Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 37

DAY 19

PABYAHE NA SILA pabalik ng Faro. Kinailangan na muna nilang bumalik dahil kasal bukas nila Mari at Jude. Hindi sila puwedeng mawala sa araw na 'yon. Napag-usapan nilang babalik sila sa Samboan pagkatapos na lamang ng kasal ng dalawa.

Si Sep pa rin ang nag-da-drive. Tahimik naman si Iesus na nakaupo sa likod ni Sep at mukhang busy sa kung anong ginagawa nito sa iPad na hawak. Nakasandal na ang ulo ni Amora sa balikat ni Iesus – tulog na tulog.

Ilang beses nang isinandal pabalik ni Iesus ang ulo ni Amora sa bintana ng sasakyan pero nahuhulog pa rin sa balikat nito. Iesus stopped and just continued what he was working. Pero hindi niya mapigilan ang mahinang tawa niya kanina nang makita ang struggle ni Iesus.

Si Art naman ay busy sa pagdo-drawing sa iPad nito. Nasa harapan lang naman nila ni Thad si Art kaya nababantayan pa rin nila. Pansin niyang mas maluwag ang loob ng van ngayon kumpara noong papunta pa lang sila ng Ginatilan.

Medyo gumaan.

"I was just wondering why they weren't familiar with you if you stayed with your father in Samboan?" basag ni Thad.

"Hindi ako nag-stay nang matagal sa Samboan," sagot niya. "I stayed with Nanay Sensiya sa maid's quarter. I pretended that I didn't know my father. Tumutulong din ako sa pagtatanim ng mga bulaklak kapag wala akong ginagawa. Tapos nakikita ko ang mga kapatid ko sa malayo na naglalaro."

Mapait siyang napangiti.

"Naririnig ko ang tawa nila kapag sumasali si Papa. Pero hindi ako lumalapit kasi... ang alam nila, working student ako at kasama ako sa scholarship program ng mama nila."

"But are they good to you?" malumanay na tanong ni Thad sa kanya. "I mean, ang mga kapatid mo."

"Hindi naman sila naging masama sa'kin. Hindi rin naman nila ako kilala. They even give me food kapag may pasalubong si Papa sa kanila and Loraine even gave me her old clothes. Although, may minsan na napapansin ko na ayaw ni Tita Cass na umaaligid ako at makipag-close sa mga anak niya. Si Loraine, sweet siya saka mabait, 11 years old naman siya no'n, pero matampuhin 'yon. Si Tristan, 8 years old naman, makulit at mahilig mag-pranks. Tapos ang bunso si Melody, 4 years old pa siya no'n, madaldal saka lagi akong kinakausap."

"At least hindi nila namana ang ugali ng Mama nila."

She chuckled. "Mabait naman kasi si Papa... kaso... ayon lang... hindi niya ako kayang ipakilala sa pamilya niya."

"But he could have treated you better... At hindi mo ako makukumbinse na mabait ang papa mo. All he did is to save his ass from the scandal. He made you believe in things he didn't mean to keep your mouth shut."

"I really wanted to ruin his family." Mapait ulit siyang ngumiti. She could still remember the feeling inside her heart – her desire to ruin her father's family. "Sabi ko, if miserable ako. Dapat miserable din siya. Pero hindi ko nagawa kasi naawa ako sa kanya."

"You're still young back then. You were only twelve. Kahit siguro ako ay mapapaikot din."

"Iniwan ko ang Mama ko kasi ayaw ko nang mamalimos kami ng pagmamahal kay Papa. But I just ate my words."

"He manipulated you dahil alam niya ang kaya mong gawin."

"Siguro sobrang sama ng tingin ng Papa ko sa'kin. Iniisip niya siguro na mas selfish pa ako kay Mama."

"He had all the chance to know you, but he didn't. Iisipin niya ang iisipin niya sa'yo base sa kung anong gusto niyang isipin."

"I wish I visited my mother." That was her greatest regret now. "I wish I could have been kind to her. She only wanted to be loved and understood. She also grew up in a broken family. Kaya siguro naging ganoon din siya. But I was too young to understand her feelings. I wish I hadn't given up on her."

"If only things were different for us."

"Pero hindi mo naman napipili ang mga magulang mo."

"I know." Mapait na ngumiti si Thad.

"Noong maging maayos na ang mga documents ko at nakapag-enroll na rin ako sa St. Catherine's ay pinalabas lang na nag-resign na si Nay Sensya para may makasama ako," pagpapatuloy niya. "Hindi ako madalas umuuwi sa Samboan kaya siguro nahirapan sila Iesus na makakuha ng impormasyon sa akin. Nasa mansion lang kasi ako noong nandoon ako at hindi rin ako lumalabas. Nang lumipat ako sa Carcar, ang Papa ko lang ang dumadalaw sa'kin at minsan sa ibang lugar din kami namamasyal."

"He did keep you away from his family."

"Kasi 'yon ang gusto ni Tita Cass. Mapapatawad lang niya si Papa kapag inilayo niya ako sa mga kapatid ko. I've overheard their conversation, but they didn't know that I knew. Malakas din talaga ang dugong Rama, sooner or later, mapapansin din 'yon ng mga tao roon. Saka Susanna lang ang pakilala ko at hindi ko binabanggit ang buong pangalan ko sa kanila. Wala ka ring mahahanap na picture na kasama ako. I'm always outside the picture of the perfect family of Saturnino Rama."

"I remember the painting we saw in your house. It makes sense to me now."

"The woman standing outside the Rama's mansion was me."

"I'm sorry."

"It's fine, Thad. Maybe I just loved my father so much kaya mas pinili ko na unahin siya kaysa sa sarili ko. I was hoping he will see me as a daughter and not just a mistake in his past. Hindi naman siguro masamang umasa na magbabago ang isang tao, 'di ba? Lagi ko kasing iniisip na... what if this time... puwede na? Lalo na kapag may nakikita akong pag-asa sa mga actions niya. Kapag ganoon, mas lalo kong ginagawa ang best ko para mapansin niya ako."

"Ganoon din ako sa Papa ko. I thought I could make him proud that time..." Napatitig sila sa isa't isa. Pakiramdam niya habang nakatitig sa malungkot na mga matang 'yon ay isa siya sa mga naging dahilan kung bakit hindi naging maganda ang sa huli ang relasyon ng mag-ama. "But let's not talk about him. Matagal na rin naman kaming hindi nag-uusap."

"We were both longing for our parent's love and we found that acceptance and love from each other." Isinandal na niya ang ulo sa balikat ni Thad at niyakap ang isang braso nito. Thad reached for her hand and laced it with his. "We become each other's comforts."

"Life wasn't easy back then." Ramdam niya ang ngiti sa boses nito. "But you made it bearable for me."

"I may not remember it too well, but I know, you made me happy too, Thad."

Umangat bigla ang ulo ni Art sa kanila at nilingon sila. "Mommy, Daddy, look!" Malaki ang ngiti na ipinakita nito sa kanya ang drawing nito sa iPad.

Natawa silang pareho nang makita na ginawa nitong giant monster si Sep sa drawing. Halata kasi may pangalan na Bad Monster Tito Sep ang kamukha na monster ni Sep. May isang little prince sa drawing ni Art na sa tingin niya ay representation ni Art. The little prince was pointing a chocolate bar toward the monster instead of a sword.

"Why a chocolate bar?" Thad chuckled, asking.

"Kasi po chocolate monster po si Bad Monster Tito Sep –"

"Naririnig kita Art Apostol!" sigaw ni Sep mula sa driver's seat.

Art giggled and did not mind his Tito Sep. "Kapag po pinakain ko po si Bad Monster Tito Sep ng maraming chocolates makakatulog po siya forever."

Natawa siya. "Forever talaga?"

"Opo! Para hindi na po siya maging bad. Magiging Sleeping Monster Tito Sep na po siya."

Tawang-tawa naman si Sep. Even Iesus was smiling and laughing kahit busy pa rin ito sa iPad nito.

"Art, gawin mo na lang akong Handsome Monster Tito Sep," singit pa ni Sep. "Tapos idagdag mo... Sleeping Monster Tito Balti... ta's gawin mong Bad Monster Tito Jude... Gano'n. Tapos, Grumpy Monster Tito Iesus."

"Sep!" sita ni Iesus. Lalo lamang lumakas ang tawa ni Sep. "Kung ano-ano itinuturo mo sa bata." Pero mas belib si Sanna na hindi pa rin nagigising si Amora sa ingay nila.

"Oh, dapat ba, Old Grumpy Monster Tito Iesus?" asar pang lalo ni Sep. "Tapos ang quest na gagawin ay hanapin ang itinatagong ginto ni Old Grumpy Monster Tito Iesus. Bwahaha!" Nag-giant-monster laugh pa si Sep.

"Ah, talaga ba?" Iesus asked dryly.

Lalong nangislap ang mga mata ni Art sa suggestion ng Tito Sep niya. Itinaas nito ang pen na hawak sa ere. "I like it po! Old Grumpy Monster Tito Yesus and His Hidden Treasure of Golds."

Napa-facepalm si Iesus at pilit na pilit ang ngiti. "Kung saan ka masaya, Art."

Lumapad lalo ang ngiti ni Art. "Masaya po ako roon, Tito Sus!"

Bigla namang nagising si Amora. "Sinong masaya?!" gulat na tanong nito. Halatang lutang pa ito nang mga oras na 'yon. "Sana all," dagdag pa ni Amora. Lalo lang tuloy silang natawa sa mukha ni Amora. She look so lost at the moment.

Ibinaling ni Iesus ang tingin kay Amora. "Ang mga kambing," asar pa nito.

Kumunot ang noo ni Amora at napatingin sa paligid. "Boss, wala naman tayong kambing na dala ah. Bakit sila masaya? Hindi sila gagawing kaldereta?"

Sep sighed. "Na miss ko tuloy si Andrew."

"Ang kapatid n'yo Sir Sep?" inosenteng tanong ni Amora.

"'Yong kambing," sagot ni Sep saka malakas na tumawa.

Kumunot lalo ang noo ni Amora. "Sir Sep, umayos kayo, ha? Kailan pa naging kambing ang kapatid n'yo?"

"Itanong mo kay Juan," sagot naman ni Iesus.

Curious na iniangat niya ang mukha kay Thad. "Hindi ko gets."

Thad chuckled. "May alagang kambing si Juan na pinangalan niyang Andrew." Natawa siya. "But Juan often called the goat Andeng. Weird, pero may bangs ang kambing na 'yon at kulot."

"Alam ba ni Drew ang tungkol kay Andeng?"

"Yes, in fact, ninakaw ni Drew ang kambing kay Juan. Iniiwan lang kasi 'yon ni Juan sa labas ng clinic niya sa Faro. Ang daming suspect ni Juan. Si Andrew lang pala ang kumidnap kay Andeng. Sep told us, dinala ni Drew sa mansion ng mga Alquiza at inalagaan daw ni Drew."

"Aww!" She find it adorable for Drew to pet and take care of Andeng the goat. Contrast sa forlorn personality ni Andrew. "Siguro, alagang-alaga si Andeng doon."

"Actually, naging third son na nga ni Don. Zacharias Alquiza," singit ni Sep. "Malapit na akong ma disown ng sarili kong pamilya.

Natawa silang dalawa ni Thad.

"Deserve," komento naman ni Iesus.

"Thank you, Sus. Ramdam ko ang suporta."

"Sir Sep, kapag nawalan ka nang mana. Gawin mong kaldereta 'yong kambing - awww!" Ipinukpok ni Iesus ang pen ng iPad nito sa noo ni Amora. "Grabe, naman Boss!"

"Naririnig ka ni Art."

"Hindi niya naman gets eh."

"Still."





NASILIP NI SANNA si Jude mula sa bintana ng sala. Mag-isa at nakaupo sa bagong outdoor swinging chair sa front garden ng bahay. Wala 'yon noong umalis sila dahil bagong bili 'yon ng Kuya Si niya. Jude will stay with them tonight. In fact ay nagkakatuwaan pa lamang sila sa loob nang biglang lumabas si Jude dahil may tumawag dito.

She went outside and decided to join him.

"Hindi ka na ulit pumasok ah," basag niya, naupo siya sa tabi nito pagkatapos nitong mag-angat ng mukha sa kanya at umisod to give her more space to sit.

Jude chuckled. "Nagpapahangin lang."

"Wedding jitters?" nakangiti niyang tanong.

"I don't know." Napakamot ito sa noo. "Siguro?" At natawa. "Parang tanga ba?"

"Hindi naman. Natural lang siguro na ganoon? Saka paano ko malalaman e hindi pa naman ako ikinakasal?" Natawa siya pagkatapos.

"Sabi ko nga."

"Pero alam ko na masaya ka."

Pareho nilang naisandal ang likod sa sandalan ng hammock swing at marahan namang idinuyan ni Jude ang hammock para sa kanila gamit ng isa paa nito.

"One of the happiest man alive. Dahil alam ko na hindi lang naman ako ang masayang lalaki sa mundong 'to." Jude chuckled after.

Napangiti siya.

None of them speak after, dumaan muna ang ilang segundong katahimikan bago ulit nagsalita si Jude.

"I know, I haven't told you about me and Mari."

"I was actually waiting for you to tell me." Ibinaling niya ang mukha kay Jude. Nakataas pa ang isang kilay. He looked so amused at her reaction at bigla na lang tumawa.

"It's not like I didn't want to tell you." Jude's face softened. "Sasabihin ko naman talaga sa'yo, but I kind of hesitated... Not because I was thinking you'll judge me. Mas tamang sabihin na takot akong pagalitan mo."

"Ina-assume ko na nga may ginagawa kang hindi maganda. Kahit na nanahimik mga kaibigan mo rito sa Faro pero hindi naman ako tanga. I know you did something to make other say that you doesn't deserve her."

Mapait na ngumiti si Jude. "I know I don't deserve her."

"But I don't think Mari thinks the same."

"No, she would never think that."

Ibinalik nito ang tingin sa harapan, but she studied his expression. Jude was smiling and she knew how genuine his smile was at that very moment.

The four of them have been together for four years and she knew Jude very well. He was the jolliest person next to Simon. He's too honest with his feelings. When he didn't like it, he wouldn't like it. If he liked it, then he will give everything to have it. He speaks his mind and he's very smart and talented. But what she loved about Jude the most is his humility and love for Thad and Simon.

Jude knew about his cousin's insecurities toward him, but Jude never allowed Thad to feel inferior of him. She remember how Jude constantly reminded Thad that there is no greater person to beat in this world but himself.

Minsan nag-aaway ang magpinsan dahil diyan dahil pessimistic talaga si Thad. Si Jude pa naman 'yong klase ng tao na nakikipag-away talaga kapag napuno. Although Simon is a self-made and proud activist ay pagdating sa mga kaibigan nito ay nagiging mediator at nag-a-adjust na tumigil na ang dalawa.

Natawa siya sa mga memories na bumabalik sa isipan niya. Kaso natigilan din siya dahil alam niyang hindi niya naalala ang mga 'yon noon. Her contemplation halted when Jude broke the silence between them.

"I couldn't help replay the bad things I did towards her." Jude paused. "I know... I shouldn't keep dwelling on it... but I couldn't help it. When I see her... when I see our twins... alam ko na masaya ako, but I always invalidate it by thinking that no matter what I do. I couldn't make up for all the mistakes that I did to her."

He paused again.

"Pero sabi ni Vier sa'kin, if I keep that mindset, if I keep invalidating myself, hinding-hindi ko raw maibibigay ang pagmamahal na deserve ng mag-iina ko. I will forever imprisoned myself in the past and I can never fully move forward."

Mapait na ngumiti si Jude at ibinaling ang tingin sa kanya.

"You know, when Faith died, everything in my world died. I couldn't find the strength to live or even do the things that I used to love. Para akong zombie. Buhay pero patay na sa loob. I needed a reason to live and I saw hope in revenge. I have all the ways and money to do it, Sanna. I didn't look for her. The world allowed me to find Marison."

Alam ni Sanna ang tungkol doon and a bit of Marison's background and relation to the person who killed Faith. Nabanggit na sa kanya ni Thad ang nangyari kay Faith and how her good friend died, but he censored the rest in Jude's own pacing kung kailan ito magkukwento sa kanya.

Good thing, nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Faith sa tulong na rin ni Tor. She loved Faith. Sa lahat ng niligawan ni Jude noon ay si Faith lang talaga ang nagustuhan niya... at mabait sa kanya.

But she also loved Marison because she accepted and loved Jude with all his scars.

"Pero nag-backfire sa'kin lahat," he continued. "Hindi pa nga ako nagsisimula ay nadi-distract na ako." Bigla itong natawa sa pagitan ng pagkukwento nito.

"Na in love ka lang yata e," biro pa niya.

"I don't know. I couldn't say." Yet Jude was smiling upon saying those words. "My goal that time was to hurt her. Thinking that if I can make the both of us miserable. I can move on with my life. Mari was his father's weakness and so I used her princess to bring hell on earth."

"You're the hell himself."

Natawa si Jude. "That's what they said."

Sanna looked at him straight in the eyes. "Pero kumusta ka naman?"

It took him a few seconds to answer her. "I'm happy and little by little I'm learning to forgive myself." Ngumiti ito, hindi lang ang mga labi, pati na rin ang mga mata ni Jude. "Mahal na mahal ko ang mag-ina ko, Sanna. They're the reason why every day I do my best to be a better person. Faith may have been gone, but our love for each other will remain in our time. I don't think I could ever take that away from me... because she's part of me."

She felt that.

Ramdam na ramdam niya sa puso niya ang mga salitang 'yon ni Jude.

"And Mari?"

Nagulat siya nang biglang naiyak sa harapan niya si Jude. "Yawa!" he cursed, pero tawa nang tawa. Pati siya ay natawa at naiyak na rin. Kaya sila magkakaibigan eh.

"Kwentuhan lang, walang iyakan," aniya, habang pinupunusan ang mga luha niya. "Jude, umayos ka nga."

"Sabi ko wala nang iyakan. Yawa, talaga. Paano pa ako bukas?"

"Good luck sa'yo."

"Pero seryoso, Sanna." He cleared his throat and smiled. "Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko."

"Bukas mo pa siya magiging asawa."

Jude chuckled. "Doon pa rin naman papunta."

"Cheesy mo!"

"Kidding aside." Jude's face softened. "Mahal na mahal ko 'yang si Marison. Kahit na lagi akong pinapagalitan at sinisita. Araw-araw na lang nagagalit sa'kin." Tawang-tawa si Jude. "Pero mahal ko 'yan. Mahal na mahal ko."

Napangiti siya. "Puwede mo namang sabihin na mahal mo siya nang hindi nagrereklamo."

Lalong natawa si Jude. "Nagagalit 'yon kapag lagi akong gumagastos para sa kanila. Hindi naman daw nila kailangan dahil ang dami ko nang ibinibigay sa kanila. But the past few weeks, may iba akong ginagawa para sa kanila."

"Ano?"

"I give them my time," he answered proudly. "The four of us grew up in a dysfunctional family." She looked at him confused. "Thad told me. I'm sorry." Mapait na ngumiti si Jude sa kanya.

She smiled. "It's fine."

"I guess that was the reason why the four of us clicked. We were both longing for a family to love us ... and we found a family in each other." Lalo siyang napangiti. "You are one of the best things that happened in my life."

"Ako rin."

"Tomorrow, I will say my vow to God to become a faithful husband to Marison and a loving father to Lyre and Sunset. I know I will suck at it, but I hope my wife and children will not disown me anytime soon." Jude held a sigh and laugh afterward.

Natawa siya. "Loko! Hindi naman."

"I know, but thank you for listening, Sanna. I really appreciate it."

"I'm good at listening. Don't worry, your secrets are safe with me." Ngumiti pa siya rito. "But if I may just add a little. Gusto ko lang sabihin sa'yo na sobrang proud ako sa'yo at sa mga achievements ng Queen City." Namilog ang mga mata ni Jude sa sinabi niya. Probably, he didn't expect that to hear that. Ngumiti pa siyang lalo rito. "And please, always remind yourself that you are blessed. Always. Okay ba?"

A smile stretched on his face. "I know." Niyakap siya ni Jude. "And have I told you how much I missed you lil sis?" Gumanti siya ng yakap kay Jude nang maramdaman ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. "I missed you so much, Sanna."

"Na miss din kita nang sobra Kuya Jude."

"Si Jude lang?!"

May mga kamay na naghiwalay sa kanila ni Jude. Naupo si Simon sa gitna nila, may hawak pang isang bucket ng Jollibee chicken joy.

"Papangit n'yo ka bonding," reklamo pa ni Simon. "Kayo-kayo lang."

Napasinghap naman siya nang lumakas ang pagkakaduyan sa kanila. 'Yon pala ay itinutulak sila ni Thad mula sa likod.

"Thad!" she hissed.

Tawang-tawa naman ang tatlong lalaki sa kanya.

"Ang weird," basag ni Jude. "Dati, sa gilid lang tayo ng daan tumatambay. Nakaupo pa nga sa gutter." Tumawa ito pagkatapos. "Hindi pa natin ma afford ang mga mamahaling pagkain. Pero ngayon, tig-isang bucket ng Jollibee chicken joy na tayo ngayon."

"Ang dami n'yo naman kasing binili," aniya, hindi mapigilan ang tawa. "Tayong lima lang naman kakain tapos 4 buckets ang in-order n'yo."

"Isang bucket nauubos ni Simon," sagot ni Thad sa likod.

"Ako rin!" Nagtaas pa ng kamay si Jude.

"Huwag kayong mag-alala," dagdag ni Simon habang inuubos ang manok na kinakain. "Puwede pa naman 'yan kainin sa mga susunod na araw o 'di kaya ipamigay ko sa mga batang kalye na madaanan ko." Ngumisi pa ito pagkatapos. "Saka ngayon pa kayo magrereklamo e dalawang bucket na lang natitira. Kinakain ko na nga ang isa. Technically, isa na lang nasa kusina."

"Saan mo ba nilalagay mga kinakain mo Takeuchi?" tanong ni Jude.

"Hindi ko rin alam." Tumawa ito pagkatapos. "Basta alam ko na ako na lang nag-iisang single sa ating apat."

"Dati ko na talagang naisip na mauunang ikasal 'tong si Jude," singit ni Thad.

"Hindi mo naisip na baka ikaw?" pabalang na tanong ni Simon kay Thad. Natawa sina Sanna at Jude. Pagtingin niya ay kunot na kunot ang noo ni Thad. "Baka lang naman naisip mo na mas mauna ka."

"Loko!"

"But I'm happy that we're complete in my wedding day." Napatingilan silang tatlo kay Jude. "I thought it was impossible... but Sanna is here... and we're complete again."

Niyakap ni Simon si Jude na parang bata. "Awww. My baby Jude. Come to Daddy Si."

Tawang-tawa si Jude. "Yawa jud ka Si."

"Arte naman nito! Ikaw na nga nilalambing." Pinakawalan na ito ni Simon. He was now licking his fingers dahil nagmantika na rin talaga 'yon kakahawak ng chicken joy.

"Mag-girlfriend ka na kasi," tukso pa ni Jude.

"Dadating din 'yon."

"Baka kailangan muna niyang tapusin ang bahay niya bago siya magka-girlfriend," dagdag pa ni Thad. "Kita mo, gate inuna at itong swing chair niya."

"Kukunin ko rin 'to, Arki. Rerentahan ko lang ng pagmamahal ang hardin mo."

Napamaang si Thad. "Wow!"

Ngumisi si Simon. "Ganda kasi. Puwede kong tulugan." True enough, medyo malaki nga ang swing chair na 'yon. "Tamang-tama sa lokasyon ng bahay ko. Maraming puno. Mahangin. Puwede akong matulog sa labas."

"Bakit 'di mo na lang 'to dalhin ngayon sa bahay mo – wait –" Tawang-tawa si Thad. "Wala ka nga pa lang bahay." Pero mas malakas ang tawa nila Sanna at Jude.

"Kayo! Kayo! Kayo!" Isa-isa silang idinuro ni Simon. "Pinagkakaisahan n'yo ako porke't masaya love life n'yong tatlo."

"At tigang ka?" asar pa ni Jude rito.

"Hoy, Hudas! Sabihin ko kay Marison na huwag ka nang pabalikin sa bahay n'yo."

"Mahal ako no'n. Itatapon lang niya sa'kin ang tent bag at hahayaan akong mag-camping sa labas ng bahay namin. Eh, ikaw?"

"Hindi ka lang hudas, yawa ka pa," asar na balik ni Simon.

Ang sakit na tuloy ng tiyan niya kakatawa.

"Daddy! Mommy!" Napalingon silang apat kay Art na tumaktabo na may hawak na polaroid camera. "Mommy, Daddy, ano po 'to?" tanong ni Art nang makalapit. "Nakita ko lang po 'to sa bag ni Tito Si."

"Hoy, Art! Hindi akin 'yan." Purple polaroid camera 'yon na may glittered letter sticker na L at V. "Itong batang 'to."

"Kanino naman 'yan?" naiintrigang tanong ni Jude.

"Kay LV," sagot ni Simon. Naiwan niya kanina sa Café Faro noong mag-usap kayo kanina. Tumango-tango si Jude. "Itinago ko muna. Magkikita naman tayong lahat bukas."

"At bakit kasama ka kanina sa meeting, Simon?" tanong ni Thad.

"Siyempre ako ang ring bearer," proud pang sagot ni Simon. "Saka ang dami n'yong tanong. Art, halika rito, anak."

"Inangkin mo na 'yan," ni Jude. "Gawa kang sa'yo, Engineer."

Lumapit naman si Art kay Simon. Inabot naman ni Simon ang bucket kay Jude at pinaupo si Art sa kandungan nito.

"Oo, gagawa ako. 'Yong hindi kagaya n'yo na mga surprise babies." Ngumisi ito. "Kasi magugulatin ako."

Napamaang ang magpinsan. "Wow, naman!" react pa ng dalawa.

Ngumisi si Simon at tinignan ang hawak na polaroid ni Art. "Good, may limang film sheets pa. Palitan ko na lang. Tig-isa tayo."

"Kuya Si, magpaalam ka kaya muna kay LV," aniya.

"Okay lang 'yan. Papalitan ko naman agad. Walang problema." Inayos ni Simon ang pagkakarga kay Art. "Art, akin na. Ako na kukuha tapos dikit ka lang sa'kin."

"Saan po titingin?" inosenteng tanong ni Art.

"Dito." Simon pointed the small mirror just beside the lens. "Kapag nagkasya tayo riyan, kasya tayo sa film."

"Ah, okay po."

"Dikit-dikit na lang tayo." Sinubukan nilang lima na magkasya doon sa small mirror. Tawa naman sila nang tawa kasi sobrang hirap talaga. Nakayakap na nga si Thad sa kanilang apat mula sa likod. "Okay, wala nang gagalaw –"

"Dalian mo na Takeuchi!" reklamo ni Jude.

"Okay, one, two, three, say, moneeeeey!"

"Moneeeeeey!"

Kaso nagulat si Sanna sa flash kaya sure siyang napapikit siya roon. Unti-unti namang lumalabas ang film mula sa camera.

"Anak nang –" Tawang-tawa si Simon nang luminaw na ang film sa kamay nito. "Hasolaaa!" Hindi lang pala siya ang nakapikit. Silang apat talaga maliban kay Art na malaki ang ngisi. 'Yong apat na matatanda, nasilaw.

"Ano ba naman 'yan Takeuchi!" reklamo ni Jude, tawa nang tawa.

Hindi na niya mapigilan ang tawa niya. Halos yakapin na niya ang braso ni Thad na nakayakap sa kanya kakatawa.

"Mukha tayong ewan," dagdag ni Thad.

"Isa pa."

"Sana pala sinama ko sina Mari at ang kambal para mas madama mo pag-iisa mo, Takeuchi."

"Subukan mo, Savio."

Ang lakas ng tawa nila.

"Isa pa po, Tito Si!" excited na sigaw ni Art.

"Takeuchi, ayusin mo naman." Pabirong itinulak pa ito ni Jude. "Mag-warning ka namang may flash 'yan."

"Napaghahalataan tayong mga matatanda rito," tumatawa pa ring dagdag ni Thad.

"Wala kasing ganito sa bayan namin," nakangisi pang dagdag ni Simon. "Mayroon ba sa inyo?"

"Wala nga rin e," sakay pa ni Jude.

"E ’di, mas lalong wala sa akin," sagot din niya, tumatawa.

"Ayaw ko na lang magsalita," dagdag pa ni Thad.

Kunot na kunot na ang noo ni Art sa kanila. "Taga saan po ba kayo?" inosenteng tanong ni Art sa kanila. Doon sila tawang-tawa na apat.

"Huwag mo na alamin, Art. Basta ang mahalaga. Wala ring polaroid camera sa panahon ng Tito Iesus mo," sagot ni Simon kay Art.

"Hoy!"

"Truth hurts."

"Loko ka talaga Takeuchi!"

"Kapag nasaktan, gurang." Niyakap ni Simon nang husto ang tumatawang si Art. "Art, may ipapamana akong motto sa'yo. Tandaan mo ah."

"Hoy Simon, huwag mo tinuturan nang kung ano ang anak namin," reklamo pa ni Thad.

"Wala pa akong anak kaya mga anak n'yo muna palalakihin ko."

"Ano po 'yon Tito Simon?" Art giggled.

"Money is the root of evil things. But since I don't have money. I'm not evil." Tumawa pa ito pagkatapos.

"Mukha mo Simon!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro