Kabanata 48
Day 39
"THAD," TAWAG NI Iesus sa kanya.
Parang hindi ito nagulat na makita siya sa bahay nito nang ganoong oras. Iesus seem expecting him. Even his name sounded like Iesus is acknowledging his presence.
Tipid na ngumiti si Thad at lumapit kay Iesus. "Can we talk?"
Hinarap siya ni Iesus. "Of course," he answered with a smile. "Pero tungkol saan ba?"
"About the Faro painting I saw in your parent's home."
Iesus' lips pressed. His face showed a thoughtful expression bago siya sinagot. "Nakita mo pala."
"You knew it was Sanna's painting?"
"I figured out when I saw her painting my house." Tipid ulit na ngumiti si Iesus. Lumapit ito sa water fountain at naupo sa gilid. Iesus taps the space beside him. "Have a seat, Thad."
Tumango si Thad at naupo sa tabi ni Iesus. "You didn't have plans of telling me?"
"I thought it was just a coincidence."
"Alam kong kilala n'yo ni Vier si Nicholas. Siya ang nag-regalo ng painting na 'yon kay Tita Cloudia, hindi ba?"
Iesus nodded. "He's our cousin."
"Where is he now?"
"He doesn't often visit, but he's just in Cebu."
Tumango-tango si Thad. "Wala kang balak sasabihin sa'min na nasa sa'yo ang missing item ni Lebbaeus?" diretsa na niyang tanong.
Titig na titig si Iesus sa kanya. May ekspresyon ng pagtataka.
"The pocket watch na ginawang relo," Thad continued. "'Yon ang ibinigay ng pinsan mo kay Sanna noon. It's either you or Vier who have asked Nicholas to take it back from Sanna."
"It's not with me, Thad."
Kumunot ang noo niya kay Iesus. "Anong ibig mong sabihin, Sus?"
"I didn't ask Nicholas to take anything from someone. "
Lalo lang naguluhan si Thad. "Then who asked him to take the vintage watch from Sanna?"
"I have no idea what you're talking about," seryosong sagot ni Iesus. "But I do remember something. Nicholas asked if I received a vintage watch before. He was worried that he might have lost it after leaving it inside the lighthouse."
"Bakit niya iniwan sa parola? Bakit hindi niya inabot sa'yo ng personal?"
"He said I asked him to leave it there."
Lalong kumunot ang noo ni Thad. "That's weird. It seems like someone pretended to be you. Does Vier know about the vintage watch?"
Iesus nodded. "About what happened before, yes. But we didn't talk further about the mysterious vintage watch."
"Didn't you ask Nicholas about it? Kung sino ang nagpanggap na ikaw?"
"I did ask him, but he seem so sure that it was me who have asked him to retrieve the watch. I cannot interrogate Nico further because it will create more questions and problem to me, but I did ask him to sketch the vintage watch for me. I might put it in a good use someday."
Iesus paused.
"So, it was really the painter's watch."
"Painter? You mean Sanna?"
"Yes, that explains the Faro painting you saw in my parent's home."
Hinugot ni Thad sa bulsa ng pantalon ang nakatiklop na papel. It was the sketch of vintage watch that he had asked from Sanna before.
"I thought you knew," aniya sabay abot ng papel kay Iesus. Tinanggap naman 'yon ni Iesus.
He should have ask Iesus. He wasted a lot of time thinking Iesus and Vier betrayed him.
Iesus unfolded the paper. Lalong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
"The mysteries of my family hid in silence within me," Iesus continued. "To tell you honestly, mas madalas kong takasan ang mga bagay na hindi ko maintindihan noon kaysa harapin ang mga 'yon."
Napabuga ng hangin si Thad. "Alam ko." Mapait siyang ngumiti kay Iesus. "Sinusubukan kong unawain ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Pero kahit anong pilit na pag-intindi ko sa mga bagay-bagay ay mas lalo lang lumalalim ang lahat. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakaahon kapag ipinilit ko pa."
Thad felt hopeless. The vintage watch is still missing. God knows, kung saan niya hahanapin ang orasan na 'yon. It was his only hope.
Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha at marahas na napabuntonghininga. He has still ten days to find it. Pero saan niya naman hahanapin 'yon ngayon?
"Hindi ko alam kung magiging handa pa ba ako sa pag-alis ng mag-ina ko, Sus."
Ramdam ni Thad ang pag-init ng sulok ng kanyang mata. He was so lost at the moment. Parang kanina lang ay madami siyang naiisip na plano pero pagkatapos ng pag-uusap nila ni Iesus ay pakiramdam niya ay wala na talagang patutunguhan ang pinaglalaban niya.
He got nothing now.
"But I've been thinking about this lately." Naibaling ni Thad ang tingin kay Iesus. "You were able to bring them here. I'm sure you can take us back."
Kunot ang noo na nasundan ni Thad ang pagtayo ni Iesus.
"Follow me."
Iniwan siya nito at diretsong naglakad sa direksyon ng bahay.
Agad na tumayo si Thad at sinundan si Iesus sa loob ng mansion nito. He found Iesus in his library.
"Close the door behind you, Thad," utos ni Iesus.
Thad closed the door bago lumapit kay Iesus sa mesa nito. Nakakalat sa itaas ng mesa nito ang ilang mga makakapal at lumang libro at kuwaderno. Bumalik si Iesus at itinabi ang mga gamit sa mesa para ilapag ang isang lumang journal.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Hanael's journal."
Kumunot ang noo niya. "Kay Balti?"
"I can't give it to him. It might awaken his other self again."
"I thought he's fine?"
"I can't risk it." Seryosong-seryoso ang mukha ni Iesus. "This journal contains all of Nathanael's strongest spells. Isa na roon ang pag-aaral niya sa time portal kasama ni Lebbaeus. Nakasulat dito paanong nabubuksan ni Lebbaeus ang ibang timeline."
"So he always time traveled?"
Umiling si Iesus. "I'm not sure. Hanael didn't mention it."
"Akala ko ba wala kang detalye tungkol sa kanya?"
"Wala nga. Those are just spells, but Hanael didn't document Lebbaeus' whole life. He was not as nosy as Balti today."
Pareho silang natawa ni Iesus. "His insights could have been useful."
"Too bad."
Hinayaan siya ni Iesus na makita ang pahina ng journal kung saan marahil nakasulat ang tungkol sa time traveling ni Lebbaeus. Kumunot lang ang noo niya dahil wala siyang mabasa dahil nakasulat 'yon sa salitang Espanyol.
"Nababasa mo 'to?" turo niya sa journal.
"Lucky for us." Iesus smirked. May puwersang binuksan ni Iesus ang drawer sa ilalim ng mesa nito at inilabas ang isa pang kuwaderno. "I have translated some. I hope it will help us."
"Teka, Sus, you had this figured out by yourself pero hindi mo sinasabi sa'min?" Naguguluhan siya roon. "Does Vier also knew –"
"Vier doesn't know about this. I can't tell anyone. It should only be you."
"Pero bakit ako lang?"
"No more questions. Now, bear in mind that you cannot tell anyone about this. Nagkakaintindihan ba tayo, Thad?"
Dumilim ang asul na asul na mga mata ni Iesus. Tila isang nagbabadyang alon sa isang paparating na unos. Nakaramdam siya ng pananaas ng mga balahibo sa katawan. Sanay siyang seryoso si Iesus pagdating sa trabaho, but there was something different with him that speaks authority and power na kahit sino ay hinding-hindi kayang suwayin. It was like he was talking to a different Iesus.
"I'll save my questions for now." Umayos siya ng tayo at kinuha mula sa kamay ni Iesus ang hawak nitong notebook. "Now, where should we start?"
"Read everything I've written and don't let anyone see that notebook, even to Sanna and Art." Tumango si Thad. "Meet me at the lighthouse at 12 midnight."
HININTAY NI THAD na makatulog si Sanna bago siya maingat na tumayo mula sa kama. Tinignan niya ang oras sa screen ng cellphone niya. It was already 11:40 pm. It was a blessing that Simon is not at home. Gising na gising pa ang isang 'yon ng ganitong oras. Maingat na hinalikan niya sa noo ang mag-ina niya bago lumabas ng kuwarto.
He texted Iesus na papunta na siya. Dumaan siya sa opisina niya sa ibaba para kunin ang body bag na dadalhin niya. Kasama sa nakasulat na ibinigay ni Sus ang magdala ng mga gamit na puwedeng magdala sa kanila sa nakaraan. Madaming paraan para mabuksan ang time portal. Isa na roon ang matinding pangungulila at panghihinayang dulot ng isang pangyayari sa nakaraan. Puwede ring sa pamamagitan ng isang espesyal na bagay na ginawa nang mga panahon na 'yon.
May itinabi na siyang mga bagay kanina. Inilagay na niya 'yon sa kanyang bag. Pati ang maliit na paso na pinintahan ni Sanna noon ng daisy ay dinala niya. Sinugurado niyang naka lock ang bahay bago siya umalis. Binati siya ng katahimikan ng gabi at lamig ng simoy ng hangin. The truth is, he was anxious but he was also full of hope. If he has that kind of capability, he can still save Sanna and Art.
Katakatakang walang guard na nagbabantay sa gate nang makarating siya roon. Naigala niya ang tingin sa paligid. May ilaw naman ang maliit na opisina ng guwardiya pero walang tao. Hindi na rin siya nag-abalang alamin kung na saan ito. Lumabas na siyang tuluyan at inakyat ang parola.
There, he saw Iesus waiting for him outside the door of the lighthouse.
"Sus!" tawag niya rito, tinakbo na niya ang distansiya na mayroon silang dalawa.
"Did you bring what I asked for?"
Tumango si Thad. "Oo, pero hindi ko alam kung alin dito ang puwede nating gamitin." Binuksan niya ang bag at inilabas doon ang espesyal na paso na gawa ni Sanna. "Puwede kaya 'to?"
"Kailan 'yan ginawa?" Napaisip si Thad. Langya, hindi niya maalala. Napangiwi siya. "Hindi mo tanda."
"Kailangan ba may buwan? Hindi ba puwedeng taon lang?"
"I don't know."
Kumunot ang noo ni Thad. "Wala ba 'yon sa sinulat ni Hanael?"
"Hindi ko na maintindihan ang iba. You have to remember it for me."
"Bakit ako?"
"Because you're Lebbaeus."
"How can I remember it if wala nga akong naalala sa nakaraang buhay ko?"
"We'll try. Akin na ang bag mo." Inabot ni Thad ang body bag kay Iesus. Kinalkal nito ang laman ng bag niya. Kumunot ang noo ni Iesus nang may makita ito roon. Inilabas nito ang isang lumang keychain na nakita niya sa mga gamit na naiwan ni Sanna sa lumang bahay. "How did you get this?" manghang tanong ni Iesus.
Thad remembered the lighthouse keychain na may dagdag na palawit na barko, shipweel, at bilog na may engraved na litrang I. "Nahulog na keychain ng isa sa mga turista sa Cape Bojeador Lighthouse noong nagbakasyon kami sa Ilocos. Hindi ko nakita sino ang may-ari niyan, bigla na lang nawala nang habulin ko. But Sanna keep it."
"This is mine."
Namilog ang mga mata ni Thad. "Sa'yo? Ikaw 'yon?"
Malalim na nag-isip si Iesus. Hinintay niyang sagutin nito ang tanong niya pero sa halip ay inabot niya sa'kin ang keychain.
"Use this."
"Huh?"
DAY 40
12:15 AM
PAGKASARADO NI IESUS ng pinto ay dumilim lahat ang nasa paligid ni Thad. Wala siyang makita maliban sa naaninag niyang ilaw mula itaas ng parola. Thad heard a flick sound at biglang nagka-ilaw mula sa dalang flashlight ni Iesus.
"Anong gagawin ko?" basag niya.
"Binasa mo ba ang ibinigay ko sa'yo kanina?"
"Isang page lang 'yon."
"Binasa mo ba?"
"Isang page lang –"
"Binasa mo ba Thaddeus?"
Marahas na bumuga ng hangin si Thad. "Sus, architecture nga pinag-aralan ko ng pitong taon. Paano ko pag-aaralan ang time traveling sa loob ng ilang oras?"
Naningkit ang mga mata ni Iesus sa kanya. Bumuga ulit ng hangin si Thad.
"Sige na. Sige na. Susubukan ko na."
Bumaba ang tingin niya sa keychain na hawak. Nag-concentrate siya roon. Iesus didn't make a sound beside him. It was only him, Iesus, and silence. Ipinikit niya ang mga mata. Inisip niya ang araw na 'yon. He pushed his mind to get back to that specific day. Binalik niya ang pamilyar na emosyon na mayroon siya ng mga oras na 'yon. He knew he was not sad that day because he remembered very well the happiness he felt that moment.
"Adelante."
Thad heard a little voice in his head.
Naimula niya ang mga mata. "Sus."
"What?"
"Ano meaning ng Adelante?"
"To move forward."
Umangat ang tingin niya sa itaas. "We need to climb up."
Ibinalik niya kay Iesus ang keychain at naunang umakyat sa spiral stairs. Agad naman itong sumunod sa kanya. He often has second thoughts of his intuition. But he has a great feeling about this.
Pareho na silang hinihingal nang makarating sa itaas. Tinitigan niya ang bukas na pinto. Lumunok siya bago ibinaling ang tingin kay Iesus. Tumango lang ito sa kanya. Thad saw trust in Iesus' eyes.
Ibinalik niya ang tingin sa bukas na pinto at walang pagdadalawang isip na lumabas siya. Sa halip na Faro de Amoré ang makita nila ay natagpuan niya ang sarili sa labas ng Cape Bojeador Lighthouse. Maliwanag na maliwanag ang paligid at malakas ang simoy ng hangin.
"You did it," basag ni Iesus, nakasunod agad ito sa kanya.
Manghang-mangha si Thad sa sarili. Hindi niya inakala na magagawa nga niya. Alam niyang nasa nakaraan sila dahil na rin sa hitsura ng lugar at pananamit ng mga tao. Iesus told him earlier to dress casually para hindi sila makaagaw ng atensyon. He managed to find his old clothes and shoes in the storage room kaya 'yon ang isinuot niya.
Halos pareho lang din naman sila ng ayos ni Iesus. Magkaiba lang ang kulay ng T-shirt. His was gray while Iesus is wearing a dirty white shirt. Pareho ring kupas na ang pantalon nila at luma ang sapatos.
"Kaso masyado pa 'tong maaga. Wala pa sa timeline na 'to ang vintage watch."
"At least we're making a progress on your first try."
"Maglibot muna tayo."
Kinapa ni Thad ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Inilabas 'yon at tinignan ang oras. Unfortunately, his phone couldn't detect signal. Masyado rin 'yong high-tech para sa panahon na 'yon.
"2008," basag niya.
"Hmm?"
Pagbaling ni Thad ng tingin kay Iesus na nakaagapay ng lakad sa kanya ay bahagyang nakakunot ang noo nito.
"This is 2008," ulit niya.
"Ahh."
"About the keychain." Papasok na sila sa museum na parte ng parola. "Sinabi mong sa'yo 'yon. So... nandito ka rin pala nang araw na 'yon?"
Iesus chuckled. "I've never been here."
"You gave it to someone else?"
Umiling si Iesus. "Hindi rin."
Doon na kumunot ang noo ni Thad. "Kung hindi ka pa nakakapunta rito at hindi mo rin ibinigay sa iba ang keychain. Paano napunta rito ang bagay na 'yon?"
"I don't know."
Natawa si Thad. "Default answer mo ba 'yan sa sarili mo, Sus?"
Iesus chuckled. "I've been living my life with a lot of questions and I am always left with one option..." He glanced at Thad. "That is to discover it on my own."
"Your parents knew about this, right?"
Umiling si Iesus. "It's safer if I don't involve them with my problem."
"But the missing items originated in your family."
"My father didn't believe in those missing items. Even my grandfather. They all think that Lolo Remegio is crazy. That all of his stories didn't happen in real life."
"Your merchant great-great-grandfather, Iesus?"
Alam niyang Iesus ang palayaw ng Lolo Remegio nito.
Iesus nodded. "Yes."
"How come?"
"It's a long story. They're here." Bigla siyang hinila ni Iesus sa isang pasilyo.
Naguluhan siya. "Sino?"
"Sanna."
Namilog ang mga mata niya at sinilip niya ang lugar kung saan sila kanila. Hindi niya maalis ang tingin niya sa naglalakad na si Sanna. Panay ang kuha nito ng litrato sa mga naka display na mga lumang bagay sa bawat nadadaanan nito. Ngumingiti ito pagkatapos matignan sa maliit na screen ng digital camera nitong hawak ang kinunan nito na picture bago binabasa ang mga nakasulat doon.
Napangiti si Thad.
How could he not notice how beautiful Sanna was at that time? Aniya sa isip.
"I'm guessing that you haven't realized your feelings for her that time," bulong ni Iesus sa kanya.
Nakatingin na din pala si Iesus kay Sanna.
"I was stupid," sagot niya.
"We all are... at some point."
Pareho silang natawa.
"I hope your mistakes were not as fucked up as mine," aniya.
Iesus shrugged his shoulders. "Only time could tell."
"The problem is, we're not in our time."
Iesus grimaced. "That sucks."
Tatawa-tawa lang siya pero kanina pa niya iniisip paano sila makakabalik sa oras nila.
"Nabanggit ba ni Hanael paano makabalik sa orihinal na timeline?"
"I haven't reached that part yet."
Marahas na naibaling ni Thad ang tingin kay Iesus. "Seryoso ka?"
Inosenteng tumango si Iesus. "Mukha bang hindi?"
Thad suddenly felt the urgency to smack Iesus in the head. Buti nagawa pa niyang kontrolin ang mga kamay niya. "Iesus, na realize mo ba ang implikasyon noong nasa Faro tayo kapag hindi tayo nakalabas dito?"
"It did cross my mind."
"At?"
"And I thought you wouldn't be able to open the time portal on your first try."
Naningkit ang mga mata ni Thad kay Iesus. Bigla niyang naramdaman ang pagkirot ng sintido. Sasakit pa yata ang ulo niya ng wala sa oras. Marahas siyang napabuga ng hangin.
"Magagalit ka ba sa'kin kapag sinapak kita?" pigil ang gigil na tanong ni Thad kay Iesus.
Iesus chuckled. "You can't do that." Biglang hinatak ni Iesus si Thad mula sa kwelyo palayo sa pader. "She's coming over."
Napahawak si Thad sa kanyang leeg at inihit ng ubo. "What the fuck, Sus!" he hissed. Ubo pa rin siya nang ubo. Pakiramdam niya ay sinakal siya ni Iesus.
"Sorry."
Thad cleared his throat.
"We have to go back," dagdag ni Iesus.
"Paano nga?"
"I don't know. Ikaw ang susi rito. Remember it."
Pinaningkitan ni Thad si Iesus ng mga mata. "Ganito ka ba talaga magturo?" Inayos niya ang kwelyo ng suot niyang T-shirt. "Dinadaan mo sa dahas." Namilog ang mga mata ni Iesus. He look like he didn't get what Thad was trying to say. He continued, "Tinulak mo si Sep mula sa bangka noong mga bata pa kayo. Napilitan tuloy lumangoy si Kap nang wala sa oras."
Iesus chuckled. "Who told you that?"
"Sep."
"Don't worry, Vier saved him."
"Sep didn't tell us that."
"Mas magtataka ako kung sinabi niya." Tinapik siya ni Iesus sa balikat. "C'mon, we have to move. Hindi pa natin alam kung ilang oras lang tayo puwedeng magliwaliw sa isang timeline. We could be trap here forever. We don't want to ruin the time momentum of everyone."
"Pero paano nga?"
"Isipin mo kung paano ka nakalabas noong sinundan ka ni Sanna. Anong ginawa mo? Anong naramdaman mo?"
Inalala niya ang araw na 'yon. "Nag-panic lang ako no'n. Hinahabol ako ng gwardiya sa CIT. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa may nakita akong pinto. Pumasok ako roon para matakasan ang guwardiya."
"Tapos?"
"Pagkapasok ko sa pinto nasa Faro na ulit ako."
"Hindi ba umiilaw ang pinto?"
Kumunot ang noo ni Thad. "Kailangan ba umiilaw ang pinto?"
"Hindi ko alam. Sa mga palabas ganoon, 'di ba?"
Pareho silang nahulog sa malalim na pag-iisip ni Iesus. Inaalala ni Thad kung umilaw ba 'yong cabinet ng damit doon sa palabas na Narnia. Kaso hindi na rin niya tanda.
"Anong palabas ba ang tinutukoy mo?" basag niya.
"Hindi ko na rin tanda ang pamagat."
Nagkatinginan silang dalawa ni Iesus. Sa kamalasmalasan ay pareho silang tanga sa sitwasyon na 'yon. That's why he's going to rely on his intuition this time. Pakiramdam niya kailangan ulit nilang tumakbo at mag-panic para mabuksan niya ang daan pabalik sa timeline nila.
"Do you trust me?" aniya.
"Do I have a choice?"
"Wala."
"Got your answer."
Natawa si Thad. "Don't blame me."
Lumapit siya muli sa pader at sinilip ang daan palabas. Nandoon pa rin si Sanna pero busy ito. Naniningkit ang mga mata niya sa kakaibang liwanag sa nakabukas na pinto. Weird na wala siyang makita mula sa labas.
Ibinalik niya ang tingin kay Iesus. "May kakaibang liwanag akong nakikita sa labas ng pinto. Hindi ko makita ang view sa labas. Baka 'yon na ang cue natin na bumalik na."
"Tatakbo tayo?"
"Hindi maglalakad tayo, Sus."
Kumunot ang noo ni Iesus. "'Yong totoo, Apostol?"
Thad chuckled. "Malamang tatakbo tayo." Tinapik niya ito sa braso. "'Yon ay kung kaya pa ng mga tuhod mo."
"Gago."
Ibinalik ni Thad ang tingin sa nagliliwanag na pinto. "Huwag lang tayong papahuli. Alam ko na ang eksena na 'to. Papunta na ako kay Sanna nang mga ganitong oras. We can't let them see us."
"On your signal."
Tumango si Thad. "After three." Itinaas niya ang isang kamay at nagbilang. "One." Isang daliri. "Two." Dalawang daliri. "Three." Tatlong daliri sabay muwestra sa direksyon ng pinto. "Run!"
Nauna siyang tumakbo. Iniyuko niyang mabuti ang ulo para hindi siya mamukhaan ni Sanna. Kabadong-kabado siya pero nang lumagpas siya rito ay nakahinga siya nang maluwag. Pero paglingon niya ay biglang kumilos si Sanna at nabunggo nito si Iesus.
"Fuck," Thad cursed under his breath.
Napaangat na ng tingin si Sanna at nakita nito ang mukha ni Iesus.
"Sus!" sigaw ni Thad rito.
Iniwas niya agad ang tingin ng sumilip mula sa balikat ni Iesus si Sanna. Masyadong maliwanag ang lugar na kinatatayuan niya kaya alam niyang hindi siya nito makikita.
Iniwan ni Iesus si Sanna at patakbong lumapit sa kanya.
"She saw you!" bungad agad niya kay Iesus, may halong inis.
"I know, but it doesn't matter. Iisipin niya lang na turista ako rito. C'mon." Hinila ni Iesus si Thad palabas. "Thad is coming. Let's go." Huling beses pang tinignan ni Thad si Sanna. Nakatingin pa rin ito sa kanila pero may napansin siyang kumikinang sa sahig – sa harapan mismo ni Sanna.
"Tang'na Iesus ang keychain mo!"
"Oh shit!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro