Kabanata 44
DAY 31
"SER, WALA NA ba talagang ibang impormasyon doon kay Lebbaeus?" Inilipat ni Simon ang cell phone sa kaliwang tainga. Sinenyasan niya si Kyle, isa sa mga engineer niya na lumabas muna at iwan na lang muna sa mesa niya ang folder na dala nito. "Siguro naman gaya ng iba may mahanap tayong kwento tungkol sa kanya."
"Mon, kung mayroon man akong nalalaman hindi ko 'yon itatago sa'yo. Alam mo 'yan."
Marahas siyang napabuga ng hangin. Naitukod ni Simon ang isang siko sa mesa at napahawak sa ulo. "I know." He paused.
Ilang araw na siyang walang tulog. Sanna, Art, and Thad keeps his mind preoccupied. Nag-pile up na ang trabaho niya at siya na ang sumasalo ng mga hindi maasikaso ni Thad. He's not complaining. He'll do everything for them.
"We're discussing this with James and Aurea. Remember, Au said something before about two paths for Art. Hindi pa malinaw kaya puwede pa sigurong mabago depende sa magiging desisyon ni Sanna."
Bigla siyang nabuhayan. "Yeah, I remember that."
Umayos siya ng upo.
"All we have are assumptions. I'm trying to dig more about the watch and Lebbaeus from Iesus. Although wala rin naman siyang maibibigay, but if we're lucky, baka may mahanap ako sa museum niya."
"How about Vier?"
Vier seemed like he didn't want to meddle.
"Huwag mo masyadong isipin si Vier. Wala lang asukal ang kape no'n kahapon." Tumawa si Balti sa kabilang linya. Hindi rin napigilan ni Simon ang bahagyang matawa kahit banas siya kay Vier. "Baka brokenhearted na naman."
"Gago!" Lalo lang siyang natawa, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Loko talaga 'tong si Ser.
"Pinapatawa lang kita. Kalmahan mo lang eyebags mo Engineer. Puwede nang lumambitin mga panda riyan." Lumakas ang tawa nito sa kabilang linya. "Balitaan kita kapag may progress ang pag-iimbestiga naming apat."
Kumunot ang noo ni Simon. "Apat?"
"Yup. Sinama ko si Tor para magkasilbi."
Natawa ulit siya. "Gago!"
"Wala siyang magagawa. I don't take no for an answer."
Napailing siya kahit hindi naman siya nakikita ni Balti. "Galingan n'yo."
"We can't promise anything but we will do our best, Mon. We will do our best."
Napangiti siya. "Thanks, Ser."
End call.
Simon was about to call Jude when his message popped up on his notification screen. Binasa niya ang message ni Jude.
Did Thad call? He still don't pick up my calls. – Jude
Sigurado siyang nasa bahay pa sina Thad noong umuwi siya kagabi. Pero nang magising siya kanina ay wala na ang tatlo. Isang note lang ang iniwan nito sa sala. Inabot ni Simon ang itim na planner niya at binuklat ang unang pahina. He clipped it on the first page.
Don't look for us. Uuwi rin kami. – Thad.
Alam niyang hindi siya dapat nag-aalala. Thad can take care of Sanna and Art. Pero alam niyang umalis si Thad na may sama ng loob sa mga kaibigan nila.
Binalikan niya ang cell phone at nag-type ng reply kay Jude.
Hayaan mo na. Uuwi din sila. Let's just trust Thad. – Simon
Inabot niya ang desk calendar niya. They only have 18 days. Ini-ekisan niya ang bawat araw na nakakaltas kaya alam niya kung ilang araw na lang ang mayroon silang makasama si Sanna at Art. Importante sa kanya na maligtas sina Sanna at Art, but he knew and he couldn't ignore the inevitables that comes along with it.
Muli niyang hinawakan ang cellphone at hinanap ang number ni LV. He called her. She didn't pick up immediately pero sa pang-apat niyang tawag ay sinagot na siya nito.
"Simon? Hello! Sorry, ang dami mong missed calls. How can I help you?"
"I know you're busy pero puwede mo ba akong maisingit?"
NAPANGITI SI SANNA nang makaupo na siya sa isa sa mga baitang sa harapan ng P. Del Corro Building. She felt nostalgic habang iginagala ang tingin sa paligid ng lumang eskwelahan ni Thad noong high school. Nauna na silang pumasok ni Art kasi may binili pa sa labas si Thad. Si Art naman nasa harapan lang niya. Tuwang-tuwang pini-picture-an ang paligid nito gamit ng iPad na hawak.
"Mommy, is this your old school po ba?" malapad ang ngiting tanong ni Art sa kanya.
May ngiting tumango siya. "Namin ng Daddy mo."
"Ganda po, Mommy. Puwede po ba ako mag-school din dito po?"
May ngiting tumango ulit si Sanna kay Art . It was bittersweet smile and she didn't want to ruin the hope she sees in her son's eyes. Alam niyang maiintindihan din ni Art ang lahat kung bakit kinailangan niyang magsinungaling. Maybe God will explain to her son why she wasn't able to fulfill her promises to him.
Dumating si Thad na may hawak na brown long folder. Naupo ito sa tabi niya at inabot na lang bigla sa kanya ang folder. Napakurap at napatitig tuloy siya rito. He was suppressing his smile kahit hindi ito nakatingin sa kanya.
"Para saan 'to?" basag niya.
He glanced at her. "Sabi mo hindi ako nakipagkamay sa'yo noon?" Napatingin si Sanna sa hawak niyang folder at biglang natawa. "Rewind natin."
Tumatawa pa ring ibinalik niya ang tingin kay Thad. "Seryoso?"
He chuckled. "Mukha ba akong nagbibiro? Sige na, iabot mo na sa'kin 'yan."
Sanna stopped laughing but her smile remained on her face. Inilapag niya ang folder sa kandungan niya at inilahad ang isang kamay kay Thad. Sa kamay niya napako ang tingin ni Thad bago nag-angat ng mukha para salubungin ang tingin niya.
Sumilip ang isang ngiti sa mukha ni Thad. Naluluha na napangiti si Sanna nang maramdaman ang mainit na kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
"Thaddeus Bernardo Apostol," pakilala nito.
Itinawa na lamang niya ang pagbabanta ng mga luha niyang kumawala. "Susanna Evangeline Rama," sagot niya rito.
Naipikit na lamang niya ang mga mata nang halikan ni Thad ang kanyang noo. "I know," yakap nito sa kanya pagkatapos.
Yumakap siya pabalik. "Alam mo bang isa 'yon ang mga favorite memories ko sa'yo?"
"Bakit? Dahil hindi ko pinansin ang kamay mo?"
Natawa siya. "Hindi."
"I wonder what were you thinking that time?"
Bahagya itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya para matignan ang mukha niya. Naiangat niya ang mukha para salubungin ang mga mata nito.
"Pagkatapos mong i-ignore ang kamay ko?" nakangiti pa niyang tanong.
Thad chuckled. "Oo."
She paused for awhile. Tuluyan na siyang kumalas sa pagkakayakap ni Thad sa kanya para hawakan muli ang isang kamay nito. She laced her fingers with his.
"Your hand looks warm to hold." Nakangiting ibinalik niya ang tingin kay Thad. Titig na titig ito sa kanya. "'Yon ang iniisip ko noon."
"Bakit mo naisip 'yon?"
"You know what they say about an artist's hand?" Umiling si Thad. "If the eyes are the windows of your soul. An artist's hands are the proofs of their pain." Ibinaling ni Sanna ang tingin kay Art na mukhang may in-drawing sa iPad nito. She knew that Thad was looking at their son as well. "Lagi kasing nasa artwork ang tingin ng tao, but they only appreciate the art and not the artist's struggles behind their masterpieces."
Mapait na napangiti si Sanna.
"But even if you were the most beautiful masterpiece in my eyes that day." Ibinalik niya ang tingin kay Thad. "I saw your pain."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Thad.
"At gusto kong hawakan ang mga kamay na 'yon para sabihin sa'yo na okay lang na gawin ang mga bagay na gusto mo," she continued. "I saw your passion. It's the same passion that I have in my heart. 'Yong kahit na naiisip ko na wala namang patutunguhan ang pagpipinta ko ay ginagawa ko pa rin. Kahit sinasabi nila na sinasayang ko lang oras ko ay hindi pa rin ako tumitigil. I'm painting because it makes me happy – a kind of happiness that I could not find anywhere else."
Thad chuckled in between his tears. "'Yong klase ng saya na mababaliw ka kapag hindi ka nakapag-drawing?"
Tumango siya. "Ganoon."
"I remember what you told me before. A quote from someone. You said that art is not what you see, but what you make others see."
Sanna smiled. "I think that every person is a work of art. We see what they wants us to see from them. Pero 'di ba, habang tinitignan mo ang isang art work marami ka nang napapansin na hindi mo napansin noon. Doon mo na a-appreciate ang little details na mayroon ang art work. Naisip ko ngayon, that we should always be kind to other people in any circumstances. Kasi baka may pinagdadaanan sila sa buhay nila. Hindi natin malalaman ang sagot agad kung totoo man o hindi. Pero wala namang mawawala kung gagawin natin, 'di ba? Maybe it could save a life."
"Mommy, Daddy!" sigaw ni Art, patakbo itong lumapit sa kanila. "Look po." Naupoi to sa gitna nilang dalawa ni Thad. "I draw you and the building."
Napangiti siya sa drawing na 'yon ni Art. "Wow! Ang ganda naman." Hinagod niya ang buhok ni Art saka hinalikan ang ulo nito.
"Ang ganda at guwapo namin diyan sa drawing mo, anak," dagdag ni Thad.
Just like her and Thad, Art is an artist himself. Hindi man perfect ang shape and strokes ng mga drawing nito. It pained her to think that she had wasted her son's talent in this lifetime. Art could have been a great artist in his time.
She stared at her son. Pigil na pigil niya ang mga luha niya. She wishes she could look at her son without regrets in her heart. She wish she could bring back the life she had taken away from him.
"Daddy, i-frame po natin 'tong drawing ko po sa house ah."
"Oo naman, anak. Idagdag natin 'yan."
"DADDY MARUNONG PO kayo mag-guitar?" Nakangiting tanong ni Art. Yakap-yakap ni Sanna ang anak – more like pinipigilan na niyang maglikot. "You sing din po ba like Tito Si and Tito Jude?"
"Singer ang Daddy mo, anak," sagot niya.
"Pati ang Mommy mo," nakangiting dagdag ni Thad habang inaayos ang tuno ng gitara na hawak. "Noong college kami, Art. Kami ng Mommy mo... pati ang Tito Si at Tito Jude mo, lagi kaming kumakanta."
"Totoo 'yon, anak. May banda kami noon."
Pinugpog ni Sanna ng halik ang leeg ni Art. Hagikhik naman nang hagikhik ang anak nila.
Lumabas silang tatlo mula sa kwarto nila para magpahangin. Uphill ang puwesto ng resort at nasa ibaba ang dagat. May bahagi ng resort na may picnic table. May mga lamp post naman at mahangin din dahil sa mga puno. Dinig nila ang bawat hampas ng alon sa dagat dahil natatanaw lang nila 'yon sa puwesto nila.
"Pero ang Tito Jude mo lang ang sumikat," nakatawang dagdag ni Thad.
"Siguro po hindi po maganda ang boses n'yo po talaga," sagot ni Art.
Napamaang silang dalawa ni Thad.
"The audacity," birong react ni Thad kay Art. Tawa naman nang tawa si Sanna. "Sino may turo sa'yo niyan?" Inayos ni Thad ang pagkakahawak ng gitara at ngumiti. "May theme song kami ng Mommy mo."
"Naalala mo pa?" nakangiting tanong niya.
"I don't forget things about you."
"Mukha mo."
Natawa lang si Thad saka inabot ang ulo ni Art para guluhin 'yon. "Anak, makinig ka."
Ngumiti ulit si Thad sa kanya bago itinuon ang atensyon sa gitara nito. Mayamaya pa ay pumailanlang na sa paligid ang pamilyar na tuno ng musika na matagal na niyang hindi napapakinggan.
"Looks like we made it," kanta ni Thad. "Look how far we've come, my baby. We might a took the long way. We knew we'd get there someday."
Nakangiting niyakap pa niya nang husto ang anak. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"They said, I bet they'll never make it," pagpapatuloy ni Thad. Paminsan-minsan ay inaangat nito ang tingin sa kanila. "But just look at us holding on. We're still together, still going strong..."
Pasimple niyang pinupunasan ang mga luha. Ano ba, 'yan? Hindi rin nakikisama ang hangin. Napupuwing siya kaya lalo siyang naiiyak.
"You're still the one I run to." Tumitig sa kanya si Thad at ngumiti, trying his very best not to cry in front of their son. "The one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one that I love. The only one I dream of... You're still the one I kiss goodnight..."
NAKATULOG NA SA kandungan ni Sanna si Art. Nakasandal naman ang ulo niya sa dibdib ni Thad habang nakaakbay ang isang braso sa kanya. Sanna tenderly brushed her hand on Art's hair while murmuring a little prayer in her heart that wishes that they could stay like this forever or puwede bang tumigil muna ang oras para sa kanilang tatlo.
"I looked for you," basag ni Thad mayamaya. She choose to listen. "I did look for you. It took me a while dahil matagal akong nanatili sa ospital. My father didn't inform Simon and Jude about what happened to me. Hindi ko nga rin alam na namatay si Lola Simona noong araw din na 'yon. Milagro nga raw na nabuhay pa ako."
Thad paused before he continued.
"Kaya galit na galit sa'kin si Simon nang magpakita ako pagkatapos nang mahigit isang buwan. Wala akong cellphone no'n. Hindi ako pinapahiram ng Papa ko. Kahit na noong mauwi ako sa bahay sa Carcar ay bantay sarado niya ako. Wala rin akong balita kay Jude. I assumed na hindi rin ibinalita ni Tito Judiel kay Jude ang nangyari sa'kin. Ilang beses kong binalak na tumakas... after many failed attempts ay nakatakas din ako."
Hindi niya alam kung bakit nakikita niya lahat sa isip niya ang paghihirap ni Thad na makatakas sa ama nito. Para bang nakatingin lang siya rito noong mga panahon na 'yon. She saw the blood on his shirt. Hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat nito nang mga panahon na 'yon.
"Umuwi ako... bumalik ako sa bahay. Hinanap kita. Katok ako nang katok pero walang sumasagot. I stayed outside the door hanggang sa nag-umaga. Akala ko kasi umalis ka lang. Akala ko uuwi ka lang kaya naghintay ako. Hindi ako umalis."
"Thad?"
"Pero hindi ko alam... na wala ka na pala noong mga araw na umaasa pa akong uuwi ka."
She blinked at agad na sumama ang kanyang mga luha. "I'm sorry," she painfully murmured. "I'm sorry for making you wait for me all these years." Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. Gusto niya ulit iiyak lahat.
Naramdaman ni Sanna ang paghalik ni Thad sa kanyang ulo. "Kaya ko pang maghintay nang matagal para sa inyong dalawa ni Art."
"Thad –"
Niyakap siya nito nang tuluyan. Hindi na tuloy niya makita ang mukha ni Thad.
"Hayaan mo akong mahalin kayong dalawa hanggang sa huling paghinga ko."
Doon na siya napahikbi. Hindi niya gustong maging malungkot si Thad habang buhay. She wanted him to find his own happiness...like Jude.
"Thad, please..." Pigil na pigil niya ang iyak at baka magising pa si Art.
"Sanna, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buhay na 'to," iyak nito. "Kayo lang ang pamilyang bubuoin ko. Kaya sana... hayaan mo na akong mahalin kayo habang buhay."
APRIL 5, 2011
HiNAYAAN NI THAD na suntukin siya ni Simon sa mukha. Bumagsak siya sa sementadong daan. Nalasan niya ang dugo sa bibig sa lakas ng pagkakasuntok nito.
"Si, tama na!" awat ni Jude.
Hindi alam ni Thad kung paano nakuwi si Jude pero nawalan na siya ng kakayahang mag-isip at hanapan ng sagot ang mga tanong niya.
Hindi pa rin umuuwi si Sanna. Hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag at mensahe niya rito. Hindi na niya alam ang gagawin kapag hindi na bumalik si Sanna.
"Tangina, Thad!" mura ni Simon. "Pagkatapos mong saktan si Sanna. Pagkatapos mong hindi magparamdam sa'min ng halos isang buwan babalik ka rito para hanapin si Sanna? Tangina mo!"
Pinunasan ni Thad ang mga luha sa mga mata. Hindi niya iniinda ang sakit ng suntok ni Simon o ang sugat niya sa tiyan. Bumabaon ang sakit sa puso niya hanggang sa kaluluwa niya. Hindi niya alam kung paano mababawasan ang sakit na 'yon. He hated himself. He hated everything in his life right now.
"Nangako ka sa'kin, Thad," galit na iyak ni Simon. "Tang'na, nangako kang mamahalin at poprotektahan mo ang kapatid ko."
Doon na napahikbi si Thad.
He failed.
He failed Sanna.
"Tumigil na nga kayo." Pumagitna na si Jude sa dalawa. "Hindi natin mahahanap si Sanna kung mag-aaway tayo rito."
"Sabihin mo sa gagong pinsan mo 'yan!" Dinuro ni Simon si Thad. "Kasalanan niya ang lahat ng 'to. Walang ibang ginawa si Sanna kundi ang unawain at mahalin ka, Thad. Pero anong ginawa mo? Pinili mo 'yong walangyang ama mo na wala namang pakialam sa'yo."
"Simon!" sita ni Jude kay Simon.
"Bakit? Hindi ba totoo?"
"Simon, hindi mo alam ang totoong nangyari –"
Simon scoffed. "Alam mo, Jude. Kung kaya mong tumakas para makauwi ngayon. Sana nagawa mo rin 'yon noong araw na 'yon." Mapait itong ngumiti. "Kasi kung hindi lang namatay ang Lola ko. Nandoon ako." Simon broke down this time. "Kaso hindi ko puwedeng iwan ang Lola ko... pero nandito pa kayo. Sana... sana..."
"Si..."
"Tangina talaga!"
Tinalikuran ni Simon sina Jude at Thad at dirediretsong naglakad palayo.
"Bahala na kayo sa buhay n'yo!"
DAY 33
2020 PRESENT
"ART!" HABOL NI Sanna kay Art.
Aliw na aliw itong nakikipaglaro sa alon na humahampas sa dalampasigan. It was almost sunset. Unti-unti nang kumakalat ang kulay kahel na kalangitan. Nakasunod lang si Thad sa kanilang dalawa. Hindi naman niya mahabol si Art.
Hay nako! Masyadong talagang hyper ang bata na 'to.
"Sanna," tawag sa kanya ni Thad mula sa likod.
"Hmm?" Napahawak siya sa mahaba niyang buhok nang lingunin niya si Thad dahil nililipad ng hangin ang buhok niya.
Nakangiting lumapit ito sa kanya.
Natawa siya dahil halatang nagpapa-cute pa ang loko sa kanya. "Oh, ba't nagpapa-cute ka riyan?"
Bumaba ang tingin nito sa isa niyang kamay. He reached for it, pati na rin ang kamay na nakahawak sa kanyang buhok. He held it gently, placing her hands on top of his hands.
Dahan-dahang umangat ang tingin nito sa kanya, Thad smile remained on his face.
"Hon, naalala mo 'yong promise ring?" tanong nito. Siyempre tumango siya. Hindi niya suot 'yon. Hindi niya alam kung na saan na 'yon. Pero hinding-hindi niya makakalimutan 'yon. "Sabi mo noon, sobrang napapasaya kita... at mahal na mahal mo ako." Tumango ulit si Sanna. "Kaso, parang ayaw mo pang tanggapin kasi mahal."
Natawa si Sanna kahit na naiiyak na naman siya. "Ang mahal kasi no'n. Tapos wala pa tayong pera noon."
"Sabi mo minsan lang, ha?"
"Oo, kasi ikaw lang sapat na."
"Pero, Hon, kaya ko na. Kaya ko nang ibigay sa'yo lahat." Ngumiti si Thad sakabila ng mga luhang kumawala na sa mga mata nito. "Mayaman na ang architect mo." He smiled.
Natawa siya pero hindi na rin niya napigilan ang mga luha. "Oo nga eh. Ang dami mo nang pera."
She paused and let herself admire his face. So much has changed over the years, but he was still the same Thaddeus Bernardo Apostol – her Architect Thad. Life may not be kind to her in the last minutes of her life, but looking back. Her life wasn't bad at all. Thad genuinely loved her. Simon and Jude did not forget her. Her mother realized she loved her. Her future could have been different if only she had realized it sooner.
Ngumiti siya. "Pero kahit na mayaman na ang architect ko. Magiging sapat ka pa rin sa'kin."
Humugot ito nang malalim na hininga at bumuga ng hangin saka ngumiti. She sensed that he's a bit anxious.
"Thad?"
Pilit itong ngumiti. "I'm fine."
"Sure ka?"
He nodded. Thad adjusted his smile. Napangiti siya dahil nakitaan na niya 'yon ng saya at buhay. Dinala nito ang mga kamay niya sa labi nito at marahang hinalikan ang likod ng kanyang mga kamay.
"Susanna Evangeline Rama –"
Napasinghap sa gulat si Sanna nang biglang iniluhod ni Thad ang isang tuhod sa buhanginan. Hindi alintana na mabasa ito ng tubig.
"T-Thad?"
Lumapit naman si Art sa kanilang dalawa at tumabi sa kanya. Iniyakap nito ang mga braso sa baywang niya.
Thad smiled at his son saka inilahad ang isang kamay sa anak nila, hawak pa rin nito ang isang kamay niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sanna sa mag-ama.
Nakangiting inilabas ni Art sa bulsa ng shorts nito ang isang singsing. It wasn't the same ring that Thad had given to her 9 years ago, but it was still her favorite flower – a ring of daisies. The petals were silver but the circle of the daisy is a hue of sunset diamonds. It was simpler, but she loved it so much.
Inabot ni Art ang singsing sa Daddy nito.
"Thanks, Art."
Ngumiti lang at humagikhik si Art. "Welcome, Daddy!"
Natawa siya sakabila ng mga luha niya. Malapit na yata siya mabaliw. Iyak-tawa-iyak-tawa na naman. Paulit-ulit na.
Muling ibinalik ni Thad ang atensyon sa kanya. "Susanna Evangeline Rama, I have chosen you, and will always choose you for the rest of my life." Hindi na mapigilan ni Sanna ang mga luha niya. "Will you marry me?"
Sunod na sunod tumango siya at niyakap si Thad. "Yes! Yes, Thad!" She didn't mind the water that drenched her dress nang lumuhod siya. Art did the same and hugged them both.
"Mommy! Daddy!" iyak ni Art.
"Shsh," alo ni Thad sa anak nila. Hinalikan nito sa sintido si Art. "Don't cry. Magiging best man ka na."
"I love you po, Mommy, Daddy!"
Isinuot naman ni Thad sa palasingsingan niya ang singsing at niyakap pa sila nang mahigpit na mag-ina.
"We'll be a family now," Thad murmured.
Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanila para mahawakan ang magkabilang mukha nito.
"We are always a family," she corrected him with a smile. "We have always been each other's family."
Thad kissed her which she willingly responded with a smile not until they heard Art complained. Napilitan silang maglayo. Natawa silang dalawa ni Thad nang makitang nagtatakip ng mga mata si Art.
"Daddy, Mommy, bad po 'yan."
Tuluyan nang napasalampak si Thad sa buhanginan at hinayaan nang mabasa nang tubig – punong – puno ng buhay ang tawa. Basang-basa na rin naman siya dahil malakas talaga ang hampas ng tubig sa dalampasigan.
"Ang Daddy mo kasi eh!"
"Anong ako?"
"Aba'y nanghahalik ka na lang bigla."
Hindi naman niya mapigilan ang ngiti at tawa. Niyakap na lamang niya si Art habang nakatingin sa masayang mukha ni Thad. She wished to see that genuine happiness in his face always. It suited him. Mas lalo itong gumaguwapo.
"Come here you two." Thad crawled toward their direction saka inalis ang mga kamay ni Art na nakatakip pa rin sa mga mata nito. "Let's go swimming." Tumayo ito na karga-karga si Art.
"Hindi ako marunong lumangoy!" reklamo niya.
Ibinaba ni Thad ang tingin sa kanya. Napatingin naman siya sa nakalahad na kamay nito sa kanya. Naalala niya ang unang beses na nahawakan niya ang kamay na 'yon.
"C-Can I really hold it?"
Ngumiti si Thad at tumango.
"You can hold my hand whenever you want to, Sanna."
"Even forever?"
"F-Forever?" bahagya itong natawa. "Sige, forever na rin. 'Yon ay kung hindi ka magsawa sa mukha ko."
Natawa siya.
"Oh, anong nakakatawa?" may pagtatakang tanong ni Thad.
"Can I really hold it?"
Ngumiti si Thad at tumango. "You can hold my hand whenever you want to, Sanna."
Lalong napangiti si Sanna. "Even forever?"
"Forever." Hinawakan niya na ang kamay nito at tinulungan ang sarili na makatayo. Nakangiti pa rin si Thad habang nakatingin sa kanya. "'Yon ay kung hindi ka magsasawa sa mukha ko," dagdag pa nito.
He leaned to kiss her temple.
"I love you," he whispered.
"I love you, too."
"I love you, threeeeee!"
DAY 34
JUDE WAS ABLE to sneak inside Iesus' mansion. Sinadya niyang pumunta roon ng lagpas alas dose ng hating gabi. He couldn't just stand there and not do anything. He needed answers for Thad. Sakto nalaman niya kay Mari na kina Chi matutulog si Amora dahil wala raw si Iesus ngayon. Madali lang naman makapasok sa bahay ni Iesus. He'd done this before. Sa likod siya dumadaan dahil madali lang buksan ang pinto roon. He asked Juan to steal the keys from Sep. Well, Juan asked Sanpe to steal the keys from Sep. Alam niyang may spare keys si Sep at madali naman ding i-distract 'yong si Kapitan.
Madilim ang buong bahay, maingat na maingat siyang naglalakad hanggang sa makarating siya sa library. Madilim pa rin ang loob ng library nang makapasok siya. Dumiretso siya sa book shelf kung saan nakalagay ang nag-iisang red velvet na libro roon. He took it out and the shelf slid open to his right. Isa-isang nagbukas ang ilaw sa daanan pababa sa museum.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at bumaba na siya. Bumungad sa kanya ang iba't ibang antigong bagay sa museum ni Iesus. Bahagyang sumakit ang ulo ni Jude.
"Shit," he cursed.
Wala namang nagbago sa museum. Ganoon pa rin naman ang ayos gaya nang natatandaan niya. Nagsimula na siyang maghanap mula sa mga gamit doon. The room was in full airconditioned kaya hindi mainit. May ilaw naman kahit papaano mula sa mga glass cases and cabinets. He had to make sure na maayos ang paghahanap niya. He's sure that Iesus will notice the change.
"Sorry, Sus, hindi sa wala akong tiwala pero kailangan ko lang talaga 'tong gawin."
Hindi siya puwedeng maghalughog kaya inuna niya ang mini office display malapit sa hagdanan. Nandoon lahat ang gamit paglalakbay noong unang panahon. From old maps, telescope, journals, scrolls, and mini treasure boxes. Umikot siya sa mesa para mabuksan ang mga drawers. Wala siyang nakita maliban sa mga lumang envelopes, stamps, at mga gamit pansulat.
Pinakialaman niya ang ang mga scroll sa gilid ng mesa mula sa lalagyanan no'n. He had to be careful. Jude reminded himself. Those scrolls are more than a hundred years old. Sana ay hindi niya masira. He needed a lucky pick. Hindi siya paladasal na tao, but at that moment Jude prayed hard na sana may makuha siyang impormasyong ngayong gabi. He promised that he'll go to church every Sunday if he'd be lucky.
Bumuga siya ng hangin. Pinili niya ang nasa gitna na scroll. Hindi na niya binilang kung ilan nandoon. Itinabi niya muna ang ilang gamit sa mesa para mailapag doon ang scroll saka dahan-dahan na inirolyo pabukas.
Napakurap si Jude sa bumungad sa kanya.
"Faro de Amoré," basag niya sa nakasulat mula sa lumang architectural layout ng parola. "Date. Date." Hinanap niya ang petsa kung kailan 'yon ginawa. He saw it pero mas naagaw ng atensyon niya ang pangalan ng gumawa ng architectural layout ng parola. "Thaddeus -"
"What are you doing here, Jude?"
Nagitla si Jude nang marining ang boses ni Iesus mula sa kanyang likuran.
Oh shit!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro