Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 54

NAKITA NI SANNA si Simon sa labas ng bahay. Marahas na nagbubungkal ng lupa sa may garden. Naka-hand-gloves, naka orange bucket hat, may hawak na maliit na shovel, at nakatalungko ng upo. Hindi niya mapigilan ang matawa. Para itong batang nagmamaktol dahil hindi pinayagang lumabas.

Lumapit si Sanna kay Simon at ginaya ang posisyon nito. Napansin agad siya nito at naibaling ang tingin sa kanya. Niyakap ni Sanna ang mga binti at ngumiti rito.

"Nagtatampo ka pa rin?"

"Gago pa rin ang asawa mo," may asar na sagot ni Simon.

Natawa siya. Pero hindi niya maiwasang pansinin ang mga maliliit na itlog sa loob ng weaved basket sa kaliwa ni Simon. Mga itlog ng pugo. That's when she realized Simon is glue-ing those eggs to the used rose stem. He had a pile of used rose stem.

Kumunot ang noo niya rito. "Anong ginagawa mo?"

"Don't worry, wala akong pinatay na rosas sa hardin mo. Binili ko 'to sa mga nagtitinda ng bulaklak sa labas ng simbahan sa Liloan."

Natawa si Sanna. "Pero para saan?"

Umasim ang mukha ni Simon. "I told Art that egg plant exist."

"Talong?"

Simon shook his head. "Literal na itlog na halaman." Tawang-tawa si Sanna sa naging face expression ni Simon. Para itong pinagsakluban ng langit. Tulala na nagsisisi.

Hindi talaga mapigilan ni Sanna ang tawa niya. "Bakit mo kasi sinabi 'yon?"

"Bakit kasi hindi nauuna ang pagsisisi?"

Naluluha na kakatawa si Sanna. She ended up drying her eyes from too much happy tears.

"Ewan ko sa'yo, Kuya Si. Ginusto mo 'yan."

"Ang hirap magkaroon ng matalinong inaanak." This time, tawang-tawa na si Simon. "Langya, hindi na ako uulit."

Halos sabay lang din silang napabuntonghininga sa saya. Napagod sila sa posisyon nila sa pag-upo kaya halos sabay din silang napasalampak ng upo sa Bermuda grass.

"You know, I can never hate Thad and Jude," basag ni Simon mayamaya. "Kayo lang naman ang naging pamilya ko bukod kay Lola Simona."

"I was afraid you'll hate Thad if you discover what happened to us," simulang kuwento ni Sanna. Pareho silang nakatingin sa mga bulaklak at halaman sa harapan nila. "That's why I wrote that letter. Kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Thad. I didn't want to see your friendship ruined because of me."

Naibaling ni Simon ang tingin kay Sanna. Ramdam niya, but she didn't meet his eyes. Tinuon pa rin niya ang tingin sa mga bulaklak sa harapan niya.

"Growing up, I always longed for a complete family. I always thought my mother didn't love me enough. Akala ko rin kaya akong tanggapin ng Papa ko. Akala ko totoo ang pagmamahal niya sa'kin. I did my best to make him proud pero kahit pala anong galing mo sa isang bagay o kahit anong bait at pag-intindi mo sa kanila... hindi mo mararamdaman ang pagmamahal na gusto mo sa kanila kung sila mismo ayaw kang mahalin."

Mapait na napangiti si Sanna.

She continued. "Kaya nating magmahal nang buong-buo pero hindi lahat kayang ibalik ang kaparehong pagmamahal." Sa pagkakataon na 'yon ay ibinaling na niya ang tingin sa titig na titig pa rin na si Simon. "But when the three of you came in my life. You all made me realize that a family does not require you to be blood related. Kasi puwede pala akong magkaroon ng pamilya kahit sa mga taong hindi ko naman kadugo. Sa inyo ko naramdaman ang pagmamahal at pagtanggap na ilang beses kong hinanap sa kanila."

Simon didn't hide the tears from his eyes. Umiyak ito sa harapan niya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha niya. Humugot lamang siya nang malalim na hininga para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng dibdib niya.

"I'm sorry," Simon sobbed. "Pasensiya na... kung... hindi ka na protektahan ni Kuya... Hindi ko... sinasadya..." Sanna's lips trembled. Hindi na niya napigilan ang mga luha. "Hindi ako nakapunta... hindi ko natupad ang pangako ko..."

Niyakap ni Sanna si Simon.

"It's okay."

Lalong yumugyog ang mga balikat ni Simon kakaiyak. "P-Patawarin mo ako..." Niyakap niya ito nang sobrang higpit. "Mahal na mahal kita. A-Alam... mo... 'yan."

"Alam ko."

Ramdam na ramdam ko, Kuya Si.

"Pero tama na iyak. Madami ka pang gagawing egg plant."

"'Langya naman e! Nag-e-emote pa 'ko."

Tinawanan lang niya si Simon. "Ginusto mo 'yan."





"GRABE!"

Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok si Sanna sa recording studio ni Jude sa bahay nito. Pero namamangha pa rin siya. Malaki ang recording studio nito at soundproof pa. A glass separates the recording room and Jude's editing room. May walk-in closet type pa sa loob ng studio kung saan nakalagay ang iba't ibang koleksyon ng gitara ni Jude at mga awards na nakuha nito as a solo artist at ng Queen City. May grand piano rin ito sa ibaba.

Pero ang nakakuha talaga ng atensyon niya ay ang mga picture frames na naka display rin sa loob ng studio nito. Neatly placed in the frame cabinets in the corner of the room. Larawan nilang apat noong college graduation ni Thad, Jude's family photo with Mari and their twins, photo ni Jude at ni Nanay Celia, group photo nilang apat noong kasal nila Mari at Jude, at isa pang group photo kasama ng buong barkada nila sa Faro – still noong kasal nila Jude at Mari.

Sanna remember that Jude had dreamt of this when they were young. He was passionate with his dream of becoming a famous and successful singer. Okay na nga rito kahit sa Pinas lang siya sumikat. But the world wanted his music. Kaya buong mundo ang nakikinig sa mga kantang gawa ni Jude.

Huminto siya sa pag-iikot sa studio nito at nakangiting ibinaling kay Jude ang mukha. "Kuya Jude, nasabi ko na ba sa'yo na sobrang proud ako sa lahat ng mga narating mo?"

Natawa ito sa kinauupuan nito. "Parang madaming beses na yata."

"Hindi ko na mabilang pero alam ko na hindi ako magsasawa na sabihin 'yon sa'yo." Lumapit si Sanna kay Jude. Jude pulled back the vacant swivel chair on his right for her. Naupo siya roon. "I've heard from Mari may kino-compose ka raw na mga kanta ngayon?"

"Ah, yes, but I'm not done yet."

"Comeback album ng Queen City?"

Jude nodded. "Yup, but I'm still working on it. Hindi ko pa sigurado kung kailan ko matatapos."

"Mag-ta-top 'yan sa music charts, sure ako."

Jude chuckled. "Sure?"

"Oo naman! Saka, na trace ko na lahat ng accomplishments mo at ng Queen City since your debut. Thanks to your fangirl wife." Sanna proudly smiled after. Lalo lang natawa sa kanya si Jude. "Updated na ako ngayon. Saka, pinahiram sa'kin ni Mari lahat ng album n'yo kaya napakinggan ko lahat."

"Any violent reaction, Mrs. Apostol?"

"Well, wala naman, kasi magaganda naman lahat. Favorite ko lahat. You're still the best singer for me."

"Naks naman! So, magkano singilan natin ngayon?"

Ang lakas ng tawa ni Sanna sa pagkakataon na 'yon. "Ay, grabe 'to. Seryoso. Hindi ako maniningil ngayon. Pero may iba akong request."

"'Yan na naman tayo sa mga pa hidden charges ng positive compliments ng isang Susanna Evangeline. Sige ano ba 'yon? Sana hindi pera. Mas mayaman na ngayon ang asawa mo kaysa sa'kin." Muling natawa si Jude.

"Hayaan mo na 'yon. Saka hindi ko kailangan ng pera."

"But related to Thad?"

Tumango si Sanna. "Pero mas tamang sabihin na related sa inyong tatlo." Nawala ang ngiti sa mukha ni Jude. But she kept her smile. "I only have two days left. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa'min ni Art pagkatapos nito. Honestly, it scares me and at the same time, masaya ako kasi puwedeng mabuhay na si Art sa kinabukasang naghihintay sa amin. Pero alam ko na maaring hindi na namin makasama si Thad sa panahon na 'yon."

"Sanna –"

"Please take care of Kuya Si and Thad for me." Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Jude. Titig na titig ito sa kanya. "Alagaan n'yo ang isa't isa at mahalin n'yo ang isa't isa palagi. Alam ko naman na hindi maiwasan ang pag-aaway pero huwag n'yo patapusin ang araw na masama pa rin ang loob n'yo sa isa't isa."

Jude's face softened and smiled. "Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko. Alam mong hindi kami mabubuhay na wala ang panggagago sa isa't isa. Don't worry about, Thad. I will take care of him for you."

"Remind him always that it's okay to be happy even without us. He deserved all the happiness that this world could offer to him."

"He will be fine in his own time, Sanna. Nandito naman kaming mga kaibigan niya. We'll take care of him."

Nag-iinit na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Kung puwede sanang manatili na lamang siya sa panahon na 'to habang buhay para makasama si Thad at Art ay gagawin niya. But she had to face the new future that awaits her and Art.

"Thad loves you and Art more than anything in this world that I could no longer convince him to outgrow. He will love you until his last breath and he will wait for you until the last seconds of his life."

Hindi na napigilan ni Sanna ang mga luha niya. She knew. Everything that Jude had said is true.

"I know."

"Pagiging gago ang isa sa mga pinaka-common-traits naming tatlo. Pero kung tatanungin mo ako kung sino ang pinakamalakas sa amin. I will answer it honestly, Sanna. It's always Thad."

Jude paused before he continued.

"Thad endured all the pains and disappointments he has incurred from his parents, his dreams, himself, and his regrets from hurting you all throughout his life. I can't live with those too many pains if it was me. I'll lose my mind. And Simon, he may appear strong outside, but he's very fragile inside. He's not facing those problems. He's always escaping it. Alam ko na alam mo 'yan. You know us more than anyone else."

A warm smile slipped on Jude's face.

"Kaya kahit sabihin ko na ako ang mag-aalaga sa dalawang 'yon. Alam kong sa huli, si Thad pa rin ang tatayong kuya at tatay naming dalawa ni Simon. Thad will always provide us home when we could no longer find a place in this world."

Ngumiti si Sanna. "And Kuya Jude..."

"Hmmm?"

"Thank you for always protecting Thad." Namilog ang mga mata ni Jude sa sinabi niya. "Bago kaming dalawa ni Simon. Ikaw ang unang naniniwala sa kanya. Kaya salamat."



DAY 48

TIME SLIPS AWAY when we don't want it to end. We only appreciate its value when time no longer waits for us.

"Magta-time-travel ka ba para makita ako kapag nami-miss mo ko?" tumatawang tanong ni Sanna kay Thad. Magkahawak kamay na naglalakad sila ng nakayapak sa tabing dagat sa Faro.

It was almost sunset at feeling niya maganda ang sunset ngayon kumpara sa mga sunset na lagi niyang nakikita. Para kasing ang kalmado ng lahat sa paligid niya. Mabini at marahan ang hampas ng hangin sa mga puno. Tila musika sa kanyang pandinig ang pag-uunahan ng alon sa dalampasigan. Parang nagku-kwentuhan lang din ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Everything that reaches her eyes looks serene.

Thad chuckled. "I might do it when I'm not busy."

"So, kapag busy ka hindi mo ako dadalawin?" may pagtatampo sa boses ni Sanna. Kunwari lang, saka ayaw niyang mapahamak si Thad kaka-time-travel para makita lang siya.

Thad was smiling when he glances at her. "Sisilip lang."

Ngumiti na siya. "Kapag dinalaw mo ako. Mag-iwan ka ng sign. 'Yong makikita ko agad. I keep things when I found something valuable. So when the time comes, if fate allows us to meet again, I'll know how many times did you miss me in this timeline."

"You might not remember everything in this timeline when you go back?"

"Maybe, but if I'm lucky, I'll remember the love you all have given to me in this timeline. Magde-desisyon na ako. I'm claiming it."

Pareho silang natawa - both enjoying the moment. It lasted for few seconds hanggang sa pareho na lamang silang nakangiti.

"I'm just curious."

"Ano?"

"Sina Simon at Jude lang ba talaga ang sinulatan mo noon?"

Napangiti si Sanna. "I wrote a letter for you, but I didn't send it."

"Bakit?"

"I don't think I will ever let you read it."

Thad chuckled. "Binuhos mo ba lahat ng galit mo sa'kin sa sulat na 'yon?"

Natawa si Sanna. "Oo na hindi. Hindi ko na sigurado." She glanced at Thad. "Huwag mo na hanapin. Ayaw ko na rin alalahanin e."

"Ikaw bahala."

Ilang segundo silang natahimik at pinagsawa lamang ang tingin sa paligid.

"Pero masaya ka ba?" basag ni Sanna.

Huminto sila sa paglalakad, magkaharap na nakatayo at nakatingin sa mukha ng isa't isa.

"Masaya?" Bahagyang kumunot ang noo ni Thad.

The hue of pink, purple, and blue skies cascaded on the horizon like a painting canvas behind Thad. Lalo pang gumanda dahil nakikita sa likod nito ang parola.

Ngumiti si Sanna. "Masaya na makasama kami ni Art."

Unti-unting na bura ang kunot ng noo nito at napalitan ng masayang ngiti.

"Sobra." Dinala nito ang kamay niya sa bibig at hinalikan. "Sobra, sobra pa sa hinihingi kong saya sa Maykapal."

Napangiti lalo si Sanna. "Ako rin." Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Alam niya, na kahit umiyak siya ngayon, those tears will no longer because of sadness, but because she was happy.

"There's one thing I realized."

"Ano 'yon?"

Thad's smile grows. "Kapag pala wala akong sinayang na oras...kahit gaano man 'yon kaikli, magiging sapat lang pala."

"Ako rin may realization."

"Ano?"

"Life will always be tough but if you made it yesterday, you will make it today, and you will still make it tomorrow." Tears welled from her eyes, but her smile remained on her face. "I will make sure I'll never forget that from now on."

Lumapit si Thad at ginawaran siya ng halik sa kanyang noo. "I know." Lumayo rin ito pagkatapos. "I almost forgot."

Bumaba ang tingin ni Thad sa bulsa ng pantalon nito. Gamit ng isang libreng kamay nito ay may hinugot ito mula roon. May ngiti sa mukha nito nang ibalik ang tingin sa kanya. Thad showed her a beautiful beaded daisy and pearl bracelet. Sanna's eyes widened in awe. Sobrang ganda ng bracelet.

"The first sign." Nakangiting isinuot ni Thad sa kanang pupulsuhan niya ang bracelet. "James told me that daisies symbolize new beginnings and hope." Lalong napangiti si Thad. "It's also called a day's eye. It blooms when the morning comes and embraces all the light that it can get. It sleeps in the evening and rests for the whole night. Daisy reminds us that it's okay to rest when we feel tired because when the sun rises, the world will give us another opportunity to begin again."

Dalawang kamay na niya ang hinawakan ni Thad. Ramdam niya ang mainit at mahigpit na hawak nito sa kanyang mga kamay. Para bang ayaw na siya nitong pakawalan pa.

"I don't mind how many mornings will I have to wait in this lifetime. Pero hindi ako malulungkot sa tuwing gigising ako sa umaga dahil alam kong nandito lang kayo... malayo man sa'kin... pero kasama ko pa rin." Isa-isang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Thad, but he kept his smile. Hindi na rin tuloy mapigilan ni Sanna ang mga luha niya. "I will wait until I woke up with you and Art by my side. At habang hindi pa dumadating ang umagang 'yon, patuloy pa rin akong gigising at maghihintay."

Hindi na matigil ang mga luha ni Sanna. "Then wait for us." She had thought about it. Hindi niya alam kung paano niya gagawin 'yon. But she will do her best to find Thad in this timeline. He will not wait for them for long. She will beg God to help her. "Uuwi kami ni Art. Hintayin mo kami, ha?"

Hilam ng mga luha na tumango si Thad sa kanya.

Sanna cupped Thad's face and tiptoed to kiss him on the lips. Yumakap ang mga braso ni Thad sa kanya at hinapit siya palapit sa katawan nito habang tinutugon ang kanyang halik. Pareho silang natawa sa isa't isa nang maglayo. Bumaba ang mga kamay niya para iyakap sa leeg nito. Hindi nila inalis ang tingin sa isa't isa, nagpapalitan ng ngiti, at kinakabisa lahat ng bawat hugis at linya ng kanilang mukha.

Thad, you have aged but you're still my future architect Thaddeus Bernardo Apostol. You have accomplished a lot of things in life despite your self-doubts and other people's negative opinion about you. I have seen you cry. I have witnessed your fall. And Although I wasn't there when you were slowly building yourself again and your dreams, I always knew that you'll make it. And I'm very, very, very proud of you. I will always be proud of you.

"I love you," Thad mouthed with a smile.

Napangiting lalo si Sanna.

"I love you, too."

"Mommy!" Pareho silang napatingin ni Thad sa tumatakbong si Art. "Daddy!" Muntik na silang matumbang tatlo sa pagyakap ni Art sa kanila. Iniwan nito ang Tito Simon at Tito Jude nito na gumagawa pa rin ng sand castle sa 'di kalayuan.

"Oh, bakit?" nakangiting tanong niya sa anak.

Ginulo naman ni Thad ang buhok ni Art. "Iniwan mo 'yong mga kalaro mo."

Art chuckled, malaki ang ngiti na nakaangat ang tingin sa kanila. "Mommy, Daddy, gusto ko lang po sabihin na mahal na mahal ko po kayo."

Nagkatinginan sila ni Thad at sabay na natawa.

"Anong gusto mong ipabili?" sabay pang tanong nila ni Thad kay Art.

"Wala po!" Malakas na tumawa si Art. "Kayo lang po ang kailangan ko, Mommy, Daddy. Promise po."

Tuluyan nang kinarga ni Thad ang anak nila. Nasundan niya ang pagpihit nito sa direksyon ng dagat kung saan malapit nang humalik ang araw sa kalmadong dagat. Niyakap niya ang mag-ama niya at pinagitnaan nilang dalawa si Art. Inihilig niya ang pisngi sa braso ni Art at hinigpitan pa lalo ang yakap niya sa dalawa.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa," marahan niyang sabi, sapat ang lakas para marinig ng kanyang mag-ama.

"Mahal na mahal na mahal na mahal ka rin po namin ni Daddy, Mommy!"

"Sobra pa," dugtong ni Thad.


DAY 49

11:59 PM

MAHIRAP MAN HULAAN ang nag-aabang na kinabukasan pero patuloy akong magdadasal hanggat sa magsawa ang Dios kakakinig sa mga pakiusap ko. Malabo man sa ngayon pero baka sa mga susunod na taon, maari na.

But for now, I will have to say goodbye. Until we meet again, my architect and Art.

12:00 AM



DAY 50


MOMENTS ARE PRECIOUS even though they pass by in a blink of an eye. They constantly play in our memory in slow motion, so we will never forget.

Nakaupo silang dalawa ni Art sa damuhan habang nakasandal ang mga likod sa malaking tipak na bato malapit sa parola. Nagpapaunahan kung sino ang makakatapos sa pagguhit sa parola sa kanilang harapan. Nakakalat ang mga pangguhit, papel, at pangkulay sa paligid nila.

"Daddy, hindi ko pa rin natatapos ang miniature house," basag ni Art.

"You don't need to finish it," nakangiti niyang sagot sa anak.

"Tatapusin ko po. Babalikan ko po ang miniature house kapag hindi na po ako busy." Ngumisi si Art.

Natawa si Thad. "Busy? Wow. Saan ka naman busy?"

"Madami po. Inaalagaan ko po si Champo. Binibisita ko po sa house ni Tito Juan. Saka po, tinuturuan po ako ni Tito Si mag-Math... ta's po... kanta naman po tinuturo sa'kin ni Tito Jude. Sabi niya po mas maganda po daw ang boses kaysa sa'yo, Daddy."

Kumunot muna ang noo ni Thad bago natawa. "Nagpapaniwala ka riyan sa Tito Jude mo."

Natawa rin si Art. "Totoo naman, Daddy."

Naitigil ni Thad ang ginagawa at manghang naibaling ang tingin sa nakangising si Art. "Masyado ka nang madaming nalalaman na bata ka." Ginulo niya ang buhok ng anak at sinilip ang drawing nito. Napangiti siya. Art have improved. "Mas maganda pa ang gawa mo kaysa kay Daddy ah."

"Hindi po." Isinandal ni Art ang isang siko sa isang hita niya para silipin ang drawing niya. "Mas maganda pa rin po sa inyo. Mas matangkad po ang parola n'yo. 'Yong drawing ko po Daddy mukhang hindi na lumaki."

Ang lakas ng tawa ni Thad. "Anong 'di na lumaki?"

"Hindi na po yata nabigyan ng vitamins."

"Kakasama mo sa Tito Simon mo kung anu-ano nang naiisip mo."

"Naaliw po ako sa jokes ni Tito Si, Daddy kahit po hindi ko po maintindihan. Saka po, kapag hindi po ako nakinig at tumawa sa jokes ni Tito Si. Sino po ang tatawa? Kawawa naman po si Tito Si."

Napangiti at napatitig siya sa mukha ni Art.

Art continued, "Si Tito Jude naman po, lagi po siyang nakangiti at tumatawa. Hindi po ba siya nalulungkot?"

"Ngayon lang ulit naging masaya ang Tito Jude mo."

"Lumalaki po ang ngiti niya kapag kasama niya po si Tita Mari at sina Lyre at Sunset. Ganito po kalaki." Natawa si Thad sa malaking ngiti ni Art. Naalala niya roon ang Cheshire cat sa Alice in Wonderland. Naluluha na siya kakatawa sa anak niya.

"Parang nakakatakot ang ngiting 'yan."

Art giggled. "Ganoon po talaga!"

"Oh, sige, tama ka na."

"Daddy."

"Hmm?"

"Saan po nagpunta si Mommy?"

Umangat ang tingin ni Thad sa parola. "Umuwi lang ang Mommy mo."

"Umuwi po? Saan po?"

Ibinalik ni Thad ang tingin sa anak. "Pero uuwi rin siya."

"Mamaya po?"

Inakbayan niya ang anak. "Basta." Saka muling ginulo ang buhok nito gamit ng isang kamay. "Magkakasama rin ulit tayo."

11: 59 PM

They say that there are two hardest things in this world. To say hello for the first time and to say goodbye for the last time. But I know, this wouldn't be the last, my son.

12:00 AM

Dear Daddy,

I remember Mommy told me to write you a letter before I go to sleep tonight. I love you. I am happy that you are my Daddy. Someday I will be as great as you. Goodnight, Daddy! (^_^) <3

Love,

Art

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro