Kabanata 41
DAY 26
"THAD, ANAK."
Narinig ni Thad ang boses ng Nanay Lourdes niya mula sa labas ng kwarto. Muli itong kumatok.
"Anak, ang Nanay Lourdes mo 'to. Puwede ba akong pumasok?"
Hindi siya sumagot.
Maya-maya pa ay dahandahang bumukas ang pinto. Nanatiling nakaupo si Thad sa sahig, nakasandal ang likod sa gilid ng kama. Madilim ang buong paligid. Nakababa ang makapal na kurtina ng mga bintana. Hawak niya sa kamay ang picture nilang tatlo ni Sanna at Art.
Pakiramdam ni Thad nang mga oras na 'yon ay wala na siyang lakas para mabuhay. Natatakot siyang baka pati ang nag-iisang larawan niya sa mag-ina niya ay maglaho na ring parang bula sa harapan niya. Wala nang matitira sa kanya kundi alaala na lamang.
"Anak..."
Narinig niya ang pagsara ng pinto bago niya naramdaman ang pag-upo ni Nanay Lourdes sa tabi niya, but she left the door half opened to lit the room.
"Alam kong hindi ka okay," malumanay nitong sabi. "Pero hindi naman magandang nandito ka lang. Nag-aalala na ang lahat sa'yo. Hindi ka pa kumakain."
He blinked and tears welled from his eyes. Ramdam niya ang pamimigat at pamamaga ng kanyang mga mata niya. Kahit anong iyak niya. Hindi niya alam kung bakit hindi nababawasan ang sakit sa puso niya. Bakit mas lalong bumibigat lang?
"Thad..."
"Wala na sila..." Hinarap niya si Nanay Lourdes. His lips trembled, napayuko siya kasabay no'n ang pagyugyog ng mga balikat niya. Hiyang-hiya siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay kahit anong iyak niya ay hindi pa rin no'n mababago ang katotohanang siya ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanya si Sanna. "Nay," parang batang umiyak siya sa harap nito. "Si Sanna... si Art... wala na sila..." Lumakas ang iyak niya.
Niyakap siya nito.
"Nay... h-hindi... hindi ko na alam paano mabuhay..."
"Anak." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Huwag mong sabihin 'yan. Alam ko na mahirap. Alam ko na masakit... pero kailangan mong lumaban para sa kanila..."
"Kasalanan ko lahat ng 'to... napakagago ko... masyado akong naging makasarili..."
"Shshs, huwag mong sabihin 'yan." Hinagod nito ang kanyang buhok. "Sige lang, nandito ang Nanay, ha? Sasamahan kita hanggang sa mawala na ang sakit." Hindi mapigilan ni Lourdes ang maiyak habang yakap si Thad. "Hindi kita iiwan... lalaban tayong dalawa... nandito ako, anak."
Lalo lamang naiyak si Thad. "Puwede bang sumama na ako sa kanila? Pagod na pagod na ako..."
"Hindi. Dito ka lang. Hindi papayag si Nanay."
"Hindi ko na sila makikita... gusto ko silang makasama... hindi ko kakayanin na mawala sila sa buhay ko..."
"Anak," iyak ni Nanay Lourdes.
Hinawakan nito ang magkabilang mukha niya.
Hindi niya magawang salubungin ang mga tingin nito. Pagod na pagod na talaga siya. Nakaya niyang mabuhay ng halos sampung taon dahil akala niya buhay pa si Sanna at masaya na sa kung saan man ito ngayon. But she's gone. Everything in his life right now doesn't make sense anymore. Lahat ng mga tagumpay niya sa nakalipas na siyam na taon ay wala nang halaga sa kanya. Ayaw na niyang balikan ang buhay niya. Gusto na lamang niyang maglaho.
"Nandito pa kami... huwag ka muna sumuko."
MARCH 16, 2011
2:00 PM
"THADDEUS," tawag ng Papa niya.
Ibinaling ni Thad ang tingin sa ama. "Pa, saglit lang." Hindi siya mapakali. Hindi niya ma-contact si Simon. Nakausap pa niya ito kaninang madaling araw. Ang sabi nito ay nasa airport na ito - delayed lang ang flight. 4 am pa 'yon, dapat nasa Pilipinas na ito kanina pa.
"Dalian mo, we're late for our flight."
Nasa airport na sila. Hinihintay na lamang nila na paakyatin sila sa eroplano. Si Jude pa lang ang nakausap niya tungkol sa paghihiwalay nila ni Sanna. Alam niyang masusuntok siya ni Simon kaya balak niyang sabihin 'yon ng personal kapag nakauwi na ito ng Pilipinas.
Lumayo muna siya sa ama niya para tawagan si Jude. Damn it, isa pa 'tong hindi niya makausap. Hindi rin makakapunta si Faith dahil may sakit ang kapatid nito at walang magbabantay. Alam niyang tapos na ang graduation rites ni Sanna. Pero hindi talaga siya mapakali. Alam niyang gago siya pero hindi puwedeng mawala sina Simon at Jude.
"Jude!" Finally, his cousin picked up his phone. "Where are you?"
"Tang'na, Thad. Nasa airport ako ngayon." Rinig niya ang announcement sa background ni Jude. But he sensed that Jude was anxious.
"Nasa Manila ka pa?"
"Oo, tang'na talaga! Biglang binago ang schedule ng flight namin pa US kanina lang. Yawa! Sinubukan kong pakiusapan pero hindi na talaga puwedeng i-move kahit ngayong araw lang. Si Sanna. Kasama na ba ni Simon? Hindi ko ma contact. Ngayon ko lang nahawakan 'tong cell phone ko. Tang'na talaga! Napakagago ng timing."
Napabuga siya ng hangin. "Hindi ko ma contact si Simon."
"Anong hindi mo ma contact? Kanina pa flight no'n ah."
"'Yon na nga. Hindi pa rin nagpaparamdam."
Pareho silang natahimik ni Jude. Naibaling niya ang tingin sa direksyon ng ama niya. Papunta sila ng Singapore ngayon para sa isang importanteng meeting.
"Thad?" basag ni Jude.
"Hmm?"
"How about Sanna?" Natigilan si Thad. "Talaga bang iiwan mo siya para lang sa Papa mo?" Jude paused. "Sana isipin mo kung sino ang nandiyan sa tabi mo noong mga panahong walang-wala ka. Thad, sa mga oras na hindi ka namin madamayan ni Si sa mga problema mo. Sanna was there."
Natulala siya.
"She had always been there for you..."
Sanna's smiling face played in his mind. Thad could hear her heartily laugh habang sinusubukang abutin ang kamay niya. Naalala niya kung gaano ito kaganda sa tuwing nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok.
Isa-isang bumalik sa kanya ang mga malulungkot na araw kung saan wala siyang ibang kasama kundi si Sanna. He remembered her warm hugs and kisses. Ang mga ginagawa nito para mapagaan ang kalooban niya.
Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha niya sa mga mata. Sanna didn't deserve him, but he had a promise to fulfill. Alam niyang late na siya pero hindi pa naman tapos ang araw.
"Thad?" pukaw ni Jude. Hindi na niya alam kung may mga sinabi pa ito. It didn't matter to him. Importante sa kanyang puntahan si Sanna.
"I owe you this one."
"Huh?"
Pinutol na niya ang tawag at binalikan ang ama. May pagtatakang nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"What?"
"I can't go," buong tapang na sagot niya sa ama.
Kumunot ang noo ng ama sa kanya. "What are you talking about?"
"Pa...minsan ba... naging proud ka sa'kin?"
"What is this all about? You said you can't go and now you're asking me these nonsense questions."
Hindi niya inalis ang tingin sa ama. "Naging proud po ba talaga kayo sa'kin?"
"Of course, anak," sagot pa rin nito. "Okay na?"
Mapait siyang ngumiti. "You never did, didn't you? Hanggang ngayon Pa, hindi pa rin ako sapat para sa'yo."
Tumayo ng ama niya. "Thaddeus," he called his name firmly, bahagyang naigala ang tingin sa paligid. "Stop this nonsense. Maupo ka na lang at manahimik. I don't have time for this."
"I'm resigning."
Bumakas ang gulat sa mukha ng ama niya.
"Thaddeus."
"Take care of yourself, Pa." Ngumiti siya rito. "At salamat pa rin sa pagpapaaral sa'kin."
Tinalikuran na niya ang ama at dirediretsong naglakad palayo.
Humugot siya nang malalim na hininga. Masakit man isipin na hanggang sa dulo ay hindi pa rin niya nakuha ang pagmamahal at importansiya na nais niya sa ama. Pero kailangan pa rin niyang magpatuloy sa buhay. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Dinaan niya sa ngiti na alam niyang hindi umabot sa kanyang mga mata para pigilan ang mga nagbabantang luha.
He did his best. He did all the things that could somehow change his father's heart. But he should choose his battles now.
Hindi niya alam kung tatanggapin pa siya ni Sanna pagkatapos nang mga ginawa niya. But he's willing to risk everything now.
MALAKAS ANG ULAN sa labas. Nahirapan si Thad na pumara ng taxi dahil basang-basa siya ng ulan. Naghanap pa siya ng tindahan ng mga bulaklak sa Freedom Park na mapagbibilhan niya ng daisies. Hindi siya puwedeng magpakita kay Sanna na wala ang mga paboritong bulaklak nito. He was desperate to find one. Hindi siya sumuko. Mabuti na lamang at may nakita pa siyang tindahan - nag-iisang tindahan sa pinakadulo.
Mag-a-alas-singko na ng hapon. Madilim na ang kalangitan dahil halos buong hapon nang umuulan. Nakasakay na siya ng taxi. Alam niyang nakauwi na si Sanna nang mga oras na 'to. Kaya uuwi na lang siya. Napangiti siya habang tinitignan ang magandang ayos ng mga bulaklak sa mga kamay niya.
Hintayin mo ako, Sanna. Pauwi na ako.
Naingat niya ang tingin sa harapan. Napansin niyang lumiko ang sinasakyan niyang taxi sa isang hindi pamilyar sa kanya na daan. Naalarma siya.
"Kuya, hindi ho 'to ang daan."
"Shortcut po 'to, sir."
Tinignan niya ang mukha ng driver mula sa rear view mirror. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban. Ramdam niya ang pananaas ng mga balahibo niya sa katawan. He didn't trust the man.
Kinalma niya ang sarili. "Kuya, dito na lang ho ako," aniya. "Lalakarin ko na lang ho. Malapit naman na."
"Malayo pa po, sir."
"Sige lang po, kuya. Ihinto n'yo na lang -"
Biglang tumigil ang sasakyan. Akmang lalabas siya nang may pumasok na dalawang lalaki sa magkabilang pinto at pinagitnaan na siya. Lalo siyang kinabahan. Napalunok siya. Ang lakas na ng tibok ng puso niya.
"Bata, huwag ka na manlaban," sabi ng isa, sa kanan niya.
Umandar uli ang sasakyan.
"Kunin n'yo na ho lahat." Nanginginig ang mga kamay na dinukot niya ang wallet sa bulsa ng pantalon niya. "W-Wala ho akong pera... 'yan lang ho lahat..." Nilukob siya ng takot nang maglabas ng maliit na kutsilyo ang lalaki sa kaliwa niya. "H-Huwag n'yo lang ho akong saktan... kailangan ko lang hong makauwi ngayon..."
"Sino ba naghihintay sa'yo? Girlfriend mo?" tanong ng may hawak na kutsilyo. "Mukha ka namang mayaman. Sigurado kang 'yan lang pera mo?"
"Tanungin muna natin kung maganda ba ang girlfriend ng 'sang 'yan," singit ng driver sa harapan. "Baka puwede nating tirahin."
Demonyong tumawa ang tatlo. Pigil na pigil niya ang sariling magalit. Hindi puwedeng maihatid siya ng tatlo sa bahay niya. Hindi magiging ligtas si Sanna.
"Ibaba n'yo na lang ho ako rito," ulit niya.
"Relaks lang bata." The one holding the knife smacked him on the head. "Huwag mo akong pinapangunahan, ha? At ganitong mainit ang ulo ko ngayon."
"Kuya, 'yan lang ho talaga ang pera ko," pagmamakaawa na niya. "Hindi ho ako magsusumbong sa mga pulis. Ibaba n'yo na lang ho ako." Pumasok sa isang madilim na skinita ang taxi. Doon siya lalong kinabahan. "Kuya, nagmamakaawa ako sa inyo. Huwag n'yo ho akong saktan."
Nagkatinginan ang tatlo. Pero sa tingin pa lang ng mga ito ay alam niyang mapapahamak siya kapag wala siyang ginawa. Kaya habang wala pa sa kanya ang atensyon ng lalaking may hawak ng kutsilyo. Inagaw niya iyon mula rito at sinuntok ito sa tiyan. Nagawa naman siyang sakalin ng lalaki sa kanan niya mula sa likod. Biglang huminto ang taxi kaya sumubsob silang tatlo sa harapan. Nagawa niyang sikuhin ang nasa likod niya. Nabitiwan siya nito at tinadyakan niya naman ang lalaki sa harapan niya.
"Hoy!" sigaw ng driver.
Hinihingal na nabuksan niya ang pinto sa kaliwa niya. Mabilis na hinakbangan niya ang lalaki at nahulog pa siya nang makalabas. Hindi na niya ininda ang sakit ng pagkakahulog niya. Naiwan niya ang bulaklak sa loob pero alam niyang hindi na niya 'yon puwedeng balikan pa.
"Shit!" mura niya nang mabitiwan niya ang kutsilyo.
Hindi na niya 'yon napulot pa. Sumulong siya sa malakas na buhos ng ulan at tumakbo. Pero naabutan pa rin siya ng isa sa tatlo. Binalya siya nito. Napaigik siya sa sakit nang tumama ang ulo niya sa sementadong daan nang tuluyan na siyang napahiga. Tatlong beses siya nitong tinadyakan sa tiyan at dalawang beses sa kanyang tagiliran. Lumuhod ito sa gilid niya at sinuntok nang paulit-ulit ang mukha niya. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Halos hindi na maimulat ni Thad ang mga mata niyang hawakan nito ang buhok niya at iuntog sa semento.
"T-ama na po..." iyak ni Thad sa sakit.
"Walangyang batang 'to!"
Muli siyang napasinghap sa sakit nang tadyakan nito ang mga hita niya. Halos hindi na niya maramdaman ang katawan niya.
"Ginagalit mo akong yawa ka!"
"Turuan mo nga 'yan ng leksyon at nang magtanda."
Hindi na niya makita kung sino ang nagsasalita. Gusto na lang niyang umuwi. Pumasok sa isipin niya ang mukha ni Sanna. Nakaupo ito sa labas ng bahay at naghihintay sa kanya. Doon napaiyak nang sobra si Thad.
Sanna...
Umawang ang labi niya nang maramdaman ang pagbaon ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran. Naimulat niya ang mga mata. Humalo sa kanyang mga luha ang tubig ulan na lalong nagpalabo sa kanyang mga mata. Namamanhid ang buong katawan niya sa sakit. Lumakas ang iyak niya habang nanginginig ang mga kamay at katawan nang hugutin nito ang kutsilyo sa katawan niya at isinaksak ulit 'yon.
Sanna...
"Tama na 'yan. Iwan na natin 'yan diyan."
Inihit siya ng ubo at mas lalo niyang nalasahan ang dugo sa kanyang bibig. Iniwan siya ng tatlo doon, basang-basa at naliligo sa sariling dugo. Sinubukan niyang imulat ang mga mata kahit nahihirapan siyang huminga.
Hindi, hindi ako puwedeng mamatay. Hinihintay pa ako ni Sanna.
DAY 28
2020 PRESENT
LUMABAS si Thad ng bahay at pumunta sa parola mag-isa. Malalim na ang gabi at tahimik na ang buong Faro. Nang makarating siya sa parola ay napansin niyang bukas ang pinto. Wala ring nagbabantay. Pumasok siya roon at umakyat hanggang sa tuktok. Umaasa siyang sa paglabas niya roon ay mababalik siya sa nakaraan para maitama niya ang lahat ng mga pagkakamali niya.
But when he stepped his foot forward through the open door, walang nagbago. He was still in the present – in the same timeline kung saan hindi na niya makakasama sina Sanna at Art.
Lumapit siya sa railings at tinignan ang buong Faro de Amoré. He had been up here a lot of times. The view was still breathtaking, but he couldn't appreciate it. Para siyang nakatitig lang sa kawalan. Ibinaba niya ang tingin. Madilim, tila hinahatak siya.
Dumiin ang pagkakahawak niya sa metal railings.
"... nakakapagod din palang paulit-ulit na ipaglaban ang isang bagay na ikaw lang mag-isa."
Bumalik lahat sa kanya ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Sanna.
"Sa tingin ko... dapat muna siguro nating bigyan ng space ang isa't isa."
"I'm sorry."
"Naiintindihan ko kung hindi mo ako kayang piliin sa ngayon. Pero sana huwag mong kalimutan 'yong pagmamahal na sinabi mo sa akin."
Mariin niyang naipikit ang mga mata, dumiin lalo ang pagkakahawak niya sa railings.
"Fuck!" he cursed. Marahas niyang isinandal ang noo sa railings at sumigaw. "Tanginaaaaa!" Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak at isigaw lahat ng mga naipon niyang sakit sa kanyang puso. "Tangina ka, Thaddeus! Ikaw dapat ang nasa libingan na 'yon at hindi ang mag-ina mo! Gago! Tangina!
Unti-unti niyang naramdaman ang pagdaosdos niya sa sahig habang nakahawak pa rin sa railings hanggang sa tuluyan na siyang napaupo at naisandal ang likod sa railings. Gusto niyang tapusin ang buhay niya pero alam niyang kulang pa 'yong kabayaran para sa mga kasalanan niya. He should live with this pain and guilt forever. He deserve to suffer in this life time.
Itiniklop niya ang mga binti at niyakap ang mga 'yon. He buried his face on his knees saka hinayaan ang sarili na iiyak na lang ang lahat.
"Mga two years from now ay may licensed architect ka nang boyfriend."
"My Architect Thaddeus Bernardo Apostol."
"I'll make you proud of me, Sanna."
"I'm already proud of you, Thad."
Naisip niya, did I really make her proud? Doon siya lalong humagulgol. Kasi alam ko na hindi ko nagawa.
DAY 29
KANINA PA NAKAUPO si Thad sa swing chair sa labas ng bahay nang maupo sa tabi niya si Simon.
"Kumusta ka na?" basag nito.
Mapait siyang napangiti. "Hindi ka ba galit sa'kin?"
Natawa ito. "Matagal na akong galit sa'yo. Halos sampung taon na rin."
"Alam kong mahal na mahal mo si Sanna."
"Sobra."
"At mahal na mahal ka no'n."
"Alam ko." Pagbaling niya ng tingin kay Simon ay marahas na itong nagpupunas ng mga luha sa mga mata. "Ano ba 'yan? Napuwing ako. Yawa."
"Hindi mo kasalanan ang nangyari." Natigilan ito. "Lola Simona died on that day." Naglapat ang mga labi ni Simon sa pagpipigil ng mga luha. "She will understand."
Tuluyan na itong naiyak. "You know, I tried," baling ni Simon sa kanya. "Sinubukan kong umuwi dahil nangako ako sa kanya na nandoon ako sa graduation niya. Nakahanda na lahat... pero..."
"Simon..."
"Hindi lang ang Lola ko ang nawala ng araw na 'yon, Thad," iyak ni Simon. "Nawala rin sa'kin ang kapatid ko... ang kaibigan ko... ang Sanna natin. Hanggang ngayon hindi ko kayang tanggapin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na nasa ibang bansa lang siya, nagpipinta kasama ni Art, masaya, at malaya." Parang batang pinunasan nito ang mga luha.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.
"Ayaw ko nang mawalan ng mahal sa buhay, Thad. Lahat na lang... nawawala... si Faith... we almost lost Jude... kaya sana... kahit na galit ako sa'yo... pilitin mong mabuhay para sa'kin." Yumugyog ang mga balikat nito sa sobrang pag-iyak.
Marahas niyang pinunasan ang mga luha at inakbayan si Simon. "Sorry... hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo. Hindi ko naalagaan nang maayos si Sanna."
Tumango lang si Simon.
"Huwag kang mag-aalala." Tinapik niya ang balikat nito. "Matagal mo pa akong makakasama."
Death is not enough as a punishment. He deserves to live with this guilt forever. 'Yon lang ang alam niyang paraan para pagbayaran ang mga kasalanan niya.
So, he will live as long as he can.
ALAS SINGKO NG hapon nang magpasya ulit si Thad na bisitahin ang parola. The hue of yellow and orange stretched in the horizons behind the lighthouse. It reminded him of Sanna's paintings. Ganoon na ganoon magpinta si Sanna. Nagagawa nitong buhayin ang mga nakikita nito sa canvas.
If she was still alive.
Sigurado siyang isa na sa mga pinakasikat na painter si Sanna.
Umihip ang mabining hangin at nilapad nang bahagya ang kanyang buhok. Naipikit niya ng isang mata at napahawak doon. Napuwing siya.
"Thad?"
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon - Sanna?
"Daddy..."
Art?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro