Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 46

Day 36

"WILL YOU LOVE me? I was told I didn't deserve love. At least that's the theme," kanta ni Jude.

Napangiti si Sanna nang dahan-dahang siyang iniikot ni Thad. He had that same smile that could always melt her heart in instance.

"Teach me to heal my scars. I've heard it said, that beauty is when scars become art."

Bumalik siya sa mga bisig nito, ilang segundong ipinikit ang mga mata bago nagmulat para iangat ang tingin kay Thad.

"I love you," he mouthed.

"'Cause I wanna love you for good... For good or for bad... When times get sad... And when we fight..."

"I love you, too," she mouthed back saka inihilig ang ulo niya sa dibdib ni Thad as they slowed dance together.

"For good or for bad...When you make me mad...'Cause you're the love of my life."

Thad held her closer with one arm around her waist and let her hand rested on his chest with his hand warmly holding hers. She smiled as she closed her eyes again. Hinayaan niya ang sarili na pakinggan ang tibok ng puso nito na sumasabay sa kanta habang isinasayaw pa rin siya nito.

"So take my hand. I wanna grow old with you beside me. So take my hand. I wanna grow old with you beside me. So take my hand..."

"I'll let you hold my hand forever, Mrs. Apostol," Thad whispered.

Sanna chuckled. "Sinabi mo 'yan ah."

Naramdaman niya ang paghalik ni Thad sa kanyang sintido. "Of course, Hon."

Bahagya siyang kumalas dito para mahawakan ang dalawang kamay nito. "Then I will hold your hand every day." Pareho silang nakangiti sa isa't isa. Pero naging tawa naman kay Thad. "Oh, bakit?" Sanna asked, natatawa na rin. "May nakakatawa ba?"

"Nothing," iling ni Thad. Iniangat nito ang mga kamay nila para halikan ang likod ng mga kamay niya. "Ang cute lang ng asawa ko."

"Ay sus!"

Tawa na lang sila nang tawa sa isa't isa. Naputol lang ang sariling mundo nila nang marinig nilang magsalita si Jam. Sabay nilang napihit ang katawan sa direksyon nito. Jam was standing near the cake table. May tatlong cake na naka display roon. Ang three tier wedding cake nila ni Thad. May mini fondant figure nilang dalawa in wedding dress and suit sa itaas no'n at nasa sa second tier si Art na kumakain ng cake. It was so cute.

'Yong dalawa ay birthday cake nila Iesus at Aurea. Pareho ring may fondant figurine sa itaas ng one tier cake. Si Iesus at mga gold bars ang design sa cake ni Iesus. Si Aurea in her fortune teller outfit at may hawak na black cards instead of tarot cards. Ang cute ng mga Casper-like-designs as background nito.

Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-akbay ng isang braso ni Thad sa isang balikat niya. She discreetly wrapped one arm around his waist saka inihilig ang ulo sa dibdib ni Thad. She greatly appreciate the whole surprise. Even ang malawak na harapan ng bahay ni Iesus ay nagawa ng mga kaibigan nilang gawing magical garden for their reception. Kitang-kita mula roon ang umiilaw na parola dahil nasa mataas ng lokasyon ang bahay ni Iesus.

"As much as I hate to interrupt your own little world, Mr. and Mrs. Apostol," simula ni Jam, nakangiti habang hawak ang microphone. "It's almost Christmas pero bago natin salubungin ang birthday ng ating mahal na Dios. Hindi naman puwedeng hindi natin i-celebrate ang araw na muli na namang tatanda ang ating landlord sa Faro."

Ang lakas ng tawanan sa paligid. Napansin niya si Iesus sa pinakalikod na table, hinihilot ang noo habang inaasar ng mga katabi nito na sina Sep at Vier.

"At siyempre ang delayed nang birthday ng ating pinaka-scammer na manghuhula sa Faro de Amoré na si Aurea. Just a short story, hindi namin nagawang i-celebrate ang birthday ni Au noong December 23 dahil naging busy kami sa surprise namin sa inyo. But, guys, hindi sa pinapakonsensiya namin kayong dalawa –"

Mabilis na lumipat si Jam kay Tor na nakaupo sa isang mesa kasama nila Aurea na may hawak kay baby Rory, kasama rin nito sa mesa sina Nanay Lourdes at James. Itinapat ni Jam ang microphone sa bibig ni Tor.

"Pero parang ganoon na nga," walang kangiti-ngiting dugtong ni Tor.

Lalo tuloy lumakas ang tawanan sa paligid.

"Woah!" sigaw ni Balti. "Atty. Kale Thomas Velez lang malakas! I love you –" Naibaling naman ni Niña ang tingin sa asawa nito. Ngumisi si Balti. " - Niña!" agap na dugtong agad nito. Pero batok sa likod ang nakuha ni Balti kay Nina na siyang nagpatawa kay Balti nang sobra.

"BalTor! BalTor!" hiyawan ng mga barkada nito.

"Bago pa magkaroon ng secret affair ang BalTor. We would like to call our birthday celebrants. My lord, halika na rito bago pa bumigay ang mga tuhod mo." Ngumisi si Jam. "Este, ilang taon ka na nga Sus?"

"Five hundred years old!" sigaw ni Simon.

"Hoy, Simon!" Tawang-tawa si Jam. "Pero muntik ka nang tumama roon." May dinukot si Jam sa bulsa ng slacks nito. "Happy 33th Birthday, Iesus Cloudio de Dios! So, Sus, kailan ka ba talaga lalagay sa tahimik?" Nakangising ipinatong ni Jam ang dalawang number candles sa itaas ng cake nito.

Namilog ang mga mata ni Sanna. Wow, Iesus doesn't look like 33 years old to her. Dati pa talaga niya iniisip kung may fountain of youth bang itinatago si Iesus sa mansion nito because Iesus ages like a fine wine.

"Hoy, huwag n'yo naman patayin agad si My lord!" tumatawang sigaw ni Simon. "Hindi pa nga 'yan nakakapag-asawa."

"Coming from you," react naman ni Andrew, void of any emotions on his face.

Unang-unang tumawa si Juan na kamuntik pang mahulog sa kinauupuan nito bago natawa ang lahat. Mabuti na lang at naibalanse agad ni Juan ang katawan.

"Hoy, pare-pareho lang tayo ritong walang mga babae!" giit pa ni Simon.

"Hindi mo sure!" sagot naman ni Balti.

"Huwag n'yo na awayin 'yang si Simon," singit ni Chi. "40s pa 'yan makakapag-asawa."

"Pain!" asar na tawa ni Mathieu.

"Sus!" Tumayo na si Simon. "May sasabihin nga pala ako –" Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Math sa pagkakaupo nito para lapitan at busalan ng kamay ang bibig ni Simon. Natumba pa ang bangko ni Mathieu sa pagtayo nito. "Mylooooo –" Hinila ni Mathieu palayo si Simon.

Mabilis namang hinila ni Sep si Iesus patayo at hinila sa harapan. Nakatayo na rin si Aurea sa tabi ni Jam. Pero si Iesus panay ang tingin kina Mathieu at Simon na mukhang nagbabantaan na ng tahimik sa tabi.

"Teka, mukhang may sasabihin si Simon," basag ni Iesus habang nakatingin sa dalawa.

Marahas na hinawakan ni Jam ang magkabilang mukha ni Iesus para maibaling ang tingin nito sa kanya. Tawang-tawa si Sanna sa gulat na ekpresyon sa mukha ni Iesus sa ginawa ni Jam. Pansin din niyang napailing na lamang si Thad sa tabi niya.

"Sus, focus on me," sabi ni Jam. "Sa'kin ka lang tumingin."

Kumunot ang noo ni Iesus. "Why?"

"Kasi seloso ako."

At muli na namang napuno ng tawanan ang paligid. Hay nako, ang kukulit talaga. But Sanna also realized that these are the people who dearly love Thad the most. She observed Thad in silence. His smile grew as he looked at his friends and his eyes sparkled in pure merriness. She knew that he will mourn for them, but Sanna believes that his friends will help Thad find all the reasons to smile and be happy again even in her and Art's absence.

Humugot siya nang malalim na hininga when hot tears starts to swell from her eyes. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang kumawala at ngumiti. Thank god, Thad didn't see her crying when he shifted his eyes at her. Pero may pagtataka lang sa mukha nito dahil iniisip siguro nito kung bakit siya nakakatitig.

"Thinking something?"

She warmly smiled this time. "Nasabi ko na ba sa'yo na sobrang guwapo mo ngayon?"

Thad chuckled. "Seryoso?" Sanna noticed Thad's right ear turning red at medyo nagba-blush din ang pisngi nito. Alam niya kapag namumula ang tainga at mga pisngi nito. It's either he's drunk or kinikilig ito.

It was her turn to laugh. Kainis, her husband is too cute! "Well, kung hindi pa. Yes, Architect Apostol, sobrang guwapo mo ngayon." She tilted her head and smiled sweetly. "Buti akin ka na."

Napahawak sa bibig si Thad pero halata sa mga mata nito ang sobrang pagngiti. Bumaba ang kamay na 'yon sa baba nito at dahan-dahang minasahi ang parteng 'yon while he was suppressing his smile. Hiling niya na sana hindi na kornihan si Thad sa sinabi. But she doesn't care if corny pa 'yon. She has all the rights to flirt with her husband.

"Hindi ko..." Binasa nito ang labi. "Hindi ko alam ang isasagot ko," dagdag nito, natatawa sa sitwasyon nila.

"Well, I wouldn't mind a kiss –"

Bahagyang napaatras si Sanna nang siilin siya bigla ng halik ni Thad sa mga labi, but he was able to wrapped one arm around her waist to steady her. Ang bilis naman kausap nitong si Thad, aniya sa isip.

Naipikit niya ang mga mata at nailapat ang mga palad sa dibdib nito habang tinutugon ang mga halik ni Thad. Ang isang kamay nito na nakahawak sa mukha niya ay dahan-dahang bumaba para yakapin na siya nang tuluyan.

They couldn't help their smiles while kissing each other. They couldn't even get enough of each other. Walang pagmamadali at rahas sa halik na ibinibigay at tinugon nila sa isa't isa. They were just enjoying kissing each other na tila ba sa kanila lang dalawa ang oras.

If not for the sudden fireworks hindi pa sila maghihiwalay ni Thad. Sabay nilang naiangat ang tingin sa madilim na kalangitan na sa mga oras na 'yon ay binibigyang liwanag ng mga fireworks. Niyakap siya nang mahigpit ni Thad.

"Merry Christmas, Sanna," bulong ni Thad sa kanya sabay halik sa kanyang sintido.

Ibinalik niya ang tingin kay Thad at ngumiti. "Merry Christmas, Thad."

Maya-maya pa ay bigla na lamang may malakas na dumamba sa kanilang dalawa. Halos sabay nila Sanna at Thad na maibaba ang tingin sa yumayakap sa kanila. Malaki ang ngiting nakaangat ang mukha ni Art sa kanila.

"Merry Christmas po, Mommy! Daddy!"

Ginulo ni Thad ang buhok ni Art. "Merry Christmas, Art."

"Merry Christmas, anak," bati rin niya.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko po –" Natawa silang dalawa ni Thad sa hingal ni Art nang tumigil ito. "Mahal ko po kayo... ng one million times pa po, Mommy at Daddy ko!" dagdag ni Art.

Kinarga ni Thad si Art kahit sobrang bigat na talaga nito. Napapansin din kasi niyang tumatangkad na si Art. Iniyakap ni Art ang isang braso sa kanya at sabay nilang tatlong pinanood ang fireworks.

"We love you too, Art," sabi niya.

"A million more times," dagdag ni Thad.


DAY 37

"PRE, BALIKAN NA lang namin kayo bukas." Sep patted Thad's shoulder. "Huwag kang mag-alala. Magaling na akong mag-alaga ng bata ngayon." Ngumisi pa ito sa kanila bago pasimpleng iniyakap ang isang braso kay Art.

Si Sep ang nagmaneho ng yacht. He said it was his honeymoon gift for them. Akala niya ay kung saan pa sila dadalhin nito pero itinigil lang nito ang yate sa gitna ng dagat - hindi naman masyadong malayo sa Faro dahil natatanaw pa rin naman nila 'yon.

"Daddy kakainin na naman ni Tito Sep mga chocolates ko," reklamo pa ni Art, sinusubukang lumayo sa Tito Sep nito pero laging nahihila sa kwelyo ni Sep. "Dito na lang po ako, Mommy, Daddy! I'll behave po."

"Pinabili ko ang Tito Andrew mo ng maraming chocolates. Sa'yo lahat 'yon." Sep chuckled. "Bigyan muna natin ng privacy ang Mommy at Daddy mo."

Ang haba na ng nguso ni Art habang nakatingala kay Sep. "Totoo po?" Tumango si Sep. "Cross your heart?" Tumango ulit si Sep. "Hope to die?"

"Masama akong tao kaya matagal pa akong mamamatay."

"Sep," Thad warned.

Tumawa lang si Sep saka kinarga na walang kahiraphirap si Art sa isang balikat. Nakaharap sa kanila ang likod at puwet ni Art. "Tito Sep!" reklamo pa ni Art habang sinusubukang makababa mula sa pagkakarga ni Sep. "Mommy! Dadddy!"

"Enjoy your honeymoon, love birds" May pilyong ngiti sa mukha ni Sep. Hindi naman maiwasan ni Sanna na makaramdam ng hiya - ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Hindi naman siya pinanganak kahapon para hindi maintindihan kung anong nasa isip ni Sep nang mga oras na 'yon. "I've prepared everything kung sakaling magutom kayo. Don't worry, ihahatid namin ang dinner n'yo mamaya, sponsored by one of the best chefs in Cebu, Chef Mathieu Dmitry Brandaeur."

Natawa si Thad. "Salamat, pero sinasabi ko sa inyo na wala akong perang maipambabayad sa inyo."

"Hindi 'yon problema. Lahat ng resibo ipapadala kay Cloudio."

Hindi na napigilan ni Sanna ang tawa. "Baka magreklamo na 'yon ah. Kakahiya naman kay Iesus."

"Hindi nauubos pera no'n. Hayaan mong maboang sa atin."

"Hoy Kap!" narinig nilang sigaw ni Simon mula sa labas ng yate. "Langya! Nandito na ako."

Napatingin si Sanna kay Thad. Mukhang nagtataka rin ito kasi kumunot ang noo. When they looked at Sep, ngumisi ito sa kanila.

"Nakarating na pala sundo namin ni Art."

Sabay-sabay silang sumilip sa gilid ng yate at nakita nila sa baba si Simon sakay ng isang bangka. May hawak pang oar habang nakatingla sa kanila. Namilog nang husto ang mga mata niya. Binangka lang ba ni Simon from Faro ang pagpunta nito sa kanila? Sa tingin niya kasi walang makina ang bangka na gamit nito nang mga oras na 'yon.

"Walangya, Kap! Walang gas 'yong bangka na inarkila ko. Hiniram ko muna 'yong bangka ni Iesus. Matibay pa naman 'to."

Tawang-tawa si Sep. "Magaling, Takeuchi, napakatalino." Nawala ang ngiti ni Sep. "Buti hindi ka sinuntok ng jet ski ko?"

Sandaling natigilan si Simon at naikiling ang ulo sa kaliwa. "Yawa!" mura nito nang may maalala mula sa pag-iisip nito.

Mabilis na natakpan ni Sep ang mga tainga ni Art. "Bibig mo Takeuchi!"

Malakas na tumawa si Simon. "Sorry! Sorry! Walangya, bakit 'di mo pinaalala sa'kin?"

"Binigay ko sa'yo ang susi. Langya ka, tumango ka pa. Saan ba ang utak mo, Engineer?"

"Nak nang –"

Ibinaling ni Sep ang tingin sa kanila. "Matalino sana 'tong kaibigan n'yo pero napapariwala ang sintido common."

"Hoy, Kap, naririnig kita!"

"Pero malakas pandinig," nakangising dagdag ni Sep nang hindi ibinababa ang tingin kay Simon.

Natawa lang sina Sanna at Thad.




YUMAKAP SI THAD mula sa kanyang likod. Napangiti siya nang maramdaman ang paghalik nito sa kanyang ulo bago inihilig ang ulo sa balikat niya. Sabay nilang pinagmasdan ang bangkang malayo na sa kanila na sinasagwan nila Simon at Sep. Sanna doesn't doubt her Kuya Si and Sep's swimming skills pero hindi nila pinaalis ni Thad si Art na walang suot na life vest.

If there is another common thing between her and Thad. 'Yon ay pareho silang paranoid when it comes to Art.

"Now what?" bulong sa kanya ni Thad.

Natawa siya. "Hindi ko alam. Ano bang puwede nating gawin dito?"

"I have so many things in mind, but that's for later." He chuckled. Na curious siya kaya bahagya niyang iniangat ang mukha kay Thad. She saw a hint of haughtiness in those pair of dark brown eyes. "Maybe we should watch a movie? Swim? Hmm?" He kissed her cheek.

"Swim? Okay ka lang? Sa kalagitnaan ng dagat? Baka nakakalimutan mong hindi ako marunong lumangoy, Mr. Apostol."

Thad laughed. "Sabi ko nga."

"Let's watch a movie. Pero ayoko 'yong nakakaiyak. Gusto ko 'yong nakakakilig or nakakatawa."

"Ayaw mo ng horror?"

Sandaling nag-isip si Sanna bago sumagot. "Depende sa multo," nakatawa niyang sagot pagkatapos.

Muli itong natawa. Dahan-dahang kumalas sa kanya si Thad but he held her hand as he lead her to the cockpit area. Sep already made a short yacht tour earlier so she's now familiar with the yacht structure. Sep mentioned that this a catamaran yacht kaya raw malaki at luxurious tignan ang yacht compared sa mga nakita na niyang yacht noon. True enough, sobrang laki ng buong area. A party could be held here.

"But let's eat first. I'm hungry," anunsyo ni Thad.

May mga pagkain nang nakahanda sa cockpit. Sanna guessed na lahat ay galing sa Noah's Ark dahil pati fruit basket may logo ng restaurant ni Math. Matagal na niyang napapansin ang consistency ni Math sa branding ng N.A.

She chuckled. "Sana pala pinakain na muna natin sila bago pinauwi."

"They'll manage to eat by themselves."

"Pero ang anak natin?"

"I trust Simon's passion for finding ways not to starve," Thad smirked. "Our Art will be fine."

Natawa na lamang si Sanna.



THEY SPENT THE rest of day talking and watching movies. Puro tawa, higa, at kain na lang yata ang ginawa nila ni Thad and Sanna enjoyed every seconds of it. Mabagal ang oras kapag wala gaanong ginagawa. Unline kapag busy na busy sila, mas mabilis ang oras. Hindi nila namalayan na magsa-sunset na.

They watched the sunset together pagkatapos ay naghanda na para sa dinner nila. Totoo nga ang sinabi ni Sep kanina na hahatiran lang sila ng pagkain. Kasama ni Simon si Math na naghatid ng pagkain at mukhang may gas na rin sa wakas ang bangka ni Simon. The two didn't allow them to go out of their cabin hanggat hindi pa natatapos sa pagse-setup ang dalawa. At nang matapos sina Simon at Math ay sinundo sila ni Simon at dinala sa harapan ng yate.

Umawang talaga ang bibig niya sa pagkamangha sa bumungad sa kanila. Even Thad was amazed as well. The place looks so romantic. It wasn't a typical dinner table. All the foods were neatly place on the blanket. Parang candlelit picnic sa gabi. May wine din na kasama at iilang mga pillows. She's assuming na hindi totoong mga candles ang nasa piligid. It looked like one pero mukhang di-battery lang na kandila. Dahil kapag totoo 'yon ay matagal nang namatay dahil sa hangin.

"Enjoy your dinner," nakangiting sabi ni Math.

"If you need anything tawagan n'yo lang kami," dagdag ni Simon.

"Thanks, Si, Math," nakipag-fistbump si Thad kina Simon at Mathieu.

"You're welcome, pare," sagot ni Math.

"Alis na kami para ma enjoy n'yo ang gabi. Don't worry about Art. I'm taking good care of him."

"Thanks, Kuya Si," aniya.

Umalis ang dalawa at naiwan na ulit sila ni Thad. Kumain na rin sila pagkatapos at nagpatuloy sa kuwentuhan. Ang weird na hindi man sila nauubusan ng topic ni Thad. May unlimited thoughts yata silang dalawa.

Halos naubos nila ang mga pagkaing luto ni Math pati na rin ang dala nitong mga dessert. Sinalinan siya ni Thad ng red wine at inabot sa kanya ang kopita. Hindi naman madami ang nilagay ni Thad. Sakto lang. She playfully swirled the wine glass in her hand para ma-mix ang wine sa loob before sniffling its aroma. It smelled sweet and fruity. She then slowly sipped the wine. Napangiti siya sa lasa no'n. Indeed, it tasted sweet and fruity. Hindi rin gaanong matapang. Tama lang.

"Masarap," nakangiting komento niya.

"Kung hindi ko lang alam na malakas ka uminom kahit noon malamang magugulat ako sa reaksyon mong 'yan," Thad chuckled.

Natawa naman siya. "Hindi naman ako madalas umiinom. Occasionally lang."

He did what she did earlier before drinking his share. "Mas mabilis pa ako malasing kaysa sa'yo."

"Weak ka e."

Napamaang si Thad. Natawa naman siya nang husto. "Wow."

"But seriously, canned beer lang naman iniimom ko noon kasi 'yon lang din naman ang kaya ng budget ko. I've tasted wines sa mga free taste sa mall. But I remember may one time na gumastos talaga ako for a bottle of wine kasi ang lungkot-lungkot ko ng araw na 'yon at nagsawa na ako sa canned beer. Kaso ang pangit ng lasa." Sanna couldn't help but grimace at the memory. "Ang mahal pa no'n ah. Ta's sabi kasi ng seller na ladie's wine 'yon. But sobrang disappointed ako."

Thad was suppressing his smile. "At tinapon mo na lang?"

"Hindi ah. Bakit ko itatapon? I invested money on it."

Namilog ang mga mata ni Thad sa pagkamangha. He knew her. Malamang nakuha agad ni Thad ang sunod na ginawa niya.

"So, ininom mo nga?"

"Inubos ko," with conviction at pride pa niyang sagot. "Inubos ko ng gabing 'yon kasi ayoko nang isipin na iinumin ko na naman 'yon sa mga susunod na araw."

Bumakas ang sobrang aliw sa mukha ni Thad at sa tawa nito sa kanya. "Grabe!" Proud na pumalakpak pa ito sa kanya. "My respect to Susanna Evangeline."

"Tapos kinaumagahan akala ko hindi na ako magigising." Hindi na niya napigilan ang tawa. "Swear, Thad!" Pinag-krus pa niya ang dalawang hintuturo niya sa harapan ni Thad. Tawang-tawa tuloy lalo si Thad. "Akala ko natunaw na ang intestines ko nang gabing 'yon."

"Kung alam ko lang mga pinaggagawa mo noon sa loob ng bahay mo Susanna. Aba'y pupuntahan kita sa inyo -"

"At pagagalitan?"

"At makiki shot," nakatawang sagot ni Thad.

"Loko!"

Pareho silang natawa sa isa't isa. Ramdam na niya ang pamamanhid ng mga panga niya kakatawa. Pareho nang naniningkit ang mga mata nila ni Thad.

"Ano, ikaw lang?"

"Busy ka noon e," dagdag pa ni Sanna. "Sa mahal mo," tudyo pa niya.

"Pangit ko ka-bonding no'n, 'no?" sakay pa ni Thad sa biro niya.

"Sinabi mo pa!" Inirapan pa niya si Thad.

Tawa naman nang tawa ang huli. They spent the following minutes reminiscing the past. Akala niya ay mag-iiyakan lang sila ni Thad pero tawa lang sila nang tawa sa mga nagawa nila noon. Na realize niya na ang dami pa pala niyang hindi nakukwento kay Thad. At madami ring kwento si Thad na hindi nito na-i-kwento sa kanya noon.

Totoo pala 'yong quote na nabasa ko noon, that one day we will look back and realize that we worried too much about things that doesn't matter in our lives and laugh or cringe at the thought of it at present. But we also realize why things happen... why we had to cut some people in our lives... and what made us change. But if you give up, you will never have the chance to realize that those small things that made us happy and enjoy life in the past are actually the bigger things in our lives.

Thad wrapped a spare blanket around her. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito pagkatapos. Sumasabay sa tunog ng bawat alon ng dagat ang instrumental music na pini-play ni Thad sa mini Bluetooth speaker nito.

I want to treasure every moment with Thad. Hanggat sa kaya kong punuin ang puso ko ng masasayang bagay na magpapaalala sa akin na naging masaya ako sa mga huling sandali ng buhay ko. I will beg God to allow me to keep those memories in heaven... until the three of us meet again... in our next lives.

"I want a baby girl," basag niya.

Iniangat ni Sanna ang nakangiting mukha kay Thad.

Pero naisip ko. Wala naman sigurong masama kung iisipin kong walang oras na nakapagitan sa aming tatlo. Gusto kong isipin na tatanda ako kasama ng asawa ko at mga apo namin. Those are the things that I didn't realize back then, pero gustong-gusto ko palang maranasan.

Ngumiti si Thad pero nakikita niya sa mga mata nito ang kaparehong sakit at panghihinayang na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. But Thad is trying his best not to make her worry.

"I also want a baby girl," sagot nito. "Someone who looks a lot like you."

"Pero mas gusto ko na kamukha mo lahat ang mga anak natin."

Natawa si Thad. "Kamukha ko na si Art."

"Tapos kamukha mo pa ang baby girl natin."

"Hindi ko alam kung matutuwa ang anak natin kapag naging kamukha niya ang tatay niya."

"Gusto ko makita ang girl version mo."

"Speaking of, there's an app for that." Inabot ni Thad ang cellphone at may ipinakita sa kanya na app. "Babymaker app. We just need your photo and mine and it will show us the face of our future baby girl."

Napangiti siya. "Talaga?"

"Kay Balti ko 'to nalaman. He downloaded it in my phone dahil ayaw niyang makita ni Niña na inaasa niya sa app ang mukha ng anak nila." Thad chuckled. "Let's see if this app will show us Art's face."

He uploaded a separate photo of them together and it took seconds to show us the result of their baby boy. Napasinghap siya nang halos makuha ng app ang mukha ni Art. Not totally nagaya pero malaki ang hawig kay Art.

"Ang galing!" manghang react ni Sanna.

"Wow! I didn't expect that."

"So, more likely ganoon din siguro magiging mukha ng anak nila Balti at Niña."

He chuckled. "Without a doubt."

"Tignan mo naman kung babae ang anak natin."

"Okay, wait." Thad repeated the same procedure and after a few seconds ay lumabas na ang mukha ng baby girl nila.

It took a few seconds before Thad reacted.

"Kamukha mo," nakangiting baling ni Thad sa kanya.

Hinawakan niya ang cellphone at pinakatitigan ang mukha ng batang babae sa screen. It really look a lot like her pero may malaking resemblance din ang batang babae kay Thad. Lalo na siguro kapag hindi nakangiti. Nakangiti kasi ang batang babae. The little girl had the same smile like her.

"She's beautiful, Thad."

"Just like her mother."

Nang kumurap siya ay sumama ang mga luha sa kanyang mga mata. Sanna was smiling and crying at the same time. Hindi niya alam ang mararamdaman niya. She wish she could bear this girl in her womb and give life to her. She would love to be this little girl's mother.

Ibinalik na niya kay Thad ang cellphone. "Sorry," aniya habang pinupunansan ang mga luha.

"We'll have our baby girl." Itinabi nito ang cellphone saka hinawakan ang likod ng ulo niya para mailapit ang mukha niya at mahalikan siya sa noo. "We still have time to figure things out."

His face level with her. Punong-puno ng determinasyon ang mga mata ni Thad. She knew she will never give her up. Kagaya ni Thad, she also faithfully prays for a miracle.

Sanna cupped his face and look at him straight in the eyes. "I love you." Ngumiti siya rito pagkatapos. "Kahit anong mangyari pagkatapos nang lahat ng ito. Mamahalin pa rin kita."

She saw pain his smile, but the love and adoration Thad have for her didn't melt in his eyes. Nakikita niya ang pagmamahal na 'yon at nararamdaman sa kanyang puso.

Kaya nang angkinin ni Thad ang kanyang mga labi ay agad niyang ipinikit ang mga mata at tinugon ang marahas at malalim na paghalik nito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro