Kabanata 42
DAY 29
"DADDY..."
Art?
Bago pa man niya maibaling ang tingin sa pinaggalingan ng boses ay biglang may sumugod ng yakap kay Thad. Pakiramdam niya ang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang maibaba niya ang tingin sa batang lalaki na mahigpit siyang niyayakap sa baywang. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang tiyan.
"Daddy," iyak ni Art. "Daddy..."
Napalunok siya at hindi na niya napigilan ang mga luha. "A-Anak," he broke down. Halos hindi siya makapaniwala. "Art..." Umangat ang tingin niya at nakita niya si Sanna. Something changed in her face – she looked matured. But she was still his Sanna.
"S-Sanna..."
Umiiyak na sinugod siya nito ng yakap. "Thad!"
"T-Totoo ba kayo? Hindi ba ako nanaginip?" Niyakap niya nang mahigpit ang dalawa. "A-Akala ko iniwan n'yo na ako..."
"Daddy... hinahanap po namin kayo... pero hindi ka namin makita ni Mommy..."
"Natakot ako," iyak ni Sanna. "Hindi ko alam kung na saan ako, Thad. Ang dilim-dilim ng lugar na 'yon."
Gamit ng isang kamay ay hinawakan niya ang ulo ni Sanna para mahalikan sa sintido. "Shshs, it's okay. Nandito na ako."
Maraming tanong sa isipan niya nang mga oras na 'yon pero saka na niya hahanapan ng sagot. Ang importante ay nakauwi na ulit sa kanya ang mag-ina niya.
Bahagyang kumalas sa pagkakayakap niya si Sanna kaya nabigyan siya ng pagkakataon na kargahin ang anak nila. Pulang-pula na ang mga mata ni Art kakaiyak. Awang-awa siya sa anak niya kaya hindi niya mapigilan ang mga luha niya.
"Daddy, akala ko... akala ko po... hindi ko na kayo... makikita ni Mommy..." Pinunasan niya ang mga luha ni Art gamit ng libreng kamay niya. "Takot na takot po... takot po ako..."
"Shsh, tahan na. Nandito na si Daddy."
Naramdaman niya ang paghawak ni Sanna sa isang braso niya. Naibalik niya ang atensyon niya rito. Hindi pa rin siya makapaniwala na bumalik ang mag-ina niya. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan si Sanna sa mga labi.
God, he missed her so much.
Humaplos ang isang kamay ni Sanna sa kanyang pisngi nang maghiwalay ang mga labi nila at pinagdikit ang mga noo nila.
"I thought I already lost the both of you," he painfully whispered.
"I remember everything now." Naimulat niya ang mga mata. Thad didn't like the sadness and regrets he saw in her eyes.
"Sanna..."
"Puwede bang iuwi mo muna kami ni Art, Thad? Gusto ko nang umuwi."
NAISTATWA SINA JUDE at Simon sa kinatatayuan nila nang makita sina Sanna, Thad, at Art na magkasamang dumating sa sala. Bumakas ang gulat at pagkalito sa mukha ng dalawa. Kaya si Sanna na ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa kanilang lima.
"Kuya Si!" nakangiting tawag niya pero ramdam niya ang pagbabanta ng mga luha niya. "Kuya Jude –" Pumiyok pa siya. Hanggang sa hindi na niya napigilan na muling maluha. Akala niya ay hindi na niya makikita ang dalawa ulit.
"Sanna!" Jude and Simon shouted in unison saka siya sinugod ng yakap ng dalawa.
Sa pagkakataon na 'yon ay para na silang batang nag-iiyakan habang yakap ang isa't isa. Iyak na naging hagulgol - parang hindi na mauubos ang mga luha nila. Pinakawalan siya ng dalawa pero hindi naman mapakali ang dalawa na hawakan ang mukha niya, ang buhok niya, ang mga balikat at mga kamay niya.
"A-Akala ko... n-namin..." hikbi ng Kuya Simon niya. "Sanna... ikaw ba talaga 'yan?"
Hilam ng mga luha na tumango siya. "Ako pa rin 'to."
"What happened? Bakit... Bakit kayo nawala?" dagdag na tanong ni Jude. "We've been looking for the both of you."
"Hindi ko rin alam." Pinunasan na niya ang mga luha niya. "Pagkatapos ko makita..." Ibinaling ni Sanna ang tingin kay Thad. Nagdalawang-isip siyang magkukwento dahil kasama nila si Art.
"We'll talk about it later," pag-iiba ni Thad. Sa tingin niya ay nabasa nito ang pag-alangan niya. Ibinaling nito ang tingin sa anak nila. "Art, anak, are you hungry?"
Sunod-sunod na tumango si Art, namumula pa rin ang mukha at mata nito dahil sa pag-iyak nito.
"Gusto mo ba ng Jollibee?" nakangiting tanong ni Simon. Lumapit ito para kunin si Art kay Thad. Hinayaan naman ni Thad na kargahin ni Simon si Art. "Magpapa-deliver ako."
"Gusto ko po ng maraming chicken joy, Tito Si."
"Ice cream din ba, Art?" tanong din ni Jude. "Bibili din ako para sa'yo."
Tumango ulit si Art. "Opo, Tito Jude!"
"Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo at mukhang hindi pa kumakain sina Art at Sanna," dagdag ni Simon. "Magpalit na muna kayo. Kami na bahala ni Jude sa hapunan natin." Ibinalik na ulit ni Simon si Art kay Thad. Nakangiting ginulo pa nito ang buhok ng anak niya.
"Should we call Iesus?" baling na tanong ni Jude kina Thad at Simon.
"He's not at home," sagot ni Simon. "But I'll call him. Kailangan muna nating makapag-usap na apat bago ko siya kausapin. Or," natuon ang tingin ni Simon sa kanya, "you want to talk about this with Thad first."
Nakagat niya ang ibabang labi at ibinaling ang tingin kay Thad. She can sensed that he was also waiting for her answer.
"Puwede bang," ibinalik niya ang tingin kina Jude at Simon, "mag-usap muna kami ni Thad... na kaming dalawa lang muna."
Magulo pa ang isip niya at baka hindi maging malinaw ang mga sasabihin niya. Pakiramdam kasi niya ay iiyak lang siya kaysa magsalita.
Tumango ang dalawa.
"It's fine," sagot ni Simon.
"Mag-usap na lang tayong tatlo ulit," dagdag ni Thad. "Ako na ang magkukwento sa mga napag-usapan namin ni Sanna."
"Sige," Simon and Jude agreed.
SHE MANAGED NOT to cry in front of Art sa tuwing tinitignan siya nito. Lalo na kapang ngumingiti ito at hinahawakan ang mukha niya. Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha. Parang may batong nakabara sa kanyang lalamunan - nahihirapan siyang humihinga nang maayos.
Pinatay na niya ang ilaw sa silid at iniwang bukas ang lamp shade sa itaas ng bedside cabinet.
"Mommy, I'm scared..."
Binalikan niya sa kama si Art. "Baby, don't be scared." Hinaplos niya ang buhok nito. Papatulugin na niya si Art para makapag-usap na sila ni Thad. "Nandito kami ng Daddy mo."
"I'm scared to walk alone... madilim po, Mommy... hindi ko po kayo makita ni Daddy..." Niyakap niya si Art at mariing hinalikan sa noo. "Mommy, puwede bang dito na lang tayo sa house ni Daddy? Huwag na lang po tayong umalis. Masaya naman po tayo dito eh."
Pasimple niyang pinunasan ang mga luhang hindi na niya napigilan sa paglandas sa kanyang pisngi. "Puwede naman, anak." Hiling niya ay sana hindi mapansin ni Art ang pag-iyak niya sa kanyang boses. Hirap na hirap din talaga siyang pigilan ang sariling emosyon. "Gawin natin 'yon, ah. Samahan na lang natin ang Daddy mo rito."
"Gusto ko po 'yon, Mommy."
Wala nang luha sa kanyang mukha nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Art. Nilakihan niya ang ngiti at hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak niya.
"Mahal... mahal na mahal ka ni Mommy..." Naglapat ang mga labi niya, para kahit papaano mabawasan ang panginginig ng mga labi niya. "Tandaan mo 'yan lagi."
"I love you din po, Mommy. Always and forever."
Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ni Art. "Sige na. Matulog ka na. Dito lang ang Mommy." Sinamahan niya itong mahiga sa kama - hinayaan itong yakapin siya. "Hinding-hindi kita iiwan."
"Mommy, si Daddy?"
"Aakyat din ang Daddy mo mamaya."
Marahan itong tumango at ipinikit na ang mga mata. "Mommy, mukhang sad po si Daddy." Sumiksik pa itong lalo sa kanya. "Hug n'yo po siya mamaya bago matulog para po mawala ang lungkot niya."
"Sige, anak. I-ha-hug ko ang Daddy mo."
"Lagi po kasi sinasabi ni Daddy na nawawala ang lungkot niya kapag niyayakap mo siya..."
"Sinabi niya 'yon?"
Tumango ulit si Art. "Opo."
Mapait siyang ngumiti. "Ako rin anak, sumasaya kapag niyayakap ako ng Daddy mo." Hinalikan niya muli ang ulo ni Art. "Goodnight, baby."
"Goodnight po, Mommy."
NANG MAKATULOG NA si Art ay lumabas na siya ng kwarto pero laking gulat niya nang makita ang Kuya Simon niyang nakaupo sa gilid ng pinto.
"Kuya Si?" namimilog ang mga matang tawag niya rito.
"Sanna." Mabilis na tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Tulog na ba si Art?"
"Bakit ka nakaupo riyan? Kanina ka pa ba naghihintay sa labas?"
Tipid itong ngumiti. "Mag-uusap kayo ni Thad, hindi ba?" Tumango si Sanna. "Babantayan ko si Art."
"Kuya Si –"
"No, I insist."
Ngumiti siya rito. "Salamat."
"Sige na, bumaba ka na. Kanina pa naghihintay si Thad sa'yo." Tumango siya. "Don't worry about Art. Akong bahala sa kanya."
Tumango lang ulit siya rito bago tuluyang iwan si Simon. Umuwi na yata si Jude dahil si Thad na lang ang naabutan niya sa sala. Mag-isang nakaupo sa sofa at mukhang may malalim na iniisip.
Lumapit siya rito. "Thad?" mahina niyang tinapik ang isang balikat nito.
Agad namang nag-angat ng tingin si Thad sa kanya. "Sanna," anito, saka tumayo.
"Parang gusto kong maglakad-lakad muna."
Ngumiti ito. "Tara." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.
Tinignan niya ang nakalahad na kamay ni Thad. Naalala niya ang unang beses na akala niya ay makikipagkamay sa kanya si Thad. Bigla tuloy siyang natawa. Nakakahiya talaga 'yon.
"Oh, bakit?" may pagtatakang tanong ni Thad sa kanya.
Naiangat niya ang mukha rito, her smile remained on her face. Meanwhile, Thad looked at him with innocent eyes. His face had matured, but he was still the same Thad.
"Naalala ko 'yong unang beses na inilahad mo ang kamay sa'kin," sagot niya. "Akala ko kasi makikipagkamay ka... 'yong folder mo pala ang kukunin mo." Bahagya siyang natawa. "Nakakahiya talaga."
Imbes na matawa ay kumunot lang ang noo nito. "Didn't you hold my hand that day?" Naalala niyang hindi pala nila napag-usapan 'yon ni Thad noon. She chose to keep it to herself kasi nakakahiya.
Umiling siya. "Hindi."
Thad reached for her hand and tenderly laced his fingers with her. Namimilog ang mga matang tinitigan niya ang mukha nito.
"Don't worry, sa pagkakataon na 'to. I'll make sure to hold your hand in every chance that I can."
Ngumiti si Thad pagkatapos.
Ramdam niya ang pamamasa ng mga sulok ng kanyang mga mata. Sanna tried her best to stop those tears from falling sa pamamagitan ng pagngiti.
"HINDI KO ALAM ang mararamdaman ko noong makita ko 'yong pangalan ko," mapait na ngumiti si Sanna habang inaalala ang araw na 'yon. "Hindi ko matanggap sa totoo lang."
Niyakap niya ang mga binti mula sa ilalim ng mahabang saya ng kanyang suot na bestida. Malamig ang simoy ng hangin, damang-dama niya sa tuwing humahaplos ang mabining hangin sa kanyang mga pisngi. Tanging ang hampas ng alon sa dalampasigan ang bumabasag sa katahimikan ng gabi. Tinatanaw niya ang mumunting ilaw ng mga bangka sa dagat. Inaaliw ang sarili para pagaanin ang bigat ng kanyang kalooban.
Katabi niyang nakaupo sa buhangin ay si Thad na tahimik lang na nakikinig sa kanya.
"Umalis ako," pagpapatuloy niya. "Binalikan kita, pero noong dumating ako sa harapan ng bahay ay hindi kita nakita." Doon bumagsak ang mga pinipigilan niyang mga luha. "Takot na takot ako... kasi wala ka roon." Ibinaling niya ang tingin dito. "Wala ka na naman..."
"Bumalik ako." Naglandas ang mga luha sa mga mata ni Thad. "Papunta na sana ako sa'yo nang araw na 'yon."
"Alam ko."
"Alam mo?"
Tumango siya. "Alam ko kung bakit wala kayo nang araw na 'yon." Inilapat niya ang isang palad sa kung saan nakita niya ang malaking piklat sa tagiliran ni Thad noong naabutan niya itong nagbibihis. "Muntik ka nang mamatay nang araw na 'yon dahil sinubukan mong umuwi sa'kin."
Hindi niya alam kung bakit alam niya ang mga bagay na 'yon. She just knew, na para bang memorya iyon na matagal na sa kanyang isipan. Ang dami niyang memories na nagbalik na alam niyang hindi naman niya personal na nakita o nalaman noon. She find it weird, baka dahil hindi na siya kabilang sa mundong ito kaya may mga alam siya na hindi dapat niya nalalaman.
"Pero hindi pa rin kita naabutan." Yumugyog ang mga balikat nito sa pag-iyak. Yumukong umiiyak habang hawak ang kanyang mga kamay. "Hindi na kita naabutan."
"Sorry... Sorry kasi... sumuko ako," iyak niya. Hirap na hirap na siyang pigilan ang sarili. Ang sakit-sakit na. "Sorry... Thad... kasi... hindi ako... naging malakas..."
"Hindi ka na ba talaga babalik sa'kin?"
She drew her hands from his hold para mahawakan ang magkabilang pisngi nito. Lalo lang siyang naiyak nang makita ang luhaang mukha nito.
"Gusto ko... kaso... hindi na puwede..." Sobra ang paghikbi niya. "Gustong-gusto ko talaga, Thad. Pero kasi... pinili kong magpahinga na."
Tumindi lalo ang iyak ni Thad. Lalo lang sumikip ang dibdib niya sa sakit. Hindi niya alam kong paano ito patatahanin.
"Akala ko kasi... hindi mo na ako mahal. Akala ko... mag-isa na naman ako. Hindi kayo dumating noong graduation ko. Tapos, nalaman kong mahal pala ako ng Mama ko... kaso wala na siya." Lalo siyang naiyak nang maalala ang mukha ni Art. "Pero, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Hindi ko alam... hindi ko talaga alam, Thad."
Nailapat niya ang dalawang palad sa kanyang tiyan. Hindi na matigil ang paghikbi niya. Ang sakit-sakit na isipin na siya pa ang dahilan kung bakit hindi nagkaroon ng pagkakataon na mabuhay ang anak nila. She could have given Art a good life.
"Hindi ko alam... hindi ko alam na nandiyan na siya... 'di sana... 'di sana naging matapang ako para kay Art."
Hinayaan niyang yakapin siya ni Thad nang mahigpit. Gustong-gusto niyang kamuhian ang sarili niya. Gustong-gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa Dios para bigyan siya ng pagkakataon na maitama ang lahat para mabuhay si Art. Gagawin niya ang lahat para sa anak niya. Kahit ano.
"Ang sama-sama kong ina... sarili ko lang iniisip ko."
"Huwag mong sabihin 'yan -"
"Paano ko pa haharapin ang anak natin? Paano pa ako magpapaka-ina sa kanya? Ako mismo na Mommy niya ang sumira sa buhay niya... Thad... hindi ko gusto na mamatay siyang kasama ko... hindi ganitong buhay ang gusto ko para sa kanya. Our son deserves everything this world can offer..."
If I could turn back time. Gusto kong balikan ang araw na 'yon at piliin na kalimutan ang nakaraan ko para magsimula ng bagong buhay.
MARCH 28, 2011
PAGKATAPOS NI SANNA ipadala ang sulat niya para sa Kuya Jude at Kuya Simon sa pinakamalapit na post office ay sumakay siya ng bus papunta ng Samboan. In-address niya ang mga sulat sa dating bahay. Pero hindi niya isinama roon ang sulat niya para kay Thad.
Hawak niya ang asul na mailing envelope na naglalaman ng sulat niya para kay Thad. Hindi niya alam kung makakarating pa ba 'yon kay Thad o magkakaroon pa ba ng pagkakataon na mabasa nito ang huling sulat niya para rito.
Sa nakalipas na limang araw. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpinta nang magpinta. Hanggang sa magkasugat ang mga daliri niya at hindi na niya maramdaman ang mga kamay. Para siyang nakasakay sa isang bangka. Sumasabay na lamang sa bawat hampas ng alon at walang direksyon na pupuntahan.
Sa gabi ay nakakatulugan niya ang pag-iyak. Nakakalimutan niyang kumain. At hindi na niya alam paano ngumiti. Lahat ng mga magagandang bagay sa paligid niya ay hindi na niya ma-appreciate. Dati, nagagawa pa niyang kulayan ang mundo. Ngayon, unti-unti nang nawawala ang kulay - hindi na tumitingkad - puro puti at itim na lamang. Nawalan na siya ng kakayahang maging masaya.
Kaya pa niya noong una... kasi madami pa siyang rason para labanan ang buhay. Pero ngayong wala na rin ang Mama niya, mas naramdaman na niya ang pagod.
Masaya na ang papa niya dahil tapos na ito sa responsibilidad nito sa kanya.
Alam niyang masaya na rin si Thad kasama ang papa niya... at siguro... nagsisimula na ng bagong buhay kasama ng babaeng gusto ng ama nito para sa kanya.
Mariin niyang naipikit ang mga mata para sana pigilan ang mga luha pero talagang ayaw nitong magpapigil. Tahimik siyang napahikbi. Mabuti na lamang at wala siyang katabi sa upuan.
Wala siyang sama ng loob sa Kuya Simon at sa Kuya Jude niya. Wala namang responsibilidad ang dalawa sa kanya.
Ayaw na rin niyang maging pabigat pa.
Ayaw na niyang ipaglaban ang mga gusto niya. Pagod na siya. Pagod na pagod na siyang mabuhay. Sana lahat ng tao, hindi pinagdadamutan ng saya. Sana lahat ng tao, kayang gawin lahat ng mga bagay na gusto nila. Sana si Sanna, ganoon din. Sana, kaya niyang lumaban nang hindi napapagod.
"Oh, Samboan na! May bababa ba?"
Tumayo si Sanna nang huminto ang sinasakyan niyang bus. Isinilad niya sa bag ang sulat niya para kay Thad. Hindi na siya sumagot sa konduktor at bumaba na siya ng bus. Naglakad lang siya nang kaunti hanggang sa makita na niya ang mansion ng mga Rama.
Huminto siya sa mismong gate ng mansion.
Iginala niya ang tingin sa buong paligid.
Maganda ang panahon. Hindi mainit. Hindi rin makulimlim. Gustong-gusto niya ang lugar na 'to noon. Pinangarap niyang tumira rito kasama ng Mama at Papa niya. 'Yong walang ibang pamilya ang Papa niya. 'Yong may matatawag siyang kanya.
Kumurap siya at muling naglandas ang mga luha sa kanyang mukha.
Pero sakabila ng maraming taong lumipas, nanatili lamang 'yong isang pangarap. Pangarap na hindi na kailanman matutupad.
Isang beses pa niyang tinignan ang malaking mansion.
Bago siya umalis, gusto niyang ipakilala ang sarili sa pamilyang buong buhay na iningatan ng papa niya. Sa pamilyang, kailanman ay hindi siya matatanggap. Sa pamilyang sobrang nagbigay ng sakit sa kanila ng Mama niya.
Binuksan niya ang gate at pumasok sa loob.
Ito ang una at huling beses na makikilala nila ako bilang anak ni Mayor Saturnino Rama. Ang una at huling beses na maririnig nila ang pangalang Susanna Evangeline Rama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro