Art vanished. Kapag tinitignan niya ang mga larawan nila ngayon ay para bang hindi talaga niya nakasama ang mag-ina niya. Naging bakanteng papel ang mga inipon niyang drawings ni Art. His 49 days with Sanna and Art now become a memory.

"All things fade but art stays," nakangiting sabi ni Jude.

"Hindi lang ikaw ang naghihintay sa kanila, Thad," dagdag ni Simon. "Kasama mo kaming naghihintay sa pag-uwi nila Sanna at Art."

"Salamat."

Pumagitna sa kanila si Simon at niyakap sila. "Sama-sama tayong magdudusa." Nasira ang mukha ni Jude. Tawang-tawa naman si Thad.

"Yawa, Simon!" reklamo ni Jude. "Nandamay ka pa."

"Seryoso, mahal na mahal ko talaga kayo!"

Pareho silang kinilabutan ni Jude sa sinabi ni Simon. Akmang lalayo silang magpinsan nang higpitan ni Simon ang pagkakayakap sa kanila - pinanggigilan pa nga sila.

"Tang'na n'yo naman. Pangit n'yo ka bonding. Hindi na nga ako mahal no'ng isa. Pati ba naman kayo?"

Ngumisi si Jude. "Sino ba 'yan? Tao ba 'yan? Kilala namin? Laging nandito kapag may ikakasal?"

"Gago!"

Ang lakas ng tawa nila Thad at Jude.

"Sige, samahan mo akong tumandang binata," biro pa ni Thad kay Simon.

Simon grimaced. "Mas gusto kong tumanda na kasama siya."

"Woah!" Napahawak si Jude sa bibig sa pagkamangha. "Langya! Ibang klase. Ang lakas ng loob pero torpe. Alam mo, kung ako sa'yo. Agawin mo na. Lupa nga naagaw. Tao pa kaya." Marahas na itinulak na ito ni Simon. Lumakas lang lalo ang tawa ni Jude - mapang-asar pa.

"Huwag mo kong igaya sa'yo. Mabait ako."

"Mabait din naman ako ah."

"Oo, kapag tulog," dugtong ni Thad.

"Yawa kayo!"

"Isusumbong kita kay Mari."

"Sige para magsama-sama na naman tayo sa bahay ni Thaddeus."

"Ang gulo n'yong dalawa. Ang tatanda n'yo na pero sa'kin pa rin kayo natutulog."

"Wala pa akong bahay, Arki!"

"Edi ipatayo mo na."

"Pagsabihan mo muna 'yang Hapon mo na kaibigan na busalan niya ang bibig niya. Kaya ako napapalayas ni Mari dahil sa kadaldalan ng gago. Siya naman umuubos ng stocks ko sa bahay."

"Inuubos ko para hindi mapansin ni Mari na nag-hoard ka na naman."

"Edi wow!"

Nahilot na lamang ni Thad ang noo, napapailing, at natatawa. "Sige, mag-away pa kayo hanggang sa sikatan tayo ng araw rito."

"Matutulog ako ngayon. Puwede nang duyan ang eyebags ko," may asar na sagot ni Simon nang hindi tinitignan si Thad. Masama at nagsusubukan pa rin ng tingin sina Jude at Simon.

"Mabuti pa nga. Malapit ko nang sabitan ng gitara ang mata mo."

"Hudas!"

"Panda!"

"Hindi mo kamukha ang kambal!"

"Oo, dahil kamukha sila ng asawa ko -"

Natigil lang ang dalawa nang sumilip ang ulo ni Andrew sa nakaawang na gate. Kahit si Thad ay nagulat. Halos magkadikit ang makapal na kilay nito. Kulot na kulot din ang buhok at mukhang bagong ligo.

Andrew cleared his throat. Lalo lang sumeryoso ang mukha nito. "Are you sleeping here tonight?" seryosong tanong nito.

Nagkatinginan sina Thad, Jude, at Simon. Sabay silang tumango na tatlo.

"Uulan mamaya. You might want to think about it first."

Unang naingat ni Thad ang tingin sa kalangitan. Naramdaman niyang sumunod ang dalawa. Kumunot ang noo ni Thad. Mukha namang hindi uulan. Kitang-kita ang buwan at may mga bituin pa. Medyo maulap nga lang.

Ibinalik ni Thad ang tingin kay Drew na nakasilip pa rin ang ulo sa frame ng gate. "Mukhang hindi naman."

"Tinext ka ba ng PAGASA, Drew?" may asar pang tanong ni Simon kay Drew.

Tawang-tawa naman si Jude. "Gutom lang 'yan. Halika, may bbq kami rito saka isaw. Ano bang gusto mo?"

"Huwag na. Busog ako. Bye." Biglang nawala si Drew. Pero saglit lang dahil bumalik ito at tuluyan nang lumapit sa kanila. "May hotdog ba kayo na nilagyan ng ketchup?"

Napakurap silang tatlo pero tumango pa rin. Sabay pa nilang itinuro ang yellow na tupperware kung na saan ang naihaw na.

"May pusô rin kami," dagdag ni Simon. "Baka gusto mo."

Tumango si Drew saka inangat ang takip ng tupperware. Nilagyan nito ng pusô ang tupperware saka ibinalik ang takip.

"Kunin ko na 'to." Inangat ni Drew ang tingin sa kanilang tatlo. Wala pa ring ka ngiti-ngiti. "Did you guys eat?"

Alam nilang pareho na hindi pa pero tumango pa rin sila kay Drew. Drew's voice is deep and authoritative. Kahit sino ay hindi makaka-hindi rito. Maliban na lang siguro kina Sep, Juan, at Iesus.

"Thanks." Tinalikuran silang tatlo ni Drew at direstong naglakad sa gate. Gumalaw silang tatlo pero naistatwa ulit nang lumingon si Andrew. "I'm serious. Uulan." 'Yon lang at tuluyan na itong lumabas tangay ang yellow tupperware nila.

Sabay silang napabuga ng hangin na tatlo.

"Yawa!" mura ni Jude.

Tawang-tawa naman sila nang makahuma. Parang ngayon lang ulit sila makakagalaw nang maayos at makakahinga nang maluwag.

"Hindi ko talaga masisisi si Kap kung bakit mas gusto pa niyang harapin ang bagyong hatid ng kalikasan kaysa bagyong hatid ni Andrew," singit ni Simon.

"Pero hindi mo naisip na dinala ni Andrew lahat ng inihaw nating pagkain?"

Napa-isip si Simon nang ilang segundo bago mapamura. "Yawa ka diha!" Tawang-tawa sina Thad at Jude. "Ataya, bai. Habulin n'yo nga 'yon."

"Huwag na. Naibigay na nat -" Hindi natapos ni Thad ang sasabihin nang maramdaman niya ang malalaking patak ng ulan sa mukha. Naiangat niya ang mukha sa kalangitan at biglang lumakas ang ambon. "Shit!"

"Umuulan!" sigaw ni Jude.

Mabilis na pumasok si Thad sa loob ng tent. Hindi puwedeng mabasa ang painting na gawa ni Jude. Yakap-yakap niya 'yon sa loob, tawa pa rin nang tawa. Nakikita pa rin naman niya ang dalawa sa labas dahil kalahati lang ng katawan niya ang nasa loob. Mababasa ang paa niya kapag lumakas pa lalo ang ulan.

Tangina, paano nalaman ni Drew na uulan?

"Woah! Daebak! Dokkaebi ba si Andeng?"

Tawang-tawa si Jude. "Gago, Hapon ka. Hindi ka Koryano."

Ang laki ng ngisi ni Simon. "Ito na ang tamang panahon para i-donate ko si Andeng sa PAGASA."

Lalong lumakas ang tawa nilang tatlo.

"Sa magkanong halaga ba?" sakay pa ni Jude. "Baka puwede tayong maghatian diyan?"

"Gago!" aniya, sumasakit na ang tiyan kakatawa.

"Itanong ko muna. Balikan kita."



NAGISING SI THAD sa sunod-sunod na tunog ng doorbell mula sa gate ng bahay niya. Kinukusot pa niya ang mga mata habang pababa siya. Ayaw pa rin tumigil ng pag-do-doorbell sa labas. Hindi na niya inaasahan na mauuna pa si Simon sa pagbukas ng pinto. Kapag tulog 'yon, hindi 'yon nagigising hanggat hindi sariling kusa nito.

"Teka lang!" sigaw na niya. "Palabas na."

Nasa may sala na siya.

Wala siyang ibang maisip na gigising sa kanya nang mga oras na 'yon kundi mga kaibigan lang niya. It was still past five in the morning nang masilip niya ang orasan sa mesita bago siya bumaba. May liwanag na sa labas pero hindi pa kumakalat sa buong paligid.

Tunog pa rin nang tunog ang doorbell. Naiirita na siya. Wala namang sumasagot mula sa labas.

"Bubuksan na!"

Thad unlocked the door saka pinihit pabukas ang pinto. Dirediretso siyang naglakad sa gate at 'yon naman ang binuksan pero nang makalabas siya ay malamig na hangin ang bumungad sa kanya. Natulala si Thad. Walang tao. Bigla siyang kinilabutan. Tuluyan na siyang nagising nang mga oras na 'yon. Pagtingin niya sa paligid ay wala rin siyang mamataan na naglalakad sa malapit. Tahimik pa ang buong Faro.

Muling umihip ang kakaibang lamig na hangin. Sumasama sa hangin ang tunog ng bell. Naipikit niya ang mga mata. Pinapakinggan niya kung saan galing ang tunog. Mayamaya pa ay biglang lumakas ang tunog. Halos mabingi ang kanang tainga niya. Doon niya naimulat ang mga mata. Agad din siyang napahawak sa kanyang tainga pagkatapos.

Ano 'yon?

Muling naigala ni Thad ang tingin sa paligid. Wala pa ring tao. Pero ramdam niya ang mabigat na puwersa na nagtutulak sa kanyang tumingin sa kanyang mga paa. He followed his instinct at laking gulat niya sa kung anong nakita.

The vintage watch.



KINALKAL NI THAD ang mga archive files niya sa opisina niya sa bahay. Nabuksan na niya halos ng mga drawers niya at inisa-isa niya ang mga lumang drawings na naitago niya. Alam niyang naitago niya ang sketch ng misteryosong bata na ginawa niya noon. He needed to see it again to confirm his assumption. Hindi siya matatahimik.

He witnessed it with his own eyes. Iniwan nilang dalawa ni Iesus ang relo sa loob ng parola bago sila bumalik sa timeline nila. Kaya sino ang nagbalik ng lumang relo sa kanya? At bakit ibinalik 'yon sa kanya?

Dinala na niya ang mga expanded folders, envelopes at ilan sa mga file organizer niya at inilapag 'yon sa sahig. Itinaas niya ang sleeves ng suot na itim na sweatshirt hanggang siko saka sumalampak ng upo sa sahig.

Ramdam ni Thad ang pagkunot ng kanyang noo at namumuong pawis sa mukha. Wala siyang ibang maisip kundi ang misteryosong batang lalaki at matanda na kumuha sa relo nang araw na 'yon. Malakas ang kutob niya iisa lang ang dalawa.

Nang iangat niya ang isang folder ay may dumalas na bond paper mula roon. Mukha agad ng batang lalaki na hinahanap niya ang humarap sa kanya nang tuluyan itong lumapat sa sahig. Napalunok siya at napakurap sa sobrang pagkamangha sa na diskubre niya. Kinuha niya ang sketch ng batang lalaki at tinitigan 'yon nang mabuti.

Damn! The mysterious boy I saw at the lighthouse was the same boy in Mari's past. Ang batang involved din sa missing item ni Jude. Si Niño.




"SOMEONE PRETENDED TO be Iesus but when your time traveled in the same time; in the same hour before Nicholas left the vintage watch at the lighthouse you didn't see Iesus, rather, you saw a little boy who resembled Niño. Ang batang lalaki na inalagaan ng ina ni Mari noon at nagbigay ng music box ," Balti recalled.

Lahat sila ay nasa library ni Iesus. Even Andrew and Jameson na laging wala sa Faro ay kasama nila nang mga oras na 'yon.

"Pumasok ang batang 'yon sa parola pero naging matandang lalaki nang lumabas ito," dagdag ni Thad. "Here." Inilapag niya sa center table ang ginuhit niyang mukha ng matandang lalaki. Sinilip naman ng mga kasamahan niya ang mukha ng matanda. "I made a sketch of the old man in the lighthouse. Siya ang kumuha ng relo. I remember he has holding a faded yellow styrofoam ice bucket. Sa naalala ko ay may nakasulat na salita roon pero HERB lang ang nabasa ko -"

"Herb?" ulit ni Balti, kunot na kunot ang noo nito. "Matandang lalaki." Sumeryoso ang mukha ni Balti. "I think I need to confirm something." Kinuha nito ang sketch. "Pahiram muna." Inilabas ni Balti ang cellphone mula sa bulsa at kinunan ng picture ang hawak na sketch. "I'll send this to Niña. Siya lang nakakaalam sa mukha ng matanda na nagbigay ng gayuma sa kanya. But I remember she did mention na kulot ang matandang lalaki."

Kinuha naman ni Andrew ang sketch mula sa kamay ni Balti.

Lahat sila ay seryoso at naghihintay rin sa magiging sagot ni Niña. Hindi alam ni Thad kung imahinasyon lang niya na naririnig na rin niya bawat galaw ng kamay ng orasan mula sa grandfather's clock ni Iesus sa library. There is a growing tension hanging around the 13 of them. Bumibigat lalo sa tuwing lilipas ang segundo.

Umilaw muli ang screen ng cellphone ni Balti. Lahat sila napatingin dito. Nasundan ni Thad ang pagkunot ng noo ni Balti hanggang sa ibaling nito ang tingin sa kanila.

"Confirmed," basag ni Balti.

"He's the same old man?" kompirmang tanong ni Simon.

Tumango si Balti. "Siya ang matandang lalaki na nagbigay ng gayuma kay Niña sa labas ng parola."





INABOT NI THAD ang maliit na wooden box na naglalaman ng vintage watch kay Iesus. Sinadya niyang magpaiwan para maibigay 'yon kay Iesus.

"This is yours now," aniya.

Tinanggap ni Iesus ang kahon. "It's still yours, but I'll keep it for now." Tipid itong ngumiti sa kanya. "Thanks."

"So, anong plano mo ngayon?"

"Sumabay lang sa alon hanggang sa makarating sa dalampasigan."

"Sa tingin ko ay malaki ang koneksyon ng misteryosong bata at matanda sa lolo mo noon. Baka may mahanap ka ulit sa mga gamit niya."

"Sana nga."

Tinapik ni Thad sa balikat si Iesus. Natigilan lang siya when he noticed Iesus' flinched and grimaced a little pero sa bilis nitong makahuma ay parang hindi naman 'yong nangyari. Dahan-dahan na lamang inalis ni Thad ang kamay sa kaliwang balikat ni Iesus.

"Okay ka lang Sus?" hindi mapigilang tanong niya.

Inosente lang ang tingin ni Iesus sa kanya pero hindi niya maalo ang isip. "Hmm?" Hindi siya komportable sa nakita niya kanina. "Ayos lang ako. Bakit mo pala naitanong?"

"Wala. Wala naman." Ibinalik niya ang ngiti kay Iesus kahit na hindi pa rin siya napapanatag sa loob. "Anyway, in case you need help. Sabihan mo lang ako. I owe you my life."

"Wala akong balak maningil pero salamat. Don't worry about me. I'll be fine." Tipid na lamang na ngumiti si Thad. "Ah nga pala, may sasabihin ka pa ba?"

"Ha?"

"Aakyat na sana ako. Naalala kong kailangan kong tawagan ang tatay ko. Kung wala ka nang sasabihin, maiwan na muna kita rito."

"Sure. Walang problema. Aalis na rin naman ako. Sabay na tayong lumabas." Magkaagapay silang dalawa na lumabas ng library. "Mukhang busy ka ngayon ah."

"I'm checking dDLand's building projects. Madaming delays ngayon kumpara noong isang taon. I remember, may naka schedule na meeting tayo sa Thursday, tama ba?"

Thad nodded. "Oo, presentation ng revised interior layout ng 1BR at 2BR ng first tower sa de Dios Bay."

"Kinukulit na rin ako ng tatay ko tungkol diyan." Napakamot si Iesus sa noo at natawa na lang. Pero pansin ni Thad ang pagod sa tawa na 'yon ni Iesus. Bumuntonghininga ito pagkatapos. "Is everything good? Nasunod naman ba lahat ng comments na ibinigay ng team ng de Dios sa interior? Baka may nakaligtaan silang sabihin. Sabihan mo lang ako."

"No, it's fine. We made sure everything is clear before we did the revision."

"I see. That's good. Thanks, Thad."

"Welcome, Sus."

Huminto silang dalawa sa may paanan ng hagdanan.

"I'll leave you here. If you have questions, tawagan mo lang ako." Tumango si Thad kay Iesus. "Akyat na ako." Tinalikuran na siya ni Iesus at tuluyan nang umakyat sa itaas.

Akmang aalis na siya nang lumabas mula sa kusina si Amora. May hawak itong mop at timba na may lamang tubig na mukhang hinaluaan nito ng detergent powder.

"Kayo na lang po ba ang natira, Sir Thad?" tanong ni Amora sa kanya nang makalapit.

Thad nodded. "Oo, may pinag-usapan lang kami ni Iesus. Ah, nga pala, may napapansin ka bang kakaiba kay Iesus?"

Kumunot ang noo ni Amora. "Kakaiba? Parang lagi namang weird 'yong si Boss." Natawa ito pagkatapos. "Bakit n'yo po naitanong?"

Napakamot si Thad batok. "Wala naman. Napansin ko lang na medyo pagod siya."

"Ahhh." Tumango-tango si Amora. "Pansin ko nga rin po. Pero naitanong ko na rin 'yan kay Boss. Lagi lang niyang sinasabi na busy siya sa trabaho."

"Kumakain ba siya sa oras?"

"Ayon nga po ang problema. Hindi niya kinakain mga luto ko. Pangit daw lasa." Sumimangot si Amora. Natawa naman si Thad. "The audacity ng Boss kong burgis. Kahit ako ay hindi ko rin kakainin ang luto ko." Natawa si Amora pagkatapos.

Thad chuckled. "Tumawag ka na lang sa Noah's Ark. May delivery naman sila."

"Sige po, Sir Thad."

"Mauna na ako."

Iniwan na niya si Amora at tuluyan nang lumabas ng bahay. Pagkalabas niya ay naabutan ni Thad sina Tor, Jude at Balti sa may water fountain. Sabay na napatingin ang tatlo sa kanya. Nagtataka man ay lumapit siya sa tatlo.

"Akala ko umalis na kayo," basag niya nang makalapit. "Hinintay n'yo ba ako?"

"May napag-usapan lang kami," sagot ni Jude.

"Mabuti pa na pag-usapan natin habang naglalakad," suhestiyon ni Balti. Tumango sina Thad, Jude, at Tor. Magkaagapay na naglakad sila pababa. "Ibinalik mo kay Iesus ang missing item?" tanong ni Balti mayamaya.

Tumango si Thad.

Rinig na rinig sa paligid ang huni ng mga ibon. Sumasama sa mabining hampas ng hangin sa mga dahon ng puno. Hindi mainit ang panahon kahit alas diez na ng umaga. Maaliwalas ang paligid pero maulap at mahangin.

"He's still the rightful keeper of those items. I don't think I would need it anytime soon," sagot ni Thad. "Hopefully, hindi ko na gagamitin."

"Nagtataka lang ako kung bakit wala talaga tayong mahanap na detalye tungkol kay Thaddeus de Alonso," salita ni Jude. "Unlike sa ating tatlo, kay Tor, sa'kin, at sa'yo rin Balti. Alam natin ang nangyari sa buhay natin bago tayo sumampa sa barko."

"I tried looking into Thad's past," singit ni Tor. All eyes and ears were on him now. "Wala akong makita bukod sa isang thrift shop kung saan nakikita ko sina Thad, Sanna, at Art na nagtatawanan at naghahabulan. But I heard a ringing of a bell."

Kumunot ang noo ni Thad sa huling sinabi ni Tor. He remembered the sound of a bell before he found the vintage watch.

"Wala kang nabanggit tungkol sa bell," baling ni Thad kay Tor.

"I ignored it, akala ko wala lang 'yon. Pero simula nang silipin ko ang nakaraan. Hindi na ako pinapatahimik ng tunog na 'yon. I don't like the sound of it."

"Hindi ba tragic ang nakaraan ni Thad?" dagdag na tanong ni Jude.

"Wala akong makita."

"Posible na kasama ni Thad ang mag-ina niya noong sumampa siya ng barko," singit ni Balti. "Hindi nga lang natin alam kung ano ang dahilan. Kung napapansin n'yo, kahit na may nasisilip si Tor sa dati nating buhay. Hindi pa rin niya makita nang buo. Lalong lalo na ang kay Iesus. Nakakapasok lang siya sa isip natin kapag nagpakita na ang missing item at napasakamay na nang tunay na may-ari."

"Nagiging susi yata ang missing item natin," dagdag ni Jude.

"At mukhang hindi lang ang parola ang misteryoso sa Faro." Huminto sila sa paglalakad, siguro mga pitong hakbang mula sa gate ng mansion ni Iesus. Natuon ang atensyon nilang tatlo kay Balti. Walang kangiti-ngiti ito. "Kasama na rin ang batang lalaki na nakilala ng nanay ni Mari at ang matandang lalaki na nagbigay ng gayuma kay Niña. Malinaw rin na ang dalawang 'yon ay involve sa missing item na lumabas sa'kin at kay Jude."

"Hindi kaya iisa lang sila?" tanong ni Jude.

"Maari," sagot ni Balti. "At sa tingin ko rin, binabantayan nila si Iesus."

Lumakas ang tunog ng hampas ng hangin sa mga dahon ng puno. Nagsilabasan mula sa puno ang mga ibon. Nasundan pa ni Thad ang paglipad ng mga ibon sa direksyon ng parola. Malinaw pa rin ang parola sa puwesto nila at kitang-kita niya ang pag-ikot ng mga ibon sa tuktok ng parola. Ramdam niya ang kilabot at pananaas ng balahibo sa nasaksihan.

Alam niyang hindi pa nagtatapos sa kanya ang misteryong bumabalot sa Faro de Amoré.



FOUR MONTHS

EIGHT DAYS

Pero pakiramdam ni Thad ay apat na taon na ang lumipas simula nang umalis sina Sanna at Art. Sa tuwing gumigising siya sa umaga ay napapatingin siya sa parte ng kama kung saan laging natutulog ang kanyang mag-ina pero wala pa ring umuokopa no'n hanggang ngayon.

Itinigil ni Thad ang ginagawa sa harapan ng laptop niya sa kanyang opisina. Kakatapos lang ng meeting niya para sa umagang 'yon. Nire-review lang niya kanina ang nasa minutes of the meeting kanina para alam niya kung anong gagawin niya.

Inabot niya ang cellphone at tinignan ang wallpaper nilang tatlo. He took a photo of Jude's painting at ginawa niyang wallpaper sa cellphone. It's the only picture he have of them. Sa kuwarto niya isinabit ang painting na 'yon.

Napangiti si Thad habang tinitignan ang mukha ng kanyang mag-ina. "Miss na miss ko na kayong dalawa."

Mayamaya pa ay narinig niya ang pagkatok mula sa labas ng pinto. Umayos si Thad ng upo at itinabi muna ang cellphone.

"Bukas 'yan," sagot niya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakangising si Simon. Naisandal ni Thad ang isang siko sa mesa para saluhin ang kalahati ng kanyang mukha.

"Ano namang problemang hatid mo ngayon?" basag niya agad dito.

Natawa si Simon. "Kalma, Arki. Ako lang 'to, ang guwapo mong kaibigan na engineer." Lumapit ito at inilapag sa harapan niya ang isang nude color envelope. "Ibinigay 'yan sa'kin ng isang client ko mahilig sa mga art exhibits. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan. Sa'yo na lang."

"I'm busy."

"Talaga ba? I checked your schedule today. Wala ka namang importanteng meeting mamayang hapon."

Kumunot ang noo ni Thad kay Simon. "Wala ba?" Umayos ulit siya ng upo at hinagilap ang iPad niya. Hinanap niya ang calendar niya.

"Opo, sabi ng secretary mo, free ka mamayang hapon. Ikaw na um-attend. Sayang naman. Balita ko magaganda mga paintings na kasama sa exhibit."

Vacant nga halos ang oras niya ngayon hapon. "That's weird. Ngayon lang yata ako nabakante bigla. Wala ba talaga akong meeting ngayong araw?"

"Trust me, wala."

Marahas na inangat ni Thad ang mukha kay Simon. "Bakit mas sigurado ka pa kaysa sa'kin?"

Natawa si Simon. "C'mon, Thad. Papatayin mo na ang sarili mo kakatrabaho. Ayaw kong magkaroon ng zombie na landlord. Matatakutin ako. Kaya bago ka pa tuluyang kainin ng kadiliman. Huwag ka na pumasok mamayang hapon at puntahan mo na 'tong art exhibit."

"Sino ba artist nito?"

Simon shrugged his shoulders. "Hindi ko alam. Madami e. Pero may lahing Pinoy halos. Hindi ko na inisa-isa ang pangalan. Malay mo, isa riyan si Sanna." Natigilan si Thad sa huling sinabi ni Simon. "Hindi ko nakita ang pangalan niya pero mukhang ang iba riyan hindi totoong pangalan ang gamit."

Napatitig si Thad kay Simon.

"I know you've been attending art exhibits," pag-aamin ni Simon. "Ako rin minsan, gusto ko. Pero hindi ako kasing lakas mo, Thad. Ayaw kong umuwi na hindi ko nakikita ang dalawa." Simon smiled. "Naniniwala ako na isa sa mga art events na 'yan. Makikita mo na rin ang mag-ina mo."

Ramdam ni Thad ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Kaya bago pa siya maiyak ay idinaan niya na sa tawa at pagmumura.

"Gago!"

Lumakas lang ang tawa ni Simon. "Kaya mo na 'yan. Puntahan mo 'yan mamaya. Kapag nakita pa rin kita rito sa opisina mo mamaya, bubugbugin talaga kitang gago ka."

Lalong natawa si Thad. "Ewan ko sa'yo."

"Hindi ako nagbibiro. Pagbabanta 'yan." Tawang-tawa pa rin si Simon nang tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa ng pantalon nito. "Teka lang."

Hinugot nito ang cellphone mula sa bulsa at may kung anong kinutingting sa screen. Mayamaya pa ay nakangiti nito. Mukhang may nabasa itong mensahe na alam niyang hindi related sa trabaho. Otherwise, kukunot na ang noo nitong si Takeuchi.

"Sino 'yan?" usisa ni Thad.

"Si LV," nakangiting sagot ni Simon. Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa. "Tinatanong kung anong oras ako pupunta sa Wedding Invision mamaya."

"Kayo na ba?"

"Gago! Magkaibigan lang kami."

Natawa si Thad. Hindi niya rin maiwasang pagtaasan ng kilay si Simon. "Kaibigan lang? Sila pa rin ba ng fiancé niya?"

"Hindi na. Naghiwalay na."

"Oh."

I didn't expect that though. Kaya pala masaya lagi 'tong si Takeuchi. May pag-asa na ulit. Huwag lang maging torpe.

"Mahabang kuwento. Saka sa'min na muna 'yon."

"Naks, may secret na kayong dalawa."

Simon chuckled. "Friends kami e."

Thad suppresses his smile. "Diyan nagsisimula riyan."

"Alis na ako. Basta puntahan mo 'yan mamaya."

"Oo na. Tumatakas ka lang sa'kin."

"Hindi ah."

"Mukha mo."

"Kita tayo sa bahay mamaya."

"Sige."

Tinalikuran na siya ni Simon at tuluyan nang lumabas ng opisina niya. Isinandal naman ni Thad ang likod sa back rest ng swivel chair. He made himself comfortable on his seat saka inabot ang invitation letter. Binuksan niya ang envelope at inilabas doon ang invitation card. Wala siyang nakitang Susanna Evangeline sa naka line up na artist but he find the invitation letter interesting.

"Everything blooms in it's own time," basa niya sa quote na nilagay sa invitation. Thad traces the white embossed daisy flower on the paper.

Napangiti siya.

Daisy flower.

"Will I see them today?"

Natawa si Thad sa naisip. Alam niyang imposible. But he would like to keep the hope he have in his heart.




HAWAK NI THAD sa isang kamay ang brochure at map guide ng buong exhibit area habang nag-iikot sa tila maze na setup ng buong exhibit hall. Tinitignan niya isa-isa ang mga paintings na naroon, namamangha, at napapangiti siya. Napansin niyang may iisang kuwento ang mga painting na nadaanan na niya. All of those artworks story tells new life, new beginning, waiting, and achieving dreams in the right time.

May nakakasalubong siya sa hallway pero hindi naman madami. Sa tingin niya ay halos nang pumupunta roon ay mga art enthusiast o mga kolektor ng mga paintings. May nagustuhan siyang isa kanina. Pero pinag-iisipan pa niya kung bibilhin niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa pinakadulo. May isang malaking landscape painting na naka display roon sa gitna. Doon siya natigilan. It was the lighthouse of the Faro de Amoré. Hindi siya puwedeng magkamali. Alam niyang parola 'yon sa Faro.

Sa gawing kanan at kaliwa ng landscape painting ay tila puzzle canvas ng mga daisy flowers na konektado pa rin sa parola. Kahit magkakahiwalay ay nabubuo ang buong landscape view parola at ang paligid nito.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Wala siyang makitang pangalan ng artist sa paligid.

It should have a name.

There should be one.

Naglakad siya palapit sa painting ng parola. Lumapit siya nang husto hanggang sa mapansin niya ang isang lalaki sa itaas ng parola. Nakangiting nakatanaw sa buong lugar. Nakasandal ang dalawang kamay sa barricade at may hawak na pocket watch.

Pakiramdam ni Thad ay kakapusin siya ng hininga. Iyak, ngiti, at tawa. Hindi na niya alam kung anong dapat maramdaman niya nang mga oras na 'yon. Alam niyang gawa 'yon ni Sanna. Hindi siya puwedeng magkamali. Sauludo ng mga mata at ng puso niya ang istilo ng pagpipinta ni Sanna.

"Do you like it po ba?"

Napalunok si Thad, pigil na pigil ang mapahagulgol ng tuluyan nang marinig ang pamilyar na boses na matagal na niyang gustong marinig ulit. Magkahalong takot at saya ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Takot na baka mali siya. Saya na baka tama siya.

"My Mommy drew it."

Dahan-dahan na ibinaling ni Thad ang tingin sa kanyang kaliwa. Art, anak. Iyak niya sa kanyang isip. Naglapat ang mga labi ni Thad sa pagpipigil ng mga luha at hikbi dahil sa sobrang saya. Sinubukan niyang ngumiti sa batang kamukhang-kamukha ni Art.

Art, anak, ikaw na ba 'yan? Hindi mo na ba iiwan ang Daddy? Uuwi ka na bang kasama ako?  Tinitigan lang niya ito. Takot na baka kapag pumikit siya ay mawala ang anak sa paningin niya. Puwede ba kitang yakapin?

Naikiling nito ang ulo sa kanan at mukhang napa-isip. Bahagya pa itong napanguso at napakamot sa noo.

"W-What's your name?" lakas loob na tanong niya.

Umayos ulit ito ng tayo at ngumiti. "Art po." Parang sasabog ang puso ni Thad sa mga oras na 'yon. "Art Yeshua po." Art Yeshua. Sanna, you still named our son Art. Yeshua that means to save. Our Art saved us both. Natigilan siya nang hawakan ni Art ang sleeve ng suot niyang white long sleeved polo. "Buy the painting po so Mommy and I can go home."

Ngumiti si Thad. "I'll buy everything, son."

Lumapad ang ngiti ni Art. "Alam n'yo po, you look familiar."

"Talaga?"

Sunod-sunod na tumango si Art. "Opo. You look like -"

"Art!"

Pakiramdam ni Thad ay tumigil ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig ang boses ni Sanna. Halos sabay silang napatingin ni Art sa kanilang likuran. Hindi na niya napigilan ang mga luha sa pagpatak nang makita ang mukha ng pinakamamahal niyang si Sanna. She was still as beautiful as he remembered her. She's still his Susanna Evangeline.

Halatang nagulat ito nang makita siya. Pero hindi na importante 'yon sa kanya. What give him hope is the daisy bracelet she's wearing. Ang bracelet na bigay niya rito bago ito umalis. He had no idea how she was able to keep it. But he knew, deep in his heart, Sanna keep her promise to him.

Alam niyang madami pa siyang oras para makabawi sa kanyang mag-ina. He will use his time wisely.

I have made so many mistakes and bad decisions in life. I have lived with all those regrets to punish myself. Yes, I have failed myself and the people who genuinely cared for me a lot of times, but I know, I still deserve that happiness.

God offer us second chances because he believes that we are still worthy to make our future a better one.

After years of searching and waiting I have found what I've been looking for.

And this time, Architect Thaddeus Bernardo Apostol will make sure that they will never be the ones that got away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro