Kabanata 34
ALAS SINGKO NA ng hapon nang makabalik sila sa bahay. Wala rin silang napala sa pinuntahan nila. Walang nakakilala ni isa sa mama niya sa compound na 'yon. Akala pa naman niya ay kahit papaano ay may makuha silang lead. Ang sabi pa nga sa kanila, kung hindi nila mahanap baka dumayo lang nang araw na 'yon. 'Yong petsa kasi na nasa picture ay mismong fiesta ni San Gregory.
Paglabas na paglabas nila sa van ay sumulubong sa kanya ang tumatakbo at umiiyak na si Art.
"Mommy!!" iyak nito sabay yakap sa baywang niya. Nag-alala naman siya rito. Ang lalaki ng butil ng mga luha nito nang iangat ang mukha sa kanya.
"Art, what happened?" tanong niya.
"Sep," tawag ni Thad mula sa likod niya.
Nakatayo sa may pintuan si Sep. Napapakamot sa noo. "Sorry na, Art," anito.
"Mommy, kinain po ni Tito Sep ang chocolate na baon ko," umiiyak pa ring sumbong ni Art. "Inubos niya po ang Toblerone. Sabi niya titikim lang po siya tapos ubos na po. Mommy wala na akong Toblerone."
"Anak nang -" react ni Iesus. "Simon Peter naman."
Tawang-tawa naman si Sep. "Akala ko kasi ibinibigay na niya. Sabi niya ayaw na niya. Oh, 'di kinain ko na lahat."
"Mommy, sabi niya po tikim lang po eh."
"Hindi kami nagkaintindihan," sagot pa rin ni Sep, napapakamot na lamang sa noo. "Sorry na Art. Bibili na lang ang Tito Sep mo ng madami. Hanap tayong 7-Eleven kung mayroon man dito."
Kinarga ni Thad si Art na iyak pa rin nang iyak. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa sa anak nila.
"Tahan na, 'nak," alo ni Thad kay Art. Pinunasan nito ang mga luha sa mukha ni Art. "Mayaman 'yang Tito Sep mo. Ibibili ka niyan ng isang box ng Toblerone."
"Promise 'yan, Art!" nakangiting pahabol pa ni Sep. "Ipapa-deliver ko pa sa harapan ng bahay n'yo." Tawa naman ito nang tawa nang suntukin ni Iesus ang isang braso nito. "Hindi ko nga sinasadya. Ito naman."
"Pati bata pinapatulan mo. Nakapagluto ka na ba?"
"Patapos na. Hindi ko lang mapatahan si Art."
"Balikan mo na 'yong niluluto mo."
"Opo, Boss!" Sumaludo pa si Sep bago bumalik sa loob ng bahay.
Ibinalik niya naman ang atensyon sa anak. Hindi na ito umiiyak pero sinisinok naman. Namamaga ang mga mata at pulang-pula ang mga pisngi. Ang cute pa rin nito kahit ganoon.
"Tahan na," hinaplos niya ang buhok nito, "may ice cream kaming dala ng Daddy mo." Hawak niya ang paper bag kung saan nakasilid ang binili nilang ice cream. May nadaanan kasi silang mini convenience store kanina kaya bumili na rin sila. "Hindi ba gusto mo 'to?" Ipinasilip niya rito ang flavor ng ice cream.
Namilog ang mga mata ni Art at ngiting-ngiti nang makita ang takip ng chocolate flavored ice cream. "Gusto ko po!"
Hinalikan ni Thad sa pisngi si Art. "Pagkatapos mag-dinner kainin natin 'to. Hindi natin bibigyan ang Tito Sep mo." He chuckled after.
"Hindi natin bibigyan kasi bad siya," nakangiting dagdag pa niya.
"Bigyan lang po natin kahit small."
Nagkatinginan sila ni Thad. Pareho silang napangiti sa sinabi ni Art. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na hawakan ang mukha ni Art at halikan ang magkabilang pisngi nito.
"Ang bait-bait talaga ng anak namin," aniya.
"Pagbalik natin dadagdagan natin mga art materials mo," dagdag ni Thad. "Gusto mo bang pagawan kita ng play room sa bahay?"
Ngumiti si Art. "Play and art room po gusto ko, Daddy. Saka po, gusto ko po 'yong same sa room mo po. 'Yong maraming buildings saka houses."
Thad chuckled. "Sige. Mag-uusap kami ng Mommy mo para ma convert namin 'yong isang kuwarto sa itaas."
Hindi na siya magrereklamo kung gagastos na naman si Thad para kay Art. Hindi rin naman ito nakikinig sa kanya. Gagawin pa rin nito ang gusto nito.
Ngumiti na lamang siya at tumango sa dalawa.
Niyakap silang dalawa ni Art sa leeg. "Yeheeey! Excited na po ako." Hinalikan pa sila nito sa magkabilang pisngi nila. "I love you po, Daddy. I love you po, Mommy!"
Napansin naman niya si Amora na nakangiting nakatingin sa kanila, yakap-yakap pa ang sarili na parang kilig na kilig na nanood ng teleserye.
"Aww," react ni Amora. "Happy family."
"Amora tulungan mo sa kusina si Sep!" narinig nilang sigaw ni Iesus mula sa loob ng bahay.
Natawa silang dalawa ni Thad nang magkumahog itong tumakbo papasok sa bahay. Muntik pa itong masubsob sa may pintuan dahil madulas ang sahig. Mabuti na lamang at napahawak ito sa magkabilang frame ng pinto.
"Opo, Boss!" sigaw ni Amora. "Papasok na po."
"Ang cute nilang mag-amo," basag niya.
Thad chuckled. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi kapag naging boss ko si Iesus."
Ibinaling niya ang tingin kay Thad. "Hindi ba partners kayo sa isang project?" Tumango si Thad. Naikiling niya ang ulo sa kaliwa at may pagtataka sa mukha niya. "So, alam mo kung paano maging boss ang isang Iesus Cloudio de Dios?"
"At hindi ako natutuwa," seryosong sagot ni Thad.
Natawa siya. "Ay talaga? Iba pala siya kapag sa trabaho?"
Bumalik ang ngiti ni Thad sa mukha pero halatang may stress na. "Hay nako, ayaw ko na lang magsalita. Okay siya maging kaibigan pero iba siya kapag may-ari ng de Dios."
Lalo siyang natawa. "Pero mas okay siya na maging Ninong ni Art."
"That, I will agree."
Itinaas nito ang isang libre kamay sa kanya. Tumatawang idinikit niya ang isang palad dito at nag-apir silang dalawa.
D A Y 1 8
HINDI MAKATULOG SI Sanna.
Ilang beses na niyang sinubukang ipikit ang mga mata ay hindi talaga siya nakakatulog. Bumuga siya ng hangin at nagpasya na lamang bumangon. Isinuot niya ang tsinelas sa mga paa bago ibinaling ang tingin sa mag-ama. Mahimbing na natutulog sa tabi niya ang dalawa. Halos nakadapa na ng yakap si Art sa may dibdib ni Thad. Napangiti naman siya.
Madilim ang silid pero may ilaw naman sa labas kaya nakikita pa rin niya nang malinaw ang oras sa wall clock. Ala una na pala ng madaling araw. Kaya pala nagugutom na ulit siya. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba. Tahimik na ang kabahayan maliban sa hilik ni Sep mula sa sala.
Hindi ito kasya sa sofa kaya inalis nito ang center table at doon inilatag ang foam kasama ng tatlong unan. Tatlo lang kasi ang kuwarto. Ang kanila ni Thad. Isa kay Amora at isa dapat din sana kina Sep at Iesus kaso nagreklamo si Sep na mainit daw. Mas malamig pa raw sa sala. Kaya sa sala ito natulog, ni walang suot na damit sa itaas maliban sa cargo shorts nito.
Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref. Isang pack ng sliced bread, isang bote ng mayonnaise at iilang bottled waters lang ang laman doon. Kinuha na niya ang natirang sliced bread at mayonaise at nagugutom talaga siya. Baka sakaling makatulog na siya after niyang kumain.
Isinarado na niya ang ref. Pagbaling niya ng tingin sa mesa ay napasinghap siya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Thad. Napahawak siya sa kanyang dibdib kasama ng bote ng mayonnaise.
"Thad!" mahinang asik niya rito.
"Bakit gising ka pa?"
Kinalma niya muna ang sarili. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso niya. "Nanggugulat ka naman." Binuksan nito ang ref sa likod niya at kumuha ng isang bottled water. Inabot nito sa kanya 'yon pagkatapos buksan. "Thanks." Uminom muna siya ng tubig.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong ulit nito.
Tumango siya. Ibinalik niya ang bottled water dito na kalahati na ang laman. Inubos na nito 'yon.
"Inabutan na tuloy ako ng gutom."
Inilapag niya ang mga kinuha sa lamesa at kumuha ng dalawang sliced bread. Hindi na nila inabalang buksan ang ilaw sa kusina dahil may kaunting liwanag naman mula sa labas ng malalaking bintana. Naglagay siya ng palaman gamit ng kutsara na nakalagay lang sa lalagyanan ng kubyertos sa mesa.
"Gusto mo?" alok pa niya. "Gawan kita."
"Ako na." Kinuha nito mula sa kanya ang kutsara at ito na ang naglagay ng palaman. "Simula noon ay laging ako ang inaalagaan mo. Hayaan mong ako naman mag-asikaso sa'yo." Ngumiti ito sa kanya at inabot sa kanya ang tinapay.
Napangiti siya. "Salamat."
Gumawa na rin ito ng para sa sarili nito. "Marami ka sigurong iniisip," pag-iiba nito. "Kaya hindi ka makatulog."
Lumipat siya ng puwesto at isinandal ang likod sa kitchen counter paharap kay Thad. "Iniisip ko ang Mama ko... saka ang Papa ko..." Kinagatan niya muna ang tinapay. "Iniisip ko kung bakit itinatago ko sila," dagdag niya habang ngumunguya.
"Siguro naman ay may mabigat kang dahilan kung bakit nagawa mo 'yon." Nang matapos ito ay tumabi ito sa kanya at nagsimulang kumain. "Otherwise, you wouldn't hide these things from us."
"Ang weird lang na nagawa ko siyang itago sa'yo sa mahabang panahon. Parang hindi kita pinagkatiwalaan. Sa kwento mo, ramdam ko naman na mahal na mahal kita. Pero bakit hindi 'yon naging sapat para sabihin ko sa'yo ang bahagi na 'yon ng pagkatao ko?"
"Kung ako ang tatanungin mo. Alam ko."
Naibaling niya ang tingin kay Thad. "Alam mo?"
He nodded.
But it took him a few seconds to speak again.
"I did not make a lot of effort to know you," simula nito. "Actually, mas tamang sabihing mas naging focus ako sa sarili kong problema kaysa alamin ko ang sa'yo." Ibinalik nito ang tingin sa harap pero pansin niya ang pait sa ngiti nito. "Puro sarili ko na lang. Puro problema ko na lang. Hindi na yata kita binigyan ng pagkakataon na makilala pa kita kasi pati problema ko ay inaalala mo pa."
"Thad -"
"It's the truth." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Although I cared and loved you, but I was selfish."
"Sa tingin mo 'yon ang dahilan kung bakit itinago ko 'yon sa'yo?" He nodded. "Paano kung hindi?"
"What are the chances?"
Sanna sighed. "Hindi ko na alam ang iisipin ko."
"Gusto mo bang tapusin ko na ang kwento?"
Mabilis na umiling siya. "No." Bumuga siya ng hangin. "Huwag na muna ngayon, Thad. Baka hindi na talaga ako makatulog. Alam ko na hindi maganda ang paghihiwalay natin. Pero kung ano man ang rason mo. Saka ko na aalamin. Sa ngayon, gusto ko lang muna mahanap ang mama ko para malaman natin kung sino talaga ang papa ko."
Tumango ito.
Muli na naman silang binalot ng katahimikan bago ulit siya nagsalita. "Thad, may tanong ako."
"Ano 'yon?"
"Totoo naman ang pagmamahal mo sa'kin noon, 'di ba?"
Titig na titig ito sa kanya. Kahit na hindi pa siya nito sinasagot ay bumakas na sa mga mata nito ang lungkot, pagsisisi, at pangungulila.
Malungkot man ang ngiti nito ay tumango si Thad.
"Kung may isang bagay man na hindi ko pinagsisihan sa buhay ko ay 'yon ay ang mahalin ka Sanna. Sa ilang taong lumipas. Ikaw lang ang tanging babae na minahal ko... at hinihintay pa rin hanggang ngayon."
Bigla na lamang siyang naluha sa harapan nito sakabila ng kanyang mga ngiti.
"'Yan ang panghahawakan ko kahit na malaman ko pa ang lahat ng nakaraan natin. Kahit na may nagawa tayong maling desisyon sa buhay natin noon. Minahal pa rin naman natin ang isa't isa."
Itinabi niya ang hawak na tinapay at iniyakap ang mga braso sa leeg ni Thad. She tiptoed and kissed him on the lips. Halatang nagulat ito sa ginawa niya. Ramdam niya ang hesitation nito na hawakan siya sa baywang dahil dumikit lang ang mga palad nito roon pero hindi humawak. Akmang lalayo na siya nang tuluyan nang yumakap ang mga braso nito sa baywang niya.
Napasinghap siya nang nang gumalaw ang mga labi nito at halikan siya nang mas malalim. Lalo siyang napakapit dito habang tinutugon ang mga halik nito. For her it was her first kiss, pero bakit kung tugunin niya si Thad ay sanay na sanay na ang mga labi niya na halikan pabalik si Thad? Alam na alam niya kung paano angkinin ang mga labing 'yon.
Umangat ang isang kamay nito para hawakan ang kalahati ng mukha niya para mas mahalikan siya nang mas malalim pa. May kumawalang ungol sa mga bibig nila. She opened her mouth more at tinanggap ang bawat pagdama ng dila nito sa kanyang bibig at mga labi. Ramdam na niyang kakapusin siya ng hininga sa paraan ng paghalik nito pero hindi niya magawang bumitaw.
Gusto niya ang mga halik nito. Gustong-gusto niyang yakapin ito nang mas mahigpit pa. Pakiramdam niya ay kulang ang oras na mayroon sila nang mga oras na 'yon para palitan ang mga taon na nawala sa kanila.
"Thad," ungol niya sa pagitan ng mainit na paghahalikan nila.
"I missed you," he whispered, breathless. He cupped her face and kissed her more. Sumandal na nang husto ang likod niya sa counter. Like he couldn't get enough of her lips. "I missed you so much." Those words sounded so painful in her ears. Lalo lang siyang naluha habang tinutugon pa rin ang mga halik nito.
"I love you," anas niya. Umangat din ang mga kamay niya sa mukha nito para patigilan ito. He protested but she held his face firmly. Pareho nilang habol ang hininga. Lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang luhaan nitong mukha. He was crying. "Thad?"
"Mahal na mahal kita," he confessed. "Sobra..." Niyakap siya nito. Kumurap siya at lalo lamang bumugsak ang mga luha niya sa mga mata. Niyayakap siya nito para bang batang takot na takot iwan.
She gulp the painful feeling in her throat pero parang mas lalo lamang sumakit. Mas lalo lang sumikip ang dibdib niya. Nakangiting inilayo niya ito nang bahagya sa katawan niya at muling ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga kamay.
"Ano ka ba," pilit siyang tumawa. "Nandito pa naman ako." Pinunasan niya ang mga luha sa mukha ni Thad gamit ng kanyang mga kamay. "Saka ka na umiyak kapag nawala na ako," biro pa niya. "Sayang ang luha puro tayo iyak na dalawa. Ngumiti ka riyan."
Tipid itong ngumiti.
"Lakihan mo pa." Nilakihan nito ang ngiti na nasa huli ay naging mahinang tawa.
"Mukha naman akong tanga, Sanna," reklamo pa nito.
"Pareho naman talaga tayong tanga." Nagtama ang kanilang mga mata. Pareho na silang nakangiti kahit na hindi pa tuluyang natuyo ang mga luha sa kanilang mukha. "Tangang mahal ang isa't isa."
He chuckled saka sinapo ang likod ng ulo niya para mariin siyang halikan sa noo. "Mabubuo ba ang Art natin kung hindi natin sobrang mahal ang isa't isa?"
Natawa siya at muli iniangat ang mukha rito. "Hindi ko pa rin maisip nang lubusan na ang hilig-hilig natin sa ganoon noon. Wild pala ako?"
"Ayaw ko na muna isipin."
May pagtataka sa mukha niya. "Bakit naman?"
"It's not good for me to think about it when you're just a mere distance from me. You don't know what's running inside my head when I think of you or even see you. Believe me, Sanna. I'm just holding myself."
Nag-init bigla ang mga pisngi niya. Hindi na kailangan i-detalye ni Thad ang nais nitong sabihin sa kanya. Nakuha na niya ang ibig sabihin nito.
He's a man and he have feelings for her. Pero pinipigilan nito ang sarili nito para sa kanya. She was touched by his respect for her but at the same time. Gusto niyang sisihin ang parola kung bakit 18 years old version niya ang nandito at hindi 'yong 20 siguro siya. Sana, 'yong 29 version na lang din niya para wala na siyang iisipan pa.
Nakagat niya ang ibabang labi. "Pero hindi naman siguro masama ang halik at yakap, 'di ba?"
Honestly, she wanted to feel his lips again lingered on her lips. The moment their lips touched earlier ay ramdam na ramdam niya ang pamilyaridad sa mga halik na 'yon. She couldn't get enough of it. She longed for that kiss even more.
Ngumiti ito. "Hindi masama kung papayagan mo rin akong halikan ka ulit."
Ibinalik niya ang ngiting 'yon. "Will you kiss me again?"
Thad wrapped his arms again around her waist. He pulled her closer but gently - nailapat niya tuloy ang mga palad sa didbdib nito. Hinalikan nito ang kanan niyang pisngi. His lips lingered there for a few seconds. Lalo siyang napangiti. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nilang dalawa sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
He chuckled. "Of course," anito saka siya siniil ng halik sa mga labi na buong puso niyang tinugon.
Napapangiti sila sa isa't isa sa tuwing naglalayo ang mga labi nila at hahalikan na naman siya nito. Mas lalo lamang niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ni Thad. The future scares her, but she would like to hope that there is still a chance that she, Art, and Thad could be a family.
"I love you," he whispered between kisses.
"I love you, too."
"AALIS MUNA KAMI ulit, Art, ha?" paalam ni Sanna kay Art nang makalabas sila sa bahay. Si Sep pa rin ang magbabantay rito sa bahay. "Uuwi rin agad kami."
Natawa naman siya sa halos hindi na maipintang mukha ni Art. Nanghahaba ang nguso, magkadikit ang mga kilay, at bagama't hindi maayos ang pagkakakrus ng mga braso nito sa may dibdib nito ay mukha itong banas na naman sa mundo.
"Hindi bale anak," salita ni Thad mula sa likod niya. Nakahawak ito sa baywang niya. "Babawi kami ng Mommy mo. Pupunta tayong beach. Gusto mo maligo sa dagat 'di ba? Tuturuan kitang lumangoy."
Ngumiti siya nang husto kay Art. "See? Ipapasyal tayo ng Daddy mo."
"Lagi n'yo na lang akong iniiwan with Tito Sep. Lagi naman ako tinutulugan ni Tito Sep eh. Hindi naman siya nakikipaglaro. Natutulog lang siya lagi." Nagkatinginan silang dalawa ni Thad at natawa. Ilang beses na nga nila 'yong narinig kay Art since kagabi. "Sabi niya, mag-ask na lang daw po ako ng baby brother at baby sister sa inyo para may playmates ako."
Inihit naman siya ng ubo.
Napakamot sa noo si Thad. "Anak, siguro hindi pa ngayon, but when everything is okay. Puwede ka na namin bigyan ng kapatid ng Mommy mo."
Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Iniisip pa lang niya kung paano nila gagawin ang hinihinging kapatid ni Art ay para siyang kinikilig na kinakabahan.
Sanna, focus. Dadating din kayo sa part na 'yan, but for now, iba muna ang focus natin.
"Masaya pa naman tayo na tayong tatlo lang, 'di ba?" Malambing niyang hinila si Art para ipayakap ang mga braso nito sa baywang niya. "Promise, kapag nahanap na namin ng Daddy mo ang hinahanap namin ay babawi kami. Mamamasyal tayo kahit saan. Kakain tayo ng kahit ano. Tapos ibibili tayo ng Daddy mo ng madaming art materials at sabay-sabay tayong mag-do-draw ng something. Gusto mo 'yon?"
Nawala na ang inis sa mukha ni Art at napalitan na 'yon ng tipid na ngiti.
"Oy, ngingiti na 'yan." Kiniliti niya ito kaya tuluyan na itong ngumiti - tumatawa pa. "Hayan, masaya na ang Art namin."
Art's laughs and giggles are always a music to he ears. Hinding-hindi siya magsasawa na pakinggan ang masayang tawa na 'yon ni Art.
Mayamaya ay narinig nila ang ringtone ng cell phone ni Thad. "Wait, may tumatawag." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Sagutin ko lang."
Tumango lang siya bago ito tuluyang lumayo para sagutin ang tawag.
Humahangos na lumabas naman si Amora mula sa bahay. Nakaangat sa ere ang hawak nitong cell phone.
"Tumawag sa'kin 'yong isang Isidro na medyo malayo!" sigaw ni Amora, bahagyang hinihingal pa. Napatingin siya kay Iesus na kasalukuyang nililinisan ang driver's seat ng van. "In-chat ko kasi sa Messenger kagabi kasi binigyan ako ni Fr. Paul ng account niya. Sinend ko 'yong picture. Sabi niya kilala raw niya ang babae."
Lumakas bigla ang tibok ng puso niya.
"Puntahan na natin," sagot ni Iesus.
"Aalis siya mamayang hapon pa s'yudad kaya kailangan talaga natin silang puntahan ngayong umaga."
Nakabalik na rin si Thad sa tabi niya. "Sandra called," imporma nito sa kanila. "Nakita na raw niya ang Baptismal ni Sanna." Hinawakan nito ang isang kamay niya at ngumiti sa kanya. "At nandoon ang pangalan ng papa mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro