Kabanata 39
MID OF JANUARY 2011
NATIGILAN SI SANNA nang biglang bitawan ni Thad ang kamay niya. Her gaze locked with his hand that no longer holding her hand. Nang magsalita ang babae sa harapan nila ay saka lang siya nag-angat ng tingin. Hindi maproseso ng utak niya kung bakit nagawa 'yon ni Thad. She couldn't help but question his insensitive action.
"Oy, Thad, nandito ka pala?" Lumagpas ang tingin ng babae sa kanya. She looked older than Thad, probably around her thirties. "Girlfriend mo?"
"Kaibigan ko po," sagot ni Thad.
Natigilan siya.
Nakagat ni Sanna ang ibabang labi. She didn't expect those from Thad. Parang bigla siyang nanghina. But she tried her best to smile at the woman kasi nakatingin pa rin ito sa kanya.
"Hello po," nagawa pa niyang bati.
When she glanced at Thad's face, he was smiling – na para bang wala lang ang pagsisinungaling nito sa harapan niya.
"Schoolmate ko dati. Nagkita lang din kami," dagdag pa ni Thad.
Napakurap siya at napalunok. Hinawakan niya ang nanginginig na mga kamay para hindi 'yon mapansin. Why is Thad denying her? Anong nangyayari? Para siyang nabibingi ng mga oras na 'yon. Hindi na niya masundan ang pag-uusap ng dalawa dahil ang daming pumapasok na negatibong idea sa isipan niya.
"Well then, I'll see you in the office on Monday, Thad."
"Sige po, Ms. Ana."
"And nice to meet you..."
"Evangeline," mabilis na sagot ni Thad para sa kanya.
Ngumiti ang babae. "Evangeline," ulit nito sa pangalan niya. Tipid lang siyang tumango at ngumiti. "I'll go ahead."
Nang makaalis ang babae ay iniwan niya si Thad at dirediretso naglakad.
"Sanna!" sigaw nito, alam niyang humahabol ito sa kanya pero hindi siya huminto."Sanna!"
Binilisan niya ang paglalakad – halos tumatakbo na siya habang pinupunasan ang mga luhang hindi na niya nagawang pigilan. May kaunting hikbi na lumabas sa kanyang bibig. She didn't know what to feel. Pakiramdam niya ay ikinakahiya siya ni Thad kaya kaibigan lang ang pakilala nito sa kanya.
"Sanna!"
Nagawa siya nitong maabutan sa may terraces na ng mall kung saan sila namamasyal ni Thad. Hinihingal na nakahawak ito sa pupulsuhan niya. He looked in pain and regretful but those emotions didn't even console her heart.
"Ikinakahiya mo ba ako?" nasasaktang tanong niya rito.
"No. I'm sorry." Binitawan siya nito. "Hon, I didn't mean to hurt you. Si Ms. Ana 'yon. Secretary ng Papa ko. I don't know how to explain this... pero hindi puwedeng umabot sa Papa ko na girlfriend pa rin kita. Hindi ko sinabi sa'yo... kasi... alam ko na masasaktan ka."
Napakurap siya. "Sinabi mo sa Papa mo na hiwalay na tayo?"
He painfully nodded. "I had to."
"Why?"
"To protect you."
"I don't know." Tears welled up from her eyes at mabilis din niyang pinunasan ang mga luha niya. Nasasaktan siya nang sobra. Hindi niya alam kung paano aaluin ang sarili. "Hindi ko alam ang mararamdaman ko, Thad. Siguro... kailangan ko muna ng oras para isipin ang lahat... 'di ko alam... saka na lang natin pag-usapan." Lumunok siya. "Magkita na lang tayo sa bahay."
Tinalikuran na niya si Thad at walang lingunlingon na na naglakad palayo.
GABI NA NANG umuwi siya.
She saw Thad waiting for her at her doorstep. Mukhang kanina pa ito roon nanghihintay sa kanya. He had spare keys pero mukhang mas pinili ni Thad na hintayin siya sa labas ng bahay kaysa ang pumasok.
"Sanna!" His face lit up when he saw her.
Tipid lang siyang ngumiti rito. "Bakit sa labas ka naghihintay?" mahina niyang tanong.
Tumayo ito at sinalubong ang tingin niya. Bumakas ang sobrang pag-aalala sa mukha ni Thad.
"Akala ko kung na paano ka na? Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hindi ka rin nag-re-reply sa mga text ko. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin."
"Sinabi ko naman sa'yo na uuwi ako."
"Alam ko."
"Gusto ko lang muna mag-isip."
"Sanna –"
Hindi niya napigilan ang mga luha niya. "Hindi ko lang kasi inasahan na gagawin mo 'yon sa'kin. Iba kasi 'yong alam ko sa hindi ko alam kung bakit kailangan mo akong itago. Sana, sinabi mo man lang sa'kin na ganito pala."
"Hon, I'm sorry." He cupped her face. "I'm sorry. I'm sorry." Pinagdikit nito ang mga noo nila. "Alam ko na kasalanan ko."
"Puwede bang bukas na lang natin pag-usapan pagod na ako." Bahagya siyang lumayo kay Thad. She didn't bother looking back at him. "Magpapahinga lang muna ako Thad," paalam niya saka ipinasok ang susi na nakuha niya sa bag sa keyhole para buksan ang pinto.
"Sanna –"
"Please, Thad."
Bumuntonghininga si Thad. "Sige. Pero bukas, dapat pag-usapan natin 'tong dalawa." Tumango siya nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa susi nang maramdaman niya ang paglapit ni Thad sa kanya mula sa likod. Bahagya siya nitong niyakap at hinalikan sa sintido. "Mag-uusap tayo bukas," anito. "Get some rest."
"NAG-AWAY BA KAYO ni Thaddeus?" curious na tanong ni Simon sa kanya pagkababa nito sa huling gallon ng tubig. Tinutulungan siya nitong ipasok ang tatlong gallon ng tubig sa bahay niya.
Maagang umalis si Thad. Nagpaalam naman ito sa kanya kanina. Pinapatawag ng Papa niya sa bahay kahit Linggo.
"May hindi pagkakaunawaan lang," sagot niya.
"Pansin ko nga. Hindi ko makausap nang maayos eh. Kung hindi kausap ang Papa niya sa cell phone ay tulala naman."
"Mag-uusap pa lang kami pag-uwi niya."
"Huwag n'yo patagalin ang away n'yo. Maganda 'yong pinag-uusapan n'yo agad para hindi na lumala." Inabutan niya ito ng isang basong tubig. "Salamat."
"Lagi ba niya kausap ang Papa niya?"
Kumuha na rin si Simon ng isang cheese bread mula sa plastic na ipinatong niya sa mesa. "Pansin ko, oo. Laging may utos sa kanya. Alam kong trabaho." Kinagatan nito ang cheese bread. "Kahit nakauwi na ay babad pa rin sa laptop niya," dagdag nito habang ngumunguya.
"Nabanggit nga niya na may malaking project ngayon sa kompanya nila at gusto ng Papa niyang i-involved niya ang sarili niya roon para ma close ang deal."
"Balita ko ay malaki-laki nga raw talaga ang business deal na 'yon. Isang Hong Kong based land developer. Pagpasensiyahan mo na 'yong si Apostol. Hindi sa kinakampihan ko siya dahil magkaibigan kami. Pero kilala ko 'yon. Kung may nagawa man siyang kasalanan sa'yo baka dahil madami lang siyang iniisip ngayon."
PANAY ANG TINGIN ni Sanna sa huling text ni Thad sa kanya habang hinihintay ito sa labas ng bahay niya. Ginabi na ito pero sabi naman ni Thad ay pababa na raw ito ng jeep. But that was 15 minutes ago. Kapag talaga hindi pa dumating si Thad ay sa gate na ng village niya ito hihintayin.
Pero nang may mamataan siyang lalaki na naglalakad sa direksyon niya ay agad niyang nakilala si Thad. Napangiti siya at tinakbo ang pagitan na distansiya nilang dalawa ni Thad.
"Thad!" yakap niya rito.
Halatang nagulat ito sa yakap niya but when she looked up at him ay nakangiti ito. Kahit na nagulat ito sa ginawa niya ay nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito.
"Hindi ka na ba galit sa'kin?"
Tumango at umiling siya.
He chuckled. "Ano ba talaga?"
"Kaunti pero gusto ko na mag-usap muna tayo."
Napangiti ito. "Sige." Sinapo nito ang likod ng ulo niya gamit ng isang kamay para halikan ang kanyang noo. "Anyway, kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Hinihintay kita."
"Kumain na ako sa bahay ni Papa." Ang alam niya ay may bagong biling condominium unit ang papa ni Thad sa city. Doon marahil ito pumunta. "Si Simon?" Kumalas na siya sa pagkakayakap dito but Thad held her hand as they walked together back to her house.
"Night shift. Saka last month na niya ngayon sa trabaho niya. Hindi siya puwedeng um-absent."
Pumasa na si Simon sa board exam noong December. Proud siyang sabihin na isa nang licensed civil engineer ang Kuya Simon niya. Pero nag-decide itong mag-resign noong December din bago lumabas ang result dahil sa plano nitong umuwi ng Japan kasama si Lola Simona. He didn't give her the full details pero sabi nito importante raw.
"First week of Feb pa pero alam mo naman ang 'sang 'yon, workaholic."
"Pareho lang naman yata kayo."
Thad chuckled. "Kaya nga kami magkakaibigan, 'di ba?"
"Kumusta naman si Jude?"
"He's doing fine. Medyo busy lang talaga sila ngayon. But may schedule na sila papuntang US. Guess what?" Thad glanced at her with a smile.
"Ano?"
"Last week of March pa raw ang lipad nila kaya makaka-attend siya ng graduation mo."
Lumapad ang ngiti niya. "Talaga?!
Nakangiting tumango si Thad. "Oo. Kaya complete kami sa March 16. We wouldn't miss your graduation, of course. Saka, na i-booked na ni Simon ang pagbalik niya ng Pilipinas bago ang graduation mo. He will be here."
Pagpasok nila ng bahay ay inilapag ni Thad ang knapsack nito sa sofa at sinamahan siya sa kusina. Nakahanda na roon ang supposed to be dinner nila. Tutal tapos na kumain si Thad ay siya na lang ang kakain.
Thad intimately wrapped his arms around her waist and kissed her exposed shoulder from her strapped sunset white daisy maxi dress.
"I'm sorry about yesterday."
Her hand remained on the food mantle she was adjusting earlier.
"Hindi ko sinabi dahil ayokong isipin mo masyado ang tungkol doon," pagpapatuloy ni Thad. "Alam ko na mababago ko rin ang isip ni Papa. I just need more time. Sa ngayon... hindi muna ako gumagawa ng mga bagay na alam kong pag-aawayin namin. I also don't want him meddle with us."
"Sa tingin mo... hanggang kailan natin itatago ang relasyon natin sa mga magulang natin?"
He rested his head on her shoulder at isinandal naman niya ang ulo sa ulo nito. Hinawakan na niya ang mga kamay na nakayakap sa baywang niya.
"Huwag mong sabihin na ayaw rin ng parents mo sa'kin?"
She chuckled. "They don't want me to be in relationship with anyone. Ako lang talaga ang matigas ang ulo."
Hinalikan siya nito sa pisngi. Thad whirled her around so she can face him. Hindi na ito nakayakap sa baywang niya but he held her hand.
Tipid ang ngiti na sinalubong niya ang mga mata nito.
"You haven't talked about them," basag ni Thad.
"I'll tell you when I'm ready." Kumawala ang isang kamay niya sa pagkakahawak nito para hawakan ang kabilang pisngi ni Thad. "You will meet them soon." Sanna gently tapped his cheek saka ibinaba ang kamay.
Napangiti si Thad. "Kapag hindi sila papayag. Itatanan na lang kita." Natawa siya. "Seryoso ako." He was smiling but he look so damn serious. Doon siya mas lalong natawa.
"Okay lang sa'kin."
"Bati na ba tayo?"
Tumango siya. "Nasaktan ako pero sana sa susunod, Thad. Ipaalam mo sa'kin para hindi ako nagugulat."
"I know." Inangat nito ang isa niyang kamay para halikan ang likod ng kanyang kamay. "I'm sorry."
"Okay lang. Pasensiya na rin."
"Wala ka namang kasalanan."
"Mayroon."
"Wala. Huwag mo isipin na mayroon." He gave her a kiss on the lips. "Importante okay na tayo."
"Magpahinga ka rin minsan." She cupped his face. Halata talaga ang pagod at kawalan ng tulog sa mukha ni Thad. He's overworking himself. "Pumapayat ka. Kumakain ka pa ba sa tamang oras?"
"Okay pa ako." He smiled reassuringly. "Huwag mo ako isipin."
"I hope your father is not abusing you," nanghahaba ang ngusong sabi niya.
Thad chuckled. "It's just work, Sanna. Ganoon talaga." Ibinaba na niya ang mga kamay at ngumiti kay Thad.
"Sabi mo eh."
Akmang haharap na ulit siya sa lamesa nang iyakap muli nito ang isang braso sa baywang niya. Naipikit na lamang niya ang mga mata nang angkinin nito ang mga labi niya. Tinugon niya ang malalim na halik nito at iniyakap na nang tuluyan ang mga braso sa leeg ni Thad.
He kissed him like he so much craved for her – na para bang siya lang ang papawi sa uhaw nito. Pakiramdam niya ay masusugatan ang mga labi niya but she's not complaining. Ilang linggo na rin na hindi nila nagagawa 'yon. Pareho silang busy at kahapon nga lang sila nagka-oras na mamasyal pero nag-away pa sila.
"Sanna," anas nito.
Naikiling niya ang ulo sa kanyang kaliwa para malayang mahagkan ni Thad ang kurba ng kanyang leeg.
"Hindi pa naman ako nagugutom," aniya.
He chuckled. "Are you sure?" Bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya at muli nilang pinagsawa ang sarili sa paghalik sa isa't isa.
She gently nodded her head and moaned painfully in between the kiss.
"I miss you," she whispered.
"I miss you too, baby."
Kinarga siya nito nang hindi pinuputol ang halik saka siya dinala sa kwarto niya.
MIDWEEK OF FEBRUARY 2011
"MAY HINIHINTAY KA?"
Naiangat ni Sanna ang mukh kay Nicholas. Hindi niya napansin na kanina pa pala siya tingin nang tingin sa cell phone niya sa mesa. Kasama niya ito sa canteen dahil pareho silang wala nang pasok. It's almost 6 pm on her watch.
"Ahm, wala," she lied.
Nicholas chuckled. "Hindi mo ako maloloko, Sanna."
She sighed in defeat and consciously smiled. "Sorry," pag-amin niya. "Okay lang kahit mauna ka nang umuwi. May hinihintay lang ako." Nag-text kasi si Thad. Sabi niya maaga raw itong matatapos ngayon, but almost six na ay wala pa rin ito.
"It's fine. Wala naman na akong gagawin sa bahay."
"Wait lang ah." Kinuha na niya ang cellphone at nag-type ng message kay Thad.
Hon, matutuloy ka pa ba? If not. Ako na lang uuwi. It's fine. :) - Sanna
"Sino ba hinihintay mo? Si Thad?" Tumango siya nang hindi tinitignan si Nicholas. "The two of you seemed too close. Boyfriend mo na ba siya? If you don't mind me asking."
"Close lang talaga kami," nakangiting sagot niya.
"Ang tagal n'yo na ring magkakaibigan, 'no? How are they by the way?"
Inilapag na niya ang cell phone. "Oo, mag-four years na rin kaming apat." Lalo siyang napangiti. "Licensed civil engineer na si Simon and Jude is pursuing music. Si Thad naman, he's doing appretenceship with his father's company."
"Lagi ka talaga niyang sinusundo?"
"Hindi naman lagi. Kapag maaga lang siya." Umilaw na ang ulit ang cell phone niya. "Saglit lang Nico." Binasa niya ang dumating na message.
I can't, Hon. I'm sorry. May biglaang trabaho dumating. Mag-OT ako ngayon. Sorry. :( - Thad
I love you – Thad
Don't wait for me, okay? – Thad
Mapait siyang napangiti.
Ok, Hon. I love you too. Kumain ka, ha? – Sanna
"Your watch."
Bigla siyang nag-angat ng tingin kay Nicholas. "Hmm?" Namimilog ang mga mata niya sa bahagyang pagkagulat.
"I'm sorry. I didn't mean to startle you."
"Hindi, okay lang. What do you mean by your watch?"
"The one I gave to you."
"Ah, 'yong antique na watch? Bakit?"
He looked regretful. "Actually, nahihiya akong sabihin 'to sa'yo. But my cousin is looking for it. He said he needed it." Kumunot ang noo niya rito. "He didn't tell me in detail but he said it was part of a family heirloom and he needs to retrieve it."
"You mean, sa cousin mo ang vintage watch na ibinigay mo?"
"Yeah, technically. I didn't know dahil sa isang trift shop ko lang naman 'yon nabili and I happened to take a photo of it in my phone at nakita niya 'yon."
"Ohh..."
"He demanded me to give it to him." Nicholas chuckled. "I'm sorry. Nakakahiya man, but okay lang ba na kunin ko ulit. Promise, I'll give you another one."
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Actually, may problema ako. Naglilinis kasi ako ng mga gamit ko at alam ko na inilagay ko naman 'yon sa isang secure na box kasama ng mga items na importante sa'kin. Kaya lang, magkakamukha ang mga boxes and I might need more time to find it." She smiled apologetically toward Nicholas.
"It's fine. Hindi ko rin naman ako nangako sa pinsan ko na ibabalik ko sa kanya."
"No!" Nakangiting umiling siya. "Okay lang talaga sa'kin. Baka kasi importante talaga 'yong watch."
"He seemed desperate to have it though."
"Nangongolekta ba ang family nila ng mga lumang gamit?"
"They're a family of merchant way back before – since Spanish regime." Namilog ang mga mata niya sa kwento ni Nicholas. "I guess, that's the reason why they're rich. Hindi kami madalas nag-uusap ng pinsan kong 'yon. He's closer to my other cousin, Philip. Magpinsan lang kami sa mother's side. Kapatid ng Papa ko ang Mama niya."
"I see."
"It was his mother who requested that lighthouse painting that you made. Sa kanila rin ang buong lupain na 'yon."
"Wow!"
Naalala niya ang lighthouse at malawak na lupain na sakop no'n. Napansin din niya ang puting mansion sa loob ng malaking gate na nakatayo sa pinakatuktok.
"But it's okay, you can take your time."
"Hahanapin ko na lang."
Nicholas smiled. "Thanks."
MAG-A-ALAS DIEZ NA nang tumingin si Sanna sa wall clock ng kwarto niya. Sumilip siya sa bintana ay wala pa ring ilaw sa kuwarto ni Thad. Kanina pa naakalis si Simon kaya walang tao sa bahay.
"Anong oras pa kaya uuwi ang isang 'yon?"
Nag-text ulit siya.
Pauwi ka na ba? – Sanna
Text ka if nasa bahay ka na baka makatulog ako – Sanna
Maya-maya pa ay bigla siyang nakarinig ng tunog ng sasakyan na huminto sa labas. Dali-dali siyang lumabas. Naisip niya na baka nag-taxi si Thad pauwi. Hindi na muna siya lumabas ng bahay at sumilip muna siya sa bintana sa sala. May kotse na huminto sa harapan ng bahay ni Thad pero hindi taxi dahil magara 'yon.
Bumukas ang pinto sa harapan at lumabas doon si Thad. Napangiti siya. Lumabas na siya agad pero hanggang sa may pintuan lang dahil nakita niyang lumabas ang isang magandang babae sa driver's seat.
Parehong may ngiti sa dalawa habang nag-uusap. The woman looks sophisticated in her pastel pink dress and baige color blazer. Halatang anak mayaman. Hinintay na lamang niyang umalis ang babae bago siya tuluyang nagpakita kay Thad.
"Sanna!" medyo nagulat ito nang makita siya.
Tipid siyang ngumiti. "Nag-text ako sa'yo. Hindi mo ako sinasagot," kalmado niyang sabi. Lumapit siya. "Sino 'yong naghatid sa'yo?"
"Si Camille," nakangiting sagot ni Thad. "Anak ng isa sa mga kliyente namin. Bumisita siya kanina kasama ang Papa niya. Pinag-usapan namin ang gagawing condominium sa isang vacant lot sa Banawa."
"'Yan ba 'yong biglaang trabaho?"
He nodded. "Hindi ako pinayagan ni Papa na umalis kanina kaya sinama niya ako sa meeting. Anyway, kumain ka na ba?"
"Tapos na. Ikaw?"
"Oo, we had dinner – more like dinner meeting. Hindi na rin ako nakatanggi na ihatid niya ako. Papa insisted, nakakahiya rin naman tumanggi. Kaya hindi ko rin nabasa ang messages mo. Na lowbat ako. Hindi ko rin nadala ang charger ko."
Pansin ni Sanna na masayang-masaya si Thad ngayon. Iba noong mga nakaraang araw. Lagi pa nitong bukambibig ang Papa nito.
Ngumiti pa rin siya. "Mukhang close na close na talaga kayo ng Papa mo."
Lumapad lang ang ngiti ni Thad. "We're getting there. Saka, Sanna, ngayon ko lang naramdaman na pinagkakatiwalaan niya ang mga ideas ko. Nakikinig siya sa'kin at pinupuri niya mga suggestions ko. But he's still very strict when it comes to details and deadlines."
She remained quiet.
Ayaw niyang i-overthink ang mga bagay-bagay. She should be happy for Thad. May progress na ang relasyon ni Thad sa Papa niya. If she allow any negativity in her mind, she will lose herself.
"Hon, are you okay?" basag ni Thad.
Kumurap siya. "Hmm?"
"Okay ka lang ba?"
Ngumiti siya. "Oo, medyo pagod lang ako. Magpapahinga na rin ako. Gabi na."
"Sige. Ako rin. Maaga pa ako bukas."
"Gusto mo bang matulog sa bahay?"
"Maybe next time. Ayaw kong disturbuhin ka. May kailangan pa akong tapusin para sa meeting namin ni Papa bukas."
"Okay."
Niyakap siya nito saka muling hinalikan sa noo. "Goodnight," anito saka iniwan siya at pumasok sa loob ng gate ng bahay nito.
Napabuga siya ng hangin at nagpasyang bumalik na sa bahay niya.
Sanna, don't overthink. Busy lang si Thad but at least he's enjoying his work. He will not forget you... nor entertained other woman na gusto ng Papa niya. Ayaw lang talaga ni Thad na makipag-away sa Papa niya.
Kung siya rin naman ang nasa sitwasyon ni Thad. She will also do the same just to get her father's attention.
Naupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang cell phone sa itaas ng bedside cabinet. Binalikan niya ang message ng Papa niya sa kanya.
Sanna, anak. March 16 ba ang graduation mo? – Papa
Opo, Papa. Bakit? – Sanna
Anak, sorry. Puwede bang i-celebrate na lang natin ang graduation mo two days after? Graduation din kasi ni Loraine, same date. We'll be flying to Manila.– Papa
Kahit na mas matanda siya kay Loraine ng isang taon ay naabutan pa rin siya nito. Late na rin talaga siyang na-enroll noong kinder kaya sabay silang nag-grade-one. Loraine is studying in Ateneo de Manila, business management din katulad niya. Balita niya ay magna cum laude pa nga raw.
Naisip niya, why would her father choose her over Loraine? Siya, gagraduate lang at walang honors. But Loraine proved to their father that she was still the best daughter for Saturnino Rama.
And I am still nothing.
Hindi pa siya nakakapag-reply sa papa niya. Walong oras na ang lumipas pero hindi man lang ito nag-follow-up. Maybe he didn't need an answer from her. He didn't need her approval.
She typed her reply.
Ok lang po, Papa. – Sanna
Enjoy po kayo and congratulations po kay Loraine. – Sanna
AKALA NIYA AY magiging okay pa rin ang lahat dahil nandiyan naman si Thad pero habang tumatagal mas nararamdaman niyang lumalayo na sa kanya si Thad.
He had been so busy with work and his father's outside affairs. Lagi itong wala sa bahay kahit day off nito. Laging kasama ang papa niya at minsan hindi rin naman masyadong dini-detalye ni Thad ang mga lakad nito at ng papa nito. Lalo na ngayon na wala ang Kuya Simon niya at nasa Japan. She couldn't barely reach Jude dahil sobrang hectic ng schedule nito.
She always finds herself alone in her art room, thinking, and painting na halos hindi niya natatapos. Even her most awaited graduation doesn't excite her anymore.
Pakiramdam niya ay iniiwan na naman siya ng mundo and yet she couldn't find the strength to call Thad because she didn't want to ruin his happiness just because she's sad. Ginusto niya na ilihim ang tungkol sa mga magulang niya and she couldn't just betray her father now.
Lumabas siya ng art room at bumalik sa silid niya. Kinuha niya sa pinakailalim na shelve sa closet ang year book niya noong high school. She remembered that she inserted her only photo of her and her mother. 'Iyon lang ang nadala niya nang umalis siya ng bahay.
Dinala niya ang year book sa kama at naupo sa gilid no'n. Alam niya kung saang pahina nakaipit 'yon.
As soon as she found the photo ay bigla na lamang siyang naiyak. All her suppressed emotions in her heart felt so heavy. Pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga kapag hindi siya umiyak.
Everyone around her seemed so happy. Pero bakit siya malungkot pa rin? Ganitong lungkot din ba ang nararamdaman ng mama niya noon? Kaya ba pakiramdam ng mama niya lagi ay iniiwanan siya ng mundo?
She may have hated her mother so much but she missed her so much. She was not perfect, but deep in her heart, kahit na iniisip niyang hindi siya minahal ng mama niya ay naramdaman pa rin naman niya 'yon.
At some point, she couldn't help but blame herself for her misery. Her life is like this because she had chosen to believe her father and hated her mother. Hinayaan niyang paikutin lang siya ng papa niya sa mga pangakong hindi naman nito tinutupad.
Pinadaanan niya ng isang daliri ang katawan ng larawan.
"Babalikan kita, Mama. Pangako 'yan."
DAY 25
2020 PRESENT
THAD KNEW THAT what he and Sanna did will bring them trouble dahil nag-tresspass sila sa mansion ng mga Rama sa Samboan. They didn't even tell Iesus about it. Ang paalam lang nila ay mamasyal lang sila ni Sanna.
Wala rin namang nagbabantay. Wala ring mga aso sa paligid. The last time the gate was padlocked pero nang dumating sila kanina ay bukas na 'yon. Naisip nila na baka may tao pero mukhang tahimik at wala namang tao sa mansion.
The house seemed more like an abandoned mansion now. Halatang ilang taon nang pinabayaan. Kumupas na ang mga kulay at halos sira na ang ibang parte ng bahay dahil sa mga nagdaaang bagyo.
"This isn't the house I remembered," basag ni Sanna. "Alam mo bang ang mansion na 'to ang pinamaganda at pinakamalaking bahay sa Samboan noon?"
"Kahit siguro ngayon kung hindi napabayaan."
Halos lahat ng mga pinto ay naka padlocked. Imposible talaga na mabuksan ang pinto at makapasok sila sa loob. Kahit siguro akyatin niya ang balkonahe ay hindi rin siya makakapasok dahil sarado rin naman ang pinto roon.
"Pero hindi ka naman tumira rito nang matagal."
Umiling si Sanna. "Hindi. Kaya wala rin talaga akong good memories sa bahay na 'to. Madalang din akong makapasok sa loob noon. Kung hindi sa maid's quarters ay tambay ako roon sa dating storage house."
Itinuro nito ang isang maliit na bahay na gawa sa mga kahoy sa hindi kalayuan na halos sira-sira na at wala na ring pinto. Mas nagmukhang bahay ng malaking aso ang lumang imbakan.
"Doon ako nagpipinta. May mga siwang sa mga pader, doon ako sumisilip noong ipinipinta ko ang mansion."
"It must have been lonely?" He said with great pain in his heart.
These are the things that he didn't bother looking into when they were together. She was sad, but she didn't have someone to share that sadness. Nandiyan nga siya sa tabi nito noon, but he was useless.
Mapait na ngumiti ito. "It was."
"Sanna –"
"Dito ka lang. May titignan lang ako sa likod," pag-iiba nito.
"Hindi puwede –"
"I'll be quick. Promise."
Ngumiti ito sa kanya at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Gusto niya sanang habulin but he stopped himself. He should just let her. Sila lang naman sa bahay at mukhang wala namang mangyayaring masama rito.
Lumipat siya ng tayo sa pinakamalapit na puno na naroon. Hindi naman masyadong mainit, maulap lang. Tinignan niya ang oras sa wristwatch niya. It was almost noon. Dumating sila sa mansion ng bandang alas diez ng umaga.
"Sino ka?"
Natigilan siya nang may magsalita. Agad niyang naiangat ang tingin sa nagsalita. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino 'yon. Isang pamilyar na mukha ng matandang babae.
"Nanay Innocentia?" biglang tawag niya.
Halos hindi siya makapaniwala.
Kumunot ang noo ng matanda sa kanya. "Bakit mo ako kilala?"
Mabilis na lumapit siya sa matanda. May pag-asa siyang naramdaman sa puso niya. Finally, a familiar person in the past – alive.
"Nanay Innocentia, ikaw po ba 'yan?"
Aligaga na napatingin ito sa paligid. "Sino ka? Bakit kilala mo ako? At paano ka nakapasok sa mansion?"
"Hindi na ho importante 'yon. Nay, ikaw ho ang kailangan ko para mahanap si Sanna. Kayo lang po ang nakakakilala sa kanya. Alam n'yo po ba kung na saan ngayon si Sanna?"
Titig na titig ang matanda sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa uri ng tingin ng matanda. The old woman looked shocked and horrified at the same time. Para bang may sinabi siyang hindi kapanipaniwala.
"Bakit mo hinahanap si Susanna?"
"Boyfriend niya ho ako noon." Kinuha niya ang pitaka sa likurang bulsa ng pantalon niya at inilabas doon ang picture nilang dalawa ni Sanna noong college sila. "Pero hindi ho naging maganda ang paghihiwalay namin." Titig na titig ang matanda sa larawan na 'yon. "Gusto ko lang po siyang mahanap at makausap. Alam n'yo po ba kung na saan si Sanna?"
Malalim na napalunok ang matanda. "Hijo, hindi kita kilala pero kung sinasabi mong boyfriend ka ni Susanna... malamang ay hindi ka kilala ng ama niya dahil hindi dumating sa'yo ang balita tungkol sa kanya."
Doon siya kinabahan nang sobra.
"A-Ano hong nangyari?"
"Sumunod ka sa'kin."
Doon pa lang niya napansin ang hawak na bugkos ng mga bulaklak na nasa kamay nito. Hindi siya mapalagay sa bulaklak dahil paboritong mga bulaklak 'yon ni Sanna – mga white daisy.
Ibinalik niya ang larawan sa pitaka. Kahit na nagtataka ay sinundan niya ang matanda hanggang sa makarating sila sa isang lumang hardin na halos wala na ring mga bulaklak at patay na ang mga halaman.
Hindi pa nila nalilibot ang parteng 'yon ni Sanna kanila dahil hindi sila umikot sa likod. Ang pinagtataka lang niya ay wala roon si Sanna. Ang sabi nito ay pupunta lang ito sa likod bahay pero walang Sanna roon.
Napatingin siya sa kanyang likuran.
Where did she go?
"Matagal na simula nang makadalaw ako rito. Hindi ko na maalala ang eksaktong taon nang huling beses akong umuwi rito. Pero nitong nakaraang linggo ay hindi ako napapalagay."
Ibinalik niya ang atensyon sa matanda.
Nakatayo ito sa malaking puno na naroon pero nakatingin ito sa may paanan nito. Yumukod ito at tuluyang naupo saka pa lamang nito inilapag ang dalang bulaklak. Lumapit siya para matignan kung ano 'yon at hindi niya kailanman naisip na makikita niya sa ganoon ang matagal na niyang hinahanap.
Pakiramdam ni Thad ay nanaginip siya nang mga oras na 'yon. Panaginip na sana puwede siyang gumising. Hindi niya maigalaw ang mga paa lalo na noong naging malinaw ang nakaukit na pangalan mula sa nitso.
Susanna Evangeline I. Rama
November 19, 1991 – March 28, 2011
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro