Kabanata 3
***Trigger warning, this scene involves self-harming behavior because of depression. Read at your own risk.***
"...What happened to us?"
Isang mahabang katahimikan ang bumulot sa pagitan nila. Thad blinked and she saw how the pain in his face grew. Pakiramdam niya ay sobrang bigat para rito ang aminin sa kanya ang katotohanan. She couldn't tell if those were tears that welled in his eyes or just her imagination.
"Thad?"
"Sanna –"
"Sanna!" Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo mula sa harapan ng pinto ang Kuya Simon niya, umiiyak sa pagitan ng ngiti. "Sanna!" Agad din siya nitong sinugod ng yakap. "Sanna, totoo nga," he sobbed, sobrang higpit ng yakap nito sa kanya. Gulat na may kasamang pagtataka. "Sanna...bumalik ka..." Hindi niya alam kung bakit naiyak siya lalo nang yumugyog lalo ang mga balikat nito sa pag-iyak.
"Kuya..."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Kuya Simon cupped her face. "I couldn't believe it when Jude called. Sabi niya nandito ka raw. Pumunta agad ako." Hilam pa rin ng mga luha na sinipat nito ang mukha niya. Bumaba ang kamay nito para hawakan ang balikat niya at ang mga braso niya. "What happened? Bakit naka school uniform ka pa?"
"Si," lumapit sa kanila si Thad, "she's not from here." Puno ng pagtataka ang mukha ni Kuya Simon. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Thad.
"What do you mean?"
"She time traveled." Napalingon silang lahat kay Jude na mukhang kakapasok lang sa bahay. He smiled at her. "Sanna."
"Kuya Jude," tawag niya rito, malaki ang ngiti. Natawa siya pagkatapos. Tinignan niya ang tatlo. Her golden trio. They are all aging like a fine wine. So grown up and mature. Mas lalo lang gumwapo ang mga ito sa nakalipas na taon. Ang unfair! "Ang tatanda n'yo na!" biro pa niya.
Titig na titig lang ang tatlo sa kanya.
Alam niyang awkward talaga 'to sa kanilang apat. She also has her own wonders but traveling phenomenon does not happen to all. She might as well learn to enjoy it. Nandito naman sila Thad, Simon, and Jude. She doesn't think she'll incur harm in this timeline. The people here seem off but they seem pretty harmless.
"Hoy, titig na titig kayo sa'kin." She snapped her fingers in front of the three. "Ako lang 'to, si pretty Sanna."
Jude stepped forward and hugged her. "Sanna." Napangiti siya. Jude had grown taller and kagaya ni Thad ay marami ring nabago sa pangangatawan nito, but despite that, wala naman siyang naramdamang pagbabago sa init ng yakap nito. It was still the big bear hug from her Kuya Jude. "I missed you." Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya.
"Nagkita pa tayo kahapon pero sige na miss na rin kita," she chuckled.
Natawa lang si Jude at kumalas na sa pagkakayap sa kanya. "Birthday mo ngayon." The smile remained on his face. "Ilang taon na ba dapat?"
"Eighteenth birthday."
"So you came from 2009?" asked Simon.
She nodded. "It was November 19, 2009 nang magising ako kanina."
"It doesn't matter. Ang importante ay nandito ka na." Muling lumapit sa kanya ang Kuya Si niya at inakbayan siya. "And today is your birthday." He playfully mess her hair. "We're going to celebrate it."
"Si is right," Jude snapped his fingers. "Which reminds me. I've ordered foods from Noah's Ark –"
"Foods lang?" birong reklamo pa niya.
Natawa si Jude. "Makakalimutan ko ba ang cake? Syempre hindi."
"Kalimutan mo na lahat huwag lang ang cake ko."
"I know. I know. Taong cake ka pa naman."
Ang lakas ng tawa niya. "Sobra 'to. Favorite lang. Saka cake naman talaga pinakaimportante sa birthday."
"Hindi 'yong magbi-birthday?"
Napamaang siya. "Alam mo Kuya Si edad lang tumanda sa'yo pero ang joke mo hindi man lang nag-improve."
Ang lakas-lakas ng tawa ni Kuya Simon. "The only consistency in my life. At dahil diyan may joke ako –"
"Huwag na!" Hinagilap niya ang kamay ni Jude at 'yon ang pinantakip sa bibig ni Simon. "Naiintindihan naman namin ang pinagdadaanan mo." Kinindatan siya ni Jude at mas inayos pa ang pagkakabusal ng bibig ni Simon mula sa likod nito.
"Grabekayosakin..." Simon whimpered as he tried to get away from Jude's hold.
Napatingin naman siya kay Thad. He was silent but he was smiling. Actually hindi siya sanay na tahimik ito. Ang kilala niyang Thad ay sobrang daldal at makulit. Well, madalas siyang nasesermonan. Sa kanilang apat pa naman ay si Thad na ang tumayong nanay at tatay nila.
Mamaya ay kakausapin niya ito nang mas masinsinan.
If she only have at least 48 days baka nga may mission talaga siya rito at makakabalik lang siya sa original timeline niya kapag nagawa niya nga 'yong mission na 'yon. But the big question is... anong mission?
Kung pagbabasehan ang nakaraan ay wala namang big conflict na naganap. Unless it happened around 2010 or 2011. Possible 'yon. At dahil nga she belonged to 2009 wala rin siyang idea kung ano 'yon.
Si Thad lang talaga ang makakasagot sa mga katanungan niya.
Naibaling ni Thad ang tingin sa kanya dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Whatever he was hiding from her. She will do her best to make him speak.
Ngumiti siya rito at napansin na naman niya ang pagkabigla nito. Surely there is a deep reason behind those strange actions from Thad.
BACK IN 2007
NAPASINGHAP SI SANNA nang makita kung gaano kataas ang kababagsakan niya if she decided to jump from the rooftop of their school building. Tila hindi rin nauubos ang mga luha niya sa pagdaloy.
Pagod na pagod na siya.
She just wants to end everything.
Sumampa na siya paakyat ng harang na pader na hanggang sa baywang niya ang taas. Her body was trembling in fear but it was now or never. She has prepared everything for this day including her goodbye note for her father.
"Hey!"
Natigilan siya nang marinig ang sigaw ng isang lalaki mula sa kanyang likod.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Dumiin ang hawak niya sa harang. Sinadya niyang finals week para walang makapansin sa kanya. Pero bakit may tao pa rin sa rooftop?
"Don't come closer!" she warned ng hindi ito nililingon.
"Magpapakamatay ka ba?!"
"Bakit ba?!" inis niyang balik tanong. She already planned everything. Hindi na niya puwedeng ipagpaliban 'yon or else she might no longer have the courage to do this. "Umalis ka na."
"Hindi solusyon ang magpakamatay," mahinahon nitong sabi. "Halika, pag-usapan muna natin 'yan."
"Ayoko! Pagod na ako."
"Sa tingin mo ba magiging okay ka kapag tinapos mo ang buhay mo ngayon? What about your family? Iiwan mo na lang sila nang ganoon?"
They don't even care about me.
Umiyak lang siya pero 'di na isatinig ang mga salitang nabuo sa kanyang isip.
"If it's because you fail one of your subjects, it's okay, puwede ka namang bumawi next sem. I will help you."
"I-I'm tired..." she sobbed.
"We all get tired, Sanna." Natigilan siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Naibaling niya ang mukha rito. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ito.
It was Thaddeus Bernardo Apostol.
Ang lalaking gustong-gusto niya noong high school siya.
"But please, don't give up yet," he pleaded. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. "Better days are coming." Ngumiti ito. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Come on, hold my hand."
Napatitig siya rito.
She has always been in love with Thad since high school but he never noticed her. She gave up and tried her best to move on nang grumaduate ito. If it was successful or not? She isn't that sure. Hindi niya in-expect na magkikita ulit silang dalawa sa isang university.
Tuluyan nang kumalas at nahulog sa sahig ang pinang-ipit niyang lapis sa buhok. Agad na nilipad ng hangin ang mahaba niyang buhok.
Naghihintay pa rin ang kamay nito na hawakan niya.
"C-Can I really hold your hand?"
Ngumiti ito at tumango.
"You can hold my hand whenever you want to, Sanna."
"Even forever?"
"F-Forever?" bahagya itong natawa. "Sige, forever na rin. 'Yon ay kung hindi ka magsawa sa mukha ko."
Hilam pa rin ng mga luha na ngumiti siya rito. Inabot niya ang kamay ni Thad and as soon as their palms touched ay mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palayo sa edge ng building.
Napasinghap siya nang dire-diretso silang bumagsak sa sementadong sahig. Ganoon din ang naging reaksyon ni Thad. Halos sabay silang napaungol na dalawa sa kabiglaan at impact nang pagkakatumba nila.
"Piste," Thad cursed under his breath. Napasinghap siyang muli nang mapansing nasa itaas siya nito at ito talaga ang mas napuruhan dahil ang likod at ulo nito ang humalik sa semento.
"S-Sorry!" Mabilis siyang umalis sa itaas nito at tinulungan itong makabangon. "Okay ka lang?"
Hawak-hawak ang likod ng ulo na tumawa ito. He was wincing in pain pero mukhang hindi naman nito 'yon masyadong iniinda.
"Okay lang. Malayo sa bituka pero mas malapit sa spinal cord," he chuckled.
"Sorry," paumanhin niya ulit. "Halika, samahan kita sa clinic para ma check ka." Akmang tatayo na siya nang pigilan siya nito. Hinawakan siya nito sa pupulsuhan. "Thad?"
"So you still remember me, ha?"
"Paano naman kita makakalimutan?" aniya sa mababang boses. "And you remember me as well."
"Paano ko naman makakalimutan ang unang taong nagsabi sa'kin na maganda ang mga drawings ko?" Napapatitig siya rito. Halos hindi siya makapaniwala. So Thad still remembers that day? "It's nice to meet you again, Susanna Evangeline Rama."
At naalala niya rin ang buong pangalan ko.
Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"You shouldn't do that again, Sanna." Thad glanced at her, parehong nakasandal ang mga likod nila sa barrier na pader sa rooftop kung saan binalak niyang tumalon.
"I'm sorry."
"Here." Inabot nito sa kanya ang isang bottled water at mamon. "Snacks ko sana 'to kaso baka gutom ka na," malumanay nitong dagdag.
Nahihiyang tinanggap niya ang inabot nito sa kanya. "Thank you."
Hindi niya inasahan na maalala pa siya nito. It's been more than two years simula nang huli niya itong makita. Hindi niya rin inasahan na sa Cebu Institute of Technology rin ito mag-aaral. Napansin na niya ito noong unang mga araw niya sa school kaso nahihiya siyang lumapit. At baka 'di na rin siya nito mamukhaan.
They've been acquainted but they never become friends. Naging precious memory na lamang niya sa diary niya ang pag-uusap nilang 'yon ni Thad sa labas ng P. Del Corro Building. He didn't seem interested to her. Naisip niya na baka nga pag-aaral ang priority ni Thad. May nabalitaan siyang may naging girlfriend ito noong third year raw pero lumipat na ng ibang school ang girl and since then, wala naman nang balita roon.
After that conversation she noticed how her admiration for him grew deeper in her heart. Hanggang sa hindi na niya namalayang pagmamahal na iyon. Sabi nga nila, kapag 'di naman umabot ng taon ang kagustuhan mo sa isang tao ay crush lang 'yon. But for her, it lasted 2 years and she's still counting.
Ang memory niya lang kay Thad ay noong sophomore siya at senior ito. May gap ng dalawang taon. Akala niya ay makakalimutan lang din niya ito pero wala na yata siyang ibang nakitang lalaki na mas hihigit pa kay Thad. He was the only boy that occupied her life and made her happy despite the disappointments she got from him.
Deep inside her, she had hoped that they've become friends, but it didn't happen. Hindi niya lang alam kung anong klaseng pag-mo-move-on ang ginawa niya dahil wala talaga siyang progress.
"Why?" basag nito. Nahinto siya sa pagbukas ng plastic ng mamon na hawak. "Sanna, why would you want to end your life?"
Her lips trembled, kahit anong pigil niya sa sarili ay muli na naman siyang naiyak. Mabuti na lamang at nakayuko siya rito. Her hair was enough to cover her cries. Pero nang maramdaman niya ang init ng yakap nito ay mas lalo lamang siyang naiyak. Her heart was in pain. Her mind felt so numb. She felt so tired. Ayaw na niyang mag-isip.
"It's okay." Hinagod nito ang likod niya. "It's okay. I'm here. Hindi mo kailangang sagutin ako agad. If crying will make you feel better then let it all out."
She sobbed on his chest until all the pain that bottled up inside her melted along with her tears. She had no one to talk to. She kept all her pain by herself. Pakiramdam niya ay napakaliit niyang tao at wala siyang silbi. She couldn't voice out her own opinion or even live her life on how she want it to be. She felt so trapped and the world was suffocating her. Pakiramdam niya ay matatapos lang lahat ng paghihirap niya kapag nawala siya sa mundo.
Her life would be a lot better when she ceased to exist.
But she never thought that a hug from someone could lessen the burden she felt inside. Pakiramdam niya ay may karamay siya sa paghihirap niya and it dissolves half of those negative emotions that tormented her earlier.
"I-I'm... sorry..." she sobbed.
"You don't need to be sorry. Your feelings are valid no matter what they are. And everything will be fine. I'm here."
She prayed for a miracle and Thad came at the right time.
NAMAMAGA PA RIN ang mga mata ni Sanna sa sobrang pag-iyak. Wala nga yata siyang naikwento kay Thad kanina. They had to separate ways dahil may exams pa sila sa araw na 'yon. Marahas siyang napabuga ng hangin habang naglalakad sa direksyon ng back gate. Mas malapit kasi roon ang inuupahan niyang bahay. Walking distance lang din.
It was past 5 pm on her watch at pauwi na rin halos ang mga estudyante.
"Sanna!"
Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya.
"Thad?" Namilog ang mga mata niya. Inayos muna nito ang dark blue na drawing tube nito papunta sa likod bago tinakbo nito ang pagitan na distansiya nilang dalawa.
Malapad ang ngiti nito sa kanya. "Pauwi ka na?"
Nagtataka man ay tumango siya. "Oo."
"Ihahatid na kita."
Sa sinabi nito ay mas lalo lang namilog ang mga mata niya. "B-Bakit?"
"Boring maglakad mag-isa. Tara." Sabay na silang naglakad. "Okay ka na ba?"
She nodded. "Medyo. Ikakain ko na lang 'to mamaya." Ngumiti siya to assure him.
"Malapit lang ba rito ang bahay mo? May alam akong karenderya na masarap at mura. Unless may naghihintay sa'yo sa bahay."
"Mag-isa lang ako sa bahay."
"Bed spacer?"
Umiling siya. "Hindi, bahay noong kakilala ng papa ko. Nasa ibang bansa na at 'di pa nabebenta ang bahay. Inupahan na muna namin hanggang siguro makatapos ako."
"Ah, okay." Binuksan ni Thad ang lalagyan ng tubig nito at uminom muna.
"E, ikaw? Kasama mo sina Jude at Simon?"
Tumango ito ay isinirado na water tumbler nito saka ibinalik sa bag. "Oo, bahay lang din. Tatlo naman kami kaya sakto lang. 'Yong Lola ni Simon ang may kakilala rito na malapit lang din sa school. Actually, kakalipat lang namin kahapon. Doon kami sa kabilang kalsada noong una kaso walang tubig at ang daming sira."
"Baka ma out of the way ka pa kung ihahatid mo pa ako. Okay naman na ako. Hindi mo na kailangan mag-alala."
Nakalabas na sila ng gate. "Saan ba daan mo?"
"Dito." Itinuro niya ang kaliwang daan.
Ngumiti si Thad. "Diyan din daan ko. Sabay na lang talaga tayo."
"Sure ka?"
Feeling niya kasi alibi lang 'yon ni Thad, but she appreciate the gesture. Akala nga niya ay kakalimutan na naman siya nito pero ito pa mismo ang nag-effort na hanapin siya. Kung tama nga ang assumption niya.
"Tamad ako maglakad kaya sigurado ako." Naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa kanyang bag sa likod at bahagya pa siyang itinulak palakad. "Madadaanan lang din natin ang karenderya."
"Sige, tinatamad na rin akong magluto."
"Mura at masarap mga ulam nila."
"Mukhang suki ka na roon ah."
He chuckled. "Halata ba?"
"Nag-assume lang ako." Hindi na maalis ang ngiti niya. "Nga pala, bakit 'di mo kasama sina Jude at Simon?"
"May band practice sila Jude. Simon dumiretso sa duty niya."
Kumunot ang noo niya. "Duty? Nagtatrabaho si Simon?"
Thad nodded. "Crew sa Jollibee. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho."
Namangha siya. "Talaga? May scholarship siya?"
"Mayroon naman. Halos wala na rin 'yong binabayaran."
"Pero bakit nagtatrabaho pa siya?"
Akala niya talaga mayaman si Simon. Actually, halos naman yata sa St. Catherine's – hindi man lahat – siguro majority may kaya talaga.
"Pride."
"Pride?"
Thad nodded.
She didn't press the topic further at mukhang pagdating sa private lives ng mga kaibigan ni Thad ay hindi ito masyadong nagkukwento sa ibang tao. Imbes na magtampo ay in-admire pa niya ito. Si Thad yata ang klase ng kaibigan na mapagkakatiwalaan talaga pagdating sa mga sekreto.
"Anyway, ano pala course mo?"
"Business Management," malungkot siyang ngumiti.
Napansin naman 'yon ni Thad. "Hindi ko na yata kailangang hulaan na hindi mo gusto ang kurso mo."
Bahagya siyang natawa. "Actually, hindi talaga ako magaling sa math."
"Hindi naman yata siguro puro math ang nasa syllabus ng kurso mo."
"Hindi naman pero 'di ko pa rin gusto."
"Pero hindi naman dahil may bagsak ka kaya mo naisip –"
Mabilis siyang umiling. "No, bearable naman sa'kin ang course kahit 'di ko gusto. Personal reasons."
Tumango-tango ito. "I see."
"Ang ironic ba?"
"Hmm?"
"Sinabi ko sa'yo na gawin mo ang gusto mo kahit na sa tingin ng iba ay hindi mo kaya." Ngumiti pa rin siya rito. "Kaso 'di ko siya na apply sa sarili ko."
"Lahat naman ng desisyon natin sa buhay ay may dahilan. I'll give you the benefit of the doubt."
"Thanks."
"Welcome." Ilang segundo silang natahimik bago ulit ito nagsalita. "Which makes me wonder. Ano ba talagang gusto ng isang Susanna Evangeline Rama?" Huminto ito bigla at napalinga sa paligid hanggang sa may itinuro ito. "Pero bago mo sagutin 'yan pumili ka muna ng ulam." Hinawakan nito ang pupulsuhan niya at hinila siya sa isang karenderya.
Naingat niya mukha sa signage.
"Mommy Soling's Kan-anan," basa niya. Ang cute!
Napansin na niya ang kainan na 'to noon kaso sa iba siya bumibili. Lagi kasing mahaba ang pila rito. Medyo malaki ang kainan na 'yon kumpara sa iba. May second floor pa nga. Saka dinudumog. Ngayon lang yata na wala pa gaanong tao.
"Swerte kasi wala pang tao." Itinulak siya ni Thad paloob hanggang sa bumungad na sa kanya ang iba't ibang putahe sa harap niya. Nakaalalay lang ito sa kanya kaya kahit medyo marami sila ay walang nakakasagi sa kanya. "Pili ka na. Bagong luto yata lahat."
Naglapat ang mga labi niya. Lahat ng ulam ay mukhang masarap. Madami nga siyang naririnig na good feedback sa karenderya na 'to.
"Try mo 'tong humba nila saka 'tong pancit." Tumango lang siya kay Thad. "Ate, tatlo nga nito." Mabilis naman ding tumalima ang babaeng nagbabantay. "Gusto mo ng rice?" Tumango lang din siya. "One rice?"
"Isa lang."
Natawa ito. "Sa aming tatlong tigdadalawa kami. Pero kay Simon nakakaubos 'yon ng limang extra rice."
"Nang hindi tumataba?"
"Isang malaking black hole ang tiyan ng isang 'yon," Thad chuckled.
"Rice?" tanong ng tindera.
"Isa sa kanya," turo ni Thad sa kanya, "Dalawa lang akin."
"Okay."
Taray naman nitong si Ate. Hindi man lang ngumingiti. Komento niya sa isip.
"Pakidagdag na rin ng dalawang lumpia, Ate."
"May iba pa?"
"Wala na po. Magkaiba po bayad niyan, ha? Thank you."
"Anong gusto mong softfdrinks? Libre ko na."
"Huwag na –"
"Masamang gumanti sa grasya. Sparkle or Jazz?"
"Sparkle."
"Ate, palagay na lang sa plastic ng isang Sparkle at Jazz. Salamat." Iginiya ulit siya ni Thad papunta sa cashier. Binibilang na nito at nilalagay sa bulsita ang mga pagkain nila. Inabot naman ng babaeng tindera kay Thad ang biniling softdrinks. Akmang kukunin pa lang niya ang wallet sa bag nang magsalita si Thad. "Ako muna magbabayad. Bayaran mo na lang ako bukas."
"Hindi, ako na –"
"Magpapabarya ako. Bukas mo na lang palitan." Inabot sa kanya ni Thad ang softdrinks niya saka binuksan ang wallet nito na kinuha nito mula sa bag nito. "Ipaalala mo na lang sa'kin." Ngumiti ito sa kanya bago inabot sa matandang babae ang bayad. Pagkabalik ng sukli ay inabot nito sa kanya ang isang bulsita. "Tara na."
Pinauna ulit siya nito at nakasunod lang sa kanya. Nang makalayo sila ay napapadikit siya kay Thad sa takot na mahagip ng mga jeep kaya nagulat siya nang pasimple nitong pinagpalit ang puwesto nila. Pigil niya ang mapangiti nang malaki.
"Nga pala, saan na nga pala tayo?"
"Nasa daan."
Malakas itong natawa. "Not that."
"It was a joke," she chuckled.
"Naalala ko na. Tinanong kita kung anong gusto mo."
"Fine arts," mabilis niyang sagot.
"Fine arts," he repeated. "Meaning, mahilig ka sa arts?"
"Nagpipinta ako."
He was taken aback but more like an amuse look. "Really? So anong ginagawa ng isang artist sa business management?"
"'Yon ang gusto nila."
"Nila? You mean your parents?"
Tumango siya. "Maliban doon ay wala na."
"I'm sure you tried talking about it with them." She nodded. "At 'di mo nabago ang isip nila?" Tumango ulit siya. "I think it's unfair."
"'Yon ang gusto nila e."
"Wala bang ibang ways na makapag-shift ka?"
Umiling siya. "Wala." At hindi puwede.
"I see."
"Kaya tatapusin ko na lang." Pilit siyang ngumiti rito. "Let's see what will happen after that. Bahala na." She sipped on her drink.
"Do you still paint?"
She nodded. "I brought all my things with me."
"I'd like to see one of your works if that's okay with you. I'm just not comfortable with the idea that you're letting your talent sit alone in a corner if you're that good."
"Puwede ko pa rin naman siyang gawing hobby."
"Pero iba pa rin 'yong pinag-aaralan mo ang gusto mo at in the future nagpagkakakitaan mo."
Napangiti siya. "Naalala ko 'yong sinabi ko noon sa'yo."
"Ikaw ang unang nagpa-realize sa'kin sa mga bagay na tini-take for granted ko lang noon. Tignan mo ako ngayon. Malapit na akong magsisisi kung bakit ako kumuha ng architecture. Isang bala na lang bulagta na ako."
Natawa siya dahil alam niyang nagbibiro lang si Thad. Alam niyang mahirap ang architecture pero kinakaya pa rin nito dahil 'yon ang gusto nito.
"Pero seryoso, Sanna, alam ko namang it's easier said than done. And I won't pressure you on that. Pero 'di mo kailangang isarili lahat. Nandito ako. Puwede mo akong lapitan kapag kailangan mo ng tulong o kailangan mo ng makakausap."
Nakaramdam siya ng saya sa mga salitang 'yon mula kay Thad. Mas lalong gumaan ang pakiramdam niya.
"Kung nahihirapan ka sa math sabihan mo ako at papatulong tayo kay Simon. Kinain no'n buong calculator noong bata. Kahit nakapikit masasagutan niya 'yan."
Lalo tuloy siyang natawa.
"And Jude, I'm sure he can help you too."
"Thanks, Thad."
"Malaki ang naitulong mo sa'kin, Sanna, kaya huwag mong isiping walang taong nagpapahalaga sa'yo. Hindi man halata pero tandang-tanda pa rin kita kahit halos dalawang taon na ang lumipas."
Napansin na niya ang arko ng maliit na subdivision kung na saan ang bahay niya. Napansin na rin siya ng guard.
"Dito na ako. Salamat sa paghatid, Thad... at sa libre." Iniangat niya ang hindi pa nauubos na Sparkle.
"Welcome." Umangat din ang tingin nito sa arko. "Dito ka nakatira?"
Tumango siya. "Sa Santo Niño Village." Semi-private nga lang 'yon. "Malapit lang din ba rito ang bahay n'yo?"
Lumapad ang ngiti nito na animo'y namamangha. "Actually, dito rin kami lumipat."
Namilog nang husto ang mga mata niya. "Seryoso?"
"Walang biro," he chuckled.
Hala!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro