Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

DAY 11

NAUBOS NA YATA ang energy nila and it's past 11 pm already. They all agreed na 12 am na ang pinakamatagal nila. Hindi na raw puwede lumagpas kung hindi, 'di raw sila maganda sa kasal bukas lalo na ang bride. LV will stay with Chi for the night and 'yong buong team dadating sa Faro ng 5 am.

"Mari, kumusta naman kayo ni Jude?" tanong ni Chi, medyo nahimasmasan na. Mellow music na lang ang background music nila at halos silang lahat ay nakabalot na ng comforter. "Malapit na rin kayong ikasal."

Ngumiti si Mari.

Isa rin talaga si Mari sa sobra siyang nagagandahan. She's really a complete contrast of Jude. She doesn't want to compare Faith to Mari dahil pareho naman silang maganda at mabait. Natutuwa lang talaga siya sa tuwing nahuhuli niya si Jude na nakatingin kay Mari kapag wala kay Jude ang atensyon nito. Ngumingiti pa ito bigla at natatawa saka biglang yayakap kay Mari na parang bata.

"Masaya ako sa totoo lang." Ramdam niya ang saya sa boses nito. "He's not perfect, but I love how every day he always try to become the better version of himself. Saka sobrang sweet niya talaga ngayon at tuwang-tuwa ang kambal sa daddy nila. Puwede ko lang iwan ang kambal sa kanya anytime kasi napapatahan niya naman."

May alam na siya kaunti sa love story nila Jude at Mari pero 'di pa talaga niya nakukuha ang buong detalye. Parang summary lang din kasi ang sinabi ni Thad.

"Aww," halos silang lahat 'yon ang reaksyon.

"Mahal na mahal ko 'yon kahit na ang gastador. Nako, alam ko namang marami siyang pera pero grabe. Nanggigil talaga ako. Magastos din naman ako pero 'di na gaano ngayon because of our expenses pa lang sa twins, but si Jude? Ewan."

Natawa silang anim.

"Matagal na siyang ganyan," singit niya. "Alam n'yo kahit noong college pa kami ganyan talaga si Kuya Jude. I remember, may tig-isang cupboard cabinets sila sa inuupahan nilang bahay. Si Kuya Simon at Kuya Jude nangunguna sa paramihan ng stocks. Takot na takot magutom ang dalawang 'yon." Hindi niya maiwasang matawa habang inaalala ang mga araw na 'yon.

"Talaga?" Napukaw na rin niya ang curiosity ni Mari at ng iba.

Tumango siya. "Oo, si Thad kasi ang man of the house. Siya 'yong nag-reprimand sa dalawa sa mga gastos nila sa bahay. Although that time, parents talaga nila nagbabayad ng renta kahit silang tatlo not in good terms sa mga ama nila. Common denominator na nila 'yong tatlo. Pero si Kuya Si, may Lola Simona naman siyang maalaga. Si Kuya Jude, laging pinagsasabay academic at pagkanta. Si Kuya Si rin, working-student at crew sa Jollibee. Si Thad halos tumatao sa bahay kapag wala ang dalawa."

"Oh!" manghang react ni LV. "I think I've misjudged Simon unfairly. Mukha kasi siyang happy go lucky. My bad."

"Ganoon lang talaga siya. Laging nakatawa at nakangiti but he's also sad like Jude and Thad. Hindi nga lang siya talaga makuwento." Mapait siyang napangiti. "Kaya nga siguro nag-click silang tatlo because they found genuine connection with each other. Lucky for Kuya Si because he had Lola Simona. Si Lola rin ang tumayong family naming apat."

But sadly, Lola Simona is no longer here.

"Thad wasn't able to graduate on time," she continued. "Sina Kuya Jude at Simon lang. Nagkaproblema kasi sa thesis si Thad. Kaya na extend siya. 'Yon 'yong pinaka down moment niya talaga. Noong time rin na 'yon, nakipagsapalaran ang Queen City sa Maynila. Kung anu-anong gig pinapasukan kasi pinutol na rin ng papa ni Kuya Jude ang allowance niya. Simon had to work and review for his board exam at the same time.

"Si Thad, kung anu-ano na lang din sina-sideline niya para kumita ng pera. Galit na galit ang papa niya kasi 'di siya grumaduate on time kaya 'yong tuition fee lang ang binayaran nito, the rest, pati ang rent, si Thad na ang gumawa ng paraan. Pero buti nandiyan din sina Kuya Jude at Kuya Simon kasi sila rin talaga umako ng mga extra bills na 'di kayang bayaran ni Thad noon kahit hirap na hirap din sila. I love that they always have each other's back kahit na may kanya-kanya rin silang problema."

Bahagya siyang natigilan.

Although na ikuwento na 'yon ni Thad pero parang galing naman sa mga memories niya ang mga 'yon. May nakikita siyang mga imahe na wala naman noon. Nagpi-play 'yon sa utak niya na para bang matagal na 'yon sa isip niya.

Is she regaining some of her memories back?

"Isa talaga sa hinahangaan ko sa tatlong 'yan, 'no? 'Yong pagkakaibigan nila at dedikasyon sa mga pinili nilang buhay," sabi ni Chi. She ignored muna ang naisip kanina. "Aba'y kasing tibay rin yan nila Noo at Ser. Nila Vier, Iesus, at Sep. 'Yang mga 'yan. Mga subok na ng alak at sama ng loob. For richer and for poorer 'till drunk do as part. Ganern!"

Natawa silang lahat kay Chi.

"Ang ganda kaya nang ganyang friendship," komento ni Amora. "Sobrang rare na makahanap nang ganyan ngayon. 'Yong tatanda kayong magkasama kahit na iba-iba naman kayo ng paniniwala at ugali."

"Agree!" sang-ayon ni LV.

"Mas masaya na may kaibigan," dagdag ni Mari. "Lalo na kapag totoo. Gumagaan ang problema kasi may mapagsasabihan ka rin." She smiled after, saka mas lalong iniyakap ang braso sa braso ni Aurea.

"Alam n'yo, scammer lang ako pero hindi talaga ako nagkaroon ng circle of friends," kuwento ni Au. "Aside sa marami akong iniintindi sa buhay ay wala rin akong time para gumala talaga with classmates noon. Kaya wala akong naging close. Well, maliban kina Cliff at Cloe. Kaya seryoso, ang saya ko nang makilala ko si Chi... then si Mari."

"Awww..."

Lahat sila napangiti.

"Dumating din naman ako ah. 'Di ka naging masaya?" reklamo pa ni Maha.

Tawang-tawa si Aurea. "Noong dumating si Niña, oo."

"Yaaaaa!"

"Ang cute n'yo naman dito," ni LV. "Tapos mga soon to be brides pa kayo ng mga Faro Boys n'yo."

"Maliban diyan kay Maha," pang-aasar pa lalo ni Chi. "Nandito lang 'yan kasi may kapatid siyang Faro Boy."

"Priscilla, what's your problema ba? Inaaway mo ako lagi tapos when you're malungkot you make calls to me. Maha, punta ka rito sa rooftop, shot tayo," ginaya pa nito boses ni Chi. "Maha, puntahan mo ako, bili kang ice cream. Maha, ang lungkot talaga sunugin mo bahay ni Iesus. Luh."

"Hoy! May balak kayong sunugin bahay ni Boss Iesus?" gulat na react ni Amora.

"Hindi pa sa ngayon," sagot ni Maha.

Tawang-tawa si Chi. "Gaga! Ikaw lang naman single rito. Alangan naman isturbuhin ko mga may bahay e busy 'yon sa mga asawa at anak nila? Magtiis ka rito. Binigyan kitang role para magkasilbi ka rito."

"Wow, so I should be thankful pa na you make me your utusan lagi pero iniiway mo naman ako always? Go-ma-wo-yo." Lalo silang natawa kasi sobrang sarcastic ni Maha.

"Teka, single rin naman 'tong si Amora ah?" LV asked, nakataas ang isang kilay.

"Exclusive 'yan sa pinsan ko. 'Di ko 'yan puwedeng kulitin na 'di niya day off. Pinapasahod ka, 'di ba?"

Natawa si Amora. "Oo, may monthly ako kay Boss Iesus. Saka allowance na rin."

"Sure kang secretary ka niya o sugar baby?"

"Hoy, huwag kayong ganyan! Huwag n'yo naman pag-isipan nang masama si Boss Iesus. Kahit na mahirap intindihan ang mga pinapagawa niya sa'kin ay mabait pa rin naman siya. Lalo na kapag tulog." Natawa ito pagkatapos. "Huwag n'yo lagyan ng malisya. Malinis ang hangarin namin sa isa't isa."

"Talaga, Sister?" tudyo pang lalo ni Chi.

"Oo nga, nakikita 'yon ng Dios."

"Pero 'di namin nakikita," asar pang lalo ni Chi.

"Gaga ka talaga, Chi," singit ni Aurea, tawa nang tawa. "Tigilan mo na 'yan si Amora."

"Hindi may pagdududa talaga ako rito e."

"Basta malinis ang intensyon ko."

Naniningkit ang mga mata na may gigil na kinagatan ni Chi ang hawak nitong stick-o. "I'm watching you from afar, Sister."

Natawa lang si Amora. "Bantayan din daw kita sabi ni Boss."

Ang lakas ng tawa nina Maha, Aurea, at Mari.

"Amora, 1. Chippy, 0," score pa ni Maha.

"Amora, ba't ka umamin?" ni Aurea. "Magtatago na naman 'yang dalawa."

"Handa na nga ako sa baby number 3 namin ni Jude," dagdag pa ni Mari. "Kailan ba talaga kayo aamin?"

"Wala! Walang kami! Manahimik kayong lahat!"

"Hahaha!"


DAY 12

"MAGANDA BA?"

Nakagat niya ang ibabang labi bago napangiti. Umikot pa siya sa harap ni Thad. Sumasayad talaga sa sahig ang suot niyang maroon halter dress kahit naka heels na siya. Last minute na siyang naidagdag sa bride's maid list ni Niña pero nahanapan pa rin siya ng gown. She loved the design, simple, but very classy.

"Huh?" Napakurap si Thad.

Hindi yata nakikinig sa kanya.

Natawa siya. "Sabi ko, maganda ba?"

Inilugay lang din ang mahaba niyang buhok at kinulot nang bahagya. Ang cute nga ng pa flower crown niya. Gusto rin niya ang makeup niya. Hindi makapal, very natural. Mas nag-mature siya nang kaunti.

"You look beautiful," sa wakas ay sagot ni Thad na nakangiti.

He also looked so handsome in that khaki colored two piece suit. Isang red rose ang naka insert sa front pocket ng suit nito. Also matched with his maroon necktie. Clean cut ito ngayon. Nagpagupit noong isang araw pa. Sinama nga si Art. Kaya matching hair ang mag-ama.

"First time ko um-attend ng wedding. Alam mo dati, gusto ko talaga maging flower girl. Pero wala namang nag-invite sa'kin." She chuckled. "Kaya 'di na rin ako umasang maging bride's maid."

Kumunot ang noo ni Thad. "You remember?"

Namilog ang mga mata niya. "Ang alin?"

"Kailan mo naisip 'yan? Ang maging flower girl?"

Natigilan siya.

Hala, oo nga! Napasinghap siya. Nagtama ang mga mata nila ni Thad. They have the same wonders. Parang ito rin 'yon nangyari kagabi.

"I don't know." Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Bigla lang pumasok sa isip ko pero 'di naman malinaw."

"Maybe you're regaining your memories back." He stepped forward. Napaayos siya ng tayo. Akala niya ay kung anong gagawin nito. Inayos lang pala ni Thad ang flower crown sa ulo niya. "But don't pressure yourself. Baka mas madali na maibalik ang mga memorya mo kapag 'di mo iniisip."

"Baka nga..." She sighed.

"There." He smiled saka tinignan siya. "Mas maganda. Tabingi kanina."

Napangiti na rin siya. "Ang gwapo mo riyan sa suot mo."

Inosenteng namilog ang mga mata nito. Ang gwapo talaga. Kainis!

"Talaga?" he chuckled. "Mas gwapo pa sa groom?"

It was her turn to laugh. "Mas gwapo pa."

"Mommy!" Napasinghap siya sa yakap ni Art sa baywang niya. Umangat naman ang tingin nito kay Thad. "Daddy!"

Aww! Ang cute ni Art. Little Thad na little Thad.

Same color ng suit ni Thad but only the slacks and vest. White long sleeved ang under sa vest nito at may maroon na bowtie.

"Say cheese!"

Sabay silang napalingon sa pinaggalingan ng boses. Bigla namang nag flash ang camera kaya alam niyang gulat ang mukha nilang tatlo roon.

"Jam!" naniningkit ang mga matang tawag ni Thad dito.

Jam chuckled. "I still have your stolen shots kanina. Hindi n'yo lang napansin. I'll send it to you later kaya huwag ka na mainis sa'kin Arki."

Hindi lahat kasama sa Grooms Men. In-divide lang talaga by pair para raw balance. So hindi kasama si Jam, but he's in his semi-formal attire. Ang sabi sa kanya ni Au ay si Jam din daw ang host mamaya sa reception.

Ang bride's maid ni Niña ay sina Mari, Chippy, Aurea, Amora, at siya. Then, Jude, Simon, James, and Mathieu. Si Maha ang maid of honor at si Tor ang best man.

"By the way, you all look great. Isa pa nga, 'yong nakaharap kayo. Thad liit, sa gitna ka ng Mommy at Daddy mo." Sumunod naman si Art. "Very good. Now, Daddy, move closer kay Mommy, then wrapped one arm around Mommy's waist."

"What is this for?" reklamo ni Thad.

Pigil niya naman ang ngiti.

"Gawin mo na lang. Mas marunog ka pa sa photographer."

Thad moved closer, yumakap ang isang braso nito sa kanyang baywang. Siya naman iniyakap niya ang dalawang kamay sa may leeg ni Art. Nakadantay ang isang kamay ni Thad sa isang balikat din ni Art.

Lumapad ang ngiti ni Jam habang inaangat ang camera nito sa mata. "Hayan, ganda! Huwag na gumalaw. Apostol family, ngiti lang. One. Two. Three. Art!"

"Art!" masiglang sigaw ni Art.

Pero kahit 'di sila sumabay alam niyang ang laki ng ngiti niya at ramdam niya rin ang ngiti ni Thad.

"Isa pa." Itinaas ni Jam ang kamay biglang signal. "One. Two. Three. Art!"

Nabigla lang siya sa pagkakataon na 'yon dahil hinalikan siya bigla ni Thad sa sintido niya. It felt like her heart skipped a beat. Hopefully, she looked okay sa photo. Sana 'di mukhang gulat ang ngiti niya. Si Thad kasi pabigla-bigla.

May ngiting tinignan ni Jam ang screen ng camera nito. "Sana all!"

"Tito Jam, patingin po!"

Natawa si Jam. "Come here!"

Kumawala sa kanila si Art at mabilis na lumapit kay Jam. Thad chuckled beside him. Pinaningkitan niya naman ito ng mga mata nang iangat niya ang mukha rito.

"Para saan 'yon?" she confronted Thad.

Inosenteng tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. "Wala, dumikit lang."

"Anong tingin mo sa sintido ko magnet?"

Namulsa ito, bahagyang ikiniling ang ulo sa kanan, may pilyo pang ngiti. "I just remember something." Umayos na ito ng tayo. "I need to find Simon."

Iniwan na siya nito.

"Hoy! Bumalik ka rito."

"Mamaya na."

"Daddy sama po ako!"

Tumigil si Thad sa paglalakad para hintayin si Art. Napangiti siya nang hawakan ni Art ang inilahad na kamay ng daddy nito. Height and age difference lang talaga pinagkaiba ng mag-ama niya. But almost everything alike.





NIÑA IS GLOWING BRIDE.

Napakaganda nito sa wedding dress. Bagay na bagay talaga sina Niña at Balti. Nakikita niya talaga ang pagmamahal ng dalawa kahit na madalas na hahampas ni Niña si Balti kasi ang kulit.

Halos tawa at asaran lang yata kanina sa before the wedding photoshoot nila sa Faro. Although she's with the bride's team ay panay naman text sa kanya si Thad. Magkaibang van kasi sila. Art is with Thad naman, hindi na rin siya nag-worry.

Pagdating sa simbahan, doon siya lalong namangha. Lalo na nang maglakad si Niña sa aisle ng Basilica del Santo Niño. Naiyak din siya gaya nila Mari. Pero mapang-asar kasi rin si Chi kaya nauuwi sa mahinang tawa.

"Bartholomew Juarez did not believe in magic not until he met Nina Rosella... and she taught him the right spell of love... Nina."

Napatingin siya sa direksyon ni Thad. Actually kanina pa 'to naglalaro sa isip niya. 'Yong feeling na masaya ka sa kasiyahan ng iba, but deep inside, you also longed for the same thing in your life.

She also want the same happiness.

Pakiramdam niya, ganoon siya. Laging naghahangad na maramdaman ang saya na mayroon ang ibang tao. Para bang buong buhay niya nanlilimos siya ng pagmamahal pero 'di naman naibibigay sa kanya.

She wondered if Thad really loved her before they grew apart.

Sa reception, magkasama na silang tatlo. The reception was held in Chateu de Busay, isang garden reception sa hill part ng Cebu. Hindi niya sure if mayroon na nito noon. But it took her breath away.

Manghang-mangha siya sa sobrang ganda ng reception. It's like an enchanted garden at may mga books pang nakasabit sa mga puno. She's just not sure if real books ang mga 'yon or mockup lang.

What amazes her ay ang buffet table, ang mga drinks at mga glasses na ginagamit ay parang lalagyan ng mga magic potions. Naalala niya ang setting ng Harry Potter na movie. Nagbabasa rin naman siya noon.

Naalala niya ang hawak na libro ni Art kanina habang naglalakad sa aisle. Customized book 'yon na may love story title nila Niña at Balti. Nandoon sa loob ang wedding rings. Kaya noong mag-exchanged rings kanina. Binuksan pa ni Balti ang libro para makuha ang mga singsing.

"Sinong magsasabing rush ang kasal na 'to?" manghang tanong niya, kanina pa siya nakangiti.

"Ako, hindi ako maniniwala," Thad chuckled.

Naibaling niya ang tingin kay Thad. "Pero ang worth it."

"Mahal 'to malamang, but I wouldn't mind spending this much if ganito rin naman ang ibibigay sa'yo ng team nila LV. It's worth the money, to be honest." He smiled. "Art, dito ka lang." Hinila ni Thad ang vest ni Art nang akmang tatakbo palayo sa kanila.

Natawa siya, muntik pang mahatak nang tuluyan ni Art si Thad.

"Daddy, I saw cupcakes there po. I want one."

"Later."

Nag-puppy-face si Art. "Daddy, I'm hungry na po. Please."

"Fine," suko ni Thad. "But stay here with your mommy. Ako na ang kukuha."

"Halika, Art," aniya. She welcomed him in her arms nang lumapit sa kanya. "Thad, dalawahin mo na," she chuckled. "Nagugutom na rin ako e."

Napakamot ito sa noo. "Talaga naman."

"Please?" sabay pa nilang dalawa ni Art.

Sa huli ay napangiti na lang ito. "Fine."

"Thank you, Daddy," sabay ulit nila ni Art.

Natawa lang si Thad. "Mag-behave nga kayong dalawa."




"FOR A TWIST, as requested ng ating gwapong groom." Jam chuckled. Natawa naman silang audience sa pagturo ni Jam kay Balti. "Ser, your wish is my command. Alam mo namang pagdating sa loyalty ay maasahan mo ako riyan. Sige na, sila na mag-a-adjust." Itinaas nito ang hawak na transparent glass fish bowl. "Dahil nga walang gustong mag intermission number. Naisip ni Ser na magbunot-bunot na lang."

"Walangya ka Ser!" sigaw ng mga kaibigan nito.

Tumayo si Balti at hinarap ang mga kaibigan nito. Inabutan ito ng mic ni Jam. "You're welcome. Alam ko namang prepared kayo. Nahiya lang kayong magsabi. Ako na. Ako na mag-a-adjust."

Tawang-tawa sila.

Si Thad naman napailing habang tutop ang noo.

"Gago talaga 'tong si Bartholomew," narinig pa niyang bulong ni Thad sa sarili.

"Don't worry, guys. Ang mga pangalan na nandito ay exclusive for Faro Boys only. The rest, makakahinga kayong maluwag. Inhale. Exhale. But Faro Boys, good luck." Lalo lang lumakas ang tawanan. "Anyway, para sa unang Faro Boy na matatawag dito sa stage. It's your time to shine." Bumunot na si Jam. May drum roll pa sa background. "Handa na kaya siyang ipakita ang galing niya sa mundo?" Hindi pa binubuksan ni Jam ang nabunot nitong naka fold na maliit na paper.

Hindi niya naman maiwasang tignan si Thad, halatang tensyonado. Matagal na siguro 'tong hindi kumakanta.

"Mag-relaks ka nga," nakatawa niyang sabi rito.

"Wala sa usapan namin na may pa ganyan. Loko talaga ang 'sang 'yon."

"Madami naman kayo. 'Di ka mabubunot."

"Iesus Cloudio de Dios!"

Naghiyawan ang mga kaibigan nito. Pati si Thad nagulat at natawa pagkatapos. Hinahatak na ni Balti si Iesus mula sa upuan nito.

"My lord!" sigaw ni Simon.

Tawang-tawa silang mga audience sa magkakaibigan. Dalawa na humahatak kay Iesus. Sina Balti at Simon. Hanggang sa makaakyat ito sa stage.

Tawang-tawa pa rin si Jam. "Sus, anong feeling na ikaw ang unang natawag para sa recitation?" Itinapat nito ang mic kay Iesus.

Iesus doesn't seem mad. Napapailing na nga lang ito habang natatawa sa sitwasyon nito. "Seryoso ba talaga kayo?"

"Hindi, joke lang 'to. Puwede ka na ulit bumaba, my lord." Natawa ulit sila. "Thank you for your life changing participation."

"My lord namin 'yan!!" hiyaw pa ni Sep mula sa audience.

"Iesus! Iesus! Iesus!" chant pa ng mga kaibigan nito.

"Pero paano ba 'yan, my lord? Madami ka pa lang fans dito. Bibiguin mo ba sila?"

Iesus chuckled. "Walangya."

Inabutan ng extra pang mic ni Jam si Iesus.

"Any song will do. Hindi ka namin i-ba-bash kahit pangit boses mo."

Bumuga ng hangin si Iesus at napakamot sa noo. "Sige. Isang kanta." Naghiyawan ulit sa audience.

"Iesus Oppa!" sigaw ni Maha.

"Iesus give us gold!!" segundang sigaw ni Simon.

Nagtawanan na naman sila.

"Jude, come here," tawag ni Iesus kay Jude.

Umakyat naman agad si Jude. May kung anong binulong si Iesus dito. Ngumiti si Jude at nag-thumbs-up. Mayamaya pa ay inabutan itong gitaras ng isa sa mga backstage staff.

"Anyway, 'di naman sinabi sa guidelines na bawal ang call a friend," ni Jam. "Hindi ba, Ser?" Nag-thumbs-up si Balti. "So, it's fine."

Nilagyan ng mic stand si Iesus habang ina-adjust ni Jude ang tune ng gitara nito sa likod.

"Sus, anong kanta ba kakantahin mo ngayong gabi para sa bride and groom?"

Ngumiti si Iesus. "A favorite of mine."

"Ohhh, a favorite of mine? Sino kumanta niyan?" Inosenting tanong ni Jam.

Natawa si Iesus. "Huwag mong iliteral, Jameson Erik."

Tawang-tawa si Jam. Pati sila. "Loko ka Sus. Ayusin mo naman pagsagot. Kaya pala 'di ko alam."

"Okay na ako, Sus!" ni Jude.

Nag-thumbs-up na rin si Iesus.

"Dearest audiences, prepare to be amazed to our mysterious landlord, Iesus Cloudio de Dios! A hand of applause, please." Nagpalakpakan silang lahat at bumaba na rin sa stage si Jam.

Maya-maya pa ay pumailanlang sa paligid ang pamilyar na kanta. Accoustic version nga lang ng kantang 'yon. Napangiti siya lalo na nang magsimulang kumanta si Iesus.

"The hardest thing I've ever done is keep believing."

Lahat yata sila natulala sa lamig ng boses ni Iesus. No one expected him to sound so good. Iesus may not be as good as Jude, but he has a voice. Distinct, husky, and deep. Pero malamig pa rin pakinggan.

"There's someone in this crazy world for me. The way that people come and go. Through temporary lives. My chance could come and I might never know."

Tumayo si Balti at inaya si Nina na magsayaw sa gitna ng dance platform habang kumakanta si Iesus. Lalo siyang napangiti.

"I know I need to be in love. I know I've wasted too much time. I know I ask perfection of a quite imperfect world... And fool enough to think that's what I'll find..."

"I suddenly remember something," basag ni Thad sa tabi niya.

Nakangiti ito nang ibaling nito sa kanya ang tingin. "Ano?"

"May theme song pala tayo noong naging tayo," he chuckled. "Uso 'yon noon. Dapat may theme song."

Natawa siya. "Huwag mong sabihing ako na naman nag-suggest?"

"Hindi naman. Na open up mo, pero ako ang pumili. Actually, mutual agreement ang nangyari." Natigilan siya nang abutin ni Thad ang isang kamay niya. Tinignan lang nito 'yon at parang dinama. "Your hands are cold."

Nakasampay na sa balikat niya ang blazer ni Thad pero nalalamig pa rin talaga siya.

"Malamig e," she chuckled.

Inangat nito ang mukha sa kanya at ngumiti. "I'll make it warm." Namilog ang mga mata niya. Thad tenderly laced his finger with hers. Agad niyang naramdaman ang init ng palad nito sa kanya. "Lamigin ka na talaga kahit noon. Hindi lang isang blazer ang kailangan mo. Dapat marami."

"Pero 'di naman ako sakitin." Sa pagkakaalala niya.

"Hindi, pero lagi kang nababahing sa lamig. Namumula agad ang ilong mo."

Napahawak tuloy siya sa kanyang ilong. Malamig na rin 'yon. "Napapangitan ka sa'kin noon?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi."

Natawa siya. "So nagagandahan ka sa'kin kahit namumula ilong ko?"

Thad suppressed a smile. "Gusto mo lang marinig sa'kin na nagagandahan ako sa'yo."

"Kasi feeling ko ayaw mo lang aminin pero nagagandahan ka talaga sa'kin."

Thad chuckled. "The confidence. Wow!"

"Edi, huwag." Ibinaling na lamang niya sa harap ang tingin.

"Wala namang araw na 'di ka maganda," sagot nito mayamaya, pagbaling niya rito ay nasa harap na ang tingin nito.

Napangiti siya.

She tried to moved her chair closer para maisandal ang ulo sa balikat ni Thad. Hindi niya alam pero feeling niyang nakangiti si Thad kaya siya kinikilig.

Napansin niyang humiga na rin si Art sa kandungan ni Thad. Marahang hinaplos nito ang buhok ni Art.

"Sleepy?" Thad asked Art.

Art gently nodded his head. Lalo lang siyang napangiti.

She love this.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro