Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

HINDI MAIWASANG SILIPIN ni Sanna sa likod si Thad na nakasunod pa rin sa kanya. Nakapamulsa at sa tuwing nahuhuli siya nito ay ikinikiling nito ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha niya. Sumisikdo ang puso niya sa tuwing ngumingiti ito sa kanya – actually, may pang-aasar na ngiti.

Saan ba kasi bahay nitong si Thaddeus? Maliit lang naman 'tong village. Bakit 'di pa rin siya nilulubayan?

"Ahem," Thad cleared his throat.

Bigla siyang huminto at hinarap ito. Naglalaro pa rin ang ngiti sa mukha nito.

"Huwag mong sabihing dito rin banda ang bahay n'yo?"

Nangislap ang mga mata nito sa pagtawa. "Alam mo," he trailed off and stepped forward. Napalunok tuloy siya. Unti-unti na niyang naririnig ang tibok ng puso. "Sa tingin ko magkapitbahay lang tayo." He pointed his head to his left. "Ito bahay ko."

Napakurap siya at napabaling sa kanyang kanan at napaturo roon. "Hayan ang bahay ko," she muttered, hindi niya matukoy kung nalilito siya o namamangha sa nangyayari, probably in the middle if puwede 'yon.

Sanna katapat lang ng bahay mo ang bahay ni Thaddeus Bernardo Apostol!

"I guess we will be seeing each other often now," he chuckled.

And all she did was to stare at his face like an idiot. Tinakasan na yata siya ng natitira niyang good neuron na kayang mag-process nang matinong response.

She pressed her lips and awkwardly smile. "Is that a good thing?"

Thad smiled. "It will be a good thing." Binuksan na nito ang green wrought iron gate na mataas lang dito ng limang inches lang yata.

Ganoon din ang gate niya pero white naman. Their house is almost the same size. May second floor ang bahay nito samantalang malawak na ground floor lang ang kanya. Buhay na buhay ang front garden niya dahil sa bermuda grass at mga paso ng mga bulaklak at mga halaman while Thad's front garden was as lifeless as the faded beige color of his house na mukhang ilang taon nang hindi napinturahan. Nakaharap ang isang particular sa bintana na may iron grills sa bahay niya.

Sinong mag-aakala na dalawang future architects at isang engineer ang nakatira sa bahay na 'yon?

Lihim siyang natawa.

"May nakakakatawa ba?"

Mabilis na pinaglapat niya ulit ang mga labi nang marinig ang tunog ng sariling tawa. Gosh, Sanna! Sabing lihim na tawa hindi bonggang tawa. Pero sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha ni Thad ay tila na amuse lang ito sa kanya.

Natawa lang si Thad sa kanya at muling lumapit. Natigilan siya nang bigla nitong inabot ang kanan niyang kamay at nilagay roon ang tatlong potchi na candies. Naiangat niya ang mukha sa nakangiti nitong mukha.

"Mahilig ka ba sa matamis?"

"Okay lang," tipid na sagot niya kahit na sobrang hilig niya talaga sa mga matatamis.

"Then sa'yo na lang. Pang-dessert mo."

Napangiti siya. "Thank you, Thad."

"You're welcome." Ito mismo ang nagkuyom ng kamay niya para 'di mahulog ang ibinigay nito bago siya bitawan. His smile remained on his face. "And it was nice seeing you again, Sanna."

"Ako rin."

He stepped back. "I'll see you around... for real."

Tumango siya, tumalikod at dahandahang naglakad papasok sa gate ng bahay niya. Muli pa siyang sumilip. Wala na si Thad pero 'yong ngiti niya 'di niya maalis sa mukha.

Parang batang nasilihan na pumasok siya ng bahay. Nasa sala pa lang siya ay nagtitili na siya sa kilig.

Omggggg!

"Aray!" Napangiwi siya nang tumama ang isang daliri niya sa paa sa nakaharang na mesa na 'di niya maalalang iniwan niya roon kaninang umaga.

Gusto niya magmura.

Ang sakit!!!

Pero sandali lang 'yon nang maalala ulit ang nakangiting mukha ni Thad. Hinubad niya ang bagpack at nilapag 'yon kasama ng bulsita ng pagkain. Patalon-talon siyang naglakad gamit ng isang paa sa direksyon ng DVD player niya sa sala kasama na may naka-connect na dalawang malalaking itim na speaker. Isinalang niya ang CD ng MYMP at agad na pumailanlang ang isa sa mga paborito niyang kanta.

"Lookin' in your eyes I see a paradise," sabay niyang kanta habang isa-isang nililinis ang mga kalat niya kaninang umaga. Ang dami pala. "This world that I've found is too good to be true. Standin' here beside you. Want so much to give you. This love in my heart that I'm feeling for you."

Pero sa sobrang saya niya ay kahit pa buong village ay lilinisin pa niya.

 "Let 'em say we're crazy!" Ginawa niyang microphone ang nahablot niyang feather duster. "I don't care about thaaaaaat!" Pumiyok pa siya, but she didn't care. Tuloy ang kanta Sanna! "Put your hand in my hand! Baby, don't ever look back! Let the world around us just fall apart. Baby, we can make it! If we're heart to heart –" Nasamid siya bigla dahil kinulang na siya ng hangin.

Natawa lang siya sa sarili. 

And we can build this dream together. Standing strong forever. 

Nothing's gonna stop us now. And if this world runs out of lovers. We'll still have each other. Nothing's gonna stop us. Nothing's gonna stop us now.




"AGA MO, AH?"

"Hindi ako tumuloy sa practice." Sumalampak agad ng upo si Jude sa sofa. "Pagod na ako." Nakatingin lang sa harap pero mas tamang sabihing tulala. "Ayoko na mag-aral. Mag-aartista na lang ako."

Tinawanan niya ito. "Umuwi ka ng Carcar at sabihin mo 'yan sa tatay mo."

Marahas itong bumuntonghininga at inis na inis na ginulo ang buhok. "Yawa!" Jude groaned at tuluyan nang humiga sa sofa na mas maliit pa rito. "Bakit ang hirap ng mga subject natin ngayon? Hindi ko na maramdaman ang utak ko. Piste ba oy!"

Lalo lang siyang natawa. "Kumain ka na?"

Pinapatuyo pa niya ang basang buhok gamit ng puting tuwalya. Mamaya ulit siya mag-re-review.

"Hindi pa."

"May itinabi ako sa kusina."

"May tira pang Coke sa ref?"

"Hindi ko napansin."

Nagusot ang mukha nito. "Kapag nawala 'yon si Simon na naman uminom. Ang Hapon na 'yon talaga napakaburaot." Tumayo ito at nagtuloy sa kusina na adjacent lang din ng sala. Naririnig niya lahat ng kilos ni Jude mula sa pag-alis nito ng takip sa itinabi niyang ulam hanggang sa marahas na pagbukas nito ng ref. "Simooooooon!"

Huhulaan niyang nilimas na naman ng bibig no'n ang Coke ni Jude.

"Sabi na e! Wala talaga akong tiwala sa bibig ng 'sang 'yon."

Natawa na lang ulit siya at napailing. Ano bang bago sa dalawang 'to? "Sa susunod nga ay lagyan n'yo na ng pangalan 'yang mga gamit at pagkain n'yo."

"May pangalan o wala aangkinin pa rin niya! Walangya 'yon!"

Sumilip siya sa labas at napansin niyang bukas pa ang ilaw sa bahay ni Sanna. Maaga pa naman. Alas syete pa naman din nang huling tingin niya sa wall clock. Nag-re-review siguro ito ngayon.

Naalala niya ang naabutang eksena kanina sa rooftop. 

Will she be fine?

Hindi niya alam ang mararamdaman kung nahuli siya ng pagdating. He didn't even want to entertain the idea of Sanna dying in front of his eyes. She has a brighter future ahead of her. He does not want her to lose that chance.

Wala talaga siyang plano na umakyat sa rooftop kanina pero bigla na lang pumasok sa isip niya ang assignment niya. Plano niyang i-drawing ang buong school mula sa itaas. Next week pa naman ang pasahan no'n talaga. Inaamin niyang may hobby rin siyang mag-procrastinate pero kanina pakiramdam niya ay kailangan niyang i-draft sketch 'yon at kapag hindi niya ginawa ay pagsisihan niya. 

Sana pala hiningi ko ang number niya, but that would be weird. Naglapat ang mga labi niya habang nakatingin pa rin sa katapat na bahay. I should trust her. Sanna is strong. She won't do it again. I will make sure she will not do it again. 

Pero hindi niya rin maiwasang isipin kung ano ang nagtulak dito para gawin 'yon. She must have been through a lot these days. 

"Sino tinitignan mo riyan?" Nakatayo na pala si Jude sa tabi niya habang nagbabalat ng saging.

"Remember the girl who inspired me to pursue architecture?"

Kinagatan nito ang saging na hawak at tumango. "Si Susan?"

He frowned at Jude.  "Si Susanna," pagtatama niya.

Malakas na tumawa ito at napakamot sa batok. "Sabi ko nga kulang ng A."

"Dalawang N ang Susanna niya."

Kumunot ang noo ni Jude. "Bakit alam mo?"

"Alam ko lang." Iniwan na niya ito at pumasok ulit sa loob ng bahay.

Sumunod naman ito sa kanya. "So kailan mo kami ipapakilala kay Ms. Pursue Your Passion?" Jude chuckled. Pero halata namang nang-aasar lang ang ungas.

"Kapag 'di ka na Hudas."

Lalo itong natawa. "Kailan kaya 'yon mangyayari?"

"Same question. Kailan kaya?"

"Hoy Thaddeus! Mabait ako 'di lang halata."

"Kapag tulog maniniwala pa ako."

"Picture-an mo nga ako kapag tulog ko tignan ko."

"Gago!"

"Hahaha!"




SANNA STRAIGHTENED THE crumpled letter as she pressed her lips in a thin smile.

If Thad did not come on time ay marahil umabot na ang sulat na 'to sa papa niya. Humugot siya nang malalim na hininga at bumuga ng hangin. Itiniklop na niya ang sulat at inipit sa isa sa mga pahina ng kanyang diary bago ibinalik sa drawer ng study desk niya.

Inayos niya ang picture frame nila ng kanyang ama and smiled.

"Lalaban pa ako, Pa. I can make you proud."

Kaya laban, Sanna!

Lumabas siya ng kwarto para magtungo sa kusina. Nakalimutan niyang mag-refill ng tubig sa water tumbler niya. Lalagyan niya na para 'di maputol ang momentum niya sa pag-re-review. Pabalik na sana siya ng kwarto nang mapansin niyang may isang jalousie window na hindi niya naayos ng sara.

Lumapit siya roon pero imbes na isara agad 'yon ay nanatili pa siya roon nang makitang kita pala roon ang bintana sa harap ng bahay ni Thad. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Thad doon. 

Wait, huwag mong sabihing kwarto 'yon ni Thad?

Bigla siyang nagtago mula sa sa saradong parte ng bintana. Natutop niya ang bibig kasama ng hawak niyang water tumbler.

Hindi naman niya ako nakikita sa view niya, right?

Muli siyang sumilip. Sa tingin niya ay located ang study desk nito sa bintana. Maliwanag kasi ang part na 'yon pero pansin niyang medyo dim ang likod nito. 

Tinatapik-tapik nito ang hawak na highlighter sa noo at minsan inaayos ang itim na salamin sa mata. She couldn't help but sighed dreamily at the precious sight. 

Ang cute naman niyang mag-aral kahit seryoso.

Mukhang may minimemorya ito. Naaliw siya sa mabilis na pagbabago ng expression ng mukha nito. He will frown then biglang ngingiti at tatawa na para bang may na realize itong nakakatawa sa sarili bigla. 

Ano na Sanna? Huwag mong sabihing Thaddeus Bernardo Apostol ang isasagot mo sa exam bukas? 

She found herself giggling at the thought then she realized how crazy it was kaya kinutusan niya ang sarili. Pinukpok niya ang tumbler sa noo.

"Ouch!" She winced in pain. 

Isarado mo na 'yan Susanna Evengeline!  Mabigat man sa loob ay isinirado na niya ang bintana. Oo na! Oo na! Mag-aaral na nga po. 





SUMILIP-SILIP SI SANNA sa labas ng gate ng bahay ni Thad kanina. Pagkauwing-pagkauwi niya mula sa NSTP ay nag-bake agad siya ng mango cake. Pang-umaga naman siya at natapos agad ang exam. Hindi pa niya pormal na we-welcome ang bago niyang neighbors. Mamaya kasi mukhang walang tao. Naging busy talaga rin siya sa midterms. 

Nagbigay rin siya ng muffins sa mga malalapit ka kapitbahay niya noong unang araw niya sa village pati na rin sa guard. Mabait naman halos ang mga kapitbahay niya at madalas pa siyang bigyan ng mga pagkain kapag may birthday at okasyon.

Mag-isa na siya sa bahay ayaw niya rin naman alikabukin dito sa village. Gusto rin naman niya magkaroon ng mga kaibigan din. 

Napangiti siya nang isalang na niya ang cake pan sa oven habang nag-ha-hum ang kantang Beautiful Days ni Kyla. "Every little thing is just so beautiful when I'm with you," kanta na rin niya. Inilagay niya sa tamang temperature para 'di masunog.  "I see beautiful days with you... I feel beautiful ways of loving you..." 

Her smile grew.

Nilinis na niya ang mga kalat niya. "You've touched my heart so deeply... and I can't thank God enough..."

Nang matapos ay pumunta muna siya ng sala para ilagay sa round glass table ang flower vase na may bagong bulaklak. Pag-angat niya ng tingin ay napatingin siya sa mga bintana at napansin ang isang lalaki na nakasuot ng ROTC uniform na pilit inaakyat ang gate. Lumabas siya para tignan kung sino 'yon. 

Namilog ang mga mata niya nang makilala ito. "Simon?!"

Lumingon ito sa kalagitnaan ng pag-aakyat bakod nito. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. Natawa naman siya sa itsura nito. Kagat-kagat nito ang sombrero na kapareho ng design ng uniform nito. Nasa likod pa rin naman nito ang itim na backpack. 

"Anong ginagawa mo?"

A sly grin plastered on his face at dahan-dahan ulit na bumaba.  Tumatawang pinagpag nito ang slacks at umayos ng tayo. "Sanna, right?" She nodded. "Nabanggit ka na sa'kin ni Thad kahapon. Simon nga pala." Iniangat nito ang isang kamay sa kanya. "Simon Ryusei Takeuchi!"

"Alam ko."

"Oo nga naman, same school." Malakas itong tumawa. 

"Ikaw pa lang? Saan sina Thad?"

"Hindi ko alam. Malas, ang sama ng timpla ng tiyan ko." Ah, kaya pala panay ang hawak nito sa tiyan. "Umuwi akong maaga. Hindi ko na tinapos ang ROTC practical exam ng mga freshmen. Wala bang iniwang susi si Thad?"

Umiling siya. "Wala e. Maaga akong umalis kanina." Napangiwi ito. Napansin din niyang namumutla na si Simon. "Baka gusto mong mag-stay muna rito sa bahay ko," agap niya. 

"Puwede magbanyo?"

Mabilis siyang tumango. "Oo naman!"

Agad itong tumawid para makalapit sa kanya. "Salamat." Tumango lang siya at naunang pumasok sa bahay. Hawak-hawak pa rin Simon ang tiyan at mukhang nagpipigil na lang. "Saan banyo n'yo?"

"Ayon." Itinuro niya ang pinto na may nakadikit na crochet ng bulaklak sa pinto malapit sa pinto ng back door kung saan siya naglalaba at nagsasampay.

"Thanks!" Mabilis itong tumakbo roon.

Natawa na lamang siya pagkatapos. 

Mukhang may hindi makakakain ng cake mamaya ah.

Oh, speaking of cake! Ang cake ko nga pala. Gosh!  Bawal 'yon masunog. Sayang effort!





"PASENSIYA NA SA abala, Sanna." 

Hindi na yata niya mabilang kung ilang beses niyang narinig 'yon kay Thad. Natatawa na lang tuloy siya.

"Ang kulit talaga!" Thad clicked his tounge saka ibinato kina Jude at Simon ang hand towel nito. Nasa labas sila ng bahay niya at nagkukulitan at nag-aagawan ng muffin 'yong dalawa na sa mga oras na 'yon ay tangay ni Simon. 

"Hoy, Takeuchi, akala ko ba masama tiyan mo?!" reklamo ni Jude.

Bumungisngis si Simon. "Mabait na siya ngayon." 

Ang lakas ng tawa ni Jude. "Gago ka talaga! Halika nga rito." Muntik na nitong mahuli sa braso si Simon pero mabilis talaga ang reflexes nito. "Ang dami mo nang nakain niyan! Magtira ka naman oy!"

"A.Y.O.K.O!"

"Hay nako!" Napailing-iling na lamang si Thad.

"Hayaan mo na. Cute nga e." Naupo siya sa gutter sa gilid ng daan. Tumabi rin ito sa kanya. "Masaya kaya magkaroon nang makukulit na mga kaibigan."

"Pero mas marami ang stress."

Natawa siya. "Pero masaya," ulit niya. 

"What about you? Wala ka bang mga kaibigan?"

"Meron naman pero hindi 'yong kagaya na mayroon kayong tatlo," nakangiti niyang sagot.

"Why?"

She shrugged her shoulders and glanced at him. "Hindi ko rin alam."

"Mapili ka siguro," he chuckled as he propped his legs forward para may kunin sa bulsa ng jeans nito. 

"Hindi naman yata. Ang bait ko kaya."

"Ah, talaga?" may pang-aasar sa tuno ng boses nitong balik tanong. 

"Ano 'yan?" tukoy niya sa nakatiklop na panyo sa palad nito. Thad slowly unfolded it in front and saw a pair of four-leaf clovers.

"I saw these from Plaza Independencia earlier."

"Ano ginagawa mo roon?"

"Ginuguhit ang buong plaza." Nakangiting iniangat nito ang mukha sa kanya. "I was planning to make this a key chain."

"Hindi ba kulang? Dalawa lang 'yan tapos tatlo kayo."

"It's not for Jude and Simon," he chuckled.

Napatitig siya rito. "E para kanino?"

"Para sa'yo."

Namilog ang mga mata niya. "Para sa akin?" Turo pa niya sa sarili. "Bakit?"

"They say it's rare to find a four-leaf clover and when a person finds one, meaning good things will come. 'Yong apat na leaf means faith, hope, love, and luck." Nagtama ang mga mata nila. "And I'm giving you two leaf clovers para kapag naubos mo na 'yong isa. Meron pang isa." 

Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya. 

"I know things are hard now, but we'll get through this together." 

Gusto niyang umiyak sa harap nito nang mga oras na 'yon sa saya pero pinigilan niya. Baka isipin pa nitong nababaliw na siya. 

"Pero saka ko na ibibigay. Ipapa-laminate ko muna. Okay lang ba?"

She nodded. "Oo naman. Pero bawal mo na 'yang bawiiin. What is mine is already mine."

Natawa ito. "Noted."

"Thanks, Thad."

"Welcome!"

"Sanna-chan!" Napasinghap siya sa biglang pagtabi ni Simon. Natulak tuloy siya sa katawan ni Thad. Narinig din niya ang pagkagulat ni Thad mabuti na lamang at mabilis siya nitong naalalayan. "Kailan ka gagawa ulit ng mga muffins?"

Bahagya siyang lumayo kay Thad - nailang silang pareho. Pero ang pahamak niyang puso ay malakas pa rin ang tibok. 

Naupo rin si Jude sa tabi ni Thad. Nahuli pa niya ang pagsiko nito sa pinsan nito pero tinawanan lang siya ng huli na may pasak-pasak ng lollipop sa bibig. 

"Meron pa ako sa bahay. Ibibigay ko na lang kung gusto n'yo pa. Pero okay na ba 'yang tiyan mo?"

Tinapik nito ang tiyan. "Huwag kang mag-alala matibay pa sa bakal ang tiyan na 'to," anito bago tumawa nang malakas. 

Nahawa siya sa tawa ni Simon. "Mukha nga."

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Takeuchi," ni Jude. "Ilang tier na ba 'yan?"

"Kasing kapal na ng sungay mo, Savio!"

"E 'di wow!"

"Hahaha!"

"Magtigil na nga kayong dalawa. Mahiya kayo kay Sanna," kontra na ni Thad. "Ang bait-bait ng tao sa atin pero inaabuso n'yo." Pero sa expression ng mukha ni Thad ay mukhang nagbibiro lang ito sa dalawa. 

Natawa lang tuloy siya.


2020 PRESENT

THAD DIDN'T NOTICE Sanna followed him outside. Kanina pa talaga ito tahimik. Maingay pa rin sina Jude and Simon but he kept his silence with a smile. Hindi pa tapos ang party niya. Actually, hindi pa nga nagsisimula. May hinihintay lang sila but she saw Thad na palabas ng bahay kaya sinundan niya. 

Naigala niya ang tingin sa paligid at napangiti. Sinabi ni Mari kanina na ito ang tinatawag nilang boardwalk. Nakilala niya ang asawa ni Jude. She was so sweet and beautiful. A ray of sunshine for Jude.

Hinawakan niya ang buhok para huwag tuluyang liparin ng hangin. The mix smell of sea and trees filled her lungs. Plus the sight was breathtaking. Tila ba dinala siya ng mga paa niya sa Greece. It has a romantic aura. Lalo na ang magandang commercial building na may rooftop. It reminded her of European stores fronting the sea.

Ang ganda!

Lalong-lalo na ang umiilaw na parola na kitang-kita mula sa kinatatayuan niya. 

"Sanna?"

Muling umihip ang hangin sa pagitan nila. Nilipad ng hangin ang buhok nito. Ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa kanyang buhok at hinayaang liparin din 'yon ng hangin. 

He just stared at her.

She smiled. "Thad."

He stepped forward, slowly, hanggang sa isang hakbang na lamang ang pagitan nilang dalawa. Umangat ang tingin niya rito.

"Ang ganda pala -" 

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang umangat ang isang braso nito para kabigin siya sa isang yakap. Feeling niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya ng ilang segundo. Gusto niyang maiyak pero 'di niya alam. She suddenly missed him. Umangat ang isa pang braso nito para mas maayos siyang mayakap. Kanina pa nanunuot ang lamig sa kanyang balat kahit sa suot na dress but the familiar embrace of Thad made her feel warm.

She smiled as she leaned her head on his chest. Hinayaan niya ang sariling yakapin ito pabalik. Lalo na nang humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Happy birthday, Sanna," he murmured.

"Thank you."

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang sintido. "I missed you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro