Kabanata 50
"THE LOST ITEM will only shorten the years of the person's life who made the change."
Binalot ng katahimikan ang paligid. Napaisip si Thad. Art's repeating dream makes sense. There is a higher possibility that it was the other future that awaits them if he decides to change a few seconds of the past. He could give them that future if he insists.
"Pero hindi natin alam kung ilang taon ang ibabawas ng oras," basag ni Iesus.
"Art had this repeating dream," simula ni Thad. He immediately got Iesus' attention. He continued, "In that dream, he sees me looking at one of Sanna's paintings. I'm assuming that it was Sanna's art exhibit dahil binanggit ni Art na punong-puno raw ng art works ng mommy niya ang lugar."
"And what happened next?"
"Lumapit siya sa'kin, tignan niya ang painting na tinitignan ko, but he said I didn't notice him. Until we both heard his mother's voice. Sabay kaming napatingin sa likod... and Art said, I looked startled to see both of them. Maybe it was the other future."
"Is that the reason why you wanted to talk to me?"
Tumango si Thad. "Aurea's words makes sense now." Sinalubong niya ang mga mata ni Iesus. "She saw two different paths. Ang sabi niya, dalawang buhay ang nakikita niya sa anak ko. Isang magtatapos agad at isang magsisimula pa lang. Nakasalalay ang magiging sagot sa desisyon ng mga taong nagmamahal kay Art. Art's fate ended early because of Sanna's choice in the past. Pero may kakayahan akong ibigay kay Art ang pagkakataon na mabuhay siya nang mas matagal. I remembered what James said, nasa sa amin ni Sanna ang sagot. This is the answer we've been looking for."
"A sacrifice."
Tumango si Thad.
"Sa nakalipas na taon, wala akong ibang hinangad kundi ang makita si Sanna at makahingi ng tawad. I tried moving on – forgetting the past. Pero sa tuwing tinatalikuran ko lahat ng mga alaala namin, mas lalo lang bumibigat dito."
Inilapat ni Thad ang isang kamay sa bandang dibdib. Mapait siyang napangiti pagkatapos.
"I've lived 9 years of my life regretting the decision I did." Ramdam ulit ni Thad ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. The pain already bore inside his soul. He will never get used to this pain. "I thought success can conceal all the pain I have kept in myself, but all it gives me is temporary healing. I still find myself lost in the decisions I did in the past."
Thad paused before speaking again.
"You know what I call myself, Sus? A lighthouse. I've been here for the longest time and I've witnessed all the pain of those people I've loved. When everyone is growing and moving on. I'm still here, stuck in the same place, waiting for everyone to come home..."
DAY 41
THAD DECIDED TO visit his father. He may cut his connection with his father, but it's not difficult to find him. His father, despite his age, remained successful as an architect. Although he didn't expect his father will accept his short notice invitation, but he was glad that he didn't reject him this time.
Pagkapasok pa lang ni Thad sa lobby ng building ng Apostol Designs ay bumalik sa kanya lahat ng mga alaala na mayroon siya sa building na 'yon. Those were the proud moments of his life... the fulfilment of a little boy's dream. But those proud moments were also the reason why he failed to protect the future of his loved ones.
So much has changed since he got here, but it was still the same building that reminded him of his painful past.
Bumuga ng hangin si Thad at naglakad sa direksyon ng elevator. He didn't need to inform the receptionist. His father is already expecting him.
Pagkarating niya sa itaas ay bumungad sa kanya ang gulat na mukha ng kanyang ama. Bernardo Apostol has aged, but time didn't fade the great resemblance of him to his father. It was as if Thad was looking at his older version.
"Thad," sa wakas ay tawag nito, tumayo ito mula sa upuan nito.
Tipid siyang ngumiti. "Hi."
There was an awkward silence between them. Alam niyang hindi lang siya ang nangangapa sa mga oras na 'yon – his father too. But it doesn't matter. He came here for one reason. To put closure to all of the things that happened in the past. He knew that he had to accept everything and let go.
"Have a seat." Bernardo Apostol cleared his throat and gestured a hand to his waiting lounge at the corner of his office. "To tell you honestly, I didn't expect your message."
Naunang maupo si Thad sa mahabang sofa. His father occoupied the one seater couch beside his seat, pero nakaharap ang ama niya sa kanya.
"It was on short notice."
"It was."
"I'm surprised you're not on vacation leave."
Bahagya itong natawa. "I have nothing to do at home. Pumasok lang ako ngayon dahil dito mo gustong makipagkita. Anyway, how are you? How's your company?"
"I'm okay. My company is doing good."
Ngumiti ang kanyang ama. "That's nice to hear."
Pero hindi maiwasang punahin ang tuno ng pananalita ng ama niya. Bernardo Apostol is unsually calmer – and genuine.
"I know you hated me," dagdag ng ama niya. "I've never been a good father to you, Thad. I don't know if I will ever be one. But you have proved me wrong."
Mapait na napangiti si Thad. "I wish I was able to proved it earlier."
"Have you found her?"
Tumango si Thad.
"How is she?"
"She's happy," nakangiti niyang sagot. "She has a son now."
"Oh!" Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ama. Napakurap ito, halatang nag-iisip kung ano ang susunod na sasabihin. If it was guilt that passed through his father's eyes. He wondered if his father felt remorseful of what he did to her in the past. "I'm sorry to hear that, son."
Maybe he did.
"At least she's happy."
Ilang segundo ang lumipas bago ulit nagsalita ang ama ni Thad.
"I know you have something to say to me, Thad."
Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung saan magsisimula. He had been thinking about it since last night. He shouldn't waste this opportunity.
"Gustong-gusto kong isisi sa'yo lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay pero hindi ko magawa," mapait niyang basag. "Simula pagkabata. Hanggang sa tumanda ako, isang bagay lang ang ginusto ko. 'Yon ay maging proud kayo sa'kin. Pero sa tuwing pinapatunayan ko ang sarili sa inyo ay lagi lang akong nadidismaya. Naisip ko kung may patutunguhan ba lahat ng mga pagsisikap ko para mapansin n'yo ako?"
Hindi napigilan ni Thad ang sariling mga luha.
"Gustong-gusto kong ibigay sa'yo ang galit na naipon ko sa sarili ko sa nakalipas na taon. Ubos na ubos na ako, Pa. Ubos na ubos na akong kamuhian ang sarili ko para lang maparusahan ang sarili ko. If not for my greatest desire to make you proud of me ay hindi mawawala sa'kin ang tanging babaeng nagmahal sa'kin nang sobra at totoo. Ang tanging babae na naniniwala sa'kin na kaya ko ngang maging magaling na architect kagaya mo."
Grabe ang iyak niya nang mga oras na 'yon. Those were the words he wanted to say to him all these years.
"I always ask myself," pagpapatuloy niya sa pagitan ng mga luhang ayaw tumigil. "May mali ba sa'kin? Hindi ba talaga ako magaling? Paano kung tama ka? Paano kung hindi talaga ako magaling? Hanggang sa hindi ko na magawang pagkatiwalaan ang sarili ko. I look up to you. I always look up to you, Pa. And I always wish that you will see the pain in my eyes whenever you reject me. I only wanted to be your son, but you wanted more from me."
"Thad –"
"It wouldn't be too late if you informed Jude and Simon where I was after that accident. Pero hindi mo ginawa dahil sabi mo, 'yon ang ikabubuti ko. Na alam mo ang mas makakabuti sa'kin dahil ikaw ang ama. Ikabubuti ko o ikabubuti mo? Kinulong mo ako sa bahay. Nagmakaawa ako sa'yo na tawagan mo si Sanna. Pero hindi mo ginawa."
His father's regretfully lowered his face. "I'm sorry."
"I've been living in hell because of my great respect and love for you as my father."
Malungkot na inangat muli ng ama niya ang tingin sa kanya. Sinalubong niya ang mga tingin nito na sa mga oras na 'yon ay punong-puno ng panghihinayang at kalungkutan.
Thad painfully smiled. "But it was still my choice to hurt her." And that choice made her the one that got away.
"I'LL DO IT," diretsang sabi ni Thad kay Iesus, he was determined to make things right for Sanna and Art even if it puts his life at risk.
Pagkatapos niyang kausapin ang ama ay tinawagan niya si Iesus. Ang sabi nito ay nasa de Dios ito kaya dumiretso siya roon.
Iesus was speechless. "Thad –"
"Wala na akong pakialam kung hindi kami ang magkatuluyan ni Sanna sa kinakabukasan na mayroon sila ng anak namin. Sus, ang gusto ko lang ngayon ay ibigay ang kaunting oras ng buhay ko para mabago ang hinaharap ng mag-ina ko."
Parang batang pinunasan ni Thad ang mga luhang hindi niya napigilan.
"All I want... is to see them living... the life... they deserved."
Pigil na pigil ni Thad ang emosyon niya. Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya nang mga oras na 'yon ay isang bagay na lang ang kinakapitan niyang pag-asa para hindi tuluyang bumigay. He will gave everything for them even if it means uncertainties and death for him.
"Please, Sus..." he begged. "Let me use the watch."
NAPASINGHAP SI SANNA nang maramdaman ang biglang payakap ni Thad mula sa kanyang likod. Umawang lalo ang bibig niya nang tumalsik ang mantika sa braso niya mula sa niluluto niyang isda sa kawali. Alam niyang natamaan din ang kamay ni Thad dahil namumula na rin ang parte ng likod ng kamay nito.
"Thad!" sita niya rito sabay patay ng kalan. Inilayo niya ito nang bahagya at kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya para masipat ang kamay nito. "Bakit ka kasi nanyayakap bigla e alam mong nagluluto ako? Tsk!"
Thad chuckled. "Malayo 'yan sa bituka at saka wala 'yan. Sanay ako sa kusina kaya parang kagat na lang ng langgam ang talsik ng mantika." Proud pa itong ngumiti.
"Ah talaga ba?" hamon pa niya rito.
"Magkaroon ka ba naman ng isang pinsan at kaibigan na palamunin." Ninakawan siya nang mabilis na halik ni Thad sa mga labi. Tawang-tawa ito nang paluin niya ng hawak niyang statula. "Ilang araw pa lang tayong mag-asawa pero nananakit ka na."
"Huwag kang mag-alala, sa mga susunod na araw ay bugbog na aabutin mo sa'kin," biro pa ni Sanna.
Thad wrapped his arms around her waist and pulled her closer. "Mag-aaway na lang ba tayo lagi?" She immediately noticed Thad's naughtiness behind his smile. Alam niyang may kapilyohan na namang nabubuo sa isip nitong asawa niya nang mga oras na 'yon.
"Behave," nakangiting hinawakan niya ang magkabilang mukha ni Thad. "Pero nagpaalam na si Art na tatabi raw siya ngayon sa Tito Si niya. Manonood daw sila ng Alvin and the Chipmunks sa kuwarto ni Kuya Si."
Bumabang muli ang mga labi ni Thad para siilin siya ng halik which she obediently responds.
"I can't wait," sagot ni Thad nang maghiwalay ang mga labi nilang dalawa, pareho silang nakangiti sa isa't isa.
Akmang hahalikan ulit siya ni Thad nang may tumikhim. Sabay nilang naibaling ang tingin sa nakahalukipkip na si Simon na mas lalong naniningkit ang mga mata.
"Alam kong bahay n'yo 'to. Pero mandatory po bang kapag nagluto sa kusina dapat may kahalikan ka?"
Natawa silang dalawa ni Thad.
"Malay mo, baka sumarap ang luto mo kung oo," asar na sagot pa ni Thad kay Simon.
Binago ni Thad ang posisyon nila at inakbayan na lamang siya. Iniyakap niya naman ang isang braso sa baywang ni Thad habang nakaharap silang dalawa kay Simon.
Napamaang si Simon. "Wow! So, sinasabi mong hindi ako masarap magluto?" Ibinaba ni Simon ang mga kamay at sa baywang naman ito humawak. "Hoy, Thaddeus Bernardo Apostol, ipapaalala ko lang ulit sa'yo na sa branch ng Jollibee kung saan ako nagtatrabaho ako ang pinakamasarap magluto ng chicken joy."
"May timpla na 'yon at saka i-de-deep-fry mo na lang."
"Hindi lahat kaya magluto ng chicken joy!" Halata na ang ugat ni Simon sa leeg dahil sa asar kay Thad.
"Pinapasahod ka para magluto."
Napaisip si Simon. "Sabagay." Ngumiti ito at tumawa. Madali talaga itong kausap. "Okay, sige. Point taken." Hinablot ni Simon sa kanya ang statula. "Sige na, umalis na kayo sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko sa ka-sweet-an n'yong dalawa. Damn man, get a room you two."
"Hindi na kami tatanggi riyan. Take charge now."
"Yeah, right?" Simon's shoulder sagged. "Ito lang naman talaga ang role ko. Maging mabuting kaibigan, kuya, at tito. Tanggap ko na. Tanggap ko nang tatanda kaming dalawa ni Sicat na magkasama." Marahas itong bumuntonghininga pagkatapos habang yakap-yakap ang statula sa dibdib.
Tawang-tawa silang dalawa ni Thad kay Simon.
"Gago," komento ni Thad.
"Nako, Kuya Si, baka naman kasi nasa maling tao pa 'yong the one mo. Dadating din 'yan."
"Kaya mo 'yan." Tinapik ni Thad sa balikat si Simon. "Hintayin mong magkamali ang boyfriend ng crush mo."
"Hoy Apostol!"
Ang lakas ng tawa ni Thad. Mananapak na si Simon kaya hinila na ni Sanna sa braso si Thad palayo na tawa pa rin nang tawa.
"Kung wala kayong sasabihin na maganda na dalawa itikom n'yo mga bibig n'yo!"
Paakyat na sila ng hagdan pero tawa pa rin sila nang tawa. May bigla namang naalala si Sanna.
"Ay, nga pala, Thad, saan ka pala kanina?" tanong niya.
Maaga kasing umalis kanina si Thad. Nag-text lang ito na may lalakaring importante nang maaga.
Ngumiti lang si Thad sa kanya. "May kinuha lang akong gamit sa office. Did someone look for me?"
"Wala naman. Hinahanap ka ng anak mo e."
"Ang anak ko lang?"
Natawa si Sanna. "Hinaharap ka rin ng mommy ng anak mo."
Thad groaned. "Damn, this is torture! I can't wait for tonight. Where's Art by the way? Biglang nawala ang batang 'yon."
"Dinala ni Jude sa bahay nila."
Ngumiti ng pilyo si Thad. "Which buy us some time." Napansinghap bigla si Sanna nang kargahin siya bigla ni Thad nang tuluyan na silang makarating sa itaas.
"Thad!" singhap niya sa gulat.
"I prefer to taste my wife first."
"Hoy, grabe!"
"GALING AKO KINA Ser kanina," basag ni Simon habang busy sa pagbukas ng hawak nitong cheese stick. Hindi makapag-concentrate si Thad sa sinasabi nito dahil nadi-distract siya sa ginagawa ni Simon. Kanina pa nito sinusubukang buksan ang plastic no'n pero hindi nito magawa-gawa.
"Anong nasagap mo?" tanong ni Jude na kasalukuyang kumakain ng green na Dingdong. Magkatabi silang tatlo sa swing chair ni Simon sa harapan ng bahay. "Nanahimik din ang mga 'yon, ah. Nakapagtataka."
Nanay Celia, Jude, Mari, and their twins joined them for dinner. Nasa loob ng bahay ang mga babae at lumabas silang tatlo para ubusin ang tig-isang San Mig beer. Binawasan ulit ni Thad ang iniinom na beer.
"Hindi makausad hanggat wala ang item na nahanap," pagpapatuloy ni Simon, hindi pa rin nabubuksan ang cheese stick. "Pero malakas ang kutob ni Ser na hindi cursed item 'yong relo at baka makakatulong sa atin para mailigtas sila Sanna." Bumuga ng hangin si Simon. "Kaso, wala ngang ibang mapagkunan ng impormasyon patungol doon."
Kinuha na niya ang pagkain mula rito at siya na ang nagbukas. Gulat na gulat ang tingin ni Simon sa kanya nang walang kahirap-hirap niya 'yong nabuksan. Si Jude, parang wala lang. Kain lang nang kain.
"Woah, daebak!"
Natawas si Thad pero mas malakas ang tawa ni Jude.
"Gago," react ni Jude. "Hapon ka, Takeuchi."
Ngumisi si Simon. "Kamsamhida!" bahagya pa itong yumuko sa kanya nang iabot niya rito ang bukas ng cheese stick.
"Mas magaling ka pa yata mag-Korean kaysa kay Juan," dagdag ni Jude. "Sino nagturo sa'yo niyan?"
Kinagatan muna ni Simon ang cheese stick na hawak. "Madaming binigay na listahan si Maha na Kdrama," sagot pa rin nito kahit ngumunguya. "Kaso nagugutom lang ako kakapanood sa kanila."
"Kaya pala daming mong in-hoard na Korean products?" tanong ni Thad.
Ngumisi si Simon. "Nabigyan kaming discount doon sa Korean Mart na pinuntahan namin ni Juan. Crush ng anak ng may-ari si Juan. Sayang din. Hindi ko na lang pinagsalita 'yong loko-loko. Hindi naman marunong mag-Koreano ang Koryano na 'yon."
"Walangya!" Tawang-tawa si Jude.
Napailing na lamang si Thad, natatawa. Mayamaya pa ay natahimik na silang tatlo. Kung hindi pa nagsalita si Simon ay baka humaba pa ang katahimikan.
"I don't want to lose hope," basag ni Simon. "I'm still raising my hopes up that we will find that watch. Pero walong araw na lang ang mayroon tayo. Okay sana kung may lead man lang tayo kung na saan ang relo pero wala."
Tinapik ni Jude ang likod ni Simon. "Eight days is better than nothing. I'm sure Vier and Iesus could think of something."
Thad stayed silent. He was not sure if giving his opinion would help him pretend he didn't know anything. He's sure their friends will understand why he and Iesus had to do it behind their backs.
"Nanahimik ka Thad?" puna sa kanya ni Jude.
Mapait siyang ngumiti. "Ano bang gusto mong marinig mula sa'kin?"
"About Sanna and Art," si Simon ang sumagot. "Will you be ready to let them go?"
"I don't think I will be ready to see them go." Itinuon niya ang atensyon sa harapan. Ramdam niyang nakatingin ang dalawa sa kanya. "But I'd like to think that our miracle is on the way." Ibinalik niya ang tingin sa dalawa at ngumiti. "No matter what happens, masaya man o maging malungkot ang kahantungan ng lahat, alam kong ginawa ko ang lahat para mailigtas ang mag-ina ko."
DAY 45
THAD WAS PACING back and fourth in the small hallway of Iesus' underground museum. They only have 4 days left to find the watch. For three days they've been trying to go back in time. Pero lahat ng mga bagay na puwedeng maghatid sa kanila sa tamang oras ay hindi nila ma-timbrehan nang maayos. They tried to extend their time in that specific timeline pero nagpapakita agad ang maliwanag na pinto. He and Iesus couldn't risk to miss it at baka ma-trap pa sila.
Nauubos na nila ang mga bagay na puwede nilang gamit makakonekta lamang sa nakaraan.
"We can only roam a certain timeline with a limited time," basag ni Thad, huminto siya harapan ni Iesus na busy sa pag-iisip sa mesa nito.
"Twenty minutes. I've counted it," salita ni Iesus.
"Is there a chance we can extend it?"
"There should be a way but we can't do that for now."
"Sa tanda ko ay ibinigay ni Nicholas ang relo kay Sanna noong birthday niya. She was wearing that watch in the photo. Simon and Jude didn't notice that watch. Ako lang ang sinabihan ni Sanna na naalala niyang suot niya ang relo noong sinundan niya ako rito. Pero nawala 'yon nang makarating siya sa present."
"Thad, we can't take an item from the past. I told you before, we can't alter without the watch."
"Pero nandoon naman na ang relo –"
"You can't pretend to be Thad. You've aged. Sanna will be confused. She will surely share this with your younger self, to Simon, and Jude. It will ruin the timeline. Sanna will question your identity. We can't risk a future consequence."
Mas lalo yatang sumakit ang ulo niya sa sinabi ni Iesus. "Then do you have a concrete plan?"
"Again, we just need to find the right timeline." Nahilot ni Iesus ang sintido. "I just need one timeline where no one will see us using it. We have 20 minutes to do it. The watch should be near the area."
"You mean to say, kapag nakita natin ang relo ay gagamitin agad natin 'yon."
Tumango si Iesus. "Yes. It's the only way."
Thad tried to think of a thing that might be useful to locate the right timeline. Lahat ng mga bagay na mayroon sila ay nandoon si Sanna. The flower pot was made before the vintage watch appeared. If they're lucky, maybe he could pick up a day after Sanna's 18th birthday to check her room, but what is the probability of not getting caught in her house? He couldn't risk that.
"We need another witness," basag niya.
Kumunot ang noo ni Iesus. "What do you mean?"
Thad walked in Iesus' direction in big strides. "If we can't find the exact thing." Inilapag niya ang mga palad sa mesa nito. "Then maybe we should find a structure or a building that witnesses the whole scene in the past."
Iesus' expressed interest in his suggestion. "Please elaborate."
Binalikan ni Thad ang sinabi ni Iesus sa kanya. About Nicholas and the fraud Iesus who asked Nicholas to retrieve the watch from Sanna. He had been thinking about it for days. He just couldn't keep his hypothesis straight. But thinking about it now, it could actually work.
"Where did Nicholas leave the watch?" tanong niya.
Sinalubong ni Iesus ang determinado niyang tingin.
"Inside the lighthouse."
"And the lighthouse witnessed everything on that day."
Natulala si Iesus. "Oh, shit!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro