Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52

DAY 46

"HINDI BA NATIN sasabihin kay Iesus ang tungkol dito?" singit na tanong ni Thad sa mga kaibigan niya. "Nasa bahay lang naman yata siya."

Mag-a-alas-syete na ng gabi pero wala pa ring Vier at Sep na dumadating. He also needed to get out from here. Simon glanced at Balti. Pati ang ibang mga kaibigan nila ay nagpasa-pasa na ng tingin.

"We should," si Tor ang sumagot sa kanya. "I'll talk to him –"

"I think," putol ni Thad kay Tor. "I think I should talk to him." Natuon sa kanya ang atensyon ng lahat. "While you wait for Vier and Sep."

Tumango si Simon. "Sige, mabuti pa."

Napansin naman ni Thad ang pasimpleng tingin na ibinibigay sa kanya ni Sanna. He knew she's observing him. Pero hindi na niya 'yon masyadong pinagtuonan ng pansin. He's running out of time. Kailangan na niyang makaalis.

"I'll go ahead," paalam niya sa lahat.

Tahimik siyang naglakad palayo. Kabadong-kabado siya nang mga oras na 'yon kahit wala naman siyang napansing pagdududa sa mga mata ng mga kaibigan. Only Sanna is being skeptical with his actions. But he knew her, Sanna will not disappoint him. They're doing this for Art.

Nilingon ni Thad ang bahay niya nang makalabas nang tuluyan, nakahinga siya nang maluwag. Iginala niya ang tingin sa paligid. Gabi na at tila ba may dalang kilabot ang malamig na simoy ng hangin kapag dumadampi sa kanyang balat.

Ibinalik niya ang atensyon sa daan at dirediretsong naglakad sa direksyon ng bahay ni Iesus. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kailangan niyang abisuhan si Iesus na papunta siya sa bahay nito.

Hindi na niya inabala na hintayin ang reply ni Iesus. Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa at tinakbo ang distansiya na mayroon na lamang siya at ng malaking gate ng bahay ni Iesus.

Hindi naman siya nahirapang makapasok dahil bukas na ang gate ng bahay ng kaibigan. Tumakbo na siya paakyat. Habol na niya ang hininga nang pihitin niya ang knob ng pinto ng bahay nito. Hindi rin 'yon lock kaya mabilis siyang nakapasok sa loob. Binati siya ng katahimikan. Naigala niya ang tingin, walang tao. Wala yata si Amora, naisip niya.

"Library," usal ni Thad sa kawalan. "Iesus should be in his library."

Doon siya dumiretso.

Tama nga siya, nasa library si Iesus, nakatayo malapit sa fireplace at busy sa cellphone nitong hawak. Iesus saw him and gestured him to seat on the nearest couch. Tumalima siya pero hindi niya naman maalis ang tingin kay Iesus.

Idinikit ni Iesus ang cellphone sa kanang tainga nito.

"Nico," kausap nito sa cellphone.

Napatuwid ng upo si Thad at mas pinag-igihan pa niya ang pakikinig.

"Where are you? In Singapore?" Tumango-tango si Iesus. "I see. When are you coming back?... Next week. Hmmm. Okay. Anyway, I have one favor to ask." There was a pause before Iesus answered. "Don't worry, it's nothing serious." Iesus chuckled. "Vier or Sep will probably call you later or tomorrow. Huwag mo muna sila sagutin."

Iesus paused at natawa ulit.

"I know." Natawa ulit si Iesus. Hindi na masundan ni Thad ang topic ng pag-uusap ng dalawa. "Huwag kang mag-alala, hindi ka sasaktan ng dalawang 'yon. Ah, tungkol doon sa antique shop na pamana sa'yo ng Lolo mo?" Tumango-tango si Iesus. "I'll see what I can do. Let's talk when you're back." Iesus smiled. "Walang problema. Basta, huwag mo muna kausapin 'yong dalawa. Good. I'll see you soon. Thanks. Ingat ka riyan."

Tumayo si Thad nang ibaba na ni Iesus ang cellphone. "Si Nicholas?"

Ibinaling ni Iesus ang tingin sa kanya. "I called him to buy us more time. Vier and Sep will call him to ask about the vintage watch."

"Pero alam ni Vier na wala na kay Nicholas ang relo, hindi ba? Nasabi mo sa'kin na may alam si Vier tungkol sa huwad na Iesus."

"About that," inilipat ni Iesus ang cellphone sa kaliwang kamay para kamutin ang dulo ng isang kilay nito, "hindi ko sinabi kay Vier na pina-drawing ko sa pinsan niya ang mukha ng relo. Ang alam lang niya ay may nagpanggap na ako na siyang nag-utos kay Nicholas na kunin ulit ang relo mula sa kaibigan niya. We didn't really talk about it in-depth. In that case, they will have to call Nico to get the specific details."

Tumango si Thad. Iesus explanation makes sense to him.

"Paano kung hanapin nila tayo?" pag-iiba niya.

"They will definitely look for us." Bumaba ang tingin ni Iesus sa wrist watch nito sa kaliwang kamay. "We have to finish everything before they find out." Umangat ang tingin nito para salubungin ang tingin niya. "Let's move now."




THEY PASSED THROUGH the tunnel.

Walang lingon-lingon, lakad-takbo, at parang hinahabol nila ang oras at ang panahon. Paglabas nila mula sa tunnel ay binati silang dalawa ni Iesus ng sunod-sunod na huni ng mga ibon na hindi nila makita sa paligid. Tila ba nag-uunahan ang mga ito sa pagsigaw na naroon sila sa lugar na 'yon. Sumisilip ang liwanag ng buwan mula sa siwang ng mga dahon mula sa nagtataasang puno sa paligid. Sumasabay sa pagbasag ng katahimikan ang malutong na tunog ng mga natuyong dahon sa kanilang mga paa.

Humahangos at pawisan na silang dalawa ni Iesus nang makalabas sa gubat at natunton ang parola. Sabay pa silang napaangat ng tingin sa kalangitan nang marinig ang biglang pagkulog. Sumisilip pa rin ang malaking buwan ngunit unti-unti na itong tinatakpan ng tila nangangalit na kulay abo at pula na ulap. Lumakas na rin ang hampas ng hangin sa paligid.

"Get inside." Itinulak siya ni Iesus papasok sa parola.

Tangina, hindi niya alam paano bubuksan ang timeline na gusto nila. Pero bahala na.

Tuluyan nang dumilim nang isarado ni Iesus ang pinto. Napaangat siya ng tingin sa itaas. May liwanag doon.

"Kailan iniwan ni Nicholas ang relo sa parola? Time and date," basag ni Thad, humawak siya sa handrails ng spiral stairs at nauna nang umakyat na walang-ilaw-ilaw. But Iesus was quick to turn on his hand size flashlight to guide them up.

"February 11, 2011, around 3 in the afternoon."

Ramdam na ni Thad ang kakapusan ng hininga hindi pa nga sila umaabot sa itaas. But he concentrated on that date and time. Hindi niya alam kung ang nakikita niya sa isip niya ang eksaktong panahon. He always have this pre-vision before he opens a timeline. Mga 40% ay tumatama naman siya. 60% ay nawawala siya sa ibang timeline kapag na distract siya. Shit, sana talaga tumama siya ngayon.

Sa wakas ay naakyat na nilang dalawa ni Iesus ang pinakatuktok. Muli na naman nilang narinig ang pagkulog sa labas.

"Teka lang, hindi mo pa sinasabi ang buong plano, Sus. You said we can't steal that watch on that timeline kaya gagamitin agad natin 'yon doon."

Seryosong tumango si Iesus. "I have a plan, but I'll tell you along the way. Now focus, Thad. We don't have much time."

Bumuga ng hangin si Thad at tumango. There shouldn't be a room for mistake today, Thad. Paalala niya sa isip. Everything should go as planned.

Inangat niya ang isang kamay para ilapat ang palad sa matigas at malamig na katawan ng pader. Sunod niyang ipinikit ang mata at hinayaan ang isip na dalhin siya sa lugar kung saan niya gusto siya dalhin ng kapangyarihan na mayroon siya. He chanted the date and time in his mind hanggang sa may nakikita na siyang liwanag at nabago na ang kapaligiran sa kanyang isip. Thad saw himself in a windy afternoon outside the door of the lighthouse.

Naimulat niya ang mga mata at pinihit ang katawan sa nagliliwanag na pinto palabas sa balkonahe ng parola.

Kabado siyang bumuntonghininga. "Hopefully, I got it right."

"I'm sure you did."

Nauna siyang lumabas. Sumunod si Iesus. Paglabas na paglabas nila ay agad bumati sa kanila ang preskong hangin. Not much have changed pero alam niyang nasa Faro de Amoré pa rin sila. Matataas ang puno sa paligid, asul na asul ang kalangitan, at berdeng-berde ang mga dahon sa mga nagtataasang puno. Nakatayo silang dalawa ni Iesus sa mismong harapan ng saradong pinto ng parola.

"Nicholas is here," basag ni Iesus.

Biniglang hila siya nito para magtago sa malaking puno medyo malayo sa parola. Nagsiksikan sila roon. Hindi na niya nakita si Nicholas pero sa lokasyon kung saan sila makikita pa rin nila ito kapag nasa harapan na ito ng pinto ng parola.

"Personal ba siyang kinausap ng nagpanggap na ikaw, Sus? O tinawagan siya?" baling na tanong ni Thad kay Iesus. Kumunot ang noo niya sa naabutang ginagawa nito.

Nakaangat ang isang kamay nito sa direksyon ng araw. Sa parte kung saan walang nakaharang na mga puno at kita ang dagat. Iesus' pinky and thumb fingers are up, the rest of the fingers are down. Naabutan niyang tatlong beses inangat ni Iesus ang kamay hanggang sa sobrang lapit na ng kamay nito sa araw.

"What are you doing?"

"I'm checking the time." Kumunot lalo ang noo ni Thad. "My grandfather taught me this trick. You measure the sun's distance from the horizon. Each spread of hand is an hour. So, we have at least 2 and half hours before sunset... that means, the current time is around 3PM, probably around 3:30 PM."

Ibinaba ni Iesus ang kamay at in-adjust ang oras sa wrist watch nito.

"It's only a rough estimate but that will do." Sinilip nito si Nicholas na nakatayo na sa harapan ng pinto papasok ng parola. "I'm taking note of the time."

"Para saan?"

"To give you enough time to save Sanna before the fake Iesus shows up. Hindi natin puwedeng basta-basta lang gamitin ang relo. Mahuhuli tayo ng kung sino mang nagpapanggap na ako."

Thad tried to absorb all of Iesus' words. Pero mukhang may idadagdag pa ito.

Iesus continued. "Kailangan kong malaman ang pagitan na oras pagkatapos iwan ni Nicholas ang relo sa parola. In that way, it would be easier for us to maximize our time before the fake Iesus retrieve the watch from the lighthouse." Muling tinignan ni Iesus ang oras. "I'll count once Nicholas had left."

Maya-maya pa ay hinubad na ni Nicholas ang sukbit-sukbit na bag mula sa likod nito at binuksan 'yon sa mismong harapan nito. Inilabas nito ang isang maliit na kahon at umakyat sa apat na baitang na hagdan ng pintuan.

Nakikita pa rin ni Thad ang bawat kilos ni Nicholas. Nakahawak na ito ngayon sa knob ng pinto, pinihit 'yon hanggang sa bumukas ang pinto. Mukhang nagulat pa ito nang bahagya pero mabilis din na nakahuma. Pumasok ito sa loob pero hindi rin nagtagal. Isinara ulit ni Nicholas ang pinto saka umalis nang tuluyan.

"Nabanggit mo sa'min noon na laging sarado ang pinto papasok ng parola. Dati ba ay hindi?" may pagtatakang tanong ni Thad kay Iesus.

"It's always lock," sagot ni Iesus. "Kaya nga gusto kong malaman kung sino ang nagbukas niyan ngayon."

Tumango lang si Thad.

"Ilang minuto na ang lumipas?" pag-iiba niya.

"Five minutes."

"Lagpas na ba tayo sa 20 minutes?"

"Sa tingin ko may sampung minuto pa tayo."

"Kung sampung minuto ang pagitan ng pag-alis ni Nicholas at pagdating ng huwad na ikaw. Sa tingin mo kasya lang 'yon para mailigtas ko si Sanna?"

"That will do."

"Sigurado ka?"

"I don't want to entertain any doubts today, Thaddeus, it's better if you do the same."

Maya-maya pa ay may dumating na isang batang lalaki na kulot na kulot ang kulay tsokolate na buhok. Medyo mataba ang bata, moreno, at may hawak na kulay gintong bola. Pula ang suot na T-shirt ng bata at brown naman ang suot na short nito na hanggang sa tuhod lang ng bata.

Kumunot ang noo ni Thad.

Bakit sa tingin niya ay nakita na niya ang batang 'yon? Hindi niya lang maalala kung saan.

Patalon-talon itong humahakbang paakyat sa baitang ng pinto ng parola kaso bigla itong napatingin sa paligid nang akmang bubuksan na ng bata ang pinto kaya mabilis silang nagtago ni Iesus.

Ang lakas ng tibok ng puso niya. Shit. Kinikilabutan siya na ewan. Napalunok siya. Nagkatinginan sila ni Iesus. Mata lang ang puwedeng maging komunikasyon nilang dalawa ngayon. Sinasabi nitong tignan ulit nila ang bata pero maging maingat sila.

Pagtingin nila ay wala na roon ang bata pero may matandang lalaki na lumabas sa parola. Lalo lamang naguluhan si Thad. Halos magkasingkulay lang ang bata at matanda. Kulot ang buhok pero kapansin-pansin na ang ilang puting buhok ng matanda. Parehong kulay pula ang pang-itaas na damit, mas mahabang manggas na lamang sa pagkakataon na 'yon. Pati ang brown na shorts ng bata ay naging pantalon. Pero may dalang styrofoam ice bucket ang matanda na halos kinupas na ang kulay yellow na orihinal na kulay marahil no'n. May nakadikit na papel sa katawan ng ice bucket. Hindi niya masyadong mabasa at makita. Pero parang Herb ang unang apat na mga malalaking salita.

Umangat ang isang kamay ng matanda na siyang may hawak ng dala ni Nicholas kanina. Pansin sa mukha nito kahit naka side view ang pagngiti.

Fuck! Did the kid aged while he's inside the lighthouse? Pero sino ang bata at matandang lalaki? Hindi naman kamukha ni Iesus.

Ipinasok ng matanda ang kahon na hawak sa ice bucket nito at pasimpleng iginala ang tingin sa paligid. Tinitigan niya nang husto ang mukha ng matanda.

You need to remember that face, Thad.

Hindi pa umaalis ang matanda pero umiilaw na ulit ang pinto. "Shit!" Thad mouthed sabay baling kay Iesus. Sa mukha nito ay tulala rin ito. "Time's up."

"He's leaving."

Ibinalik ni Thad ang tingin sa parola, umalis na nga ang matanda. Naramdaman niya ang pagtapik ni Iesus sa balikat niya.

"Let's go," signal ni Iesus.

Tinakbo nila ang distansiya ng puno at ng parola pero hindi agad sila pumasok at baka makita sila ng misteryosong matanda na kumuha ng relo. Nasa likod siya ni Iesus, parehong nakadikit ang mga likod sa pader ng parola.

Itinaas ni Iesus ang isang kamay para harangan siya at sumilip ito mula sa pinagtataguan nila. Tang'na, kaba, pagtataka, at takot na ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Ramdam na ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo niya sa buong katawan.

"Wala na ba?" mahinang tanong niya.

"He's gone. Let's go."

Nauna si Iesus na lumabas, sumunod agad siya. Pumasok sila sa loob ng parola at sa paglabas nila ay bumalik sila sa timeline nila. Umuulan na sa labas at panay pa rin ang kulog. Ramdam ni Thad ang lamig na hangin na pumapasok sa loob ng parola. But Iesus looked so troubled, he seemed so lost in his thoughts.

"Sus," pukaw niya rito.

Napakurap si Iesus at napaangat ng tingin sa kanya. "Let's talk about the kid and the old man some other time," seryosong sabi ni Iesus. "Let's save Sanna first."

Gumuhit ang tila nangangalit na kulog na may kasamang kidlat. Half of Iesus' face was covered in darkness while half of his face was revealed before his very eyes. But there was something different with Iesus. Hindi niya alam kung ano eksakto pero parang ibang tao ang kaharap niya.




"NICHOLAS IS NOT picking up his phone," kumunot ang noo ni Vier pagkababa sa cellphone nito. Lalo lang lumakas ang ulan sa labas. "His number is out of reach."

Yumakap na nang husto sa baywang ni Sanna si Art. She can sense Art's distress growing every seconds kahit wala naman itong naiintindihan sa mga sinasabi ng mas nakakatanda rito. Nakikita kasi ni Art ang problemadong facial expression ng mga tao sa paligid nito.

"About this fake Iesus," singit ni Simon. "Did you try to dig something about it with Nicholas? Hindi man lang ba kayo na curious?"

Isa sa nagpabigat ng tensyon ay ang katotohanang pinsan pala nila Vier at Iesus si Nicholas. Sa magkakaibigan, only Sep had seen Nicholas in person. Hindi kasi raw dumadalaw si Nicholas sa Faro o kung dumalaw man, wala ring nakakakilala rito. Kaya mabilis na namukhaan nila Vier at Sep ang in-sketch niyang mukha ni Nicholas.

Although she remembered na binili ng tita ni Nicholas ang mother and child painting niya. Nagustuhan ng tita nito ang lighthouse painting na gawa niya at ni-request ang art portfolio niya kaya nito binili ang mother and child. Balak pa nga nitong kunin siya para gawin ang isang family portrait pero hindi na niya 'yon nagawa.

But she never thought that Nicholas could be connected to the owner of the ongoing subdivision construction of Faro de Amoré that time.

"Iesus didn't take it seriously," seryoso pero kalmadong sagot ni Vier. "Kaya hindi ko na rin masyadong inisip ang tungkol doon. Matagal na panahon na rin naman 'yon. Nawala na rin sa isip ko. And besides, we're not looking for a vintage watch. It should be a pocket watch."

"May alam ka rito Sep?" baling ni Jam kay Sep.

Humalukipkip si Sep. "Basta usaping misteryo ay hindi n'yo ako maasahan diyan. Naalala kong napag-usapan 'yon noon pero hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin. Kapag hindi na pinag-uusapan, nakakalimutan ko na rin. Sa nakalipas na taon ay wala rin namang nababanggit si Iesus."

Lahat ay natahimik at napaisip.

Hati naman ang isip ni Sanna. She was torn between saying what she knew and her loyalty to Thad. Alam niya sa puso niya na kung may gagawin man si Thad ay para 'yon sa ikabubuti nilang mag-ina. Ang nagpapabigat lamang sa puso niya ay alam niya ring kayang-kaya nitong isakripisyo ang sarili para sa kanilang dalawa ni Art at hinding-hindi ito magdadalawang-isip na gawin 'yon.

Nakagat ni Sanna ang ibabang labi at naibaba ang tingin kay Art. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Gusto niyang ibigay ang buhay na pinagkait niya sa anak niya pero alam niyang magiging selfish siya kung idedepende niya ang kaligtasan nilang dalawa kay Thad.

She made that choice and her choice deprived Art the chance to live in this world. Kaya wala siyang karapatan na isisi kay Thad ang malungkot na sitwasyon niya ngayon. He made mistakes, but she wasn't excempted to it. She also made mistakes.

Unfortunately, the consequences of our choices are not something we can foresee ahead.

Mabilis na pinunasan ni Sanna ang mga lumagpas na mga luha sa kanyang mga mata. Mabigat man sa kalooban niya pero hindi na kasi ito ang panahon nilang dalawa ni Art. They no longer belong in Thad's present. Gusto niyang mabuhay at maging buo sila. Pero kung ang pagnanais niya ng buong pamilya ay maglalagay lamang kay Thad sa kapahamakan... 'yon ay isang bagay na hindi niya kayang pahintulutan.

Thad may have hurt her, but he deserved this life to start anew.

"Art, anak." Patingkayad siyang umupo sa harapan ng anak niya para magka-lebel na silang dalawa. Inosente ang mga tingin ni Art sa kanya. Pigil niya naman ang maiyak ulit. "Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Mommy, 'di ba?" Hinawakan niya ang mukha nito. "At mahal na mahal ka rin ng Daddy mo."

Hindi na niya napigilan ang mga luha niya.

"Mommy?"

"May gagawin ako. Pero hindi ibig sabihin no'n hindi na kita mahal."

"Bakit po?"

"Mahal na mahal kita." Hinalikan niya nang mariin ang noo ng anak. "Tandaan mo 'yan lagi."

"Mommy, huwag po natin iwan si Daddy, please." Umiiyak na rin si Art. "Malulungkot po siya kapag iniwan po natin siya."

Sanna's lips trembled while in tears. Gusto niyang humagulgol ng iyak. Ang sakit-sakit sa puso ng gagawin niya pero ito ang tama.

Anak, kung puwede lang. Kung puwede lang sanang manatili kasama ng Daddy mo nang hindi siya nagsasakripisyo ay gagawin ko. Kaso, hindi puwede.

"Daddy will not be alone." Pinunasan ni Sanna ang mga luha sa mukha ni Art. "I promise you that."

Tumayo siya at pinunasan na rin ang sariling mga luha. Huminga muna siya nang malalim bago kinuha ang atensyon ng lahat.

"Thad knew something," basag ni Sanna.

Napatingin ang lahat sa kanya.

Sanna continued, "He knew about the vintage watch at sa tingin ko may alam siya kung na saan ang relo."

Mukhang doon lang din napansin ng mga kaibigan ni Thad na hindi pa rin ito nakakabalik. Yumakap nang husto si Art sa baywang niya.

"Matagal na?" seryosong tanong ni Simon.

Tumango si Sanna. "Sa tingin ko, oo."

"Where's Thad by the way?" singit ni Sep.

"Pinuntahan si Iesus," sagot ni Jam. "Pero kanina pa 'yon umalis. Mag-iisang oras na."

Ang ekspresyon ng mukha ni Vier nang mga oras na 'yon ay para bang may nagbuhos dito ng isang balde ng nagyeyelong tubig.

"Iesus," sambit nito sabay takbo sa direksyon ng pinto.

"Shit!" Agad na sumunod dito si Sep. "Vier!"

"Tangina!" mura ni Simon saka humabol sa dalawa.

Sumunod na rin sina Jam, Jude, Math, at Balti. Naiwan sina James, Aurea, Tor, at Juan. May pinag-uusapan ang tatlo maliban kay Juan. Lumapit si Juan sa kanila at patingkayad na naupo sa harapan ni Art.

Juan smiled. "Art," marahan nitong hinaplos ang buhok ni Art. "'Di ba gusto mo ng aso?" Tumango si Art. "Madami akong aso. Lahat mababait. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto mo. Puwede ka bang sumama muna sa'kin para makita mo sila?"

Umangat ang tingin ni Art sa kanya as he was asking her permission. Ngumiti si Sanna sa anak at tumango.

Tumayo si Juan at inilahad ang isang kamay kay Art. "Halika." Hinayaan ni Sanna na hawakan ni Art ang kamay ng Tito Juan nito. Napatingin naman sina Aurea, Tor, at James sa kanila.

"Mommy," baling ni Art sa kanya. "Balik po ako agad."

Ngumiti si Sanna. "Sige lang, anak. You can take your time." Nagtama ang mga mata nila ni Juan. "Thank you," she mouthed. May tipid na ngiti na tumango si Juan.

"I think we need to follow them," basag ni James.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro