Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43

DAY 30

PAGPASOK NI THAD sa opisina niya sa ibaba ng bahay ay naghihintay na sa kanya sina Jude at Simon. Nakaupo ang dalawa sa mahabang sofa niya roon. He closed the door behind him saka nilapitan ang dalawa.

"Thad," tawag sa kanya ni Jude, pansin niya ang pag-aalala sa mukha nito. Simon on the other hand remained quiet on his seat. "How's Sanna and Art?" tanong ni Jude.

Naupo si Thad sa pang-isahang sofa, sa kanan ni Simon. "They're fine. Pinapaliguan ni Sanna si Art sa banyo."

Tumango si Jude.

"Is she really dead?" basag ni Simon. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

Pati si Jude ay napatingin kay Simon. "Si –"

There was a long pause before he answered.

"Yes," sagot niya na may tango.

Marahas na naibaling ni Jude ang tingin sa kanya. "Thad –"

Iniwas naman ni Simon ang tingin sa kanya at pasimpleng pinunasan ang mga luha nito sa mga mata.

"W-What about Art?" tanong ni Jude.

"She didn't know that she was pregnant."

Napabuga ng hangin si Jude. Iniwas din ang tingin sa kanya at marahas na pinunasan ang mga luha na hindi na rin nito napigilan.

"It's all my fault."

"It's not just your fault," kalmadong sabi ni Simon. "We broke our promises to her that day."

"Pero mas malaki pa rin ang kasalanan ko."

"Hindi ka ba naghinala na buntis si Sanna noon?" tanong ni Jude.

Umiling siya. "Hindi ko naisip dahil maingat naman kami. Nawala na rin talaga sa isip ko no'n dahil mas inuna ko ang sarili ko."

Mariin niyang nahilot ang sintido, ramdam na naman niya ang panakanakang kirot. Kahit na katabi niya ang mag-ina niya ay hindi pa rin siya makatulog nang maayos. Natatakot siyang magising na wala na naman sina Sanna at Art sa tabi niya.

"We can't blame her," ni Simon. "Life was never kind to her."

Pareho silang natahimik na tatlo.

Hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin ni Thad na intindihin ang lahat. Sa isip niya, kinukumbinse niya ang sarili na tanggapin ang pagkawala ni Sanna. But he couldn't convince himself to accept it. Pakiramdam niya ay para siyang kapiraso ng kahoy na inaanod ng alon. Hindi niya kayang umahon at wala siyang balak magpakita sa mga taong puwedeng sumagip sa kanya.

"Ilang araw na lang ang mayroon sa kanila?" basag ni Jude.

"19 days for Sanna," sagot ni Simon."20 days for Art. I've been counting."

Ramdam na naman ni Thad ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. He only have at least 20 days with Sanna and Art. Hindi pa nga nauubos ang oras ay iniisip na niya ang buhay niya kapag nawala na nang tuluyan ang mag-ina niya.

He knew it would be hell.



INALIS NI THAD ang salamin sa mata at minasahe ang mga mata. He had been thinking. Hindi puwedeng wala siyang gawin para sa mag-ina niya. Hindi puwedeng walang dahilan ang parola para ibalik sa kanya sina Art at Sanna. There should be a way. There should be a solution.

Hindi sinasadyang natabig niya ang notebook niya sa mesa. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa nahulog na notebook sa sahig. Nakabuklat na ang notebook sa isang pahina pero mas nakaagaw ng atensyon niya ang lumang larawan nilang apat noong 18th birthday ni Sanna. Pinulot niya ang larawan at tinigan nang mabuti.

Bigla siyang may naalala.

"Thad..."

"Hmm?"

"May napansin ka bang relo sa kamay ko noong unang araw ko rito?"

"Relo?"

Tumango si Sanna. Muli nitong iniangat ang tingin sa kanya. "May suot ba akong relo lagi noon?" Napa-isip siya. "Kagaya nito." Sinundan niya ng tingin ang itinurong relo ni Sanna sa larawan.

"I remember you used to wear one pero 'di mo madalas suotin," sagot niya. "May mga araw lang na nakikita kong suot mo 'yan."

"Talaga? Hindi araw-araw?"

He nodded. "I'm sure. Bakit?"

"Ang weird lang kasi. Suot ko siya on the same day na nag-time-travel ako rito. Dapat suot ko pa rin siya noong unang araw ko rito."

Kumunot ang noo ni Thad at tinignan nang mabuti ang kaliwang kamay ni Sanna sa picture. She was really wearing a watch.

Tumayo siya at mabilis na lumabas sa opisina niya. Mabilis naman niyang nahanap si Sanna sa kusina - nagluluto. Art is with Simon, bumubuo ng house miniature sa sala.

Lumapit siya. "Sanna."

Halatang may pagtataka sa mukha nito nang makita siya. "Bakit?"

Sakabila ng ngiti sa mukha nito ay hindi niya maiwasang masaktan sa nakikita niyang lungkot sa mga mata nito. Nanlalalim ang ilalim ng mga mata at bahagyang namamaga dahil sa pag-iyak. Tinatago lang nito ang kalungkutan sa pagngiti.

"This watch." Ipinakita niya ang larawan at itinuro ang relo nitong suot. "Ang sabi mo sa'kin suot mo 'to noong sinundan mo ako rito."

"Hmm." Bahagya itong napaisip bago siya sagutin. "Naalala kong suot ko 'yan. Hindi puwedeng wala kasi nakalimutan ko nang hubarin ang relo na 'yan noong araw na 'yon."

Mas lalo lang lumakas ang kutob ni Thad tungkol sa misteryosong relo. Nakapagtataka na pagtawid ni Sanna sa timeline niya ay nawala rin ang relo.

"Do you still remember the design? Puwede mo bang i-drawing?"

Tumango si Sanna. "Oo, mahirap din makalimutan 'yon dahil kakaiba talaga ang design. Ang sabi sa'kin ni Nicholas noon ay old pocket watch daw talaga 'yon pero ginawa lang relo."

"Pocket watch?"

"Oo."

"Naalala mo kung saan mo huling nakita ang relo?"

Mapait na ngumiti si Sanna. "Wala na sa'kin ang relo. Ibinalik ko kay Nicholas."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Importante raw 'yon sa pinsan niya."

"Nakilala mo ang pinsan niya?"

Umiling ito. "Hindi. Hindi ko nga alam anong pangalan niya."




"GIVE ME THE keys."

Thad tossed his car keys to Simon. Papunta sila ngayon sa bahay ng mga magulang ni Iesus sa Banawa. May sasabihin daw si Balti, possible item na involved sa nangyayari sa kanya ngayon. Good timing dahil may gusto rin siyang sabihin sa mga ito. Hindi pa niya nababanggit ang tungkol sa na diskubre niya. He will open it up later. Si Simon na ang magmamaneho tutal mas maalam ito sa direksyon ng daan kumpara sa kanya.

"Balitaan n'yo na lang ako," pahabol ni Jude.

"Ikaw na muna bahala rito," aniya. "Bantayan mo ang mag-ina ko."

"No worries. Dating guwardiya sibil ang asawa ko noong nakaraang buhay," biro pa ni Jude.

Natawa siya. "Gago."

Jude chuckled. "Umalis na kayo."

"Salamat." Tinapik niya sa balikat si Jude bago pumasok sa sasakyan. Agad na pinaandar ni Simon ang sasakyan kahit hindi pa siya nakakapag-seatbelt. "Papunta na ba si Ser?"

"May klase pa siya." Inabot nito sa kanya ang cellphone nito nang hindi siya tinitignan. "Tignan mo ang sketch photo ng missing item na sinend niya sa'kin."

Natigilan si Thad sa drawing ng pocket watch. Para siyang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Kamukhang-kamukha no'n ang drawing ni Sanna sa relo na bigay ni Nicholas. A watch with an intricate design of moon, sun, and mechanic parts inside the numbers of time.

Bigla siyang kinilabutan.

"Is this a cursed item?"

"Hindi pa sigurado pero malakas daw 'yan."

Ramdam ni Thad ang pananaas ng mga balahibo niya. He knew about Iesus' secret group. He had been aware of it for quite a long time now - simula kay Tor. Naulit kay Jude at nangyari rin kay Balti. Simon had explained to him the mysteries that revolves around Faro de Amoré and Iesus. Hindi siya makapaniwala noong una. Lumaki siya sa mga kwentong kababalaghan ng mga nakakatanda. Naniniwala naman siya roon but he never had any first hand experience - maliban na lamang noong nagpakita ang isang missing item kay Tor. Sunod-sunod pa at ngayon ay mukhang sa kanya huminto ang guhit ng roleta.

Naputol ang pag-iisip niya nang huminto ang sasakyan. Bumukas ang makabilang pinto sa backseat at pumasok sina Hayme at Juan.

"Iesus told me to bring them," sagot ni Simon sa tanong na bubuoin pa lamang niya sa isipan niya.

"Makiki-hitch," dagdag ni Juan.

Natawa si Simon. "Sasama si Vier?"

"He's also on his way."




NANG MAKARATING SILA sa mansion ng mga de Dios ay nasa library pa si Iesus kasama ang ama nito. Si Tita Cloudia, ang ina ni Iesus ang sumalubong sa kanila. Pinaghintay muna sila ng ginang sa patio sa likod bahay - malapit sa swimming pool. May inutusan itong isang katulong na maghanda ng snacks para sa kanilang apat. Hinihintay pa rin nila si Vier.

Iniwan niya ang tatlo para maghanap ng banyo. Pumasok siya ulit sa bahay. Hindi ito ang unang beses na nakapunta siya rito. Hindi kagaya ng mansion ni Iesus sa Faro ay mas maaliwalas at mas malaki ang bahay ng mga magulang nito - a fusion of modern and Victorian design. Mas magaan lang ang aura ng bahay kaysa sa bahay ni Iesus.

Dinala siya ng mga paa niya sa isang pasilyo kung saan may napansin siyang nakabukas na pinto. Napalingon siya sa kanyang likuran. Walang tao. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nasa harapan na siya ng pinto. Nang silipin niya ang loob ay walang tao pero madaming mga paintings na nakasabit sa pader.

Thad stepped in without second thoughts. A curious feeling aroused na hindi niya puwedeng ignorahin lang. The room was well lit at tila isang mini painting museum. But one painting caught his attention - isa sa mga paintings na malalaki sa kanyang harapan. It was a landscape painting of Faro de Amore.

Titig na titig siya painting na 'yon. Pamilyar na pamilyar siya sa istilo ng pagkakapinta. Parang nakita na niya ang painting na 'yon. Lumapit siya at tinignan ang pangalan ng artist.

Evangeline

Thad felt his heart stop for a split moment. Halos hindi siya makapaniwala. He knew this painting. He was there when Sanna painted it. Sanna's artist name is Evangeline. Napalunok siya.

"You're here."

Gulat na naibaling ni Thad ang tingin sa nagsalita - it was Tita Cloudia. Lumapad ang ngiti ng ginang at lumapit sa kanya. Tumayo ito sa tabi niya at tinignan na may adorasyon ang painting ng buong Faro de Amoré sa harapan nila.

"Alam mo bang 'yan ang pinaka-favorite kong painting sa lahat, hijo," nakangiting kuwento ni Tita Cloudia.

Magaan ang loob niya kay Tita Cloudia dahil parang anak ang turing nito sa kanila. Malambing itong ina sa anak nitong si Iesus at hindi rin sila nakakalimutang padalhan ng mga pagkain sa Faro. Malaki ang hawig ni Iesus sa ina nito lalo na kung tumatawa at hindi nakabusangot. Mas kamukha ni Iesus si Tito Josef kapag seryoso ito at naniningkit na ang mga mata.

Tita Cloudia possesses an etherial beauty – the kind that never fades in time. Parang hindi ito tumatanda kahit na nasa early 60s na ito.

"Regalo 'yan sa'kin ni Vier." Bumaling ito sa kanya. "If my memory serves me right. Nicholas, Vier's cousin. Ang kaibigan niya ang nagpinta niyan."

Nicholas?

Natigilan si Thad.

Is it the same Nicholas who gave the vintage watch to Sanna? Si Nicholas ba ang tinutukoy ni Sanna na kaibigang nag-re-refer sa kanya?

There is a possibility that she will hide it from him dahil alam nitong magseselos siya.

"Tita," he paused before speaking again, "ang tinutukoy n'yo bang Nicholas ay nag-aral noon sa CIT?"

Namilog ang mga mata ng ginang. "Oh! Do you know Nico? Yes, he studied in CIT during his college days."




"THE MISSING ITEM is the pocket watch," anunsyo ni Simon.

Lumagpas lang 'yon sa tainga ni Thad. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang pinag-usapan nila kanina ni Tita Cloudia. Hindi niya maiwasang pagkonektahin ang mga nalaman niya ngayong araw.

Kung ibinalik ni Sanna ang relo kay Nicholas dahil kailangan ito ng pinsan ni Nicholas. Then, it's either Vier or Iesus. He doubted if it's in Vier's safe keeping dahil malinaw sa kanya na si Iesus ang may kailangan no'n at hindi si Vier. But does the watch has something to do with Sanna and Art's time travelling? And there's no way that Iesus and Vier wouldn't recognize the watch.

Itinuon ni Thad ang tingin sa magpinsan. One of them should speak up.

"Paano tayo nakakasigurado na 'yon na talaga?" tanong ni Juan.

"Sabi ni Ser, sa lahat ng nasa black book. Ang bagay lang na 'yan ang kayang magmanipula ng oras," sagot ni Simon.

"Which manifested in Thad's case?" James asked.

Iesus and Vier was unsually quiet on their seats. Kung wala sa dalawa ang relo. Dalawa lang naiisip niyang dahilan. Una, hindi naibigay ni Nicholas ang relo. Pangalawa, Iesus and Vier are hiding something from them.

"Ser is calling," Juan interrupted, raising his phone.

Juan proceeded in connecting his phone to the screen monitor inside the library. Balti's face is shown on the screen.

"Ser," bati ni Simon kay Balti.

Kahit si Balti na laging nagbibiro ay seryoso sa pagkakataon na 'to. "I'll discuss this as brief as possible," simula nito. "Wala akong nakuhang malinaw na history tungkol sa pocket watch. It could be a cursed item or not, but one thing I'm sure of... hindi basta-basta ang item na hinahanap natin."

Walang nagsalita sa kanilang anim.

"Go on," basag ni Iesus.

"This is one of the most powerful missing items on our list - El Reloj Roto - The Broken Watch. Technically, this watch is broken. Hindi na gumagalaw ang kamay ng orasan niya. The sun and moon symbolize day and night. The mechanic parts symbolize life."

"It makes sense," Simon interrupted in a thoughtful manner. "Mechanic parts are needed in bringing life to inventions."

"Lebbaeus, the owner of the pocket watch. He is the only one who can create a time loop and time portals that could make others time travel through different timelines," Balti continued.

"And Thad could be Lebbaeus," dagdag ni Simon.

Natuon sa kanya ang tingin ng lahat.

"Even if Thad is indeed Lebbaeus we still don't have the watch," James interrupted, brows creased. "And even if we found it. We couldn't just change what happened in the past just because we want to."

"I agree with James," segunda ni Vier. "It would be too risky. We don't even know the entirety of power it holds."

"Wala tayong gagawin?" hindi makapaniwalang tanong ni Simon kay Vier. "Hahayaan na lang natin na matapos ang araw nila Sanna at Art? What if it's not a cursed item –"

"Simon," Iesus interrupted.

"Seryoso ba kayo?!" Marahas na bumuga ng hangin si Simon. "We did something for Tor, for Jude, and for Balti, but we couldn't do anything for Thad? Ano? Hahanapin lang natin ang litseng relo na 'yan at mag-move on?"

"Si," nagsalita na rin si Balti. "Hindi sa wala tayong gagawin. We will still look for it. But we can't exhaust its power if we ever found it dahil hindi natin alam ang kapalit no'n."

"We can't make drastic actions, Simon," seryosong dagdag ni Vier. "Remember what happened to Balti. We almost lost him. As much as we want to help Sanna and Art we can't risk anyone's life here with only a piece of information we have not yet verified."

"Two time portals were opened," dagdag ni Balti. "Sanna came from Thad's past and Art came from the future that maybe parallel to our current timeline. Hindi pa natin sigurado kung ang relo nga ang may kagagawan no'n."

"Or the lighthouse," singit ni Vier.

"If it's the watch, then the item should be within the premise of the lighthouse," Juan guessed. "Sabi mo nga ay isang tao lang nakaka-control ng relo and it could be Thad."

"It's a possibility, Juan," sagot ni Vier. "However, hindi lang naman ang mga missing items ang concern natin dito. Nanggaling sa lighthouse sina Sanna at Art."

"But Thad was there when it happened," Simon reminded them. "Maybe it was his longing and regrets that created the time portals."

"But when Art came, it was only Sanna, Simon," kontra ni Vier. He didn't like how Vier emphasized Simon's name. Hindi pa siya naiirita kay Vier. Ngayon pa lang.

Thad's eyes diverted to James. Hindi ito nagsasalita pero mukhang may malalim itong iniisip. Masyadong mahiwaga sa kanya si James. He will never guessed what he's thinking at the moment.

"And be mindful na wala sa atin ang relo. If Thad unconsciously created the time portal on his own he could have done it a long time ago," Vier reiterated.

Hinintay niyang magsalita si Iesus, but he didn't say a word. He expected him to share something about the watch and his connection to Nicholas. Iesus or Vier have seen the watch before - either of the two demanded Nicholas to retrieve it back.

"I agree with Vier and Balti," sa wakas ay salita ni Iesus.

"Pero Sus –" kontra ni Simon.

Natigilan ang lahat sa pagtayo niya. He have heard enough. It's clear to him that Iesus didn't want to meddle with his problem. What's the use of telling them what he knew? Iesus' only goal is to retrieved his godforsaken items at mukhang nakuha naman na nito 'yon matagal na.

Walang salitang lumabas sa bibig niya na tinalikuran niya ang mga kaibigan niya at naglakad sa direksyon ng pinto.

"Thad!" tawag sa kanya ni Simon pero hindi na siya lumingon pa. Lumabas siya nang tuluyan sa library.

This is the very first time that he had been so disappointed with his friends.




NAPANSIN NI SANNA na may kakaiba kay Thad nang mauwi. Hindi rin nito kasama si Simon. He was unusually quiet kahit na madalas naman na ganoon ito. He's not saying anything pero pansin niya ang disappointment sa mga mata nito. Kahit si Jude ay napansin din 'yon pero hindi naman nila makausap nang maayos si Thad. Nang makauwi kanina ay nagkulong lang ito sa opisina nito.

Jude called Simon at nalaman nga niya na hindi naging maganda ang pag-uusap ni Thad sa mga kaibigan nito. Alam niyang tungkol sa kanya ang meeting nito kanina nila Iesus. She's well aware of the history of Faro de Amoré ever since the first missing item showed up. Na-i-kwento na 'yon sa kanya ni Aurea. Kahit ang pagiging misteryoso ni Iesus ay alam niya. Even her and Art's existence is a rare phenomenon that she thought only happens in novels and movies.

She time traveled from the past, and Art probably time traveled from the future that could have been his if not for her selfish actions. Minsan iniisip niya na ito ang parusa ng langit sa kanya. She even dragged Art into her own misery.

Nabalik ang atensyon niya muli kay Thad. Nakatayo pa rin ito sa harap ng closet pero tapos na itong magpalit ng T-shirt. Mukhang may malalim na naman itong iniisip.

Maingat siyang tumayo sa pagkakaupo mula sa gilid ng kama dahil tulog na si Art. Lumapit siya kay Thad at niyakap ito mula sa likod.

"I've heard from Kuya Si what happened earlier." Hinigpitan niya ang yakap niya rito. "Alam kong disappointed ka."

"I can't help it."

"Hindi naman siguro dahil ayaw ka nilang tulungan kaya nila nasabi 'yon. Iniisip lang nila ang kaligtasan mo. Kung ako ang tatanungin mo. Hindi rin ako papayag na mapahamak ka dahil sa'min ng anak mo."

Umikot si Thad nang hindi kinakalas ang pagkakayakap niya rito. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito kaya inabot niya ang mukha nito. She stretched his face para mapilit itong ngumiti. Natawa siya nang magmukha itong isda - guwapong isda.

"Sanna," he sighed.

"Thad, alam ko na mahirap na tanggapin." Pinakawalan na niya ang mukha nito. "Pero ayaw kong ubusin natin ang oras namin ni Art na ganito tayo. Alam ko na gusto mo kaming manatili rito. Gusto ko rin naman at alam ko na gusto rin ni Art. Pero kung... hindi talaga puwede... huwag na nating ipilit."

Kumurap ito at sumama ang mga luhang sa tingin niya ay kanina pa pinipigilan ni Thad. Inabot niyang muli ang mukha ni Thad. She tiptoped para mahalikan ito sa mga labi. She let her lips lingered on his lips.

Masakit din sa kanya pero ayaw niyang maubos ang oras nilang tatlo kakaiyak. Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Maaring hindi na rin niya makita si Art. O hindi na siya mabigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit at makasama ang mag-ama niya.

Naglayo ang mga labi nila pero niyakap naman siya nang mahigpit ni Thad.

"Natatakot ako sa buhay na wala kayong dalawa," pag-amin nito. "Hindi ko alam kung kakayanin ko." Humigpit ang yakap nito sa kanya. Ramdam na naman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.

"Natatakot din ako, Thad. Pero kung matatakot na lang tayo lagi. Hindi na tayo makakausad."

Rather than embracing her fears. She will make use of her remaining time to save up beautiful memories.

"I wouldn't mind risking my life just so you and Art could live the life you deserved," he sobbed. "I have lived my life, Sanna. Gusto kong... kayo naman."

Doon siya naiyak nang tuluyan. "Thad..."

"Hindi ko kayo susukuan. Hahanap ako ng paraan."

"Please don't be too hard on yourself."

"Hindi ka mawawala sa'kin kung hindi ako naging makasarili."

Bahagya siyang lumayo kay Thad para muling hawakan ang mukha nito. He couldn't look at her straight in the eyes.

"Thad, please, let's stop the blaming," malumanay niyang pakiusap. "Alam natin na pareho tayong may kasalanan. Pareho tayong may mali. Pero kaunti na lang ang oras na mayroon ako. Ayaw ko na gugulin natin ang oras natin sa ganitong usapan. Tignan mo ako sa mata." He didn't listen. "Thad," seryosong tawag niya rito.

Nag-angat na ito ng tingin. "Sanna –"

"I want to give Art good memories that he could keep. It doesn't matter if maaalala pa ba niya 'yon or magiging panaginip lang niya. What's important is maiparamdam ko - natin sa kanya na mahal na mahal natin ang anak natin." Muli siyang naluha. She knew that she will never be ready to let her son go and to leave Thad alone, but she wanted to treasure every seconds she has with them. "Thad, gusto kong gawing habangbuhay ang natitirang araw namin na kasama ka. Puwede ba nating gawin 'yon?"

Hinawakan ni Thad ang kamay niyang nakahawak sa mukha nito at hinalikan siya sa mga labi. Agad niyang naipikit ang mga mata at tinugon na may pagmamahal ang tila uhaw-uhaw na halik ni Thad sa kanya. She felt the longingness in his kisses. She knew how much he missed her with that kiss.

She too missed him so much that it hurts.

Parehong habol nila ang hininga nang maglayo ang mga labi nila. Pinagdikit ni Thad ang mga noo nila.

"I love you," he whispered, but it sounded so painful in her ears. Pigil na pigil ni Sanna ang maiyak ulit.

"I love you, too," she responded, thankfully she didn't break down.

Thad held his face firmly before planting a kiss on her forehead. "We'll do it. We'll make up for the lost time."

Hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin muli ito. "Thank you."

"Para sa inyong dalawa ni Art."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro