Kabanata 40
DAY 25
"HINDI."
Tinalikuran ni Thad ang matanda at dire–diretsong naglakad. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib. Lumunok siya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman. But it was only for mere seconds dahil bumalik na naman sa isip niya ang nakaukit na pangalan sa nitso.
"Hindi," ulit niya.
"Hijo!" Narinig niyang sigaw ng matanda pero hindi na niya ito nilingon pa.
Niluwagan niya ang kwelyo ng damit. Nasasakal siya kahit hindi naman 'yon masikip sa kanya. Hindi siya makahinga. Hindi siya makapag-isip nang maayos. He blinked and tears welled from his eyes. May kumawalang hikbi sa kanyang bibig.
"Hindi... hindi... Sanna..."
Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang makitang Sanna. Malawak ang lugar pero pakiramdam niya ay lumiliit ang mundo. Lumakas ang ihip ng hangin, nabibingi siya sa bawat hampas ng mga dahon sa mga puno sa kanyang paligid. Nahilamos niya ang kamay sa mukha. He felt so hopeless.
"Sanna!" sigaw niya. "Sanna... please..."
"UMUWI BA SI Sanna?" agad na tanong ni Thad kay Iesus nang makasalubong ito. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. He's desperate already. Hindi niya na alam kung paano pa niya nagawang makauwi. "Sus!"
"Thad -"
Lumabas si Vier mula sa bahay. "Sanna? Akala ko ba magkasama kayo."
Pinakawalan ni Thad si Iesus. Marahas niyang naisuklay ang kamay sa buhok. Tumulo na naman ang mga luha niya sa mga mata.
"Thad?" malumanay na tawag sa kanya ni Iesus.
"H-Hindi... Hindi ko makita..." He broke down. "Hindi ko makita si Sanna..." Hindi na niya alam ang gagawin. Kanina pa siya tumatakbo na walang direksyon. "I don't know... hindi ko... alam... kung na saan na siya..."
Parehong may pag-aalala sa mukha nila Iesus at Vier.
Thad remembered his son. "Art!" biglang tawag niya. Iginala niya ang tingin sa paligid. "Where's Art?" Umakyat ang kaba sa puso niya.
"He's inside," sagot ni Vier.
Bigla namang lumabas si Sep. "Nawawala si Art," imporma nito sa kanila. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Sep.
Pakiramdam ni Thad ay gumuho ang mundo niya. Sanna is missing... now Art is missing. Hindi maproseso nang maayos ng utak niya ang nangyayari. He couldn't move. Pakiramdam niya ay nawalan na ang kakayahan niyang kontrolin ang katawan niya.
"Anong nawawala Sep? Hindi ba kasama mo ang bata kanina?" sigaw ni Iesus.
FIRST WEEK OF MARCH 2011
HINDI SINASAGOT NI Thad ang tawag ni Sanna. May pasok sana siya kaso alam niya kung gaano ka importante kay Thad ang USB na naiwan nito sa bahay. Agad siyang pumara ng taxi at sumakay para makarating agad sa opisina ng Papa nito. Contact pa rin siya nang contact sa number ni Thad pero laging out of reach. It was almost 9 am. Ang alam niya ay 9:30 am ang meeting nito.
"Kuya, malayo pa ba tayo?" tanong niya sa driver.
"Malapit na po, ma'am. Ma-traffic lang po talaga sa daan na 'to."
Tumango siya. "Sige po."
She was fidgeting and feeling anxious while looking at the phone in her hands. Sana umabot siya. Nag-text naman na siya kay Thad.
Naipikit niya ang mga mata at umusal ng dasal.
And thank God, nakarating siya sa office building ng architectural firm before 9:30 AM. Kamuntik pa siyang sumubsob pagkalabas niya ng taxi - she tripped pero buti naibalanse pa niya ang sarili. Hinihingal na lumapit siya sa guard.
"K-Kuya... puwede... bang... pumasok? Kakausapin ko lang po... si Thaddeus Apostol. Employee po siya rito. Anak ng may-ari. May ibibigay lang ho ako."
Pinanusan niya ang pawis sa noo gamit ng likod ng kamay niya. Alam niyang sobrang gulo na rin ng buhok niya na halos kumawala na sa pagkakapusod niya.
"Puwede n'yo hong iwan sa receptionist sa loob. Pero hindi ho kayo puwedeng umakyat na sa itaas."
"Sige po."
"Iwan mo na lang muna ang ID mo rito at pumirma ka sa logbook."
Iniwan niya ang school ID niya sa guard pagkatapos pumirma. Nanginig siya nang bahagya sa lamig ng aircon sa lobby. Pero dumiretso pa rin siya sa reception area. Inulit niya lang ang sinabi niya sa guard kanina sa babaeng receptionist. Ganoon pa rin naman ang sagot ng babae sa kanya. Iwan lang ang USB at tatawagan na lang daw nito si Thad sa itaas.
Wala siyang magawa kaya sumang-ayon na lamang siya. Pero sa paglingon niya sa likod habang tinitawagan ng babae si Thad sa itaas ay saktong bumukas ang elevator sa lobby at nakita niya si Thad na nakangiti at tumatawa kasama si Camille. Nakasunod dito ang dalawang matandang lalaki, namukhaan niya ang isa - ang Papa ni Thad. Napatingin ito sa gawi niya kaya mabilis na ibinalik niya ang tingin sa babae.
Lumakas ang tibok ng puso niya.
Hindi siya puwedeng makita ng ama ni Thad.
"Miss, kakababa lang daw ni Sir Thad -" Bigla namang namilog ang mga mata ng babae nang lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Sir."
Kinabahan siya lalo na nang maramdaman ang presensiya ng kung sino sa likuran niya. Mabilis na kinuha niya ang USB sa counter at ibinaba ang mga kamay - mahigpit na mahigpit na hinawakan 'yon.
"Excuse us," sabi ng boses ng lalaki sa kanyang likuran.
Ngumiti ang receptionist. "Sige po, Sir Apostol."
Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa isang siko niya. Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng ama ni Thad.
"I think we have to talk."
Lumipat ang kamay nito sa kanyang likod para igiya siya palayo sa reception area. Pero nagawa pa niyang silipin ang likuran niya. Mula sa glass panel wall ay nakita niya si Thad na masaya pa ring kausap si Camille sa labas ng building. She doesn't want to entertain negative ideas pero alam niyang doon pa rin papunta ang lahat. Ngayon na maganda na ang relasyon ng mag-ama at nag-e-enjoy na si Thad dito. Alam niyang hindi papayag ang ama nito na guluhin pa niya si Thad.
Dinala siya ng ama ni Thad malapit sa fire exit door. Walang tao roon at hindi sila makikita ni Thad. The old man distanced himself from her. Nanliliit siya sa paraan ng pagtingin ng ama ni Thad sa kanya. Kagaya ng pagtingin ng Tita Cass niya sa kanya - may inis at mapagmataas. 'Yong kahit wala pa siyang ginagawa o sinasabi ay nahusgahan na nila ang pagkatao niya.
"Sir -"
"Hija."
Nagitla si Sanna pero hindi niya binawi ang tingin niya sa matanda.
"I know my son lied when he told me he had broken up with you. That's fine, he'll get his senses back. Pero hindi ko pa rin hahayaan na magpatuloy ang relasyon ninyo. I don't know you. Your family background is suspicious to me. I don't want a nobody for my son. Kaya kung ako sa'yo, ikaw na ang humiwalay sa anak ko."
Inipon niya muna ang lahat ng lakas ng loob niya bago sinagot ito.
"Huwag po kayong magalit sa sasabihin ko. Nirerespeto ko ho kayo bilang tatay ni Thad. Pero bakit ngayon n'yo lang po 'to ginagawa? Ang dami hong taon na hinintay kayo ng anak n'yo na magpaka-ama kayo sa kanya. Pero bakit ngayon lang po?"
Dumilim ang tingin ng matanda sa kanya.
Sanna didn't budge. "Alam ko ho na hindi ako ang gusto n'yo sa anak ninyo. Gusto n'yo ang babaeng kasama niya kanina para sa kanya. Hindi po ba?" Naningkit lang ang mga mata nito sa kanya. She continued, "Wala nga ho akong magandang family background. Wala rin ho akong maipagmamalaki bukod sa pagpipinta ko. Pero kahit papaano, sa mga panahong hindi n'yo ho nakikita ang importansiya ni Thad ay mas nakita ko ho ang halaga niya na hindi n'yo makita."
Napansin niya ang pagkuyom ng isang kamay nito sa pagpipigil na saktan siya. Ilang beses na siyang napagbuhatan ng kamay ng mga taong ayaw sa kanya. Namanhid na ang pisngi niya sa mga sampal. Pero nagpapasalamat pa rin siyang hindi nito itinuloy.
Ngumiti siya sa matanda at inabot dito ang USB. "Huwag ho kayong mag-alala. Hindi ko ho sisirain ang araw n'yo. Pakibigay na lang ho 'to kay Thad." Pilit na pinahawak niya sa matanda ang USB. "Aalis na po ako."
Walang lingon na tinalikuran niya ito.
Nang makalabas ay doon na bumuhos lahat ng mga emosyon niya - naiyak siyang tuluyan habang naglalakad.
Mahal niya si Thad pero masyado yata niyang kinalimutan na sobrang layo ng estado nila sa buhay. Tama naman ang ama nito. She was a nobody.
Isa nga siyang Rama pero hindi naman siya tanggap ng pamilya ng papa niya.
"PUMUNTA KA SA opisina kanina?!" naringgan niya ng inis ang boses ni Thad. "Hindi mo ba natanggap ang reply ko sa'yo?" Marahas nitong inilapag sa dining table ang naiwan niyang ID sa guard.
Natuon ang tingin niya sa ID niya sa mesa. "Thad -" Nag-angat siya ng tingin pero galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito sa kanya.
"Sinabi ko may backup ako. Paano kung nakita ka ng tatay ko kanina?"
"Hindi niya -"
"Paano kung nakita ka nga," may diin na ulit nito.
Napakurap si Sanna. Pakiramdam niya ay hindi niya kilala ang Thad na nasa harapan niya. Kahit na nag-aaway sila ni Thad ay hindi naman ito ganoon sa kanya. Pero aminado siyang napapadalas na ang away nila simula pa noong isang buwan. Minsan, nakakatulugan na niya ang pag-iyak niya.
"Thad, mag-aaway na naman ba tayo?"
Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Pagod na pagod na siya sa totoo lang. Kanina pa siya naiinis sa sarili niya. Hindi siya nakapasok dahil naiwan niya ang ID niya. Naglakad siya pauwi kasi naubos ang pamasahe niya sa taxi. Nagkapaltos na ang mga paa niya. Gustong-gusto na niyang umiyak nang mga oras na 'yon pero pinipigilan niya ang sarili. Pagod na pagod na siyang i-explain ang sarili niya. Paulit-ulit na lang kasi silang ganito.
"Napag-usapan na kasi natin 'to noon."
"Alam ko... at saka wala akong natanggap na reply mula sa'yo." May himig ng hinanakit ang boses niya. "Kasi kung mayroon... hindi naman ako pupunta eh."
Marahas na bumuga ng hangin si Thad. "Sanna, please understand. Marami akong iniisip na trabaho ngayon. Hindi sa lahat ng oras ay na sa'yo ang atensyon ko."
Nasaktan siya roon.
"Thad, hindi ako nagpapapansin sa'yo. Pumunta ako roon kasi alam ko sobrang importante sa'yo ang laman ng USB na 'yon."
"It's not what I meant -"
"Then ano?!" Lalong bumigat ang kalooban niya sa kung paano siya sagutin ni Thad. He sounded annoyed of her. Hindi ito ganoon sa kanya noon. "Kasi 'yon ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo." Mapait siyang ngumiti rito. "Na papansin ako."
"Sanna!"
"Totoo naman, 'di ba?" Her lips trembled. Lalong nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. "Iniisip mo na siguro minsan... na sinasadya ko na... na papansin ako... na hindi ako nakakaintindi... naiinis ka na sa'kin."
"Sanna, puwede ba?"
"Ngayon lang naman ako pumunta doon, Thad. Pero bakit kung kausapin mo ako parang ibang tao ako? Bakit ganito ka? Natatakot ka bang masira ulit ang relasyon n'yo ng Papa mo dahil sa'kin?" Hindi na niya napigilan ang mga luha niya. Nasasaktan siya dahil hindi siya matignan nang diretso ni Thad. "Thad..."
"Hindi mo kasi naiintindihan." Muli nitong sinalubong ang mga tingin niya. "Sanna, alam mo kung gaano ka importante sa'kin 'to."
"Alam ko," she sobbed. "Thad, alam na alam ko."
"I'm doing my best for the both of us."
"Para ba talaga sa ating dalawa o para sa sarili mo?"
Hindi nakaimik si Thad.
"Alam mo," Sanna continued. "Sa nakalipas na ilang linggo... sinubukan kong intindihin ka... kahit na nasasaktan na ako... kahit na nagseselos na ako... kasi ayaw kong mag-away tayo lagi." Nayakap na niya ang sarili sa pagitan ng pag-iyak. "Kaso nakakapagod din palang paulit-ulit na ipaglaban ang isang bagay na ikaw lang mag-isa." Napayuko na siya.
"I'm sorry."
Naipikit niya ang mga mata, kagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng hikbi. Pakiramdam niya ay mag-isa na naman siya. Alam niya na kung saan papunta ang usapan na 'yon. Hindi na niya kailangang hulaan pa. Matagal na niyang nararamdaman na lumalayo na sa kanya si Thad. Na nagiging pabigat na siya rito.
"Sa tingin ko... dapat muna siguro nating bigyan ng space ang isa't isa," basag ni Thad.
Lumuluha na iniangat niyang muli ang mukha sa kanya. "'Yon ba talaga ang gusto mo?"
Tumango si Thad.
Nabalot sila ng katahimikan.
Ang sakit-sakit sa dibdib.
Kahit sobrang hirap sa kalooban niya ay tumango si Sanna. "Sige... kung saan ka masaya..." Sinubukan niyang ngumiti sa kabila ng mga luha niya.
"I'm sorry."
Tinalikuran siya ni Thad at naglakad na sa direksyon ng pinto.
"Naiintindihan ko kung hindi mo ako kayang piliin," habol niyang sabi na nagpahinto kay Thad sa paglalakad. Lalo siyang naiyak. "Pero sana huwag mong kalimutan 'yong pagmamahal na sinabi mo sa'kin. Kasi Thad, umaasa pa rin akong hindi nagbago iyon."
Hinintay niyang magbago ang isip nito. Na haharapin siya nito at yayakapin. But Thad walked away without looking back.
Bigla siyang nawalan ng lakas at tuluyan nang napaupo - iyak nang iyak habang yakap ang sarili.
Umasa siya na susubukan ni Thad na sagipin ang relasyon nila. Na gaya ng mga naunang away nila ay mapag-uusapan lang nila. Even at the last seconds after his sorry. She prayed in silence that he'll save their relationship. Pero hindi nito ginawa. He already gave up on her.
Dasal siya nang dasal na sana may taong pipili sa kanya sa huli. Pero gaya ng mga taong minahal niya. They still choose the things that makes them happy.
Iniisip ko, kailan kaya 'yong araw na na ako naman ang pipiliin? Kailan kaya 'yong pagkakataon na ako naman ang magiging dahilan ng saya sa buhay nila? Kailan kaya magiging importante sa ibang tao si Susanna Evangeline Rama?
MARCH 16, 2011
MAG-ISANG NAGHIHINTAY SI Sanna sa labas ng graduation hall. Tapos na ang graduation pero suot pa rin niya ang toga niya. Pero walang Kuya Si, Kuya Jude, at Thad na dumating.
Masaya ang lahat habang yakap ang mga magulang nila at nag-pi-picture sa mga kaibigan nila. Pero heto siya, mag-isa, hinihintay pa rin ang mga kaibigan niya.
She stayed in the stone bench until afternoon, hanggang sa nawala ang init at napalitan ng pagkulimlim ng langit. Wala nang tao. Tahimik na ang paligid. Nakaupo lang siya, naghihintay sa kanila.
Nakatanggap siya ng message sa cellphone na hawak niya. Akala niya ay galing kina Jude o Simon pero galing pala sa Tita Cass niya.
I hope you haven't forgotten our agreement, Sanna. Tapos na kami sa responsibilidad namin sa'yo. You're old enough to decide on your own. Huwag mo na kaming gambalain ng ama mo. Don't worry, dinagdagan ko ang laman ng savings mo. I hope it's enough for you until you find a decent job. - Tita Cass
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay bumuhos din ang kanina pa niya pinipigilan na mga luha.
Okay lang sa kanya na talikuran na siya ng ama niya pero umasa siya na kahit na hiwalay na sila ni Thad ay tutuparin nito ang pangako nito sa kanya. Hindi niya sinabi kina Jude at Simon na hiwalay na sila ni Thad. Balak niyang ipaalam sana ng personal pero simula kahapon ay wala na siyang balita sa dalawa.
Kahit noong maghiwalay na sila ni Thad ay madalang na niya itong makita sa bahay nito. Sinisilip pa rin niya ito. Minsan umuuwi ito. Minsan ay hindi. Miss na miss na niyang makita ulit si Thad pero sa tingin niya ay siya na lang ang nakakaramdam no'n.
Sabagay, masaya naman na ito. His father is proud of him. Saka baka magkasama na naman sina Thad at Camille.
Tinignan niya ang kamay niya kung saan suot niya ang promise ring na bigay ni Thad sa kanya. Lalo lamang siyang napahagulgol ng iyak. Niyakap niya ang sarili at hinayaan na lang na mabasa siya ng ulan.
Walang mga kaibigan.
Walang pamilya.
Mag-isa ka na naman Sanna.
NAGLAKAD LANG SI Sanna pabalik ng bahay kahit umuulan. Wala rin naman siyang maparang taxi dahil basang-basa na siya. Maga na ang mga mata niya kakaiyak. Sira na rin ang cellphone niya dahil nabasa sa ulan.
Huminto siya sa harapan ng bahay nila Thad. Walang ilaw. Walang tao. Pero sa mga oras na 'yon nagbalik sa kanya lahat ng mga magagandang alaala niya na kasama ang tatlo.
Mapait siyang napangiti pero sumama na naman ang mga luha niya. Nabitiwan niya ang hawak na cap at sinubukang pumasok sa bahay. Hindi lock ang gate kaya nakapasok siya. Umiiyak na kumatok siya nang paulit-ulit sa pinto.
"Kuya Si! Kuya Jude!" sigaw niya kahit alam niyang walang tao roon. Kahit walang makakarinig sa kanya. "Thad..." Iyak siya nang iyak. "Na saan ba kayo? Akala ko ba... akala ko ba sasamahan n'yo ako sa graduation ko?" Katok pa rin siya nang katok. "Kahit ngayon lang... kahit bukas kalimutan n'yo na ako... ngayon lang talaga... sige na, please..."
Tuluyan na siyang napasalampak ng upo sa sementadong sahig.
"Buksan n'yo naman 'to oh," she begged. Naisandal na niya ang ulo sa katawan ng pinto. "Kahit ngayon lang... ako naman piliin n'yo..."
MARCH 23, 2011
NGAYON LANG SIYA nagkalakas ng loob na umuwi ng Ginatilan. Pagkatapos ng graduation ay umalis na siya ng bahay. Iniwan niya ang mga gamit niya roon at dinala lamang ang mga importanteng bagay na kaya niyang dalhin. Wala siyang sinusundang direksyon. Kung saan-saan lang siya nakarating. Bumalik siya sa St. Catherine's pero hindi rin siya nagtagal. Pinuntahan niya ang mga lugar na matagal na niyang gustong balikan at nanatili roon.
Wala na siyang balita sa papa niya. Wala rin siyang balita sa mga kaibigan niya. Ang cellphone niya kung saan naka save ang mga number ng mga importanteng tao sa buhay niya ay sira na. Hindi rin niya pinakialaman ang savings niya. Ang pera niya sa pagpipinta at ipon niya sa allowance na ibinibigay ng papa niya ang ginamit niya.
Inilapag niya ang mga puting daisies sa harapan ng puntod ng mama niya. Akala niya ay may mababalikan pa siya. Pero wala na ang mama niya. Ang tanging iniwan na lamang nito sa kanya ay ang photo album at sulat kamay nito para sa kanya.
"Mama..." Yumugyog ang mga balikat niya sa pag-iyak. "I'm sorry. Sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo... sorry dahil kinalimutan ko ang pagmamahal na pinaramdam n'yo sa'kin..." Sobrang bigat ng dibdib niya. Hindi siya makahinga nang maayos. Ang sakit-sakit. "Mama... hintayin n'yo ako, ha? Saglit lang." Lalo siyang napahikbi. "Mahal na mahal kita."
Sanna, anak ko. Pasensiya na kung naging mahina si Mama. Alam mo, akala ko hindi ako masasaktan noong iwan mo ako. Na kaya kong magpatuloy sa buhay na wala ka. Pero ang hirap pala, anak. Akala ko ay mas higit ang pagmamahal ko sa Papa mo. Pero hindi pala. Mas kaya kong tiisin na hindi makita ang Papa mo kaysa sa'yo. Hinanap kita. Pinuntahan kita sa Papa mo. Pero nakita kong masaya mong niyayakap ang Papa mo roon. Nabalitaan ko rin na pag-aaralin ka din daw niya sa isang private school. Natuwa ako, anak. Kasi 'di ba? Private school 'yon. Mas mapapabuti ka. Mas gaganda ang kinabukasan mo kaysa sa kinabukasan na maibibigay ko. Kaya hindi na kita ginambala pa. Hinayaan na kita sa Papa mo.
Pero lagi akong nakabantay sa'yo. Kapag may pera si Mama. Lumuluwas ako hanggang Carcar para masilip ka. Sinusundan kita hanggang sa bahay mo. Pati noong graduation mo, nasa labas ako. Hinihintay kita, anak. Ang ganda mo nga noong sinundo ka ng Papa mo kahit sobrang tagal niyang dumating.
Noong college ka naman. Nalaman ko kung saan ka nag-aaral. Ang ganda ng university mo, anak. Siguro napakagaling ng mga teachers mo riyan, ano? Proud na proud ako sa'yo. Sana nagpipinta ka pa. Pasensiya na, ha? Kung naging sobrang higpit ko sa'yo noon. Sa totoo lang, gandang-ganda ako sa mga drawings mo. Lagi ko nga 'yang ibinibida sa Papa mo. Kaso ayaw niya. Sorry, ha? Kung sobrang tagal na realized ni Mama ang mga mali niya. Sana mapatawad mo ako, anak. Kasi mahal na mahal pala kita. Ikaw lang ang nagmahal sa'kin nang sobra. Pero hindi kita iningatan.
Nga pala, nandoon ako noong graduation mo. Hindi ako pinapasok ng guard kasi wala ako noong parent's stub daw. Naawa yata sa'kin ang guard kaya pinapasok niya ako. Pinasamahan niya ako sa isang guard. Sakto pagkarating namin ay ikaw na ang tinawag sa stage. Naiyak ako na makita kang naglalakad sa stage. Naisip ko na siguro, sobrang proud sa'yo ang Papa mo sa'yo. Kasi anak, sobra, as in sobrang proud na proud ako sa'yo.
Hindi na ako nagpakita kasi nahihiya ako sa'yo.
Masaya ako na makita na masaya ka. Kaya hahayaan na kita. Magpapahinga na si Mama. Patawarin mo sana ako sa lahat ng mga pagkakamali ko. Hindi ako naging mabuting ina sa'yo. Masyado akong naging mahina.
Anak, pagod na pagod na si Mama. Gustong-gusto kitang mahalin nang sobra-sobra pero hindi ko alam kung paano gagawin 'yon.
Pero sana mapatawad ako ng Dios sa gagawin ko at pahintulutan niya ang hiling ko. Kung totoo man ang pangalawang buhay. Puwede bang... ako pa rin ang maging ina ni Susanna Evangeline?
Mama
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro