Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

TAHIMIK NA NAGLALAKAD sila pabalik ng bahay ni Thad. Hinihintay niyang magsalita ito pero ganoon pa rin. Tikom ang bibig at may distansiya sa kanya.

"Ang cute ng mga anak ni Jude, 'no?" basag na niya sabay ngiti. "Kamukhang-kamukha niya 'yong dalawa at ang bait pa ni Mari."

Nakilala na niya ang asawa ni Jude. Ito ang nag-ayos at nagpahiram sa kanya ng dress. Hindi nga lang sila nakapagkwentuhan nang maayos dahil ayaw niya rin itanong ang tungkol kay Faith. It would be rude to look for someone - lalo na kung dating nililigawan pa ni Jude. Kahit siya magseselos din.

"Hindi pala sila nagkatuluyan ni Faith?" dagdag niya.

Okay lang 'yon itanong kay Thad dahil magkakaibigan naman sila.

Umiling si Thad. "Faith died a year ago."

Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat. 

"They were engaged but she died in an accident. It's a long story," tipid itong ngumiti sa kanya. "But I'm sure Jude will tell you when he's ready. Jude and Mari's story is not your typical love story."

Tumango-tango siya. "A year ago, tapos ikakasal na si Jude this year at may twins na. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Ilang taon sila ni Faith?"

"Matagal na... I'm not sure... siguro 8 or 9 years together?"

"Who would have thought?"

Hindi niya sure kung nagkaroon ba talaga siya ng solid bond ni Faith. Sa picture lang din naman kasi niya nakita ang babae. Pero 'di niya maiwasang malungkot talaga. 

"Ganoon yata talaga ang buhay."

"Sabagay." 

Isang mahabang katahimikan na naman ang namayani bago ulit siya nagsalita.

"At walang pang girlfriend si Kuya Simon dahil?"

"Hindi pa yata niya nakikita ang tamang babae. Kilala mo naman 'yon."

Natawa siya. "Marami nagkaka-crush sa kanya pero ang pihikan niya sa babae."

"Choosy kamo."

This time pareho silang natawa ni Thad. "Naninigurado lang siya. Parang 'di mo tanda anong nangyari sa kanya at doon sa ex-girlfriend niyang si Kim."

"Kim is demanding, she doesn't deserve Simon."

"Busy naman kasi si Kuya Si noon. Imagine, scholar pa siya, part time crew pa sa Jollibee, then part sa scholarship niya rin na sumali siya bilang ROTC officer, and full time student pa. Grabe, in-admire ko nga siya noon e kasi napaka-dedicated niya pa rin sa halos lahat ng bagay."

"Lalo na sa pagkain," Thad chuckled.

"Ayon nga!" Lumakas ang tawa niya. "Nag-aaway pa rin ba sila ni Jude sa pagkain?"

"Wala naman masyadong nagbago sa dalawang 'yon."

"Ang cute naman. Saka ang galing kasi napaka-solid pa rin ng friendship n'yo hanggang ngayon." Ngumiti siya kay Thad. "Masaya ako na makita ulit kayong tatlo na magkakasama." Pinagdaop niya ang mga kamay sa likod at patalikod na naglakad - nakaharap kay Thad.

Pansin niya ang pamimilog ng mga mata nito. "Be careful –"

"Wala 'yan, wala namang bato sa daan. Gusto lang kita tignan."

"Nakikita mo naman akong maayos."

She chuckled. "Oo nga pero gusto ko tignan ang mukha mo. Sinusubukan kong ikumpara ang mukha mo sa noon at ngayon."

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "And?"

Lumapad ang ngiti niya. "And mas gwapo ka ngayon kaysa noon." Umangat ang isang kamay niya sa kanyang baba. "Hmm... bakit kaya 'di ko napansin 'yon kanina?"

"Same wonders."

"E kasi noong makita kita 'di na rin ako nag-isip. Nagtaka na lang ako nang sabi mo nasa present tayo at wala sa past. The differences I've disregarded earlier makes sense now."

"Ganyan ka naman talaga." He chuckled. "Dami mo nga napapansin pero iilan lang pinagtutuonan mo ng atensyon."

Nangislap ang mga mata niya. "Naalala mo pa?"

"Bakit ko naman makakalimutan? Dami ko kayang naipon na stress sa'yo." Pigil nito ang ngiti pero 'di niya pinigilan ang kanya. "Tatlo na kayong masakit sa utak."

"Good problem naman kami." Umagapay na ulit siya ng lakad kay Thad. "Nga pala, bakit kayo nag-break ni Melissa? I mean, if you don't mind me asking. Okay lang kahit 'di mo sagutin -"

"It didn't work out."

"'Yon lang?"

Tumango ito. "'Yon lang."

Bilis naman maka move on? Sure talaga?

Sa tanda niya ay mahal na mahal nito si Melissa. It was the hardest reality that she managed to accept little by little. Pero a part of her wanted to rejoice. If single pa rin hanggang ngayon si Thad. May pag-asa pa siya. 

Napangiti siya sa realization niyang 'yon.

"You're smiling?" puna na nito.

"Huh?" Mabilis na pinaglapat niya ang mga labi.

"Anong iniisip mo kanina?"

"Ah! Inisip ko lang, kung nandito ako. Meaning dalawa na ang Sanna sa present." Mukha itong natigilan. Ang seryoso ng mukha nito. "Thad?" Sumilip siya sa mukha nito.

"Siguro?" tipid ang ngiting sagot nito. "Hindi ko lang sigurado kung na saan ka ngayon."

"Nandito ako," biro pa niya sabay tawa. She was really trying her best to loosen the tension between them. Ang ilap kasi ni Thad. "Pero 'yong original na Sanna ay nawawala." Napaisip siya bigla. "Nawawala nga ba talaga ako?"

"You just disappeared..."

Naingat niya ang mukha rito. "Bakit?"

"Thad! Sanna!" Halos sabay silang napatingin sa harap. Nakangiting kumakaway sa kanila ang Kuya Simon niya. "Hali na kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay." Lumapit na ito sa kanila at hinawakan siya sa pupulsuhan. "Let's go." Saka hinila siya sa direksyon ng bahay. 

"Kuya ang excited!"

"Magugustuhan mo 'yong mga pagkain sa Noah's Ark. Wala pa 'yon noong college tayo dahil magulo pa buhay ni Chef Math noong mga panahon na 'yon. Ngayon magulo pa rin pero kaya na niyang magluto."

Natawa lang siya kahit wala siyang naintindihan. Dios ko, ang daldal pa rin. Walang pagbabago. Nakasunod lang din naman yata si Thad. Pagpasok nila sa bahay ay bumungad sa kanya ang mga kaibigan ng tatlo. Hindi naman yata ng mga inimbita ang kalahati ng populasyon sa Faro, 'di ba?

"Happy Birthday Sanna!" sigaw nang lahat.

Tatlong party popper ang magkasabay na pumutok sa harap niya kaya siya napatili at napahawak sa dalawang mga tainga. Natawa lang din siya pagkatapos. Hawak-hawak ni Kuya Jude ang cake niya na may madaming kandila na maliliit at kulay pink. Feeling nga niya ay 18 candles 'yon.

"Thank you! Thank you!" Tuwang-tuwa siya sa totoo lang. Hindi pa kasi talaga niya naranasan 'yong mag-birthday nang ganito. Usually, mag-isa lang siya sa birthday niya. Naiyak tuloy siya. "Sorry." Nakangiting pinunasan niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. "Huwag n'yo ko pansinin –" Umangat ang isang panyo sa harap niya. It's from Thad. Tinanggap niya 'yon at gamit no'n pinunasan niya ang mga mata.

"Aww, Sanna," sinugod siya ng yakap nila Mari, Aurea, Nin, at Amora.

Hindi pa niya kilala 'yong isang babae na halos kasing tangkad lang din ni Amora. Mukha itong may lahi na foreign blood. Mas matingkad sa pangkaraniwan ang kulay tsokolate nitong mga mata. Ito ang tumulak sa isa pang babae na may makling buhok na may bangs.

"Aish!"

"Huwag ka na sumali, Maha. Full cast na."

"Luh, pala desisyon ka!" Busangot pa ng may maikling buhok na tinawag nitong Maha and her fashion sense reminds her so much of those female characters in Korean Dramas. "Dadating din araw na mahahawi ang dagat sa'yo Chippy."

"Huwag mo na sila pansinin masyado, Sanna," ni Aurea. "Mamatay ang dalawang 'yan na 'di nagsisiraan."

"Hoy!" Chippy hissed.

Natawa lang tuloy siya.

"Anyway, she's Chippy," turo ni Aurea sa mistisang babae. "Siya ang nakatira sa rooftop sa boardwalk. Hindi siya si Rapunzel pero may prince charming siya."

"Gaga!" Nagawa pa nitong paluin sa braso si Aurea bago siya nginitian nang matamis. "You can call me Chi."

"Pinsan yan nila Iesus at Vier," Aurea continued. Itinuro naman nito si Iesus. Kilala na niya ito. Katabi lang din nito ang isang matangkad at gwapong lalaki na may kakaiba ring kulay ng mga mata, hazel yata. "Psychiatrist 'yan si Dr. Philip Xavier pero mabait 'yan."

"Nakilala mo na kami ni Balti kanina," singit ni Nin. "Si Maha, sister-in-law ko, kuya niya si Balti."

"Annyeong!"

"May saltik 'yan kaya huwag mo masyadong i-entertain," dagdag pa ni Chi.

"Alam mo Chizle Priscilla parang wala tayong pinagsamahan. Harapan na talaga ang pag-backstab mo sa'kin."

Chi just smirked.

"And Amora, assistant ni Iesus."

"Kaawaan ka ng Dios, Sanna."

Hindi niya lang alam kung bakit tawang-tawa sila Aurea kay Amora. Mukha namang inosente si Amora.

"Mari, of course nakilala mo na ang future Mrs. Savio. Then si Juan," turo nito sa isang matangkad din na lalaki, "Vet natin dito, siya may-ari ng Juander Pets Clinic sa boardwalk."

Halos lahat naman talaga ng mga lalaki sa bahay ngayon ni Thad ay matatangkad. Pero 'yong tinawag nitong Juan ay poker face at mukhang royal prince sa Korea.

"Katabi niya si Jam, stepbrother ni Juan," pagpapatuloy ni Aurea.

Malaki ang ngiti na kumaway ito sa kanya. Parang yin-yang ang magkapatid. Mukhang may lahi rin si Jam.

"Si Sep, pero Kap madalas tawag namin sa kanya." The ruggedly handsome and big. "Andrew, bunso niyang kapatid." The one with curly hair pero stern looking. "Si Chef Math, siya nag-sponsor nitong mga handa sa birthday mo." The charming Chef na mukhang approachable. "And of course, ang daddylabs husband ko si Tor."

Sa noo talaga siya napatingin. Tor looked so smart and professional. Feeling niya lahat ng talino nito ay nasa noo nito.

Ang cute ng height difference nila Au and Tor. Mas matangkad siya kay Au at mukhang hanggang dibdib lang ito ni Tor.

"Tama na introduce yourself, Auring," singit ni Balti na nakangisi. "Nangangalay na kamay ni Hudas kakahawak ng cake."

"Langya ka Ser! bakit ngayon mo lang binanggit," reklamo pa ni Jude.

Natawa ang lahat.

"Gusto ko lang makita kang naghihirap Hudas –" Sinipa ni Jude sa binti si Balti. "Anak ka talaga ng demonyo Savio!"

"Hoy, marinig ka ng tatay ko!" 

Lalo lang silang natawang lahat. Katakot-takot pa naman talaga ang tatay ni Jude. Iginiya siya palapit nila Aurea at Amora palapit sa cake na hawak ni Jude.

"Happy birthday to you," simulang kanta ni Kuya Jude sa malumanay nitong boses. Someone dim the light kaya nag-reflect sa mukha nila ang kulay ng apoy ng kandila. "Happy birthday to you," sabay na nang lahat. "Happy birthday... happy birthday... happy birthday Sanna."

Pinagdaop niya ang mga palad at ngumiti. Her prayer was simple. Sana bago matapos ang araw ko rito magawa ko nang maayos ang misyon ko. At sana, kung na saan man ako ngayon, mahanap ko ulit ang daan pabalik kina Thad. Bahagya niyang ibinaba ang nakadaop na kamay at hinipan lahat ng mga kandila.

Nagulat siya nang biglang pumailanlang ang malakas na kanta ng medyo rock na Happy Birthday song sa paligid. Mas lalo yatang naging makulit ang mga tao sa paligid niya habang sinasabayan ang kanta.

"Happy birthday, Sanna!" Inisang yakap siya ni Jude saka hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Happy birthday, Sanna-chan!" Sunod naman siyang niyakap ni Simon at kagaya ni Jude ay hinalikan din siya nito sa ulo.

"Thank you!"

"Kainan na!"

"Walangya! Wala ba tayong program? Kain lang yata pinunta n'yo rito."

"Nauuna ang kain bago program, Ser!"

"Ay talaga?"

"Binago na 'di ka lang na inform."

"Hahaha!"




SANNA PROPPED HER legs forward on the bed. Nasa kwarto siya ni Thad. His room is big at kalahati ng room ay ang working table nito. The wall accents are mostly gray and white. Minimalist design. Very Thad.

May nakikita siyang nakarolyong blueprints at maraming piled documents na hindi na niya alam kung anu-ano ang mga laman. Off ang malaking iMac desktop computer nito at medyo nilinis lang talaga ang table. Sa tingin niya makalat talaga 'yon kanina.

Nakapambahay na siya. Lahat ng damit niya ay hiram niya kay Mari. Medyo magka-same-size lang din sila kaso medyo masikip lang sa bandang dibdib. Sabi ni Chi mag-sa-shopping daw sila ng mga damit bukas para may maisuot siya.

Hinaplos niya ang kumbre kama at napangiti. May habit talaga siyang damahin ang texture ng mga bagay na nasa paligid niya. She likes to relive those experiences when she's painting. Mas madaling isabuhay ang mga nakikita niya kung nahahawakan din niya.

Muli niyang iniangat ang tingin sa paligid.

The room smelled like Thad. Feeling nga rin niya kahit ang kumot at unan kaamoy pa rin nito. Same perfume pa rin pala ang gamit nito. 'Yong Eros Apollo na blue. Ang mahal pa naman no'n. Pero afford na afford na 'yon ngayon ni Thad. Natawa siya. Dati tinitipid nito iyon. Tinatago pa nito kina Jude and Simon.

Narinig niya bigla ang marahang pagkatok ng pinto mula sa labas. "Sanna?" It was Thad's voice. Umayos siya ng upo. "Puwedeng pumasok?"

"Bukas 'yan."

Bumukas ang pinto at agad siyang ngumiti nang makita si Thad. "I thought you were sleeping?" Naupo ito sa gilid ng kama.

"In a while."

"Did you enjoy the party? Pasensiya na ang gulo namin."

Natawa siya. "Nakakatuwa nga e. Kahapon lang tatlo lang kayo na makukulit. Ngayon 'di ko na mabilang sa kamay."

Nagkaroon pa siya ng biglaang 18th dance with a twist kasi imbes na flowers ay puro chicken legs ang inabot sa kanya ng mga ito. Puro siya tawa tuloy. Hindi siya makapag-concentrate sa sayaw. Ilang beses niya yatang naapakan ang mga kasayaw niya.

"I'm glad we were able to make your day special."

"Sobrang thankful ko."

"You're getting older."

"Nasa legal age na ako. Pero in reality 29 naman na ako. 'Di lang ako tumanda." She chuckled. "Ako pa yata eldest sa mga babae rito. Chi is 28. Maha and Nin are both 26. Aurea is turning 25 this December pero magka-edad lang sila ni Amora."

He chuckled. "Isang taon lang naman tanda mo kay Chi."

"Kahit na." Nguso pa niya.

"You're eighteen."

"Twenty nine." She folded her legs and wrapped her arms on it. "Thad?" She then rested her chin on her knees.

"Hmmm?"

"Bakit ba talaga ako umalis?" Titig na titig ito sa kanya. "Nawala lang ba talaga ako bigla?"

"You're tired, Sanna." Tumayo ito at inalalayan siyang umayos na. He pulled the sheet down para makapasok siya sa ilalim. "We'll talk about that once you get enough rest, okay?" Itinaas nito ang kumot hanggang sa dibdib niya.

"Pero Thad..."

"No buts." Nakayuko ito sa kanya dahilan para magtama ang mga mata nila.

"I only have 48 days left –"

"It will be enough." A warm smile slipped on his face. Napangiti rin siya. "Now go to sleep, young lady."

Magkahalong simangot at tawa ang naging reaksyon niya. "Goodnight, Tito Thad." Pinangkitan siya nito ng mga mata. It was like he was going to slit her neck for calling him tito. Well, siya naman nauna, ah! "Tito Thaddeus Bernardo Apostol. Pangalan mo pa lang halatang pangmatanda na."

"Susanna Evangeline Rama!"

Lumakas ang tawa niya. "Thaddeus Bernardo Apostol –" Pinitik nito ang noo niya.  "Aray naman!" She winced.

"Sleep."

"Oo na! Oo na!"

"Huwag makulit." Umayos na ito ng tayo at humalukikip. "I'm watching you."

"Hindi na pala ako natutuwang tumanda ka. Mas lalo mo lang akong senesermonan."

He smiled smugly. "Matulog ka na."

"Lumabas ka na para makatulog ako."

Natawa ito. "Fine." Dumukhang ito para patayin ang lamp shade  sa bedside table saka siya iniwan. Pinatay rin nito ang ilaw sa buong silid bago isinirado ang pinto.

She closed her eyes but the smile remained on her face.

Happiest birthday, Sanna.





NAABUTAN NI THAD sina Jude at Simon sa sala. Madilim na ang paligid at nag-iinuman pa ang dalawa. He joined the two on the long couch.

"Is she asleep?" basag agad na tanong ni Simon.

He nodded. "She's a fast sleeper."

Simon chuckled. "Sana lahat."

"Mabilis talaga 'yon makatulog lalo na kapag pagod," dagdag pa ni Jude saka inubos ang natitirang alak sa bote nitong hawak. "Tatapusin ko lang 'to at uuwi na ako. I promised Mari na susunod agad ako. Baka sa garden na ako matulog mamaya." Tumawa ito pagkatapos.

Tipid lang siyang ngumiti sa dalawa.

"You haven't told her yet, right?" Simon asked.

Tumango ulit siya. "I don't know how to tell her." The thought of telling her the truth occupied his mind all day. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang totoo." He had kept it in his heart for the longest time. Hindi niya kayang makita ulit ang disappointment sa mga masasayang matang 'yon.

Pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay parang bumara ang lalamunan niya. He pressed his lips in thin smile that didn't even reach his eyes.

He was scared.

I know I'm a coward.

"I know it's hard, Thad, but one way or another, you have to tell her the truth. Look what happened to me and Mari. She heard everything from you and she hated me for that. Kaya mas mabuti na ring sa'yo manggaling ang lahat kaysa sa iba niya marinig."

"I know. I just need more time."

Marahas na bumuntonghininga si Simon. "I really missed her. Hindi ko alam kung paano ko siya titignan na hindi umiiyak." Tumulo na ang mga luha nito sa mga mata at parang batang pinunasan ang mga 'yon. "I feel awful. Feeling ko napakasama kong kuya sa kanya. Alam n'yo 'yon?"

Jude patted Simon's back. "Si, it's not your fault."

"But I promised her Jude... nangako... ako... na... na nandoon ako sa graduation niya... pero... 'di ko nagawa..."

"Wala rin naman ako noong araw na 'yon," dagdag ni Jude. "I've disappointed her, too."

"I'll solve this." He patted Simon's lap. "Don't worry."

"Pero sa tingin mo ba makikita pa natin si Sanna?"

"We have to try again, Jude. The lighthouse brought her for a reason at hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang rason na 'yon."





"MAYBE WE SHOULD really find the real Sanna," basag ni Balti. Nasa library sila ng mansion ni Iesus. Vier, James, Tor, Au, Juan, Jude, and Simon joined them.

"But we don't know where she is," sagot ni Jude.

"She left without a trace," dagdag ni Simon. "We tried before pero wala kaming nahanap na clue kung na saan siya."

"What about her family?" seryosong tanong ni Iesus.

"Sanna mentioned about her father but she never really talk about her family," sagot niya habang nag-iisip pa rin. Now that he remembers it. Hindi pala talaga niya nakilala nang husto si Sanna. 

Or maybe she didn't trust him enough?

"Hindi n'yo kilala ang parents niya?" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Iesus. Umiling silang tatlo. "Ilang taon ba kayong magkakakilala?"

"Four years," sagot niya.

"Sa apat na taon ay hindi niya naikwento sa inyo ang tungkol sa buhay niya," salita ni Vier. "That's odd. Four years is a very long time. She should be comfortable by then."

"We didn't really pressure her," dagdag ni Simon. "At saka napansin ko na iniiwasan niya kaya 'di ko na rin talaga sinubukang i-raise-up pa. Ganoon din naman ako. Kaya naintindihan ko rin si Sanna."

"If that's the case, possible scenario, may conflicted issue siya sa mga magulang niya. Thad, you mentioned about her father."

"Yes."

"Nagbanggit siya ng pangalan?"

Umiling siya. "Wala. Nababanggit niya lang ama niya kapag 'di niya napapansin na marami na siyang sinasabi. When she realized it, iniiba niya ang topic."

"How about we directly asked Sanna about her parents?" Juan suggested. "I'm sure she will cooperate if it's for a good use. Finding her parents reduces our list of assumptions."

Tor raised a hand. "I agree with Juan."

"I cannot read her palms dahil hindi siya kabilang sa timeline na 'to. Sanna is like a wandering ghost to me na nakikita ng lahat. Wala siya ng mga previlages na mayroon ang mga buhay na kagaya natin."

"A blank canvas," Tor added.

"We don't have enough time," ni Balti. "The sooner we determine the reason why she was brought here the faster we resolve this."






"SANNA, WE NEED your help," ni Thad.

Namilog ang mga mata niya kay Thad. Nakatingin din sina Jude at Simon sa kanya. "Help? Para saan?"

"We need to find you and we're thinking you might be with your parents now. Pero hindi namin alam ang pangalan ng mga magulang mo."

"Pangalan ng parents ko?" Napaisip siya. "Hindi ko ba sinabi?" Sabay na umiling ang tatlo. She pursed her lips. Wait lang. Feeling niya kasi may mali sa kanya since kaninang nagising siya. Parang may nawawalang memories sa isip niya. "Parent's name..."

"You never told us about them," dagdag pa ni Simon.

"Kuya Si 'di ko talaga maalala." Napahawak siya sa kanyang ulo. "Sure ba kayong 'di ko nabanggit talaga?" Tumango ulit ang tatlo. Gusto niya maiyak. Nakaka frustrate naman bigla. "Wala akong maalala talaga. I'm sure I remembered it yesterday pero kaninang paggising ko 'yong memories na mayroon ako ay puro sa inyo na lang."

"Hindi 'yan joke?" paninigurado pa ni Simon.

Naiiyak na umiling siya. "Hindi." She raised her right hand. "Promise!"

Natutop ni Simon ang noo. "Patay tayo riyan!"

"Pinagloloko yata tayo ng lighthouse na 'yan!" panggigigil ni Jude. "Ayaw pa yata tayo tulungang hanapin si Sanna."

"Kung kahapon kayo nagtanong baka masagot ko pa."

"Paano ba sumira ng mahigit isang daang taong parola?" Iniwan sila bigla ni Thad at may kung anong kwartong pinasukan.

"Walangya! Hoy, Jude!" Itinulak ni Simon si Jude. "Pigilan mo 'yon. Mapapatay tayo ni my lord kapag pinabagsak 'yon ni Thad."

"Gago! Bakit ako?" Nagtulakan na ang dalawa. "Ikaw mas magaling sa calculations ng structure. Mas malalaman mo kung paano 'yon mapapabagsak."

Biglang namilog ang mga mata ni Simon. "Oh, shit!" Itinulak nito si Jude. "Hudas maiwan na muna kita."

"Simoooooooon!" sigaw ni Thad.

"Walangya! Sabihin mo bumalik akong Japan. Next year pa balik ko. Ciao!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro