Kabanata 31
D A Y 1 4
"YOU WERE PART of the list of scholars under Mayor Saturnino Rama..." Nasa daan pa rin ang tingin ni Thad habang nagsasalita. Nakapasok na ang sasakyan nila sa dating village kung saan sila nakatira noong college. "And it's also managed by the mayor's wife, Mrs. Cassandra Rama. Hindi rin 'yon government program – private charity program 'yon ng mag-asawa."
Napag-usapan na nila 'yon ni Thad noong isang araw pa. Siya nga rin mismo ang nag-suggest na puntahan na lang nila ang dating bahay. Naisip niya na baka may makuha silang impormasyon kahit sobrang tagal na noon. Naisip niya na baka... may alam ang may-ari tungkol sa umupa ng bahay almost ten years ago.
"You've been under that scholarship program since you transferred in St. Catherine," pagpapatuloy pa rin ni Thad. "And that time... Vice Mayor pa si Saturnino Rama... at konsehal naman ang kapatid niyang si Sergio Rama."
"Sa tingin mo, Thad, may koneksyon talaga ako sa pamilya nila? What if, nagkataon lang na pareho lang kami ng apelyido?" tanong niya.
"It makes sense to me na walang Evangeline Isidro sa Samboan. Puwede nating isipin na hindi talaga taga roon ang mama mo at hindi ka sa Samboan lumaki. Lumipat siguro... o baka dinala ka ng Papa mo sa Samboan."
"Dahil ba nabanggit ko na sa'yo noon na matagal ko nang hindi nakakausap ang Mama ko kaya iniisip mo na nasa poder ako ng Papa ko?"
Tumango si Thad. "It's not just my guess. Sigurado ako na nasa poder ka ng papa mo dahil wala ka namang ibang binabanggit noon kundi gusto mong maging proud sa'yo ang ama mo."
Gusto kong maging proud ang Papa ko sa'kin?
She can feel it inside her... in her heart. Pakiramdam niya ay hindi 'yon nawala sa kanya. Nakalimutan man niya pero ramdam pa rin niya ang pinaghuhugutan ng pamilyar na sakit na 'yon.
But why do I feel like I wasn't able to make my Papa proud?
"Sanna," pukaw sa kanya ni Thad. "We're here."
Kinalas nito ang seatbelt sa katawan. Na i-park na rin pala nito ang sasakyan sa gilid ng daan.
Inalis na rin niya ang seatbelt niya. Nauna naman si Thad na lumabas. Umikot ito sa harap ng sasakyan at nakatingin sa bahay sa side niya. Bumaba na rin siya.
"Thad?"
Natigilan siya sa nakita niya.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Parang déjà vu sa kanya ang itsura no'n. Sa naalala niya ay punong-puno ng buhay at kulay ang bahay na 'yon. Pero sa mga oras na 'yon ay bumakas na ang ilang taong lumipas mula sa kupas ng pintura ng bahay at patay nang mga halaman sa maliit niyang hardin noon.
She felt a tug of pain in her heart. This isn't the house she remember. Masyado nang malungkot ang bahay na 'yon sa kanyang paningin. It reminded Sanna of herself. Parang simula nang mawala siya ay wala na ring nakaalala sa bahay na 'yon.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"Sanna," mahinang tawag sa kanya ni Thad.
"What happened?" malungkot niyang baling kay Thad.
Mapait itong ngumiti sa kanya. "I didn't know." Sa mukha ni Thad ay tila hindi rin ito makapaniwala sa itsura ngayon ng dati niyang bahay. She also saw pain in his eyes.
Umangat ang tingin niya sa dalawang palapag na bahay katapat ng bahay niya. Nasundan 'yon ng tingin ni Thad at napalingon ito. Thad, Jude, and Simon's house look different from how she remember it. Dalawang palapag pa rin pero pinalitan na ng pintura at naging sementado na halos. Sa tingin niya isang pamilya na ang nakatira roon.
"They've renovated it," basag ni Thad.
"Pero maganda," dagdag niya.
Naibalik ni Thad ang tingin sa kanya. "Sanna – "
Ngumiti siya. "It's fine. Halos sampung taon na rin naman ang lumipas, Thad. Natural na marami ng nabago." Humugot siya nang malalim na hininga at mas ginandahan ang ngiti niya. She doesn't want Thad to worry about her. "Sa tingin ko rin ay hindi na binalikan ng may-ari ang bahay."
"The house is actually for sale."
Namilong ang mga mata niya. "Ngayon lang nila binebenta?"
Tumango si Thad. "One of my junior architects shared a post on Facebook from a real estate broker. I saw the ad and got curious dahil parang pamilyar ako sa bahay. When I look at the details and address doon ko na confirm na ito nga 'yong bahay mo noon."
"Kailan mo nakita?"
"Kahapon lang, so I called the broker and set an ocular visit with her today. Ang sabi niya ay taga Santo Niño Village lang din naman siya." Hinugot ni Thad ang cell phone sa bulsa ng maong nitong pantalon. "Nasa kanya ang susi ng bahay. Tawagan ko lang muna. Saglit lang."
"Mr. Apostol?"
Sabay na napalingon sina Sanna at Thad sa nagsalita. May babaeng lumabas sa dating inuupahang bahay ni Thad noon. Nakangiti at may hawak na cell phone. Hindi pa naman mukhang matanda ang babae. Sa tingin niya ay nasa late 30's pa ito.
"Mrs. Agnes?" kompirmang tawag ni Thad. "Agnes Lucero?"
Lumapad lalo ang ngiti ng babae. "Ako nga." Tuluyan na itong lumapit sa kanila. "Good morning, Architect. Nako, pasensiya na at hindi ako nakapag-update sa inyo. Naging busy lang."
Ngumiti si Thad. "It's fine. Kakarating lang namin. Ah, nga pala, Hon, si Mrs. Agnes, siya ang broker ng bahay. Mrs. Agnes, my wife, Evangeline."
Hindi siya pinakilalang Sanna ni Thad. Nagtaka siya roon. Pero hindi niya pinahalata at baka mapansin pa ni Mrs. Agnes. Baka iniiwasan lang ni Thad na banggitin na siya ang dating umuupa ng bahay noon.
"Nice to meet you, Ms. Evangeline." Nakangiting nakipagkamay ito sa kanya na tinaggap niya rin. "Nako, huwag n'yo na akong tawaging Mrs. Agnes. Agnes na lang." May ngiting tumango lang silang dalawa ni Thad. "Halika kayo, pumasok tayo."
Nauna na ito sa kanila.
"Pasensiya na at sobrang kalat pa talaga. Noong isang buwan lang kasi ipinaalam sa'kin na ibebenta na 'to no'ng anak ng may-ari." Binuksan nito ang gate at inalis ang kadena at padlock. "Ang tagal na kasi noong huling may umupa sa bahay na 'to. Sa pagkakaalam ko ay mahigit sampung taon na rin. Pasok kayo."
Nauna pa rin si Ms. Agnes at nakasunod pa rin sila ni Thad.
"Matagal na po ba kayo rito?" tanong ni Thad.
Hindi naman niya mapigilang igala ang tingin sa wala nang buhay niyang hardin. Parang ilang bagyo na ang dumaan doon. Patay na halos ang mga halaman at wala na ring natira sa sira-sirang mga paso - sira na halos. Naalala pa niya na sa kanya ang mga pasong 'yon. Siya mismo ang bumili.
"Mga limang taon na rin. Nabili namin 'yang bahay sa katapat." Ang main door naman ang sunod na binuksan ng babae. "Sabi ko nga sa may-ari na ipalinis naman nila. Kaso ang sabi nila ay wala raw silang oras at ayaw na rin nilang gumastos pa. Walang mag-aasikaso dahil nga nag-migrate na sa Chichago."
"So, may mga gamit pa po ba sa loob?" tanong niya.
Nabuksan na nito ang pinto. "Ah, oo. May mga gamit pa. Gamit noong huling umupa. Nakapagtataka nga eh. Kasi parang wala namang inalis na gamit. Maalikabok lang talaga at sa ngayon pinutol ang linya ng kuryente pero madali lang naman magpa-reconnect ulit. Nilinis ko na 'to noong isang araw kasi may tumingin din. Ang front garden lang ang hindi ko pa naasikaso."
Nauna pa rin itong pumasok sa bahay.
Habang papasok ay hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Magkahalong lungkot at takot. Pero hindi niya alam kung saan galing ang takot na 'yon.
"Sa umaga talaga ako nagpapa-ocular visit para maliwanag ang buong bahay," pagpapatuloy ni Ms. Agnes.
Binuksan nito lahat ng mga jalousie window at bumungad sa kanya ang nakakalungkot na bersyon ng sala at kusina niya. Naninikip ang dibdib niya. Napalunok siya at bahagyang napaatras.
"Sanna," pabulong na tawag sa kanya ni Thad, nasa likod niya ito at halos alalayan na siya. "Are you okay?" may pag-aalala sa boses nito.
Tumango siya. "Okay lang ako... medyo... ano lang..." Hindi niya matuloy ang sasabihin. Gusto niya lang maiyak. "I'm... sorry..." her voice broke at the last word.
Pinihit siya ni Thad paharap sa kanya. "Hey," he cupped her face. Wala siyang nagawa kundi ang salubungin ang nag-aalalang mga tingin ni Thad. "Gusto mo bang ako na lang ang tumingin?"
Umiling siya. "Hindi. Kaya ko –"
"You know that you don't have to."
Pilit siyang ngumiti. "Kaya ko, Thad. Nag-a-adjust pa lang ako." Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang ibinaba 'yon, but she didn't let it go. Ginagap niya 'yon. "Hawakan mo lang ang kamay ko. Puwede ba?"
May ngiti nang sumilip sa mukha nito. "We'll do it together." Hinayaan niyang hawakan ni Thad ang isang kamay niya.
Humugot siya nang malalim na hininga at muling iginala ang tingin sa paligid. Kaya mo 'to, Sanna. Hindi tayo uuwi na walang makikita na mga clues.
"Hindi ho ba naka lock ang mga kuwarto?" basag na tanong ni Thad.
"Noong una pero bukas na 'yan lahat." Nakatayo si Ms. Agnes sa harapan ng saradong pinto ng silid niya. "Actually, kung gusto n'yo ay hayaan ko muna kayong maglibot sa buong bahay tapos kapag may mga tanong kayo, puwede nating pag-usapan after."
"We would appreciate that," sagot pa rin ni Thad.
Ngumiti si Ms. Agnes. "Sige, sige." Binuksan nito lahat ang mga pinto ng dalawang silid na naroon. "Hintayin ko kayo sa bahay. Medyo mainit talaga rito. Mas makakapag-usap tayo roon."
"Sige po."
Ngumiti pa ulit ito sa kanila bago sila iniwan nang tuluyan. Sinusundan pa rin ni Thad ng tingin ang babae habang nakaangat ang mukha niya rito.
"Thad..."
"Hmm?" baling nito sa kanya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito pa rin halos ang mga gamit ko?"
Iginala ni Thad ang tingin sa paligid. "Sa'yo ba 'to lahat o nandito na 'to noong lumipat ka?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi ko rin sigurado eh. Pero kung iisipin din natin nang mabuti. Hindi ko rin naman kakailanganin ang mga 'to. Siguro mga damit at importanteng mga gamit ko lang ang dinala ko."
Hinila na siya ni Thad sa silid niya. Ganoon pa rin ang ayos no'n. Halos walang nabago sa mga arrangement. Pati ang beige na floral bedsheet na halatang kupas na. Mga painting ng mga bulaklak at halaman na nakasabit sa pader ay nandoon pa rin. Naalala niya ang mga 'yon – artwork niya ang mga 'yon.
Bumitaw siya sa hawak ni Thad at tinungo ang desk niya. She pulled all the drawers. May mga gamit pa niya roon. Pero puro sketch notebooks lang, ballpen, lapis, eraser, iilang mga barya, used notepad, at kung ano-anong pansabit sa bag.
Naramdaman niya si Thad sa kanyang likod. She didn't mind him. Binuksan niya isa-isa ang mga nahagilap na notebook. Kung hindi mga subject discussion ang content ay ingredients naman ang nakasulat o 'di kaya mga drawing na naman.
"I'll search in your art room," paalam ni Thad, narinig pa niya ang mga yabag ng paa nito na umalis.
"There has to be something in here." She ignored the beads of sweats on her forehead. Tinignan niya ang bawat sulok ng kuwarto niya. "Dapat may naiwan ka rito Sanna. Hindi puwedeng wala."
Sinilip na niya ang ilalim ng kama. Pati ang likod ng mga paintings niya sa pader. Binuksan din niya ang aparador niya. Medyo inihit siya ng ubo dahil sa sumamang alikabok. Naitakip niya ang isang kamay sa ilong – naniningkit ang mga mata. But what she didn't expect ay ... madami pang damit sa loob ng closet.
Mga damit ko!
Inisa-isa niya ang mga naka hanger pa. Umalis ba talaga ako? Bakit ang dami kong gamit na iniwan? Halos pa nang mga 'yon ay mga paborito niya. Alam niya, kasi naalala niya ang mga 'yon sa kanyang isip.
Napansin niya ang drawer sa ilalim ng aparador. Tumingkayad siya ng upo sa harapan no'n at hinugot. Bumungad sa kanya ang isang lumang year book – year book niya noong High School. Natatabunan 'yon ng mga gamit pantahi niya.
Kinuha niya ang yearbook at akmang bubuklatin 'yon nang biglang may mahulog na papel sa isa sa mga pahina no'n – isang picture.
Pinulot niya ang nakataob na larawan sa sahig at iniharap 'yon. Napakurap siya sa nakita. Hindi siya puwedeng magkamali. Siya ang batang babae sa larawan. Medyo kahawig niya roon si Art dahil maikli ang buhok niya. Sa tingin niya ay nasa limang taong gulang siya sa picture na 'yon – nakangiti at may hawak ng isang plastic ng pink cotton candy.
Katabi niya ang isang magandang babae. Hindi ito nakangiti sa larawan pero malaki ang pagkakahawig niya roon. Background nila ang isang simbahan na hindi siya pamilyar kung saan.
Lumakas bigla ang pintig ng puso niya.
Hindi kaya... siya ang Mama ko?
"Sanna!"
Nagulat siya nang biglang marinig ang pasigaw na tawag ni Thad sa kanya mula sa labas.
"Sanna, may nakita ako rito."
Ibinalik niya ang larawan sa yearbook at dala-dala niya 'yon na pinuntahan niya si Thad sa dating art room niya. Naabutan niya itong may hawak na painting canvas – a medium size canvas board.
Naigala niya ang tingin sa paligid. Pati ang kuwarto na 'to ay walang pinagbago. Nandoon pa rin ang mga gamit niya at iilan sa mga paintings na gawa niya.
I really did leave a lot of things behind.
"Anong nakita mo?" tanong niya, lumapit siya ka Thad.
"This one." Ipinakita ni Thad sa kanya ang isang portrait painting ng isang magandang mansion. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatitig doon. "Kamukha 'to ng mansion ng mga Rama sa Samboan."
Pati siya ay napatitig sa painting. Nakita nga niya ang picture na ibinigay ni Iesus kay Thad. Ang pagkakaiba lang ay maganda at buhay na buhay ang pagkaka-paint niya sa mansion. Samantalang halos kupas at sira-sira naman ang ipinakita ni Iesus sa kanila.
But what piques her interest is not the mansion... kung 'di ang nakatalikod na babae sa painting.
Half-body lang ang pagkakapinta niya sa babae. Halatang mahaba ang buhok pero nakaharap at nakatanaw sa mansion kaya walang mukha. Puti ang kabuoang kulay ng dress na suot ng babae pero may mga detalye ng mga bulaklak na kapag tinitigan niya nang mabuti ay parang ang chaotic tignan.
Napansin din niyang may kakaiba sa detalye ng mga sanga ng puno at sa paligid ng babae. It give her a different impression.
Oo, maganda ang pagkakaguhit ng mansion pero bakit ang lungkot ng labas ng bahay? Parang walang buhay... at ang gulo. Walang halaman ang mga sanga ng kahoy at tuyong-tuyo. Plain faded blue lang ang kalangitan at walang mga ulap.
Hindi niya maalis ang mga mata sa painting.
Anong nasa isip mo Sanna nang iguhit mo 'to?
NOVEMBER OF 2010
NAGAWA NANG IKALMA ni Sanna ang sarili nang isang pulang linya lang ang lumabas sa pregnancy test na hawak niya. Hindi siya dinatnan ngayong buwan. Kinabahan siya bigla. Maingat naman sila ni Thad pero kahit ganoon natatakot pa rin siyang mabuntis.
Naglapat ang mga labi niya habang nakatingin sa negative pregnancy test.
If I get pregnant. Alam ko na magagalit at madidismaya si Papa. Hindi ko kaya na makita siyang disappointed sa'kin.
The idea of having Thad's baby makes her heart feel warm. Gusto niya, but it's not yet the right time.
Marahas siyang napabuntonghininga.
"Sanna?!"
Nanlaki bigla ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Thad. Mabilis na itinago niya sa ilalim ng unan ang PT na hawak. Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto niya. Nagtaka siya dahil sobra ang ngiti ni Thad nang makasalubong ito sa sala.
"Oh, ngiting-ngiti ka riyan?" puna niya.
"May good news ako sa'yo." Lumapit ito sa kanya at iniyakap ang mga braso sa baywang niya. Thad's happy smile never leave his face. "Papa called earlier... and he told me na nagustuhan ng client ang mga suggestions ko."
Nahawa siya sa ngiti at saya na nakikita niya rito. "Wow naman!" Nakangiting hinawakan niya si Thad sa mga braso. "Kakasimula mo pa lang pero ang dami ng papuri sa'yo ng Papa mo ah."
Thad chuckled. "Ang weird nga sa feeling. Dati puro disappointment lang naririnig ko sa kanya. Ngayon nakikita na niya ako... pinupuri na niya ang mga gawa ko."
"Ang sarap ba sa feeling?" nakangiti pa rin niyang tanong.
Tumango si Thad.
Hindi niya napigilan na abutin ang masayang-masayang mukha nito. Para itong bata na nabigyan ng maraming stars at very good ng teacher niya. Marahan niyang pinanggigilan ang mga pisnging 'yon.
"Nakaka-proud naman ang future architect ko," puri pa niya rito.
Naging pilyo ang klase ng ngiti ni Thad. "Wala ba akong reward mula sa girlfriend ko?"
Natawa siya. "Lagi ka namang may reward sa'kin ah."
"Siyempre iba naman 'yon." Lumapad pa lalo ang ngiti nito sa kanya. "Sige na, isang halik lang sa pisngi." Bahagya nitong iniharap sa kanya ang kaliwang pisngi.
Natawa lang ulit siya. "Hay nako, ang kulit!" Inayos niya ang pagkakahawak sa mukha nito. "Oh, siya, sige na. Yuko ka nang kaunti. Ang tangkad-tangkad mo."
Nahawa rin si Thad sa tawa niya. "Grabe naman." Hindi ito yumuko, but Thad lowered himself para hindi siya mahirapan. "Okay na po? Nag-adjust na po ang boyfriend mo."
Naningkit ang mga mata niya kakatawa. "Opo, sorry po."
"Cute mo talaga."
"Mukha mo!"
Lumakas lang tawa ni Thad. Napalo niya tuloy ito sa braso. "Aray!" daing nito. "Nanakit ka na hindi pa tayo kinakasal. Baka kapag misis na kita, plato na ipambabato mo sa'kin."
"Hindi. 'Yong paso ko sa labas ay ipambabato ko sa'yo."
"Nahiya ka pang hugutin ang ugat ng puno mo sa labas. Ihampas mo na lang din sa'kin."
Sumasakit na ang panga niya kakatawa. "Awat na nga. Papahalik ka ba o hindi?"
"Papahalik siyempre. Dali na." Thad tapped a finger on his left cheek. "Damihan mo para masaya."
Hinalikan niya ito sa pisngi. "Oh, hayan na."
"Damihan mo nga."
Tatlong halik ang dinagdag niya. "Okay na po?" Nakagat na niya ang ibabang labi habang nakatingin sa mukha nito. Ang pilyo pa rin ng ngiti nito.
"Isa pa –" Pinalo niya ulit ito sa braso. "Shit!" mura nito sabay tawa.
Marahas na binitiwan niya ang mukha nito. Tawa pa rin nang tawa si Thad kahit sinipa na niya sa tuhod. Ang taas na naman ng energy nitong si Thad ngayon. Nahahawa rin siya. Pero agad din 'yong nawala nang pagbaling niya sa may pintuan ay nakita niyang nakatayo roon si Simon.
Napakurap siya sa sobrang gulat.
"K-Kuya Si..." she stuttered.
Halatang nagulat din si Thad nang makita si Simon. "Simon..."
Naglapat nang husto ang mga labi niya. Napakaseryoso ng mukha ni Simon. Those eyes couldn't lie. She knew that Simon felt betrayed.
"So, hanggang kailan n'yo ako gagawing tanga?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro