Kabanata 51
DAY 46
"HANG ON," inilipat ni Simon ang cellphone sa kaliwang tainga, "I thought they're okay with the revised electrical and mechanical plan for the foodcourt? Anong nangyari?"
Naglakad siya sa direksyon ng working desk niya sa kuwarto para buksan ang laptop. Sa Monday pa ang opisyal na balik nila sa opisina pero tinawagan na siya ni Gian. Kakapalit pa lang ng taon pero ang agang salubong ng problema.
"Wala namang problema, sir," sagot ni Gian sa kanya. "Pero gusto pa rin nilang i-insist ang unang floor plan para sa mga kiosk."
Hinanap niya ang autocad file ng Vida mall sa laptop. Bahagya pa niyang nasagi ang itim niyang planner. It fell on the floor but he didn't have the time to pick it up. Binuksan niya ang file at tinignan kung may mga hindi ba sila nasunod.
"But based on the list," pagpapatuloy ni Gian. "Most of their leasing invites require bigger exhaust. Hindi siya feasible sa area considering the structure and lining for electrical. Baka ho bumagsak sa fire safety inspection."
Simon doubts if he misses something. He always made sure he had doubled check everything.
"Tsk." Tuluyan nang napaupo sa upuan si Simon. Itinabi niya ang laptop at itinigil ang ginagawa. "Hindi natin puwedeng gawin 'yon," seryoso niyang sagot. "Masyadong delikado ang unang gusto nila. I've already explained it last meeting."
Napakamot siya sa kilay.
Nako, ito ang hirap talaga kapag hindi niya building project. Nagkaproblema sa unang contractor, sinalo niya lang dahil masyado nang delayed sa completion timeline. Ang laki na ng lugi kapag na-delay pa. Kung hindi lang niya kilala ang anak ng may-ari ay hindi niya kukunin ang project.
Bumuga siya ng hangin. "Kailan nila 'yan sinend? Wala akong natanggap sa email."
"Tumawag lang ho sa'kin. Inform ko lang daw kayo."
Tumaas ang kilay niya roon. "Ask them a formal email in regards with their concerns. I won't accept any verbal requests. Baka ako pa ang masisi kapag gumawa ako ng mga pagbabago na wala naman sa pinag-meetingan noong una."
"Sige po, sir."
"Everyone should be notified. Kung naghahabol sila sa construction timeline, ako rin. I don't want more delays on this. Na-explain ko na sa kanila ang pros and cons ng in-propose nating electrical at mechanical layout sa in-provide nilang floor plan and architectural design. I remember they agreed to it so we proceeded to the revision."
Simon paused to think.
But these problems are inevitable. Kung hirap siyang ipaintindi sa ibaba. He had no choice but to contact Leo, ang anak ng may-ari ng mall. Wala nang magagawa ang ibaba kapag ang itaas na magsasabi.
"Anyway, I'll contact Leo about this. I'll give you the details once we're back in the office."
"Yes, sir."
Ibinaba na ni Simon ang cellphone at inilapag 'yon sa mesa. Sumasakit na naman ang ulo niya. May mga tao talagang hirap ipaintindi ang tama. Aanhin ang aesthetic na plano kung high risk nga. That's the reason why all things should be considered in the planning stage – aesthetic structure is useless when you can't make the building pass basic safety inspection. It will just create a pile of problems in the future. Pero ano bang magagawa niya? Napatayo na ang building.
Muli siyang bumuntonghininga.
Itinulak niya palayo ang swivel chair mula sa mesa pero hindi 'yon gumalaw. Kumunot ang noo niya. Nasira ba bigla ang upuan niya? Ibinaba niya ang tingin sa sahig. Sa ilalim nakita niyang bumara sa isa sa mga gulong ang planner niya.
"Hay nako!"
Sinagad niya ang pagyuko para makuha ang planner. Kaso may mga papel-papel pa siyang nagkalat sa paligid na alam niyang galing sa planner. Isa-isa niyang pinulot mula sa kaliwa at kanan hanggang sa mapansin niya ang lumang picture nilang apat noong 18th birthday ni Sanna. He always bring it with him.
Tumayo si Simon at nilakad ang dalawang hakbang lang naman na layo ng larawan mula sa kanya. Pinulot niya ang larawan at pinagpag ang hindi naman nakikitang alikabok sa lumang larawan gamit ng dalawang daliri. Ipinasok niya ang libreng kamay sa bulsa ng kanyang cargo shorts habang nakangiti sa larawan na hawak.
It was his favorite photo.
Akmang babalik na siya sa mesa niya nang mapansin niya ang isang kamay ni Sanna. He didn't realize it before. Maybe he did but he did not pay much attention to it. Pero may suot pa lang relo no'n si Sanna? Naalala naman niyang nagsusuot ng relo si Sanna noon pero hindi ganoon ang hitsura. Tinignan pa niya nang mas malapit ang larawan. Hindi talaga wrist bond. Talagang relo 'yon.
Napaisip si Simon.
"This photo was taken November 19, 2010. The same day Thad time traveled and accidentally brought Sanna in the present." Kumunot nang husto ang noo ni Simon. Pilit niyang inaalala ang hitsura ni Sanna noong dumating ito sa Faro. He's sure that he didn't see her wearing a watch. "I have to check something."
Mabilis na hinanap ni Simon ang lumang photo album na naitago niya sa malaking cabinet. Lumuhod siya para makuha sa pinakailalim ang hugis parihabang kahon na gawa sa kahoy. The key is attached to the small podlock kaya madali lang niyang nabuksan ang kahon. They've taken a lot of photos that day. Siya mismo ang nagpa-develop no'n. If only he could have a clearer look of that watch. Mas titibay ang assumption niya.
Ramdam ni Simon ang pawis na namuo sa kanyang noo at mukha, but he disregarded it. Inilabas niya lahat ang mga bagay na naitago niya. Isa na 'yong maliit na yellow Kodak photo album. Tuluyan na siyang sumalampak ng upo sa sahig at inilapag ang kahon sa tabi. Tinignan niya isa-isa ang mga picture na nasa loob ng lumang photo album. Halos ng mga picture ni Sanna roon ay nakatago ang mukha ng relo.
"Hindi," kontra ni Simon sa sarili. "There should be one." Hanggang sa makita niya ang picture nilang dalawa ni Sanna sa huling pahina. Nakaangkla ang isang braso nito sa braso niya. Sa posisyon na 'yon ay kitang-kita sa camera ang desinyo ng relo.
"Tang'na!" malutong niyang mura, halos napatulala siya.
Kinuha niya ang larawan at tumayo. Diretso siyang naglakad sa direksyon ng mesa para damputin ang cellphone. Kinunan niya ng picture ang larawan na hawak. He had to crop Sanna's face and his face para maging malinaw ang desinyo ng relo sa picture saka ipinasa sa messenger ni Balti. Agad niya itong tinawagan nang hindi hinihintay ang reply nito.
"Saan mo nakuha 'to?" tanong agad ni Balti kaysa batiin siya.
Simon already expected that. Kahit sino magugulat. "Ser, posible ba na hindi mawala ang kapangyarihan ng isang missing item kahit nabago ang hitsura no'n?"
"There is a great possibility na hindi mawala. Pero saan mo 'to nakuha? This watch is really identical to the pocket watch we're looking for?"
"It's a long story, but one thing is for sure, Sanna wore that watch on the day of her 18th birthday. 'Yon din ang araw kung saan napunta si Thad at naisama niya pabalik sa hinaharap ang Sanna na kasama natin ngayon."
BUMUNGAD KAY SANNA ang nakangiting si Balti nang pagbuksan niya ito ng pinto. "Balti, pasok ka," aniya saka tumabi para makapasok ito.
"Alam kong masaya ang tahimik na buhay pero manggugulo muna ako," sagot sa kanya ni Balti. Natawa si Sanna, tuluyan na ring pumasok si Balti. "Si Simon?"
"Ser!"
Sabay na silang napalingon sa direksyon ng hagdanan. Kakababa lang ni Simon. May hawak ito sa isang kamay pero hindi niya alam kung ano eksakto.
"Si," bati ni Balti kay Simon.
Tumuloy na rin silang tatlo sa sala. Nandoon si Art binubuo ang miniature house na bili ni Thad sa anak nila. Kanina pa roon si Art. Hindi niya maistorbo pero nang makita nito si Balti ay agad itong tumayo at lumapit sa huli.
"Tito Balti!" nakangiting tawag nito kay Balti saka nagmano. "Napasyal po kayo?"
Balti playfully messed Art's hair. "Mangugulo ako," he answered with a chuckle. "Anyway, ituloy mo lang pagbuo ng bahay mo. Huwag mong gawing inspirasyon ang Tito Simon mo. Ilang taon na lumipas hindi pa rin buo ang bahay."
Inosenteng tinignan ni Art ang Tito Simon. "Tito Si, gusto n'yo pong tulungan ko po kayo?"
Natawa naman silang tatlo. Pero ang tingin ni Simon kay Balti may lihim na pagbabanta.
"Huwag kang makinig diyan sa Tito Balti mo. Hindi verified mga balita niyan." Simon tilted his head towards the kitchen's direction. "Art, dito ka lang. Mag-uusap lang kami."
"Sige po."
Kumunot ang noo ni Sanna. Mag-uusap silang tatlo? Bakit hindi siya na inform kanina? Bumalik na si Art sa puwesto nito kanina at ipinagpatuloy ang pagbuo ng miniature house nito sa wooden coffee table.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya sa dalawa.
Pinihit siya ni Simon sa direksyon ng kusina mula sa likod at itinulak pa palakad. Nang makarating sila sa kusina at magkaharap silang tatlo. Simon and Balti showed the same serious expression.
"May problema ba?"
"Wala naman," si Simon ang sumagot. "Pero may itatanong lang kami."
"Tungkol saan?"
"This." Ipinakita ni Simon ang kanina pa nito hawak sa kanila. Lumang picture pala nila 'yon ni Simon noong 18th birthday niya. "Do you remember this watch." Itinuro ni Simon ang suot niyang relo sa larawan.
"Ah, 'yan?" Natigilan siya sa tingin ng dalawa. Para kasing may hinihintay silang sagot na gusto nilang sabihin niya. "Bakit?" She also remembered, Thad had that same expression when he asked about that watch.
"We're looking for a very special watch," sagot ni Balti. Ipinasok nito sa bulsa ng pantalon nito ang kamay para hugutin ang cellphone. "We noticed that the design of your watch is identical to this pocket watch."
Ipinakita sa kanya ni Balti ang isang sketch drawing ng isang pocket watch. Literal na namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. The sun, moon, and mechanic parts of the pocket watch is very identical to the vintage watch.
"Baka iisa lang sila," nasabi niya.
Kumunot ang noo ng dalawa.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Balti.
"Regalo lang sa'kin 'yan ng isang kaibigan ko noong college. Madalas ko siyang kasama, Kuya Si. Naikuwento ko na rin siya sa'yo dati. Nakita mo na rin." Kumunot lang lalo ang noo ni Simon. She continued. "Pero ang sabi niya sa'kin, dati raw 'yong pocket watch, in-alter lang ng may-ari saka ibenenta sa thrift shop kung saan 'yan nabili."
"So, it was indeed a pocket watch?" ni Balti.
Tumango si Sanna. "Oo. Pero bakit n'yo naitanong? Kasi –"
"Nasa sa'yo pa ang relo?" singit ni Simon kaya hindi niya naituloy ang sasabihin.
Umiling si Sanna. "Wala na sa'kin."
"Nawala?" tanong ni Balti.
"Hindi. Ibinalik ko."
"Kanino mo ibinalik?"
"Bakit mo ibinalik?"
Halos sabay na tanong nila Simon at Balti sa kanya.
"What's happening here?" It was Jude's voice.
Napalingon ang lahat sa nagsalita at nakita si Jude kasama ni Thad. Parehong may pagtataka sa mukha ng dalawa.
"Sanna?" baling na tanong ni Thad.
"We found the missing item," anunsyo ni Simon. Relief and joy could be seen in his face nang lapitan nito sina Jude at Thad. "Tignan n'yo." Ipinakita nito ang lumang larawan sa dalawa. "Sanna was wearing this before."
Naikiling ni Jude ang ulo sa kaliwa at tinignan nang mabuti ang relo sa picture. "How sure are you na ito nga ang hinahanap natin? Hindi naman 'to pocket watch –"
"It has been altered," sagot ni Balti. Lumapit ito sa tatlo at ipinakita ang sketch ng pocket watch mula sa cellphone nito. "Basing from Sanna's story, dati ring pocket watch ang iniregalong relo sa kanya noon."
Hindi naman mapigilan ni Sanna ang tignan si Thad. Seryoso ang mukha nito habang nakikinig sa mga kaibigan nito. She knew him. He wouldn't ask her about the watch if it did not pique his interest. Surely ay may alam si Thad na hindi nito sinasabi sa mga kaibigan nito.
"Sanna," balik sa kanya ni Balti.
"H-ha?"
Natuon ang atensyon ng apat sa kanya.
"Sino nga nagbigay sa'yo ng relo?"
Bumabaon ang tingin ni Thad sa kanya. Para bang sinasabi ng mga mata nito na huwag niyang sabihin sa mga kaibigan nito ang totoo. Bahagya niyang ibinaba ang tingin at nagkunwaring may iniisip.
Ano bang itinatago ni Thad sa kanya?
"Sanna?" pukaw ni Simon.
She cleared her throat. "Sorry," she said and paused to collect her thoughts again. Kahit sabihin niya ang pangalan ay hindi naman din nila mahahanap agad ang dati niyang kaibigan. "Bigay siya sa'kin ni Nicholas," sa wakas ay sagot niya.
Pasimple niyang tinignan ang mukha ni Thad. Bahagyang nagsasalubong na ang mga kilay nito. Lalo tuloy siyang kinutuban. May alam talaga si Thad.
"Nicholas?" Kunot na kunot ang noo ni Simon. "Familiar."
"Name's familiar," segunda ni Jude. "Did you mention him before?"
"Dating nanliligaw sa'kin noon," sagot niya. "Pero I doubt kung naalala n'yo pa ang mukha niya."
"Anong apelyido?" tanong ni Balti.
"Gutierrez," sagot niya. "Nicholas Gutierrez."
"MAY HINDI KA ba sinasabi sa'kin, Thad?" diretsang tanong agad ni Sanna nang maisarado ang pinto sa kuwarto nila. Hininaan lamang niya ang boses at baka may makarinig pa sa kanila sa labas.
"Sanna –"
Akmang hahawakan siya nito pero lumayo siya. Kumunot lang ang noo nito but he doesn't seem mad. He looked guilty on something.
"Thad, ayaw kong naglilihim ka sa'kin."
Sinalubong ni Thad ang tingin niya. "Sanna, please, don't tell anyone."
"Kaya ba nagtanong ka sa'kin tungkol sa relo dahil alam mong puwede kaming sagipin ng bagay na 'yon?"
Thad painfully nodded.
"Pero bakit hindi nila alam na hinahanap mo rin 'yon?"
"Hindi ko puwedeng sabihin sa kanila..."
Kumunot ang noo ni Sanna.
"... for now."
Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya. Hindi na siya umiwas at hinintay na lamang niya itong makalapit.
"Hon," inabot ni Thad ang dalawa niyang kamay at nagtama ang mga mata nila pagkatapos. Sanna saw desperation in his eyes. It pained her seeing him like that.
Nagsimulang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Ayaw niyang umiyak pero ang bigat-bigat sa dibdib. Tatlong araw na lang ang mayroon siya pero nasasaktan pa rin si Thad dahil sa kanya.
"Thad, please," she begged, tuluyan nang bumigay ang mga luha niya. "Alam mo na suportado kita sa lahat ng gusto mo. Pero kung isasaalang-alang mo ang buhay mo para sa'min. Alam mong hindi 'yon kakayanin ng konsensiya ko."
Hinawakan ni Thad ang luhaan niyang mukha. "I won't." Pinunasan nito ang mga luha niya sa pisngi gamit ng dalawang hintuturo nito at ngumiti. "Pangako." Niyakap siya nito pagkatapos. "Makakasama n'yo pa rin ako."
Napahikbi na lamang siya nang husto sa dibdib nito. Humigpit ang yakap niya kay Thad. Naramdaman naman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo.
"Don't worry about me. I know what I'm doing."
NAABUTAN NI THAD si Simon sa hagdanan. "Thad, si Sanna?" Hindi ito tumuloy sa pagbaba at hinintay siya.
"Susunod siya," sagot niya nang makalapit.
"Ah, okay. Sasabay ka sa'kin?"
Papunta sila sa bahay ni Balti para pag-usapan ang tungkol doon. "Susunod kami." Ngumiti siya kay Simon. "Mauna na kayo."
Tinapik ni Simon ang balikat niya. "We'll find it." Punong-puno ng determinasyon ang mga mata nito. "Kaya pa 'yan."
Tumango siya. "We will."
"Habol kayo."
Nauna nang bumaba si Simon sa kanya. Sumunod din siya kaagad pero agad siyang dumiretso sa sala. Naabutan ni Thad ang anak na nakaluhod sa sahig habang binubuo pa rin ang miniature house na regalo niya rito sa itaas ng wooden coffee table. Art didn't notice his presence dahil masyado itong engrossed sa ginagawa nito. Malalim siyang napalunok para maibsan ang unti-unting paninikip ng kanyang dibdib habang tinitignan ang anak niya. Pinunasan niya ang mga kuwalang luha sa kanyang mga mata at ngumiti.
"Art, anak," tawag niya rito.
Nilingon siya ni Art, agad na nangislap ang mga mata nito nang makita siya. "Daddy!" Mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanang kamay niya at hinila siya palapit sa miniature. "Tignan mo po, Daddy! Malapit ko na po siya matapos."
"Mas mabilis ka pa sa'kin ah," nakangiti niyang puri kay Art. Naupo siya sa mahabang sofa, tumabi naman agad si Art sa kanya. Nasa harapan lang nila ang miniature. "May lakad ka ba?" biro pa niya.
Tumatawang umiling si Art. "Wala naman po. Pero feeling ko po kasi kailangan ko na siyang tapusin agad."
Ginulo niya ang buhok ng anak. "Hindi mo kailangang magmadali. You have all the time in the world."
Lumapad ang ngiti ni Art. "Kung ganoon po, Daddy. Magiging magaling na architect na po ako katulad n'yo paglaki ko?"
Mas lalong bumigat ang nararamdaman ni Thad sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapipigilan ang mga luha niya. He didn't want Art to see him crying. Idinaan niya sa bahagyang pagtawa ang bigat na nararamdaman niya.
"Oh, akala ko ba gusto mo maging vet katulad ng Tito Juan mo?"
Dumikit pang lalo si Art sa kanya. Naisip niya, paano siya kapag nawala na ang batang 'to sa buhay niya? Alam niyang mahihirapan siya nang sobra. But he needs to let them go.
"Ayaw ko na po pala, Daddy. Gusto ko na lang po maging magaling na architect katulad mo po. Gagawa po ako ng maraming buildings saka bahay."
"Then you will become one."
"Daddy."
"Hmm?"
"Kapag po naging architect na po ako..." Napatitig siya sa anak niya. "Kasama ka pa rin po namin ni Mommy, 'di ba?"
Thad smiled at his son.
"Oo naman." Inisang brasong yakap niya ang anak para hindi nito makita ang mga luha niya. "Kasama n'yo pa rin ako." Ginulo niya ang buhok ng anak saka hinalikan sa ulo. "I wouldn't miss it."
Paglaki mo, Art, maiintindihan mo rin kung bakit kinailangan kong gawin 'to para sa inyong dalawa ng Mommy mo.
"PAANO N'YO NAMAN hahanapin 'yang si Nicholas?" tanong ni Jam. "Ni hindi nga natin alam mukha niya."
"Hindi ko rin matandaan," sagot ni Jude.
"Mukhang hindi rin yata matandaan ni Si," segunda ni Mathieu. "Sa dami ng Nicholas Guiterrez sa mundo."
"But Sanna can draw him," singit ni Simon. "We can start from there."
"Teka, na saan na ba sina Kap?" pag-iiba ni Jam. "Alam ba nila ang plano natin?"
Jam, Balti, Tor, Aurea, James, Math, and Juan joined Thad, Simon, Sanna, and Jude. Vier and Sep are not around kaya wala rin sina Iesus at Amora. Hindi rin mahanap si Andrew.
"We don't have time," sagot ni Simon. "We'll inform them kapag nandito na sila."
Tahimik lang si Sanna habang nakikinig sa mga ito. May idea naman na siya tungkol sa mga kaibigan ni Thad at sa mga misteryong bumabalot sa Faro de Amoré. That includes the 12 missing items that Iesus is looking for. Tatlo na ang nahanap, dalawa roon ang malalakas at may kasamang sumpa. The vintage watch could be either cursed or not.
Pasimpleng tinignan ni Sanna si Thad.
She wondered if Thad has any idea if it's cursed or not. She really doubt if he's working alone. Malakas ang pakiramdam niya na may tumutulong kay Thad.
"I think we should wait for them," salita ni James. "Iesus and Vier should know about this."
"Wala nga silang ginagawa," sagot ni Simon.
"Maybe if we explain again," segunda ni Math. "Makikinig na sila."
"We don't have time," pinal nang sabi ni Simon, bahagya na ring tumaas ang boses nito. "Kailangan nating mahanap si Nicholas muna para matunton natin ang relo."
"Simon is right," sang-ayon ni Balti. "Wala pa naman tayong gagawin. Kukunin lang natin ang relo."
"Pero mas may alam sina Iesus," insist pa rin ni James.
Alam ni Sanna na napipikon na si Simon. Halata na sa mukha nito. "Hayme –"
"Let's not argue anymore," pumagitna na si Tor. "Mauubos lang ang oras natin diyan. Sanna," baling ni Tor sa kanya. "I'm sure you still remember his face. Please, give us the sketch." Tumango si Sanna. "The rest, calm down. Wala tayong masisimulan kung lahat kayo mainit ang ulo."
"Tama si Tor," segunda ni Au. "Kuya," bumaling ito sa kuya nitong si James. "Wala pa naman tayong gagawin. Ise-secure pa lang natin ang relo."
Humalukipkip si James at tumango na lamang.
"And one more thing," salita ulit ni Tor. "Do not let the situation divide us. Ngayon natin kailangan ng pagkakaisa. We will simultaneously work on different possibilities but remember that we have one goal here... and that is... to save Sanna and Art in the safest way possible."
HINDI MAKAALIS SI Thad.
He already texted Iesus about the situation. Vier and Sep shouldn't know about this. Makikilala ng dalawa si Nicholas kapag natapos na ang drawing ni Sanna. Nag-excuse muna siya at nagbanyo. Sa tingin naman niya ay soundproof ang banyo sa bahay ni Balti. Inalisa niya ang mga materyales na gamit at kapal ng pader na naghahati sa loob ng banyo at sa labas. Hindi siya maririnig kung hindi siya sisigaw. He doesn't think he will do the latter.
In-lock niya ang pinto at pumwesto doon sa pinakadulo. The bathroom ventilation window is near that area. Wala namang makakarinig sa kanya sa labas dahil puno ang nasa labas at nasa loob naman ang lahat.
Tinawagan niya si Iesus.
"What's the situation there?" tanong agad ni Iesus nang sagutin siya.
"Sanna is still sketching. Where's Vier and Sep?"
"They'll be back later. I don't think I can do something to stop them. Kilala ni Sep si Nicholas. Of course, Vier knew about the fake Iesus who took the vintage watch. Doing something might bring more questions and doubts. I won't risk it."
Kapag nalaman nang lahat ang tungkol sa relo. Balti can find a way to navigate its power. Hindi puwedeng ilabas ang journal ni Nathanael dahil baka magising ulit nila ang nahimlay na pagkatao ni Nathanael sa loob ni Balti. Mas lalo lang gugulo ang lahat.
There is even a chance that Sanna will stop him if she finds out that he will sacrifice his time for her and Art. He will not allow it. Iesus is against this pero mapilit talaga siya kaya wala na itong magagawa pa. Kaya alam niyang pipigilan din siya ng mga kaibigan niya. Jude and Simon might even sacrifice themselves on his behalf - lalo na si Simon. He will not allow that as well. He will not drag his friends to his misery.
"So, what's our next move?"
"Uunahan natin sila."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro