Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49

Day 40

BUMUKAS NG KUSA ang pinto at iniluwa silang dalawa ni Iesus ng parola. Thad missed a step on the front stairs kaya pakiramdam niya ay lumipad siya palabas ng parola. Hindi na rin niya naibalanse ang katawan nang makaapak siya sa lupa at tuluyan siyang napaluhod at natumba nang maramdaman ang bigat ni Iesus na dumagan sa kanya mula sa likod. Sumubsob ang dibdib at kaliwang pisngi niya sa lupa.

Thad grimaced in pain. "Fuck, Sus!" daing niya. He felt a burning sensation on his chest, arms, and face dahil sa lakas ng pagkakasubsob niya sa lupa.

"Sorry!" Mabilis na tumayo si Iesus at inabot kay Thad ang isang kamay. "Grab my hand." Tinanggap niya 'yon at hinayaan si Iesus na hilahin siya patayo.

Thad could only think of one word to describe him and Iesus – mess. Sabay nilang pinagpag ang alikabok at dumikit na tuyong dahon sa mga suot nila.

"So it was us whom Sanna saw before?" basag ni Thad.

Iesus nodded. "The future overlap on that specific day," he added in a thoughtful manner. "Kaya pala wala akong maalala na pumunta ako sa parolang 'yon dahil hindi pa siya nangyayari. It makes sense now."

"Akala ko sa palabas lang 'to nangyayari."

"If time traveling is just a figment of a person's wonders then we wouldn't have the chance to save Sanna and Art." Napatitig si Thad kay Iesus. "We only have today and 9 more days to find the vintage watch's timeline."

"If I can travel back in time. Why do we still need the vintage watch? Hindi ba puwedeng ako na lang ang gumawa no'n?"

"We can't change the past while the time is moving. Only the watch can grant us to move freely in that timeline."

Titig na titig si Thad kay Iesus. "Pati ba 'yan ay nakasulat sa –"

"It was written in Hanael's journal," dugtong ni Iesus.

"Ano pang nalaman mo?"

Thad noticed the sudden creased in Iesus' forehead. Nawala rin ang focus nito sa kanya at tila ba nakikiramdam sa paligid. May kakaiba sa ihip ng hangin at tunog ng kaluskos at galaw ng mga dahon sa mga puno.

"Let's talk later," seryosong baling ni Iesus sa kanya. "Let's rest for now."

Pero kahit hindi sabihin ni Iesus ang buong pangungusap na gusto nitong sabihin sa kanya ay hindi naman siya tanga. He understood what Iesus meant for, to talk later.

Wala na siyang idinagdag na mga salita pa.

Tumango na lamang siya.

"And... ahm... you have a scratch on your face," pag-iiba ni Iesus.

"Huh?" Napahawak si Thad sa kanyang mukha. "Saan banda?" Kaya pala kumikirot ang mukha niya. Napangiwi siya nang may matamaan siya sa kanyang mukha – sa bandang kanan ng pisngi niya.

"Here."

Akmang hahawakan ni Iesus ang kanang pisngi niya nang pareho silang natigilan. Umangat lang ang kamay nito sa ere pero hindi na lumapat sa mukha niya. Parang may bombang bigla na lang sumabog sa pagitan nilang dalawa dahilan para lumayo sila sa isa't isa.

Iesus cleared his throat. "Right cheek."

A moment of awkward silence enveloped them before Thad spoke again.

"Okay."

"Gamutin mo na lang 'yan pag-uwi."

Tumango si Thad. "Okay."

"Uwi na tayo –" Hindi naman napagilan ni Thad ang matawa. "Gago!" mura sa kanya ni Iesus, sabay hampas sa kanya sa likod. Napangiwi siya roon pero mas lalo lang siyang natawa.

Pinatid ni Thad ang likod ng kaliwang binti ni Iesus at muntik na itong mapaluhod. He didn't apply a lot of force in respect of his friend's old age and deteriorating bones. Pero mukhang matibay pa pala ang mga tuhod nito.

"Apostol!"

Masamang-masama ang tingin ni Iesus kay Thad.

"de Dios!"





TULOG NA TULOG pa sina Thad at Art nang magising si Sanna. Pinagmamasdan niya na may ngiti ang mag-ama niya. Cute, aniya sa isip. Parehong-pareho ang mukha at position ng dalawa. Bahagyang nakanga-nga pa ang mga bibig habang yakap-yakap ang isa't isa. Pero napansin din niya ang maliit na linya ng sugat sa kanang pisngi ni Thad. Parang gasgas. Sa naalala niya ay wala naman 'yon kagabi.

Ang weird.

Pagtingin niya sa orasan sa itaas ng bedside table sa side niya ay mag-a-alas-sais pa lamang ng umaga. Bumangon na siya nang tuluyan at kinuha ang first aid kit nila sa banyo. Bumalik ulit siya at naupo sa gilid ng kama. Nilapag niya ang kit sa mesita at kinuha ang ointment. Naglagay siya nang kaunti sa isang diliri at maingat na idinampi 'yon sa sugat. Kumuha rin siya ng bandaid at nilagay 'yon sa sugat ni Thad.

Tinignan din niya ang kuko ni Art. Naisip niya na baka nakalmot ni Art ang daddy nito. Ang kulit kasi matulog ng batang 'to. Medyo mahaba na nga 'yon. Gupitan na lang niya mamaya paggising ng anak niya.

Hinalikan niya sa pisngi ang mag-ama niya bago siya lumabas ng silid. Maghahanda na siya ng breakfast.

Pagbaba niya ng hagdan ay binati siya ng katahimikan. Naigala niya ang tingin sa paligid. Mukhang hindi pa umuuwi si Simon simula kahapon. She wondered kung na saan kaya ito. Pero alam niya kapag nawawala ang Kuya Simon niya. If not for work, malamang ay dahil gusto nitong huminga o magpahinga.

Napansin niya na bahagyang bukas ang pinto ng opisina ni Thad sa ibaba. Naglakad siya sa direksyon ng pinto. Nakahawak na siya sa knob ng pinto nang biglang may narinig siyang bagay na bumagsak sa loob. Nilakihan niya ang bukas ng pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Agad niyang napansin ang kahon na nasa ilalim na ng mesa ni Thad. Nagkalat sa sahig ang laman ng kahon.

Lumapit siya at lumuhod sa sahig para pulutin ang kalat nang mapansin niya ang desinyo ng kahon at mga gamit na kasama no'n. Isang lumang lalagyan ng sapatos na may cover ng mga bulaklak na gift wrap at balot na balot ng plastic cover. Nandoon ang mga espesyal na mga bagay na tinago niya noon – isa na nga ang mga bigay ni Thad sa kanya. Pinulot niya ang dalawang laminated four-leaf clover na ginawang keychain ni Thad noon para sa kanya.

Napangiti siya at naalala ang sinabi ni Thad sa kanya nang araw na 'yon.

"They say it's rare to find a four leaf clover and when a person finds one, meaning good things will come. 'Yong apat na leaf means faith, hope, love, and luck. And I'm giving you two leaf clovers para kapag naubos mo na 'yong isa. Meron pang isa. I know things are hard now, but we'll get through this together."

Titig na titig siya sa dalawang four leaf clover sa isang kamay.

"Good things will come," usal niya sa sarili.

Lalo siyang napangiti. She would like to hope for that. Isa-isa na niyang ibinalik ang mga gamit sa kahon. She didn't know that Thad found this first. Hinanap niya 'to noon sa bahay niya nang pumunta sila ni Thad.

Napanguso si Sanna. "Hindi man lang sinabi ng 'sang 'yon na nakita niya."

Lumuhod pa siya lalo at bahagyang yumuko para maipasok ang ulo at kalahati ng kanyang katawan sa ilalim ng mesa para makapa at maabot ng isa pang nasa ilalim ng mesa na nakita niya. Naglapat nang sobra ang mga labi niya habang inaabot ang bagay na 'yon.

"Got it!" masayang usal niya.

Pag-angat niya ng kamay ay bumungad sa kanya ang isang pamilyar na keychain. Napakurap siya. The lighthouse keychain na may additional trinkets ng barko, shipwheel, at circular stamp ng letter I. Naikiling niya ang ulo nang may memoryang naglaro sa kanyang isipan.

A familiar pair of blue eyes. Medyo hindi na niya tanda ang mukha ng lalaki maliban sa kulay ng mga mata nito. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Kaya parang nag-fast-forward din sa kanya ang lahat ng araw na 'yon, but what puzzles her the most is... the great familiarity his presence holds. Na parang nakita niya na ang lalaki noon.

Ibinalik niya ang tingin sa hawak na keychain, partikular sa litrang nakaukit sa isa sa mga palawit.

"I," basa niya sa litrang nakaukit sa circular trinket. "I... I..."

"Ohayoooo!"

Nagulat siya sa narinig na sigaw mula sa labas ng opisina. Boses 'yon ni Simon at mukhang galing sa sala. Mabilis na ibinalik niya na lang ang keychain sa loob ng box at ibinalik 'yon sa dati nitong puwesto sa itaas ng mesa ni Thad.

"Kuya Si!" pasigaw na sagot niya mula sa office ni Thad.

Bigla namang sumilip ang nakangiting mukha ni Simon sa hamba ng pinto.

"Ohayoo!" bati nito sa kanya sa salitang Hapon.

Which also means the casual greeting of good morning. Alam niya kasi tinuruan siya nito ng basic Japanese noon. Though, hindi lahat natatandaan niya. Natawa siya sa kanyang isip.

"Look."

Ipinakita nito sa kanya ang isang itim na pusa na may kakaibang kulay ng mga mata. Napakurap si Sanna sa ganda ng mga mata ng pusa. Green ang kanan, Blue naman ang kaliwa.

"Saan mo nakuha 'yan?" manghang tanong ni Sanna.

Tuluyan nang nagpakita si Simon at tumayo sa gitna ng pintuan. "Muntik ko nang masagasaan." He looked guilty, napakamot pa ito sa noo. "His left leg is injured kaya ipapa-checkup ko si Sicat kay Juan mamaya."

Lumapit si Sanna kay Simon para tignan nang mas malapitan ang pusa. "Sicat?" Natawa siya. "'Yan ba talaga pangalan o bininyagan mo na?" May ingat na sinipat niya ang injured na paa nito. Mukha ngang hindi nakakalakad nang maayos ang pusa sa kondisyon ng isang paa nito.

Simon chuckled. "Simon's Cat."

Lalo siyang natawa. "Halatang pinag-isipan ah." Marahan niyang hinaplos ang likod ng ulo ni Sicat. The cat softly meowed and looked at her innocently. "Welcome to our family, Sicat."

"Art will love him."

"I'm sure he will. Pero aso ang hiningi niya sa Daddy niya."

Natawa si Simon. "I'm sure Juan will not mind if we borrow Champo."

Nakangiti pa si Sanna nang ibalik niya ang tingin kay Sicat pero natigilan siya dahil ang sama ng tingin ng pusa sa kanya. Napakurap siya. Pero sa tingin niya ay imagination lang niya 'yon dahil bumalik ang inosenteng mukha ni Sicat.

"Okay ka lang?" puna sa kanya ni Simon.

Inangat niyang muli ang tingin kay Simon at ngumiti. "Okay lang." Dinagdagan niya ng tawa. Medyo awkward nga lang. "Ah, nga pala, magluluto na ako ng breakfast. Anong gusto mo?"

Ngumisi si Simon. "Corned beef na may itlog at malalaking sibuyas."

"Okay. Noted."

"Arigatou!" His lips pressed in a smile pagkatapos nitong bahagyang yumukod. "Anyway, akyat muna ako. Bibihis lang."

"Okay."

"Ciao!"

Pagtalikod ni Simon ay saka naman niya napansin ang namumulang galos sa siko nito. Hindi lang simpleng galos – mukhang sugat talaga na natuyo na ang dugo.

"Kuya Si!" habol niya rito.

"Don't worry, malayo 'yan sa bituka," nakatawang sagot ni Simon sa kanya nang lingunin siya. "Gagamutin ko rin 'yan." Ngumiti muna ito bago siya talikuran at umakyat sa hagdan.

Napabuga na lamang siya ng hangin.

Kung muntik na nitong masagasaan ang pusa. Malamang Simon got hurt while trying to save the cat.

"Hay nako!" Ang aga sumasakit ang ulo niya sa Kuya Si niya.

Hanggat walang girlfriend o asawa 'tong Kuya Simon niya ay walang mag-aalaga sa kanya. Buti na lang nandiyan na si Mari para kay Jude. Nako, sana naman may magmahal na sa'yo Simon!

"Kunin ko na nga lang ang first aid kit sa kuwarto."

Umakyat na lang ulit siya sa itaas.






"HANGGANG KAILAN N'YO po ako tititigan, Daddy?" basag ni Art.

Hindi pa rin inalis ni Thad ang tingin sa anak. Magkaharap na nakaupo silang dalawa sa itaas ng kama, parehong naka Indian sit position. He didn't Art ask to copy him, but Art did. Nakahawak siya sa baba niya. Busy naman si Art kakapisil sa emoji stress ball na bigay ng Tito Si nito.

"May tanong lang ako, anak."

"Ano po 'yon, Daddy," sagot nito nang hindi nakatingin sa kanya.

Naisip niya, bumalik na ang mga alaala ni Sanna. Pero wala namang nakukwento si Art tungkol sa buhay nito.

"May naalala ka na ba, anak? Maliban sa mga nasabi mo na sa'kin noon?"

Art looked at him with innocent eyes. "Tungkol po saan?"

"Tungkol sa mommy mo... tungkol sa'kin..."

Pansin niyang nag-iisip si Art base sa minsang pagdidikit ng mga kilay nito.

"Ang naalala ko lang po ay sinabi sa'kin ni Mommy na magaling mag-drawing ang daddy ko. Pero po..." Kumunot lalo ang noo ni Art. "Hindi ko po maalala kung ano pong kasunod no'n, Daddy."

"'Yan lang ba naalala mo?"

Tumango si Art. "Opo. Saka po, 'yong nagigising po ako sa isang house na wala po si Mommy. Tapos po madilim sa labas. Lakad lang po ako nang lakad. Hinahanap ko po si Mommy." Tumigil ito sa pagkukwento. Bumakas ang takot at lungkot sa mukha ni Art. "Daddy, ayaw ko na po bumalik doon." Yumakap bigla si Art sa kanya. Ramdam ni Thad ang biglang pagbigat ng kalooban niya. "Dito na lang po kami ni Mommy, Daddy." Mahigpit na yakap sa kanya ni Art. "Samahan ko na lang po kayo."

Thad gulped to lessen the heavy feeling in his chest. Parang dinudurog ang puso niya nang mga oras na 'yon.

"Everything will be fine, Art." Hinagod niya ang buhok ng anak. "Daddy is here."

"But I always dream of you, Daddy."

Dream? Bahagya niyang inilayo si Art para matignan ang mukha ng anak. "Napapaginipan mo ako?" namimilog ang mga matang tanong niya.

Sunod-sunod na tumango si Art. "Opo."

"Ano namang ginagawa ko sa panaginip mo?"

"Marami pong painting si Mommy na naka display sa place po na 'yon pero may painting ka pong tinitignan. Lumapit po ako sa inyo tapos tinignan ko rin 'yong painting."

"Tapos?"

"Tapos po, bigla ko pong narinig ang boses ni Mommy sa likod at sabay po tayong lumingon kay Mommy. Tapos po, napansin n'yo rin po ako sa tabi n'yo."

"Lagi mo ba 'yang napapaginipan?"

"Opo, lagi po. Kaso po, hanggang doon lang lagi. Naalala ko po 'yong suot n'yo, Daddy. Naka jacket po kayo ng black, 'yong lagi po n'yong suot kapag nag-work po kayo. Tapos puti naman po 'yong T-shirt. 'Yong pants naman po... ano... parang same lang din lang po yata ng kulay ng jacket n'yo po... basta nakatupi po 'yong jacket... hanggang dito po." Hinawakan ni Art ang mga siko niya.

Napangiti si Thad at marahang ginulo ang buhok ni Art. "Masaya ba tayo sa panaginip na 'yon?"

"Hindi ko po alam." Kunot na kunot ang noo ni Art. "Mukha po kasi kayong nagulat na makita kami ni Mommy."





TAHIMIK NA PUMUNTA ng kusina si Thad. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at in-chat si Iesus.

Thad Apostol

Busy? I have something to tell you.

It took a few seconds before Iesus replied to his chat.

Iesus de Dios

I'm at home. But Vier is here. He shouldn't see you.

Thad Apostol

Let's meet outside.

Iesus de Dios

We can't talk outside. I'll give you a different route.

Sent a photo

Thad tapped the photo and saw a hand drawing of Iesus on a piece of paper. Kumunot ang noo niya. Una, hindi niya 'yon maintindihan. Pangalawa, ang pangit pala mag-drawing ni Iesus.

He typed a reply.

Thad Apostol

Pangit ng drawing mo.

Iesus de Dios

Kung wala kang magandang sasabihin, Apostol.

Huwag ka na lang mag-comment.

Hindi niya mapigilan ang matawa habang nagta-type ng reply.

Thad Apostol

Hahaha!

Anyway, saan ba 'to? I'm not familiar with this road.

Iesus de Dios

Dumaan ka sa likod ng parola at sundan mo ang nasa drawing.

There's a hidden trail when you reach the mid part of the forest.

On your left, find the tree that has an arrow sculpted on its body.

Maliit lang ang arrow na 'yon, so make sure you check it well.

Thad Apostol

Tapos?

Iesus de Dios

Straight ahead.

You will see an abandoned barbed wire fence.

That's the borderline between FDA and the lighthouse

that is connected to my house.

The gate door is broken.

Just push it forward and close it back so no one will notice.

You will see an old granary na kubo sa kaliwa mo.

I'll keep it open so you can get inside.

Thad Apostol

Doon tayo mag-uusap?

Iesus de Dios

There's a stair.

Go down.

I'll meet you in the middle part of the tunnel.

"Thad?"

Nawalan na ng oras si Thad para i-absorb ang huling sinabi ni Iesus sa kanya. Pinatay niya agad ang cellphone nang marinig ang boses ni Sanna mula sa likod. Pasimple niyang ibinulsa ang cellphone bago nilingon ang asawa niya.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong.

His wife's forehead creased but she was smiling. "Akala ko nilagay mo na ang sarili mo sa ref." Nang makalapit ito nang tuluyan ay hinayaan na niyang yakapin si Sanna. "Ang tagal mo bumalik."

Hinagkan niya si Sanna si sintido. "Alec called – work." Thad chuckled after. Ibinaba niya ang tingin para matignan ang mukha ng asawa niya.

"Ah, 'yong isang architect n'yo?"

Thad nodded. "I need to meet him for a bit. He's on his way. Magta-taxi na lang ako pauwi," nakangiti pa rin niyang sabi.

"Hindi ka magka-car?"

"Hindi na. Malapit lang naman. Saka masyadong mataas ang presyo ng gasolina ngayon. Magtitipid muna ako." Tumawa pa siya pagkatapos.

Nakangiting tumango si Sanna. "Uuwi ka nang maaga?"

He nodded. "Dito ako mag-dinner."

"Okay."

"Ah, nga pala, hon."

"Ano 'yon?"

"Natatandaan mo ba ang date kung kailan mo ibinalik kay Nicholas ang vintage watch?"

Sandaling napaisip si Sanna bago siya nito sinagot. "Hindi ko sigurado pero parang January ko na yata 'yon naibalik sa kanya."

"January of?"

"2011, kasi November 29, 2010 ko 'yon na received e."

"Is there any way you could remember the date?"

"Sibukan kong alalahanin. Sobrang busy ko kasi talaga no'n. Ta's puro deadline lang ng thesis at projects ang na-re-retain sa utak ko. Saka... madalas na rin tayong nag-aaway. Ang dami nang gumugulo sa isip ko no'n."

Mapait siyang ngumiti kay Sanna. "It's fine if you don't remember it." He needed the date but he didn't want to pressure Sanna. He can find other ways.

"Bakit mo nga pala naitanong?"

"Naalala ko lang bigla. Anyway, I have to go. " Thad smiled and gave Sanna a quick kiss on the lips. "I love you."

"I love you, too." Sanna smiled.

"Balik agad ako." Kumalas na siya sa pagkakayakap niya rito. "May ipapabili ka?"

Umiling ito. "Wala. Basta umuwi ka lang nang maaga."

"Okay."





NAGLAKAD MUNA SI Thad papunta sa arko ng mga puno para makita ni Mang Ben na umalis na siya. May dala siyang laptop bag pero hindi laptop ang laman no'n. Isang brown na jacket, itim na sombrero, at itim din na sunglasses. Sinugurado niyang busy si Mang Ben bago siya umakyat sa parola. Saktong may huminto na sasakyan sa gate at mukhang may kasamang bisita. He took that chance and casually made his way up to the lighthouse. Isinukbit na niya sa katawan ang laptop bag niya at dire-diretsong naglakad sa likod ng parola papunta sa gubat.

Thad followed Iesus' instruction. Ala una pa lang ng hapon kaya sobrang maaliwalas ng paligid. Pero dahil sa malalaking puno ay malamig naman. Sumasabay sa ihip ng hangin ang marahang paghampas ng mga dahon ng puno sa kanyang paligid. May naririnig din siyang tunog ng mga ibon at lumilikha ng tunog ang bawat apak niya sa mga patay na dahon na nagkalat sa dinadaanan niya.

He was curious about this forest before but doing an excursion of the whole place didn't cross his mind. He was busy. Pero alan niyang dagat ang dulo no'n kung saan nakatayo pa rin ang ruins ng unang parola sa lugar na 'yon. It was in that beach that Jude almost killed himself. A memory he no longer want to remember.

Huminto siya at iginala ang tingin sa paligid. Hinubad niya ang salamin at sombrero at ibinalik 'yon sa bag. Nilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya. Agad na kumunot ang noo niya nang makita na walang nade-detect na signal ang cellphone niya. He was sure na hindi nawawalan ng signal ang Faro. Not unless may bagyo o kalamidad.

"Tang'na, Thad!" Iniangat niya ang cellphone sa ere. "Hindi mo tinanong kay Iesus kung paano mo malalaman kung nasa gitna ka na ng gubat." Marahas siyang napabuga ng hangin. May inis na ibinaba niya ang cellphone at muling iginala ang tingin sa paligid.

Wala naman siyang nararamdamang kilabot. Nakatulong ang maaliwalas na paligid. But he doesn't think na ganoon pa rin ang mararamdaman niya kung gabi siya pumunta rito. Sa tingin niya ay lagpas limang minuto na rin naman siyang naglalakad. He calculated the distance of Iesus' house from his house, then calculated the distance from the lighthouse to his current location. He compared the two to come up with his own calculated coordinates. If his calculations are right, nasa gitna na nga siya ng gubat.

"The tree should be here." Isa-isa na niyang tinignan ang mga puno sa gawing kaliwa niya. "Faro is on this side." Tatlong puno ang in-check niya. Walang nakaukit na arrow sa tatlong 'yon. Naglakad pa siya sa unahan hanggang sa may makita siyang puno na may nakataling ribbon sa isa sa mga sanga nito. "Ikaw siguro 'yon."

Thad checked the body of the tree. Wala sa harapan. Kaya umikot siya sa likod hanggang sa makita niya ang maliit at malalim na ukit ng arrow. The arrow was pointing a direction on his left. Doon niya lang napansin na parang may trail nga roon.

"I'll make sure to fix your map next time, Sus. Nililito ako ng drawing mo," nanggigil na reklamo niya sa kawalan habang nilalakad ang trail.

Mabilis na lang niyang nakita ang abandoned fence na sinasabi nito. Tama nga, the gate door was broken kaya agad din siyang nakapasok. Iginala niya ang tingin sa paligid. The place looks like an extension of the forest groove. Wala siyang makita maliban sa mga iba't ibang klase ng puno at mga bulaklak.

Ibinaling niya ang tingin sa kaliwa at nakita niya ang halos sira-sira nang kubo. Agad na naglakad siya sa direksyon no'n. Hindi rin siya nahirapang bukas 'yon. Kagaya ng labas ay maliit din ang loob no'n. Wala gaanong gamit kung mayroon man ay halos hindi na rin mapakinabangan. Maalikabok at madami ng bahay ng gagamba. Naalala niya ang pahabol na mensahe ni Iesus sa kanya.

Iesus de Dios

Stand in the center.

Kapain mo ang sahig hanggang sa may mapansin

kang umusling tile flooring.

Pulled that up at may makikita kang hagdan

pababa sa tunnel na kumukonekta sa labas ng gubat

at sa underground museum ng bahay ko.

A secret door under the floor, conclude niya sa isip.

Tumayo si Thad sa gitna at inalisa muna ang buong paligid. He need to make sure na nasa eksaktong gitna siya ng bahay. Nang masigurado na tama siya ay lumuhod siya sa sahig at kinatok ang bawat wooden tiles ng sahig para hindi pumantay ang flooring. Hindi naman siya nahirapan na makita ang apat na may distansiyang tile flooring na umangat pagkatapos niyang galawin.

Lumipat siya ng puwesto, paharap sa umusling tile flooring at sinubukang iangat 'yon. Mabigat, hindi lang simpleng takip lang. May puwersa na inangat niya ang pinto hanggang sa bumungad sa kanya ang hagdan pababa.

Literal na umawang ang bibig ni Thad sa pagkamangha. "Shit!"

Inilabas niyang muli ang cellphone at binuksan ang flashlight ng cellphone niya bago maingat na bumaba.

"Langya ka, Iesus. Kapag ako nawala rito sa ilalim ng lupa. Hindi talaga kita patatahimikin hanggang sa kabilang buhay." Isinarado niya ang pinto pabalik at napagtuloy sa sementadong hagdan sa pagbaba.

Kapareho lang din ang porma no'n sa hagdan papunta sa underground museum ni Iesus. Nang makarating sa pinakadulo ay bumungad na sa kanya ang tunnel na sinasabi ni Iesus sa kanya. Pinailawan niya ng flashlight ang harapan niya.

"You gotta be kidding me!"

Walang biro pero sumagi talaga sa isipin niya kung ito na ba ang sekretong daan papunta sa itinatagong ginto ni Iesus.

Maya-maya pa ay may namataan siyang ilaw sa dulo. Gumagalaw. Lumalapit. Napalunok siya. Ramdam na niya ang pawis sa kanyang noo at mukha dahil sa init ng lugar at kaba. Tang'na, doon lang siya nakaramdam ng takot.

"Fuck," he mouthed.

Akmang aakyat ulit siya nang makita ang anino ng isang tao sa pader na papalapit na sa kanya. Pero natigilan siya dahil parang pamilyar.

"Kanina pa kita hinihintay. Bakit ang tagal mo Apostol?" boses 'yon ni Iesus.

"Yawa!" malutong na mura ni Thad.

Ramdam niya ang panghihina bigla ng mga tuhod niya. Gusto niyang murahin pa si Iesus sa asar niya. Ihagis dito ang dala niyang bag at upakan. Sa halip ay hinubad na lang ni Thad ang makapal niyang jacket bago pa siya mawalan ng malay sa init.

Nakatayo sa harapan niya si Iesus, ang lamparang hawak nito sa kamay pala nito ang umiilaw kanina. Naka puting T-shirt, itim na pantalon, at itim na single band na tsinelas. Hindi napigilan ni Thad na tignan ito nang masama.

"Gago!" aniya, hindi pa rin nakakahuma sa banas na nararamdaman niya kay Iesus. "Kahit sino mawawala sa mapang ginawa mo."

Natawa ito. "But you found it. Good job."

"Hindi mo sinabing hanapin ko 'yong puno na may pulang ribbon sa sanga."

"I forgot pero alam kong nilagay ko 'yon sa in-drawing kong mapa."

Kumunot ang noo niya rito. "Sana sinabi mo rin, 'no?"

Lalo itong natawa. "I-charge to experience mo na lang." Tinalikuran na siya nito. "C'mon, follow me."







"HINDI MO TINAPOS ang sinabi mo kanina tungkol sa kayang gawin ng orasan." Sa underground museum na sila nag-usap ni Iesus. "You said we can't change the past while the time is moving."

Iesus nodded. "Based on Hanael's journal. Only the watch can grant us the power to change a few seconds of the time on that timeline. From what I understood, any human who time traveled with Lebbaeus can't change anything in the past. Even Lebbaeus himself. People will see and talk to them, but they can't manipulate anything. It's like the past has this special shield that protects history from any form of manipulation to prevent people from ruining the future. That's the reason why Lebbaeus' watch is powerful. The description in the black book was true. Only Lebbaeus can control and adjust the time for the person who wished to change a part of the past."

Nanatiling tahimik si Thad.

Iesus continued, "Changing someone's fate has its consequences. Death for example, if the person is destined to die on that day. Saving them requires another life. It could be the person who had saved them or another person in your present life. It depends on the watch. Suppose Jude uses the lost item to save Faith. And Faith's death was her fate that day. He will lose his life or the lost item will choose to eliminate Mari's existence. But if fate is not involved in the action that occurred in the past. The lost item will only..." Iesus suddenly stopped.

"Requires what, Sus?"

Lalong sumeryoso ang mukha ni Iesus. "The lost item will only shorten the years of the person's life who made the change."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro